Makakaahon Din Sa Hirap NG Buhay

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

‘’ Makakaahon Din Sa Hirap Ng Buhay ‘’

Akda ni Alegrace A. Gozar


Teacher I
Iling Elementary School

Mula pagkabata hirap ay naranasan


Pang-aalipusta’t pang-aapi ay hindi maiiwasan
Kaya’t , nagsumikap na makatapos ng pag-aaral
Laging nakikinig at sumusunod sa mga pangaral.

Lumaking mabuti at may takot sa Diyos


Walang ibang nasa isip,kundi manalig sa kaniya ng lubos
Lalo na sa panahong, ang buhay ko ay puno ng unos
Na tila ba sa kadiliman ako ay nakagapos.

Panalangin ko sa kaniya ay may kasagutan

Nang ang liwanag ay unti-unti kong masilayan

Kaginhawahan ay akin nang naramdaman

Nasambit sa sariling tunay nga siyang makapangyarihan.

Sapagkat, buhay ko ay biglang nagbago

Mula sa kahirapan ay nakaahon din ako

Pangarap ko’y akin na ngang nakamtan

Kaligayahan ko’y hindi matatawaran.

Laking pasasalamat ko sa Diyos na lumikha

Na siyang gumabay sa akin na gumawa nang tama

Upang aking makamtan tunay na pagpapala

At sa hirap ng buhay ay makakaahon na.

You might also like