Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Grade

Paaralan Six
Level
Learning
GRADE 5 DAILY Guro EsP
Area
LESSON PLAN
Petsa at
Oras ng Week 3 Day 1-5 Quarter Second
Pagtuturo

I. LAYUNIN
❖ Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pakikipag kapwa-tao na may kaakibat na paggalang
at responsibilidad
❖ Naisasabuhay ang pagkakaroon ng bukas na isipan
at kahinahunan sa pagpapasiya para sa kapayapaan
ng sarili at kapwa

❖ Nakapagpapakita ng paggalang sa ideya o


suhestiyon ng kapwa.
A.Kasanayan sa ❖ Nakapagpapakita ng paggalang sa ideya o
Pagkatuto suhestiyon ng kapwa. (EsP6PIId-i-31)

B.Batayang ❖ Naisasabuhay ang pagkakaroon ng bukas na isipan


Konsepto at kahinahunan sa pagpapasiya para sa kapayapaan
ng sarili at kapwa

II. NILALAMAN
Pagpapakita ng Paggalang sa Ideya o Suhestiyon ng Kapwa
A.Paksa

K to 12 Curriculum sa EsP 6
B. Sanggunian

Aklat, Larawan, Manila Paper, Papel,Ballpen


C. Kagamitan

D. Estratehiya ng Pangkatang Gawain, Explicit Teaching


Pagtuturo
E. Pagpapahalagang Pagiging Magalang/Tapat
Lilinangin
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang 1. Panalangin
Gawain

a.Balik-aral Alin sa sumusunod ang karaniwang nagiging dahilan ng


hindi pagkakaunawaan. Bilugan ang bilang ng inyong
sagot.
1. Kawalan ng paggalang sa ideya ng iba.
2. Pagkakaiba-iba ng mga pananaw.
3. Sobrang laki ng tiwala sa sariling palagay na siya ay
tama.
4. Sanay na lagi siyang pinagbibigyan dahil siya ay
matampuhin at hindi pinaniniwalaan.
5. Laging maunawain at magalang sa palagay ng iba.

b.Pagganyak Magpakita ng larawan ng isang batang matapat.


Tanong: Ano ang ginagawa ng bata?
Gaano kahalaga ang ginawa ng bata?Kayo ba
ay katulad niya?
Gagawin mo rin ba ang ginawa niya?Bakit?

B. Alamin/ Ilahad ang kwentong tungkol sa “Sama –samang Paggawa”


Isaisip
a.Paglalahad
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Ano ano ang mga natutunan ni Christine sa
kanyang mga kamag-aral at guro?
2. Paano makikinabang ang mga kaklase nito?
3. Paano ipinakita ni Cristine at ng kanyang mga
kamag-aral ang paggalang sa opinyon ng iba?
4. Naranasan mo na rin bang magbigay ng suhestiyon
sa ibang tao? Ano ang naging resulta?
5. Paano mo tinanggap ang mga negatibong puna ng
ibang tao sa iyo?
b. Pagtatalakay Sa mga pagkakataon na gumagawa tayo ng pasya,
hinihingi natin ang mga opinyon ng mga tao sa ating
paligid. Ang kanilang suhestiyon ay ginagawa nating gabay
upang matimbang ang mga bagay at makapili ng
pinakamainam sa lahat. Ang pagbibigay ng opinyon o
suhestiyon ng ating kapwa ay maaaring magdulot ng ibat-
ibang damdamin. Maari itong makapagbigay ng positibo o
negatibong pakiramdam. Anuman ang sabihin ng ating
kapwa sa ating gawa, hindi man tayo sang ayon sa
kanilang sinasabi dapat parin natin itong igalang dahil
mahalaga sa atin ang suhestiyon ng ating kapwa.

Pangkatang Gawain:Hatiin sa tatlong grupo.


C. Isagawa Unang Grupo:
Panuto: Base sa larawan, ibigay ang suhestiyon o opinyon
ng kapwa.

Pangalawang Grupo
Panuto:isulat ang TAMA kung nagpapakita ng paggalang sa
suhestiyon ng kapwa at MALI kung ito ay hindi
nagpapakita ng paggalang sa suhestiyon.
_____1. Ang hindi pagsang-ayon ng hindi nailalahad ang
mga dahilan ay nagpapakita ng paggalang sa opinyon ng
iba.
_____2. Kailangang isipin na hindi lahat ng tao ay may
magkakatulad na opinyon.
_____3. Isa sa mga hakbang upang igalang ang opinyon ng
ibang tao ay ang pag-unawa nang mabuti.
____4.ang hindi pagtingin sa kausap habang naglalahad ng
opinyon o mungkahi ay nagpapakita ng paggalang.
_____5. Maaaring magtanong sa kausap upang mabigyang
linaw ang ibang bagay o mas maunawaan ang kaniyang
inilalahad na opinyon.

Pangatlong Grupo.
Panuto: Basahin ang talata sa ibaba. Piliin ang angkop na
salita na makikita sa kahon upang mapunan ang mga
patlang.

Ang lahat ng tao ay may kaniya-kaniyang


(1)______________. Makikilalanatin kung alin ang tamang
ideya/opinyon sa pamamagitan ng (2) ___________, kung
alin sa mga ito ang makakabuti para sa nakararami.
Kaniya-kaniyang (3)___________, (4) ___________ at (5)
________. Subalit dapat nating tandaan na anumang
ideya/opinyon ng bawat isa ay dapat (6) ________ at (7)
___________ upang hindi pagmulan ng anumang
kaguluhan. (8) ________ “ ang dapat itanim sa ating puso at
damdamin upang matanggap natin ang iseya/opinyon ng
kapwa natin. At sikaping alamin ang saloobin ng bawat isa
upang makapagbigay ng tama at mabuting ideya para sa
nakararami.
D.Isapuso/Isabuhay Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong saloobin sa
sitwasyong ito. Isulat sa sagutang papel.
“Paano maipapakita ang paggalang sa ideya o suhestiyon
ng kapwa.”
IV.PAGTATAYA Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1.Ano ang dapat gawin ni Ana sa mga kaibigang nagbibigay
puna sa kanyang gawa?
A. Iiwasan B. Igalang
C. Pagtawanan D. Hindi pansinin
2. Kapag nagkakamali ang iyong kaklase sa pagsagot, ano
ang dapat gawin?
A. Pagtatawanan dahil hindi nag-aaral.
B. Igalang ang kaniyang sagot dahil iyon ang kaniyang
opinyon.
C. Hindi papansinin dahil hindi mo siya kaibigan
D. Mumurahin dahil sa kanyang kamalian
3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang
sa opinyon o suhestiyon?
A.Masusing pinakinggan ni Rona ang mga ideya ng
kaniyang kapangkat.
B.Iniwasan ang kaibigang nagbigay opinyon/suestiyon
sa ginagawa.
C. Pinagtawanan ang nagkamaling kaibigan.
D. Minumura ang hindi nakasagot na kaklase sa
binigay na pasulit.
4. Lumapit sina Jona sa kaniyang dating guro upang
humingi ng ideya sa gagawin nilang programa para sa
kanilang punong guro, tama ba ang kanilang ginawa?
A. Oo B. Hindi
C. Iwan D. Wala sa nabanggit
5. Paano mo maipapakita ang paggalang sa suhestiyon o
ideya ng mga kapwa mo mag-aaral?
A. Pakinggan sila ng bukal sa kalooban
B. Balewalain ang kanilang ideya
C. Hindi papansinin kapag nagsasalita
D. Pagtawanan sila
6. Ano ang dapat gawin sa ibinigay na suhestiyon o
opinyon ng iba?
A. Igalang B. Balewalain
C. Huwag pansinin D. Pabayaan
7. Kapag hindi naisama ang iyong ideya sa pagbuo ng
isang proyekto, ano ang iyong mararamdaman?
A. Magalit B. Magwawala
C.Igalang ang kanilang desisyon
D. Makipag away sa kanila
8. Nag –organisa ng plano para sa kabataan sa kanilang
lugar, bilang isang miyembro nito, paano mo maipapakita
ang iyong paggalang?
A. Sundin ang kanilang opinyon kahit alam mong mali
ang kanilang plano.
B. Makikiisa sa kanilang plano kung itoy nakakabuti sa
lahat.
C. Huwag papansinin ang kanilang nabuong plano
D. Hindi makikisali
9. Buuin ang katagang ito.” Kung ano ang ginawa ng mga
nakakatanda ay nagiging ______ sa mata ng mga bata.”
A. Mali B. Tama
C. Aliw D. Suklaw
10. Kapag nagbibigay ng suhestiyon o ideya sa binubuong
plano, ano ang dapat isaalang alang?
A. ang sariling kapakanan
B. ang kapakanan ng nakakarami
C. ang sariling kagustuhan
D. ang sariling lakas
V.KASUNDUAN/ Panuto:Lagyan ng / ang mga sitwasyong nagpapakita ng
TAKDANG- paggalang sa opinyon o suhestiyon at X kung hindi
ARALIN nagpapakita ng paggalang.

______1.Iniwasan ni Nena ang mga kaklase nagbigay


puna sa kanyang ginawa.
______2. Masusing pakinggan ni Patricia ang mga
ideya ng kanyang kapangkat.
______3. Hinihikayat ni Ivana ang kaniyang
miyembro na magbigay ng kanilang mga opinyon.
______4. Isina alang alang nila Mayet ang mga
opinyon ng mga nakakatanda.
______5. Lumapit sina Rona sa kanyang dating guro
upang humingi ng ideya para sa gagawin nilang
programa.

WRITER:

CYDRIC IAN S. FLORES


Teacher III
Piñan Central Elementary School
Piñan District

QUALITY ASSURED BY:

ROSARIO MAY S. SAGUIN


Teacher III
Piñan Central Elementary School
Piñan District

LAYOUT ARTIST:
CYDRIC IAN S. FLORES
Teacher III
Piñan Central Elementary School
Piñan District

You might also like