Presentasyon Iskrip

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Sitwasyon ng Minoryang Pangkat sa Pilipinas

SLIDE 2: Irene

Ang pambansang minorya ay mga mamamayang mardyinalisado sa ekonomiya, pulitika, at


panlipunan sa Pilipinas. Binubuo nila ang 15 hanggang 20 porsiyento ng populasyon ng bansa. Ang iba
dito ay ang mga Aeta sa Gitnang Luzon, at ibang Lumad at Moro.

SLIDE 3:Yvonne

Ang mga pangkat minorya ay hindi maikakailang biktima ng diskriminasyon at pang-aabuso


sa ating bansa mula noon hanggang sa kasalukuyang panahon mula sa kamay ng mga dayuhan at ng
mga kapwa Pilipino. Ayon sa kasaysayan, mula sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol
hanggang sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano ay ramdam na ramdam ng mga katutubo
ang lupit sa kanilang mga danas. Kung ating mapapansin sa radio drama ay tinawag ng bata ang ibang
bagobo na salvaje, isa din ito sa diskriminasyong kanilang natatanggap.

SLIDE 4:Jennifer

Itinuturing silang mga cimaron, salvajes (mabangis), malhechores (masasamang-loob),


infieles (‘di tapat) upang patunayan ng mga malupit na mananakop na iba sila sa mga
pangkaraniwang mga indios nang panahong iyon.

SLIDE 5:Kyla

Kung mapapansin sa akda ay ipinaliwanag ng Lola sa nalilitong si Ibu kung bakit ganoon na
lamang ang pagtrato sa kanilang mga bagobo. Dahil ito sa pagkakahati ng mga Pilipino dulot ng
baluktot na paniniwala ng mga Espanyol. Naging mababa ang tingin ng mga nasa patag sa mga
katutubo gamit ang ‘di-makatarungang panukat. Hinuhusgahan kasi ang kanilang pagkatao batay
lamang sa kanilang sariling wika, paniniwalang pinanghahawakan at uri ng pamumuhay. Bunga ng
ganitong pamantayan ay isinilang ang konsepto ng minoritisasyon o pagiging minorya sa sariling
bayan.

SLIDE 6:Irene

Iilan sa mga batas ay nasambit sa radio drama na aming ginawa, ang Batas Republika Bilang
8371 o Indigenous People Right Act (IPRA Law) ng 1997 at United Nations Declaration of
Indigenous Right. Ito ay mga batas na nagsasaad na ang mga katutubo ay kapantay ng lahat ng tao at
kung gayo’y nararapat na tratuhin nang walang pagmamataas at walang pagmamaliit. Subalit sa kabila
nito ay may pagkakataon padin na hindi naisagawa ang pagkakapantay-pantay na ito, gaya noong
itinatag ang Copper Act ng 1902 kung saan kinakailangang magkaroon ng pambasang sensus sa
Pilipinas upang malaman ang bilang ng mga Pilipino bago maganap ang halalan. Hindi isinali ang mga
katutubo sa planong ito nang noo’y naghaharing Estados Unidos, sapagkat sila raw ay hindi sibilisado.
Sa katunayan, nilimita lamang ng Estados Unidos ang nasabing polisiya sa mga Pilipinong naninirahan
sa kapatagan.

Bilang paglilinaw, sinabi ng Estados Unidos na ang mga katutubo ay hindi sibilisado. Ayon sa mga
Amerikano, ang mga Kristiyanong tagapatag gaya ng mga Bikolano, Ilokano, kapampangan,
Pangasinan, Tagalog, Bisaya at Zambalan lamang ang maituturing na ganap na sibilisado. Bukod dito,
itinuring din ng Estados Unidos ang mga katutubo bilang mababangis gaya ng baluktot na paniniwala
ng mga Espanyol.
SLIDE 7: Yvonne

Ang amin pong akda ay pinamagatang “Ang kalituhan sa realidad ni Ibu” , ito ay patungkol sa
isang batang Bagobo na puno ng katanungan dahil sa kanyang paligid. Itinalakay din sa napakinggan
radio drama ang sinapit nang Matandang lalaki, ito ay inspirado ng pangyayari noon sa pangkat ng
mga Bagobong nakatira sa tarlac kung saan isinagawa ang proyekto ni dating Pangunong Benigno
Aquino III na New Clark City o Clark Green City na siyang ipinagpatuloy ni Pangulong Duterte. Isang
proyektong pumapasok sa lupang katutubo, dahil doon, nanganganib na mapalayas sa kanilang lupang
ninuno ang higit 20,000 katutubo’t magsasaka sa Tarlac. Libo-libong katutubo ang natapakan ang
karapatan dahil lamang sa tinatawag nilang Kaunlaran.

SLIDE 8:Jennifer

Naisambit din ng Matanda sa kwento na nagkaroon din siya ng pagkakataon na makapagtrabaho


bunga ng proyekto subalit sa katunayan ay isa itong pagsasamantala sapagkat ang trabahong ibinigay
sa mga katutubong Aeta bilang trabahador ay nagsulot ng pang-aabuso sa pamamagitan ng mababang
pasahod at kontraktwalisasyon, isa lamang itong panakip-butas sa malaking problemang hinaharap ng
mga katutubo mula noon hanggang hinaharap.

SLIDE 9:Kyla

May iilang namumukod tangi na may malasakit at pagpapahalaga sa mga katutubo, naipakilala
ko din ito sa akda, ang kasapi ng grupong Lumad Council of People Representatives ng Mindanao
People’s Peace Movement (MPPM KLCPR) na nabuo noong 2015, sila po ay nagmula sa mga tribung
Agusan Manobo, B’laan, Banwaon, Dulangan Manobo, T’boli, Tagakaulo, Talaandig, Tinananen,
Tedurayat marami pang iba na inilalabang itigil na ang labis na pananamantala at panunupil sa
kanilang mga karapatan ng mga nasa gobyerno, rebulusyonaryong grupo politico, at mga kompanyang
may interes sa kanilang lupang ninunu dahil ang pang-aabusong iyon ay nagdudulot ng matinding
hirap sa kanilang pamumuhay. Pangalawang buhay na halimbawa nito ay ang dating kalihim ng
Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman na si Gina Lopez. Nariyan din ang iba’t ibang mga
non-government organization at party list groups gaya ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) at
Bayan Muna na tunay na nagmamalasakit sa kapakanan ng mga katutubo. Nariyan din ang pakikibaka
ng mga Lider ng mga Lumad at Moro katulad nina Datu Tomas Ito ng Bagobo, Ludencio Monson ng
Mandaya, at marami pang iba.

SLIDE 10:Irene

Kung mapapansin, ikinuwento rin ng lola sa apo ang patuloy na pagwasak sa kanilang mga
lupain sa pamamagitan ng malawakang pagmimina, pagtotroso, plantasyon, ranso at iba pang mga
proyektong pwersahang pumapasok sa kanilang mga lupain ay nagangahulugan ng patuloy ring
pagwasak sa pamumuhay, pagkatao at kinabukasan ng kanilang salinhali.

SLIDE 11:Yvonne

Bukod sa New Clark City Project ni dating pangulong Benigno Aquino III ay ang Pagpapasara ng
administrasyong Duterte sa paaralan ng mga Lumad sa Rehiyon ng Davao na pag-aari ng Salugpungan
Ta’Tanu Igkanogon Community Learning Centers noon Hulyo 2019 iniisip kasi nila na itinataguyod ng
mga nasabing paaralan ang ideolohiya ng New People’s Army (NPA) na itinuturing na mahigpit na
kalaban ng estado (kahit pa walang matibay na ebidensya ang pamahalaan.

You might also like