Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

1-3.

Ang Ekonomiks ay mula sa salitang Griyego na (1)____________ na ang ibig sabihin ay “pamamahala sa
sambahayanan.” Ito ay mula sa dalawang saling Griyego na (2)________ na ibig sabihin ay bahay at (3) ________ ang
ibig sabihin ay pamamahala
4. Ang ________ ang pangunahing suliraning panlipunan dahil sa limitadong pinagkukunang - yaman habang walang
hanggan ang kagustuhan
at pangangailangan ng mga tao.
5. Ang _________ ay dibisyon ng ekonomiks na nakapokus sa produksyon ng bawat bahaykalakal, presyo ng bawat
kalakal at distribusyon ng kita sa bawat tao.
6. Ang _________ naman ay nakapokus sa pambansang produksyon, kabuuang lebel ng presyo at pambansang kita.
7. Ang pagkakaroon ng magandang buhay, maayos na pamilya at maunlad na bansa na pinapangarap nating lahat ay
maaari mong makamtam sa pamamagitan ng pag-aaral ng _________.
8. Ang pagtugon sa mga _________ ay mahalagang maisaalangalang bago ang pagtugon sa mga kagustuhan.
9. Ang mga limitadong pinagkukunang – _________ ay mahalagang magamit ng wasto upang matugunan ang walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
10. Ang matalinong ________ sa pagtugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ay mahalagang aspeto upang maayos
na maisakatuparan ang lahat ng layunin ng bawat miyembro ng lipunan.

11. Ano ang itinuturing na pangunahing suliranin ng Ekonomiks?


Ⓐ Kakapusan
Ⓑ Kagustuhan ng tao
Ⓒ Pinagkukunang-yaman
Ⓓ Pangangailangan ng tao
12. Alin sa mga sumusunod na kaalaman sa Ekonomiks ang higit na makakatulong sa iyong buhay?
Ⓐ Nagbibigay ng gabay sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Ⓑ Nakapagbibigay ng sariling opinyon sa pangyayari sa lipunan.
Ⓒ Nakatutulong upang makagawa ng matalinong pagdedesisyon.
Ⓓ Nagkakaroon ng kaalaman tungkol sa napapanahong isyu sa ekonomiya ng bansa.
13. Inaanyayahan ka ng iyong kaibigan na dumalo sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan na gaganapin sa gabi
pagkatapos ng inyong klase. Gayunman, kailangan mo na ring umuwi nang maaga dahil magkakaroon ng
pagsusulit sa inyong klase kinabukasan. Sa kabila nito, nais mo pa ring paunlakan ang paanyaya ng iyong
kaibigan. Ano ang pinakamabuting desisyon na maari mong gawin?
Ⓐ Bigyang halaga ang kasiyahang madarama sa pagdalo
Ⓑ Paunlakan ang paanyaya at matulog kaagad pagdating sa bahay
Ⓒ Hayaan ang anumang kahihinatnan ng piniling pagpapasya
Ⓓ Bigyang halaga ang mas mabuting makakamit mula sa pagkakataon
14. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita na ang kagustuhan ay naging pangangailangan?
Ⓐ Kumakain ng ice cream si Janet dahil sa paborito niya ito
Ⓑ Bumili ng bagong yunit ng cellphone si Amor dahil pangarap niya ito
Ⓒ Nagparebond ng buhok si Alex dahil sawa na siya sa kulot na buhok
Ⓓ Bumili ng kotse si Randy upang hindi mahuli sa pagpasok sa kanyang trabaho mula Tagaytay patungo sa
Makati
15. Ang mga sumusunod ay maaaring maging epekto kung uunahin ang pagtugon sa pangangailangan kaysa
kagustuhan, maliban sa?
Ⓐ Magiging maayos ang pagbabadyet ng pamilya Ⓑ Hindi maisasakatuparan ang lahat ng layunin sa pagpili at
pagkonsumo
Ⓒ Magiging pantay ang distribusyon ng mga pinagkukunang - yaman sa lahat ng tao
Ⓓ Maaaring mabawasan ang suliranin sa kakapusan sa mga pinagkukunang-yaman
16. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paggawa ng tamang desisyon sa pagtugon sa
pangangailangan at kagustuhan?
Ⓐ Pagbili ng mga pangangailangan na sasapat sa pamilyang kinabibilangan
Ⓑ Pagtangkilik ng mga produktong gusto dahil sa kasiyahang dulot nito
Ⓒ Pagbili ng maraming produkto sa panahon ng Enhanced Community Quarantine
Ⓓ Pagbibigay ng kaukulang ayuda sa iba kahit hindi matugunan ang sariling pangangailangan
17. Bakit marapat lamang na alam mo ang pagkakaiba ng pangangailangan sa kagustuhan? A. Makararanas ng
kakulangan sa salapi kapag magastos ka
B. Malilinawan kung ano ang kakayahan mo bilang mamimili
C. Makatutulong sa lipunan dahil sa hindi pagbili ng kahit na ano
D. Magbibigay ito ng gabay sa kung ano ang mas mahalagang matugunan

You might also like