Untitled Document

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Aking Pangarap

Nina Althea O. Borje

Saan ba ako papunta? Ako’y litong lito!


Naku, naku, naku! Andito nanaman tayo.
Simula ngayon, ako’y magiging desidido,
Makinig ka lamang saaking mga sasabihin,
Dahil sa puso ko ito manggagaling.

Sa 'king puso't isipan, ang pangarap ko'y lihim,


Magtapos ng pagaaral, ayun ang aking adhikain.
Maging abogado't tagapagtanggol ng karapatan.
Sa hukuman, sa laban, ako'y matibay at may tapang,
Sa pagtataguyod ng katarungan, walang aatrasan.

Ang batas ay gabay, tuntungan sa aking landas,


Sa bawat kaso, sa bawat isyu, ako'y magiging patas!
Magtataguyod ng katotohanan, kahit tumitibok ang dibdib
Nais kong maging boses ng mga walang tinig,
Tagapagtanggol ng mahihirap, kahit sa bawat panganib.
Sa tuwing lumalaban, buong tapang akong susulong,
Hanggang sa abot-kamay na ang pangarap, hindi ako uurong!

Sa bawat hakbang, sa bawat panalo't pagkatalo,


Asaan ang aking pangarap? Ayun! Hinding hindi maglalaho.
Sa pagiging abogado, may misyon at layunin,
Katarungan at kapayapaan, ito ang aking dakilang tunguhin.

You might also like