Filipino 10 Third Term Summative 1 Reviewer: Talasalitaan

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

FILIPINO 10

THIRD TERM SUMMATIVE 1 REVIEWER

(Talasalitaan, Pagtukoy sa Tauhan, Pagtalakay sa mahahalagang detalye)

TALASALITAAN
Ligalig - Pag-aalala/problema
Pagkapoot - Pagkagalit

Kabanata 6:

Abuloy - Tulong
Paham - Matalino
Samsamin - Kolektahin
Pighati - Lungkot
Palaboy - Hampaslupa
Gatol - Sigurado

Kabanata 7:

Hinagilap - Hinanap Pagkahapo - Pagkapagod


Kubli - Tago Naglagalag - Namasyal
Nabuntad - Nabusog Dumaluhong - Sumugod
Salarin - Maysala Gulilat - Nagulat
Naglisaw - Nagkalat Lumantad - Lumabas
Hilahil - Pagdurusa

Kabanata 8:

Nakamata - Nakatingin
Nanlumo - Nanghina
Nasindak - Natakot
Natamo - Nakuha
Tili - Matinis na sigaw
PAGTATALAKAY SA MAHAHALAGANG DETALYE

Kabanata 6

- Binisita ni Basilio ang puntod ni Sisa habang isinasagawa ang Misa de Gallo.
- Labing-tatlong taon na ang nakalipas mula sa pagkamatay ni Sisa. (13 years)
- May nakita siyang sugatang lalaki (Si Elias), at inutusan siyang kumuha ng panggatong
para makagawa ng apoy.
- Pagbalik niya ay patay na ang lalaki. May isa pang lalaki doon (Si Crisostomo Ibarra) at
tinulungan siyang ilibing ang kanyang ina at sunugin ang bangkay ni Elias. Binigyan siya
ni Ibarra ng pera at hinikayat na makaalis na sa lugar na iyon.
- Napadpad si Basilio sa Maynila kung saan siya’y naging palaboy. Isang araw ay nakita ni
Basilio ang karwahe ni Tiya Isabel at Kapitan Tiago at sinundan iyo. Nang makarating sa
kanilang tirahan ay namasukan bilang utusan si Basilio na walang bayad, at tinanggap
naman ito ni Kapitan Tiago dahil siya ay namimighati pa sa pagpasok ni Maria Clara sa
kumbento.
- Pinag-aral ni Kapitan Tiago si Basilio sa San Juan de Letran, ngunit hindi masyadong
nagustuhan ni Basilio ang paraan ng pagtuturo dito.
a. Sa unang taon niya doon ay hindi siya pinansin ng kanyang mga propesor at mga
kaklase dahil sa kanyang kakulangan sa kaalaman at ang kanyang pananamit.
b. Sa ikalawang taon niya doon ay naging disente na ang kanyang pananamit dahil
sa mga damit na ibinibigay ni Kapitan Tiago sa kanya. (Nanalo rin si Kapitan
Tiago sa sabong at binigyan siya ng perang naipanalunan niya, kaya nakabili si
Basilio ng mga bagong damit.)
c. Sa ikatlong taon niya ay nagkaroon siya ng propesor na tamad at palabiro. Isang
araw ay napansin ng propesor na iyon na hindi nakikisama si Basilio sa kanyang
mga biro, kaya ginusto niyang pagtripan ito. Pero sa puntong ito ay saulado na ni
Basilio ang aralin at marunong na siya mag-Kastila, kaya hindi natuloy ang
pagpapahiya sa kanya. Binansagan siyang loro ng kanyang propesor.
d. Sa kanyang ikaapat na taon ay ginusto na niyang tumigil sa pag-aaral. Ngunit
nagkaroon siya ng guro na tunay na matalino at progresibo. Nakilala si Basilio ng
gurong ito dahil sa kahusayan niya sa labanan ng tungkod at espada
(fencing).Dahil sa pagkilala sa kanya at kanyang sipag sa pag-aaral, ay
nakatanggap si Basilio ng medalya at mataas na marka. Ito ang rason kung
bakit hinikayat siya ni Kapitan Tiago na lumipat sa Ateneo de Municipal. (At
inirekomenda ang pag-aaral ng batas o pag-aabogado.)
- Nagsikap siyang makasabay sa mga mag-aaral doon, kaya natuto siya nang husto sa
buong limang taon ng pag-aaral para makamit ang kursong Bachiller en Artes.
- Pinili niyang mag-aral ng medisina at nagustuhan niya nang husto ang pagtuturo sa
Ateneo de Municipal.
- Sinimulan niyang manggamot ng tao sa ikatlong taon ng pag-aaral niya ng medisina;
ito ang naisip niyang paraan upang makaipon ng pera.
- Dalawang buwan nalang ay magiging ganap na doktor na si Basilio. Gusto niyang
pakasalan si Juli pagkatapos ng kanyang pag-aaral. Siya pa ay napili na bumigkas ng
talumpati ng nangungunang mag-aaral sa pagtatapos. (Valedictory speech).

Kabanata 7
(Inihambing ni Jose Rizal ang Pilipinas at Espanya sa Kuwintas na Rosas at Bakal na Kadena)

(Ang sinisimbolo ng madilim na kagubatan ay ang mga nakatagong lihim ni Simoun.)


- Papaalis na si Basilio nang may narinig siyang lalaking papalapit sa kinaroroonan niya.
Ang lalaking ito ay ang mang-aalahas na namumukhaan ni Basilio. (Si Simoun)
- Nakita niyang naghuhukay ang mang-aalahas (hinuhukay niya ang mga brilyante at
kayamanan na tinago niya labing-tatlong taon na ang nakalipas) , at imbes na magtago ay
nagpakita si Basilio.
- Tinutukan siya ng mang-aalahas ng baril, ngunit hindi pinutok ito. Alam ni Simoun na
kahit ipaalam ni Basilio ito sa iba ay wala namang maniniwala sa kanya.
- Ipinagtapat si Simoun na siya nga ang lalaking tumulong kay Basilio labing-tatlong taon
na ang nakalipas. (Siya nga si Crisostomo Ibarra.)
- Naglakbay at nagsikap si Simoun para makaipon ng pera at maisakatuparan ang
kanyang plano. (Gusto niyang maging malapit siya sa mga matataas na opisyal ng
gobyerno para maimpluwensyahan niya ang mga desisyon nila, at pahirapan lalo ang
mga Pilipino. Sa tingin niya ay kapag pinahirapan pa lalo ang kanyang mga kababayan
ay magsisimula na silang maghimagsik.)
- Ipinahayag ni Simoun ang kanyang pagkabigo nang malaman niyang gustong magpatayo
ng paaralang nakatuon sa pag-aaral ng wikang Kastila ang mga mag-aaral. Hindi
sang-ayon si Simoun sa ideolohiya ng mga mag-aaral dahil:
a. Tunay na magpapaalipin na ang mga Pilipino sa mga dayuhan kung
kukupkopin nang buo ang kultura at wika nito.
b. Makakasira ito sa pagkakakilanlan ng mga Pilipino.
c. Magdudulot ito ng hindi pagkakaunawaan dahil higit na sa apat-napung wika
na ang ginagamit ng mga Pilipino.
- Ang nais naman ni Basilio ay:
a. Magkakaroon ng pantay pantay na karapatan ang mga Kastila at Pilipino
b. Ipagkaisa ang mga tao sa iba’t ibang pulo ng Pilipinas sa ilalim ng pamumuno
ng Kastila (parang gagawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas)
c. Maging wikang Kastila ang pangkaraniwang wika ng mga Pilipino.
- Kailangan ni Simoun ang impluwensya ni Basilio para labanan ang pagnanasa ng mga
mag-aaral sa Kastilang pamamaraan ng pamumuhay. Hinikayat niyang kumampi sa
kanya si Basilio.
- Nang mapansin niyang hindi mag-iiba ang isip ng binata, pinaalala ni Simoun ang sinapit
ng kanyang ina at kapatid sa kamay ng mga kastila.
- Bago umalis si Basilio ay pinaalala nalang ni Simoun na bukas ang tirahan niya sa
Escolta kung sakaling magbabago ang isip ng binata.

Kabanata 8
- Nang nagising si Juli ay natandaan niya ang posibleng milagro ng Birheng Maria. Nang
dumating si Juli sa kusina ay nakita niyang dalawandaan at limampung piso parin ang
perang naipon niya. Ang kailangan niya pang halaga ay isa pang dalawandaan at
limampung piso (dahil upang matubos ang kanyang ama, kailangan niyang magbayad ng
limangdaang piso)
- Alam niyang kailangan talaga niyang tumuloy sa paninilbihan bilang utusan upang
makakita ng perang pantubos.
- Napansin niyang nakatitig lang sa kanya ang kanyang lolo, hindi ito kumikibo. Nais
niyang gumaan ang kalooban ng kanyang lolo kaya nagawa niyang magbiro.
“Pagbalik ni Ama, sabihin po ninyong pumasok ako sa eskuwela sa wakas. Ang amo
ko ay marunong mag-Kastila. Hindi na kayo makakatagpo ng ganitong kamurang
paaralan.”
- Luha lang ang naging tugon ni Tandang Selo sa biro ng kanyang apo. Nagmadali nang
umalis si Juli.
- Nang makalabas si Juli ay lumabas lahat ng luha na kanyang tinitimpi. Naramdaman niya
na siya ay mag-isa sa araw ng pasko. Pero alam niyang kailangan niyang akuin ang
responsibilidad para mabuo ulit ang pamilya nila.
- Inisip ni Tandang Selo na pumanaw na ang pasko sa kanilang pamilya. Umupo nalang
siya sa may bintana at pinanood ang mga pamilyang nakabihis at papunta na sa Misa
Mayor.
- Nakita niyang malapit na ang kanilang mga kamag-anak. Nalungkot siya dahil alam
niyang wala siyang maireregalo sa kanila dahil sa sitwasyon ng kanyang pamilya. Ni
HINDI man lang siya binati ng “Maligayang Pasko” ni Juli bago ito umalis.
- Pagdating ng kanyang mga kaanak ay wala siyang masabi. Kahit ipilit niya ang sarili ay
walang salita na lumalabas sa kanyang bibig. Tuluyan nang napipi si Tandang Selo.

MAHAHALAGANG DIYALOGO

“Napipi na! Napipi na!” - Mga kamag-anak nila Tandang Selo


“Pagbalik ni Ama, sabihin po ninyong pumasok ako sa eskuwela sa wakas. Ang amo ko ay
marunong mag-Kastila. Hindi na kayo makakatagpo ng ganitong kamurang paaralan.” - Juli

"Ako ay nasa pinakamababang antas ng lipunan at walang mapagkukunan. Sa akala ninyo ba'y
madadala ko ang mga mamamatay-tao sa harap ng katarungan?" - Basilio

“Ang paggamit ng wikang Kastila ay pagbibigay-daan sa pagkakaalipin.” - Simoun

“Ang mga taong tulad natin na uhaw sa katarungan; imbes na ipahamak ang isa’t isa ay mas
dapat magtulungan.” - Simoun

- Made by Lorin Pagkalinawan of 10I (FR) !!!!!

You might also like