Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY

Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City. Cavite


●Tel. No.: (046) 416-6278 ●Telefax: (046) 416-0166 ●Mobile No.: +63918-888-6278
www.ncst.com.ph

EDPSYCOM DEPARTMENT

Buhay, Bagay, Burol: Etnograpikong Pag-aaral ng mga Ritwal o Pamahiin sa

Libing ng mga Pilipinong kabilang sa Generation X at Generation Z sa

Barangay Mambog 2, Bacoor, Cavite

Pananaliksik na ipinasa kay:

Bb. Alyssa Ave Joy Terceño

PROYEKTO SA SIKOLOHIYANG PILIPINO

Ipinasa nina:

Carabeo, Matthew Evanian D.

Corpuz, Mica Fatima L.

Hernandez, Julie Anne M.

Lanuza, Patricia Rose M.

Lorica, Mary Grace M.

Miranda, Mary Angeline A.

Molina, Alyssa Dianne P.

Palanca, Winona Faye D.

Redota, Mark Quiel B.

Roxas, Princess Jhonyll P.

Tablang, Althea Jane

2024
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Bldg. Aguinaldo Hi-way, Dasmariñas, Cavite 1
EdPsyComm Department

Kaligiran ng Pag-aaral

Likas na sa mga Pilipino ang magsagawa ng iba't ibang ritwal at maniwala o sumunod sa

mga pamahiin sa tuwing mayroong libing. Bawat lugar sa pilipinas ay may iba't ibang pamahiin

at ritwal na sinusunod, ginagawa at pinaniniwalaan depende sa kanilang kultura ang mga bagay

na ipinasa-pasa mula pa sa ating mga ninuno at nakagawian ng gawing sa tuwing may libing

(Mariel, 2018). Ayon sa diksyunaryo ng Britannica, ang pamahiin o kung sa ingles ay

"superstitious beliefs" ay isang paniniwalang nakabatay sa takot sa mga bagay o pangyayaring

hindi nauunawan. Ang ritwal o "ritual" sa ingles ay isang aktibidad na may pagkakasunod-

sunod batay sa mga nakasanayan ng gawin kadalasan ito ay konektado sa espiritwal na gawain

ng mga naniniwala ang mga tao na ang pagsasagawa ng dalawang ito ay nagdadala ng swerte

o kamalasan (Villanueva et al., 2021)

Ang mga Pilipino ay mayroong mga pamahiin pagdating sa patay. Maraming mga

pamahiin ang naipapasa sa iba’t ibang mga henerasyon na magpasa-hanggang ngayon ay

patuloy paring naisasagawa ng mga Pilipino. Ayon kay De Guzman & Lacorte (2019), ang

pamahiin ay marahil naroon na sa atin mula pa noong simula ng panahon at ang kultura na

ibinahagi at ipinasa sa bawat henerasyon.

Ang mga Pilipino ay likas na maraming pamahiin or ritwal na pinaniniwalan, mayroon

ding iba't ibang pamahiin na naka ayon sa sitwasyon o okasyon. Sa kabila nito, madami pa rin

ang sumusunod at patuloy na sumasagawa nito. Ayon kay Villar (2022), iba't ibang uri ng ritwal

at pamahiin ang nag lalabasan tuwing may burol at libing, isa sa dahilan ay dahil ito ay

naipapasa sa bawat henerasyon. Ito ay patuloy na sinusunod bilang respeto na rin sa mga

matatanda na naghahabilin nito, dahil wala naman mawawala kapag sinunod ito. Ang mga
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Bldg. Aguinaldo Hi-way, Dasmariñas, Cavite 2
EdPsyComm Department

pamahiin ay isinasagawa bilang paghahanda sa umano'y kabilang buhay, sentro sa pamahiin ay

ang paniniwala na dapat parangalan ang namatay sa pamamagitan ng mga ritwal bago ito ilibing.

Ayon sa artikulo galing sa Heritage Memorial Park (2021), ang mahabang kasaysayan ng

Pilipinas ng kolonisasyon at pakikipagpalitan sa iba't ibang kultura ay may malaking

impluwensiya sa kasalukuyang mga kagawian at paniniwala ng bansa sa kamatayan. Ayon din

sa literaturang ito ay ang bansa ang tahanan ng pinakamaraming populasyon ng mga Katoliko

sa Asia, ang karamihan sa mga ritwal ay ganitong uri, na may kaunting impluwensiya mula sa

mga kustombre ng mga Intsik, Muslim, at Hindu. Dahil dito, mayroong malalim at natatanging

paraan ang Pilipinas sa pakikitungo sa kamatayan. Maaaring magulat o masalimuot para sa

ilang bisita na unang beses dumalo sa isang libingan sa Pilipinas dahil dito. Kasama na sa buhay

ng mga Pilipino ang magkaroon ng mga paniniwalang hindi na nawawala sa kanilang

kinagisnang buhay. Malaki ang naging impluwensya ng mga pamahiin sa buhay ng mga

Pilipino lalo na sa mga usapin sa buhay tulad ng kultura, emosyon, tagumpay at kabiguan (Amat,

2021). Nakasanayan na sa mga Pilipino ang pagsunod sa mga pamahiin at ritwal, lalo na kapag

ito ay patungkol sa mga namatay na mga kamag-anak o mahal sa buhay. Bawat relihiyon,

kultura, at pook sa Pilipinas ay may iba’t-ibang paniniwala ukol dito. Sinasabi rin ng mga

nakatatanda na maaaring magresulta sa kamalasan, o mas malala ay kasawian, ang hindi

pagsunod sa mga pamahiin dahil nakaugat na sa mga ninunong mga Pilipino ang pagiging

handa sa mga pangyayari sa hinaharap, kung kaya naman dapat pahalagahan ang paniniwalang

ito (Amat, 2021).

Dahil sa laki ng agwat ng panahon na namamagitan sa henerasyon ng Generation Z at

Generation X, maraming sa mga paniniwala na kanilang kinalakihan ay maaaring nagbago o

tuluyan nang nawala. Ngunit marami rin sa mga paniniwala ng dating henerasyon ay posibleng
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Bldg. Aguinaldo Hi-way, Dasmariñas, Cavite 3
EdPsyComm Department

nagpapatuloy pa rin magpasa hanggang ngayon. Isa rin sa mga posibleng dahilan ng pagkakaiba

sa paniniwala ay ang lugar na kinalakihan ng dalawang henerasyon. Ang mga mananaliksik ay

nag nanais na masagot ang mga tanong na may kinalaman paksang ito. Isinagawa ang pag aaral

na ito dahil nilalayon ng mga mananaliksik na malaman ang pagkakaiba at pagkakatulad ng

perspektibo ng mga Generation Z at Generation X tungkol sa ritwal at pamahiin sa libing o

patay. Nilalayon din ng mga mananaliksik na malaman kung anu-anong uri, sanhi sa pag-unlad

at mga posibleng salik na nakakaapekto sa mga ritwal at pamahiin na isinasagawa ng dalawang

henerasyon.
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Bldg. Aguinaldo Hi-way, Dasmariñas, Cavite 4
EdPsyComm Department

Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangka upang malaman ang mga sumusunod:

1. Malaman ang mga ritwal at pamahiin na isinasagawa sa burol ng mga Generation Z.

2. Malaman ang mga ritwal at pamahiin na isinasagawa sa burol ng mga Generation X.

3. Malaman ang sanhi ng pag-unlad ng pamahiin o ritwal ng parehong henerasyon.

4. Mapaghambing ang paniniwala, at kultural na impluwensya na humubog sa mga ritwal

sa pagitan ng dalawang henerasyon.

Suliranin ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon na masagot ang mga sumusunod:

1. Ano ang mga ritwal o pamahiin na isinasagawa sa burol ng mga Generation Z?

2. Ano ang mga ritwal o pamahiin na isinasagawa sa burol ng mga Generation X?

3. Paano umusbong, nagbago, at umunlad ang mga pamahiin at ritwal na ginagawa sa

burol sa pagitan ng dalawang henerasyon?

4. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa mga pagpapahalaga, paniniwala at

impluwensyang kultural na humuhubog sa mga pamamaraan sa paglilibing ng parehong

henerasyon?
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Bldg. Aguinaldo Hi-way, Dasmariñas, Cavite 5
EdPsyComm Department

KahalagahanngPag-aaral

Ang pag-aaral na pinamagatang "Buhay, Bagay, Burol: Etnograpikong Pag-aaral ng mga

Ritwal o Pamahiin sa Libing ng mga Pilipinong kabilang sa Generation Z at Generation X sa

Barangay Mambog 2, Bacoor, Cavite" ay naglalayong alamin kung ano nga ba ang kanilang

sariling pananaw pag dating sa mga pamahiin na tungkol sa libing o patay ng mga Pilipino. Ang

mga resulta at natuklasan sa pag-aaral na ito ay maaaring maging pakinabang sa mga

sumusunod:

 Generation X: Ang pag aaral na ito ay magiging isang tulay upang mapanatili ang

kanilang paniniwala pag dating sa ritwal o pamahiin sa burol at madagdagan pa ang

kanilang mga kaalaman kahit na maraming henerasyon na ang nakalipas.

 Generation Z: Makakatulong ang pananaliksik na ito upang maunawaan ng Generation

Z kung bakit may mga pamahiin o ritwal sa libing ng mga Pilipino. Maaari itong

makapagbigay ng palagay kung ano ang dapat gawin kung pupunta ng burol.

 Mga mag-aaral: Makakatulong ang pananaliksik na ito upang mapalawak pa nang

mabuti ang kaalaman at kaunawaan ng mga mag-aaral kung ano ang mga ritwal o

pamahiin sa libing ng mga Pilipino at kung bakit ito ginagawa.

 Mga magulang: Bilang unang guro ng kanilang mga anak, maaaring magkaroon sila

ng mga maipapayo sa kanilang mga anak patungkol sa mga nakasanayan o nakagawian

sa isang lamay o burol kasabay ng paggabay sa kanila sa pagsasagawa at kung bakit

ginagawa ng mga ito upang mas maunawaan at magkaroon pa ng kaalaman ang kanilang

mga anak patungkol dito.


NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Bldg. Aguinaldo Hi-way, Dasmariñas, Cavite 6
EdPsyComm Department

 Mga mananaliksik: Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw ng mga kaalaman tungkol sa

mga ritwal o pamahiin sa libing ng mga Pilipino. Samakatuwid, ang mga resulta at

natuklasan ng pag-aaral na ito ay maaaring gamitin para sa mga hinaharap na pag-aaral.

 Mga mananaliksik sa hinaharap: Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw ng mga

kaalaman tungkol sa mga ritwal o pamahiin sa libing ng mga Pilipino. Samakatuwid,

ang mga resulta at natuklasan ng pag-aaral na ito ay maaaring gamitin para sa mga

hinaharap na pag-aaral mas makakapag palawak pa ng kaalaman at pag-unawa sa iba

pang mga ritwal o pamahiin ng mga Pilipino.


NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Bldg. Aguinaldo Hi-way, Dasmariñas, Cavite 7
EdPsyComm Department

Kahulugan ng Konsepto

 Burol - Karaniwang inilaan bilang isang kaganapan na pinagsama-sama ang mga

pamilya at mga kaibigan upang alalahanin ang isang mahal sa buhay na namatay

 Libing - Ito ay isang pamamaraan o seremonya na kung saan in ihahatid sa huling

hantungan ang namatay upang makapagbigay ng galang dito.

 Generation X - Ito ay ang mga tao na ipinanganak sa taon na 1965 - 1980 at kilala rin

sa tawag na boomers.

 Generation Z - Ang mga taong ito ay ipinanganak sa taon 1997 - 2012 at kilala rin sa

tawag na “zoomers.”

 Pamahiin - Isang paniniwala o kaugaliang nakasanayan na hindi batay sa siyentipikong

katotohanan.

 Patay - Mga taong pumanaw.

 Ritwal - Seremonya na isinasagawa sa isang tiyak na paraan na mayroong kaugnayan

sa relihiyon, kultura, tradisyon, o sa iba’t ibang aspeto ng lipunan.


NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Bldg. Aguinaldo Hi-way, Dasmariñas, Cavite 8
EdPsyComm Department

Metodo ng Pag aaral

Ang pananaliksik na may titulong “Buhay, Bagay, Burol: Etnograpikong Pag-aaral ng

mga Ritwal o Pamahiin sa Libing ng mga Pilipinong kabilang sa Generation X at Generation Z

sa Barangay Mambog 2 , Bacoor, Cavite” ay gumamit ng pinaghalong metodo ng pagtatanong-

tanong at pakikipagkwentuhan.

PAGTATANONG-TANONG

Mahalaga ang paggamit ng metodo ng pagtatanong-tanong sa pag aaral na ito dahil ang

paksa ay tumutukoy sa pananaw ng dalawang magkaibang henerasyon, kung kaya't

nangangailangan ito ng pakikilahok mula sa mga respondente. Sa paraang ito, ang makukuhang

datos ng mga mananaliksik ay direktang manggagaling mula sa mga kalahok. Ang interaksyon

sa pagitan ng mananaliksik at kalahok ay mahalaga dahil isa itong paraan upang makapagbigay

sila ng tapat na sagot.

Ang pagtatanong-tanong ay nagtataglay ng maraming kalamangan. Ang una dito ay ang

pagiging impormal ng metodo kung kaya’t pantay ang katayuan ng mananaliksik at kalahok.

Malayang pumili ng lugar at oras ang kalahok upang makapagbigay ng sapat ng datos. Walang

sinusunod na partikular na mga tanong bagkus ang ginagamit ay mga gabay na tanong lamang.

Ang mananaliksik at kalahok ay malayang nagbabatuhan ng tanong at sagot sa isa’t isa

hanggang sa makakuha ng sapat na datos.

Nagtataglay din ng mga kawalan ang pagtatanong-tanong. May pagkakataon na malayo

at mapunta sa ibang paksa ang usapan ng mananaliksik at kalahok hanggang umabot sa punto

na wala na itong kinalaman sa orihinal na paksa. Maaari din na mapunta sa mga sensitibong
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Bldg. Aguinaldo Hi-way, Dasmariñas, Cavite 9
EdPsyComm Department

detalye ang usapan at may posibilidad na hindi makakuha ng sapat na datos ang mga

mananaliksik. Hindi kontrolado ng mga mananaliksik ang oras kung kaya’t maaaring maputol

sa gitna ang paguusap at posibleng hindi na ulit ito matuloy.

PAKIKIPAGKWENTUHAN

Ang pagpili ng "pakikipag-kwentuhan" ay isang epektibong paraan ng pagkuha ng

datos dahil ito ay interaktibong pakikipag-usap na magreresulta ng pagbuo ng ugnayan sa mga

partisipante. Sa konteksto ng pag-aaral ng ritwal o pamahiin sa libing ng mga Pilipino, ang

pakikipag-kwentuhan ay may mga potensyal na benepisyo sa pananaliksik:

Makakausap ang mga respondente sa kanilang sariling wika, maibibigay nila ang buo ng

konteksto ng kanilang personal na kaalaman ukol sa mga ritwal o pamahiin sa burol na susi

upang mapalalim ang pag unawa ng mga mananaliksik sa kahalagahan ng mga ritwal na ito sa

kanilang kultura o pansariling kapakanan. Dahil ito ay pagsusuring kontekstwal, malalaman din

ng mga mananaliksik ang emosyon ng indibidwal hinggil sas kanilang isinasagawang ritwal sa

libing at kung paano binubuhay at inuugma ng mga tao ang mga ritwal o pamahiin sa libing sa

kanilang pang-araw-araw na buhay. Ang pagsusuri ng ritwal o pamahiin sa libing ay maaaring

maging isang partisipatibong karanasan. Sa pamamagitan ng pakikipag-usap, maaaring maging

mas malapit ang ugnayan sa komunidad na isinisiwalat ang mga aspeto ng kanilang kultura.

Sa pangkalahatan, ang pakikipag-kwentuhan ay nagbibigay-daan sa isang masuring pag-

unlad ng datos at isinasagawa sa isang paraan na nagtatampok sa malalim na pang-unawa ng

mga tao sa kanilang sariling konteksto. Gayundin, ito ay nagbibigay-daan sa respeto at

kahusayan sa pagsusuri ng mga aspeto ng kultura at tradisyon ng isang komunidad.


NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Bldg. Aguinaldo Hi-way, Dasmariñas, Cavite 10
EdPsyComm Department

Ang pakikipagkwentuhan din ay may kaakibat na limitasyon sa pananaliksik, tulad ng

pagiging subhetibo, maaaring maging mas subhetibo kaysa ibang paraan ng pagsasaliksik. Ang

mga datos na nakuha ay maaaring maging biktima ng personal na opinyon o interpretasyon ng

mananaliksik. Ang pagiging interaktibo ng pakikipagkwentuhan ay maaaring maaring

magdulot ng limitadong pananaw ang pagsasalita lamang sa ilang indibidwal sa komunidad ay

maaaring magdulot ng limitadong perspektiba. Hindi ito maaaring maging representatibo ng

buong populasyon.

Sa kabuuan, ang pagpili ng pakikipagkwentuhan bilang metodo ng etnograpikong

pananaliksik ay may kasamang responsibilidad para sa mananaliksik na maingat na bawasan

ang mga potensyal na bias at masiguro ang sapat na representasyon ng kultura o komunidad.
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Bldg. Aguinaldo Hi-way, Dasmariñas, Cavite 11
EdPsyComm Department

Mga Kalahok

Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito na pinamagatang “Buhay, Bagay, Burol:

Etnograpikong Pag-aaral ng mga Ritwal o Pamahiin sa Libing ng mga Pilipinong kabilang sa

Generation Z at Generation X sa Barangay Mambog 2, Bacoor, Cavite” ay magsasangkot ng

magkakaibang indibidwal na kumakatawan sa parehong Generation X at Generation Z na

nakatira sa Barangay Mambog 2 sa bayan ng Bacoor Cavite. Ayon sa artikulo ng Pew Research

Center (2019), ang Generation X ay ang mga tao na ipinanganak sa taon na 1965 - 1980. Ang

kasalukuyang edad ay nasa pagitan ng apatnapu’t apat na taong gulang hanggang limampu’t

siyam na taong gulang. Ang Generation Z naman ay mga taong ito ay ipinanganak sa taon 1997

- 2012. Ang edad sa kasalukuyan ay nasa pagitan ng labing dalawa (12) hanggang dalawampu't

pitong (27) gulang. Ang pag-aaral na ito ay kukuha ng sampung respondante na kumakatawan

sa Generation Z at sampung respondante rin na kumakatawan sa Generation X.

Lokal ng Pag-aaral

Ang mga mamamayan ng Barangay Mambog 2 sa bayan ng Bacoor sa probinsya ng

Cavite ang siyang magiging parte ng pananaliksik ukol sa mga ritwal at pamahiin sa libing at

ang mga kahulugan nito. Mayroong iba't ibang paniniwala ang mga lugar sa pilipinas pagdating

sa mga ritwal o paniniwala sa patay. Ayon sa artikulo ng SevenPonds (2015) isa ang mga

Caviteñong malapit sa Maynila ang may kakaibang paniniwala pagdating sa libing.


NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Bldg. Aguinaldo Hi-way, Dasmariñas, Cavite 12
EdPsyComm Department

Pamamaraan ng Pagkalap ng Datos

Ang lugar na napili ng mga mananaliksik para sa kanilang pag-aaral ay ang lalawigan ng

Dasmariñas, ngunit ito ay pinalitan at inilipat sa Barangay Mambog II, Bacoor, Cavite sa

kadahilanang may tao roon na maraming kilalang Generation X at Generation Z. Pagkatapos

pumili ng lugar ng mga mananaliksik, sila ay gumawa ng mga panggabay na tanong na maaari

nilang tanungin sa kanilang mga respondante. Pinagplanuhan ng mga mananaliksik kung sinu-

sino ang magtatanong-tanong, kung sino ang pagkakatiwalaan sa documentation ng mga

kaganapan, ang recorder, at ang iba naman ay kabilang sa mga tagapakinig. Nung naitakda na

ang lahat, nagtanungo ang mga mananaliksik sa kanilang napiling lokal noong ika-20 ng Enero,

2024 pagkatapos ng kanilang klase upang mangalap ng datos para sa kanilang pananaliksik.

Halos isang oras ang biniyahe ng mga mananaliksik. Nung sila ay nakarating sa lugar,

nagpahinga muna sila nang saglit sa bahay ng isang miyembro ng grupo. Makalipas ang ilang

minuto, ang mga mananaliksik ay lumabas na upang maghanap ng mga Generation X at

Generation Z na pwedeng kuhaan ng impromasyon. Naglakad-lakad ang mga mananaliksik at

nagtanong sa kanilang mga nakasalubong sa daan, mga tindera ng sari-sari store, mga tricycle

driver, nanay na nagsasampay, kahit ang ibang mga nakatambay sa lugar. Tinanong muna ng

mga mananaliksik ang kanilang mga nakasalubong kung maaari ba silang lumahok sa

pananaliksik. Hindi na hiningi ng mga mananaliksik ang pangalan ng mga respondante nila

bilang respeto sa kanilang privacy at sa kadahilanan na hindi gaanong kahalaga ang pangalan

sa mga katanungang inihanda ng mga mananaliksik. Hiningi na lamang ang edad ng mga

respondante upang malaman kung ang mga napagtanungan ay pasok sa pangkat ng Generation

X o Generation Z.
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Bldg. Aguinaldo Hi-way, Dasmariñas, Cavite 13
EdPsyComm Department

Ang unang nakausap ng mga mananaliksik ay kabilang sa Generation X. Nakita siya ng

mga mananaliksik sa loob ng kaniyang bakuran. Niyaya siya ng mga mananaliksik na

makipagkwentuhan, sa kabutihang palad ay siya ay pumayag at sinimulan na ang pagtatanong-

tanong. Ang pangalawang kalahok ay kabilang sa Generation X na nakita naman ng mga

mananaliksik na nagsasampay ng kaniyang mga labahin. Pumayag rin siya na lumahok sa

pakikipagkwentuhan ng mga mananaliksik. Naglakad-lakad saglit ang grupo hanggang sa

nahanap ang pangatlong kalahok na kabilang sa Generation X. Umabot ng ilang minuto ang

kanilang pakikipagkwentuhan dahil ang kalahok ay palakaibigan. Sa parehong bahay ay nakuha

ng mga mananaliksik ang pang-apat na kalahok at siya ay kabilang sa Generation Z. Ang pang-

limang kalahok ay naabutan ng mga mananaliksik na naglalaro ng basketbol mag-isa. Siya ay

kabilang sa Generation Z. Ang kalahok na ito ay mahiyain kaya dalawang miyembro lamang

ng grupo ang kaniyang nakausap. Ang ibang mga miyembro ay lumayo muna upang bigyan

sila ng pagitan. Nanumbalik ang mga mananaliksik sa paglalakad hanggang sa makita nila ang

pang-anim na respondante, kabilang sa Generation Z. Ang pang-pitong kalahok ay kabilang sa

Generation X, saglit lang ang naging usapan dahil may gawain pa ang kalahok. Sa kabutihang

palad ay may nakasalubong ang mga mananaliksik na isang Generation Z na papasok pa lamang

sa paaralan at pumayag rin na makipagkwentuhan ngunit saglit lang din ang nangyaring usapan

dahil siya ay may pasok pa. Siya ang pang-walong kalahok. Ang pang-siyam na kalahok ay

isang tricycle driver na kabilang sa Generation Z. Siya ay pabalik sa terminal ng mga tricycle

kaya siya pinara ng mga mananaliksik para pagtanungan. Ang huling respondante ay isa ring

tricycle driver na kabilang naman sa Generation X. Ang kalahok na iyon ay mayroon ding

palakaibigan na ugali at yung iba niyang kasama sa terminal ay nagbigay rin ng kaunti nilang

mga nalalaman. Hindi kinalimutan ng mga mananaliksik na magpasalamat sa mga taong


NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Bldg. Aguinaldo Hi-way, Dasmariñas, Cavite 14
EdPsyComm Department

nakausap nila at nagpaalam na gagamitin ang mga nakalap na datos para sa isinasagawang

pananaliksik. Ang mga mananaliksik ay inabot ng halos isa at kalahating oras sa pagtatanong-

tanong sa mga Generation X at Generation Z sa lugar na iyon. Pagkatapos ng kanilang

pagtatanong-tanong at pakikipagkwentuhan, ang mga mananaliksik ay umuwi na sa kani-

kanilang bahay.

Para sa interpretasyon ng mga datos, ang unang ginawa ng mga mananaliksik ay ang

pagsalin ng mga recordings sa papel upang madaling makita ang mga impormasyon na nakalap.

Nagsama-sama muli ang mga mananaliksik sa isang lugar sa paggawa ng interpretasyon.

Inilista ng mga mananaliksik ang mga impormasyon na kanilang nakalap galing sa Generation

X at Generation Z at nalaman ng mga mananaliksik kung ano ang pinakakaraniwang ritwal o

pamahiin na nalalaman ng mga naging kalahok sa pag-aaral. Ipinaghambing-hambing rin ng

mga mananaliksik kung ano ang magkakaiba at magkakahalintulad na sagot.


NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Bldg. Aguinaldo Hi-way, Dasmariñas, Cavite 15
EdPsyComm Department

Resulta at Pagtalakay

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang mga ritwal o pamahiin na

isinasagawa sa burol ng mga Generation X at Generation Z. Ayon sa nakalap na impormasyon

ng mga mananaliksik, ang mga Generation X ay naniniwala sa iba’t-ibang mga pamahiin. Una

ay ang hindi pagsuot ng pula o matingkad na kulay ng damit sa mga lamay at libing sapagkat

ito ay nangangahulugang masaya ang nagsuot sa pagpanaw ng isang tao. Pangalawa ay ang

pagbabawal sa pagwawalis sa lamay dahil ito pinaniniwalaan na ang magwawalis ay sunod na

papanaw. Ang pangatlong nasabi ay tungkol sa pagtago o pamimigay ng mga naiwang gamit

ng namatay. Ilan ang nagsabi na tinatago nila ang mga gamit at ilan naman ang nagsabi na

ipinamimigay na lamang ito para hindi na maalala ang namayapa. Pangapat ay ang

pagpapagpag pagkatapos makilamay. Ito raw ay ginagawa upang hindi makasunod ang

kaluluwa ng namayapa. Panglima ay ang pagbabawal sa pag-uwi ng pagkain na binigay sa

lamay at pagkatapos ng libing. Nabanggit din nila ang pagbabawal na matuluan ng luha ang

kabaong sapagkat ito ay pinaniniwalaan na mahihirapan ang namayapa na tumawid sa kabilang

buhay. Bago naman ilagay sa nitso ang kabaong, ipinapadaan sa ilalim ng kabaong ang mga

batang kamag-anak ng namayapa upang matulungan ang namayapa na makatawid sa kabilang

buhay. Pagkatapos mailibing, lahat ng mga dumalo ay maghuhugas o magbabanlaw ng kamay

sa tubig na may kalamansi bunga ng nakasanayan na. Ang lugar din na pinagburulan ay dapat

linisin ng ibang tao at hindi ng pamilya ng namatay.

Karamihan sa mga pinaniniwalaan ay isinasagawa dahil ito ay nakasanayan na, nagugat

sa kanilang mga kinalakihang probinsya. Patuloy nila itong ginagawa bilang respeto na rin sa

mga nakakatanda pa sa kanila na nagpasa sa kanila nito. Kung susumahin, karamihan sa mga
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Bldg. Aguinaldo Hi-way, Dasmariñas, Cavite 16
EdPsyComm Department

nakalap na impromasyon ng mga mananaliksik tungkol sa mga pagsasagawa ng ritwal o

pamahiin sa burol o libing ng mga Pilipino ay ipinasa lamang din sa kanila ng nakaraang

henerasyon at kanila ring pinapasa sa susunod pa na henerasyon. Sa kabilang banda naman, ang

mga Generation Z ay naglahad ng kanilang mga nalalaman sa mga paniniwala at ritwal sa libing

ng mga Pilipino ngunit ilan lamang ang sumusunod dito. Gaya ng sa Generation X, naniniwala

rin sila sa hindi pagsuot ng pula sa burol at libing, pagpapagpag, at sa pagtatabi o pagsunog ng

gamit ng namayapa. Ito ang kanilang mga nalalaman dahil sa pagpasa ng naunang henerasyon.

Ang iilan ay hindi na nagsasagawa ng mga ritwal o naniniwala sa pamahiin dahil hindi ito

gaanong ipinapatupad ng nakaktanda sa kanila. Ang iba naman ay ginagawa pa rin ito dahil ito

na ang kanilang nakasayan at bilang respeto na rin sa mga nakakatanda.

Matapos maging komportable ng mga respondente sa pakikipagkwentuhan ng mga

mananaliksik, ang daloy ng pag-uusap ay umabot sa kung ano ang naging sanhi ng patuloy na

pagsunod nila sa kanilang mga pamahiin na kanilang ikanaraktira bilang pamahiin na kanilang

isunusunod sa kadahilanang pag respeto sa kanilang nakaraang henerasyon (“boomers” para sa

mga Generation X, “millennials” naman sa mga Generation Z”. Kanilang isiniwalat sa mga

mananaliksik na ang dahilan sa kanilang patuloy na pagsunod ay ito na ang nakasanayan ng

nakaraang henerasyon na kanilang ipinasa sa kanila at sila naman ay bunga ng mayroon ding

impluwensya ng relihiyon at ang kanilang kapaligirang kinalakihan. Lahat ng pamahiin na

kanilang isinusunod ay pinaniniwalaang nagdudulot ng kapayapaan sa yumao at relasyon nito

sa maykapal pati na rin ang kaniyang kalagayan sa paglalakbay patungo sa kabilang buhay.

Ngunit, dalawa sa Generation Z ay hindi naniniwala sa mga pamahiin na ito, naniniwala lamang

sila na mas mahalaga ang ginawa ng yumao habang siya ay buhay upang mag dikta kung ano

ang mangyayari sa kaniya sa kabilang buhay.


NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Bldg. Aguinaldo Hi-way, Dasmariñas, Cavite 17
EdPsyComm Department

Nang lumalim na ang koneksyon ng mananaliksik at mga respondante, itinanong ng mga

mananaliksik kung mayroon pa bang mas malalim na pinag ugatan ang paniniwala nila sa mga

pamahiin o ritwal osa burol at libing. Karamihang sagot na nakalap ng mga mananaliksik ay

dahil sa mga matandang nasa burol at sa lugar kung saan ibinurol ang yumao ang mayroong

pinakamalaking impluwensya kung paano ba dapat isaayos ang burol. Sa libing naman ay,

kailangan laging may gabay ng matatanda dahil sila ang mayroong mas ekstensibong kaalaman

sa kung paano isaayos ang pagpapaalam sa mga yumao, at dahil likas na sa kultura ng mga

Pilipino ang magkaroon ng mataas na respeto at paggalang sa mga henerasyong sumunod sa

kanila. Madali ring mapapansin na ang mga Generation Z ay sumusunod na lamang sa pamahiin

o ritwal nunit hindi pinahahalagahan, dahil muli likas na mayroong malaking puwang ang

respeto sa matatanda sa kanila bunga ng, ayon sa kanila ay isang Pilipino.

Mapapansin na malaki ang pagkakaparehas ng parehas na henerasyon sa kanilang

ibinigay na mga pamahiin at ritwal. Ngunit madaling mapansin sa kanilang mga ibinigay na

mga salaysay kung anong henerasyon ang patuloy na sumusunod at ipinepreserba ang tradisyon

at kultura ng pagdadalamhati sa yumao at kung anong henerasyon ang sumusunod bunga

lamang sa pagrespeto sa nakakatanda sa kanila.

Bunga ng paggamit ng mananaliksik sa kwalitatibong pamamaraan na pagtatanong-

tanong at pakikipagkwentuhan, nakakalap sila ng impormasyon na nanggaling sa limang

Generation X o mga indibidwal na ipinanganak simula sa taong isang libo’t siyam na raang

animnapu’t lima (1965) hanggang sa taong isang libo’t siyam na raang walumpu (1980) at

limang Generation Z o mga indibidwal na ipinanganak simula sa taong isang libo’t siyam na

daang siyam pu't isa (1991) hanggang sa taong dalawang libo’t labing dalawa (2012).
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Bldg. Aguinaldo Hi-way, Dasmariñas, Cavite 18
EdPsyComm Department

Pagbubuod

Ang pag aaral na ito ay naglalayong malaman, maunawaan, at paghambingin ang mga

pamahiin at ritwal sa burol o libing ng mga Generation X at Generation Z,. Isinagawa ang pag-

aaral na ito sa isa sa mga samu’t saring indibidwal na may iba’t ibang nakalakihang kultura na

kasalukuyang naninirahan sa isa sa mga pinakamalaking barangay probinsya ng Cavite.

Ang mga pamahiin na sinusunod ng mga partisipante na kabilang sa Generation X ay ang

hindi pagsusuot ng pula o anumang matingkad na kulay na kasuotan dahil ito ay

nangangahulugang masaya ang nararamdaman imbis na magdala ng dalamhati sa yumao.

Mapanatiling huwag na matuluan ng luha ang kabaong, hindi paglilinis o pagwawalis sa lamay,

paglinis ng pook kung saan binurol, pagpapagpag, at hindi pag uwi ng mga pagkain sa lamay.

Ang mga nabanggit ay alam naman ng mga partisipante na kabilang sa Generation Z, ngunit

may ibang mga pamahiin na nabanggit na wala silang ideya kung ano at paano ito nangyayari.

Relihiyon at kapaligirang kinalakihan, at pagpasa ng nakaraang henerasyon ang pinaka

tinuturong sanhi ng pag unlad at pag kilanlan ng mga pamahiin sa parehas na henerasyon.
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Bldg. Aguinaldo Hi-way, Dasmariñas, Cavite 19
EdPsyComm Department

Konklusyon

Ayon sa pag-aaral at resulta na nakalap ng mga mananaliksik, masasabing patuloy pa din

na isinasagawa ng mga nasa Generation X o boomers, at Generation Z o millennials, ang

pagsunod sa mga pamahiin sa patay na kanila nang kinagisnan. Masasabi man na ang dalawang

henerasyon ay mayroong pagkakapareho pagdating sa iba't ibang pamahiin na kanilang

sinusunod, makikita pa rin ang kanilang pagkakaiba pagdating sa dahilan kung bakit nila

patuloy na isinasagawa ang mga pamahiing ito. Magkaiba man ang henerasyon, makikita na isa

sa mga dahilan kung bakit patuloy na isinasagawa ang mga ritwal ay upang makapagbigay

respeto para sa mga yumao. Kahit na may ilan sa kanila ay hindi na naniniwala sa mga pamahiin,

hindi maitatanggi na karamihan pa rin sa mga respondante ay patuloy na gumagawa ng paraan

upang maikalat o maipasa sa mga susunod na henerasyon ang mga pamamaraan at ang dahilan

ng pagsasagawa ng ritwal.

Iba’t iba man ng paniniwala ang Generation X at Generation Z, nakikita pa rin ng mga

mananaliksik pagdating sa naging resulta na talagang mas may sinusunod ang mga Generation

X sapagkat sila ay totoong naniniwala rito o dahil narin naipasa na sa kanila ang ganoong

pamamaraan pagdating sa burol o patay. Pero iilan pa rin sa mga respondante na nasa

Generation Z ay talagang walang pakialam o wala gaanong kaalaman pagdating sa mga naging

pamahiin ng mga Generation X.


NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Bldg. Aguinaldo Hi-way, Dasmariñas, Cavite 20
EdPsyComm Department

Rekomendasyon

Maaaring makatulong ang pag-aaral na ito sa mga Generation X upang sila ay makapag-

baliktanaw sa kanilang mga tradisyon at paniniwala upang lubos nilang maunawaan kung paano

ito nag-iba sa paglipas ng panahon, bukod pa dito makakatulong din ito upang maibahagi ang

kanilang mga paniniwala at ritwal na isinisagawa sa mga makabagong henerasyon.

Ang mairerekomenda ng mga mananaliksik sa Generation X ay ang pag-aaral na ito ay

maaaring makatulong upang sila ay makapag-balik tanaw sa kanilang mga tradisyon at

paniniwala upang lubos nilang maunawaan kung paano ito nag-iba sa paglipas ng panahon.

Bukod pa dito makakatulong din ang pananaliksik na ito upang maibahagi nila ang kanilang

mga paniniwala at ritwal na isinisagawa sa mga makabagong henerasyon kagaya nalang sa

Generation Z sapagkat ito ay makakatulong upang magkaroon sila ng mas malawak pang

pananaw tungkol sa ritwal at pamahiin sa libing o burol. Ito rin ay magsisilbing gabay upang

hindi tuluyang maglaho ang mga kinagisnang mga pamahiin. Magagamit din ito ng mga

mananaliksik sa hinaharap upang mas palalimin ang pananaliksik na ito sa pamamagitan ng

pagkalap ng mas maraming datos tungkol sa mga ritwal at pamahiin na isinasagawa tuwing

may burol o libing. Inirerekomenda rin na kumalap ng datos sa iba pang lugar upang mas

mapalawak ang pananaliksik na ito.


NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Bldg. Aguinaldo Hi-way, Dasmariñas, Cavite 21
EdPsyComm Department

Sanggunian

Admin. (2021, May 14). Filipino beliefs you should respect when attending Wakes - Heritage

Memorial Park. Heritage Memorial Park.

Amat, A. B. (2021). Pamahiin sa Kamatayan: Katutubong Konsepto ng mga Taclobanon.

Development, 9(1), 106-11

Dimock, M. (2019). Where Millennials end and Generation Z begins.

Luna, M. L., De Guzman, A. A., & Lacorte, J. L. (2019). Level of practice of superstitious

beliefs among the students of callejon national high school: Basis for scientific literacy

campaign. Tonyo’s Journal, 1(1), 21-35.

M. (2020, August 5). Ano ang Pamahiin? | Gabay Filipino. Gabay Filipino.

Pe-Pua, R. (1989). Pagtatanong-tanong: A cross-cultural research method. International Journal

of Intercultural Relations, 13(2), 147–163. https://doi.org/10.1016/0147-

1767(89)90003-5

Relihiyon, Paniniwala, Ritwal, at mga Kagamitan – KWF Repositoryo ng Wika at Kultura ng

Pilipinas.

Superstition Definition & Meaning | Britannica Dictionary

The Unique Funeral Customs of Various Filipino Ethnic Groups - SevenPonds

BlogSevenPonds Blog.

Villar, A. S. (2022, September 1). Pamahiin sa patay, dapat nga bang sundin pa ang mga ito?

The Asian parent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Bldg. Aguinaldo Hi-way, Dasmariñas, Cavite 22
EdPsyComm Department

Apendiks
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Bldg. Aguinaldo Hi-way, Dasmariñas, Cavite 23
EdPsyComm Department
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Bldg. Aguinaldo Hi-way, Dasmariñas, Cavite 24
EdPsyComm Department
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Bldg. Aguinaldo Hi-way, Dasmariñas, Cavite 25
EdPsyComm Department

You might also like