Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
MANGATAREM I CENTRAL SCHOOL
CALVO ST., MANGATAREM, PANGASINAN

DEMONSTRATION LESSON PLAN


IN EPP V

I. LAYUNIN:
A. Pamantayang Pangnilalaman
 Naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman at kasanayan sa pag-
aalaga ng hayop bilang gawaing mapagkapagkakakitaan.
B. Pamantayan sa Pagganap
 Naisasagawa nang may kawilihan ang pag-aalaga ng hayop bilang
gawaing makapagkakakitaan.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Isulat ang code ng bawat kasanayan
 Nakagagawa ng talaan ng mga kagamitan at kasangkapan na dapat
ihanda upang makapagsimula sa pag-aalaga ng hayop o isda (EPP-5AG-
oh-16).
II. NILALAMAN/ PAKSANG ARALIN
“PAG-AALAGA NG HAYOP NA MAY DALAWANG PAA AT PAKPAK O ISDA”
III. KAGAMITANG PANTURO
 Larawan, Desktop o Laptop, Computer, Projector. Kagamitan sa pag-
aalaga ng hayop.

VALUES INTEGRATION:

 Pagkamatiyaga, Pagkamasinop, at matalinong pagplaplano.


A. Sanggunian
 Learner’s material at Teacher’s Manual
Mga Pahina sa Gabay Guro
 Manwal ng Guro pahina 20-21
Mga Pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral
 Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran
Mga Pahina sa Teksbuk
 Pahina 83-89
Karagdagang kagamitan mula sa portal ng Learning Resource
 Self-Learning Modules/ SLM’s
 Laptop, Computer Desktop, Connector.
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa Nakaraang Aralin at/o Pagsisimula ng Bagong Aralin
 Pagpapakita ng larawan o kasangkapan sa pag-aalaga ng
manok.
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin
 Magpakita ng mga iba’t ibang larawan ng hayop na may dalawang paa at
pakpak o isda.
Integrasyon sa Ibang Asignatura (HEALTH)
 Ano- ano ang mga paghahanda sa sarili na dapat isaalang- alang ng
isang may- ari sa pagpapanatili ng maayos at malinis na tirahan ng mga
alagang hayop.
C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin
 Dapat bang gumamit ng angkop na kagamitan at kasangkapan sa
pagsisimula ng pag-aalaga ng poltri? Bakit?
D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1
 Talaan ng mga kagamitan at kasangkapan sa pag-aalaga.
 Narito ang mga kagamitang kailangan sa kulungan ng mga alagang
manok:
 Para sa mga bagong pisang sisiw kailangan lagyan ng ilaw o bombilyang
may 50 wats upang mainitan ang mga sisiw sa araw at gabi hanggang 15
araw.
 Kailangang maglagay ng lalagyan ng inumin. Ang painuman ay laging
panatilihing malinis.
 Kung ang kulungan ay nasa hanginan, kailangang takpan ng mga tuyong
dahon ang bahay ng mga sisiw.
 Kailangan ng lalagyan ng patuka. Ang patukaan ay dapat nasa loob o
harapan ng kulungan. Ito ay dapat gawa sa yero, kahoy, o biyak na
kawayan, pahaba may lalim na apat na pulgada para hindi matapon ang
laman.
 Kailangan matibay ang kulungan upang hindi mapasukan ng ibang mga
hayop at kainin ang mga ito.

E. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2


 Ano-ano ang mga kagamitan o kasangkapan na maaring gamitin sa
pagsisimula ng pag-aalaga ng poltri?
o Patubigan ng manok
o Pakainan ng manok
o Patukaan ng manok
o Pailawan ng manok
F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)
 Kaya’t tandaan ang kulungan ng poltri ay maaring yari sa katutubong
materyales tulad ng pawid at kugon para sa bubong at mga patpat na
kawayan ang dingding at sahig.
G. Paglalapat ng Aralin sa pang-araw-araw na buhay
 Paano nakatutulong ang mga kagamitan at kasangkapan sa pagpaparami
ng mga alagang manok?
H. Paglalahat ng Aralin
 Ang pag -aalaga ng manok ay malaking tulong upang mapa unlad ang
pamumuhay ng mag- anak.Nakatutulong din ito para masolusyonan ang
malnutrisyon sa ating bansa.

J. Pagtataya ng Aralin
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Mainam gamitin sa paggawa ng kulungan ng poltri ang ___________
bilang bakod upang madali makapasok ang hangin.
a. Chicken Wire
b. Alambre
c. Lambat
d. Cyclone Wire
2. Gamit ng bubong ang ________ upang hindi masyadong mainitan ang
alagang poltri lalo na pag matindi ang init ng araw.
a. Yero
b. Kawayan
c. Kugon O Pawid
d. Makapal na Karton
3. Kapag maliit pa ang alagang poltri, lagyan ng latag ang sahig ng ________
upang dito ilagay ang patuka.
a. Diyaryo
b. Sako
c. Tuyong dahon
d. Karton
4.Ang mga dayame o buhangin ay nilalagay sa sahig ng kulungan upang dito
mangitlog ang alagang poltri. Ano ang maaring gawin sa sapin?
a. Kuso’t
b. Lupa
c. Apog
5. Sa pagtatala ng mga kagamitan at kasangkapan sa pag-aalaga ng poltri at
isda, ano ang dapat mong ugaliin?
a. Pagiging maingat sa pagtatala.
b. Pagiging mabilis sa pagtatala
c. Maging matanong sa kasamahan.
d. Maging matiyaga sa pagtatala.

K. Karagdagang Gawain para sa Takdang Aralin at Remediation


 Gumawa ng sariling talaan ng mga kagamitan tungkol sa pag-
aalaga ng hayop na nais mong alagaan.
V. Takdang- Aralin:
 Maghanap sa internet ng iba pang mga hayop na maaari ring alagaan sa
ating bakuran. Idikit ang mga larawan ng mga ito sa inyong kwaderno.

Prepared by:
APOLLO M. BALOCATING
Teacher II
Checked and Observed by:
MAY D. FERRER
Master Teacher I

You might also like