Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Alon ng Luha sa Buhangin

Isinulat ni: Jake P. Virola

Pinagmamasdan ang mga bituin sa lalim ng gabi.

Kumukuyakoy sa paghintay ng iyong pagdating.

Nakikiusap. Umuusal ng pangungusap.

Tila ba wala na, uuwi na lang ba?

O maghihintay ng liwanag ng kagandahan mong hinahanap ng mga mata?

Nagbabago na ang direksyon ng buwan at bituin.

Ihip ng hangin ay lumalamig na rin.

Ang salawal ko'y puno na ng buhangin.

Tsinelas kong maalikabok na'y naghihintay pa rin.

Magkapatong na ang dalawang kamay ng orasan sa silangan.

Ang tubig ay aking pinuntahan.

Binasa ko ang aking mga paa.

Ang init ng pagmamahal mo ay hinahanap ko pa.

Wala na ba? O nandyan pa?

Pero nabuhayan akong ng loob nang pagdaka’y may lumiwanag sa telepono.

Umilaw ang sa'kin pero malayo ka pa'y nakikita ko na rin ang liwanag sa tabi ng tenga
mo.

Malambing mong tinig ay naririnig ko at naaninag kita.

Ang mga tala ay lalong kumislap.

Ang gabi ay animo'y nasilaw sa iyong liwanag.

Habang papalapit ka'y hinihiling na sana'y huwag nang lumisan pa.

Luha ay napalitan ng tuwa.


Hanggang sa mga kamay ko'y akmang yayakap.

Waring alon na walang alinlangang sa buhangin mo’y tatapak.

Ngunit umiwas ka.

Ang akala'y ko habangbuhay katapusan na pala.

Tsinelas ay aking kinuha. Inaya pa kita na ihahatid ka.

Kumakahol ang aso pero di ko na naririnig.

Puso ko'y nabiyak tila'y nabibingi na rin.

Huling hatid ko na pala.

Habang papauwi ako'y tinangay ng alon ang isa kong tsinelas.


Pinagmamasdan ko ang kanyang paglayo.

Oo. Nakakadurog ng puso.

Siguro nga ang tsinelas na naiwan ay 'di para sa kapareha niya.

Nakatadhana ito sa isa kong paa.

You might also like