Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
REHIYON V
TANGGAPAN NG MGA PAARALANG PANSANGAY NG CAMARINES SUR
BAAO NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz, Baao, Camarines Sur
UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10-UNITY
Pangalan: ____________________________________
PUNTOS:____________________
I. Pagkilala: Ibigay ang hinihinging detalye.
______________1. Ito ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.
______________ 2. Ito ay kuwento tungkol sa diyos at diyosa.
______________ 3. Ang kuwentong madalas hango sa bibliya at umaakay sa matuwid na
landas ng buhay.
______________ 4. Isang uri ng kuwento na higit na binibigyang-halaga ang kilos o galaw
ng pangunahing tauhan.
______________ 5. Akdang pampanitikan na nagpapahayag ng opinyon tungkol sa isang
paksa.
______________ 6. Saang lugar nagmula ang mitolohiyang “Cupid at Psyche”?
______________ 7. Gamit ng pandiwa nanakatuon sa pagpahayag ng damdamin o
emosyon.
______________ 8. Elemento ng parabula na tumutukoy sa mga lugar at panahon na
pinangyarihan.
______________ 9. Ang mito/myth ay hango sa salitang Latin na _________.
______________ 10. Bansang pinagmulan ng kuwentong “Ang Kuwintas”?

II. A. Tukuyin ang pahayag kung Aksiyon, Karanasan at Pangyayari


_______11. Sumibol ang paninibugho sa puso ni Venus nang makita niya ang labis na
paghanga ng tao sa kagandahan ni Psyche.
_______12. Natuwa si Cupid nang ipagkaloob ni Jupiter ang Ambrosia kay Psyche.
_______13. Nalungkot si Bantugan sa utos ng hari kaya minabuti niyang kumayo na
lamang.
_______14. Umuwi siya sa kaharian ni Venus.
_______15. Nalunod ang mga tao sa matinding baha.
B. Tukuyin ang mga pangungusap kung Anapora o Katapora.
_______16. Nalala mo pa ba ang kuwintas na diyamanteng isinuot ko sa sayawan? Tanong
ni Madame Forestier.
_______17. Ngumiti si Mathilde nang may pag-aalinlangan. Siya ay walang mukhang
maihaharap sa lahat.
________18. Tayo ay may iba’t ibang opinyon pagdating sa buhay. Mga Pilipino na
maghilig magpahayag ng kanilang damdamin.
________19. Malimit ang pagmamasid niya sa babaeng Briton. Labis ang inggit ni Mathilde
na nadarama.
________20. Labis ang pagmamahal ni G.Loisel sa kanyang asawa, tipong gagawin niya
ang lahat.
III. Pagtapat-tapatin: Hanapin sa Hanay B ang angkop na sagot na tinutukoy ng
mga nasa Hanay A.
A B
_______21. Aphrodite a. diyosa ng apoy mula sa pugon
_______22. Apollo b. mensahero ng mga diyos, paglalakbay at
pangangalakal
_______23. Zeus c. hari ng karagatan at lindol
_______24. Hephaestus d. diyosa ng pangangaso, ligaw na hayop at ng buwan
_______25. Cupid e. diyosa ng karunungan, digmaan at katusuhan
_______26. Athena f. diyosa ng kagandahan
_______27. Artemis g. diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika at panulaan
_______28. Poseidon h. hari ng mga diyos; diyos ng kalawakan at panahon
_______29. Hermes i. diyos ng apoy, bantay ng mga diyos
________30. Hestia j. panginoon ng impyerno
k. diyos ng pagmamahal

IV. Tama o Mali: Isulat ang T kung ang pahayag ay Tama at M kung ang pahayag
naman ay Mali.

_______31. Nainggit at nagalit si Venus kay Psyche dahil sa kakaibang kagandahan nito.
_______32. Nagtagumpay si Psyche sa mga pagsubok sakanya ni Venus.
_______33. Si Cupid ay inutusan ni Venus na paibigin si Psyche sa isang nakakatakot na
nilalang.
_______34. Binawasan ng katiwala ang utang ng mga taong may obligasyon sa kaniyang
amo.
_______35. Kahinaan ang simbolo ng Itlog sa kuwentong “Mensahe ng Butil ng kape”.
_______36. Ang anapora ay panghalip na tumtukoy sa mga nabanggit sa unahan ng teksto
o pangungusap.
_______37. Ang parabula ay nagmumungkahi at may misteryong nakapaloob.
_______38. Masaya si Mathilde sa piling ng kanyang asawa at estado nila sa buhay.
_______39. Ang ilang pangyayari sa “Ang Kwintas” ay maaaring m/nangyari sa totoong
buhay.
_______40. Ang salitang mito/myth ay galing sa salitang latin na muthos na
nangangahulugang kuwento.
V. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita
41. Pangimbulo

42. Marubdob

43.Kahabag-habag

44. Balintataw

45. Nagulumihanan

inihanda ni: MA. KRYSTEL JOY G. BONGON


Master Teacher I, Filipino

You might also like