Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa hirarkiya ng pagpapahalaga.
Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa ng mag-aaral ang paglalapat ng mga tiyak na hakbang upang mapataas ang
antas ng kaniyang mga pagpapahalaga.
Kasanayan sa Pagkatuto (MELC-Based)
Napatutunayang ang piniling uri ng pagpapahalaga batay sa hirarkiya ng pagpapahalaga ay
gabay sa makatotohanang pag-unlad ng ating pagkato. EsP7PB-IIId-10.3.

I. LAYUNIN
A. Natutukoy ang mga katangian ng pagpapahalaga.
B. Nasusuri ang mga pansariling pagpapasiya ayon sa katangian ng pagpapahalaga
C. Naisasagawa ang paglalapat ng mga tiyak na hakbang ayon sa pamantayan ng
katangian ng pagpapahalaga upang mapataas ang antas ng sariling pagpapahalaga.

II. NILALAMAN
Paksa: “Hirarkiya ng Pagpapahalaga”
Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 7 (Mga Modyul para sa Mag-
aaral) Modyul 10, pp. 219-220.
Kagamitan: TV, PPT, laptop.

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
Pagganyak
Magpresenta ng short video clip
https://youtu.be/gNnVdlvodTQ?si=J9kvWc0tynmTmT6G
Ano ang ipinakita sa video clip?
Sino ang nasa video clip?
Ano ang wala si Nick Vujicic na mayroon ka? Naging hadlang ba ang kawalan
ng braso at paa sa kanyang pagpapahalaga?
Ano-anong pagpapahalaga ang ipinakita sa video base sa nakaraan nating
tinalakay?
B. Paglinang ng gawain
Pagpresenta ng katanungan na papalawigin

 Ano ang mas mahalaga? Pag-ibig o kayamanan?


Magpresenta ng Video Presentation sa klase
C. Pagsusuri
1. Tungkol saan ang napanood?
2. Ilang antas ayon kay max scheler mayroon ang hirarkiya ng pagpapahalaga?
3. Mahalaga bang maunawaan ng tao ang mga antas ng pagpapahalaga?
D. Paghahalaw
Pagpresenta ng Pamantayan sa pagpapasiya sa mga Antas ng
Pagpapahalaga

 Ano nga ba ang limang katangian ng pagpapahalaga o A study on


the hierarchy of Values?
Pagtalakay sa limang katangian ng pagpapahalaga.
1. Mas tumatagal ang mas mataas na pagpapahalaga kung
ihahambing sa mababang
pagpapahalaga.
2. Mas mahirap mabawasan ang kalidad ng pagpapahalaga.
3. Mataas ang antas ng pagpapahalaga kung ito ay lumilikha ng iba
pang mga pagpapahalaga.
4. May likas na kaugnayan ang antas ng pagpapahalaga at ang lalim
ng kasiyahang nadarama sa pagkamit
nito.
5. Ang isang pagpapahalaga ay nasa mataas na antas kung hindi ito
nakabatay sa organismong nakararamdam nito.
E. Paglalapat
Gamit ang hagdan gumawa ng sariling antas ng pagpapahalaga at
itala kung saang antas o hirarkiya ito napapabilang.
F. Paglalahat
 Kanino nagmula ang pag-aaral tungkol sa limang katangian ng
pagpapahalaga?
 Sino ang sumulat ng pag-aaral upang mas lalong maunawaan ang
pamantayan sa pagpapasiya ayon sa mga antas nito?
 Ano-ano ang limang katangian ng mga pagpapahalaga?
G. Ebalwasyon
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay totoo at MALI kung
hindi.
1. Mas malalimang kasiyahan na nadarama sa pagkamit ng
pagpapahalaga, mas mataas ang antas nito.
2. Ang pagpapahalaga ng matertyal na bagay ay lumiliit habang
nahahati ito.
3. Isang pagpapahalaga ay nasa mataas na antas kung ito ay hindi
nakabatay sa organismong nakararamdam nito.
4. Ang paggastos ng pera upang ibili ng aklat kaysa sa pambili ng
pagkain, ito ay halimbawa ng Timelessness or ability to endure.
5. Ibinahagi mo ang mga bagay na meron ka gayundin ang iyong
karunungan. Ito ay halimbawa ng Indivisibility
6. Mas ninais mo na sumali sa prayer meeting kaysa sa pagsama o sa
iyong mga kaibigan sa mall. Halimbawa ito ng Depth of satisfaction
7. Nasa tao kung paano niya palalalimin ang kanyang pagpapahalaga.
8. Marapat na magkatugma ang isip at puso sa pagbibigay ng isang
pagpapahalaga sa isang bagay.
9. Piliin kung ano ang nararapat na mas pahalagahan.
10.Isipin ang mga bagay na makabubuti upang mapagpasyahan ang
iyong pahahalagahan.
H. Takdang Aralin
Gumupit ng larawan na nagpapakita ng limang katangian ng
pagpapahalaga batay sa iyong personal na karanasan bilang
nagdadalaga/nagbibinata, gamit ang lumang magasin o babasahin.
Ilagay ito sa short bond paper.

Inihanda ni:

JOSEPH C. SAGAYAP
BSED Values Education

Sinuri ni: Ibinanggit ni:

MARK ANGELO D. HEMPLO VON MAYO G. SALURIO


SST-I/Cooperating Teacher EsP Coordinator

Inaprubahan ni:

ROMEO D. CASTANTE
School Principal III

You might also like