Script (ESP)

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Script (ESP)

Sitwasyon 3

Isang kabataang babae ang natagpuang hinalay at pinatay sa inyong barangay. Narinig mo sa
isang usapan na isang grupo ng mga kabataan ang siyang may gawa nito. Nadatnan mo sa inyong bahay
ang iyong kapatid at mga barkada nito. Pinag-uusapan nila ang nangyayari at narinig mo ang ginawang
partisipasyon sa krimen ng iyong nakatatandang kapatid. Nagkaisa sila na walang aamin sa kanilang
ginawa dahil hindi nila inaasahang hahantong sa ganun ang lahat at isa pa ay lasing sila nang isagawa ang
krimen. Ang kuya mong ito ang nagpapa-aral sa iyo. Ano ang iyong gagawin?

Miyembro: Props:

Jul Camera

Manaloto Mikropono

Maranan Upuan

Moranta

Noche

Jadloc

Peralta

Ramos

Sandig

Reporter (Maranan): Nagbabalita, may isang napagkamalang hinalay at pinatay na dalaga ng mga lalaking
kabataan dito sa barangay Dimagiba. Sa kasalukuyan, hindi pa rin nahahanap ng mga pulisya kung sinong
suspek sa krimeng ito.

Narrator (Ramos): Habang papasok sa bahay si Jamaica ay may narinig siyang hindi niya mismo
inaasahan.

Boy 1 (Sandig): Halos lahat ng nangyari sa babaeng iyon ay nagsikalat na sa ating lugar.

Boy 2 (Peralta): Paano na tayo? Paano kung mahuli tayo ng mga pulis?

Kuya (Jadloc): Hindi tayo pu-pwedeng mahuli, Noel. Pinapaaral ko pa ang kapatid ko.

Boy 1 (Sandig): Ganito na lang, magkasundo tayong tatlo na ilihim na lang lahat ng ito at ibaon sa
nakaraan.

(*/ ang tatlo ay nagsi-tunguan ngunit kita sa mata ng Kuya ni Jamaica ang pag-aalinlangan. Ito’y napansin
ni Peralta at agad siyang tinanong.)
Boy 2 (Peralta): Ano, Andrew? Payag ka naman diba? Sa’yo na mismo nanggaling na kailangan ka ng
kapatid mo.

Kuya (Jadloc): Sige, basta kahit anong mangyari walang aminan na magaganap.

Narrator (Ramos): Sa pagka-gulat ni Jamaica, agad nagbago ang kaniyang emosyon at napa-takbo.

Kapatid (Moranta): Ano na ang gagawin ko? Dapat ko bang isumbong ang mga ito sa pulis? Dapat bang
kausapin ko muna si kuya tungkol sa nalaman ko?

Narrator (Ramos): Sa kaniyang lalim na pag-iisip ay hindi niya namalayan ang pagdating ng kaniyang
kaibigang pulis.

Kaibigan (Manaloto): Jamaica? Anong nangyari sayo? Bakit ka nandito? Alam mo na ba ang kumakalat na
krimen sa ating barangay ngayon?

(*/ nagulat si Jamaica)

Kapatid (Moranta): Wala, Sophia. May iniisip lang ako.

Kaibigan (Manaloto): Ano iyon?

(*/ may pag-aalinlangan sa mukha ni Jamaica)

Kapatid (Moranta): Sophia, kapag may nalaman ka na alam mong labag sa batas. Halimbawa na lamang
na ako iyon. Ano sa tingin mo ang dapat gawin? Magsusumbong ka bas a mga pulis?

Kaibigan (Manaloto): Bakit mo naman naitanong ‘yan? Pero kung ikaw? May nilabag sa batas at ano ang
gagawin ko? Siyempre, dapat dun tayo sa tama, Jamaica.

Kapatid (Moranta): Kahit na sobrang ka-close mo ako at kaibigan pa?

Kaibigan (Manaloto): Oo naman. Batas ay batas, Jamaica. Pero kung inosente ka talaga edi tutulungan
kita. Kung guilty ka naman siyempre kahit anong mangyari ay nasa tabi mo pa rin naman ako.

Kapatid (Moranta): Salamat, Sophia.

Narrator (Ramos): Sa kanilang pag-uusap na iyon, kaniyang napagtanto na kahit anong mangyari may
kamalian pa rin ang kaniyang Kuya at ang mga kaibigan na ito. Napagdesisyunan niya na isumbong ang
mga ito sa pulis kahit ito’y masakit sa kaniyang damdamin.

(*/ ika-kadena ni Sophia ang tatlo.)

Kuya (Jadloc): Jamaica? Sophia? Anong kahibangan ‘to?

Kapatid (Jamaica): Pasensya ka na, kuya. Ngunit ito ang tama at akin itong paninindigan.

Narrator (Ramos): Sa huli, kahit papaano ay naging magaan ang pakiramdam ni Jamaica. Alam niyang
ang pangyayaring ito sa kaniyang buhay ay napakabigat ngunit ang mga ito ay hindi sapat para siya’y
mabigo sa kaniyang pag-aaral at mga pangarap.

You might also like