Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Karanasan

Ni Cynthia G. Frias

Ako’y isang taong di likas na makata


May nais lang ipaabot sa pamamagitan ng tula
Aking kaligayahan sa naging karanasan
Sa isang seminar sa Puerto Princesa,Palawan.

Bagama’t noong una ay may agam-agam


Suwerte ko pala na di inaasahan
Nadagdagan pa bagong mga kaibigan
Parang walang hanggan aming pinagsamahan.

Malayo man ang aking binagtas


Hiling ko sa Diyos ako’y iligtas
Kanyang mga kamay nawa’y maging gabay
Makabalik nang maayos sa mga mahal sa buhay .

Maraming salamat sa isang karanasan


Sa puso at isipan ay ‘di malilimutan
Karanasang sa akin ay lubos na nagpatibay
Kahit nag-iisa’y nagawang tunay.

You might also like