Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

SINO AKO? GENDER EQUALITY ECLUSIVELY FOR LGBTQ+ COMMUNITY?

TAUHAN: JONAS – ELEMENTARY STUDENT


HANNAH – COLLEGE GRADUATE

SA LABAS NG BAHAY NAKATAMBAY SI JONAS HABANG PINAPANOOD NIYA ANG MGA


BATANG NAGLALARO NG SARI-SARING LARONG PANG KALYE, HABANG SIYA, AY
NAKAUPO SA LABAS NG KANIYANG BAHAY, NALILITO KUNG ANO ANG LALARUIN NIYA.

HANNAH
Bata, maaari ba kitang maistorbo?

JONAS
Excuse me po, sino po kayo? Nakakagulat naman po na kayo ay biglang nasulpot.

HANNAH
(Tumawa) Hannah, ikaw ba anong pangalan mo? Bakit hindi ka nakikipaglaro sakanila?

JONAS
Ako po si Jonas, hindi ko rin alam sa sarili ko, tuwing nakikita kong naglalaro ng pogs ang mga lalaki ay
nalilibang ako, ngunit kapag nakikita ko namang naglalaro ng Chinese garter ang mga babae ay
namamangha ako at gusto ko rin itong subukan. (huminga ng malalim at para bang nangangamba).
Ngunit sinasabi ng mga tao ay hindi maaaring maglaro ng pangbabae ang mga lalaki.

HANNAH
Alam mo, ganiyan rin ako noong ako’y bata pa. Madalas akong nakikipaglaro sa labas ngunit hindi ko
nakakamit ang kasiyahan na gusto ko, para bang may kulang. Madalas nga akong pagalitan ng aking ina
sapagkat lalaki ang mga kalaro ko (ngumisi ng pabiro)

JONAS
Madalas akong sinasabihan ng aming mga kapit-bahay na ako daw ay kilos babae, ngunit para sa akin,
gusto ko lang rin magawa ang mga ginagawa ng babae kahit kabaliktaran nito ang kasarian ko. Sabi ng
aking ina ay huwag ko daw babaguhin ang aking kasarian sapagkat ito ay isang kasalanan. Hays, hindi
ko rin alam kung ano ang dapat kong maramdaman. (yumuko siya dahil sa pagkabigo niyang
naramdaman)
Malungkot na pinagmasdan ni Hannah si Jonas, hindi na niya alam kung paano pasisiyahin ang bata
kundi sa pamamagitan ng pagbibigay ng mensahe, na sa tingin niya ay makakapagpabago ng pag-iisip
ng batang lalake.

HANNAH
Alam mo, Jonas, lahat ng bagay ay binibigyan ng oras, bigyan mo ng oras ang iyong sarili, makapag-isip
kung ano ang iyong gagawin lalo na’t kung sino ka talaga. Bigyan mo ng pansin ang iyong sarili at
hayaan mo ang sinasabi ng iba.

JONAS
Salamat sa pagbibigay ng aral, ate Hannah, ngayon ay medyo ayos na ang aking nararamdaman, ngunit
may lungkot pa ring natitira sa aking puso at hindi ko alam kung bakit hindi ito matanggal. Tanong ko
lang ate Hannah, bakit parang alam mo ang mga bagay na iyan? Sa tingin ko naman ay masaya ang
iyong buhay.

HANNAH
Kung ako ang tatanungin mo, naranasan ko rin iyan, noong bata pa ako ay maraming tao ang nagsasabi
sa akin na dapat ay angkop ang pananamit ayon sa aking kasarian,masakit mang marinig ngunit
kailangang tanggapin dahil ito ay sabi ng matatanda. Ngunit sa kabila nito, palagi kong pinapaalala sa
aking sarili, na dapat ay hindi ko hahayaang lamunin ako ng mga sinasabi nila, at dapat ay bigyang
halaga ko rin ang aking sarili.

Masinsinang pinakinggan ni Jonas ang kwento ni Hannah na nakapag bigay sakaniya ng lakas at ideya
na hindi lamang siya ang nakakaramdam nito.

JONAS
Hindi po ba kayo natatakot sa iyong paligid, na baka may humusga saiyo?

Ngumisi si Hannah sabay haplos sa likuran ni Jonas

HANNAH
Hinayaan ko lang sila, basta ginagawa ko ang aking mga gusto at hindi ko pinapansin ang sinasabi ng iba
lalo na’t kung hindi ito nakakabuti sa akin.

Tumango na lamang si Jonas at paunti-unting nasisiyahan sapagkat isa isa nang nasasagot ang kaniyang
mga katanungan. At masaya rin si Hannah na natulungan niya ang bata sa pamamagitan ng kaniyang
mensahe.
JONAS
Pasensya na ho at madami akong tanong sainyo ha, (sabay lagay ang kamay sa pagitan ng kaniyang hita)
sadyang ito lamang ang panahon na may sumasagot sa aking mga katananungan.

HANNAH
Ano ka ba, wala iyon, likas lang talaga sa akin ang maging matulungin lalo na sa mga batang katulad
mo.

JONAS
Malaki po ang pasasalamat ko na nandiyan kayo para ako ay tulungan, kung hindi ay hindi magbabago
angaking pananaw sa aking sarili.

HANNAH
Kaya ako dumating sapagkat gusto kong baguhin ang mga nakasanayan ng ibang tao. Na para mas
mamulat tayo na kabilang rin ang mga katulad nating iba ang nararamdaman ng puso, isip at kaluluwa.
Palagi mong tatandaan na may halaga rin ang katulad nating iba ang kasarian.

Nabigyan ng lakas si Jonas na maging totoo sa kaniyang sarili at sundin ang lahat ng payo na sinabi ni
Hannah, huminga siya ng malalim at pagkamulat ng kaniyang mata ay wala na si Hannah.

JONAS
Ate Hannah? Asan ka na? (umikot ang tingin niya sa paligid ngunit wala na ang babaeng kausap niya)

Nalungkot si Jonas dahil hindi man lang siya nakapagpasalamat ng maayos kay Hannah, at bigla siyang
tinawag ng kaniyang ina. Nagtaka si Jonas at napagtanto na ito ay imahinasyon niy lamang. Sabay
sabing “BAKA SIYA TALAGA ANG AKING FAIRY GODMOTHER” sabay pasok sa kaniyang bahay.

You might also like