Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

1.

1 Wika Ayon Sa Iba’t Ibang Eksperto:


“Ang wika ay proseso ng malayang paglikha; ang mga batas at tuntunin nito
ay hindi natitinag, ngunit ang paraan ng paggamit sa mga tuntunin ng paglikha
ay malaya at nagkakaiba-iba.” - Noam chomsky
“Ang wika ay kasintanda ng kamalayan, ang wika ay praktikal na kamalayan
na umiiral din para sa ibang tao… ang wika, gaya ng kamalayan, ay lumilitaw
lamang dahil kailangan, dahilan sa pangangailangan sa pakikisalamuha sa
ibang tao.” - Karl Marx
“…habang pinangangalagaan ng isang bayan ang kanyang wika,
pinangangalagaan niya ang marka ng kanyang kalayaan, gaya ng
pangangalaga ng tao sa kanyang kalayaan habang pinanghahawakan niya
ang sariling paraan ng pag-iisip.” - Jose rizal
“Kapag kinausap mo ang tao sa wikang kanyang nauunawaan, ito’y patungo
sa kanyang isip. Kapag kinausap mo siya sa kanyang wika, ito’y patungo sa
kanyang puso.” - Nelson Mandela
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Sangay Samar
VALERIANO C. YANCHA MEMORIAL AGRICULTURAL SCHOOL
Basey, Samar
Senior High School Department

Pagbasa at Pagsususri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Ikalawang Semestre

Modyul 1: Kaalaman at Kasanayan sa Pagbasa: Pagsusuri at Pagsulat ng Teksto

KAHULUGAN NG PAGBASA
 Isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto. Ito ay isang kompleks ng
kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon ng iba’t iba at magkakaugnay na pinagmumulan ng
impormasyon (Anderson et al. (1985),)
 Isang proseso ng pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng inter-aksiyon ng:
1. imbak o umiiral nang kaalaman ng mambabasa;
2. impormasyong ibinibigay ng tekstong binabasa; at
3. konteksto ng kalagayan o sitwasyon sa pagbabasa - Wixson et al. (1987)
 Isang proseso ng pagkuha,pagkilala at pag-unawa ng mga nakaimbak at nakasulat na impormasyon o datos.
 Isang representasyon ng wika bilang simbolo na maeeksamin ng mata o mahahawakan.
 Braille – pagbabasa ng mga bulag
 Notasyon o Pictogram – mga signs o simbolo
 Isang psycholinguistic guessing game kung saan ang nagbabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe o
kaisipan na hinango sa tekstong binasa.( Goodman 1957,1971,1973)
 Isang pinakapagkain ng ating utak.( James Lee Valentine,2000)
 Ang pag-unawa sa kahulugan ng nakalimbag o nakasulat at pagbibigay ng interpretasyon dito.(Hank ,1983)
 Napaka-komplikadong pag-unawa ng isang nakasulat na pahayag.
 Nangangahulugan ng imbak na kaalaman upang maiugnay ang teksto sa realidad.
 Isang mental na interpretasyong may nakalimbag na simbolo.

KAHULUGAN NG MAPANURING PAGBASA

 Ito ay ang pagsisiyasat ng isang tekstong babasahin


 Nangangailangan ng maingat, aktibo,replektibo at mapamaraang pagbasa.

Katangian ng Mapanuring Pagbasa :

1. Maingat - Kailangang usisain, busisiin ang mga ebidensiya at suriin kung gaano kalohikal ang teksto.
2. Aktibo - Habang nagbabasa ay may pagtatala at anotasyong isinasagawa ang mambabasa upang maging
malinaw ang pagpapahayag ng teksto.
3. Replektibo - Nabibigyang- katibayan o patunay ang nabasa kaugnay ng mga kaalaman at sariling kaalaman
o karanasan ng mambabasa.

INTENSIBO AT EKSTENSIBONG PAGBASA

Intensibong Pagbasa
 Kinapapalooban ng malalimang pagsusuri sa pagkakaugnay-ugnay, estruktura, at uri ng diskurso sa loob ng
teksto, pagtukoy sa mahahalagang bokabularyong ginamit ng manunulat, at paulit-ulit at maingat na
paghahanap ng kahulugan.
 Sa ganitong uri ng pagbasa, nakatutulong ang pagbabalangkas o paggawa ng larawang konseptuwal upang
lubos na maunawaan ng mag-aaral ang isang teksto.

Ekstensibo

 Ayon kina Long at Richards (1987), nagaganap ang ekstensibong pagbabasa kapag ang isang mambabasa
ay nagbabasa ng maramihang babasahin na ayon sa kaniyang interes, mga babasahing kadalasang hindi
kahingian sa loob ng klase o itinatakda sa anomang asignatura.
 Kadalasan, ang layunin ng mambabasa sa ganitong uri ng pagbasa ayupang makuha lamang ang “gist” o
pinaka-esensya at kahulugan ng binasa na hindi pinagtutuunan ng pansin ang mga salitang malabo o hindi
alam ang kahulugan.

ESTRATEHIYA SA PAGBASA :

Scanning

 Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong impormasyon na itinatakda
bago bumasa. Kinapapalooban ito ng bilis at talas ng mata sa paghahanap hanggang sa makita ng
mambabasa ang tiyak na kinakailangang impormasyon.
 Kung ang kahingian ay alalahanin ang pangalan, petsa, simbolo, larawan, o tiyak na sipi na makatutulong sa
iyo, scanning ang angkop na paraan ng pagbasa na dapat gamitin. Ibig sabihin, may paunang pag-alam o
pagka-unawa na sa hinahanap na impormasyon at ang layunin ay matiyak ang katumpakan nito na makikita
sa mga libro o iba pang sanggunian.

Skimming

 Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto, kung paano inorganisa ang
mga ideya kabuuang diskurso ng teksto at kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat.
 Nangangailangan ito ng mabilisang paraan ng organisasyon at pagalaala sa panig ng mambabasa upang
maunawaan ang kabuuang teksto at hindi lamang upang matagpuan ang isang tiyak na impormasyon sa loob
nito.

Contextualizing

 Pagsasaayos ng teskto sa paraang historikal, biograpikal at nakabatay sa kontekstong kultural.

APAT NA ANTAS NG PAGBASA:

1. Primarya
 Ito ang pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong upang makamit ang literasi sa pagbasa.
Kinapapalooban lamang ng pagtukoy sa tiyak na datos at ispesipikong impormasyon gaya ng petsa, lugar, o
mga tauhan sa isang teksto.

2. Mapagsiyasat

 Sa antas na ito, nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng mga hinuha o
impresyon tungkol dito.

3. Analitikal

 Sa antas na ito ng pagbasa, ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip upang malalimang maunawan ang
kahulugan ng teksto at ang layunin o pananaw ng manunulat.

4. Sintopikal

 Ito ay hindi lamang pag-unawa sa mga nariyan nang mga eksperto sa isang larangan o disiplina, kundi ang
pagbuo ng sariling sistema ng kaalaman at pag-unawa mula sa pagbasa sa mga ekspertong ito. Ang mga
aklat na binasa mo ay mga kasangkapan lamang upang maunawaan mo ang mga kaalaman na naipundar na
ng mga naunang iskolar.

MGA KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA

Bago Magbasa
 sa bahaging ito, iniuugnay sa inisyal na pagsisiyasat ang mga imbak at kaligirang kaalaman upang lubusang
masuri kung anong uri ng teksto ang babasahin
 nakabubuo ng mga tanong at matalinong prediksyon kung tungkol saan ang isang teksto batay sa
isinagawang pagsisiyasat.
 pagsusuri ng panlabas na katangian ng teksto upang malaman ang tamang estratehiya sa pagbasa batay sa
uri at genre
 kinapapalooban ito ng previewing o surveying ng isang teksto sa pamamagitan ng mabilisang pagtingin sa
mga larawan, pamagat, at pangalawang pamagat sa loob ng aklat.

Habang Nagbabasa

 Nakapaloob sa bahaging ito ang:


a. Pagtantiya sa bilis ng pagbasa;
b. Biswalisasyon ng binabasa;
c. Pagbuo ng koneksiyon;
d. Paghihinuha
e. Pagsubaybay sa komprehensiyon;
f. Muling pagbasa;
g. Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto.
 Sinisimulan ng isang aktibong mambabasa ang paglilipat ng impormasyon sa matagalang memorya sa
pamamagitan ng elaborasyon, organisasyon, at pagbuo ng mga biswal na imahen.

 Ang elaborasyon ay ang pagpapalawak at pagdaragdag ng bagong ideya sa impormasyong natutuhan mula
sa teksto.
 Ang organisasyon ay pagbuo ng koneksiyon sa pagitan ng iba’t ibang bahagi ng impormasyon na nakuha sa
teksto habang ang pagbuo ng biswal na imahen ay paglikha ng mga imahen at larawan sa isipan ng
mambabasa habang nagbabasa.

Pagkatapos Magbasa

 Nakapaloob sa bahaging ito ang:

1. Pagtatasa ng komprehensiyon. Sagutin ang iba’t ibang tanong tungkol sa binasa upang matasa ang
kabuuang komprehensiyon o pag-unawa sa binasa.

2. Pagbubuod. Sa pamamagitan ng pagbubuod, natutukoy ng manunulat ang pangunahing ideya at detalye


sa binasa.

3. Pagbuo ng sintesis. Halos kagaya rin ito ng pagbubuod, ngunit bukod sa pagpapaikli ng teksto, ang
pagbuo ng sintesis ay kinapapalooban ng pagbibigay ng perspektiba at pagtingin ng manunulat batay sa
kaniyang pag-unawa.

4. Ebalwasyon. Pagtataya ng mambabasa sa katumpakan at kaangkupan ng mga impormasyong nabasa sa


teksto.

PAGKILALA SA KATOTOHANAN AT OPINYON

Katotohanan

 mga pahayag na maaaring mapatunayan o mapasubalian sa pamamagitan ng empirikal na karanasan,


pananaliksik, o pangkalahatang kaalaman o impormasyon

Opinyon

 mga pahayag na nagpapakita ng preperensiya o ideya batay sa personal na paniniwala at iniisip ng isang tao.
Maaaring kakitaan ito ng mga panandang diskurso tulad ng “sa opinyon ko,” “para sa akin,” “gusto ko,” o sa
“tingin ko.”

PAGTUKOY SA LAYUNIN, PANANAW, AT DAMDAMIN NG TEKSTO


Layunin
 Ito ay tumutukoy sa nais iparating at motibo ng manunulat sa teksto. Mahihinuha ito sa pamamagitan ng uri
ng diskursong ginamit sa pagpapahayag.
 Halimbawa, naglalarawan ba ito o kaya ay nagkukuwento lang ng isang tiyak na karanasan o sitwasyon?
Maaari ring nangangatuwiran ito o kaya naman ay hinihikayat ang mambabasa na pumanig sa opinyon o
paninindigan niya.
 Sa layunin, tinutukoy rin ang suliranin o pangunahing tanong ng akda na nais solusyonan ng may-akda.
Pananaw

 Ang pagtukoy kung ano ang preperensiya ng manunulat sa teksto. Ibig sabihin, natutukoy rito kung ano ang
distansiya niya sa tiyak na paksang tinatalakay.
 Nasa unang panauhan ba ito na maaaring magpakita na personal ang perspektiba niya sa paglalahad, o kaya
naman ay nasa ikatlong panauhan na nagbibigay ng obhetibong pananaw at paglalahad sa paksa?
 Mula sa mahusay na pagtukoy ng pananaw, nahihinuha rin ng mambabasa kung ano ang kahihinatnan ng
isang teksto.

Damdamin

 Ang ipinahihiwatig na pakiramdam ng manunulat sa teksto. Maaaring nagpapahayag ito ng kaligayahan,


tuwa, galit, tampo, o kaya naman ay matibay na paniniwala o paninindigan tungkol sa isang pangyayari o
paksa.
 Dahil sa damdamin na ipinahahayag ng teksto, hindi naiiwasan na ito rin ang nagiging pakiramdam ng
mambabasa sa pagbasa nito. Sa katapusan ng pagbasa, maaari ding tasahin ng isang mambabasa kung
nagtagumpay ba ang manunulat na iparamdam ang layunin ng teksto.

PAGSULAT NG PARAPHRASE, ABSTRAK, AT REBYU


Paraphrase
 Ito ay tumutukoy sa muling pagpapahayag ng ideya ng may-akda sa ibang pamamaraan at pananalita upang
padaliin at palinawin ito para sa mambabasa.
 Mahalaga ito sa pananaliksik upang tukuyin ang pinagmulan ng isang ideya o kaisipan at ipahayag ito sa
pamamaraan na makatutulong sa pananaliksik.

Abstrak

 Isang buod ng pananaliksik, tesis, o kaya ay tala ng isang komperensiya o anomang pag-aaral sa isang tiyak
na disiplina o larangan.
 Ito ay nakatutulong upang mabilis na makita ng isang mambabasa ang kabuuang latag ng pananaliksik
kabilang ang mga layunin at kinalabasan nito. Sa ilang publikasyon, tinatawag din itong precis o sinopsis.

May Tatlong Uri ng Pagsulat ng Abstrak


1. Abstrak para sa isang Pananaliksik
2. Abstrak para sa isang Modyul o Aklat
3. Abstrak para sa Pelikula
Rebyu
 Ito ay isang uri ng pampanitikang kritisismo na ang layunin ay suriin ang isang aklat batay sa nilalaman,
estilo, at anyo ng pagkakasulat nito.
 Naglalaman din ito ng pagtataya o ebalwasyon ng akda batay sa personal na pananaw ng mambabasa na
nagbibigay ng rebyu. Ang mga nagsusulat ng rebyu sa mga pahayagan o online portal ay gumagamit ng
panunuri upang magpalaganap ng sariling kaalaman na sumusuporta o kaya ay nagpapasubali sa nilalaman
ng aklat.
 Maaaring ito ay naglalaman ng maikling buod ng aklat upang magkaroon ng ideya ang mga mambabasa.

COHESIVE DEVICE SA PAGSULAT NG SARILING HALIMBAWA NG TEKSTO:


Basahin muna ang KONTEKSTO:

“Pumunta ako sa Maynila na kung saan ang Maynila ang kabisera ng Pilipinas.Nadatnan ko si Diego sa Quipo
Church.Pagkatapos magdasal ni Diego, nakita niya ako sa labas ng simbahan. Nilibot namin ang Luneta.Ang Luneta
ay lugar na makikita ang sagisag sa pagkamartir ni Dr. Jose P. Rizal.Nilibot namin ang Intramuros gamit ang kabayo.
Pero ang kabayo ay napagod kaya pinahinga muna. Higit sa lahat,nakita namin ang Fort Santiago.Ang Fort Santiago
ay isang makasaysayang pook sa Maynila.
Gumamit ng malinaw na pang-ugnay at cohesive upang ipakita ang pagkakasunod-sunod at ugnayan ng mga bahagi
ng teksto.

KOHESYONG GRAMATIKAL o COHESIVE DEVICE


 Ang kohesyong gramatikal ay mga salitang nagsisilbing pananda upang hindi babanggitin nang paulit-ulit.
Panghalip
 Halimbawa:
Ito, dito, doon, iyon (bagay/lugar/hayop)
Sila, Siya, tayo, kanila, kaniya (tao/ hayop)

Mga Panandang Kohesyong Gramatikal


 Pagpapatungkol
 Elipsis
 Pagpapalit o Substitution
 Pang-ugnay

Pagpapatungkol - Paggamit ng mga panghalip upang humalili sa pangngalan.


 Dalawang Uri
 Anapora
 Katapora

1) Anapora - Panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pamalit sa pangngalang nasa unahan.


Halimbawa:
 Matulungin si Anna sa mahihirap kaya’t siya ay pinagpapala ng Panginoon.

2) Katapora - Mga panghalip na matatagpuan sa unahan ng pangungusap bilang pamalit sa pangngalang nasa
hulihan.
Halimbawa:
 Siya ay hindi karapat-dapat sa aking apelyido. Si Juan ay kahiya-hiya.

Elipsis - Pagtitipid sa pagpapahayag.


Halimbawa:
 Pumunta si Erick sa tindahan at bumili si Erick ng tinapay.
 Pumunta si Erick sa tindahan at bumili ng tinapay.
Pamalit o Substitution - Mga salitang ipinapalit sa iba pang bahagi ng pangungusap na naunang nababanggit.

Mga Uri ng Pamalit o Substitution


 Nominal
 Berbal
 Clausal

Nominal - Pinapalitan ay ang pangngalan.


Halimbawa:
 Ang wikang Filipino ay ang daan upang tayo ay magkakaunawaan, kailangan lang nating pagyamanin ang
ating wikang pambansa.

Berbal - Pinapalitan ay ang pandiwa.


Halimbawa:
 Inaayos ni Tatay ang mesa at sinimulan naman ni kuya ang silya.

Clausal - Pinapalitan ay sugnay.


Halimbawa:
 Hindi mahabol ng mga tao ang magnanakaw at hindi rin nagawa ng mga pulis na hulihin sila.

Pang-ugnay - Paggamit ng mga pangatnig upang makabuo o pag-ugnayin ang isang pangungusap.
Halimbawa:
 Hindi sila nagtagumpay sa kanilang binabalak sapagkat hindi lahat ay nakiisa.

TALATA (PARAGRAPH)
Ano ang talata?
 Ang talata ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng pangungusap na naglalahad ng isang bahagi ng
buong pagkukuro, palagay, o paksang diwa.
 Mauuri sa lokasyong katatagpuan nila sa loob ng isang komposisyon.
 Panimulang talata, talatang ganap, talata ng paglilipat-diwa at talatang pabuod.

Panimulang Talata
 Ito ang una at kung minsan ay hanggang sa ikalawang talata ng komposisyon.
 Layunin nito ang ilahad ang paksa ng komposisyon.
 Sinasabi rito kung ano ang ipaliliwanag ang isasalaysay ang ilalarawan o bibigyan ng katwiran.

Hal. ng Panimulang Talata


 Ang tao ay natatanging nilalang ng Diyos.Kung ihahambing nga sa iba pang nilikha sa daigdig, walang pag-
aalinlangang masasabi na ang tao ang nakahihigit sa lahat. Ang paniniwalang ito ay maibabatay sa mataas
na antas ng pag-iisip ng tao. Bunga nito, at ng iba pang tanging kakanyahang ibinigay ng Diyos sa tao may
mga tungkuling iniatas ang Diyos sa balikat ng bawat tao.

PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang ibig sabihin ng kohesyong gramatikal?
2. Ano ang anaphora?
3. Ano naman ang katapora?

Inihanda ni:

Bb. MA. TRECIA P. CALOING


Guro sa FILIPINO

You might also like