PT Esp-6 Q1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V – BICOL
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LEGAZPI CITY
MATANAG ELEMENTARY SCHOOL

TABLE OF SPECIFICATIONS
First Periodical Test in ESP 6

ITEM PLACEMENT
EASY AVERAGE DIFFICULT
Remember Understa Anal Evaluat No. of
COMPETENCY Apply/ Create /
/ nd/ yze / e/ Items
Applicati Evaluati
Knowledg Compreh Anal Synthes
on on
e ension ysis ize
1. Pagsusuri nang mabuti sa 1-5 5
mga bagay na may
kinalaman sa sarili at
pangyayari
2. Pagsang -ayon sa pasya ng 6-10 24- 47-50 22
nakararami kung 36
nakabubuti ito
3. Paggamit ng impormasyon 11-23 37- 23
46

TOTAL NUMBER OF 5 18 23 3 50
ITEMS
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V – BICOL
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LEGAZPI CITY
MATANAG ELEMENTARY SCHOOL

Pangalan:____________________________________Baitang: ________________Score:_____
I. Panuto: Basahin nang mabuti ang sumusunod. Piliin ang katangian na ipinahihiwatig sa bawat sitwasyon.
Bilugan ang titik ng napiling sagot.

1. Alam ni Edgar na hindi na siya kayang pag-aralin ng kaniyang mga magulang dahil sa
mas marami ng gastusin simula Junior High School. Ipinaintindi ito sa kaniya ng kaniyang mga magulang
kaya hindi siya nagalit o nagtanim ng sama ng loob.
A. pagkamatiyaga B. pagmamahal sa katotohanan
C. pagkabukas ng isipan D. pagkamahinahon

2. Maraming basura ang nakita ni Myrna sa likuran ng kanilang paaralan. Hindi pala nakuha
ang mga ito ng basurero at ngayon ay nakakalat na. Dali-daling kumuha ng walis at dustpan
si Myrna upang linisin angbasura upang hindi makaperwisyo ang amoy nito sa ibang mag-aaral.
A. pagiging malinis B. may paninindigan
C. mapanuring kaisipan D. pagiging mahinahon

3. Inimbita ka ng iyong kaklase na magpunta pagkatapos ng klase sa kanilang bahay. Ngunit


Nagbilin ang nanay mo na umuwi ka ng maaga dahil babantayan mo ang nakababata mong kapatid. Ipinaliwanag
mo sa iyong kaklase kung bakit kailangan mong umuwi ng maaga.
A. lakas ng loob B. kaalaman
C. pagiging responsible D. may paninindigan

1. Sa kabila ng kahirapan sa buhay, hindi nawalan ng pag-asa si Julia na balang araw


magiging maayos din ang buhay ng kaniyang pamilya. Araw araw niyang ipinagdarasal ito sa Panginoon.
A. pagmamahal sa katotohanan B. may paninindigan
C. may pananampalataya D. katatagan ng loob

2. Bawat buwan ay nagpapadala si Marta ng sahod na natatanggap niya upang ipambili


ng pagkain para sa magulang at mga kapatid. Anong katangian ang ipinapakita ni Marta?
A. kaalaman B. pagmamahal sa pamilya
C. bukas na isipan D. lakas ng loob

3. Sinabi ng kapitbahay mo na ang iyong kapatid ay palaging lumiliban sa klase.


Ano ang gagawin mo?
A. Pagagalitan ko ang aking kapatid.
B. Pagagalitan ko ang aking kapitbahay.
C. Isusumbong ko ang aking kapatid sa aming mga magulang.
D. Kakausapin ko ang aking kapatid tungkol dito, tatanungin ko siya kung bakit siya
lumiliban sa klase at ipaliliwanag ang kahalagahan ng pag-aaral at ang hindi
magandang kahihinatnan ng kaniyang madalas na pagliban sa klase.

4. Pumapangalawa ka sa klase ninyo sa mathematics. Mayroong paligsahan sa inyong paaralan at ang kasali sa
contest ay absent. Ikaw ang napiling ihalili. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasali sa paligsahan.
B. Hindi ka sasali sa paligsahan.
C. Sasabihin mo sa titser na iba na lang ang isali sa paligsahan.
D. Sasabihin sa titser mo na hintayin na lang pumasok ang iyong kaklase na lumiban.

5. Niyaya ka ng kaibigan mong maligo sa ilog. May pasok kayo sa araw na iyon at mahigpit na
ipinagbabawal ng iyong magulang ang maligo sa ilog. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasama kang maligo sa ilog.
B. Hindi ka sasamang maligo sa ilog.
C. Sasama ka ngunit hindi maliligo.
D. Uuwi ka muna ng bahay at magpapaalam sa iyong mga magulang.

6. Nakita mong umiiyak ang kapatid mo habang nakikipaglaro sa batang kapitbahay ninyo.
Ano ang gagawin mo?
A. Pagagalitan ko ang aking kapatid.
B. Pagagalitan ko ang batang kapitbahay namin.

2|P a g e
C. Tatanungin ko ang aking kapatid kung bakit siya umiiyak at pauuwiin.
D. Sasali ako sa kanilang laro at aawayin ko ang batang kapitbahay namin.

7. Inutusan ka ng nanay mo na bumili ng toyo at suka sa tindahan. Pagkatapos mong bumili


nalaman mong sobra ang isinukli sa’yo ng tindera. Ano ang gagawin mo?
A. Ipambibili ko ng kendi ang sobrang sukli para sa aking nakababatang kapatid.
B. Tatanungin ko muna si nanay kung ano ang gagawin sa sobrang sukli.
C. Uuwi ako sa bahay at hihingin kay nanay ang sobrang sukli.
D. Isasauli ko agad-agad sa tindera ang sobrang sukli

8. Ang pagpapahalaga at ang pagsang-ayon sa pasya ng nakararami ayisangkatangian na


kaaya-aya bilang isang kasapi ng pamilya. Paano mo itomaipapakita?
A. Magsasawalang kibo na lamang kung sila ay nakapagpasyana.
B. Magbibigay ng iyong sariling pananaw at hindi susunod sakanila.
C. Bigyang halaga, respetuhin at tumulong upang maisakatuparanang desisyon ng nakararami.
D. Hayaan silang magdesisyon dahil wala ka namang maitutulong.

9. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayansapaghubog ng isang


maayos at matatag na pamilya?
A. Pagkakaroon ng responsableng ama at mapagmahal na inananagsasama nang
matiwasay at payapa.
B. Pagpadami ng mga anak.
C. Balewalain ang karapatan ng bawat kasapi pamilya.
D. Pagbibigay ng luho sa mga anak.

10. Ang pamilya Vergara ay sama-samang nagsisimba kung Linggo at sama- sama ring
nananalangin sa araw-araw. Anong katangian ang ipinapakitang pamilyang ito na dapat tularan?
A. Pamilyang may malasakit sa karapatan ng bawat isa.
B. Pamilyang may pagmamahal at respeto sa isa’t isa.
C. Pamilyang nagkakaisa sa pananampalataya.
D. Pamilyang nagkakaunawan at nagbibigayan suporta sa bawat kasapi

11. Ang pagsang-ayon ay pagtanggap, pagpayag at pakikiisa sa ipinyonngiba. Alin sa


sumusunod ang nagpapahayag ng pagsang ayon sa nakararami?
A. “Bakit hindi ninyo naisipang ibahin ang plano?”
B. “Kaisa mo ako sa bahaging iyan, lubos akong nananalig.”
C. “Sana sa susunod hindi lang parati kayo ang masusunod.”
D. “Wala na ba kayong maisip na paraan?”

15. Bakit natin pinahahalagahan ang makakabuti para sa nakakarami?


A. Upang mapangalagaan ang kapakanan ng bawat kasapi.
B. Upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
C. Upang maiwasan ang pagkamakasarili.
D. Lahat ng sagot ay tama.
16. Pumunta ka sa isang aklatang-bayan. Hinihingi ang impormasyon ng iyong tirahan.
A. Ibibigay mo ang address ng iyong paaralan.
B. Ibibigay mo ang kumpletong address ayon sa hinihingi.
C. Ibibigay mo ang buong pangalan ng tatay at nanay mo.
D. Alamin muna bakit hinihingi.

17. May dumating sa bahay ninyo na bagong katulong o kasambahay. Gabi na at bukas pa
uuwi ang mgamagulang ninyo. Ano ang gagawin mo?
A. Patuluyin mo siya at patulugin sa gabi.
B. Hayaan mo siyang maghintay sa labas ng bahay.
C. Ipagbibigay alam sa kaniya na ang mga magulang mo ay umalis pa at uuwi ang mga ito kinabukasan.
D. Pabalikin siya kinabukasan.

18. May dumating, nagpapakilalang kolektor ng appliances. Wala sa bahay ang nanay at tatay
mo. Hinihingi niya ang cellphone number ng mga magulang mo. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi papasukin ang tao at tawagan ang iyong ina sa cellphone.
B. Papasukin ang tao sa bahay at papaghintayin sa tawag ng iyong ina.
C. Humingi ng opinyon ng kapitbahay kung papasukin ang tao.
D. Isara ang pinto at hayaang maghintay ang tao sa labas.

19. May isang van na huminto sa tapat ng bahay ninyo. Lumabas ang isang lalaki at nagbalitang
naaksidente ang kapatid mo at kasalukuyang nasa ospital. Nasa trabaho pa ang mga
magulang mo. Ano ang gagawin mo?

3|P a g e
A. Ipagbibigay alam at hihikayatin ang mga kaibigan na sumama ospital.
B. Ikaw na lang ang sasama sa ospital.
C. Ipaaalam sa mga magulang ang nangyari at hintayin ang kanilang desisyon.
D. Magtatanong sa kapitbahay ano ang gagawin.

20. Lilipat ka ng papasukang paaralan. Kakailanganin ang mga impormasyon ng pamilya mo


sa iyong mga sasagutin. Alin sa sumusunod ang hindi kasama?
A. Buong pangalan ng tatay at pinagta-trabahuhan niya.
B. Pangalan ng nanay mo sa pagkadalaga.
C. Iyong mga kaibigan at nakaraang mga kaklase.
D. Edad at pangalan ng iyong mga kapatid.

21. Nakita mo sa facebook na kinansila ang pasok dahil sa malakas na hangin at pabugso-
bugsong ulan.
A. Maniwala at huwag ng pumasok.
B. Sasabihin sa ina na walang pasok dahil sinabi ito ng iyong kaklase.
C. Itanong sa guro kung totoo ang impormasyong iyong nabasa.
D. Alamin sa mga kaibigan kung totoo na walang pasok.

22. Nag-chat ang kaibigan mo tungkol sa programa para sa Buwan ng Wika. Nagtatanong siya
kung ano ang isusuot sa palatuntunan. Ano ang gagawin mo?
A. Isusumbong siya sa guro dahil hindi siya nakinig.
B. Hayaan na makadalo sa palatuntunan ng paaralan na walang dala.
C. Ipagbigay alam sa kaibigan ang mga palabas at kung ano ang dapat.
D. Ibigay agad sa kaniya ang lahat ng impormasyong nalalaman tungkol sa programa sa Buwan ng Wika.

23. May umugong na balita na may naganap na nakawan sa Barangay. Isang araw, kumatok
sa pinto ang isang lalaki at sinasabing kaibigan siya ng kaniyang mga magulang. Pinapasok
naman siya ng bata sa kanilang bahay kaya malayang nakapagnakaw ang kawatan. Kung
ikaw ang bata, ano ang iyong gagawin?
A. Hindi papasukin ang tao at tatawagan ang iyong ina upang itanong kung totoong kaibigan siya.
B. Papasukin ang tao sa bahay at pahihintayin sa iyong ina.
C. Humingi ng opinyon ng kapitbahay kung papasukin ang tao.
D. Isara ang pinto at hayaang maghintay ang tao sa labas.

II. Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang bilang kung wastong hakbang ang ginagawa at ekis (x) kung hindi.
Isulat ang iyong sagot sa patlang.

________24. Si Mang Nicanor ay isang Barangay Opisyal. Nakatanggap siya ng e-mail na


magkakaroon ng pagpupulong ang lahat ng opisyales ng Barangay. Tiningnan niya
ang pangalan ng nagpadala mula ito sa kalihim.

________25. Nasa ika-anim na baitang si Josie. Handa na siyang pumasok sa paaralan ngunit
napakalakas ng ulan. Narinig niya sa radyo na kinansila ng kanilang Mayor ang pasok
sa elementarya at sekondarya dahil sa masamang kalagayan ng panahon. Tinawagan
ni Josie ang kanilang paaralan upang eberipika ang narinig.

______ 26. Nanonood ka ng telebisyon at nakita mo sa kanilang palabas na may makapal na usok
malapit sa inyong lugar. Sinabi mo agad sa iyong ina na mayroong sunog malapit sa
inyo. Nabigla siya at hinimata dahil sa nerbiyos. Nalaman mo mula sa inyong kapitbahay
na nagpa-fogging lamang pala sa inyong Barangay.

_______27. Nakatanggap ka ng mensahe mula sa kaibigan mo na naiinis ang isa mong kaklase sa
iyo dahil sa palagi mong pagkuha ng matataas na marka. Hindi ka naniwala sa kaniya
dahil wala kang basihan nito.

_______28. Nakita mo sa iyong facebook account na may isang babaeng nanawagan kung sino
ang nakakikilala sa matandang palaboy-laboy sa kanilang lugar at hinahanap ang
kaniyang pamilya. Nagkataon na kilala mo ang matanda at malapit lamang ang
tirahan nila sa inyo kaya pinuntahan mo agad ang kaniyang pamilya at ipinaalam ang
kinaroronan ng matanda.

III. Panuto: Sagutin ng TAMA o MALI ang pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

_______29. Kaakibat ng pagbuo ng pasya ang responsibilidad na maaaring makaapekto


sa iyong sarili

4|P a g e
_______30. Mahirap ang pagbuo ng isang pasya.
_______31. Dapat isaalang-alang ang kapakanan ng iba sa pagbuo ng pasya.
_______32. Nararapat na suriing mabuti ang sitwasyon bago bumuo ng pasya.
_______33. Siguraduhing makalalamang ang iyong sarili bago ka bumuo ng pasya.
_______34. Agad gumawa ng isang pasya kung nahaharap sa isang mahirap na sitwasyon
sa buhay.
_______35. Isang mabuting katangian ang paghingi ng gabay sa Panginoon sa tuwing
gagawa ng desisyon sa buhay.
_______36. Dapat isaalang-alang ang sariling kakayahan sa pagbuo ng desisyon.
_______37. Padalos-dalos na pagpapasya ng nakararami ay laging nakabubuti sa akin.
_______38. Ang pagbibigay ng pasya o paggawa ng desisyon ay dapat makabubuti sa
lahat upang walang matapakan/masaktanomapinsala.
_______39. Ang desisyon ay dapat ayon sa ating konsensya.
_______40. Sinusuri at pinag-iisipan muna ang bawat pasya na ginagawaoibibigay.
_______41. Tanggapin agad ang pasya ng iba nang walang pag- aalinlangan.
_______42. Kumonsulta sa mga nakakatanda upang mas matulungankasa pagpapasya.
_______43. Dapat ang desisyong gagawin ay ayon sa pananampalataya, o sa
kinabibilangang relihiyon.
_______44. Pag-isipan at suriing mabuti ang maaaring kahinatnanomaging bunga o resulta
ng isang gagawing desisyon o bibitawang pasya.
_______45. Ipagwalang bahala ang mga ibinibigay na desisyong tulongngiba.
_______46. Pag-aralan lahat ang posibleng desisyon bago gumawanghuling pagpapasya.

IV. Panuto: Batay sa iyong natutuhan. Ipaliwanag ang iyong sagot. Isulat ang iyong sagot sa espasyo sa
ibaba.

47. Paano ka bumubuo ng pasya?


48. Isinasaalang-alang mo ba ang ibang tao sa pagbuo ng iyong pasya? Oo o Hindi. Bakit?
49. Tinitimbang mo ba ang makabubuti at ang makasasama bago ka gumawa ng isang pasya? p
Oo o Hindi. Bakit?
50. Mahalaga ba ang mapanuring pag-iisip sa pagbuo ng isang mabuting pasya? Oo o Hindi. Bakit?

ANSWER KEY FOR ESP 6

No. Answer No. Answer

1 C 20 A

2 A 21 C

3 C 22 d

4 D 23 A

5 B 24 √

6 D 25 √

7 A 26 x

8 B 27 √

9 C 28 √

5|P a g e
10 D 29 Tama

11 C 30 Tama

12 A 31 Tama

13 C 32 Tama

14 B 33 Tama

15 D 34 Tama

16 B 35 Tama

17 C 36 Tama
18 A 37 Mali
19 C 38 Tama

39 Tama

40 Tama

41 Mali

42 Tama

43 Tama

44 Tama

45 Mali

46 Tama

47
Magkaiba
48
ang mga
49 sagot

50

6|P a g e

You might also like