Bahagi NG Pananalita 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

NAME: ______________________________________________ DATE: _______________

CLC: _______________________________________ SCORE: ______________

QUIZ #__ : BAHAGI NG PANANALITA

I. Isulat sa patlang kung anong bahagi ng pananalita ang tinutukoy ng bawat bilan. Piliin ang titik ng
tamang sagot.
A. PANGNGALAN F. PANGATNIG K. PANGHALIP PANANONG P. PAMANAHON
B. PANGHALIP G. PANG-ANGKOP L. PANGNGALANG PANTANGI Q. PANGHALIP
PANAO
C. PANG-ABAY H. PANG-UKOL M. PANGNGALANG PAMBALANA R. PANAKLAW
D. PANDIWA I. PANTUKOY N. PANG-URING PANALARAWAN S. PAMARAAN
E. PANG-URI J. PANGAWING O. PANG-URING PAMILANG T. PANLUNAN

_____ 1. Salitang ginagamit pamalit sa pangngalan sa paraanng patanong.

_____ 2. Salitang nagsasaad ng ngalan ng tao, bagay, hayop o lugar.

_____ 3. Bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o gawa.

_____ 4. Bahagi ng pananalita na ginagamit na pamalit o panghahalili sa ngalan ng tao, bagay, hayop o lugar.

_____ 5. Nagbibigay turing sa pandiwa o pang-uri.

_____ 6. Mga salitang naglalarawan sa tao, bagay, hayop , lugar o pangyayari.

_____ 7. Salita o lipon ng mga salita na ginagamit pang-ugnay sa salita at sa kapwa salita.

_____ 8. Tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop o lugar.

_____ 9. Tumutukoy sa kulay, hugis, amoy, lasa, katangian o pisikal na kaanyuan.

_____ 10. Karaniwang ngalan ng tao, bagay, hayop o lugar. Halimbawa, guro, doktor, palengke , lapis.

_____ 11. Salitang nag-uugnay sa salitang naglalarawan at salitang inilalarawan.

_____ 12. Tumutukoy sa bilang o dami ng inilalarawan.

_____ 13. Katagang nag-uugnay sa isang pangngalan at sa iba pang salita.

_____ 14. Nagpapakilala ng ayos ng mga bahagi ng pangungusap. Kadalasan –ay ang katagang ginagamit.

_____ 15. Tinutukoy ang relasyon ng paksa at panaguri sa pangungusap.

_____ 16. Uri ng pang-abay na nagsasaad kung kalian naganap, magaganap o ginaganap ang kilos.

_____ 17. Uri ng panghalip na ginagamit pamalit sa ngalan ng tao.

_____ 18. Panghalip na walang katiyakan o nagpapahiwatig ng pagsaklaw.

_____ 19. Uri ng pang-abay na nagsasaad kung saan naganap, magaganap o ginaganap ang kilos o pangyayari.

_____ 20. Pang-abay na kadalasang sinasagot ang tanong na paano. Sinasaad kung paano ginawa ang kilos.

II. Tukuyin anong angkop na salitang dapat gamitin. Isulat sa patlang kung –NG o –NANG.

1. Talon ________ talon ang mga bata.


2. Inubos _______ bata ang kaniyang pera sa pagbili ng pagkain.
3. _______ lumalim ang gabi ay nagsimulang mag-uwian ang mga bisita.
4. Sumuko _______ mahinahon ang mga pugante.
5. Si nanay ay mahilig kumain _______ pansit.
6. SI Lupe ay inakusahang nagnakaw_______ mga paninda.
7. Ang tumakbo ______matulin kung matinik ay malalim.
8. SI Marko ay lumuwas _____ Maynila.
9. Malayang lumipad _______lumipad ang mga kalapati.
10. Ang lupaing ito ay pag-aari ______ pamilya Lopez.

III. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng pangngalang pambalana. Magbigay ng tig dalawang halimbawa
ng pangngalang pantangi ng mga sumusunod.

PANGNGALANG PAMBALANA PANGNGALANG PANTANGI


PISTA

BANSA

PROBINSYA

PAARALAN
WIKA

IV. Bilugan ang panghalip at tukuyin kung anong uri ng panghalip ang ginamit sa pangungusap

PANAO PANANONG PANAKLAW PAMATLIG

_____________ 1. Kami ay luluwas ng probinsya sa susunod na buwan.


_____________ 2. Ang bahay na ito ay ipinamana ni nanay.
_____________ 3. Sinu-sino ang mga dadalo sa pagtitipon bukas?
_____________4. Susuportahan kita, anuman ang nais mong gawin.
_____________5. Tayo ang naatasang umasikaso sa mga programa.
_____________6. Anu-ano ba ang mga kailangan gawin sa tahanan?
_____________7. Kailan ka pinababalik sa paaralan?
_____________8. Dito gaganapin ang pista ng bayan.
_____________9. Ang lahat ay kasama sa pagdiriwang.
_____________10. Sinuman ay maaaring maging isang bayani kahit sa simpleng paraan.

V. PANDIWA: Bilugan ang wastong aspeto o anyo ng pandiwa.

1. Siya ang ( nagwalis , nagwawalis , magwawalis ) ng sahig kanina.


2. ( Nagsulat , Nagsusulat , Magsusulat) ako ng isang liham ngayon.
3. Si ate ay (naglakad, naglalakad, maglalakad) bukas.
4. (Nagbasa, Nagbabasa, Magbabasa) ako ng aklat mamayang gabi.
5. (Nasira, Nasisira, Masisira) ng nakaraang bagyo ang aming bubong.
6. Berto, (lumabas, lumalabas, lalabas) ka ng aking kwarto!
7. (Nagbilang, Nagbibilang, Magbibilang) mamaya si Ben ng mga paninda bukas.
8. Ang niluluto niya ay (nasunog, nasusunog, masusunog) kanina.
9. (Nakita, Nakikita, Makikita) ko pa kaya ang aking pitaka.
10. Mataas (tumalon, tumatalon, tatalon) ang palaka

VI. PANG -URI: Bilugan ang tamang pang-uri para sa kaantasang ipinahihiwatig sa pangungusap.

1. Si Lance ay (mapagbigay, mas mapagbigay, pinakamapagbigay) sa kanyang mga kaibigan.


2. (Mabango, Mas mabango, Pinakamabango) ang damit ni Sam sa lahat.
3. (Malaki, Masmalaki, Pinakamalaki) ang tyan ng nanay ko.
4. Tayo ba ay pupunta sa (malayo, masmalayo, pinakamalayong) lugar?
5. (Matulis, Masmatulis, Pinakamatulis) ang lapis ko kaysa sa inyo.
6. (Matangkad, Masmatangkad, Pinakamatangkad) si Maki sa mga batang naririto.
7. Ang pari ay (mabait, masmabait, pinakamabait) sa kanyang mga parokyano.
8. Si Snow White ang (maputi, masmaputi, pinakamaputi) sa kaharian.
9. (Malikot, Higit na Malikot, Pinakamalikot) ang aking bunsong kapatid.
10. Ang pari ay (mabait, masmabait, pinakamabait) sa kanyang mga parokyano.

VII. PANG-ABAY: Isulat sa patlang ang titik PR kung ang pang-abay na may salungguhit ay pangabay na pamaraan,
PN kung ito ay pang-abay na pamanahon, o PL kung ito ay pang-abay na panlunan.

________1. Tuwing alas singko ng umaga gumigising si Aling Dina.


________2. Naglalaba ng mga damit si Aling Dina araw-araw.
________3. Nakita ko siyang bumili ng sabong panlaba sa tindahan.
________4. Matiyagang pinapaputi niya ang mga uniporme ng kanyang mga anak.
________5. Si Ate Lorna ay naghahanda ng almusal sa kusina.
________6. Masarap magluto ng tapsilog si Ate Lorna.
________7. Tumungo sa hapag-kainan ang buong mag-anak.
________8. Darating na mayamaya ang mga bata mula sa paaralan.
________9. Naglakad nang matulin ang magkapatid.
________10. Dali-daling tumakbo si Alicia sa kanyang inay.

A. Bilugan ang pang-abay sa pangungusap

1. Si nanay ay nagluto ng masarap almusal kanina .


2. Umiinom ako ng gatas araw-araw.
3. Mabilis kinain ng daga ang maliit na keso na kanyangnakita .
4. Bukas kami mag-uusap ng aking matalik na kaibigan.
5. Kami ay magsisimba sa Maynila.

B. Bilugan ang angkop na pang-abay na pamanahon sa pangungusap

1. Magsasayaw kami ( bukas , kanina , kagabi )

2. Tumanggap ako ng regalo ( noong pasko, sa Lunes, Bukas)

3. Si kuya ay ( araw-araw, kanina , kahapon ) nag-iigib ng tubig .

4. Kami ay mamamasyal sa Luneta ( bukas, kanina, kahapon )

5. Si ate ay aalis ( mamaya, bukas , noong isang Linggo)

C. Bilugan ang pang-abay na panlunan sa pangungusap.

1. Masayang nagnanahi si nanay ng punda sa silid –tulugan.

2. Pumunta kami ni itay sa palaisdaan.

3. Ang mga batang lalaki ay nagtatakbuhan sa parke .

4. Kami ay mamamasyal sa Luneta.

5. Nag-babasa at nagsusulat kami sa paaralan.

VIII. Ilagay ang pang- angkop ( na, g, ng ) na kailangan ng bawat pares ng salita.

1. Masaya ______ mag-anak


2. Tigre ______ mabangis
3. Mataas ______ pader
4. Ibon ______ makulay
5. Dahon ______ sariwa
6. Malapit ______ paaralan
7. Matanda _____ lalaki
8. Puti ____ kumot
9. Kanin ___ malamig
10. Kalan ____ bago

IX. Gamitin ang mga sumusunod na pang-ukol sa pangungusap

- Ayon sa
- Ukol kay
- Para sa
- Sa
- Ayon kay

1.

2.

3.

4.

5.

You might also like