Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 124

Republika ng Pilipinas

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY


COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES
Cabambangan, Bacolor, Pampanga

MODYUL SA KONKOM 103


KONTEKSTUWALISADONG
KOMUNIKASYON SA
FILIPINO

Inihanda ni:

Marlon L. Miguel, LPT, MAEd


Instructor III
TALAAN NG NILALAMAN
NILALAMAN Pahina
PABALAT NG MODYUL 1
TALAAN NG NILALAMAN 2
PAUNANG SALITA 5
PAMBUNGAD 6
KABANATA 1. INTRODUKSYON: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG 7
PAMBANSA SA MAS MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS
PA
Legal na Batayan sa Pagtataguyod ng Filipino Hanggang Antas Tersiyarya at 8
Lagpas Pa
Filipino: Mula Bibliya Hanggang Modernong Panahon at Lagpas Pa, Mula 10
Hebreo Hanggang Tagalog
Preserbasyon ng Wikang Tagalog sa Panahon ng Kolonyalismo Tungo sa 12
Wikang Filipino
Mga Posisyong Papel ng Iba’t Ibang Unibersidad Kaugnay ng Filipino sa 16
Kolehiyo
Hamon ng Filipino sa Mataas na Edukasyon o Lagpas Pa 18
Pagpaplanong Wika 20
Barayti ng Wika 21
Sintesis 24
Gawain 25
Sanggunian 27
KABANATA 2. MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYONG PILIPINO 30
Kahulugan ng Komunikasyon 31
Dahilan ng Pakikipagkomunikasyon 32
Kahalagahan ng Komunikasyon 33
Sangkap ng Komunikasyon 33
Sagabal sa Komunikasyon 34
Kategorya ng Komunikasyon 34
Tipo ng Komunikasyon 34

2
Mga Salik na Dapat Isaalag-alang 34
Modelo at Proseso ng Komunikasyon 35
Ang Kultura at Komunikasyon 37
Di-Berbal na Komunikasyon 38
Komunikasyong Pilipino 43
Di Berbal na Komunikasyong Pilipino 43
Mga Gawaing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino 44
Sintesis 52
Gawain 53
Sanggunian 56
KABANATA 3. PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON AT 58
PANANALIKSIK
Pananaliksik at Komunikasyon 58
Pagpili ng Hanguang Impormasyon 59
Iba’t ibang uri ng Hanguan ng Impormasyon 62
Pagbasa at Teorya ng Pagbasa 62
Uri ng Pagbasa 62
Estratehiya sa Mapanuring Pagbasa 63
Pananaliksik at Kahalagahan Nito 64
Tatlong Yugto ng Pananaliksik 65
Ang Pagbubuod at mga Hakbang sa Pagsasagawa nito 66
Ang Pagsulat at Mga Uri nito 67
Mga Hakbang sa Pagsulat 68
Pagbuo ng Pagsusuri Batay sa Impormasyon 69
Pagbasa ng Grap at Talahanayan 70
Sintesis 71
Gawain 71
Sanggunian 72
KABANATA 4. MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT 74
NASYONAL
Pangkalahatang Pagtanaw sa mga Isyu ng Bayan 75

3
Ilang Tala sa mga Isyung Lokal at Nasyonal 76
Sintesis 87
Gawain 87
Sanggunian 89
KABANATA 5. MGA TIYAK NA SITWASYONG 94
PANGKOMUNIKASYON
Lektyur, Seminar at Worksyap 95
Forum, Simposyum, Kumperensya at Kongreso 97
Roundtable at Small Group Discussion 98
Pulong/Miting at Asembliya 98
Programa sa Radyo at Telebisyon 99
Video Conferencing 100
Komunikasyon sa Social media 101
Sintesis 104
Gawain 104
Sanggunian 106
Pangkalahatang Sanggunian 107
Mga Apendiks (Rubriks para sa mga presentasyon at Sulatin) 113

4
PAUNANG SALITA
Isa sa mga maituturing na pinamakapangyarihang kasangkapan na laging nakakawing sa
tao ay ang wika dahil ito ang kaniyang ginagamit upang makapagdukal ng maraming
karunungan, at ang kaniyang susi upang mabuksan ang maraming oportunidad kagaya ng
kakayahanng makipamuhay at mabuhay sa mabisang paraang kaniyang nalalaman. Ang wikang
ito ang pinakadahilan kung bakit nakabubuo ang bawat miyembro ng isang lipunan ng
talastasang lulan ay kanilang natatanging kalinangang nahubog mula sa kawing-kawing at
masalimuot na kasaysayan mula pa sa kanilang mga ninuno. Kung gayon, masisipat na sa pag-
aaral ng komunikasyon ay manghihimasok ang wika at kultura. Kaya naman, ang pag-aaral dito
ay lumalampas pa sa paglalarawan ng mga nag-uusap o kung anong paksa ang pinag-uusapan sa
talastasan, bagkus, maaaring manghimasok ang mga masasalimuot na salik na bitbit ng bawat
kabilang sa sosyedad na dahilan din kung bakit sila ay nagkakaunawaan, na sa iba ay magiging
malabo kung hindi kasangkot sa nasabing pangkat.
Bunsod ng ganitong katotohanan ay nabuo ang modyul na ito upang mas mabigyan ng
malalim na kaalaman ang mga mag-aaral hinggil sa komunikasyon mula sa konteksto ng
lipunang Pilipino. Sa pamamagitan ng mga paksang tinalakay rito na ihahain sa mga mag-aaral
ay tiniyak na makatutulong ang mga ito upang sila ay mas magkaroon ng malalim na kamalayan
at kabatiran hinggil sa kanilang pagiging Pilipino, ang tatak ng mga Pilipino, kulturang Pilipino
at mga kolektibong danas ng mga Pilipino bilang resulta ng iba’t ibang mga nakapangyayari sa
lipunan na masasalamin sa kung paano makipagkomunikasyon ang mga ito.
Sa gitna ng katotohanang pumapailanlang ang buong mundo sa maraming impormasyon
dulot ng mabilis na pag-akses sa internet at mga modernong teknolohiya, hindi pa rin
maitatangging umiiral ang suliranin hinggil sa kawalan o kung hindi man, ay kakulangan ng mga
mapananaligang kagamitang panturo para sa kursong ito na gabay sana ng mga guro sa
paglinang ng mga kinakailangang kasanayan sa mga mag-aaral. Bunga nito, sinikap na maging
kapaki-pakinabang na gabay ang modyul mula sa nilalaman at mga mungkahing gawain o
pagtataya upang magamit ng mga guro at mag-aaral sa kursong Kontekstuwalisadong
Komunikasyon sa Filipino.
Tiniyak ding umaayon ang nasabing modyul sa tunguhin ng kurso na malinang ang
kritikal, malawak at malalim na kaalaman ng mga mag-aaral sa kontekstuwalisadong
komunikasyon sa Filipino mula sa antas komunidad hanggang buong lipunan na lilinang sa mga
makrong kasanayan gamit ang makabago at tradisyonal na midya at teknolohiya sa iba’t ibang
antas ng larangan. Ibig sabihin, ikinonsidera ang paglalahok ng mabuting paggamit ng ICT sa
pagkatuto at pagtuturo na akma sa mga inilaang gawain bilang rekisitos ng modernong
edukasyon.
Mariing ipinagbabawal ang pagsira sa modyul na ito sa iba’t ibang kaparaanan sa oras na
ito ay nailimbag. Kinakailangan itong gamitin nang tama at humingi ng permiso sa mismong
bumuo bago gamitin. Magsilbi sana itong pag-asa sa lahat ng mga taong nagmamahal sa
karunungan at lalong higit sa larang na Filipino.

5
PAMBUNGAD
Sa makabagong mundo na kinatutunghay ng bawat isa, mamamalas ang palasak na
paggamit ng teknolohiya bilang isang pangkaraniwang gawain na dahilan kung bakit maraming
inilalaang oras ang tao sa pagtingin sa iskrin ng cellphone sa halip na ibaling ang pansin sa
paligid. Dulot nito, unti-unti ring dumarami ang mga kaalamang nasasayang hinggil sa kaniyang
pagka-Pilipino na dapat sana niyang makita at mapagtibay sa pamamagitan ng pakikipag-
uganayan sa kaniyang kapuwa. Dahil dito, makabubuting maging instrumento ang paaralan
upang mapagtibay ang pagiging malay na Pilipino ng bawat mag-aaral sa kanilang kaakuhan.
Kaya naman masasabing umaayon ang nilalaman ng modyul na ito sa layuning magkaroon ng
kritikal at makabuluhang kaalaman ang mga mag-aaral sa kontekstuwalisadong komunikasyon.
Ang modyul na ito ay naglalaman ng limang kabanata na may iba’t ibang paksa at ang
bawat kabanata ay naglalaman ng mga gawaing magsasakatuparan sa nasabing layunin.
Ang unang kabanata ay nakatuon sa matibay na argumento kung bakit kailangang patuloy
na itaguyod ang wikang pambansa hindi lamang sa sekondarya kundi sa mas mataas na antas ng
edukasyon at lagpas pa. Lalamanin nito ang mga legal na batayan kung bakit kailangang patuloy
na iangat ang estado ng Filipino; ang pagbakas sa pag-iral ng wikang Tagalog mula bibliya
patungong modernong panahon; ang mga katuwiran sa preserbasyon ng wikang Filipino sa
pamamagitan ng pagbakas dito mula sa wikang Tagalog sa panahon ng kolonyalismo patungong
kasalakuyan; ang mga posisyong papel ng PSLLF at mga unibersidad na tagapagtanggol ng
asignaturang Filipino; ang hamon sa Filipino ng mataas na edukasyon; ang mga dapat mabatid
hinggil sa pagpaplanong wika at mga barayti nito na kumakatawan sa dibersidad ng bawat
Pilipino.
Sa ikalawang kabanata, tuon ang mga gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino na
daan upang matututuhan nang malalim ang lahat ng mga may kinalaman dito kagaya ng halaga
nito, mga uri, sagabal, sangkap at kategorya; ang ugnayan ng kultura at komunikasyon; ang mga
di berbal na komunikasyon mula sa kontekstong Pilipino; ang komunikasyong Pilipino kabilang
na ang mga ekspresyong lokal at marami pa.
Ang ikatlong kabanata ay nagbibigay-diin sa pagpoproseso ng mga impormasyon at
pananaliksik na ginagamitan din ng komunikasyon kaya naman inaasahang matutuhan ng mga
mag-aaral ang usapin ng pananaliksik at komunikasyon, ang iba’t ibang uri ng mga hanguan, at
ang pagpoproseso ng mga impormasyon tungo sa pananaliksik kagaya ng mga may kinalaman sa
pagbasa at pagsulat.
Upang lalo namang maunawaan ng mga mag-aaral ang kasalukuyan, naging masaklaw
ang pagtalakay sa ikaapat na kabanata hinggil sa mga nanapanahong isyung lokal at nasyonal
kagaya ng mga may kinalaman sa edukasyon, korapsiyon, lakas-paggawa, kahirapan, pasahod, at
marami pang iba.
Sa huling kabanata, binigyang-diin ang mga tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon
kagaya ng mga forum, seminar, worksyap at marami pang iba na nangangailangan ng kaalaman
at kasanayan sa pakikipagkomunikasyon sa mataas na antas.

6
LAYUNIN
Matapos ang makabuluhang talakayan sa mga paksa, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Naipapaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa
kontekstuwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa.
b. Naipapaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang pambansa sa
pagpapatibay ng kolektibong identidad, at pambansang kaunlaran.
c. Nagagamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa
lipunang Pilipino.
d. Nakapagpapahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at
modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino.
e. Nakapagbabahagi at nakapagpapahayag ng mga kaisipan sa paraang pasulat man o pasalita
tungkol sa mga natatanging gamit ng Filipino sa iba’t ibang larangan.
f. Nakapaglalahad ng matalinong kaisipan sa pamamagitan ng malikhaing presentasyon
hinggil sa halaga ng patuloy na pagtataguyod sa wikang Filipino.

MGA PAKSA
1. Introduksyon: Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mas Mataas na Antas ng
Edukasyon at Lagpas Pa

a. Legal na batayan sa pagtataguyod ng Filipino hanggang Antas Tersiyarya at Lagpas pa;


b. Filipino: Mula Bibliya Hanggang Modernong Panahon at Lagpas Pa; c. Mula Hebreo
Hanggang Tagalog; d. Preserbasyon ng Wikang Tagalog sa Panahon ng Kolonyalismo Tungo
sa Wikang Filipino; e. Mga Posisyong Papel ng Iba’t Ibang Unibersidad Kaugnay ng Filipino
sa Kolehiyo; f. Hamon ng Filipino sa Mataas na Edukasyon o Lagpas pa; g. Pagpaplanong
Wika; h. Barayti ng Wika;

PANIMULA
Marahil palasak na sa mga mag-aaral na katulad mo lalo na yaong mga hindi medyor o
nagpapakapaham sa Filipino ang pagsasabing walang kabuluhan sa kanilang buhay ang pag-aaral
ng mga paksang may kinalaman sa Filipino. Sa totoo ay hindi na rin bago kung makarinig ng
mga mag-aaral na naniniwalang hindi nila ito mapakikinabangan o magagamit sa hinaharap
nilang propesyon. Kaya naman, ang karamihan sa inyo ay nagtatanong kung bakit kailangang
patuloy na gamitin ang wikang Filipino hindi lamang bilang lengguwahe sa pang-araw-araw na
pamumuhay kundi maging sa mas mataas na antas ng paggamit. Ang gayong katanungan ay

7
nilalayong masagot sa bahaging ito upang mabigyan ka ng malalim na kamalayan hinggil sa
halaga ng preserbasyon at patuloy na pagpapaunlad sa wikang Filipino. Gayunpaman,
maisasakatuparan lamang ito kung uugatin ang mga legal at historikal na batayan sa patuloy na
pagtataguyod nito maging ang mga hakbang at salik na isinasaalang-alang sa pagbuo ng isang
wikang magbibigkis sa bawat Pilipino na may kakayahang talunin ang mga kaakibat na hamong
ipinupukol kasabay ng pagkakaluklok nito bilang wikang Pambansa.

NILALAMAN
Hindi maitatangging masalimuot ang pakikibakang naganap bago natamasa ng bansa ang
pinipithayang kalayaan, kasabay rin nito ang pagtatag ng isang wikang magbibigkis sa bayan. Sa
katunayan, ayon kina Bernales et al. (2019), ang ang pakikibakang ito ay lalo pang umigting sa
pagdaan ng mga panahon. Patunay rito ang makasaysayang naganap noong taong 2013 kung
saan, muling sinimulang ipaglaban ng mga iskolar, guro, mag-aaral at mga nagmamahal sa
wikang Filipino sa pangunguna ng TANGGOL Wika ang pananatili ng Filipino bilang asignatura
sa antas kolehiyo bunsod ng inilabas ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) ng
CHED Memorandum Order (CMO) Blg. 20, serye 2013 na nagtatanggal sa Filipino bilang
mandatoryong kurso sa kolehiyo. Katuwiran ng CHED, nasa kamay diumano ng mga
unibersidad kung kanila itong isasama sa kurikulum. Sa pagtitiyak ni Kom. Patricia Licuanan—
ang lumagda sa CMO, na noo’y Punong Komisyoner ng CHED—na maaaring gamitin ang
Filipino bilang midyum sa mga core na general education courses kagaya Understanding the
Self, Art Appreciation, Readings in Philippine History, Science, Technology and Society, The
Contemporary World, Purposive Communication, Mathematics in the Modern World at Ethics.
Gayunpaman, malinaw na nawala ang puwang ng Filipino bilang hiwalay na kurso o larang,
kayatinatanaw na lamang ito bilang midyum sa pagtuturo.
Isa rin sa maituturong dahilan sa pagtatanggal sa Filipino ay ang K-12 kurikulum dahil
ito ay nagbunga ng pagkakaroon ng Revitalized teacher education program bilang tugon sa
paradigm shifts ng pambansang sistemang pang-edukasyon. Iniayon ang kurikulum ng kolehiyo
sa K-12 upang maiwasan diumano ang overlapping o pag-uulit ng mga asignatura. Kaya naman,
nabawasan ang bilang ng yunits na dapat matamo ng mga mag-aaral sa kolehiyo sa mga kursong
GenEd. Sa nasabing CMO, tinatayang nasa 36 units na lamang ang dapat bunuin ng mga mag-
aaral sa mga General Education Courses na dating 63 yunits.
Marahil sa mga niniwalang Ingles ang susi ng kaunlaran, ang ginawang hakbang na ito
ng CHED ay ituturing nilang karapat-dapat, ngunit sa mga makabayang edukador at Pilipino,
ang desisyong ito ay isang paglabag sa batas. Upang mas maging malalim pa ang iyong
kaalaman, bigyan din natin ng pansin ang mga legal na batayan upang masuri kung paanong
tumataliwas ang CMO. 20 sa pagpapaunlad at pagtataguyod sa wikang Filipino.
LEGAL NA BATAYAN: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA
MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA
Mula sa Saligang Batas ng 1987, malinaw na isinasaad ang mga sumusunod:

8
SEK. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga
wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng
Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang
itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika
ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
SEK. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang
panrehyion ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong na
mga wikang panturo doon. Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic.
SEK. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa
mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.
SEK. 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na
binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-
uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang
pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.
Sa mga nabanggit na batas, malinaw na ang Filipino ay hindi pa ganap na maunlad.
Kaunting taon pa lamang ang pag-iral nito mula sa panahong ito ay nabuo. Ginamit ang salitang
“nililinang” bilang hudyat na hindi pa ito ganap. Kaya naman ayon kina Agular et al. (2017) ay
wala pang kongkretong batayan kung ano ang dapat na gamitin kaya’t may kalayaan ang
sinoman na gawin ang kanilang sa tingin ay nararapat. Hindi naisaalang-alang na ang tanging
ahensiya na may karapatang maging basehan sa paggamit ng wika ay ang Komisyon sa Wikang
Filipino na binigyang-basbas ng batas upang magpaunlad sa mga wika sa Pilipinas lalo na sa
wikang Pambansa. Sa kabila ng mahalaga at hindi matatawarang papel ng mga lingguwista sa
bansa, hindi maitatangging nagiging mabagal ang pag-unlad ng isang wika kung kinapapalooban
ito ng iba’t ibang panuntunan na pagbabatayan mula sa maraming eksperto.
Sa bahaging Ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa
Pilipinas…ay nangangahulugang payayabungin at pagyayamanin ang pambansang wika hindi
lamang sa tulong ng Tagalog o Pilipino. Kailangan ding tanggapin ng mga puristang Tagalog na
hindi maaaring maging gayon ang tabas ng wikang Pambansa kung nais itong yumabong at
umunlad. Hindi rin dapat ikagalit kung may mga pumapasok na wikang banyaga sa mga salita ng
kabataan kagaya ng wikang Ingles. Nararapat na maunawaan na natural na dumadaloy sa bibig
ng mag-aaral ang mga salitang kagaya ng quiz kaysa maikling pagsusulit, absent sa halip na
pagliban at iba pa. Tinukoy sa saligang batas na ang wika ay dapat payabungin at pagyamanin sa
tulong ng mga umiiral na wika sa bansa at dayuhan. Maaaring ito ay wikang Iloko, Pampango,
Ibanag, Ivatan, Pangasinan, Bikol, Waray, Hiligaynon, Ingles, Kastila at iba pa.
Binigyang-diin ang iba pang mga wika nangangahulugan na maraming wika sa daigdig
ang maaaring magamit sa Pilipinas dala ng teknolohiya. Hindi isinasara ng probisyong 1987
Saligang Batas ang maiaambag ng mga maraming wika sa pagpapayabong ng Filipino.

9
FILIPINO: MULA SA BIBLIYA HANGGANG SA MODERNONG PANAHON O
LAGPAS PA
Saan nga ba nagmula ang wikang Filipino? Saang angkan nga ba ito nagmula? Sa
ganitong katanungan ay maraming nabuong mga haka-haka na pinagmulan ng magulo at
nakalululang mga teorya. Sa mga hakang ito, isa ang bibibliya sa pinakapinaniniwalaan ng
nakararaami. Ang tanong ay, makikita nga ba sa bibliya kung paano ito umusbong o kung paano
ito umunlad at nakarating sa kasalukuyang panahon?
Mababasa sa mga talata ng bibliya na ang “lahat ng nasa mundong ginagalawan ng tao
ay nilikha dahil sinabi ng Diyos.” Mula sa pahayag, mahihinuhang wika ang ginamit ng Diyos sa
paglikha ng sanlibutan. Ibig sabihin, mayroon ng wika sa paglikha pa lamang sa mundo, at ito
ang wika ng Diyos.
Sa bahagi namang “Nang lalangin ng Diyos ang tao… at nilalang ang tao ayon sa
kaniyang sariling larawan; nilalang niya sila na lalaki at babae…” (Genesis 1:27) makikitang
hindi ito naganap sa pamamagitan ng wika kundi sa kilos. “Pagkatapos, ginawa ng Panginoong
Yahweh ang tao mula sa alabok, hiningahan niya sa ilong at nagkaroon ito ng buhay.” (Genesis
2:7) Bukod sa nilikha niya ang tao batay sa kaniyang wangis ay hiningahan niya ito na dahilan
ng pagkakaroon ng buhay. Kaya naman, kalakip ng paglikha niya sa tao ang wika na magagamit
upang makipag-ugnayan sa Diyos at makapamahala sa lahat ng kaniyang nilalang.
MULA HEBREO HANGGANG TAGALOG
Nagsimulang dumami ang tao mula sa lahi nina Eba at Adan ngunit nagsimulang maging
sobra din ang kasamaan ng tao (Genesis 6:5-8). Sa kabila nito, nasumpungan ng Diyos si Noe na
isang lalaking matuwid at sakdal. Inutusan siya ng Diyos na gumawa ng daong upang mailigtas
sa paggunaw ng mundo sa pamamagitan ng baha.
Ngunit kagaya ng inaasahan, nalipol ang lahat ng tao sa buong sanlibutan at tanging
angkan lamang ni Noe ang nakaligtas (Genesis 10:1-5).
Mula sa anak ni Noe na si Sem ay iniluwal si Arphaxard na ama ni Sala na ama ni Heber
na ama ni Joctan at ama ni Ophir (Genesis 10:21-32). Ninais ng Diyos na magpalaganap ang
mga tao ngunit ayaw maghiwa-hiwalay ng mga ito kaya’t gumawa sila ng mataas na tore bilang
tanda ng kanilang pagtitipunan ngunit sa galit ng Diyos ay binigyan sila ng iba’t ibang wika
(Genesis 11) at sila ay hindi nagkaintindihan at tuluyang nakapangalat sa buong mundo.
Si Ophir mula sa lahi ni Sem ay nakapanahan sa isang lugar na sagana sa ginto. Ang
kanilang lahi ay nanahan sa Silangan.
Sa artikulo ni Gregorio F. Zaide sa kaniyang aklat na History of Filipino people ay nasabi
na ang mga manunulat ng mga taga-kanluran ay tinatawag ang ating lupain sa Pangalang
Maniolas, Ophir, Islas del Oriente, Islas del Poniente, Archipelago de San Lazaro, Islas de
Luzones, Archiplego de Magallanes at Archipelago de Legaspi.
Tahasang din ang pinandigan ni Datu-Aca Tabilog na tinatawag ng mga nabigador ang
mga islang ito bilang Ophir na nakasulat sa Bibliya at sinasabi niyang ang mga inapo ni Ophir ay

10
mga Pilipino na sinasalita noon ang Wikang lumang Hebreo sapagkat ang ama ni Ophir na si
Joktan ay anak ni Heber na pinaniniwalaang nakapagpanatili ng Wikang Hebreo mula sa pag-iba
iba noon ng wika sa tore ng babel (Genesis 11) kaya siya pinangalanang Heber.
Maging si Padre Chirino na bihasa sa wika ay nagsabing “sa mga wikang ito ang Tagal
ang pinakanakaaliw sa akin at wikang hinangaan ko sa lahat.” Gaya ng sinabi ko sa unang
Obispo (ng Manila na si Domingo Salazar) at tapos, sa ibang mataaas na paninuo sa Pilipinas
at sa Europa, may apat na katangian ang wikang ito na matatagpuan sa 4 na pinakamatikas na
wika sa buong mundo—1. Hebreo 2. Greco, 3. Latin 4. Espanyol.
Hindi maikaiila na ang isang bihasa sa wika ay nakapansin din sa mga katangian ng
wikang kaniyang sinuri. Hindi lamang katangian ng wikang Hebreo ang makikita sa Tagalog
kundi maging mga salitang Hebreo ay bahagi ng wikang ito. Sang-ayon ito sa Merriam Webster
International Unabridged Dictionary na: ang wikang tagalog at wikang Visaya ay galing sa isang
grupo ng wika na tinatawag na Tagala o kapatid ng sinaunang wikang Malay-Javanese na
tinawag na KAWI na ngayon ay wala na. Ang Tagalog ay may 30,000 root words, 700 affixes,
5000 root words na kilalang-kilala mula sa Kastila, 3200 mula sa Malay-Indonesia, 1500 na
salita mula sa Hebreo, 1300 na salita mula sa Ingles, 300 na salita mula sa Sanskrito, 250 na
salita mula sa Arabic at kaunting salita mula sa Persia (iran), Japanese, Russian. Ang latin ay
naimpluwensiyahan ang Spanish at English. May 3800 na salitang magkapareho ang Bisaya at
Tagalog na pareho ang gamit.
Isa itong matibay na ebidensiya na mayroon ng naninirhang mga Hebreo sa bansa bago
pa man dumating ang mga kastila. Hindi maitatangi na may 1500 na salita mula sa Hebreo at
hindi lamang ito bunga ng kalakalan. Iyon ay patunay na may tumira nang Hebreo sa ating
bansa.
Isa pang ebidensiya na magpapatunay ay ang aklat sa Espanya na Coleccion General de
Documentos Relativos a Las Islas de Sevilla na matatagpuan sa Compania General de Tobacoss
de Filipinas mula sa Pahina 112-138. Makikita rito ang mga dokumento mula sa paglalayag ni
Ferdinand Magellan at logbook ni Francisco Albo na kapitan ng Barkong Victoria.
Mula sa mga dokumento, mahihinuha mula sa bilang 98 na hindi India ang Ophir na
pinaniniwalaan ng marami. Isa sa mga katunayan ay ang Cabot Expidition noong Abril 3, 1526
na may misyong “hanapin at tahakin ang ruta patungong Tarsis, OPHIR, Oriental Cathay (China)
at Japan. Inilarawan dito kung papaano mapupuntahan ang lupain ng Ophir.
Nagsimula ang kanilang paglalayag sa Africa patungong India patungong Burma,
Sumatra, Molucass, sa Borneo, Sulu, China, sa huli ay Ophir. Ang Ophir daw ay “nasa harap ng
Dagat China, binubuo ng kapuluan kung saan ang mga Moluccan, Chinese, at mga Lequios ay
nagtutungo upang makipagkalakalan…” Totoo nga na ang Ophir ay Pilipinas. Ang lahing
Pilipino ay inapo ni Ophir. Ang Tagalog ay maaring nagmula sa Wikang Hebreo na nagmula pa
kina Eba at Adan patungo kina Noe Sem, Arphaxad, Sala, Heber, Joctan Ophir hanggang
makarating sa ating lupain.
Mula sa perspektibang ito, masasabi natin na ang kauna-unahang wika sa Pilipinas ay
Hebreo na nahaluan ng mga salita mula sa Malay-Indonesia, Kastila, Ingles, Sanskrit, Arabic, at

11
kaunting salita sa Persia, Russia at Japan. Ang pagkakahalo-halo ng mga wikang ito ay dahil sa
pandarayuhan, kalakalan, at pananakop ng ibang bansa sa ating lupain.
PRESERBASYON NG WIKANG TAGALOG SA PANAHON NG KOLONYALISMO
TUNGO SA WIKANG FILIPINO
Bagaman higit sa 330 taon ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas ngunit nanatiling
Tagalog ang gamit ng mga propagandista upang gisingin ang kamalayan ng mga Pilipino laban
sa mga banyaga. Taong1896 pa lamang ay nais nang maging Wikang pambansa ng Katipunan
ang Tagalog sa pamamagitan ng Saligang Batas ng Biyak na Bato.
Saad pa ni Miclat (2009), ang pagiging Lingua Franca ng Tagalog noong panahon ng
Kastila ay hindi dahil sa kolonyalismo ng Maynila kundi dahil sa Kolonyalismo ng mga
banyaga. Ang wikang Tagalog ang nakikitang instrumento noon upang makapaghimagsik at
makalaya mula sa mga Kastila at nakalaya nga ang Pilipinas mula sa mga kastila.
Pansamantalang nakalaya ang mga Pilipino sa mananakop na kastila. Ngunit hindi
nagtagal ay dumating ang mga Amerikano na masahol pa sa mga ito na pilit ipinagagamit ang
kanilang wika sa bibig ng mga Pilipino. Sa mga panahong iyon, wala pang wikang pambansa,
ngunit malinaw na tila tanging wikang Ingles at Espanyol ang opisyal na wika ng pamahalaan,
edukasyon, at iba pang larang kaya naman para na ring pambansang wika ang estado nito.
Muntik na ring manganib ang pagkakaroon natin ng pambansang wika mula sa mga
katutubong wikain sa Pilipinas. Ngunit lumaban ang wikang Tagalog upang alisin ang
kolonisasyon ng Ingles at Kastila. Hindi pinahintulutan ng Panginoon na tuluyang mawala ang
wikang ito sa sirkulasyon ng Pilipinas. Gumamit siya ng mga tao na nagsilbing instrumento
upang maging tagapagtanggol ng mga wika sa bansa.
Sa pagsusuri ni Roberto Añonuevo (2008) na may titulong Tula, Wika at Nasyonalismo,
sinabi niyang walang katotohanan na pinangibabawan ng wikang Tagalog ang mga taal na wika
sa Pilipinas upang pagkaraan ay patayin. Sa katunayan, naging mabuting halimbawa ang Tagalog
sa produksiyon ng panitikan at ibang lathalain sa mga wikain sa Pilipinas. Ayon din sa kaniya,
malaki ang ambag nina Francisco Balagtas, Andres Bonifacio, Marcelo H. Del Pilar, Emilio
Jacinto, at Lope K. Santos.
Dagdag pa niya, inilarawan ang Maynila mula sa tula ni Ruperto Cristobal bilang lulan
ng maraming wikang dayuhan na nais akitin ang mga Pilipino na isalita ang mga wikang ito
ngunit hindi pa rin malimot ng mga Pilipino ang Tagalog na lubhang matamis, puno ng pag-ibig,
at pangarap na tila pamana ng isang magulang sa kaniyang anak. Sobrang marubdob ang
pagmamahal sa wika kahit wala pang pambansang wika.
Ngunit maraming kaaway ang Tagalog, ginamit na batayan ang wikang Ingles upang
kunwari’y makamit ang kalayaan at matuloy ang pagnanais na durugin ang Tagalog. Nagsulat si
Jose Corazon de Jesus ng akdang Imperialismo noong Enero 1923 at ipinaglaban ang mga
katutubong wika. Tinawag niya ang Ingles bilang wikang kabastusan, kasagwaan, pang-eestapa,
at panunulisan.

12
Dahil sa pagmamahal ng mga Pilipino sa ating mga wika lalo na sa Tagalog, tinugunan
ang pangangailangang ito ng Pilipinas kayat lumitaw ang Artikulo XIV Seksiyon 3 ng 1935
Konstitusyon na isinasaad ang ganito:
Ang pambansang Asemblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at
pagpapatibay ng isang panlahat na Wikang Pambansa na nasasalig sa isa sa mga wikang
katutubo. Hangga’t walang ibang itinatadhada ang batas, ang Ingles at Kastila ay
magpapatuloy na mga wikang opisyal.
Isinulong ni Pangulong Manuel L. Quezon ang pagkakaroon ng tanggapan na magsusuri
sa mga pagpipiliang wikang batayan ng pambansang wika kaya naman noong Disyembre 30,
1937 ang Kautusang Tagapagpaganap Bilang 134 ay nagtakda na Tagalog ang magiging
batayan ng wikang pambansa. Samantala, noong Abril 1 1940, nagpalimbag ng mga aklat tulad
ng A Tagalog English Vocabulary at Ang Balarila ng Wikang Pambansa. Noong Hunyo 19,
1940, itinuro ang wikang Pambansa sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan. Habang
noong Hulyo 4, 1940 naging wikang opisyal ang Tagalog dahil sa Batas Komonwelt Blg. 570.
Pagsapit naman ng Agosto 13, 1959 naging itong Pilipino sa pamamagitan ng Kautusang
Pangkagawaran Bilang 7 ng kalihim ng Edukasyon na si Jose E. Romero.
Hindi tumigil ang pagharap ng pambansang wika sa mga hamon, sa katunayan ay
nagkaroon ng malaking pagsubok sa Filipino nang may isang mambabatas na nagpanukalang
gawing Ingles ang pambansang wika ng Pilipinas. Kinasuhan ang mga nagtataguyod sa wikang
Pilipino ngunit kinatigan ang mga tagasuporta ng Pilipino ng hukumang mababa sa Dulugang ng
Maynila.
Ganito ang desisyisyon:
Mahirap magtayo ngunit madaling magwasak. Ang likha ng isang henerasyon na
pinaggugulan ng milyon-milyong piso ay hindi mapagsasawalang-bahala at mawawasak dahil
lamang sa isang kumpas ng panulat. Umuunlad ang isang wika batay sa pagtanggap at
paggamit ng bayan. Patuloy itong napadadalisay at yumayaman dahil nagbabago ang wikang
buhay. Hindi rin maikakaila na mas dumarami ang mga nagsasalita ng wikang pambansa ngayon
kaysa noong pairalin ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa.
Ginabayan na naman ng Panginoon ang desisyong ito dahil mas kinampihan ng korte
suprema ang pambansang wika. Maging sa panahong dumaan ang ating bansa sa takipsilim
nating nakaraan at magkaroon ng Batas Militar, nanatili ang ating pambansang wika bilang
instrumento ng mga maliliit na mga protesta laban sa diktaduryang Marcos. Ingles ang ginamit
na wika sa telebisyon at pahayagan habang ang mga nanatiling nakikipaglaban sa demokrasya ay
gumagamit ng wikang Pambansa na naglalayong maituwid ang ating bansa.
Dumating ang bukang-liwayway at nasilayan ang demokrasya sa panahon ni Corazon
Aquino. Sa yugtong iyon, nagkaroon tayo ng tanda ng tagumpay dahil nagkaroon ng bagong
konstitusyon at dito napagkasunduang ang magiging wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino
na nakasaad sa Artikulo XIV section 6. Nagbago ang bihis ng mga pahayagan, at namayani ang
mga inililimbag sa wikang Filipino. Ginamit ang Filipino sa mga balitang mauunawaan ng
sambayanan at ito ay lumaganap sa kapuluan.

13
Sa kabila ng tinatamasang tagumpay ng Filipino, mayroon pa ring nais magpabansot dito,
may nagpumilit na palakasin ang wikang Ingles, na magiging kasangkapan diumano sa pag-
unlad ng ating bansa. Isa sa mga ito ang Executive Order 210 ni dating Pangulong Gloria
Macapagal Arroyo na nag-aatas sa paggamit sa Ingles bilang pangunahing wikang panturo na
sinusugan ng iba pang mga mambabatas. Layunin nito na palakasin ang ingles bilang
pangunahing wikang panturo ngunit hindi sila nagtagumpay.
Sa panahon naman ni Benigno Aquino, naging buo ang Filipino, nanaig ito. Naging ilaw
at lakas ng bansa sa pagtahak sa tuwid na landas. Ito ang wikang ginamit niya sa
pangangampanya laban sa korapsiyon maging sa kaniyang mga talumpati sa inagurasyon at
SONA. Ginamit niya rin ito sa pagsagot sa mga tanong at pangangailangan ng taong-bayan
kaya’t nauso ang wang-wang. Demokrasya ang pinakamahalagang pamana ng kaniyang ina nang
muli niyang masilayan ang kalayaan at masasalamin ito sa paggamit ng sariling wika.
Sa pagpasok ng panahon ni Rodrigo Duterte naging mabisang instrumento ang social
media sa pagpapalaganap hindi lamang ng wika kundi maging mga impormasyon na
nakatutulong at nakalilito sa diwa ng madla. Mabubuod natin sa tulang ito ang kalagayan ng
Filipino sa kaniyang panahon.
FILIPINO: WIKANG MAPAGBAGO
Dr. JENNIFOR L. AGUILAR
1. Naghuhumiyaw, nag-uumapaw ang galit ng sambayanan
Sukdulan na ang kasamaan, bangkay nagkalat sa daan
Tatlo-singko na lang ang buhay ng pinagdudahan at pinagkamalan
Ito na ba ang pagbabago, pagbabagong inaasam?

2. Tahimik na nga at puwede nang magpagabi sa daan


Hindi na katatakutan ang magnanakaw, reypist, at kriminal
Nauubos na rin ang mga korap sa pamahalaan
Ito nga ba ang Pagbabago, Pagbabagong inaasam?

3. Humiwalay na sa Amerikanong Kapitalista’t Imperyalista


Bumaling naman sa Intsik at Rusong tuso’t mapagsamantala
Mapagyayaman at mapagbabago ba ang bayang sinisinta?
Unti-unting kinukubkob karagatan nati’t mga isla.

4. Hanggang wika’y ‘di-malaya, pagbabago’y hindi mapapala


Ngayo’y sisikil, sa pagtuturo’y binubusalan pa

14
Tinanggal sa kolehiyo, pinagbabantaan pa sa kongreso
Lulusawin ito, upang maging mamamayan ng mundo.

5. Filipino nga raw ang wika, wika ng pagbabago?


Gaano katotoo, pinahahalagahan ba ito?
Kayrami nang dinanas na dusa at pasakit
Kayhaba ng landas na puno ng tinik.

6. Malaya naman noon ang bansa, kahit dayalekto’y iba-iba


Kahit pulo-pulo, tribo-tribo ay lubos na nakauunawa
Nakakapagkalakalan pa sa mga dayuhan, maunlad at sagana
Dahil nabubuhay sa wikang likas na kaloob ng May-akda.

7. Dumating ang mga Kastilang sabik na sabik sa saganang yaman ng bansa


Hayok na hayok na ginahasa’t kinamkam at walang tinira
Maging wikang angkin, pilit na tinanggal sa dila ng madla
Pinaglaway sa wikang kastilang wika lamang ng maharlika

8. Lumao’t magaling sa kastila’y nakalaya na rin


Ngunit pumalit mga Amerikanong bagong mang-aalipin
Kunwa’y magiliw at mabait, wikang Ingles ipinilit na gamitin
Upang pagkatao’t pagkalahi nati’y tuluyang angkinin

9. Kasarinla’y ibinigay, pambansang wika’y sinilang


Sa lahat ng wika’y nagtagumpay ang Tagalog na ngalan
Pinalitan ng Pilipino dahil sa pag-aalitan
Hanggang maging Filipino ang wika sa kasalukuyan.

10. Lumaya na ang bansa, ngunit naiwan ang wika,


Lumaya sa mga dayuhan ngunit alipin sa kaisipan,
Isiniksik, idinikdik, sa kaluluwa ng bayan
Na natatanging magaling ay yaong sa mga dayuhan.

15
11. Kung uunahin lamang pagmamahal sa wikang Filipino
Napagbabago nito maging kaluluwa ng tao
Ito’y manunuot sa isip, puso, diwa at pagkatao
Hanggang sa makamit pagbabago ng lipunang Pilipino

12. Nagawa ng mga Hapon, Koreano Intsik at Ruso


Sariling wika’y minahal, tinaguyod sa lahat ng aspekto
Rumagasa sa pag-unlad ,tuluyang umasenso
Pambansang wika’y sangkap sa kanilang pagbabago.

13. Hindi pa huli para sa hangad na pagbabago


Palakasin, patatagin, gamitin ang wika ng bayan mo
Hinahangad na pagbabago ay ating matamo
Sapagkat ang Filipino, Wikang mapagbago.

MGA POSISYONG PAPEL NG IBAT IBANG UNIBERSIDAD KAUGNAY NG


FILIPINO SA KOLEHIYO
1. Dapat bigyang-diin na hindi sapat na maging opsyonal na wikang panturo ang wikang
Filipino sapagkat alam naman nating mas nakakiling sa Ingles ang sistemang pang-edukasyon sa
Pilipinas.
2. Ang intelektwalisasyon ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan ay matitiyak
lamang kung may asignaturang Filipino na may inter/multidisiplinaryang disenyo sa kolehiyo.
3. Ang wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryong mamamayan sa mga komunidad na
ating pinaglilingkuran.
4. Ang pagbura sa espasyo ng wikang Filipino sa mga kolehiyo sa Pilipinas ay tiyak na
may negatibong epekto sa espasyo nito sa ibang bansa.
5. Malinaw na hindi simpleng usapin ng pagsasalba sa trabaho ng mga guro ang
adbokasiyang ito. Ang adbokasiyang ito’y pagsasalba sa kolektibong identidad, sa salamin ng
ating kultura, sa daluyan ng diskursong pambansa, at pagtataguyod ng nasyonalistang
edukasyon.
6. Ang wikang Filipino ay identidad ng Pilipino; pananaw at kamalayan ang wikang
Filipino.
7. Sariling wika rin ang pinakamabisang daluyan para maipalaganap ang dunong-bayan at
kaalamang pinanday ng akademya.

16
8. Ang pagtanggal ng siyam na yunit ng Filipino sa kolehiyo ay isang anyo ng karahasang
pangkamalayan.
9. Ang kunwari’y paglalatag ng mga kursong GE na maaaring ituro kapuwa sa Filipino at
Ingles ay lilikha lamang ng kompetisyon sa dalawang wika.
10. Ang bagong GE curriculum ay tahasang pagbabalewala sa kasaysayan ng Wikang
Pambansa.
11. Ang panukala ng CHED Memo Order no. 20 series of 2013 ay paglapastanganan sa
pagpapahalaga sa kasaysayan, karunungan, at diwa ng kasarinlang mahabang panahong
ipinaglaban at nilinang ng mga naunang salinlahi ng mga Pilipino.
12. Kailangang balikan ang konstitusyon na responsibilidad ng Estado na itaguyod ang
“pangangalaga, pagpapayaman, at dinamikong ebolusyon ng isang pambansang kulturang
Pilipino.
13. Hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino. Isa itong disiplina. Lumilikha ito ng
sariling larang ng karunungan na nagtatampok sa pagka-Filipino sa anumang usapin sa loob at
labas ng akademya.
14. Dapat maging mapagmatyag laban sa mga tao at institusyong ginagamit ang
kasalukuyang isyu pangwika upang itangi ang sarili at kanilang interes.
Mga Paninindigan ng PSLLF sa Pananatili ng Filipino sa Antas Kolehiyo
1. Sa antas na ito ng karunungan, higit na dapat mapaghusay ang gamit at pagtuturo ng/sa
Filipino dahil na rin sa mga kumukuha ng mga kurso sa pagtuturo at mga kaugnay na kurso;
2. Dahil sa pagpapaunlad ng K-12 Basic Education Curriculum, mawawala na sa antas
tersyarya ang Filipino at sa halip ay ibababa bilang bahagi ng mga baitang 11 at 12;
3. Ang panukalang Purposive Communication na bahagi sa batayang Edukasyon sa
tersyarya ay hindi malinaw kung ituturo sa Ingles o Filipino;
4. Ang panukalang tatlumpu’t anim (36) na yunit ng batayang edukasyon mula sa
Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) ay minimum lamang kung kaya’t maaari
pang dagdagan hanggang anim (6) pang yunit.
Mahahalagang Argumento Hinggil sa Halaga ng Pananatili ng Filipino Bilang Asignatura
sa Kolehiyo (PSLLF)
1. Ang patakarang bilinggwal na ipinatupad sa pamamagitan ng Department Order No.
25 Series of 1974 ng Department of Education, Culture and Sports (DECS) ay ngayo’y operatibo
at may bisa mula baitang 4 hanggang antas tersyarya. Alinsunod sa kautusan, kinakailangang
gamiting wikang panturo ang Filipino sa mga sumsusunod:
a. Social Studies/Social Sciences
b. Music
c. Arts
d. Physical Education

17
e. Home Economics
f. Practical Arts
g. Character Education

2. Nanindigan ang PSLLF na ang pagpapapalawak sa paggamit ng Filipino bilang wikang


panturo sa kolehiyo ay alinsunod din sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng 1987 Konstitusyon.
3. Mas dapat ituro ang Filipino sa kolehiyo sapagkat sa panahon ng patuloy na
globalisasyon at ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Integration, nararapat
lamang na patibayin ng mga Pilipino ang sariling wika at panitikan, upang makapag-ambag ang
mga ito sa proyekto ng global at rehiyonal na integrasyong sosyo-kultural.
Bunsod ng pagtatanggal sa Filipino ay nailikha ang TANGGOL WIKA noong Hunyo 21,
2014 sa kadahilanang walang aksyon ang CHED. Kabilang na rin ang layuning patatagin ang
boses ng mga nagtatanggol sa wika na ang pawang miyembro ay mga guro mula sa iba’t ibang
unibersidad gaya ng mga nasa DLSU, UP-D, UST, ADM, PUP. Nananawagan ang TANGGOL
WIKA NA:
a. Panatilihin ang pagtuturo ng asignaturang Filipino sa bagong General Education
Curriculum (GEC) sa kolehiyo;
b. Rebisahin ng CHED ang CMO. 20, Series of 2013;
c. Gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo ng iba’t ibang asignatura; at
d. Isulong ang makabayang edukasyon.

HAMON NG FILIPINO SA MATAAS NA EDUKASYON O LAGPAS PA


Dala ng globalisasyon ang pagkakaroon ng iisang daigdig, kultura, iisang lahi dahil. Nag-
aagawan ang mga malalaking bansa kung sino ang hihiranging pinakamakapangyarihan at
maghahari sa mundo. Mula sa imperialismo hanggang globalisasyon, iisa ang tunguhin ng wika,
patayin ang maliliit at magwagi ang mga malalaki. Kung sino ang may malaking wika o wikang
sinasalita ng maraming bansa ay yaong bansang makapangyarihan, umuunlad, at naghahari sa
daigdig.
Batay sa sarbey na isinagawa ng Statista 2018: tinatayang ang Mandarin ay may 1.3
bilyong tagapagsasalita, sa Espanyol ay 378 milyon, 315 milyon naman sa Ingles, ang Arabic ay
260 milyon, ang Hindi ay nasa 243 milyon, ang Bengali na may 223 milyon, Portuguese ay 154
milyon, ang Russian na nasa 128 milyong nagsasalita at Japanese na tinatayang nasa 119 milyon,
Kung ihahambing ang Filipino sa mga nabanggit na wika, napakabata pa nito ngunit
iniaalis na ito sa bibig ng mga mamamayan. Makailang beses ng pilit inialis sa Sistema ng
CHED. May ilang mambabatas na nagpasa ng bill na gawing Ingles ang wikang panturo.
Nariyan ang House Bill 5091 ni Gloria na maraming mga paaralan ang nagpatupad ng English
Only Policy. Upang makaagapay ang mga Pilipino sa globalisasyon at makapagtrabaho sa ibang
bansa. Ngunit anong klaseng trabaho?
Ipinatupad ang CMO 20 s. 2013 na naglalaman ng mga core courses kagaya ng
Understanding the Self; Reading in the Phil His; The Contemporary World; Mathematics in the

18
Modern World; Purposive com; Art Appreciation; Science, Technology and Society; Ethics
ngunit wala ang Filipino na tanging wala mula sa mga kinukuha ng mga mag-aaral sa mataas na
paaralan. Nangangahulugang tumigil ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa Filipino.
Nagkaroon ng dalawang panig—ang mga tagapagtanggol at tagapagtanggal ng Filipino
sa Kolehiyo. Ang mga tagapagtanggol ay ang mga guro, mag-aaral, mga nagmamahal sa Filipino
at ang Tanggol Wika; PSLLF; National Teacher’s College; Pamantasang De La Salle-Maynila;
Mindanao State University – Iligan institute of Technology; Unibersidad ng Pilipinas – Manila;
KATAGA; Unibersidad ng Santo Tomas; Technological University of the Philippines; FEU;
League of Filipino Students; San Beda College; Alliance of Concerned Teachers;
ANAKBAYAN; National Commission for Culture and the Arts. Habang ang mga
tagapagtanggal ay ang CHED, Korte Suprema at mga Unibersidad na hindi nilabanan ang
pagtatanggal sa Filipino.
Nagkaroon ng rallies, diyalogo, protesta hanggang nagkaroon ng pagsasampa ng kaso sa
korte suprema. Nagsagawa ng kilos-protesta, ng petisyon, na pinirmahan ng higit-kumulang 700,
000 katao. Ang kahingian ay rebishahin ang kurikulum na CMO no. 20, 2013, gawing
makabayan ang edukasyon at ibalik ang Filipino.
Ayon kay San Juan, pagkatapos ng 2 linggo, kinatigan ng Korte Suprema ang
TANGGOL Wika sa pamamagitan ng paglalabas ng Temporary Restraining Order noong Abril
21, 2015. Sinabi ng Korte Suprema na…. nilabag ng CHED ang konstitusyon, at ang
pagpapaunlad ng Filipino. Ang pagtanggal ng Panitikan at Konstitusyon ay paglabag sa layuning
mapatatag ang pagiging makabayan at makabansa.
Nilabag nito ang 1987 Konstitution Sections 6 and 7, ang RA no. 7104 o ang Commision
on the Filipino Language Act na hinggil sa pagpapaunlad at pangangalaga sa wikang Filipino at
iba pang wikang katutubo, kasama na rito ang pagprotekta sa mahalagang kasaysayan. Nalabag
din ang Batas Bilang 232 o Education Act of 1932 na nagsasaad na ang lahat ng mga Pilipino ay
may karapatang makapag-aral. Ano man ang kanilang kasarian, etnikong pangkat, pisikal na
kaanyuan, kalagayang pinansiyal., pinagmulan at iba. Kinakailangan ding ang edukasyon ay
sumusuporta sa kultura, paniniwala, tradisyon, interest at paninuwala. Sa madaling sabi,
kailangan sumusuporta ang edukasyon sa kultura o pagiging culturally responsive, kasabay ng
paglinang sa kakayahan ng mga mag-aaral; at ang RA 7356 o ang An Act creating the National
Commission for Culture and the Arts. Ang pagkalikha ng NCCA ay upang bumuo ng mga
polisiyang may kinalaman sa pangangalaga ng ating sining at kultura. Kabilang na riyan ang
wika.
Patuloy na nagmatigas ang CHED. Ngunit patuloy na lumaban ang TANGGOL Wika.
Pansamantalang nagtagumpay ang Filipino at naglabas ang CHED ng CMO no. 4 Series of 2018
(policy on the Offering of Filipino and Panitikan subjects in all Higher Education Programs as
Part of the New General Education Curriculum).
Sumunod ang CHED dahil tanging wikang pambansa ang makapagbibigay ng tunay na
kaunlaran sa bansa. Ngunit tuluyan nang hindi core subject ang Filipino at Panitikan. Taong
2018 ilang taon matapos mailabas at maipatupad ang TRO laban sa CMO Bilang 20, Serye 2013

19
ay tinanggal na ito ng Korte Suprema at tuluyan nang binura ang asignaturang Filipino at
Panitikan sa antas kolehiyo. Sinasabing konstitusyonal ang pagtatanggal sa Filipino bilang
mandatoryong kurso.
Nanawagan pa rin ang TANGGOL wika sa bawat unibersidad sa Pilipinas na lumikha ng
mga asignatura sa Filipino – batay sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagbibigay-laya pa
rin sa mga unibersidad na magdagdag ng mga asignatura gaya ng Filipino habang wala pa ang
pinal na desisyon ng Korte Suprema tungkol sa motion for reconsiderationna isinampa noong
Nobyembre 2018. Samantala, inihain nina ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio at Rep
France Castro sa kongreso ang Panukalang Batas Bilang 8954 o Batas na nagtatakda ng hindi
bababa sa siyam (9) na yunit ng asignaturang Filipino noong Enero 30, 2019.
Taong Marso 5, 2019 naman ay pinagtibay na (denied with finality) ng Korte Suprema
ang desisyon nitong tanggalin ang mga asignaturang Panitikan at Filipino sa antas kolehiyo.
Batay sa inilabas na desisyon ukol sa motion for reconsideration ay walang substansyal na
argumentong inihain ang TANGGOL Wika at iba pang nagpetisyon upang mapanatili ang mga
nasabing asignatura.
Ayon sa nasabing Alyansa, mabuting palawakin pa ng nasabing korte ang pananaw nito
at isaalang-alang ang diwa ng Konstitusyon (Bernales et al., 2019). Mahirap ang naging
desisyong ito sa kabila ng katotohanang may mga nagpapatunay na sa bisa ng Filipino bilang
wika ng karunungan kagaya ng mga pag-aaral na isinagawa ng mga nasa Kolehiyo ng mga
Sining at Agham sa UP Diliman mula 1968 – 1969 na nagsasabing epektibong gamitin ang
Filipino sa mga nasa larang ng agham panlipunan (Tiamson-Rubin, 1993: mula sa Bernales et
al., 2019). Nariyan din ang pangunguna ni Dr. Emerita S. Quito ng DLSU hinggil sa pagtuturo
ng Pilosopiya gamit ng wikang Filipino na nag-ugat sa pagpunta niya sa Vienna noong 1962.
Mapagtitibay rin ito mula sa ginawang pagtuturo ni Padre Roque Ferriols, SJ sa Pilosopiya gamit
ng wikang Filipino sa Pamantasang Ateneo de Manila.
Kaya’t mapagtitibay ang binanggit ni San Juan (2018) na ang Filipino ay hindi lamang
wikang panturo bagkus, isang disiplina, asignatura, at bukod na larangan. Kailangan itong ituro
at linangin. Lalo pa’t sa ibang bansa ay may espasyo rin ito sa kanilang kurikulum kaya may
potensyal itong maging nangungunang wikang global. Idagdag pa na multilinggwalismo ang
kasanayang isinusulong sa 21 siglo. Kailangang maitanim sa isip ng bawat isa na hindi ang
wikang banyaga ang magpapaunlad sa ating ekonomiya.
Kaya malinaw ang hamon sa atin ngayon, ito ay kung papaano magagamit ang wika sa
iba’t ibang larangan, kung paano ito maisusuot sa bawat disiplina upang makasabay sa husay,
galing, dangal at talinong Pilipino. Higit sa lahat, paano mapaiigting ang pagmamahal sa ating
wikang Pambansa na pangungunahan ng mga intelektuwal at mismong mga pinuno ng bayan.
PAGPAPLANONG WIKA
Ang pagkuha ng isang asignatura o subject sa Language Planning ang magpapakilala sa
isang mag-aaral ng mga hulwarang teorya at praktikal na pagkaunawa sa ilang bagay:
• Pagpasya o pagpili ng wika

20
• Paglinang at pagpapaunlad ng wika
• Patakaran at pagbabalangkas ng wika
• Pagsasagawa ng wika
• Pagpapahalaga sa wika

Ang wikang Filipino bilang akademik na wika ay isang barayti ng Filipino na ginagamit
sa larangan ng domeyn ng edukasyon. Ito ay ginagamit bilang wika ng karunungan ng
edukasyon. Ang pagpaplanong wika ay isang suliraning kailangangang hanapan ng lunas. Hindi
ito kailangang iasa sa panahon. Sinasadya ito.
ELABORASYON NG WIKA
Proseso ng pag-unlad at pagbabago ng estraktura at gamit ng wika. Ang pagbabago ng
ispeling o pagbabaybay. Ang tuluyang paggamit ng wikang Filipino sa larangan ay unti-unting
nagreresulta sa pagmomodernisa at pag-iintelektwalisa rito.
Ayon kay Fishman (1974) ang pagpapalano ng wika ay nakadepende nang malaki sa
elaborasyong leksikal. Ito ay tumutukoy sa proseso ng intelektwalisasyon ng mga terminolohiya.
INTELEKTWALISASYON
Pagpapayaman sa bokabularyo ng wikang Filipino upang magamit ito bilang
kasangkapan sa talakayang intelektwal.
TUNGO SA MABISANG PAGGAMIT NG FILIPINO SA AKADEMYA
• Panghihiram sa mga wikang dayuhan (Ingles)
• Ponetik (tunog)
• Morpemik (Salita o Pantig)
• Sintaktik (Pangungusap)
Pagsasalin (East-Silangan)
Lubusang Panghihiram (Xerox-Xerox)
Transliterasyon (computer- Kompyuter)
BARAYTI NG WIKA
Ayon sa New Webster Dictionary (1995), ang barayti ay tumutukoy sa pagiging uri,
kalagayan o kalidad ng pagiging iba-iba o pagkakaroon ng dibersidad.
Sa wika, ang barayti ay tumutukoy sa iba’t ibang uri ng wika. Ayon kay Bickerton, ang
wika ay maaaring magbago sa bawat panahon ngunit laging nakikita ang kaniyang kaantasan.
Hindi maaaring maiwasan ang barayti. Patuloy na nagbabago ang wika sa bawat pagdaan ng
panahon ngunit sa hindi malamang dahilan. Sa binanggit naman ni Mc. Farland, masyado
diumanong malawak ang wika kaya walang sino man ang ganap na natututo sa kaniyang wika.
Para kay Hudson, ang barayti ay isang set ng mga terminolohiyang panlinggwistika na
may pare-parehong distinksiyon. Habang kay Gleason, sang-ayon siya na ang wika ay may

21
baryasyon dahil ang baryasyon ng wika ay nakabatay sa kultura at sistema ng pamumuhay ng
tao.
Wika naman ni Consuelo Paz, ang pagtanggap ng wika ay bukas sa pagbabago. Ito ay
pinakamabuting atityud upang hindi masayang ang panahon kung anong barayti ang dapat
maging istandard. Hindi maiiwasan ang pagbabago sa wika dahil ito ay buhay, mapanlikha at
inobatibo. Dagdag pa ni Hymes na ang pagamit sa wika sa paraang malikhain ay nakatutulong
upang kanilang malaman kung ano at gaano ang magagawa ng pagkakaroon ng barayti ng wika.
Naroon pa rin ang maraming usapin kung alin nga ba o ano ang linggwa franka ng
daigdaig.
A. Linggwa Franka. Wikang sistematikong ginagamit sa pakikipagtalastasan na hindi
gumagamit ng katutubong wika.
1. Unibersal na Linggwa Franka. Wikang ginagamit ng nakararami sa mundo.
Tatlong Namamayaning Wika sa Mundo
A. Ingles. Pinakagamiting wika sa buong daigdig batay sa gamit at antas ng tao sa
lipunan sa iba’t ibang larangan.
B. Franses. Maraming gumagamit ngunit sa mga mayayamang bansa lamang.
C. Mandarin. Namamayani sa usapin ng dami ng gumagamit.
2. Pambansang Linggwa Franka. Wikang sinasalita sa loob ng bansa.
Filipino. Wikang pambansa ng Pilipinas na nakasaad sa artikulo 14 seksiyon 6 at 7 ng
1987 Saligang Batas. Maraming pagkakagamit ang namayani sa Filipino mula sa mga Ilokano,
Bisaya at Muslim. Filipino pa rin ang Lingguwa Franka ng Pilipinas.
Tatlong Baryasyon ng Filipino
1. Purong Tagalog o Puristik Tagalog. Lumilikha ng mga salita sa halip na manghiram.
Damang-dama ng mga nagtataguyod nito ang pagiging makabayan dahil ayaw nilang mabahiran
ng salitang banyaga ang wika. Hindi sila naniniwalang nakapagpapaunlad ng wika ang
panghihiram, sa halip ay nakasisira nang malaki sa wika. Mas mamarapatin pang mag-imbento
ng salita kaysa manghiram kagaya ng sipnayan, salipawpaw, buntala, bilnuran at iba pa.
Ngunit ang totoo, hindi nakatutulong ang ganito sa pagpapaunlad ng wika. Dahil
dinamiko ang wika, patuloy itong nagbabago kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya na lumilikha
ng bagong kataga o salita na naiimbak sa wikang Filipino na sumasang-ayon sa Saligang Batas
ng 1987.
2. Taglish/Engalog. Mas katanggap-tanggap ito dahil malaki ang naitutulong nito sa
development ng ating wika.
Maraming bumabatikos dito ngunit ito talaga ang mas madaling maunawaan at ito ang
nangingibabaw sa pagsasalita at impormal na pagsulat sa mga Pilipino (halimbawa sa chat o
pagte-text). Ngunit hindi pa ito tanggap sa pormal na pagsulat.

22
3. Bertaglish. Ito ang pinaghalong Wikang Bernakular, Tagalog, at English.
Halimbawa: Cebuano+Tagalog+ Ingles
Ilokano+Tagalog+Ingles
Pampango+ Tagalog+ Ingles
Hindi maiiwasan ang ganitong pangyayari. Maaaring bunga ito ng pagmimigrante o pag-
aasawahan ng mga Pilipinong may iba’ ibang wika. Halimbawa: Ang Tagalog ay nag-asawa ng
Ilokano, imposibleng hindi niya matutuhan ang ilokano at magamit kasabay ang Tagalog. Hindi
dapat maging kreolistik ang Filipino. Ang kreolistik ay ang amalgamasyon ng dalawang wika
upang maging unang wika o ang isang wika ay nabuo dahil sa ibang wika na pinagbatayang
maging unang wika.
Ang paglalapi ay isang paraan ng wikang Filipino upang hindi ito maging wikang creole.
Ang paggamit natin ng panlapi ay nagbibigay-daan upang angkinin natin ang mga salitang
hiram. Halimbawa ang salitang shopping ay maaring maging: nagsha-shopping o nagshashaping.
I-date o Ideyt.
3. Rehiyunal na Linggwa Franka. Ito ang komon na wika sa rehiyong may iba’t ibang
wikang sinasalita. Halimbawa, ang mga ka-ilokanuhan gaya ng Ilocos Noerte, Ilocos Sur,
Cagayan, Isabela, Pangasinan at Cordillera Administrative Region, Ilokano ang kanilang
Linggwa Franka bagaman may mga naninirahang Ibanag, Isneg, Ifuago na may sarili ring
katutubong wika upang mapabilis ang pakikipag-ugnayan.
B. Dayalek. Ito ay tumutukoy sa baryant o uri ng wikang sinasalita sa isang tiyak na heograpikal
na lokasyon. May mga pagkakaiba sa loob ng wika na makikita sa aksent, leksikograpiya
(dictionary) at pagbigkas.
a. Rehiyunal na Dayalek. Wikang ginagamit sa isang lugar na sa loob ng maraming taon
ay kinkitaan na ng pagkakaiba sa bigkas, anyo ng salita at sintaks nito.
Halimbawa: Ilokanong Iloko, Ilokanong Caggi, o Cagayan.
Tagalog Batanggas, Tagalog Bulacan, Tagalog Quezon, Tagalog Nueva Ecija
atbp.
b. Sosyal na Dayalek. Pagkakaiba ng paggamit sa wika batay sa antas ng pamumuhay o
uri ng grupo. Iba ang pananalita ng mga mayayaman sa panggitnang uri, sa masang Pilipino.
Maaari din itong tumkoy sa paraan ng pananalita. Paano magsalita ang mga nasa kalye, nasa
bahay, o nasa trabaho.
c. Idyolek. Tawag sa indibidwal na paggamit ng isang tao sa wika. (Kung paano niya
gamitin ang wika) o paraan ng pananalita. Para daw fingerprint ang paggamit ng isang wika, sila
ay iba-iba na nagdudulot ng baryasyon.
d. Register na Wika. Paggamit sa wika ng iba’t ibang propesyonal mula sa iba’t ibang
larang. Halimbawa nito ay ang mga termino na ginagamit ng doktor ay iba sa abogado, iba rin
ang mga sa guro.

23
e. Balbal o imbensiyong salita. Ito ang mga salitang nabuo upang maunawaan ang mga
taong kabilang sa kanilang pangkat nang sa gayon ay hindi maunawaan ng ibang tao.
Halimbawa nito ay ang mga Chiwords, o gagegigogu words na idinaragdag sa bawat pantig ng
salita. Kabilang din dito ang:
1. Gaylingo o Bekimon. Balbal din ito, tinatawag na bekimon. Ang Bekimon ayon sa
diksiyunaryo ay isang bakla, lalaking bakla, o babaeng bakla na hardcore gumamit ng Gay Lingo
sa mga usapan na kahit sarili niya’y hindi maintindihan.
“ang wikang pambansatchi ng Pilipinas ay Filipinetch. Samantalang nililinang tarush, itechi
dapat payabungin at pagyamanin patchi salig sa umiiral natchi mga wika sa Pilipinas at sa iba
pang mga wikatchi.”
2. Jejemon. Itinanghal itong salita ng taon 2010 ng Filipinas Institute of Translation, Inc.
noong Hulyo 20-30. May impak sa sosyo-kultural, politikal, sosyal, ekonomik at iba pang
aspekto ng buhay. Tanggap na ito sa diskyunaryong Filipino. Sa malalim na kahulugan, sila ang
mga pangkat na naisantabi at iniitsapwera ng estado.
“ang wkng pmbNsA NG pilPinz aY FiLiPiNo powh SmntTAlang Nililinang, ItO ay DapT
pYaBungiNat PagYmanIN pa ….” Boesz kOehnG mFhapaGmaHal.

SINTESIS
Mula sa mga natalakay, naging malinaw kung bakit mahalagang patuloy na pag-aralan
ang Filipino mula sa antas tersiyarya at higit pa bilang isang papausbong na disiplina at hindi
lamang gamit bilang midyum ng talastasan. Bagaman tunay na bumibilis ang pag-unlad ng
isang wika kung ito ay ginagamit sa pang-araw-araw na komunikasyon, ngunit hindi rin
maikakaila na mas tatayog ang gampanin nito kung ipagkakatiwala rito ang iba pang mas
mataas na larang ng karunungan kagaya ng mga inadhika ng ibang propesor sa iba’t ibang
unibersidad sa bansa. Ang mga barayti ng wika ay nagpapatunay kung paanong mas magiging
malay ang mga mag-aaral sa dibersidad na mayroon tayong mga Pilipino na may malaking
gampanin sa pagbuo ng ating matibay na makabansang identidad. Ang pag-aaral naman sa
kasaysayan ng pagkabuo ng wikang Pambansa maging ang pagkadala sa Pilipinas ng mga
wikang kagaya ng Tagalog na pinagbatayan sa wikang Pambansa ay nagpapatunay kung
gaano kalalim ang pagkakaugat nito sa ating katauhan na nagsilbing pundasyon upang mabuo
ang mga kulturang umiiral ngayon. Ang identidad at kulturang ito ay binibigyan din ng pansin
sa pagpaplanong pangwika. Dahil dito, malinaw na hindi Ingles ang dapat na iluklok sa
pedestal ng kaunlaran kundi ang Filipino na nilalangkapan ng iba’t ibang mga wikang
katutubo upang umunlad. Malinaw kung gayon na mas makatuwiran ang inihahaing
kadahilanan ng mga nagtataguyod sa wikang Filipino kung bakit kailangan itong gawing
mandatoring asignatura dahil ito ay susi sa kamalayang politikal, kasaysayan, kultural at
kabuoang identidad bilang isang bansang malaya.

24
GAWAIN
Ngayong natapos na ang isang makabuluhan at malamang talakayan, nararapat lamang na
dumako na tayo sa pag-alam kung ano ang iyong mga natutuhan at gaano kalalim ang mga ito na
magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.
a. Pasalitang pagsusulit
Para sa iyong unang gawain, magbibigay ako ng mga katanungan na iyong kailangang
sagutin sa paraang matalino at komprehensibo sa pagkita-kita natin sa silid aralan sa itinakdang
araw. Kung may pagkakataon namang hindi tayo magkakaroon ng harapang pagkikita dala ng
maraming posibleng dahilan, sasagutin ito nang birtuwal kung saan ay ibibigay ko ang link ng
zoom o google meet. Handa ka na ba? Kung gayon, narito ang mga katanungan.
1. Ano-ano ang mga nakikita mong dahilan kung bakit kailangang pag-aralan ang
kasaysayan ng wikang Pambansa maging ang pag-uugat nito mula sa Bibliya?
2. Nararapat bang ilapat sa usapin ng pagbakas sa kasaysayan ng wika ang palasak na
sinasabi ng mga Pilipino na ang nakaraan ay hindi na dapat pang binabalikan? Kung oo, ano
bang mga bahagi sa kasaysayan ng wika ang hindi na dapat pang binabalikan? Mayroon ba?
Kung hindi naman ito dapat ilapat, depensahan nang matalino ang iyong kasagutan.
3. Bakit kailangang itaguyod hindi lamang ang wikang Pambansa kundi maging ang mga
wikang katutubo? Ano ba ang magiging pakinabang ng mga ito sa iyong hinaharap na
propesyon? Paano mo ba magagamit nang epektibo ang mga ito (wikang Filipino at katutubo)
tungo sa kaunlaran?
4. Mula sa natalakay, para sa iyo, gaano kahalagang manatili ang inklusyon ng Filipino sa
kurikulum hindi bilang isang elektib kundi mandatoring asignatura na magiging kahingian bago
makapagtapos ang isang Pilipinong kolehiyo?
b. Pangkatang-gawain
Tunay ngang ang bawat kaalamang natatamo ng isang tao ay dapat niyang ibinabahagi sa
iba upang hindi mawalan ng saysay, kaya naman sa gawaing ito, magiging tagapaglaganap kayo
ng kaalaman. Narito ang mga panuto.
1. Mula sa iyong mga kamag-aaral ay pipili ka ng tatlong kagrupo, maaaring sila ang
iyong kaibigan o kalapitan ng loob upang gawain ang aktibidad na ito.
2. Hanggang apat na miyembro lamang ang kailangan sa bawat pangkat at hindi
puwedeng lumabis o kumulang. Kung hindi kaibigan ang pipiliin, mas mainam na maging daan
ang gawaing ito upang makilala ang iba pang mga kamag-aral.
3. Sa gawaing ito, kayo ay gagawa ng simbolismong pangwika. Ibig sabihin, iisip kayo
ng isang simbolo—maaari itong tao, bagay, hayop at iba pa na kakatawan sa inyong natutuhan.

25
4. Ang simbolong ito ay maaaring kinuha sa internet ngunit kailangan bigyang pagkilala
kagaya ng pagbanggit sa pinagkunan o may-ari, puwede rin namang iginuhit mismo ng pangkat.
5. Upang ito ay makarating sa maraming bilang ng tao, ipapaskil ito sa Facebook.
6. Kailangang naka-tag ang lahat ng miyembro maging ang guro.
7. Gumamit ng hashtag #FilipinoIsulong at ito ay dapat nakapubliko upang madaling
makita. Mamarkahan ng guro ang gawain hindi batay sa dami ng likes o share kundi sa mismong
kabuluhan ng nilalaman nito.
c. Panayam-kaalaman
Dahil hindi lamang sa apat na sulok ng silid-aralan nagaganap ang pagkatuto,
kinakailangan mong lumabas, magmasid at magtanong sa iyong paligid nang makapangalap ng
iba’t ibang kaalamang magpapatayog sa iyong perspektibo. Sa gawaing ito, ang gagawin ay:
1. Maghanap ng isa hanggang dalawang ekspero sa wika lalo na sa Filipino na may nag-
aalab na pagnanais na makisangkot sa pagpapaunlad ng wika. Siya/sila ay kailangang may
adbokasiyang pangwika at panlipunan.
2. Siya/sila ay maaaring nagtuturo sa mataas na paaralan, sa kolehiyo o antas gradwado.
Maaaring babae o lalaki.
3. Ito ang katanungang iikutan ng panayam: Ano sa tingin mo ang halaga ng
pagpapanatili sa Filipino bilang buhay at matikas na wika?
4. Itala ang lahat ng mga kaisipan, ideya, pananaw at iba pang kaalalaman na natutuhan.
Iorganisa ang mga ito at maaaring gawing tematiko.
5. Ilalahad ito sa klase nang naka-PPT. Mamarkahan ang gawain batay sa kalidad ng
iyong presentasyon kagaya ng tiwala sa sarili, nilalaman, pagsunod sa nilimitang sampung
minuto bawat mag-aaral, kabuluhan ng PPT, at ang pagkuha sa interes ng mga manonood.
d. Maikling pagsusulit
Sa bahaging ito, susuriin ang iyong natutuhan sa paraang pasulat na pagsusulit. Narito
ang mga panuto para sa pagsagot.
1. Sagutin nang matalino at komprehensibo ang mga katanungan.
2. Ang mga katanungan ay open-ended kaya nangangahulugang maraming ideya ang maaaring
ilahad.
3. Maaaring magbanggit ng mga pangalan batay sa naging talakayan. Maglaan ng halimbawa sa
bawat ideyang inilalahad.
4. Isusulat ang mga kasagutan sa isang dilaw na papel at ipapasa sa klase.
Narito ang mga katanungan:

26
1. Sa bawat administrasyon o pangulong naiupo sa pamahalaan, ano ang iyong
napagtanto hinggil sa naging kalagayan ng wikang Filipino? Masasabi bang progresibo ang
kalagayan ng Filipino o patuloy itong nababaon sa balon ng kamangmangan? Bakit?
2. Ano-ano ang mga nakikita mong dahilan kung bakit kailangang talakayin ang
kasaysayan ng Wikang Pambansa habang binibigyan-pansin ang ilang mahalagang tala sa
bibliya? Nararapat ba ito? bakit?
3. Paano mo mailalarawan ang mga kadahilanan kung bakit kailangang isagawa ang
pagpaplanong pangwika? May naitutulong ba ito sa isang bansa? Pangatwiranan ang kasagutan.
4. Ipaliwanag kung bakit nagkakaroon ng barayti ang wika. Ano-ano ang mga nakikita
mong salik kung bakit ito nagaganap?
5. Ano ang mga halaga ng pag-aaral sa mga barayti ng wika? Paano ito lubos na
nakatutulong sa iyo bilaang mag-aaral?
6. Bakit kailangang patuloy na isulong ang Filipino sa kolehiyo at mas mataas pang
antas? Sa mga kadahilanan at katuwirang inilahad ng iba’t ibang unibersidad at ng TANGGOL
wika at PSLLF, alin ang tatlong pinakatumatak sa iyo at bakit?
7. Liban sa natalakay, ano sa tingin mo ang pinakahamon na kailangang malagpasan ng
wikang Filipino upang maging intelektuwalisadong wika?

SANGGUNIAN

MGA LARAWAN O ICON


Book Symbol, Web Design, Line, Logo, Square, Diagram, Rectangle png . (n.d.). Retrieved from
Klipartz.com: https://www.klipartz.com/en/sticker-png-bwekm
Eucalp. (n.d.). Analyze Synthesis. Retrieved from thenounproject.com:
https://thenounproject.com/icon/analyze-synthesis-3159210/
Objective Icon. (n.d.). Retrieved from Freepik.com:
https://www.freepik.com/icon/objectives_4375256
Sobahus, S. (2020, June 19). writing symbols open book line icons and pencils. design template
vector. Retrieved from alamy.com: https://www.alamy.com/writing-symbols-open-book-
line-icons-and-pencils-design-template-vector-image363564086.html
MGA ARALIN
Aguilar, J. L. (2017). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Jenher Publishing House.
Aguilar, J.L., et. al (2017). Kontekstwalisadong komunikasyon sa Filipino.Quezon City:Rex
Bookstore.

27
Almario, V. (n.d.). Ang Madalas Itanong sa Pambansang Wika. Retrieved from Komisyon sa
Wikang Filipino: https://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/2015/12/FAQ_2.4.15-1.pdf
Angeles, Feliciana A., Pablo, Milagros C., at Maranan, Marilou M. (2005). Sining ng
Pakikipagtalastasan:Pantersyarya. Manila: booklore Publishing Corp.
Austero, Cecilia S. et al. (2007). Komunikasyon sa akademikong Filipino. Pasig City.UNLAD
Publishing House.
Constantino, Pamela C., ed (2005). Filipino at pagpaplanong pangwika: Ikalawang Sourcebook
ng SANGFIL. Sanggunian sa Filipino, UP Sentro ng Wikang Filipino, at National
Commission for Culture and the Arts.
Contreras, A. P. (2014, August 26). Filipino, ang pambansang wikang dapat pang ipaglaban.
Retrieved from GMA News Online:
https://www.gmanetwork.com/news/opinion/content/376423/filipino-ang-pambansang-
wikang-dapat-pang-ipaglaban/story/
Cruz, W.C, et al. (2020). Lektyur sa Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Don
Honorio Ventura State University
Isang Sariling Wikang Pambansa. (n.d.). Retrieved from Komisyon sa Wikang Filipino:
https://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/2016/11/Isang-Sariling-Wikang-Pambansa.pdf
Lumbera, B. (2014, July 19). Sulong Wikang Filipino! Retrieved from YouTube.com:
https://www.youtube.com/watch?v=sLJsYViUzGQ
Lumbera, V., & al, e. (2007). Mula Tore Hanggang Palengke: Neoliberal Education In the
Philippines. IBON Philippines .
Malabanan, J. (2010, October 13). Speak in English Zone . Retrieved from Soundcloud.com:
https://soundcloud.com/musikangrabay/speak-in-english-zone-musika
News, G. I. (2014, August 22). SONA: 9 na units ng Filipino sa kolehiyo maaring mawala dahil
sa memorandum order #20 ng CHED. Retrieved from YouTube.com:
https://www.youtube.com/watch?v=SM7Objit4B0
Petisyon ng Tanggol WIka Laban sa CMO 20. (n.d.). Retrieved from ACT Teachers':
http://www.act-teachers.com/wp-content/uploads/2015/05/Petisyon-ng-Tanggol-Wika-
laban-sa-CMO-20.pdf
Posisyong Papel ng Departamento ng Filipino ng De La Salle University, Manila-Tanggol Wika
. (2018, November 17). Retrieved from Facebook.com:
https://web.facebook.com/TANGGOLWIKA/posts/posisyong-papel-ng-departamento-
ng-filipino-ng-de-la-salle-university-manila-tan/2197404793880743/?_rdc=1&_rdr
Resolusyon upang ituro sa Filipino ang tatlong asignaturang pangkolehiyo sa level ng
edukasyong heneral. (2014, July 9). Retrieved from National Commission for Culture
and the Arts : https://ncca.gov.ph/wp-content/uploads/2015/09/2014-420-Ituro-ang-
Filipino-sa-Edukasyong-Heneral_opt.pdf

28
Rodriguez, R. (2016, September 13). Sa Madaling Salita Kasaysayan. Retrieved from
YouTube.com: https://www.youtube.com/watch?v=KH-UFAt--To
San Juan, M. D. (2014, May 4). Agarang Magsagawa ng mga Hakbang Upang Isama sa Bagong
General Education Curriculum (Gec) Sa Antas Tersiyarya Ang Mandatory Na 9 Yunit Ng
Asignaturang Filipino. Retrieved from Change.org:
https://www.change.org/p/commission-on-higher-education-congress-and-senate-
agarang-magsagawa-ng-mga-hakbang-upang-isama-sa-bagong-general-education-
curriculum-gec-sa-antas-tersiyarya-ang-mandatory-na-9-yunit-ng-asignaturang-filipino
San Juan, M. D. (2014, August 17). Debunking PH language myths. Retrieved from Inquirer.net:
https://opinion.inquirer.net/77526/debunking-ph-language-myths
San Juan, D. M. (2014). Posisyong Papel ng PSLLF-Filipino sa Kolehiyo. Academia.Edu, 1-8.
San Juan, M. D. (2014, August 10). 12 reasons to save the national language. Retrieved from
Rappler.com: https://www.rappler.com/voices/ispeak/65545-san-juan-save-national-
language/
San Juan, D. M. et al. (2018).TALASTASAN. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino.
Valenzuela City:Mutya Publishing House, Inc.

Sulong Wikang Filipino:Edukasyong Pilipino, Para Kanino . (2014, August 25). Retrieved from
YouTube.com: https://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/2016/11/Isang-Sariling-Wikang-
Pambansa.pdf
Tauro, Janet C. Ipinagbubuntis ng wika ng telebisyon ang wikang Filipino.(Malay XVI) (2).
Marso 2002

29
LAYUNIN
Makalipas ang malayang talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nailalarawan ang mga gawing pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas at
larangan.
b. Naipapaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa
kontekstuwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa.
c. Nagagamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa
lipunang Pilipino kagaya ng mga pagtatanghal.
d. Nakapagpapahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at
modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino.
e. Nakagagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at
analisis na akma sa iba’t ibang konteksto.
f. Nakagagawa ng makabuluhan at mabisang materyales sa komunikasyon na akma sa iba’t
ibang konteksto.
g. Nakapaglalaan ng sitwasyon o pangyayari na kung saan ay nagaganap ang
kontekstuwalisadong komunikasyon ng mga Pilipino.

MGA PAKSA
2. Mga Gawaing Pangkomunikasyong Pilipino

a. Kahulugan ng Komunikasyon; b. Dahilan ng Pakikipagkomunikasyon; c. Kahalagahan ng


Komunikasyon; d. Sangkap ng Komunikasyon; e. Sagabal sa Komunikasyon; f. Kategorya ng
Komunikasyon; g. Tipo ng Komunikasyon; h. Mga Salik na Dapat Isaalag-alang; i. Modelo at
Proseso ng Komunikasyon;
j. Ang Kultura at Komunikasyon
1. Kahulugan at Uri ng Kultura; 2. Hambingan ng Low-Context Culture at High-Context Culture;
3. Hambingan ng Indibidwalistiko at Kolektibong Kultura
k. Di-Berbal na Komunikasyon
l. Komunikasyong Pilipino
1. Pahaging; 2. Padaplis; 3. Parinig; 4. Pasaring; 5. Paramdam; 6. Papansin; 7. Paandaran
m. Di Berbal na Komunikasyong Pilipino
1. Pagtatampo; 2. Pagmumukmok; 3. Pagmamaktol; 4. Pagdadabog; 5. Gawaing
Pangkomunikasyon ng mga Filipino.
5.1. Salamyaan; 5.2. Tsismisan; 5.3. Umpukan; 5.4. Talakayan; 5.5. Pagbabahay-bahay; 5.6.
Pulong-Bayan; 5.7. Mga Ekspresyong Lokal

PANIMULA
Madalas kung banggitin ng mga tao maging sa awitin ang ideyang walang sinoman ang
nabubuhay para sa sarili lamang o sa Ingles, ang kasabihan na no man is an island. Sa
katunayan, hindi naman ito maitatanggi. Maaaring hindi mo lamang namamalayan ngunit araw-

30
araw ay nagaganap ang komunikasyong ito. Kahit na hindi tayo lumalabas sa ating mga tahanan
ay nagaganap ang pakikipagtalastasan, kagaya halimbawa, kapag kinukumusta natin ang ating
mga mahal sa buhay gamit ang mga modernong teknolohiya bagaman yaon ay bituwal, sa
tuwing kinakausap natin ang ating mga sarili mula sa iba’t ibang kadahilanan, kapag tinatanong
natin ang ating kapamilya o kasama sa bahay, kapag tayo ay nagtatampo at hindi kumikibo at
marami pang iba.
Tunay na makapangyarihan ang komunikasyon dahil may kakayahan itong baguhin ang
ating nararamdaman, mga paniniwala, kaalaman, ideya at iba pa. Mula rito, mahalagang
magkaroon ng kamalayan ang bawat isa kung paano nga ba isasagawa ang mabisang
komunikasyon. Kaya naman ang ating paksa ay lubhang mahalaga at interesante dahil pag-
aaralan natin nang malaliman ang komunikasyon labas sa payak nitong kahulugan. Sa halip ay
susuriin natin ang paraan ng pakikipagkomunikasyon ng mga Pilipino mula sa konteksto ng
realidad at lipunang Pilipino. Paano nga ba tayo naiibang mga Pilipino sa ibang lahi sa usapin ng
pakikipagkomunikasyon? Malalaman natin iyan sa ating paksa kasama na rito ang hindi
mapigilang pagduwang ng ating mayamang kultura. Kung handa ka nang matuto, hali na at
simulan na natin!

NILALAMAN

KAHULUGAN NG KOMUNIKASYON
Ang komunikasyon ay nagmula sa salitang latin na ‘communis’ na nangangahulugang
‘karaniwan’ o ‘panlahat’. Isa itong prosesong pagpapadala at pagtanggap ng impormasyon na
maaaring berbal o ‘di berbal. Sa madaling salita, ito ay ang paraan ng pakikipag-ugnayan sa
kapuwa para sa lubusang pagkakaunawaan.
Ayon kay Rubin, kailanman ang tao’y hindi makatatagal na mamuhay nang sa ganang
sarili lamang niya (2001:23)
Sa pagpapakahulugan ni Atienza 1990 ito ay tahasang binubuo ng dalawang panig: isang
nagsasalita at isang nakikinig na kapuwa nakikinabang nang walang lamangan.
Kay S.S Stevens, ang komunikasyon ay ang napiling pagtugon ng organismo sa anomang
bagay na nangangailangan ng pagkilos o reaksiyon.
Ayon naman kina Green at Petty sa Developing Language Skills, ito ay isang intensyunal
o konsyus na paggamit ng katotohanan, ideya, damdamin, emosyon mula sa isang indibidwal
tungo sa iba.
Tinukoy naman ng Webster Dictionary (1987) ang komunikasyon bilang pagpapahayag;
paghahatid at pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan; isang pakikipag-ugnayan,
pakikipalagayan o pakikipag-unawaan.

31
Kay Verdeber (1987) ang komunikasyon ay paghahatid ng mahahalagang impormasyon
sa paraang masining upang maging mabisa at mahusay na maipahayag ng tao ang kaniyang
palagay o saloobin sa kaniyang kapuwa.
Kay Rodrigo (2001) ang komunikasyon ay ang paraan ng pagbibigay, paglilipat o
pagsasalin ng impormasyon, ideya, kaalaman, pilosopiya, prinsipyo, opinyon, katalinuhan, balita
at iba pang kaalamang pangkaisipan, pandamdamin at niloloob ng tao sa anumang paraang nais
gamitin.
Sang-ayon kay E. Cruz (1988) na ang masining at mabisang
pakikipagtalastasan/komunikasyon ay proseso ng pagbibigay at pagtanggap, nagpalipat-lipat sa
mga indibidwal ang mga impormasyon, kaisipan, impresyon at damdamin.
Kina Espina at Borja (1999) ang komunikasyon ay pagpapahayag, paghahatid at
pagbibigay o pagtanggap ng mensahe sa isang mabisang paraan.
Sa pakahulugan naman nina Berelson at Steiner (1964) ito ang transmisyon ng mga
impormasyon, ideya, pag-uugali o damdamin at kasanayan sa paggamit ng mga simbolo.
Kay Theodorson (1969), ito ang transmisyon ng mga impormasyon, ideya, pag-uugali o
damdamin mula sa isang tao o pangkat ng mga tao patungo sa kaniyang kapuwa.
Para naman kay Louis Allen (1958), ang komunikasyon ay kabuoang ginagawa ng tao
kung nais niyang lumikha ng pagkakaunawaan sa isip ng iba na kinabibilangan ng patuloy na
pakikipag-usap, pakikinig at pag-unawa.
Sa depinisyon ni Keith Davis (1967), ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapasa
at pag-unawa sa impormasyon mula sa isang tao patungo sa kaniyang kapuwa.
Kina Newman at Summer (1977) ito ay pagpapalitan ng impormasyon, ideya, opinyon, o
maging opinyon ng mga kalahok sa proseso.
Kay Birvenu (1987) isa itong proseso ng pagpapasa ng nararamdaman, ugali, kaalaman,
paniniwala at ideya sa pagitan ng mga nabubuhay na nilalang.
Kay Keyton (2011), ang komunikasyon ay isang pagkakaunawaan sa pagitan ng mga
kalahok sa prosesong ito.
MGA DAHILAN NG PAKIKIPAGKOMUNIKASYON NG TAO (ayon kina Adler et al.,
2010: binanggit kina Bernales et al., 2019)
a. Pangangailangan upang makilala ang sarili. Ang komunikasyon sa ganitong dahilan
ay may malaking tulong upang mahubog ang pagkatao.
b. Pangangailangang makisalamuha o makihalubilo. Liban sa katotohanang ang
komunikasyon ay behikulo upang ganap na makilala ng tao ang sarili, nagsisilbi rin itong
daluyan upang matagpuan nito ang mga bagay na may kaugnayan sa kaniyang buhay sa
hinaharap.
c. Pangangailangang praktikal. Ito ang mga pang-araw-araw na gawain ng tao kung
saan ay may pangangailangan siyang makipag-ugnayan, maaring upang mapadali o mapagaan

32
ang mga bagay. Maaaring hindi magawa o maisakatuparan ang iba’t ibang bagay kung walang
komunikasyon gaya lamang ng simpleng pagtatanong-tanong hinggil sa isang lugar na hindi mo
pa napuntahan at iba pa.
KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON
1. Kahalagahang Panlipunan. Kung ang isang tao ay mahusay sa pakikipag-usap at
pakikisalamuha sa iba, makagagawa siya ng desisyon tungkol sa anomang bagay sa
kabuhayan, relihiyon, edukasyon at politika. Ang tagumpay o kabiguan ng isang tao ay
nakasalalay sa kaniyang pakikipagtalastasan sa kapuwa.

2. Kahalagahang Pangkabuhayan. Sa pamamagitan ng mahusay na pakikipagtalastasan


ng isang tao kahit anoman ang kaniyang propesyon, mahusay niyang naipababatid ang
kaniyang nais ipaalam. Sa negosyo halimbawa, mahalaga ang mahusay sa komunikasyon
upang magkaunawaan ang mamimili at nagtitinda.

3. Kahalagahang pampulitika. Mahalaga ang komunikasyon sa usapin ng politika dahil


ito ang gamit ng tao upang maging mabisa ang paghahatid niya ng impormasyon,
matalakay ang mga bagay na may kinalaman sa bayan. Ito rin ay kailangan sa pagsulat at
pagpapatupad ng batas.
MGA SANGKAP NG KOMUNIKASYON
1. Tagapaghatid/ tagatanggap ng Impormasyon. Sila ang mga kasali sa
komunikasyon. Nakaaapekto ang kanilang lahing pinagmulan, sekswalidad, edad, kultura,
kulturang pinagmulan, pagpapahalaga at ugali sa kanilang kakayahan sa paghahatid at
pagbibigay ng impormasyon. Halimbawa: Ang puro malaking titik sa pagte-text ay may ibang
dating sa iba.
2. Mensahe. Ang nilalaman ay may kinalaman sa emosyon, damdamin, sentimyento,
pag-uugali at iba pa na nais ipaalam sa taong kausap.
3. Tsanel. Tumutukoy sa midyum o instrumentong ginamit sa pagpapaabot ng mensahe.
Maaari itong: Sensori o ang paggamit ng 5 senses o kaya naman ay Institusyonal (soundwaves) o
ang paggamit ng mga kasangkapan tulad ng sulat, telegram, e-mail, fax machine, cp atbpa.
4. Fidbak. Ito ang naging sagot ng tagatanggap. Maaring berbal o ‘di berbal. Makikita
dito kung naunawaan ba ng tagatanggap ang naipadala ng tagapagpadala. Puwedeng mahinto o
maantala ang pagsagot ngunit hindi laging nangangahulugang hindi nito nauunawaan ang
mensahe. Maraming ibig sabihin ang mensahe kagaya na lamang kapag nag-seen na lamang sa
chat ang kausap.
5. Pook/ tagpuan. Ito ay tumutukoy sa sikolohikal, sosyal, kultural, at pisikal na
kalagayan ng pinagganapan ng kilos.
Maaaring pumasok dito ang damdamin, ugali, persepsiyon, at relasyon ng taong bahagi
ng komunikasyon.

33
MGA SAGABAL SA KOMUNIKASYON
Ang mga sagabal na tinutukoy ay yaong mga salik na maaaring kakahadlang sa
komunikasyon. Narito ang mga sumusunod:
1. Semantikang sagabal. Ito ay ang pagkakaiba ng interpretasyon sa mensahe dahil
maaring ang salitang ginamit ay may iba pang kahulugan bunga halimbawa ng pagkakaiba sa
kultura.
2. Pisikal na sagabal. Sa ganitong pangyayari, ang taong nag-uusap ay naapektuhan ng
distraksiyong biswal, suliraning teknikal, o kalagayan ng taong nag-uusap.
3. Pisyolohikal na sagabal. Maaaring may kapansanan ang taong kasangkot sa
komunikasyon na nakahahadlang sa kaniyang kakayahang makapagsalita, making o makakita.
4. Sikolohikal na sagabal. Ito naman ay tumutukoy sa kultura ng tao na nakahahadlang
upang ganap na maunawaan ang mensahe.
KATEGORYA NG KOMUNIKASYON
1. Intrapersonal na Komunikasyon (Pansarili). Komunikasyong pansarili na nagaganap
sa isang indibidwal lamang na mapapansin sa kaniyang pagmumuni-muni, pag-iisip,
meditasyon o pansariling pagdedesisyon.
2. Interpersonal na Komunikasyon (Pangkapwa, dalawa o higit pang tao). Nagaganap
sa dalawa o higit pang tao (Tagapagsalita at Tagapakinig).
3. Komunikasyong Pampubliko. Nagaganap ang komunikasyon sa harap ng maraming
tagapakinig.
4. Komunikasyong Pangmadla. Ito ang paggamit ng uri ng teknolohiya o mga mass media
kagaya ng radio, telebisyon, at pahayagan.
5. Komunikasyong Pang-organisasyon. Nagaganap sa loob ng mga organisasyon o
samahan.
6. Komunikasyong Pangkultura. Ginagamit sa pagtatanghal o pagpapakilala ng kultura ng
pangkat ng tao.
7. Komunikasyong Pangkaunlaran. May kinalaman sa aspekto ng buhay ng tao sa
industriya, ekonomiya o anumang pangkabuhayan.
TIPO NG KOMUNIKASYON
1. Pormal at impormal na komunikasyon. Ang pormalidad at impormalidad ng
komunikasyon ay maaaring mataya batay sa mga inaasahan o ekspektasyon sa magaganap na
proseso at sa kung sino-sino at paano maisasagawa ang prosesong ito.
Sa ganitong uri ng komunikasyon ay kinokonsidera din ang mga sumusunod na salik:
a. Uri ng wikang gagamitin. Kailangang alamin kung pormal. Kapag pormal ito ay
pino, matalino at ayon sa rehistro ang wika ng mga kalahok. Maaari din namang Direkta o di-
maligoy ngunit nasa seryosong tono na pagpapahayag.

34
b. Balangkas ng komunikasyon. Tumutukoy ito sa pagkakasunuod-sunod ng mga
segment ng komunikasyon. Sa komunikasyong pormal – depinido o tiyak ang balangkas habang
sa impormal ay may laya.
2. Berbal at ‘di-berbal na komunikasyon. Nagaganap ang mga ito sa pang-araw-araw
na buhay ng mga Pilipino. Sa paglaon ng talakayan ay iisa-isahin ang mga uri ng berbal at di
berbal.
Ang Berbal ay ginagamitan ng salita halimbawa sa mga rally kung saan ay binibigkas ng
mga tao ang nakasulat sa banner.
Di-berbal naman ay hindi ginagamitan ng salita gaya ng senyas, ng pagtaas ng kamao,
pagkakapit-bisig at iba pa.
PAGHUBOG NG MABISANG KOMUNIKASYON
Si Dell Hymes ay bumuo ng akronim na S.P.E.A.K.I.N.G. upang mapadali ang paghubog
sa mabisang komunikasyon.
Setting Saan nag-uusap?
Participants Sino ang kausap?
Ends Ano ang layunin sa pag-uusap?
Act of Sequence Paano ang takbo ng usapan?
Keys Pormal ba o Impormal ang usapan?
Instrumentalities Ano ang midyum ng usapan?
Norms Ano ang paksa ng usapan?
Genre Ano ang uri ng pagpapahayag?

MODELO AT PROSESO NG KOMUNIKASYON

1. MODELO NI ARISTOTLE
Sa modelong ito, nakasentro ang tagapagsalita
patungo sa tagapakinig. Linyar na katangiang ito ng
komunikasyon, maaaring sa pasulat o pasalita. Upang
maunawaan nang ganap ang mensaheng ibabahagi,
kailangang maihatid ito nang naaayon, may kaalamang
lohikal, emosyunal, etikal at istratehikal na pagtukalas.
Ang layunin ng komunikasyon ay mabago at
maimpluwensiyahan ang damdamin ng tagapakinig.
Pinaunlad ito ni Aristotle sa Roma noong 33-34 AD.

35
2. MODELO NI SCHRAMM

Sa modelong ito, ang komunikasyon ay isang hiwalay na


disiplina kaya hiwalay niya itong pinag-aralan bilang larangang
tutugon sa iba’t ibang katanungan. Binigyang-pansin dito ang
kahalagahan ng proseso ng komunikasyon bilang katangiang
pangkaasalan ng tao.
Ipinakilala dito ang prosesong encoding at decoding.
Isang prosesong two-way communication sa pagitan ng
tagatanggap at tagapagpadala. Ipinakikita dito ang kahalagahan ng
karanasan upang lubos na maunawaan ng naglalahad at tumatanggap
ang senyas at reaksiyong binibigay.

Ito ay ginawa rin ni Schramm, ang pagsasama ng tugon


o feedback na mula sa tagatanggap ng mensahe. Nagkakaroon
ng tuloy-tuloy na daloy ng interaksiyon sa pagitan ng
tagapaghatid at tagatanggap.

3. MODELO NI BERLO (SMCR)


Sa modelong ito ni Berlo, iisang daloy lamang ng
komunikasyon ang nagaganap sapagkat walang nabubuong
feedback o balik-tugon sa panig ng tagatanggap ng mensahe.
Nakabatay ito sa apat na elemento ng pakikipagtalastasan.
SMCR (source---- Message--- Channel---- Receiver)
Nakasalalay sa kasanayang komunikatibo, pag-uugali,
kaalaman, sistemang panlipunan, kulturang pinagmulan ng
tagapagsalita ang pag-eenkowd ng mensahe na dadaloy sa
pamamagitan pandinig, paningin, pandama, pang-amoy, at
panlasa ng tagatanggap.

4. MODELO NI LASWELL 1948

Si Harold Laswell ay isang political scientist na


gumawa ng modelo ng komunikasyon na kakikitaan ng
mga dapat isaalang-alang na sangkap ng komunikasyon
upang masiguro o matiyak ang maaring maidulot nito.
Ipinakikita dito ang “sino ang nagsabi, anong mensahe,
sa anong daluyan, at ano ang magiging epekto nito.”

36
5. MODELO NI DANCE (KOMUNIKASYONG HELICAL)

Ipinakita dito ang pagiging dinamiko at fleksibol ng


komunikasyon. Dito ay malaki ang kaugnayan ng mga nakalipas
patungo sa hinaharap. Ang proseso ng ganitong komunikasyon ay
nagkakaroon ng malaking gampanin ang lahat ng karanasan ng
tagapaghatid at tagatanggap ng mensahe, hindi napuputol o natitigil
dahil ito ay patuloy na umiinog. Walang ekskatong sumula at
katapusan. Nagbabago ang modelo dahil sa komunikatibong
sitwasyon.

ANG KULTURA AT KOMUNIKASYON


Ang kultura ay tumutukoy sa sining, batas, moral, mga kaugalian at iba pang masalimuot
na sangkap bilang bahagi ng kabuoang binubuo ng karunungan, mga paniniwala, sining, batas,
moral mga kaugalian at iba pang mga kakayahan at mga ugaling nakamit ng tao bilang
miyembro ng lipunan.

DALAWANG KATEGORYA NG KULTURA BATAY SA PAGPAPADALA NG


MENSAHE (Ayon kay Edward Hall, 1959)
1. Low-context culture. Sa kategoryang ito, ginagamit nang direkta ang wika upang
ihayag ang ideya, nararamdaman, saloobin at opinyon ng isang indibidwal na kabilang sa
ganitong kultura.
2. High-context-culture. Sa bahaging ito, ang pagpapakahulugan sa mga salita ay hindi
lamang nakabatay sa salitang ginagamit ng isang indibidwal. Bagkus, malaki rin ang papel ng
mga di-berbal na palatandaan (non-verbal clues), pamantayan, kasaysayan ng relasyon/ugnayan,
at ng konteksto ng komunikasyon upang maiwasang masaktan ang damdamin ng kausap at
mapanatili ang relasyon sa kapwa.

URI NG KULTURA AYON SA MGA IBANG SOSYOLOHISTA AT


ANTROPOLOHISTA
1. Indibidwalistikong Kultura. Halimbawa nito ang Amerika, Australia, at Canada na
maituturing na indibidwalistikong mga bansa
2. Kolektibong Kultura. Halimbawa naman sa bahaging ito ay ang Latin Amerika,
Asya, Gran Britanya kung saan ay kolektibismo ang namamayani.
Ayon kay Kendra Cherry (2018) sa isang lipunang indibidwalistiko, itinuturing na
mahusay ang isang indibidwal na malakas, self-reliant, mapaggiit at independent. Taliwas ito sa
isang kulturang kolektibo na namamayani ang pagsasakripisyo, pagiging matulungin at
mapagbigay at pagkakaroon ng isip na mahalagang unahin ang kapuwa kaysa sarili.

37
DI BERBAL NA KOMUNIKASYON
Ang ‘di berbal na komunikasyon ay isang makapangyarihang pamamaraan sa paghahatid
ng mensahe. Maaaring maunawaan ang saloobin at damdamin ng ibang tao kahit hindi sa
pamamagitan ng pakikinig kundi sa kanilang galaw, mukha, kilos at mata.
Mahirap din ang buhay kung wala ang di-berbal na komunikasyon kagaya ng mga
walang kasanayan sa wika (sanggol), mga may problemang neurolohikal (na-stroke). Kahit ang
mga nakapagsasalita ay umaasa pa rin sa di-berbal na ito. Halimbawa ang mga taong naglalakbay
sa ibang bansa na bihira lamang gumamit ng wikang Ingles na kinakailangan pang gumamit ng
di-berbal na komunikasyon upang maihatid ang mensahe.
1. Galaw ng Katawan (Kinesics/Kinesika). Ito ang pag-aaral sa kilos at galaw ng katawan. Ang
bawat bahagi ng katawan ng tao ay may katumbas na kahulugan kagaya ng:
a. Ekspresyon ng Mukha. Sa mukha makikita ang emosyon ng tao. Ayon sa prinsipyo
ng ekspresyon ng mukha, mas maraming impormasyong naibibigay ang mukha kaysa sa ibang
bahagi ng katawan ng tao.
Tatlong Ekspresyon ng Mukha
Identidad. Ang mukha ang isa sa pinakaimportanteng biswal na identidad ng tao. Kapag
idinidikit ang mga larawan sa dingding, hindi larawan ng kamay ang nakalagay kundi ang
mismong mukha. Ganito rin ang sa kaso ng mga ID at pasaporte.
Kaakit-akit. Ang unang tinitingnan ng tao ay ang mukha at dito rin unang naaakit ang
tao. Sabi nga sa kasabihan, beauty is in the eye of the beholder.
Emosyon. Ang mukha ang nagpapahayag ng iba’t ibang ekspresyon, ginagamit ang mga
ekspresyon para ipahayag ang damdamin.
Halimbawa: Nakangiti, Nakanguso, Nakasimangot
b. Galaw ng Mata (Oculesics). Nagpapakita ito ng iba’t ibang mensahe na ipinahahayag
batay sa tagal, direksiyon at kalidad. Ang ‘eye contact’ o pagtitig ay naghahatid ng maraming
mensahe. Ginagamit din ang eye contact para magbigay-hudyat sa kausap o magbigay pahiwatig
sa tao. Halimbawa: sa tuwing talakayan, tinitingnan ng guro ang mga mag-aaral. Nalalaman din
niya kung handang sumagot ang mga ito sa kaniyang tanong.

c. Kumpas/ Galaw ng Kamay. Nagpapahiwatig din ito ng maraming bagay na


maaaring:
Regulative- kumpas ng isang traffic enforcer; Descriptive kung saan, ang pagkumpas ng
kamay ay tumutukoy sa haba, layo, taas at hugis ng isang bagay. Halimbawa: Kapag nagtuturo
ng direksiyon, ang paglalarawan sa haba o taas ng isang bagay at pagtukoy sa hugis ng isang
bagay kung ito ba ay bilog, tatsulok, o parihaba; Emphatic o ang kumpas na nagpapahiwatig ng
damdamin. Halimbawa: Kapag nasiyahan o na-impress ay pumapalakpak, kapag nagagalit ay
sinusuntok ang dingding, at kapag may gustong sabihin sa klase ay nagtataas ng kamay.

38
d. Tindig o Postura. Sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng hinuha kung anong
klaseng tao o sa anong estado ng buhay nabibilaang ang kausap.
e. Proksemika (Proxemics). Makahulugang distansiya o layo ng pag-uusap. Ang
espasyo ng pakikisalamuha ay may kahulugan. Ayon sa tuklas ng Antropologong si Edward
Hall, ang mga tao sa western culture ay gumagamit ng apat na spatial zone o lebel ng personal
na distansiya.
1. Intimate Distance. 0 hanggang 1 ½ na talampakan ang layo. Karaniwang distansiya
ng mga matalik na magkaibigan, miyembro ng pamilya, kasintahan, asawa o malapit na mga
kamag-anak.
2. Personal Distance. Mula 1 ½ hanggang 4 na talampakan. Ito ang sukat ng pakikitungo
sa kostumer, kaswal na kakilala o ibang mga taong hindi gaanong kakilala.
3. Social Distance. Mula 4 hangggang 12 talampakan. Ang interaksiyong mas pormal at
‘di gaanong personal.
4. Public Distance. Ito ay may distansiyang 12 hanggang 25 na talampakan. Karaniwang
nangyayari kung magbibigay ng talumpati sa isang malaking grupo.
f. Oras (Chronemics). Ang pag-aaral kung paano naaapektuhan ang komunikasyon. Ang
oras ay maaaring uriin sa ilang kategorya kagaya ng:
Biological Time. Tumutukoy sa galaw ng tao base sa oras—ang tao ay sumusunod sa
circadian rhythm.
Personal Time. Ang karanasan sa oras ay nakadepende sa interes, kalagayan at iba pang
salik. Kung gusto ang kausap, hindi namamalayan ang oras, pero kapag hindi, napakabagal ng
oras.
Physical Time. Tumutukoy sa fixed cycle ng araw, taon, at panahon.
Cultural Time. Tumutukoy kung paano tingnan ng mga grupo ng tao ang oras. Ang
pagbibigay ng oras o hindi sa iba ay makapagbibigay ng mga mahalagang mensahe tungkol sa
maaari nilang maramdaman. Napakaimportante ng oras sa pag-uugnay ng dalawang mensahe, at
tinatawag na concerning value at ang isa ay concerning power.
a. Message Value. Pagbibigay importansiya sa inilalaang oras ng isang taong malapit.
Halimbawa: Bumiyahe nang higit sampung oras ang iyong kaibigan upang mapuntahan ka
lamang ngunit dahil ikaw ay may trabaho, mas pinili mong tapusin ang inyong pag-uusap. Ibig
sabihin ay hindi mo pinahahalagahan ang iyong kaibigan.
Nariyan din ang pagkahuli sa trabaho o oras ng pagkikita.
b. Message Power. Ang paggamit ng oras ay nagbibigay mensahe ng pagiging
makapangyarihan. Kapag may pupuntahang mataas na tao, ikaw ang mas naghihintay. Hindi
sayang ang oras para sa iyo. Pero kapag siya ang naghintay, marami siyang nasayang na oras.
Halimbawa: Pagkonsulta sa doktor; pagsasaad na mas mahalaga ang oras ng mga
makapangyarihan kaysa ordinaryong tao.

39
g. Pandama. Ito ang pinakaunang nalilinang sa ating senses. Bago makakita, makarinig,
makalasa o makaamoy ang sanggol, ang kaniyang balat ay tumutugon at nakatutugon na sa
stimuli ng kapaligiran. Maaaring mabuhay ang tao nang walang paningin, pandinig, panlasa o
pang-amoy ngunit mahirap ang wala siyang pandama.
Sakop ng pandama ang ginagawa ng mga taong magkakalapit gaya ng pamilya,
magkaibigan, mag-asawa, magkasintahan—ang pagyakap, pagtapik, paghaplos, paghipo,
pagpisil at iba pa.
h. Simbolo (Iconics). Ito ang paggamit ng mga larawan, simbolo o mga sagisag na
nagpapakita ng pakikipagkomunikasyon. Nakikita ang mga ito sa koridor ng paaralan o mga
gusali, sa mga daanan, lansangan o kahit sa mga tahanan.
Halimbawa: Batas trapiko (Bawal Lumiko, Pakanan, Bawal Mag-U-Turn, Bawal Tumawid,
atbp)
i. Bagay (Objectives). Mga bagay at/o biswal na materyal sa kapaligiran na naghahatid o
kumakatawan ng impormasyon. Sinasabing ang mga gamit ng tao ay naglalarawan kung sino at
ano siya, gayundin ang ayos ng bahay, mga painting na nakasabit sa dingding at ang kultura.

PARALINGGUWISTIKA
Ang paralingguwistika ay ang paraan ng pagbigkas ng salita (Bernales et al., 2002). Ang
isang salita ay nagbabago-bago ng kahulugan depende kung paano ito bigkasin. Mahihiwatigan
ang damdamin o kahulugan na nais ipahayag sa pamamagitan ng lakas, hina, taas, taginting ng
tinig at bilis o bagal sa pagsasalita ng ispiker.
Naiiba ang mga ito sa tinukoy ni Floyd (2009) na paralinguistic cues. Tinatawag niya ang
mga ito na cues o pahiwatig dahil ginagamit ang mga ito kasabay ng mga salitang binibigkas.
SIYAM NA PALATANDAAN NG PARALINGGUWISTIKA
1. Tono (Pitch). Ang tono ng boses ay palatandaan kung gaano kataas o kababa ang tono
ng tinig. Kilala ito sa tawag na fundamental frequency, kung aling pitch ng boses ang madalas na
tumatama. Kalimitan, ang boses ng mga babae ay may mas mataas na tinig kaysa sa mga lalaki,
at ang mga may edad o matanda na ay may mas mababang tinig kaysa sa mga bata.
Sa ilang pag-aaral, sinasabing mas madaling mas kahali-halina sa mga babae ang mga
lalaking may mababang tinig kaysa sa mga lalaking may mataas na tinig lalo na kung
panandaliang relasyong romantiko lamang. Kabaligtaran sa naging resulta sa pananaw ng
kalalakihan dahil para sa kanila ay mas kahali-halina ang mga babaeng may mataas na tinig
kaysa sa mga babaeng nagtataglay ng mababang tinig.
Ang nakikitang dahilan sa magkaibang pananaw ng babae at lalaki ay sapagkat ang
mababang tinig ay laging iniuugnay sa pagkakaroon ng mataas na nibel ng panlalaking hormone
na testosterone. Ang mataas na nibel ng testosterone ay nagbibigay sa isang tao ng panlalaking
anyo, na posibleng gawing mas kaaakit-akit at matipuno ang mga lalaki samantalang

40
nagbubunga naman ito sa mga babae ng ‘di gaanong kagandahang anyo sa pagiging isang ganap
na babae.
2. Pagbabago-bago ng Tono (Inflection). Ang inflection ay ang pagkakaiba-iba ng pitch
lalo na sa dulong bahagi ng salita o pangungusap. Ang pagkakaiba-iba ng mga tinig ay
karaniwan nang naglalarawan ng mga kahulugan. Ang kaunting inflection sa boses ay ang
sinasabing monotone.
Sa maraming mga pananaliksik, sinasabing hindi kaakit-akit o kanais-nais sa mga
nakaririnig ang mga monotone. Babae man o lalaki. Ang boses na monotone ay kulang sa pag-
iiba-iba, kaya naman nawawalan ng ganang makinig sa kanila kumpara sa mga maraming
inflection.
3. Lakas (Volume). Ito ang palatandaan kung gaano kalakas o kahina ang ating boses.
Karamihan sa atin ay binabago ang volume ng boses ayon sa kontekstong panlipunan.
Iniaangkop ng tao ang lakas o hina ng tinig ayon sa sitwasyong ating kinalalagyan o
kinasasangkutan.
Halimbawa: Kapag natutuwa, nananabik, hindi gaanong marinig ang sinasabi ng kausap,
malungkot, o nasa silid-aklatan.
Sa mga pag-aaral, sinasabing hindi sa lakas o hina ng boses ang nakatatawag-pansin sa
atin kundi ang mga may katamtamang lakas lamang.
4. Tulin o Bilis (Vocal Rate). Tumutukoy kung gaano kabilis o kabagal ang pagsasalita.
Ang mga nasa hustong gulang ay karaniwang nagsasalita nang humigit- kumulang 150 salita
bawat minuto ngunit may pagkakataong mas tumataas o bumababa pa rito.
May mga taong mas nagiging mabilis ang pagsasalita kaysa sa nakasanayan kapag sila ay
nasasabik o natutuwa. Bumabagal naman kapag sila ay di-tiyak sa sinasabi o kaya ay kapag
nakikipag-usap sa paslit o sa taong may mahinang pandinig.
Ang vocal rate ay hindi direktang nagsasabi ng kaugnayan nito sa kung paano naging
kapansin-pansin para sa atin ang tinig ng isang tao. Natuklasan sa pag-aaral na ang mga taong
mabibilis magsalita ay mas nagiging kapansin-pansin kaysa sa mga mababagal magsalita.
Batay sa vocal rate ng isang indibidwal, mahihinuha o maaaring masukat ang saloobin ng
ating kausap o ispiker, kung gaano siya kadaldal, kasatsat, katabil, katahimik, at kung gaano siya
kasinsero sa sinasabi.
Makikita rin kung gaano siya kaingat sa pagbitiw ng mga salita. Matutukoy rin kung
humahabi lamang siya ng kasinungalingan o nagsasabi ng totoo.
5. Paningit o Pamuno (filler). Ang mga ito ay maituturing na mga tunog at hindi salita
dahil ang mga ito ay walang kahulugan sa ganang sarili. Halimbawa ang ummm, ah, at eh na
kadalasang ginagamit upang punan ang katahimikang nagaganap tuwing may saglit na paghinto
sa pagsasalita habang nakikipag-usap sa iba.

41
Ayon sa mga dalubwika, ang karaniwang pag-uusap ay binubuo ng serye ng palitan ng
salitaan. Sa salitaang ito, kapag ang isa sa kanila ay nahinto o nanahimik, maaaring senyales ito
na binibigyang pagkakataong magsalita ang kausap.
Ngunit kung ang paghintong ito ay upang alalahanin o isipin ang salitang nais gamitin
kasunod ng pahayag o ang katotohanang inilalarawan, maaaring gamitin ang mga filler upang
ipakitang nais pa ring magpatuloy sa pagpapahayag.
Ang partikular na tunog o katagang ginagamit bilang filler words ay nag-iiba-iba ayon sa
wikang gamit. Sa Ingles, ang ummm at er, sa Latin ay “e”, ang mga Tsino ay “zhege zhege
zhege” na sa Ingles ay nangangahulugang “this this this”
Kahit karaniwan na ang ganitong paggamit sa mga katagang pampuno ay hinuhusgahan
pa rin ang mga taong gumagamit nito bilang mahina o ‘di gaanong matalino, ‘di gaanong
magaling o kaya naman ay mahiyain.
6. Bigkas (pronunciation). Ang pagbigkas ay sumasalamin sa kung gaano kawasto ang
pagsasama-sama ng mga ponemang katinig at patinig upang mabigkas o magamit ang salita. Mas
tumatatak ang mga maling nabibigkas na salita sa isip ng tao. Lalo na kung ang nagsalita ay
isang sikat o tinitingalang tao.
Pinagsisikapang mabuti ang isang tao na makuha ang tamang pagbigkas sa mga salita
lalo na kung siya ay nag-aaral ng banyagang wika. Sa wikang Filipino ay hindi rin ito gaanong
mahirap sapagkat malinaw ang tuntuning inilahad ng ortograpiya na kung anong baybay ay
siyang sulat, kung anong sulat siyang basa at bigkas.
7. Artikulasyon (Articulation). Ito ay tumutukoy kung gaano kalinaw ang pagsasalita.
Ang taong bumubulong o nagsasalitang tila kinakain ang mga salita at yaong puno ang bibig
habang nagsasalita ay nagpapakita ng hindi kaaya-ayang pagsasalita. Kung malinaw naman at
madaling maiantindihan, nagiging mabisa ang kanilang mga pahayag. Kilala ang artikulasyon sa
tawag na enunciation.
Mahirap unawain ang salitang binabanggit ng taong hindi maayos ang paraan ng
pagbigkas kaya hindi naipaparating sa mga tagapakinig ang mga impormasyong ibinabahagi.
Kapag ang isang taong nasa hustong gulang na may taglay na kahusayan sa pagsasalita at
biglang nautal o nabulol ito ay maaaring tanda ng pagkapagod, pagkalango, o dumaranas ng mga
problemang neurolohikal tulad ng stroke o speech apraxia.
8. Punto (Accent). Ito ay ang padron ng pagbigkas ng ponemang patinig at katinig na
nagpapakilala ng isang partikular na wika o lokasyong heograpiko. Ang bawat isa ay may kani-
kaniyang punto sa pagsasalita ngunit madalas lamang mapansin ang talagang naiiba sa ating
punto at pandinig.
Ang punto ay tatak ng isang tao kung saang lugar o probinsiya siya nagmula. Maging ang
kanilang unang wika. Halimbawa: Bisaya, Batangueño, Tagalog Quezon, Cuyunon, Agutayon,
Ilocano at iba pa.

42
9. Katahimikan o Pagwawalang Imik (Silence). Nangangahulugan ng kawalan ng
tunog. Sa isang teknikal na pagpapakahulugan, ito ay hindi isang katangiang vocalics. Sa halip,
ang pananahimik ay ginagamit upang ipahiwatig ang nais iparating na kahulugan sa pag-uusap.
Halimbawa, kapag hindi alam ang magiging tugon sa tanong, kapag nasabi na ang lahat
ng nais na sabihin sa paksang pinag-uusapan. Umiiral din ang pananahimik bilang pagtrato sa
kapuwa upang iparating sa kanila ang pagsuway, pagsalungat at panghahamak.
Ginagamit din ito upang ipakita ang pag-ayaw na tumugon sa isang katanungan upang
maiwasan ang pagkakapahiya o makasasakit sa damdamin.
KOMUNIKASYONG PILIPINO
Sa pamamagitan nito ay magiging malinaw kung kailan oo ang oo sa sagot ng Pilipino at
kailan ang hindi sa sagot na hindi.
Mga Salitang May Kaugnayan sa “Pahiwatig” Bilang Pangkagawiang Kultura ng mga Pilipino
1. Pahaging. Isang mensaheng sinasadyang sumala o magmintis, kumbaga parang isang
balang dumaan ng palihis sa tainga at umalingawngaw sa hangin.
2. Padaplis. Isang mensaheng lihis dahil sadyang nilalayon lamang na makanti o
masanggi nang bahagya ang kinauukulan, gaya ng isang palaso na sumagi at nag-iwan lamang
ng kaunting galos.
3. Parinig. Isang malawak na instrumentong berbal para sa pagpapabatid ng niloloob ng
nagsasalita na nakatuon hindi lamang sa kaharap kundi sa sino mang nakikinig sa paligid.
4. Pasaring. Tumutukoy ito sa mga berbal na ‘di tuwirang pahayag ng pula, puna,
paratang at iba pang mensaheng nakasasakit na sadyang iniuukol sa mga nakaririnig na kunwari
ay labas sa usapan.
5. Paramdam. Isang mensaheng pinaabot ng tao o sinasabing gumagalang espiritu, sa
pamamagitan ng manipestasyon na nahihinuha sa pakiramdam.
6. Papansin. Tumutukoy ito sa mga mensaheng humihingi ng atensyon, kadalasang
ginagawa kapag pakiramdam ng nagmemensahe ay kulang siya sa pansin.
7. Paandaran. Isang mekanismo ng pagpapahiwatig na karaniwang nakatuon at umiikot
sa isang paksa o tema na hindi mailahad nang tahasan at paulit-ulit na binabanggit sa sandaling
may pagkakataon.
DI BERBAL NA KOMUNIKASYONG PILIPINO
a. Pagtatampo (tampo). Ito ay damdaming dala ng pagkabigo sa isang bagay na
inaasahan sa isang malapit na tao gaya ng kapatid, magulang, kamag-anak, kasintahan o
kaibigan.
b. Pagmumukmok (mukmok). Ito ay komunikasyong naipaparating sa pamamagitan ng
pagsasawalang-kibo. Ito ay bunga ng pagkasuya, at pagdaramdam. Palatandaan nito ang
pagsasantabi ng sarili sa sulok o paglayo sa karamihan.

43
c. Pagmamaktol (maktol). Akto ng pagpapahayag na ang layunin ay ipakita ang
pagrereklamo, paghihimagsik o pagtutol sa paggawa ng isang bagay na labag sa kalooban. Ito ay
kakikitaan ng pag-ungol, pagbuka-buka ng labi o pagbulong na kadalasang sinasadyang ipakita
sa taong pinatatamaan ng mensahe.
d. Pagdadabog (dabog). Ito ay ‘di-berbal na komunikasyon na likas sa kulturang
Pilipino na ang pinakamalaking elemento ay paglikha ng ingay gaya ng pagpadyak ng paa,
pagbalibag ng pinto, pagbagsak ng mga bagay at iba pang ingay na intensyonal na ginagawa ng
taong nagdadabog.
IBA PANG KOMUNIKASYONG DI BERBAL AYON SA KONTEKSTONG PILIPINO
1. Pagpitik o tuktok sa itaas ng dyip (bababa)
2. Pagpara sa pamamagitan ng paggalaw ng daliri na sinasamahan ng pagtaas sa kamay (kapag
gusto mong sumakay sa pamasadahang sasakyan)
3. Pagpito bilang pantawag o pagkuha sa atensiyon ng isang tao.
4. Pakikipag-apir o ang pagdidikit ng dalawang kamay bilang tanda ng pagsang-ayon.
GAWAING PANGKOMUNIKASYONG PILIPINO
Isang intelektuwalisadong gawain ang komunikasyon kung gagamitin nang tama.
Maaaring makasira o makatulong sa pagpapaunlad ng lipunan. Ang komunikasyon ay tila isang
pisi na nag-uugnay sa bawat tao maaaring berbal o di berbal.
Iba’t ibang paraan ng komunikasyon maaari itong pasalita, paggamit ng simbolo, kilos o
galaw ng kamay, katawan o ulo. Maaari itong gamitin sa palitan ng datos, impormasyon,
opinyon, hinaing, ideya, mungkahi at iba pa.
1. SALAMYAAN
Mayroon natatanging gawaing pangkomunikasyon ang mga Marikenyo na tinatawag
nilang “salamyaan.” Mula noon hanggang ngayon ay kilala ito bilang “kabisera sa paggawa ng
sapatos” ngunit mababakas ang pagtamlay at pagbaba ng industriya ng sapatos. Nawalan ng
pagkakakitaan at trabaho ang mga marikenyo. Mas tinangkilik ang mga gawang iternasyunal
dahil mas mura at para umangat ang kanilang imahen sa lipunan. Isang dahilan din ng pagbagsak
ay ang paghahanap-buhay ng mga Pilipino sa ibang bansa.
Isa sa mga dahilan kung bakit nanamlay din ang paggawa ng sapatos ay mahilig sa mga
pasalubong ang mga Pinoy. Ang balik-bayan box ay naglalaman ng mga imported na pagkain,
gamit at iba pa na “in” kapag galing sa ibang bansa.
Naging nakalulungkot man ang kanilang kapalaran ay hindi sila nagpatinag at tumigil sa
pag-unlad. Hindi lamang kilala sa kasalukuyan ang Marikina sa paggawa ng sapatos (mataas na
kalidad) kundi pati na rin sa maraming kainang makikita rito. Hindi nawawala ang pagkain sa
anomang okasyon. Anomang inumin at pagkain ay kaya nilang lutuin at kayang gayahin ang
lutuin sa ibang pook.

44
Kasabay nito ang kuwentong halos wala nang bukas. Kuwentuhang kasabay ng pagkain
kaya lalong dumarami ang pagkain.
Ang Salamyaan Bilang Talastasang Bayan
Litaw dito ang paglikha ng mga salaysay ng bawat kalahok sa umpukan. May mahabang
papag at walang dingding malapit sa ilog upang maginhawa at bukas para sa lahat. Nag-iimbita
ang pahingahan at preskong hangin nang matagalang pag-uusap o kuwentuhan.
Sa kabila ng pagiging bukas, ang pagkakaroon ng tiyak na tambayan o estraktura ay
naghihiwalay sa pangkat ng mga matatandang pumupunta rito sa kabuoan ng kanilang
kinalalagyang kapaligiran. Ayon kay Javier, ang ganitong pagsasara ay badya ng isang
seryosong pagnanais na makapag-usap-usap at makibahagi sa pagsasalaysay ng mga kuwento.
Walang tiyak na oras ng pagdating ang mga matatanda sa salamyaan, bagaman
karaniwang marami ang pumupunta rito sa umaga at sa hapon. Ayon kay Mang Andi, hindi pa
man sumusikat ang araw ay may nakaupo na sa salamyaan, 4:30 pa lamang ng umaga, ang mga
matatanda ay sabay-sabay mag-jogging. Pumupunta ang mga matanda kapag naroon na ang iba.
Madali lamang malaman kung nandoon na ang lahat dahil magkakalapit lamang ang
kanilang mga bahay. Sa pagtataya ni tatay Joker, umaabot sa 20 matatanda o nasa gitnang gulang
ang mga tumatambay sa takaw-mata. Nakauuwi rin naman kaagad sa kanilang bahay kung
kailangan. Tinutuloy ang naudlot na kuwentuhan sa ibang araw. Ito ang dahilan kung bakit
nagkakaroon ng sariling buhay ang kuwentuhan sapagkat may mga bahagi ito na patuloy na
pinagkukuwentuhan sa ibang pagkakataon.
Walang tiyak na paksa ang kanilang usapan. Pupumunta upang makisinghot sa usapang
umiiral o kaya’y naroon upang makipagkamustahan lamang na magsasagana naman sa iba’t
ibang paksa. Nakikita dito ang pagiging dinamiko ng kuwentuhan ng mga marikenyo.
Nagsisimula sa pakapa-kapa tungo sa pagsasanga-sanga ng paksa hanggang sa dahan-
dahang paglikha ng kuwento mula sa iba’t ibang salaysay ng mga kalahok. Ayon kay Gng. Bea
Santos na ang ama ay 11 taong paralisado, dito pumupunta ang kaniyang ama upang magpalipas
ng oras.
Pantay ang mga kalahok at ang daloy ng usapan sa salamyaan. Walang pagkilala sa
anomang titulo. Ang doktor o abogado ay mananatili sa kaniyang palayaw. Halimbawa ay si
Democlito Angeles na nanatiling Pitoy sa salamyaan, Kong naman sa iba. Ito rin ang nagiging
dahilan ng pagkakaroon ng bansag ng mga lehitimong angkan sa Marikina. Halimbawa ay Batok
(prominenteng batok), Kuba –may kurba ang likod.
Namamana ang kantyaw. Malaya ang sinoman na makipagbahagi ng kanilang nais
sabihin. Ito ang dahilan kung bakit napapasarap ang kuwentuhan. Lalo na sa usaping politika na
umaabot hanggang magdamag. Marami kang makukuhang impormasyon sa pagpunta rito ukol sa
mga nangyayari sa bansa. Sa mga biruan na nagaganap, makikita ang pag-uugnay ng mga
kalooban at pagkakaisang kalooban.

45
Ang mga biro ay mga personal na sinasabayan ng pagmumura. Kapag hindi nakapunta sa
salamyaan ang isang matanda ay nagbibirong baka namatay na ito. Ang kanilang paglalapit ay
makikita rin sa kanilang tsismisan kagaya ng kung sino ang kabit ni ganito o ganyan.
Gayunpaman. nakapaskil ang “What you see here, what you hear here, when you leave here, let
it stay here.” Hindi iyan maiintindihan ng mga taong hindi kabilang nito.
2. TSISMISAN
Pinag-uusapan at sinusuri ang isang tao kapag hindi sila naroroon. Maaari itong gamitin
upang malaman ang tungkol sa mga alituntunin ng pag-uugali sa mga grupong panlipunan at mas
maging malapit sa isa’t isa.
Natututuhan natin ang mga impormasyon kahit hindi na makipag-usap sa bawat
miyembro ng grupo. Gaya ng lahat ng bansa, mahilig magtsismisan ang mga Pilipino. Ngunit
mayroon itong negatibong konotasyon sa Ingles na ‘gossip.’ “Gossiper” ang taong mahilig
makipagkuwentuhan o magkalat ng sikreto ng iba. Ang Tsismosa ay sinungaling at mapag-
imbento. May pagkakataong totoo ngunit ginagawang eksaherado.
Karaniwang nilalayuan o iniiwasan ang mga tsismosa ngunit mayroon ding mahilig
makipag-usap sa kanila. Bagaman natural sa tao ang maintriga sa mga sikreto at baho ng iba
ngunit ang mali sa pagtsitsismis ng mga Pinoy ay ang hango sa inggit na nagmula sa kakitiran ng
kanilang mga isip na kanilang paraan ng pananakit sa kapuwa at mga kaaway. Ginagamit ang
tsismis upang makapanakit at makapanira ng reputasyon ng tao.
Kadalasang pinag-uusapan ay ang tungkol sa seksuwalidad, pagbubuntis nang hindi
kasal, kabit, at estado sa buhay.
TSISMIS VS KATOTOHANAN
Mas pinipili ng tao ang tsismis (alternative fact). Kakaunti lamang ang nagtatanong ng
totoong nangyari sa taong pinag-uusapan. Nagiging dahilan ang social media sa malawakang
pagkalat ng pekeng balita dahil nakabatay lamang sa likes at share.
Kumonekta sa iyong tagapakinig. Ang mabisang tsismis ay kailangang suriin kung paano
ito sinasabi (hindi kung sino o tungkol kanino). Kailangang magbigay ng partikular na
emosyonal na reaksiyon upang kumonekta sa iyong tagapakinig at maiwasan ang mga
negatibong reaksiyon.
Suriin ang halimbawa ng awit na maiuugnay sa tsismis.
Nagpunta sa inyo ang tsimosang kapitbahay
Ako raw ay nakitang mayro’ng kasabay,
Magkahawak ang aming kamay
At sweet na sweet pa raw habang nakaakbay
Kaya nagpunta ako sa inyo mahal ko.
Mura at sampal ang sinalubong mo,
At sana naman pakinggan mo ako,
Dahil inosente sa paratang nyo.
CHORUS
‘Wag mo s’yang pakinggan,

46
Chika lang ‘yun
‘Wag mo s’yang paniwalaan
Chika lang ‘yun
Dahil ikaw ang tunay na labs ko,
Bilanggo mo pati ang puso ko.

Kahit siraan man ‘di ko papansin


Masaktan man nang labis, matitiis pa rin
Para sa’yo lahat gagawin ko
Mapatunayan lang tunay ang pag-ibig ko.

Tsinismis ang tauhan na may kasama siyang iba, na masaya, sweet sa isa’t isa HHWW.
Mas pinaniwalaan ng kasintahan ang tsismis sa halip na magtanong. Ang mga away na ito ay
nagmumula sa mga nakita ng matang walang batayan o tsismis. Ang tsismis ay mga usapang
nadaragdagan at nababawasan.
Madalas itong marining sa mga dyip, kanto, iskinita, harap ng bahay, tindahan, ay
palengke. Nagkakaroon ng pagpapabango sa imahen ng iba at pagpapabaho naman sa iba.
Balitang walang tiyak na pinagmulan “may pakpak ang balita, may tainga ang lupa” Madali
itong kumalat. Nagkakaroon tuloy ng maling pagkakakilala sa mga taong nabanggit.
Gayunpaman, mayroon nang Artikulo 26 ng New Civil Code on Human Relations na ang
lahat ng tao ay dapat irespeto ang privacy at kapanatagan ng pag-iisip o peace of mind.
MGA GAWAING HINDI KRIMEN NGUNIT NAGIGING SANHI NG AWAY AT
PAGHAHABLA SA LEGAL NA PARAAN
1. Pagmamasid o pagtingin sa personal na buhay ng iba (Prying)
2. Pakikialam (Meddling) at Panggugulo (disturbing) ng pribadong buhay lalo na sa
usaping pamilya.
3. Pang-iintriga (intriguing) upang layuan ang isang tao ng kaniyang kaibigan.
4. Pang-iinis (Vexing) o panghahamak/ pang-aalipusta/paninirampuri (humiliating) dahil
sa kaniyang paniniwala, relihiyon, estado sa buhay, lugar ng kapanganakan, pisikal na
kapintasan, atbp.
3. UMPUKAN
Sa gawaing pangkomunikasyon, ito ay ang pag-iipon-ipon ng mga tao upang pag-usapan
ang mga paksa. Ginagamit din ito para ilarawan ang kakapalan o dami ng tao sa isang grupo o
pangkat. May impormal na talakayan.
Mga halimbawa ng umpukan: Aksidenteng naganap, reunion, pagtatanong sa
guwardiyang tuwing hindi maintindihan ang panuto. Kapag hindi maintindihan ang kultura ng
kaklase, pagpaplano ng swimming. Ang layunin nito ay makipag-usap sa bawat isa at makinig sa
mga opinyon o suhestiyon.

47
MGA PANGKAT NG NAG-UUMPUKAN
1. Mga magkaklase na pinag-uusapan ang isang proyekto.
2. Magkakaibigang isang linggong hindi nagkita.
3. Mga batang hindi magkakasusundo sa mga larong gagawin.
4. Mga gurong sinasamantala ang breaktime.
5. Mga diyanitor sa oras ng kanilang pahinga.
6. Mga pulis na pinag-uusapan ang isang holdapang naganap.
7. Pamilyang nagpaplano ng susunod na bakasyon.
8. Mga tsismosong kapitbahay na pinagtsitsismisan ang isa nilang kumare.
9. Mga kabataang nagpaplano ng susunod na swimming.
10. Tagasuporta ng magkalabang koponan.

4. TALAKAYAN
Ito ang gawain ng pagpapalitan ng pananaw. Nagkakaroon ng mga diskusyon sa mga
dapat at hindi dapat gawin sa isang talakayan. Napapanahong isyu ang pinag-uusapan.
Nagkakaroon ng partisipasyon ang bawat kasapi. Maaaring gawin sa silid-aralan, tahanan,
munsipalidad o iba pang lugar. Ang madalas na namumuno ay ang taong may malawak na
kaalaman sa isyu hindi katulad sa umpukan na walang namumuno.
Mga Halimbawa: Talakayang munsipalidad na ginagamit sa pangkalahatang ebalwasyon
ng pag-unlad ng lahat ng mga munsipalidad.
Ilan sa mga layunin sa nasabing talakayan ay ang:
1. mapataas ang kabatiran ng mga kasapi ng lipunan (local stakeholders) tungkol sa lagay
ng pag-unlad sa munsipalidad.
2. Mabigyang lugar na makapag-usap nang harapan at makapagbigay ng suhestiyon ang
mga mamamayan.
3. Makapagbigay-alam sa gamit ng impormasyon mula sa lokal na lebel upang
masuportahan ang pagpaplano at pagtalakay ng mga inaasahang mithiin.
5. PAGBABAHAY-BAHAY
Ito ay may layuning maghatid ng abot-kamay na impormasyon sa pamamagitan ng
pagbabahay-bahay. Mainam itong estratehiya kung ang impormasyong hatid ay nais mabatid ng
tao sa paraang personal na pakikipag-usap.
Halimbawa nito ay ang Oplan Tokhang. Nagbabahay-bahay ang mga pulis at kakausapin
ang mga magulang o kamag-anak ng mga hinihinalaang nagtutulak at gumagamit ng droga. Ang
salitang Tokhang ay mula sa Cebuano na toktokhangyo o katok at pakiusap o magbigay-babala.
Uri ng Pagbabahay-bahay.
1. Pulis (tokhang) upang kausapin at anyayahin sa barangay ang mga hinihinalaang
gumagamit ng droga)
2. Sensus (populasyon)

48
3. Mga nasa relihiyon (nagpapahayag ng mabuting balita at nanghihikayat, nagbibigay-
linaw sa mga nakasulat sa bibiliya)
4. Misyong pangmedikal
5. Produkto (mga nagbebenta)
6. Mga taga-Barangay (mga gawain sa barangay)

Mga Dahilan Kung Bakit Nagbabahay-bahay


1. Naaabot ang mga taong nasa loob lamang ng bahay at hindi palalabas.
2. Nakauusap hindi lamang isa kundi maging ang buong pamilya.
3. Nasasabi nang tuwiran ang mga layunin ng pagbabahay-bahay.
4. Komportable ang kapaligiran para sa maliit na talakayan.
5. Personal na maihahatid sa mamamayan ang impormasyong nais maipabatid.
6. Background investigation kapag may binili.
6. PULONG-BAYAN
Para din itong talakayan, ito ay may karaniwang paksa na napag-uusapan na may
namumunong may kapangyarihan o awtoridad sa nasasakupan. Maaaring punong-kapitan,
kagawad, pulis, mga guro etc. Maaaring pag-usapan ang mga isyu, pag-unlad o negosyo, mga
miyembro, komite at iba pa na pinagkakasunduan ng mga miyembro ng isang komunidad.
Halimbawa: Pagdinig sa kongreso, SONA, at Pagpasa ng batas sa senado.
Mga Dapat Tandaan sa Pulong Bayan
1. Pinamumunuan ng isang may kapangyarihan o awtoridad.
2. Karaniwang ito ay may layuning dapat maabot pagkatapos ng isang pulong.
3. Dinadaluhan ng mga miyembro ng komunidad o tagapagsalita ng bawat nasasakupan at mga
may katungkulan.
4. Malayang magsalita ang bawat kasapi at magbigay ng suhestiyon sa paksang tinalakay.
MGA EKSPRESYONG LOKAL
Maraming wika ang ginagamit sa ating bansa kagaya na lamang ng Ilokano, Waray,
Hiligaynon, Cebuano, Kapampangan, Tagalog, Pangasinense, at Bicolano.
Ang wika ay dinamiko at madaling lumalaganap. Ang mga ekspresyong ito ay
kadalasang nasa unahang bahagi ng pangungusap. Mga ekspresyon kapag nabibigla, nagugulat,
natutuwa at nagagalit. Sa madaling sabi ay mga sambitla
Ayon sa paglalarawang ginawa nina San Juan et al. (2018) ang mga ekspresyong lokal ay
mga salita o pariralang nasasambit ng mga Pilipino dahil sa bugso ng damdamin gaya ng galit,
yamot, gulat, pagkabigla, pagkataranta, takot, dismaya, tuwa o galak. May mga ekspresyon din
ng pagbati, pagpapasalamat o pagpapalam sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas.

49
Ang ekspresyong lokal ay ang likas at ordinaryong wika na naiiba sa anyo at gamit sa
lohika at iba pang uri ng pilosopiya. Ito ay mga parirala o pangungusap na ginagamit ng mga tao
sa pagpapahayag ng damdamin o pakikipag-usap na ang kahulugan ay hindi ang literal na
kahulugan ng bawat salita at hindi maiintindihan ng mga ibang taong hindi bihasa sa lenggwahe.
Ito rin ang nagbibigay ng kaibahan sa ibang wika.
Mga halimbawa:
Susmaryosep! Ano ba ‘yan! Manigas ka!
Ina ko po! Bahala na. Hay naku!
a. Mga paliwanag sa mga ekspresyong lokal batay sa kontekstong Pilipino (San Juan et al.,
2019)
1. “Susmaryosep!” ang pinaikling Hesus, Maria at Hosep. Ang ekspresyong ito ay
malimit na marinig sa mga nakatatanda (lola, nanay, tiyahin) na kanilang nasasambit kapag sila
ay nagulat o nag-aalala. Sa kasaysayan, may kaugnayan ito sa Katolisismong dala ng mga
Kastila sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng ekspresyong ito, malalaman na ang mga Pilipino ay
humihingi ng tulong sa Diyos (Hesus) gayundin sa Kaniyang mga magulang (Maria at Hosep).
2. “Bahala na, mula sa Bathala na. Nagpapahiwatig ng katapangan sa panig ng
nagsasalita. Sa mga dayuhan, itinuturing nila itong negatibo dahil diumano sa walang aksiyong
ginagawa ang Pilipino sa kaniyang mga problema. Ngunit sa pananaw ng mga Pilipino, kung
susuriin, ito ay pananalig sa Panginoon, Pagpapasa-Diyos sa mga bagay na ginawa na ang
makakaya ngunit walang katiyakan sa susunod na mangyayari. Nangangahulugan din ito ng
pagtanggap sa limitasyon ng tao sa bawat bagay at binubuksan ang ideyang sa buhay, ang Diyos
lamang ang tunay nakaaalam.
b. Ilang ekspresyong lokal mula sa ibang wika sa Pilipinas (San Juan et al., 2018)
1. Timog Katagalugan
“Ewan ko!” Ginagamit kung walang masabing tiyak na sagot o umiiwas magsabi
ng salitang maaaring makapanakit.
“Tanga!” depende sa pagkakasabi na maaaring pag-uyam o pagbibiro.
2. Kabikulan
“Diyos mabalos!” o Diyos na ang bahalang magbabalik sa iyong kabutihang
loob)
“Inda ko saimo!” nagpapahayag ng pagkadismaya
“Alla!” o pagkagulat, pagkamangha
3. Bisaya
“Ay ambot!” ewan ko sa ‘yo.
“Samok ka!” kapag naguguluhan sa isang tao

50
“Ay tsada!” o ang pagkalugod sa isang bagay
4. Batanes (pagbati ng mga Ivatan)
“Capian ka pa nu Dios!” pagpalain ka ng Diyos
“Dios mamajes!” Diyos na ang magbabalik sa ‘yo
“Dios maapu!” katumbas ng D’yos ko!
Ang mga ganitong ekspresyong lokal ng mga Pilipino ay hindi nawawala. Katunayan,
nagkakaroon din ng ebolusyon o pag-unlad ang mga ito bunga ng pagiging dinamiko at
malikhain ng wika. Ang mga ekpresyong Diyos ko day at Juice ko Lord na mula sa D’yos ko
po! ay ilan sa mga patunay nito.
ILAN PANG EKSPRESYONG LOKAL
EKSPRESYON WIKA KAHULUGAN
Kanami sa imo ah! Ilonggo Ang galing mo ah! (negatibong
pagpapakahulugan)
Bakulon taka karon Ilonggo Paluin kita diyan
Ari mo gid ah Ilonggo Akala mo diyan ah
Sinalvage Ingles Pinatay
Gatib Ingles Pinaikling Negative
G Ingles Pinaikling Go!
Luh Tagalog Pinaikling Hala!
Adu la amin ibagbagam Ilokano Ewan ko sa’yo Masyado kang
maraming sinasabi”
Papanam Ilokano Saan ka pupunta?
Taput Ilokano Bobo o walang alam
Karat na ning Alti Kapampangan Tamaan ka sana ng kidlat
Kurat Kapampangan Hindi ko alam
Indako Kapampangan Nanay
Tikain ka Waray Saan ka pupunta?
Nakaon kaba hin kitikot Waray Kumakain ka ba ng maanghang?
Abyerto Cebuano Bukas, buksan
Tabangi ko Cebuano Tulungan mo ako
Sultihi ko Cebuano Ipakita mo sa akin
Dios Mabalos Bikolano Salamat
Masain ka Bikolano Saan ka pupunta
Gurano ini? Bikolano Magkano dito?
Waray ako kwarta Waray Wala akong pera
Yown Tagalog Pinaikling ayon. Pagsang-ayon o
paglalabas ng matinding damdamin
Edewup Tagalog Binaligtad na salitang Puwede

Sa kasalukuyan, karaniwan na ring maririnig sa mga kabataan lalo na sa mga milenyal


ang mga ekpresyong gaya ng mga sumusunod: Charot, echos, charing, E di wow!, Ikaw na!,

51
kung saan bawat isa ay may sariling kahulugan, paraan ng pagbigkas, gamit at konteksto sa
lipunan kung saan sila umiiral (San Juan, et al., 2019).

MGA NAIAMBAG NG EKSPRESYONG LOKAL SA PAG-UNLAD NG MGA PILIPINO


SA LARANGAN NG PAKIKIPAGKOMUNIKASYON
1. Naging dinamiko ang wikang Filipino. Ang pagbabago ng wika ay isa sa mga
katangian ng wikang buhay. Sa patuloy na pagdagdag ng mga salita o pagbibigay ng bagong
kahulugan nito, ay lalong lumalago ang wikang Filipino.
2) Pagyaman ng bokabularyo Filipino. Ang mga nabubuong ekspresyon ay
nakatutulong sa malawak na pagpipilian ng mga tao sa salitang nais nilang magamit sa
pakikipagpahayagan.
3) Nagaganap ang modernisasyon ng wikang Filipino. Sa kasalukuyan, patuloy ang
pag-unlad ng wikang Filipino dahil may mga bagong sibol na mga ekspresyon na nagmumula sa
mga milenyal o kabataang Pilipino.

SINTESIS
.. Mula sa mga paksang tinalakay, naging malinaw na mahalagang sipatin at bigyan ng
malalimang pagsusuri ang usapin ng pakikipag-ugnayan mula sa lente ng kontekstuwalisadong
komunikasyon o yaong komunikasyon na partikular sa mga Pilipino. Bagaman ang karamihan
sa mga termino kagaya ng mga modelo ay mula sa mga banyaga, nagiging malalim ang pag-
unawa sa mga ito sa pagkakataong ipinaloob sa iba’t ibang sitwasyon na kinaaniban ng mga
gawain nating mga Pilipino sa pang-araw-araw—mula sa pagsakay ng dyip papuntang
palengke, mall, kainan, at marami pang iba.
Kung gayon, kailangang bigyang-pagpapahalaga ng bawat isa na ang susi sa isang
maunlad na lipunan na kinabubuhuluhan ng pagmamahalan, pagmamalasakitan at pagkakaisa
ay ang mabisang komunikasyon na may pagtanaw sa kultura at kagawiang Pilipino. Sa
ganitong mga pangyayari ay maiiwasan ang mga posibleng iringan o hindi pagkakaunawaan
kagaya na lamang sa pagsasagawa ng mga gawaing pangkomunikasyon nating mga Pilipino.
Sa tulong din ng araling ito ay naunawaan natin kung bakit mahalaga para sa isang Pilipino
na laging may kasama at karamay mula sa paghahambing ng low at high context culture.
Ganoon din sa kahulugan ng bawat kilos ng ating kapuwa na hindi lahat sa atin ay may
kakayahang ilahad ang kanilang damdamin at naiisip sa paraang pasalita. Sa huli, ang
kamalayan sa usaping komunikasyon ay isang mahalagang kasanayang dapat matutuhan ng
lahat.

52
GAWAIN
Dahil natapos na ang ating talakayan, panahon na upang ihanda ang sarili na gawin ang
mga iniatang na gawain sa ibaba. Ang mga gawaing ito ay may layuning malaman kung paano
mo mailalapat ang iyong mga natutuhan sa mas mataas na antas ng paglalahad. Kung handa ka
na, maaari nang isagawa ang mga sumusunod:
a. Pagbuo ng malikhaing chart/presentasyon
Ang gawaing ito ay gagawin nang pangkatan. Ibig sabihin, ang mga kayong mga
naitalagang magkakapangkat ay kinakailangang magtulungan upang makabuo ng malikhaing
chart na ilalahad sa harapan kung kaya’t ang gawaing ito ay maituturing ding presentasyon.
Narito ang panuto:
1. Ang bawat pangkat ay binubuo ng limang miyembro. Ang pangalan ng mga kasama
mo sa isang grupo ay ipadadala ng guro sa group chat. Ang pagsasama ninyo ay nagmula sa
pinaikot na roleta upang maging patas ang pagpapangkat.
2. Matapos maibigay ang pangalan ninyong mga magkakapangkat, kayo ay
magbabagyuhang-isip. Sa inyong kolaboratibong pagsasama, kayo ay bubuo ng chart kung saan
ito ay malinaw na kumakatawan sa mga nagaganap na komunikasyon sa Pilipinas.
3. Matapos ninyo itong maisagawa, ilalahad ninyo ito sa klase sa pamamagitan ng
presentasyon, maaring gumamit ng slide presentation (katulad ng PPT, Canva at iba pa) o maaari
ding ipamalas ang inyong pagkamalikhain sa pamamagitan ng mga guhit. Ang pagkamalikhaing
ito ay hindi lamang sa mismong nilalaman o sa ginawang PPT o slide presentations kundi sa
kabuoan ng presentasyon mula sa simula hanggang wakas.
4. Bibigyang marka ang gawain batay sa nilalaman, pagkamalikhain ng presentasyon,
kooperasyon, tiwala sa sarili, interaksiyon sa mga tagapakinig/manonood, at pagsunod sa oras.
5. Para sa detalyadong rubriks, matatagpuan ito sa apendiks ng naturang modyul kasama
ang mga puntos sa bawat lapiang pamantayan.
b. Pagbuo ng Sintesis
Sa bahaging ito naman, gagawa ka ng sintesis hinggil sa iyong natutuhan. Kapag sinabing
sintesis, hindi lamang ibubuod ang iyong natutuhan o natalakay kundi maglalaan ka ng mga
makabuluhang realisasyon o napagtanto kasama na rin ang mga mungkahi na may kinalaman sa
paksang tinatalakay.
1. Ang gawaing ito ay isusulat mo sa dilaw na papel. Mas makabubuting ito ay sulat-
kamay upang masanay ka sa pagsulat. Ipapasa ito sa itinakdang araw. Walang limitasyon sa
bilang ng salita o pahina. Malaya kang ilahad ang lahat ng iyong mga ideya. Bibigyang-pansin
ang nilalaman kagaya ng linaw ng mga inilalatag na ideya, kaayusan ng mga pahayag at daloy,
katatagan ng mga kaisipan ganoon din ang balarila.

53
c. Radio-Dramarama
Dahil ang ating paksa ay may kinalaman sa komunikasyon at nakatitiyak akong malay ka
sa kung paano ang buhay ng mga Pilipino sa pang-araw-araw.
1. Kaya naman, kayo ay ipapangkat muli, kung saan ang bawat pangkat ay binibuo ng
sampung miyembro. Katulad ng mga naunang pagpapangkat, gagamit ang guro ng roleta upang
maging patas ang paggugrupo. Sisikaping magiging balanse ang bawat pangkat pagdating sa
bilang.
2. Sa oras na maibigay ang pangalan ng bawat miyembro, kayo ay bibigyan ng
pagkakataon na magkaroon ng pulong upang bumuo ng isang kuwento na kakikitaan ng mga
piling paksang ating pinag-aralan sa pakikipagkomunikasyon.
3. Ngunit hindi ito isang dramang itatanghal sa entablado o sa harap ng mga kamag-aral
bagkus, isang dramang panradyo. Ibig sabihin, boses lamang at sound-effects ang pakikinggan
ng mga tagapakinig kaya’t mahalaga na maging epektibo ang inyong gagamiting mga
kasangkapan upang ganap na mapalutang ang emosyon at makuha ang interest at damdamin ng
mga manonood.
4. Ang radio drama na bubuoin ay hindi dapat lalampas ng labing limang (15) minuto at
hindi rin naman kukulangin ng siyam na minuto. Iparirinig ito sa klase sa itinakdang araw. Kung
hindi man ito face-to-face ay iparirinig sa google meet o zoom.
5. Mamarkahan naman ito batay rin sa binuong rubriks na nakatuon sa nilalaman ng
mensahe at kuwento, pagkamalikhain, daloy ng mga pangyayari, ang mga kasangkapang tunog
at musikal na ginamit, linaw ng tinig, bisa nito sa mga tagapakinig at iba pa.
d. Pagsusuri sa wikang ginagamit sa mga gawaing pangkomunikasyon batay sa:
a. antas ng salita
b. kategorya ng wika
1. Ang gawaing ito ay makatutulong upang ikaw ay maging kritikal sa iyong paligid. Sa
iyong paglabas o maging sa loob ng inyong tahanan, suriin kung paano ang
pakikipagkomunikasyon ng mga tao sa isa’t isa.
2. Bigyan ng leybel ang mga komunikasyong ito, halimbawa kung ito ay sa hapagkainan,
sa loob ng jeep, sa loob o labas ng restawran o fast food chain at iba pa.
3. Matapos ito ay suriin ang antas ng wikang kanilang ginagamit sa pakikipag-ugnayan.
Halimbawa kung ito ay pormal, saang antas ito nabibilang? sa pampanitikan ba? o pambansa?
Kung ito naman ay impormal, balbal ba ang mga ito? kolokyal? bekimon? o iba pa.
4. Itala ang mga salita at tukuyin kung paano ito ginamit ng mga kasangkot sa naturang
komunikasyon.
5. Ipasa ang ulat nang nakaimprenta sa short bond paper, 12 Times New Roman, 1.5
spacing, 1.0 ang lahat ng margin o palugit. Ibahagi sa bandang dulo ng papel ang iyong
napagtanto. Ipapasa ang gawaing ito sa itinakdang araw ng guro.

54
e. Pagsasagawa ng pulong-bayan sa klase
Dahil hindi lahat ng mga mag-aaral ay nagkakaroon ng pagkakataon upang lumahok sa
mga pulong-bayan kaya’t ang iba ay walang karanasan hinggil dito hanggang sa kanilang
pagtanda. Kaya naman, sa pamamagitan ng gawaing ito ay magkakaroon ka ng karanasang mag-
organisa ng pulong-bayan at maging kasangkot dito.
1. Ang gawaing ito ay iaatang sa buong klase. Ibig sabihin maituturing na isang pangkat
ang kabuoan ng klase dahil may mga tatayong tagapangasiwa, tagapagsalita, moderator, MC at
mga manonood.
2. Upang ito ay maisakatuparan, ang mga mag-aaral ay iisip ng tiyak na (mga) paksa na
mainam na pag-usapan sa isang pulong-bayan.
3. Kinakailangang ang lahat ng mga mag-aaral ay may gagampanang papel sa naturang
gawain at ipinagbabawal ang pagliban sa mismong araw ng presentasyon, birtuwal man o
harapan.
4. Kailangang maging maalam sa paksa ang mga magtatalakay. Isang oras lamang ang
ilalaan para sa programa. Kaya’t kailangang maikma nila ito sa limitadong oras (isang oras). Sila
ang magdedesisyon kung dalawa o tatlo ang kanilang magiging tagapagsalita.
5. Kinakailangan ding hindi labis ang tagal ng presentasyon o pagpapaliwanag.
Kailangang malaman ang bawat talakay gayundin ang magaganap na tanong-sagot sa pagitan ng
tagapagsalita at mga tagapakinig o kalahok.
6. Mamarkahan ito batay sa daloy ng programa, nilalaman ng diskurso, tiwala sa sarili,
pagsunod sa oras at pagkamalikhain.
f. Pagsasagawa ng pagsusuring pandiskurso sa mga iba’t ibang gawaing
pangkomunikasyon
Sa pamamagitan ng gawaing ito ay inaasahang mas magiging mapanuri kang mag-aaral
hinggil sa pang-araw-araw na nagaganap na komunikasyon sa mga Pilipino. Kaya naman, narito
ang mga panuto upang ito ay iyong maisagawa:
1. Ang aktibidad na ito ay gawaing pang-indibidwal. Ibig sabihin, walang magiging
miyembro nang sa gayon ay mas maging matibay ang ginawang pagsusuri bilang tunay na
nagmula sa iyo. Sa pamamagitan ng indibidwal na gawain ay inaasahang mas magiging matatag
ka at mahusay sa pangangasiwa ng oras.
2. Upang ito ay maisagawa, magmasid sa iyong paligid. Suriin kung paanong nakikipag-
ugnayan ang mga tao, kagaya halimbawa, sa inyong tahanan, paano makipag-usap ang iyong
kapatid sa iyo kapag may kailangan, o kaya naman ang kaibigan mong nangungumusta sa chat
dahil may nais hiraming gamit, paano ba makipag-usap ang iyong ina sa iyong ama kapag may
tampo o wala ito sa mood o kaya naman sa tuwing wala siyang salapi? o ang magkasintahan sa
jeep na hindi naging maganda ang pag-uusap nang mga araw na iyon? Iilan lamang ang mga ito
sa maaaring suriin.

55
3. Ang gawaing ito ay isang pagsusuri na hindi lamang nagaganap sa mga kilos o pasalita
kundi maging sa mga komunikasyong pasulat o elektroniko sa kadahilangang nakatuon ang
aktibidad sa mga gawaing pangkomunikasyon. Suriin ang paraan ng pakikipagkomunikasyon ng
tao sa isa’t isa upang ipahatid ang kanilang nararamdaman o naiisip. Itala ang lahat ng iyong mga
nasuri at bumuo ng analisis hinggil dito.
4. Isusulat ang pagsusuri sa yellow bond paper. Walang restriksiyon hinggil sa pormat na
gagamitin sa paglalahad. Mamarkahan ang gawaing ito batay sa kabuluhan at pagiging lohikal ng
ginawang pagsusuri.

SANGGUNIAN

MGA LARAWAN O ICON

Book Symbol, Web Design, Line, Logo, Square, Diagram, Rectangle png . (n.d.). Retrieved from
Klipartz.com: https://www.klipartz.com/en/sticker-png-bwekm
Eucalp. (n.d.). Analyze Synthesis. Retrieved from thenounproject.com:
https://thenounproject.com/icon/analyze-synthesis-3159210/
Objective Icon. (n.d.). Retrieved from Freepik.com:
https://www.freepik.com/icon/objectives_4375256
Sobahus, S. (2020, June 19). writing symbols open book line icons and pencils. design template
vector. Retrieved from alamy.com: https://www.alamy.com/writing-symbols-open-book-
line-icons-and-pencils-design-template-vector-image363564086.html

MGA ARALIN
Aguilar, J. L., et al. (2017). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Jenher Publishing
House.
Bernales, R. A. Pascual, M.E.A, & Ravina, E.A. (2016). Komunikasyon sa makabagong
panahon: Filipino alinsunod sa K-12 kurikulum ng batayang edukasyon. Malabon:
Muya Publishing House, Inc.
Cemena, Joseph E. 2019. Mga Gawing Komunikasyon ng mga Pilipino Lecture Series.
Cruz, W.C, et al. (2020). Lektyur sa Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Don
Honorio Ventura State University
De Guzman, Jayson P. 2011. Salamyaan Lecture Series. Departamento ng Filipino at Panitikan
ng Pilipinas, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.

56
Dela Cruz, Rodolfo S. 2020. Taga Marikina ka. River City Gazette, Vol. 11, No.1, Marikina
City.
Florendo, Imao C. 2002. Salamyaan sa Ilog. Walang Tagapaglathala. Marikina City.
Gauuan, R. C. et al. (2021). Introduksiyon sa Pag-aaral ng Wika (Pandalubhasaan).
Mindshapers CO., Inc.
Maggay, Melba P. 2002. Pahiwatig, Gawing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino. Lungsod
Quezon: Ateneo de Manila University Press.
San Juan, D. M.,et al. (2019). Sangandaan: Filipino sa iba’t ibang disiplina. Malabon: Mutya
Publishing House Inc.
San Juan, D. M. et al. (2018).TALASTASAN. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino.
Valenzuela City:Mutya Publishing House, Inc.

57
LAYUNIN
Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Naipapaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika ng saliksik sa
buong bansa.
b. Natutukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-pakinabang na sanggunian
sa pananaliksik.
c. Nagagamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa
lipunang Pilipino na may kinalaman sa pananaliksik.
d. Nakagagagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at
analisis na akma sa iba’t ibang konteksto.

MGA PAKSA
3. Pagpoproseso ng Impormasyon at Pananaliksik
a. Pananaliksik at Komunikasyon; b. Pagpili ng Hanguang Impormasyon; c. Iba’t ibang uri ng
Hanguan ng Impormasyon; d. Pagbasa at Teorya ng Pagbasa; e. Uri ng Pagbasa; f. Estratehiya
sa Mapanuring Pagbasa; g. Pananaliksik at Kahalagahan nito; h. Tatlong Yugto ng Pananaliksik;
i. Pagbubuod at ang mga Hakbang sa Pagsasagawa nito; j. Pagsulat at Mga Uri nito; k. Hakbang
sa Pagsulat; l. Pagbuo ng Pagsusuri Batay sa Impormasyon; m. Pagbasa ng Grap at Talahanayan

PANIMULA
Isa sa mga kahilingan ng kasalukuyang panahon sa bawat mag-aaral ay ang pagkakaroon
ng kritikal na pag-iisip, kaya’t hindi nakapagtataka kung bakit laging kasama ang pananaliksik sa
mga pangunahing kahingian sa mga mag-aaral bago makapasa sa isang kurso. Kaya naman, sa
araling ito ay bibigyang-diin ng talakayan ang wastong paggamit sa mga sanggunian at ang
halaga ng pagkakaroon ng kamalayan kung paano masuri ang mga datos na nakakalap maging
ang pagbasa ng mga grap o talahayan. Upang ito ay maisagawa, mahalaga ang papel na
ginagampanan ng pagbasa. Samakatuwid, bibigyang-diin sa bahaging ito ang pagbasa, mga uri
nito, mga mabisang estratehiya at ang mga yugto ng pagbasa na hahantong sa pagbibigay-
interpretasyon sa mga datos. Ngayon ay ihanda na ang iyong sarili upang maglakbay sa
panibagong mundo ng karunungan. Handa ka na ba? Kung handa na, halina’t matuto.

NILALAMAN
ANG PANALIKSIK AT KOMUNIKASYON
Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na
humahantong sa kaalaman. Hindi lamang ito dapat itinutumbas sa tesis, disertasyon, papel

58
pantermino o artikulo sa journal sa halip ay isang batayang gawain hindi lamang sa loob ng
akademya at laboratoryo, kundi pati sa labas nito, maging sa pang-araw-araw na pamumuhay
(Salazar, 2016).
Ang pananaliksik ay nagmimithi ng pagtatamo ng karunungan batay sa masusing
pagsusuri ng ebidensya at tungo sa higit na matatag na direksyon sa pananaw at pamumuhay ng
tao (Almario, 2016).
Parehong kaisipan din ang ipinahayag ni Sauco (1998) na ang pananaliksik ay isang
pamamaraang sistematiko, pormal at masaklaw na pagsasagawa ng pagsusuring lohikal at wasto
sa pamamagitan ng matiyaga at hindi apurahang pagkuha ng mga datos sa mga pangunahing
maaaring pagkunan. Isinasaayos ang mga ito at pagkatapos ay isinusulat at iniuulat.
Ayon naman kay Sanchez (1998), ito ay puspusang pagtuklas at paghahanap ng mga
hindi pa nalalaman. Ipinahayag naman ni Sevilla (1998), na ang pananaliksik ay paraan ng
paghahanap ng teorya. Sa ganang sabi, ang pananaliksik ay isang sistematiko at siyentipikong
proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag-aayos, pag-oorganisa, at pagpapakahulugan ng mga
datos tungo sa paglutas ng suliranin, pagpapatotoo ng prediksyon, at pagpapatunay sa
imbensyong nagawa ng tao.
Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman
na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay ng mga panukala
o teorya, mga pamamaraan o sistema, at sa pagsubok sa mas mainam na pagpapaliwanag ng mga
namamasid. Ang isang pananaliksik ay may iba’t-ibang katangain, ito ay ang pagiging:
sistematiko; empirikal; mapanuri; obhetibo; lohikal at walang pagkiling; akyureyt na
imbestigasyon; matiyaga at hindi minamadali; nangangailan ng tapang; at maingat na pagtataya
at pag-uulat.
Ito ay nagagamit sa pakikipagkomunikasyon na isang hakbang upang ang bawat tao ay
magkaintindihan at mapalawak pa ang kaalaman. Nakatutulong din ito upang matukoy at
malaman ang pamamaraan ng pagbasa at pananaliksik sa komunikasyon.
PAGPILI NG BATIS O HANGUANG IMPORMASYON
Sa kasalukuyang panahon, lubhang mabilis na ang makapangalap ng impormasyon kung
ihahambing sa nakaraan na pawang maraming hamon sa pagkuha ng mga batis na magagamit sa
pananaliksik.
Ayon kina Aguilar et al. (2017) ginagamit ang salitang ‘batis’ sa pagpapakahulugan sa
hanguan dahil katulad ng batis, ang mga ito’y dumadaloy sa iisang lagusan patungo sa iba’t
ibang anyo ng tubig.
1. Primaryang Batis. Ang pangunahing pinagmumulan ay may direktang kaugnayan
dito. Ito rin ay naglalaman ng mga imporamasyon na galing mismo sa bagay o taong pinag-
usapan sa kasaysayan.
Nagpoprodyus sa panahon kung kailan nagaganap ang pangyayari o saglit lamang
pagkatapos nito. Halimbawa: diyaryo, mga letrato, mga liham, mapa, likhang sining (ginagawa

59
sa panahon ng pagkaganap ng pangyayari). Sa ibaba ay ang iba pang mga halimbawa ng
primaryang batis.
• Mga indibial o awtoridad
• Mga grupo, organisasyon, pamilya, asosasyon, unyon, fraternity, katutubo o mga minoya,
samahan, simbahan at gobyerno.
• Mga kaugalian tulad ng relihiyon atbp.
• Mga pambulikong kasulatan o dokumento tulad ng konstitusyon, batas-kautusan treaty o
kontrata at lahat ng orihinal na alaala, katitikan sa korte, sulat, journal at talaarawan o
diyaryo.
2. Sekondaryang Batis. Nagpoprodyus sa matagal na panahon pagkatapos ng
pangyayari. Karaniwang gumagamit ng pangunahing batis bilang sanggunian. Ang ganitong uri
ng mapagkukunan ay isinulat para sa isang malawak na madla at isinasama ang mga kahulugan
ng disiplina, tiyak na mga tuntunin, kasaysayan na may kaugnayan sa paksa, makabuluhang mga
teorya at prinsipyo, at mga buod ng mga pangunahing pag-aaral o mga kaganapan na may
kaugnayan sa paksa. Halimbawa: diyaryo, mga libro, diyornal, at pananaliksik. Sa ibaba ang iba
pang mga halimbawa:
• Mga aklat tulad ng diksyunaryo, ensayklopidya, taunang ulat o yearbook, almanac at
atlas.
• Mga nailathalang artikulo sa journal, magazine, pahayagahan at newsletter
• Mga tikhay o tisis, disertasyon at fisibiliti, nailathala man ang mga ito o hindi
• Mga monograf, manwal, polyeto, manuskrito at itbp.
3. Hanguang Elektroniko o Internet. Maituturing ang internet ngayon bilang isa sa
pinakamalawak at pinakamabilis na hanguan ng mga inpormasyon o datos. Sa isang pindot
lamang ng daliri ay may mayamang inpormasyon ka nang makukuha. Ang teknolohiyang ito ay
bunga ng kumbinasyon ng serbisyong postal, telepono, at silad-aklatan. Sa internet ay maaari ka
ring magpadala ng liham-elektroniko o email sa alin mang panig ng mundo.
Samakatwid, mas mainam ito kumpara sa pagpapadala ng impormasyon sa pamamagitan
ng koreo na aabutin ng ilang araw at sa pagpunta sa mga silid-aklatan ng malalayong lugar o
kaya’y pangangalap ng mga datos gamit ang telepono. Kung ang internet ay maaaring pagkunan
ng impormasyon o datos, nangangahulugan lamang na malaking tulong ito sa pananaliksik.
• Maituturing ang internet bilang isa sa pinakamalawak at pinakamabilis na hanguan ng
mga datos
• Ang teknolohia ay bunga ng kombinasyon ng serbisyong postal, telepono, at silid-aklatan
• Mas mabilis ito kumpara noon na nagtatagal.
• Ang internet ay maaaring pakuhanan ng impormasyon ngunit; gaano kaya kahalaga ang
impormasong nanggagaling sa internet? Ano-ano ang sukatan ng kahalagahan nito?

Kailang unawain ang nasa ibaba upang malaman ang mga mainam na paraan sa pagkuha
ng mga makabuluhang impormasyon.

60
IBA’T IBANG PARAAN SA PAGHANGO NG BATIS NG IMPORMASYON
1. Pagtatala. Ito ang pag-iisa-isa ng mahahalagang impormasyong kinalap o kinuha sa
iba’t ibang sanggunian katulad ng aklat, diyaryo, magasin at iba pa. Maaari din na ang
impormasyon ay kinalap sa pamamagitan ng panayam o pagtatanong sa mga taong may sapat na
kaalaman sa paksa.
2.Paggamit ng internet. Ang internet ay isang sistema na ginagamit na ng buong mundo
upang maikonekta ang mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumaraan sa iba’t-ibang
klase ng telekomunikasyon katulad ng linya o kable ng telepono, satellites, at ibang
komunikasyon na hindi gumagamitan ng kableng wireless na kung saan ang mga iba’t-ibang
impormasyon ay maipararating o maipababasa sa publiko.
3. Debrief. Matapos ang pagkuha ng mga impormasyon ay maaaring umpisahan na ang
pagkakaroon ng diskusyon hinggil sa mga impormasyong nakalap. Maaaring makatulong sa pag-
uusap na ito ang paggamit ng mga graphic organizer upang makita ang mga impormasyon na
magkakaugnay at ang mga hindi na dapat pang isama.
4.Mga Koneksiyon. Magiging malinaw ang pananaliksik kung malalaman ang
koneksiyon nito sa buhay. Sa ganitong paraan ay maaaring makatulong ito upang mas
maunawaan ang mga impormasyon at aral na makukuha habang nagsasaliksik sa partikular na
paksa.
Mainam ding tandaan ang mga sumusunod na gabay upang matiyak ang pagiging
makatotohanan ng impormasyon.
1. Anong uri ng website ang tinitingnan? Ang webpage o Uniform Resource Locators (URL’s)
na nagtatapos sa .edu ay mula sa institusyon ng edukasyon o akademiko.
Hal: http://www.pup.edu.ph
Ang .org ay nangangahulugang mula sa isang organisasyon at ang .com ay mula sa komersyo.
Hal: www.knightsofcolumus.org
www.google.com
Ang .gov ay nangangahulgang mula sa institusyon o sangay ng pamahalaan.
Hal: www.makaticity.gov
http://www.tourism.gov/
2. Sino ang may-akda? Ang pag-alam sa kredensiyal at krediblidad ng may-akda ng
impormaryon ay maaaring makatulong sa pagiging balido ng impormasyon na inilahad.
3. Ano ang layunin? Nais bang magbahagi ng impormasyon o magtinda lamang ng podukto?
4. Paano inilahad ang impormason? Ang teksto ba ay makatotohanan at walang kinikilingan o
batay sa opinyon lamang? May kinikilingan ba?
5. Makatotohanan ba ang teksto? Alamin kung opisyal ang teksto. Pag-aralan kung ang
pagkakasulat ay wasto o hindi.

61
6. Ang impormasyon ba ay napapanahon? Mainam kung napapanahon ang impormasyon,
marapat na nakalagay ang petsa ng pinakahuling rebisyon.
PAGBASA, TEORYA NG PAGBASA AT PANANALIKSIK
Ayon kay Coady (1979) ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo
ng kaisipan. Binanggit naman ni Gooman (1967) ang pagbasa bilang isang saykolinggwistikong
paghuhula o psycholinguistic guessing na sa pagbabasa ay nakabubuo muli ng isang mensahe o
kaisipang hango sa binasa.
Dagdag pa ni Coady, para sa lubusang pag-unawa sa teksto, kailangan ang dating
kaalaman ng tagabasa ay maiugnay sa kaniyang kakayahang bumuo ng konsepto na masasalamin
sa teksto. Kay Austero (1999) naman, ang pagbasa ay pagkuha ng ideya at kaisipan sa mga
sagisag na nakasulat upang mabigkas ng pasalita.
TEORYA NG PAGBASA
1. Teoryang Bottom-up. Ang pagbasa ay pagkilala sa mga serye ng mga nasusulat na
simbolo upang maibigay ang kaakibat nitong tunog. Ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa
pagkilala sa mga titk, salita, parirala patungo sa talata bago maibigay ang kahulgan ng binasang
teksto. Ang pag-unawa sa binasa ay nasisimula sa teksto patungo sa tagabasa. Ang teksto ang
“bottom” at ang tagabasa ang “up.”
2. Teoryang Top-down. Nagsisimula sa kaisipan ng tagabasa (top) patungo sa teksto
(down) sapagkat ang ating kaalaman ang nagpapasimula sa pagkilala sa teksto. Ayon kay
Badayos (1999) mayroong: Impormasyong Semantika o ang pagpapakahulugan sa mga salita at
pangungusap; Impormasyong Sintaktik o ang estruktura ng wika; at Impormasyon grapho-phonic
na may kinalaman sa tunog ng wika.
3. Teoryang Interaktibo. Mas mainam na pagsamahin ang teoryang bottom-up at
teoryang top-down para lalong maging epektibo. Ibig sabihin, hindi lamang ang teksto ang
bibigyang-pansin, kasama na rin dito ang pag-uugnay ng sariling karanasan at pananaw o dating
kaalaman.
MGA URI NG PAGBASA
1. Iskaning. Ang nagbabasa ay nagsasagawa ng paggalugad sa materyal na hawak tulad
ng pagbasa sa mga susing salita o keyword, pamagat at subtitles. Ang mahahalagang salita ay
hindi binibigyang-pansin, bagkus pagbasa ito na nangangailangang hanapin ang isang partikular
na impormasyon sa aklat o sa anomang babasahin. Ginagawa ito sa pamamagitan ng palaktaw-
laktaw na pagbuklat ng pahina.
Ang mambabasa ay kailangang humanap o tumukoy kung ang aklat o ang materyales ay
isinulat ng isang dalubhasa at dapat makita kung ito ba ay naglalaman ng impormasyon.
2. Iskiming. Ito ay sumsaklaw sa mabilisang pagbasa para makuha ang ideya o kaya ay
pagpili ng materyal na babasahin. Ito rin ay pagtingin o paghahanap sa mahalagang
impormasyon na maaaring makatulong sa pangangailangan tulad ng term paper o pamanahong

62
papel, pananaliksik at iba pa. Ang isikiming ay pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na
pagbasang maggagawa ng tao.
3. Previewing. Ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat tumitingin. Sinusuri muna ang
kabuoan, estilo at register ng wika ng sumulat. May iba’t ibang bahagdan ang prviewing:
• Pagtingin sa pamagat
• Pagbasa sa heading
• Pagbasa sa una at huling talata
• Pagbasa sa una at huling pangungusap ng talata.
• Binibigyang-pansin ang introduksiyon ng buod
• Pagtingin at pagbasa sa mga tala ng nilalaman
4. Kaswal. Ang pagbasa ay pansamantala o ‘di palagian. Magaan ang pagbasa,
halimbawa habang may hinihintay o pampalipas oras lamang.
5. Pagbasang Pang-impormasyon. Pagbasang may layuning malaman ang
impormasyon. Halimbawa: Pagbasa ng pahayagan kung may bagyo, may pasok o wala; o
pagbasa ng aklat na may layuning masagot ang takdang-aralin. Ito ay pagbasang may layuning
mapalawak ang kaalaman.
6. Mataimtim na Pagbasa. Nangangailangan ito ng mataimtim na pagbasa na may
layuning maunawaan nang ganap ang binabasa para matugunan ang pangangailangan tulad ng
report, riserts atbp.
7. Re-Reading o Muling Pagbasa. Paulit-ulit na binabasa ang teksto kung mahirap
maunawaan bunga ng mahirap na talasalitaan. Isinasagawa ang muling pagbasa upang makabuo
ng pag-unawa.
8. Pagtatala. Pagbasang may kasamang pagtatala ng mga mahahalagang impormasyon.
Kasama rito ang paggamit ng marker para bigyan ng pansin o highlight ang bahaging mahalaga
sa binabasa lalo na kung ito ay sariling pag-aari.
8. Mapanuring pagbabasa. Kasangkot sa pagbasang ito ang mga sumusunod:
Paghinuha sa layunin, punto de bista, ideya at damdamin ng manunulat o ng mga tauhan;
Pagtukoy sa mga detalye upang mapangatuwiranan ang kongklusyon; Paggawa ng sariling
kongklusyon bilang isang mambabasa; Paghinuha sa kalalabasan ng mga sunud-sunod na
pangyayari; at Paggawa ng kongklusyon mula sa grupo ng mga detalye.
ESTRATEHIYA SA INTERAKTIBONG PROSESO (MAPANURI) NG PAGBASA
Sa aklat nina Castillo, M.J 2012 na Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
binanggit ang ideya ni Mackenzie na ang mambabasa ay gumagamit ng iba’t ibang estratehiya
bago bumasa.
Bago Bumasa
• Pagbibigay ng paunang kahulugan
• Paunang pagtingin

63
• Pagtatakda ng layunin sa pagbasa
• Paggamit ng sariling kaalaman
• Pagsasagawa ng pagkalahatang hinuha
Habang Nagbabasa
• Pagbuo ng kahulugan
• Pagsusuri at pagbabago sa mga hinuha
• Pag-uuri at pagkilala
• Pagpapanatili ng pag-unawa
• Paggamit ng mga estratehiyang pampuno
• Pagbasa nang tuloy-tuloy
Pagkatapos bumasa
• Muling pagsasaayos ng kahulugan
• Muling paglalahad ng nabasa
• Paglalagom ng binasa
• Pagsusuri ng binasa
Sa pakahulugan naman ni Vizcarra (2003) ang pananaliksik ay isang sistematiko,
kontrolado, empiriko, at kritikal na pag-imbestiga sa haypotetikal na pahayag tungkol sa
inaakalang relasyon o ugnayan ng mga natural na penomenon. Idinagdag naman nina Atienza
(1996) at Lartec (2011) na ito ay matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri, at kritikal na
pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian, problema, isyu, o aspekto
ng kultura at lipunan.
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK
Ayon kina Constantino at Zafra 1997 may mga layunin o motibasyon upang makagawa
ng pananaliksik batay sa mga sumusunod:
• Tumuklas ng bagong datos at impormasyon.
• Makapagbigay ng bagong interpretasyon sa lumang ideya.
• Magbigay-linaw sa isang diskusyon.
• Manghamon sa katotohanan o pagiging makatuwiran ng isang tanggap o ipinapalagay na
totoo o makatotohanang ideya.
• Magpatunay na makatotohanan o balido ang isang ideya, interpretasyon, paniniwala,
palagay o pahayag.
• Makapagbigay ng historikal na perspektiba para sa isang senaryo.
PANGANGALAP NG IMPORMASYON O DATOS
1. Una; tukuyin kung anong uri ng impormasyon o datos ang kailangan, gayon din ang
klasipikasyon kung saan ito maaaring matagpuan sa salid-aklatan.
Hal. Tanong: Ano ang depresyon?

64
Impormasyong hahanapin
Mga sintomas o gawi na maaaring maramdaman
Kailan masasabi na may depresyon?
2. Itala ang mga posibleng sanggunian kagaya halimbawa ng ensayklopidya; aklat sa
medisina at sikolohiya; mga artikulo at kolum sa pahayagan at magazines; artikulo sa mga
propesyunal na journal; at/o panayam sa mga eksperto.

TATLONG YUGTO NG PANANALIKSIK SA SILID-AKLATAN


Maituturing ang panahong ito bilang “information age.” Kaugnay nito, suliranin sa mga
mananaliksik ang paglaganap ng mga hindi balidong impormasyong mula sa internet. Kaya’t
maaaring isagawa ang sumusunod:
Ang pagpunta sa silid-aklatan ay kailangang bigyang-pansin ng mananaliksik para sa
sistematikong pangangalap ng datos gaya ng mga ss:
YUGTO 1: Panimulang paghahanap ng kard katalog, sangguniang aklat, bibliograpiya,
indeks at hanguang elektroniko o internet.
YUGTO 2: Pagsusuri na kinasasangkutan ng browsing, iskiming at iskaning ng mga
aklat at artikulo at ng pagpili ng citation mula sa mga babasahin.
YUGTO 3: Pagbabasa at pagtatala mula sa aklat, sanaysay, artikulo, computer printouts
at iba pang sanggunian.
UNANG YUGTO: URI AT GAMIT NG KARD KATALOG ayon kay Bernales (2011)
1. Kard ng Paksa (subject card). Ito ang dapat hanapin kung ang malinaw pa lamang sa
mananaliksik ay ang paksang tatalakayin. Nangunguna sa kard entri na ito ang mismong paksa
bago ang impormasyon sa awtor at pamagat ng libro.
2. Kard ng Awtor (author card). Kung ang mananaliksik ay may naisip na agad na
awtor na may kaugnayan sa kaniyang paksa. Nauuna ang pangalan ng may akda sa entri ng kard
na ito bago ang iba pang entris.
3. Kard ng Pamagat (title card). Pinakalapitin ng mga mananaliksik na hindi pa tukoy
ang paksa o awtor na gusto.

IKALAWANG YUGTO: MGA GABAY NA TANONG SA PAGSUSURI NG MGA


NAKALAP NA SANGGUNIAN
Ano ang kaugnayan nito sa paksa?
Isinasagawa ang pananaliksik upang tugunan ang isang paghahanap o pangangailangan.
Tiyaking ang mga impormasyon sa mga sanggunian ay tumatalakay sa paksa ng pag-aaral.
Maaaring gamitin ang aklat na akma sa pinag-aaralan.

65
Mapagkakatiwalaan ba ang may akda at tagapaglathala?
Kailangang pagtiwalaan ang sariling gawa. Makabubuting sumulat ng mga sanggunian na
mapagkakatiwalaan o may kredibilidad. Suriin kung sapat ang kaalaman at karanasan ng may
akda.
Makatotohanan ba ito?
Masusukat ang pagkamakatotohanan ng akda hindi lamang sa kung sino ang sumulat
kundi maging sa tagal ng panahon. Hangga’t maaari ay iwasan ang mga sangguniang limang
taong mahigit nang naisulat maliban na lamang kung ito ay primarya. Iwasan ang mga
sanggunian mula sa tabloid, digest at review dahil tiyak na hindi siyentipiko ang mga ito,
IKATLONG YUGTO: PAGBABASA AT PAGTATALA NG MGA IMPORMASYON O
DATOS MULA SA MGA NAPILING SANGGUNIAN.
Mahalaga ang ikatlong yugto na ito sa pagsasagawa at paghahanda ng mga tala ng
impormasyon o datos.
PAGBUBUOD AT PAG-UUGNAY NG IMPORMASYON
May iba’t ibang paraan ng pabubuod upang mapag-ugnay ang mga impormasyon, datos
at ideya, ito ay ang mga: Buod, Presi/Precis, Lagom o Sinopsis, Sintesis, Abstrak
1. Buod. Sa pagbubuod, dapat tinutukoy kaagad ang pangunahing deralyeng may
kaugnayan sa paksa. Hindi tuwirang isinusulat ang sinabi ng may-akda bagkus ay isusulat ito sa
sariling pananalita, at panghuli, gawing maikli at komprehensibo ang pagsulat.
Mga Hakbang sa Pagbubuod
• Basahin ang teksto, pakinggan o panoorin ang balita.
• Tukuyin ang paksa, magtala ng mga mahahalagang impormasyon.
• Pag-ugnay-ugnayin ang mga impormasyong nakalap upang makabuo ng pinakapunto o
paksa.
• Isulat ang buod. Siguraduhing nasa lohikal o kronolohikal na ayos.
• Huwag maglagay ng sariling impormasyon.
2. Presi/Precis. Ayon kay Castillo 2012 ang presi ay eksaktong replika ng orihinal na
akda sa pinaikling bersyon na naipahahayag nang kumpleto ang argumento. Kinakailangang
maintindihan ang kabuuan bago makasulat ng isang presi.
3. Lagom/Sinopsis. Pinaikli ang pangunahing punto ng isang babasahin, karaniwan itong
ginagamit bilang pabalat sa mga nobela.
Hakbang sa Pagsulat ng Lagom o Sinopsis
• Basahing mabuti ang bawat kabanata ng nobela/kuwento.
• Gumawa ng balangkas ng bawat kabanata, isulat ang mahahalagang detalye patungkol sa
mga tauhan at pangyayari.
• Gumawa ng buod o storyline.

66
4. Hawig. Tinatawag na “paraphrase” sa Ingles. Inilalahad sa sariling pangungusap ang
mga datos na nakalap. Mas detalyado ito kaysa sa buod sapagkat isinasama dito kung saan
nanggaling ang pahayag (ayon kay, sang-ayon ka, sinabi ni, nasusulat sa)
5. Sintesis. Pinagsama-sama ang mga impormasyong nakalap mula sa mga tao o
manunulat upang makabuo ng malinaw na pagbubuod. Mahalaga rito ang organisasyon ng mga
datos.
6. Abstrak. Buod ng isang artikulo, ulat o pag-aaral na inilalagay bago ang introduksyon.
Dalawang uri ng abstrak
a. Deskriptibong abstrak. Mababasa rito ang kaligiran, layunin at tuon ng papel.
Inilalarawan ang pangunahing ideya ng artikulo, ulat o pag-aaral.
b. Impormatibong abstrak. Ipinapahayag ang mga mahahalagang ideya karaniwang
maikli na binubuo ng mga kaligiran, layunin, metodolohiya, resulta at rekomendasyon ng mga
mananaliksik.
Mga hakbang sa pagsulat ng abstrak
• Basahin ang papel o pag-aaral
• Isulat ang draf o burador
• Magsagawa ng pagrerebisa
• Muling basahin
ANG PAGSULAT AT MGA URI NITO
Isa ang pagsulat sa mga makrong kasanayan na mahalagang malinang sa mga mag-aaral
sapagkat ito ay mabisang kasangkapan sa pang-araw-araw na pakikipamuhay kagaya na lamang
sa tuwing mamasukan ng trabaho o kaya naman ay kapag may nais na linawin, itanong at
kumpirmahin sa isang tao. Dala ng makabagong teknolohiya, ang pagsulat ay hindi na lamang
nakatuon sa paglalapat ng panulat at ng papel, sa halip ay gumagamit na rin ng mga makabagong
kasangkapan at software.
Sang-ayon naman sa sinabi ni Mabilin (2012), ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng
kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumabasa at babasa sapagkat ito ay
maaaring magpasalin-salin sa bawat panahon. Maaaring mawala ang alaala ng sumulat ngunit
ang kaalamang kaniyang ibinabahagi ay mananatiling kaalaman.
URI NG PAGSULAT AYON SA ANYO
1. Pormal na Pagsulat. Ang ganitong pagsulat ay sumusunod sa pamantayan ng
pagsulat. Layunin nito na makapaglahad ng mga ideya sa paraang madaling maunawaan ng mga
mambabasa. Ang ganitong sulatin ay nangangailangan ito ng masinsing pag-aaral o pananaliksik
upang maging maayos at malinaw ang paglalahad ng impormasyon ng manunulat.
2. Di Pormal na Pagsulat. Sa ganitong uri ng pagsulat, hindi sumusunod sa pamantayan
ng pagsulat ang manunulat at hindi nangangailangan ng pananaliksik sapagkat batay lamang sa
karanasan at opinyon.

67
URI NG PAGSULAT AYON SA LAYON
1. Pang-akademikong Sulatin. Madalas itong makikita sa mga paaralan dahil sumusukat
sa kaalaman ng mag-aaral ukol sa mga isyu sa lipunan o sa mga paksang tinatalakay. Halimbawa
nito ay ang mga sanaysay hinggil sa karanasan, mga ulat hinggil sa naganap sa bansa, o mga
pananaliksik.
2. Malikhaing Pagsulat. Isang kahingian sa ganitong mga sulatin ang malawak na
imahinasyon kung saan, ang manunulat ay magsusulat ng malikhaing mga akda. Dapat makuha
ang interes at makabuo ng imahen mula sa mga mambabasa habang binabasa nila ang akda.
Halimbawa rito ang mga akdang pampanitikan.
3. Sulating Journalistik o pampahayagan. Tinaguriang responsableng pagsulat
sapagkat ito ang sulatin na ginagamit para sa mga balita o isyu sa loob at labas ng bansa.
Halimbawa nito ay ang mga editoryal, lathalain at iba pang may kinalaman sa pamamahayag.
Kinakailangan ang mga datos o ebidensiya sa ganitong pagsulat. Kailangang walang bias ang
isang manunulat.
4. Sulating Pampropesyonal. Sa ganitong uri, ang manunulat ay gumagamit ng jargon o
mga espesyalisadong termino o sa isang tiyak na larang. Ang halimbawa nito ay mga terminong
ginagamit ng mga propesyonal sa larangan ng medisina, abogasya, edukasyon at iba pa.
5. Sulating Panteknikal. Gumagamit ng mga teknikal na salita ang manunulat upang
mabigyang-kahulugan ang mga teknikal na gawain o mga bagay. Kabilang sa mga maraming
teknikal na salita ay mga larang na may kinalaman sa kompyuter; teknolohiya; robotiks at
elektroniks; at agham kagaya ng kemistri, pinansiya, at industriya. Mahalaga ang pagkakaroon
ng sapat na kalaaman sa bahaging ito.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT
Sa kasalukuyang panahon ay hindi maitatangging napakadali na ang mangalap ng mga
impormasyon dahil mayroon nang kompiyuter at internet na nakapaghahatid ng impormasyon sa
mabilisang paraan. Naglahad sina Carpio et al (2012) ng mga hakbangin sa pagsusulat.
1. Pagpili ng paksa. Maaaring makakuha ng paksa mula sa obserbasyon, karanasan, mga
nabasang aklat o panitikan, mga programa sa telebisyon o radyo at maging sa social media.
Kailangang isaalang-alang ang edad, kasarian, paniniwala at relihiyon ng mambabasa kapag
pipili ng paksa. Kung mga bata ang target kailangang gawing kawili-wili ang pagsulat. Kapag
naman propesyonal, dapat maging lohikal at punong-puno ng impormasyon.
Ang paksa at kailangang may ambag sa lipunan, makapag-iisip ang mga mambabasa ng
mga mungkahing solusyon sa mga problema.
2. Pangangalap ng impormasyon. Kailangang mangalap ng impormasyon ang
manunulat sa kaniyang paka. Nararapat na magkaroon ng sapat na kaalaman ang manunulat sa
kaniyang paksang isinusulat. Nakatutulong ang mga impormasyong ito upang mabalangkas ang
mga ideyang kaniyang ibabahagi sa mga mambabasa.

68
3. Pagsusuri ng mga nakalap na impormasyon. Basahin at unawaing mabuti ang mga
nakalap na impormasyon, at literaturang may kaugnayan sa paksa o pag-aaral. Piliin lamang
kung ano ang mahalaga at kailangan sa pagsulat.
4. Pagsulat. Mula sa mga napili at sinuring impormasyon, sumulat ng panibagong
kaalaman sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga ideya at impormasyon. Maaaring
gumamit ng burador upang matiyak ang kaayusan at kawastuhan ng isinulat kapag nasa pinal na
itong hakbang.
5. Pag-eedit at Pagrerebisa. Kinakailangang basahin nang basahin at suriin ang isinulat,
makabubuting ipabasa o ipasuri ito sa mga dalubhasa sa gramatika o mga manunulat upang
matiyak ang kahusayan ng akda.
May tatlong proseso ang pagrerebisa: nariyan ang pagdaragdag, pag-aalis at pagsasaayos.
Pagdaragdag ng mga nararapat na datos at ideya kung may nakaligtaan. Pagsasaayos ng mga
baybay, bantas at gamit ng mga salita at pangungusap. Pag-aalis naman sa mga hindi nararapat
at nakagugulong ideya. Pagsasaayos sa pormat ng pagkakasulat ayon sa hinihinging pormat.
PAGBUBUO NG PAGSUSURI BATAY SA IMPORMASYON
Kailangang tandaan na kahit sino ay maaaring makapagsulat ngunit kailangang maging
malay sa mga dapat malaman bago makapagsulat ng isang akda. Maaaring gumamit ng mga
mapagkakatiwalaang batis subalit kailangang maunawaan ang mga proseso sa pagsulat.
PAMANTAYAN SA PAGSUSURI SA HALAGA O KAUGNAYAN NG MGA IDEYA SA
BABASAHING TEKSTO
• Lohikal bang nakaayos ang mga ideya?
• May kailangan bang idagdag o alisin sa mga impormasyon o sapat na ang mga ito?
• Nakapupukaw ba ng atensiyon?
• May mga detalye bang walang kaugnayan?
• Malinaw bang naiintindihan ang mga ideya?
• Mapagtitibay ba ang mga detalyeng inilahad?
• Kapaki-pakinabang ba ang mga ideya?
• Ano ang kahinaan ng mga puntong inilahad?
• Katanggap-tanggap ba ang mga salitang ginamit?
• Sapat na ba ang impormasyon?
• May mga nagsasalungatan bang ideya?
PAGSUSURI KUNG BALIDO ANG PAHAYAG
Kailangang malaman kung makatotohanan ang pahayag o ito ay pawang opinyon lamang.
Masasabing ito ay opinyon kung taglay ang mga sumusunod:
1. Gumagamit ng mga salitang naghuhudyat ng iniisip o ng saloobin ang mga manunulat
tulad ng: sa aking palagay, sa aking paniniwala, sa ganang akin, sa tingin ko atbp.

69
2. Gumagamit ng mga salitang naghuhudyat ng opinyon, palagay. Hal. siguro, parang,
tila, atbp.
Balido naman ang pahayag ayon kay Castillo kung:
• Maaaring maberipika ang pinaghanguan sa pamamagitan ng bibliograpiya.
• Kumuha lamang ng datos sa mga mapagkakatiwalaang mga batis ng impormasyon
• Kilalanin kung sino ang manunulat. Mayroon ba silang kakayahan o karanasan sa
paksang isinusulat.
• Kinakailangang obhektibo ang paglalahad ng mga datos.
PAGBABASA NG MGA GRAP AT TALAHAYAN
Isang mahalagang bahagi ng paglalahad ng datos ang paggamit ng graph at talahanayan
upang maipakita ang mga ito nang mabisa.
Ang grap at talahanayan ay mga dayagram na nagpapakita ng relasyon sa pagitan ng mga
bilang o halaga. Ginagamit ang mga ito upang maipakita sa biswal na paraan ang mga nakalap na
datos. Ito ang pinakamadaling gamitin upang ipakita at maikumpara ang mga numero. Maaaring
gumamit ng mga guhit, larawan o hugis sa pagpapakita ng relasyon ng laki ng mga numero.
PAGBASA NG GRAP
Hindi maaaring mawala ang mga ito sa mga pananaliksik lalo na yaong mga kantitatibo.
Hindi mga palamuti ang mga ito. Bagkus ay pawang nagpapakita ng mga datos sa mabilisang
paraan.
• Suriin ang pamagat ng grap. Makikita sa pamagat kung ano ang binibigyang-diin at linaw
ng mananaliksik.
• Bigyang-pansin ang mga tala o legend na nasa paligid ng grap. Makatutulong ito sa
pagkuha at pagbibigay ng wastong impormasyon.
• Pag-aralan ang grap. Tingnan ang mga vertical at horizontal na linya. Makikita sa mga
ito ang sukat o bilang na kinakatawan ng bawat bar, linya o larawan na kinapapalooban
ng impormasyon.
• Pag-aralan ang mga impormasyong nakapaloob sa grap, alamin ang bilang at kahulugan
nito. Paghambingin ang mga ito.
• Gumawa ng kongklusyon sa nakalap at sinuring mga impomasyon.
PAGBASA NG TALAHANAYAN
Karaniwan itong ginagamit sa mga pananaliksik kung saan ay binubuo ng mga kolum na
may mga impormasyon. Pamilang ang karaniwang inilalagay na datos sa mga talahayanan.
• Basahin at pag-aralang mabuti ang pamagat ng talahanayan. Makatutulong ang pamagat
upang maunawaan kung tungkol saan ang pananaliksik.
• Basahin ang tala o legend.
• Pag-aralan kung ano ang kahulugan ng mga numerong nasa talahanayan.
• Gumawa ng sariling kongklusyon mula sa sinuring talahanayan.

70
• Paghambingin ang mga datos na nakalap.
• Isaalang-alang kung kailan isinagawa ang saliksik.
• Kilalanin kung sino ang nagsagawa ng pag-aaral at kaniyang kaugnayan sa isinagawang
pag-aaral.
• Kung may nakitang pagkakaiba, maghanap ng iba pang datos upang matamo ang tumpak
na impormasyon.

SINTESIS
Sa pamamagitan ng talakayang ito ay mapagtatanto na ang komunikasyon ay lampas
pa sa pakikipagkuwentuhan o pakikipaghuntahan sa mga taong malapit sa puso. Sa halip, ito
ay isang mabisang behikulo upang makalutas ng mga tila walang katapusang suliranin sa
lipunan. Pinatutunayan lamang ng paksang komunikasyon at pananaliksik na kung magagamit
nang tama at kritikal ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan ay mas makalilikha ang
bawat isa ng mga makabuluhang karunungang mapakikinabangan ng bawat mamamayan.
Sa tulong din ng ating pinag-aralan, mapagtitibay pa natin na ang kritikal na pag-iisip
ay napakahalaga na magagamit sa ating mga nakikita, naririnig at higit sa lahat sa ating mga
nababasa. Kinakailangang maunawaan ng bawat taong nagnanais na maging mananaliksik na
pangunahing kailangan nilang taglaying katangian ay ang pagiging mapanuri sa mga datos na
kanilang nababasa, lalo pa’t sa panahon ngayon ay tila binhing isinasaboy ang mga
mapanlinlang na impormasyon. Sa pagsasagawa rin ng pananaliksik ay may mga kasanayang
kaugnay ng pagbasa at pagsulat na kailangang linangin sa bawat isa. Kaya’t sa dulo nito, ang
pagbasa at pagsulat ay mahalagang daan upang makapagsagawa ng mahusay na pananaliksik
na tutugon sa mga problemang kinahaharap ng bawat isa na magreresulta sa maginhawang
pamumuhay.

GAWAIN
Ngayong natapos na ang ating talakayan, ito na ang tamang pagkakataon upang muli na
namang subukin ang iyong natutuhan sa paksa. Ang mga gawaing ito ay makatutulong upang
mas lalong mapalalim ang paglalapat mo sa mga konsepto kaugnay ng komunikasyon at
pananaliksik. Handa ka na ba? kung oo, basahin ang mga panuto sa bawat gawain.
1. Pagbuo ng Matrix at/o Balangkas
Sa pamamagitan ng gawaing ito, malilinang ang iyong kasanayan sa organisadong
paglalahad ng mga mahahalagang ideya, kaugnay ang kaalaman sa wastong pagbubuod ng mga
impormasyon. Ang gawaing ito ay isasagawa ng indibidwal upang mas malinang ang iyong
kaalaman sa pagsasagawa o pagbuo ng balangkas o matrix sa ibibigay na paksa. Paraan din ito

71
upang mapahusay ang iyong pangangasiwa sa oras at matiyak na ikaw talaga ang gagawa. Nasa
ibaba ang mga tuntunin:
1. Mula sa mga paksang natalakay, bumuo ng matrix na may kinalaman sa mga paksang
tinalakay. Maaaring tatlo hanggang limang paksa ang ilahad at isama sa matrix o balangkas.
2. Sa pagsasagawa ng matrix, kailangang maisaalang-alang ang wastong proseso sa
paggawa nito kagaya ng matalinong pagpili ng mga sanggunian, pagkilala sa mga ito at ang
pagpili sa mga mahalagang impormasyon.
3. Gawing malikhain ang matrix o balangkas na gagawin, maaaring gumamit ng mga
simbolo o kulay na makatutulong upang mas madaling maunawaan ang matrix o balangkas na
gagawin.
4. Matapos maisagawa ang matrix, ilalahad ito sa harapan sa araw na itinakda ng guro.
Mamarkahan ito batay sa nilalaman ng matrix o balangkas na binuo, ang tiwala sa sarili ng
naglalahad, ang pagkamalikhain ng balangkas at ang dating nito sa mga tagapakinig. Ang
komprehensibong matrix ay makikita sa bahaging apendiks.
2. Komprehensibong pagsusulit
Sa bahaging ito, tatayain naman ang iyong natutuhan sa paraang pasulat. Naiiba ito sa
mga nakasanayang pagsusulit na madalas ay nasa lower order thinking skills lamang dahil dito,
open-ended ang mga katanungan. Nangangahulugang bukas ito sa mga kasagutan at ideya.
Sagutin ang mga sumusunod na katanungang nasa ibaba at isulat ito sa yellow paper.
1. Paano nakatutulong ang komunikasyon upang malinang ang iyong kritikal na pag-
iisip?
2. Bakit kaya mahalagang linangin ang kaalaman ng bawat mag-aaral sa pagbasa at
pagsulat tungong pananaliksik?
3. Bilang mag-aaral, paano nakatutulong sa iyo ang pananaliksik? Isa-isahin ang mga
maiaambag nito sa iyo na kapaki-pakinabang sa pagpapaunlad ng ating bayan.
4. Mula sa iyong nasusuri sa lipunan, anong suliraning kasangkot ang kabataan ang iyong
nakikitang agarang dapat masolusyonan? ano-ano ang mga mungkahing pag-aaral ang iyong
maibibigay at anong mga hakbang ang iyong maisasagawa upang matamo anng mga
pananaliksik na ito?

SANGGUNIAN

MGA LARAWAN O ICON

Book Symbol, Web Design, Line, Logo, Square, Diagram, Rectangle png . (n.d.). Retrieved from
Klipartz.com: https://www.klipartz.com/en/sticker-png-bwekm

72
Eucalp. (n.d.). Analyze Synthesis. Retrieved from thenounproject.com:
https://thenounproject.com/icon/analyze-synthesis-3159210/
Objective Icon. (n.d.). Retrieved from Freepik.com:
https://www.freepik.com/icon/objectives_4375256
Sobahus, S. (2020, June 19). writing symbols open book line icons and pencils. design template
vector. Retrieved from alamy.com: https://www.alamy.com/writing-symbols-open-book-
line-icons-and-pencils-design-template-vector-image363564086.html
MGA ARALIN

Aguilar, J. L., et al. (2017). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Jenher Publishing


House.
Atienza, Monico m. at Constantino, Ernesto A. 1996. Mga Piling Diskurso ng Wika at Lipunan.
Diliman, Lungsod Quezon: University of the Philippines Press.

Cruz, W.C, et al. (2020). Lektyur sa Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Don


Honorio Ventura State University
De Castro, I.& Taruc, Z. R (2010). Kritikal na pagbasa at akademikong pagsulat tungo sa
pananaliksik. Manila: UST Publishing House.

Mendoza et al. (2012). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Waterhouse Publishing Inc.

Pertierra, Raul. 2010. The New Media, Society and Politics in the Philippines. Fres Media Asia:
Berlin Press, Germany.
Salazar, Zeus A. 1996. Pantayong Pananaw sa Wika at Kulturang Pilipino Lecture Series.

73
LAYUNIN
Matapos ang malamang talakayan, ang mga mag-aaral ay kinakailangang taglay ang
mga sumusunod:
a. Natutukoy ang mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa buong
bansa.
b. Nakapagpapahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at
modernong midya sa pag-unawa ng mga isyung panlipunan.
c. Nakagagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at
analisis na akma sa iba’t ibang isyung panlipunan.
d. Nagagamit ang wikang Filipino bilang daluyan ng inter/multidisiplinaring diskurso na
nakaugat sa mga realidad ng lipunang Pilipino.
e. Naakapaglalaan ng mga matalinong hakbang o mungkahi hinggil sa mga umiiral na isyung
panlipunan at pandaigdig.

MGA PAKSA
4. Mga Napapanahong Isyung Lokal at Nasyonal
a. Unang Bahagi: Pangkalahatang Tanaw sa mga Isyu ng Bayan
b. Ikalawang Bahagi: Ilang Tala ng mga Isyung Lokal at Nasyonal:
1. Kalagayan ng Buong Mundo sa panahon ng pandemyang Covid-19.
2. Konsepto ng Bayani (kalagayan ng mga Nars, Guro, at OFW sa kasalukuyang Pandemya)
3. Korapsyon: Isyung SAP at Relief Goods
4. Mga programang nailunsad sa panahon ng pandemya
5. Kalagayan ng mga manggagawa sa panahon ng pandemya (kontraktuwal, magsasaka,
tindero/a, tsuper ng dyip at traysikel), kahirapan, malnutrisyon, (kawalan ng) seguridad sa
pagkain.
6. Ang pagpapatuloy o pagwawaskas ng New Normal sa DepEd at CHED.

PANIMULA
Isa sa mga karapatan ng tao ay ang mabuhay sa mundo nang payapa at malayo mula sa
mga karahasang dulot ng mga panloob at panlabas na salik. Subalit sa realidad, ang lipunang
ginagalawan ng bawat isa ay nababalot ng karahasan, kriminiladidad, kaguluhan, kagutuman,
mga iba’t ibang sakit, kalamidad at marami pang iba. Ang mga naturang suliraning panlipunan
ay nakahahadlang sa puspusang pagtatamo ng bawat isa sa mga karapatang itinakda o likas.
Kaya naman, mahalagang pag-usapan ang iba’t ibang mga napapanahong isyu na nasa antas
lokal at nasyonal na nararanasan ng bawat tao lalo na ng mga Pilipino. Ang mga ilang suliraning
ito ay nanghihimasok pa sa pandaigdig na lebel. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng talakayan
hinggil sa mga problemang ito, tiyak na makatutulong ang mga ito sa iyo bilang mag-aaral na
magkaroon ng kamalayan sa iyong paligid, ang kamalayang ito ay kailangang humantong sa

74
pagtatamo ng kakayahang makapagmungkahi ng mga solusyon sa ikalulutas ng iba’t ibang mga
suliranin. Kaya naman, sa puntong ito, ihanda ang iyong sarili sa panibago na namang
kaalamang matatamo sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng iyong mga mata sa susunod na talata.

NILALAMAN
PAANO NAGIGING ISYUNG PANLIPUNAN ANG ISANG ISYU?
• Kung ang isang suliranin ay naging pampublikong usapin sa katagalan kagaya na lamang
ng mga kumakalat na sakit.
• Mga suliraning panlipunan na may matinding epekto sa buhay ng indibidwal kagaya ng
pandemya at mga digmaan.
• Kapag nakaaapekto na ito hindi lamang sa isang tao kundi sa malaking bahagi mismo ng
nasabing lipunan.
• Karaniwan sa mga ito ay sumasalamin sa mga problemang kinakaharap ng lipunan mula
pa noon hanggang ngayon.
Sa pag-aaral ng mga hamon at isyung panlipunan, mahalaga ang pag-unawa sa mga
estrukturang bumubuo rito maging ang kulturang naglalarawan sa isang lipunan. Mahalaga ring
makita ng bawat isa ang kaugnayan ng istrukturang panlipunan at kultura sa pagkakaroon ng
mga suliranin at isyung panlipunan. Walang maituturing na iisang depenisyon ang suliraning
panlipunan, subalit lubusang mauunawaan ito gamit ang Sociological Imagination.
Sa talakay ni C. Wright Mills (1959) ang Sociological Imagination ay isang kakayahang
makita ang koneksiyon ng mga personal na karanasan ng tao at lipunang kaniyang
kinabibilangan. Kapag nalinang ang abilidad na ito, nagagawang masuri ng isang tao ang
koneksiyon at interaksiyon ng mga isyung personal at panlipunan.
Gamit ang kasanayan sa Sociological Imagination bilang bahagi ng lipunang iyong
ginagalawan, mahalagang maunawaang ang mga personal na isyung nararanasan ay may
kaugnayan sa isyu at hamong panlipunan. Hindi rin maikakaila na mayroon kang mahalagang
papel na gagampanan sa pagtugon sa mga ito sa kasalukuyan.

ISYUNG PERSONAL VS ISYUNG PANLIPUNAN


Ang isyung personal ay sinasabing nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang malalapit
sa kaniya. Ang solusyon sa isang isyung personal ay nasa kamay ng mismong indibidwal.
Maituturing ito na pribadong bagay na dapat solusyunan sa pribado ring paraan.
Samantalang ang panlipunang suliranin ay mga problemang umiiral nang malaganap sa
isang lipunan na hindi malulutas ng isang indibidwal lamang, sa halip ay maramihan at
kinakailangan ng partisipasyon ng marami upang tuluyang malutas makalipas ang maraming
taon. Madalas na kalakip ng mga paglutas sa mga isyung ito ay ang mga batas o regulasyon.

75
ANG PANDEMYA NG COVID-19
Sa bahaging ito ay mauunawaan ang tunay na kalagayan ng sistemang pangkalusugan ng
Pilipinas.
1. Ano ang kalusugan?
Ang kalusugan ay ang estado ng pagkawala o pagtataglay ng sakit o karamdaman. Ang
isang taong walang sakit ay may mabuting kalusugan. Sa malalim namang pagtalakay sa
kalusugan, tinukoy ito ng World Health Organization o WHO bilang isang estado ng pagiging
masigla ang isip, katawan, at pakikitungo sa iba. Hindi ito simpleng kawalan lamang ng sakit,
kapansanan, o iba pang karamdaman. Kung gayon, masaklaw ang kalusugan kaya naman hindi
masasabing malusog ang isang tao dahil lamang wala siyang sakit o maganda at malakas ang
kaniyang pangangatawan ngunit may problema ang kaniyang mental na kalagayan at puno siya
ng mga isipin.
MGA SULIRANING KINAHAHARAP NG SANGAY NG KALUSUGAN SA PANAHON
NG PANDEMYA
• Lubhang naging marami ang bilang ng mga paseyenteng tinatamaan ng sakit.
• Sa dami ng mga tinamaan sa virus na ito ay nagresulta sa kakulangan ng pasilidad at
kagamitan kagaya ng kuwarto, Hospital Bed, gamot at mga tauhang mag-aasikaso sa mga
may sakit.
• Hindi naging sapat ang dumarating na pondo mula sa gobyerno para sa mga gamot dahil
sa sobrang dami ng pasyente. Marami rin ang mga binawian ng buhay.
• Naging talamak ang korapsiyon maging sa mismong ahensiyang dapat sana’y mangalaga
sa kalusugan ng mga Pilipino.
MGA ISYUNG PANGKALUSUGAN
Sa artikulo ni Korina Sanchez noong 2019, nabanggit niya ang iba’t ibang mga
problemang pangkalusugan na umiiral sa bansang Pilipinas, kabilang na rito ang:
• Kulang na kulang sa mga doktor, nurse at health center.
• Madalas kung maging masama ang mga doktor sa mata ng taong bayan dahil hindi nila
naaasikaso ang lahat ng pasyente.
• Mababa ang pasahod sa mga nurse kaya sila ay napipilitang lumipat ng ibang trabaho o
kaya naman ay mangibang bansa.
• Hindi nagagawa ng Pilipinas na makapagbigay ng mga libreng paggamot sa lahat at mga
benepisyong pangkalusugan.
• Nakaaapekto ang hanapbuhay sa pangangalaga sa kalusugan ng mga Pilipino.
MGA TERMINONG DAPAT TANDAAN
a. Epidemya. Ito ang mabilis na pagkalat ng nakahahawang sakit sa isang malaking
bilang ng mga tao sa isang tiyak na populasyon sa loob ng isang maikling panahon na karaniwan
ay dalawang linggo o mas kaunti. Maaaring limitado ang isang epidemya sa isang lokasyon;
gayunpaman, kung kumalat ito sa ibang mga bansa o kontinente at nakakaapekto sa isang

76
malaking bilang ng mga tao, maaaring ito ay tinatawag na pandemya. Maaaring bisitahin ang
link para sa mas marami pang impormasyon: https://mimirbook.com/tl/1d69dcf9bb2
b. Pandemya. Ito ay isang epidemya ng nakahahawang sakit na kumakalat sa
pamamagitan ng mga populasyon sa isang malawak na rehiyon; halimbawa, isang lupalop, o
kahit pandaigdigan. Maaaring basahin din ito: https://tl.wikipedia.org/wiki/Pandemya
c. Corona Virus Disease of 2019. Ito ay isang patuloy na pandemya ng sakit dulot ng
SARS-CoV-2. Unang naiulat ang birus sa Wuhan, Hubei, Tsina, noong Disyembre 2019.
basahin din ito: https://tl.wikipedia.org/wiki/Pandemya_ng_COVID-19. Ang coronavirus disease
(COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus. Karamihan sa mga
taong nagkakaroon nito ay nakararanas ng malala o hindi gaanong malalang sintomas at gagaling
ngunit sa malala, maaaring mauwi sa kamatayan. Ang iba ay nakararanas ng malubhang sakit,
lalo na sa mga matatanda at mga may dati nang karamdaman.
MGA TAGUBILIN UPANG MALABANAN ANG COVID-19
• Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay.
• Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.
• Takpan ang iyong ubo kapag babahing.
• Iwasan ang matataong lugar o ang malapitang pakikisalamuha sa mga taong may
lagnat o ubo.
• Manatili sa bahay kung may sakit.
• Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa paghinga, magpakonsulta kaagad ngunit
tawagan muna ang health facility.
• Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad.
PAGSUBOK NG COVID-19
Hindi lahat ng may sakit ay maaaring masuri sa oras na ito. Basahing mabuti ang mga
pahayag sa ibaba mula sa mga iba’t ibang bansa upang malaman kung paano hinamon ng
COVID-19 ang mga tao at paano naman ito sinusugpo ng bawat bansa.
India
“In our country quarantine is being implemented without delay. All visas have been cancelled
except diplomatic and absolute essential. All college, schools, gyms, cinema, religious places,
tourist places, zoos, etc. have been closed. Every time you call on mobile the caller tune has been
changed to information on Covid-19 with advice on what to do. All functions and meetings have
been cancelled.” – Sudhanshu Kumar
Pilipinas
“President Rodrigo Duterte declared a National State of Calamity in the Philippines for a period
of 6 months. Luzon, the island where our capitol, Metro Manila is located, will be on lockdown
until April 12, 2020. Military personnel will move in to critical areas to impose order and
discipline.” – Ryan Gamboa

77
United Kingdom
“On the evening of March, 23rd the Prime Minister put the country on lockdown. Only essential
workers, which includes farmers and the food chain, will continue. All shops other than food and
chemist to close. No gatherings allowed, at all. No weddings, baptisms-just funerals and those
are done with family members only.” – Paul Temple
Colombia
“In Colombia we are on total shutdown. The central government doesn’t provide much in terms
of feeding to some regions. So, the local authorities are taking actions to help them get all that
they need in this situation.” – Jose Luis Gonzalez Chacon
Nicaragua
“As of March 16, 2020 here in Nicaragua the country is in national alert. The first case of
Covid-19 in the country was reported on March 18th. Just about all countries in the immediate
region have reported cases in their respective countries and are in lockdown mode.” – Javier
Callejas
Argentina
“Here in Argentina we are under a RED ALERT which started March 16th. All flights from
Europe had been suspended to the very minimum, the only fights allowed in are those that bring
back Argentine Nationals. Those foreigners who still fly in are forced to do a 14-day quarantine
on a specific location and are subject to the criminal law if they break the quarantine.” – Julio
Speroni
United States
“I heard a person say this is like a 9/11 situation in the US. I think we have to accept as
individuals that the virus will most likely affect everyone. And we have to eventually create our
own plan to put ourselves in a position to realize that our healthcare services cannot adequately
treat the patients if everyone were to get it in the next month.” – Mark Heckman
Nigeria
“There is a travel ban from countries that have over 1,000 cases. One Nigerian state has banned
church and public gatherings.” – Onyaole Patience Koku
Zimbabwe
“Our main concern is if we lock down how will we sustain our workforce / community? Farmers
are close to harvest and at a place where we have no extra income. I am planning my wheat crop
and need certain services to make this happen.” – Ruramiso Mashumba
Maaari pang magsaliksik sa internet ng iba’t ibang babasahin hinggil sa paksa kagaya ng:
https://www.up.edu.ph/wp-content/uploads/2020/05/Briefer_Epidemic_Wave-Final-Filipino2-
1.pdf

78
https://rappler.com/newsbreak/podcasts-videos/beyond-stories-duterte-coronavirus-crisis-
messaging
https://rappler.com/newsbreak/videos-podcasts/259456-beyond-stories-duterte-coronavirus-
crisis-messaging
KONSEPTO NG BAYANI: KALAGAYAN NG MGA NARS, GURO, AT OFW SA
KASALUKUYANG PANDEMYA
Upang mas maging malinaw ang talakayan hinggil sa paksang ito, makabubuting
bigyang-linaw muna ang mga sumusunod:
1. Konsepto. Ito ang sariling pananaw sa isang bagay, halimbawa nito ay ang sarili mong
kaisipan batay sa isang paksa o suliranin na ninanais na bigyang kahulugan.
2. Bayani. Ito ang mga taong nagtataglay ng katapangan at kabayanihan. Sa mga
panitikan sila ay may pambihirang lakas at kapangyarihan. Subalit sa lipunan, ang mga
itinuturing na bayani ay yaong mga may nagawang makabuluhan na nakatulong nang malaki sa
tao o kapaligiran.
3. Kalagayan. Maaari ding masabi na ito ay ang katayuan o ang kasalukuyang estado,
kondisyon, o sitwasyon ng isang bagay o tao.
4. Nars. Sila ang mga propesyonal na katuwang ng mga doktor kung saan ay isa sa mga
may kritikal na papel sa paghahanda sa mga emergency sa lokal, estado, at pambansang antas sa
pamamagitan ng pagpaplano, pag-aaral ng komunidad, pamimili, at direktang pag-aalaga na
ibinigay sa panahon ng kalamidad.
5. Guro. Mga propesyonal na taong naglalaan ng karunungan sa kanilang mga mag-aaral.
6. OFW. Ang Overseas Filipino Workers o OFW ay ang katawagan na ginagamit upang
ilarawan ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa na nagsasakripisyo para sa kanilang
pamilya. Malaki rin ang kanilang ambag sa ekonomiya ng bansa (GNP at GNI). Madalas, ang
mga pilipino na nagiging OFW ay yaong may layuning magkaroon ng mas mabuting
oportunidad at mas mataas na sahod o kita.
KONSEPTO NG BAYANI SA PILIPINAS
• Ang bayáni ay matapang.
• May matinding pag-ibig sa bayan.
• Nagbubuwis ng buhay para sa bayan.
• Sa sinaunang panahon, ang itinuturing na bayani ay mandirigma at pinunò.
• Mahusay na lider o timuáy at magiting sa pagtatanggol ng kaniyang sakop.
• Sa ilang pangkatin sa Mindanao, tinatawag itong bagáni.
• Sa panahon ng himagsikan noong 1896, ang bayani ay hindi na lámang tumutukoy sa
matapang na pinunò. Bagkus itinuturing na bayani sa Katipunan kahit ang karaniwang
anak ng bayan na nagmamahal at handang mag-alay ng dugo at pawis para sa bayan.

79
• Ang bayani ay tumukoy sa lahat ng uri ng tao na nakilahok sa Himagsikang 1896 maging
babae man o lalaki, batà o matanda, ilustrado o mangmang na tumutugon sa
pangangailangan ng bayan gamit man ang tabak o panulat.
• Sa panahon ng kapayapaan, higit na kailangan ang mga bayani na maglilingkod sa bayan,
lalo na sa serbisyo sibil, kahit maliit ang suweldo.
• Sa ngayon ito ay naiuugnay sa pagsasakripisyo.
PAGHARAP NG MGA NARS SA KASULUKUYANG PANDEMYA BILANG
MAKABAGONG BAYANI
• Wala pa ring pagbabago sa kalagayan sa trabaho ng mga health worker para
maprotektahan laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
• Maraming nurse ang nagtatrabaho ng 12-hour shift at tumutugon sa mga
pangangailangan ng hanggang sa 12 pasyente kahit pa lampas na ito sa kanilang
tungkulin.
• Bukod sa hindi maayos na kalagayan sa kanilang lugar-paggawa, napipilitan na ring
bumili ng sariling personal protective equipment ang ilan sa mga nurse dahil sa
kakulangan nito ng suplay sa kanilang pinagtatrabahuhan.
• Ilan sa mga ospital ay hindi na pinatatapos ang 14-day quarantine ng kanilang medical
staff at pinababalik agad ang mga ito sa trabaho matapos lamang ang isang linggo.
• Nakaranas din sila ng iba’t ibang mga diskriminasyon sa kapuwa Pilipino. Waring sila
ang may sakit na pinandidirihan.
• Sila ang unang nakasalang sa COVID-19 kahit pa may banta rin sa kanilang kalusugan.
• Marami ang nagbalak na umalis na sa kanilang trabaho bunga ng takot sa virus.
• Marami sa kanila ang kulang sa kagamitan.
• Samantala, may mga ilan ding nurse na biktima ng karahasan sa ibang bansa.
• Kulang pa rin sa sa karamihan ng mga ospital ng mga pasilidad na lalong nagpapahirap
sa mga nurse.
Maaaring basahin ang mga sumusunod na link para sa karagdagang impormasyon.
https://rappler.com/newsbreak/iq/salary-nurses-philippines
https://www.bomboradyo.com/pinoy-sa-saudi-arabia-nagpositibo-sa-covid-19
https://rmn.ph/kalagayan-ng-mga-medical-workers-hindi-nagbago-sa-kabila-ng-dalawang-
linggong-mecq
PAGSIPAT SA KALAGAYAN NG MGA GURO SA NEW NORMAL NA EDUKASYON
Mga Suliraning kinahaharap ng Edukasyon sa panahon ng Pandemya
• Sa gitna ng hatid na krisis ng COVID19, nananatiling walang kasiguraduhan ang
kalagayan ng lahat ng COS at pribadong guro sa buong bansa, mula antas pre-school
hanggang kolehiyo.
• Isang malaking isyu sa gitna ng coronavirus pandemic ang mga problemang umusbong
tungkol sa edukasyon. Iba't iba ang paraan ng mga eskuwelahan at ahensya ng gobyerno

80
sa pagsagot sa sitwasyon. May mga eskuwelahang nagsuspende ng klase, lumipat ng
online, at may iba namang tinapos ang school year.
• Marami ang mga paaralan sa bansa ang tuluyang nagsara na dahilan upang maraming
guro ang mawalan ng trabaho.
• Maaaring ma-discriminate ng virtual classes ang malaking hanay ng estudyante lalo na sa
mga mahihirap at liblib na komunidad.
• Marami sa mga guro ang tinamaan ng COVID-19 habang nagbibigay ng mga module sa
mga bata.
• Marami rin sa mga guro sa online ang nakaranas ng pambabastos sa kanilang mga mag-
aaral.
• Hindi rin matiyak ang kalidad ng edukasyon sa panahong ito dahil mismong mga guro ay
kulang sa mga kagamitang panturo sa online.
• Marami ang nawalan ng trabaho sa kanila lalo na yaong mula sa mga pribadong paaralan
kaya’t ang ilan ay napilitang maghanap ng ibang trabaho.
• Naging hamon sa mga guro kung paano babaguhin ang kanilang mga perspektiba sa
pagtuturo sa bagong normal.
• Nagpatuloy pa rin ang ibang mga guro sa pagkalinga sa kanilang mga mag-aaral.
• Hamon sa mga guro ang paglinang sa mga kasanayang kailangan ng mga mag-aaral lalo
pa’t karamihan sa mga ito ay may tagasagot lamang sa kanilang mga module.
• Waring patuloy diumanong pinag-eeksperimentuhan ng DepEd ang kalidad ng
edukasyon kaya’t hamon nang malaki ito sa mga mag-aaral at guro.
Narito ang iba pang mga link para sa mas malalimang kaalaman:
https://kodao.org/kung-paano-pinaghahandaan-ng-ilang-guro-ang-pasukan-sa-panahon-ng-
pandemya
http://radyopilipinas.ph/rp-one/articles/politics/epekto-ng-covid-19-sa-sistema-ng-edukasyon-
pag-aaralan-ng-senado
https://www.untvweb.com/news/deped-gagamit-ng-e-books-bilang-tugon-sa-new-normal-sa-
larangan-ng-edukasyon
MGA OFW SA PANAHON NG COVID-19 PANDEMIC
• Sa panukalang batas (S. No. 801) na isinumite ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr.
naglalayon itong makapagbigay ng credit assistance program para sa Overseas Filipino
Workers (OFWs) na apektado ng COVID-19 pandemic.
• Pagpapauwi sa mga OFW na na-stranded dahil sa pandemya. (Balik Probinsya, Bagong
Pag-asa (BP2) Program)
• Masikip na pasilidad at ang paniningil ay idinaing ng OFWs na naka-quarantine sa barko.
• Marami sa mga OFW ang natanggal sa trabaho, kinakaltasan o hindi nakasasahod,
puwersahang pinapag-unpaid leave at ipinasok sa iskemang “no work, no pay”.
• May mga tinamaan ng COVID-19 na hindi natutukan kaya’t nasawi. Ang ilan ay humingi
ng tulong sa mga sikat na politiko kagaya ni Tulfo.

81
• Naging usapin din ang pagbibigay ng mga ayuda sa pamilya ng mga OFW.
• May mga pinauwing OFW na na-stranded.
• May mga OFW na hindi na pinasasahod at sampung buwan nang walang trabaho kaya’t
napilitang manlimos at mamasura.
• May mga nabaon sa utang mula sa pagkakasakit sa COVID-19.
Maaari ding panoorin at basahin ang mga sumusunod na link para sa karagdagang kaalaman:
https://www.facebook.com/OnePHonCignal/videos/232476638017427
https://kami.com.ph/113225-nag-viral-na-ofw-sa-riyadh-na-tinamaan-ng-covid-19-tutulungan-
na-ni-raffy-tulfo.html
https://balita.definitelyfilipino.com/posts/2020/08/dubai-ofw-na-2-buwang-na-intubate-dahil-sa-
covid-gumaling-na-p10-m-hospital-bills-sinagot-ng-employer
ANG KORAPSIYON BILANG SULIRANING MAHIRAP LUTASIN
Ang korapsiyon ay isang dahilan kung bakit umiiral ang patuloy na pananatili ng
burukratang kapitalismo, imperialismo at pyudalismo sa pangkalahatan. Kung ang korapsyon
ang nagbibigay-substansiya sa pambansang administrasyon, ang akses sa serbisyo publiko ay
binabalot ng politikang itinatakda ng namamayaning paksyon ng naghaharing uri.
Isa sa mga pinag-uusapang korapsyon sa bansa ay noong administrasyon ni GMA. Ayon
sa Ibon Media (2008), anim na malalaking korapsyon sa ilalim ni Gloria Arroyo ay may multi-
bilyong kabawasan sa pondo ng bayan kagaya ng:
• Fertilizer fund scam,
• The Jose Pidal bank accounts,
• The North rail project,
• The IMPSA power plant project,
• The poll automation project and
• The Macapagal Boulevard project, nakakulimbat ng halos P7.3 bilyong piso sa mga
Pilipino.
ANG NINANAKAW NG KORAPSIYON SA LIPUNAN
• Una, ang panlipunang mobilidad na naglalayon ng magandang estado ng ekonomiya sa
pamilya at mahal sa buhay.
• Ikalawa, ang pang-araw-araw na mobilidad na nagtataguyod ng gitnang uring panuntunan
sa ordinaryong buhay.
Ayon sa philstar.com, bahagyang gumanda ang lagay ng Pilipinas sa 2018 Corruption
Perceptions Index na isinagawa ng global anti-corruption watchdog at ng Transparency
International, noong 2017 sinasabing mula sa 34 CPI ay naging 36 CPI noong 2018.
Nagaganap din ang korapsiyon sa SAP Program ng Pamahalaan o ang Social
Amelioration Program kung saan ang mga benepisyaryo ng SAP aid ay dapat na makakukuha ng
emergency cash subsidy na ₱8,000 kung residente ng NCR at hindi bababa sa ₱5,000 kung

82
residente ng ibang lalawigan. Ayon sa DSWD, ang emergency subsidy na ito ay ibibigay in cash
sa Abril at Mayo. Ang mga benepisyaryo ng programang ito ay ang mga kabilang sa alinaman sa
mga ito: Senior Citizen, Persons with Disability (PWD), buntis at lactating mom, solo parent,
OFWs in Distress, Indigent Families, 4Ps members, Underprivileged Sector and Homeless
Citizens, Informal Economy Workers (kasambahay, PUV at private vehicle drivers, construction
workers, at iba pang mga daily wage earners).
Kasama rin dito ang mga manggagawang naka-avail sa DOLE programs, Senior citizens
na may SSS pension, Senior citizens na nakatira kasama ng anak o kapatid na nagbibigay ng
tulong pinansiyal, buntis at lactating mom na may asawa o partner na may continuous income
habang enhanced community quarantine (ECQ), solo parents na may partner na may continuous
income habang ECQ, OFW na ang income ay unaffected ng COVID-19 lockdowns at layoffs,
asawa ng OFWs na ang income ay unaffected ng COVID-19 lockdowns at layoffs, ulo ng
pamilya na walang trabaho pero nakatira kasama ng asawa o anak na may continuous income
habang ECQ, Informal Economy Worker na nakatira kasama ang asawa na may continuous
income na higit sa ₱5,000, applicants na unemployed bago pa man ang ECQ at dependent sa
tulong financial ng pamilya, Persons With Disability na nakatira kasama ng asawa o kamag-anak
na may continuous income habang ECQ.
Kaugnay nito, umusbong din ang problema kaugnay ng korapsiyon.
• May mga residenteng gumagamit ng SAP cash aid sa maling paraan kaya naman
nagbabala ang DSWD na mayroon itong katapat na parusa.
• May mga residente ring pumili nang ilang oras upang makakuha lamang ng SAP ngunit
ang ilan ay umuwing bigo.
• Naganap din ang palakasan o kamag-anak system. May mga nakatanggap kahit hindi
naman kuwalipikadong makakuha nito.
• May mga driver na nakatanggap ng SAP bunga ng pagkakaroon ng tigil pasada.
• May mga senior citizen at kapansanan ang pinapila pa rin bagaman hindi na ito dapat
gawin.
• Nagkaroon ng huwad na pamamahagi ng relief good. May mga naging puwersahan din
ang pagpapasuko at pagpapasunod sa mga mamamayan.
• May mga naitalang pangongorap o pangungupit sa mga SAP at relief ng mamamayan.
Narito pa ang karagdagang link patungkol sa SAP Program at Relief Goods:
https://news.abs-cbn.com/video/news/05/15/20/maling-paggamit-ng-sap-cash-aid-may-katapat-
na-parusa-dswd
https://www.gmanetwork.com/news/video/unangbalita/532278/mga-residente-ilang-oras-na-
pumila-para-makakuha-ng-sap/video
https://news.abs-cbn.com/video/news/05/04/20/pamimigay-ng-sap-cash-aid-sa-ilang-probinsiya-
inireklamo
https://cpp.ph/statements/huwad-na-pamamahagi-ng-relief-goods-gamit-ng-80th-ibpa-sa-
pwersahang-pagpapasuko-sa-mamamayan

83
KALAGAYAN NG MGA MANGGAGAWA SA PANAHON NG LOCKDOWN
(Kontraktuwal, Magsasaka, Tindero/a, Tsuper ng Dyip at Traysikel)
Ang mga manggagawang Pilipino ay tumutukoy sa mga taong kasangkot sa paggawa o
pagtratrabaho. Samantalang ang Paggawa ay paggamit ng lakas, talino, at kakayahan ng tao
upang makatulong sa produksiyon.
May dalawang uri ng paggawa, una na rito ang mga manggagawang mental kung saan,
sila ang mga taong ginagamit ang isip sa paggawa. Nariyan din ang mga manggagawang pisikal
na maituturing na mga taong higit na kailangan ang lakas ng katawan sa paggawa o
pagtratrabaho kagaya ng mga mason, construction workers, mga magsasaka, mga atletang Pinoy
na ginagamit ang lakas ng katawan tulad ng runner, swimmer, o biker.
Sa maraming pagkakataon, may mga manggagawang Pilipino na gumagamit ng pisikal at
isip o mental sa paggawa, tulad ng mga dentista, mga tagapagluto o chef, mga guro, nurses, at
drivers.
KALAGAYAN NG MGA MANGGAGAWA SA KASALUKUYAN
Kontraktwal. Isang katayuan sa trabaho kung saan ipinagkakait ang ugnayang
employer-employee sa pagitan ng isang manggagawa at ng kapitalista o kompanyang tunay na
nakikinabang sa kaniyang lakas-paggawa. Nagkakaroon lamang sila ng sahod kapag may
pinirmahang kontrata at maaari silang sibakin sa trabaho sa oras na natapos ang kanilang
kontrata.
• Sa panahong ito, maraming mga manggagawa ang nakaranas ng kagutuman dahil sila ay
no work, no pay.
• Naging resulta ng kawalang trabaho ang pagbuo ng mga kilusan o welga.
• May mga panawagang itigil na ang mga lockdown dahil mamamatay lamang sila sa
gutom at hindi sa virus.
• May mga manggagawang walang tahanan na nakaranas na ma-stranded sa Maynila.
• Sumisigaw ang nakararaming kontraktuwal na napako ang pangakong wawakasan ang
end of contract.
• May mga panawagan at kilusan na kailangang bigyan ng ayuda ang mga manggagawang
kontraktuwal at kailangan silang bigyan ng pasahod bunga ng quarantine.
• May mga ilang napilitang gumawa ng mga labag sa batas upang may maipakain sa
kanilang pamilya.
• May mga lumabag din sa health protocols sa panahon ng lockdown kagaya ng paglabas
upang makapaghanap ng ikabubuhay.
Basahin at panoorin din ang sumusunod na link:
https://www.pinoyweekly.org/2020/03/paid-quarantine-dapat
https://www.pinoyweekly.org/2019/08/kilusang-welga-sumusulong
https://www.pinoyweekly.org/2020/08/tama-ng-pandemya-sa-kawani

84
https://www.pinoyweekly.org/2020/04/silang-walang-tahanan-at-istranded-sa-kamaynilaan
https://manilatoday.net/napakong-pangakong-wakasan-ang-endo
Magsasaka. Sila ang mga taong nagtatanim at nangangalaga ng mga pananim, at/o nag-
aalaga ng mga hayop at nabubuhay na mga organismong kapaki-pakinabang upang gawing
pagkain maging sa mga hilaw na mga materyales. Sa panahon ng pandemya, hindi rin nakaligtas
ang mga ito sa hagupit ng lockdown at quarantine kabilang na ang:
• Sa kabila ng pagsisipag ay may mga nasirang pananim.
• May mga magsasakang malaki ang presyo ng nalugi bunga ng mga lockdown at
quarantine.
• May mga aning ibinenta sa pinakamurang halaga kagaya ng mga gulay na halos ipamigay
at itapon na lamang.
• Sa kabila ng banta ng panic buying, natiyak na hindi mawawalan ng suplay ng pagkain
dahil nariyan ang mga magsasaka.
• Nagpatuloy ang buhay sa kabila ng tila pagtigil ng mundo sa tulong din ng mga
magsasaka sa pamamagitan ng kanilang mga produktong agrikultural.
• May mga ilan sa kanila na gumagawa ng dobleng trabaho kagaya ng pagsasaka at
pagbababoy.
• May mga ilan sa kanila ang nakatanggap ng ayuda.
Narito ang iba pang mga link na iyong mababasa sa internet para sa mas malawak na kaalaman:
http://masipag.org/2020/03/masipag-covid19-statement
https://globalfarmernetwork.org/2020/05/adaptive-agriculture-during-a-global-pandemic
https://www.sudannews.net/news/266150202/6718-magsasaka-magbababoy-sa-pampanga-
tumanggap-ng-ayuda
https://pcoo.gov.ph/media-interview/cabinet-report-sa-teleradyo-covid-19-special-hosted-by-
presidential-communications-operations-office-secretary-martin-andanar-with-department-of-
agriculture-secretary-william-dar-department
Tindero/a. Sila ang mga naglalaan ng mga produkto at serbisyo sa katumbas na halaga
ng salapi. Sa panahon ng pandemya, iba-iba rin ang kanilang naging karanasan at sitwasyon.
May mga itunuring ang pandemya bilang biyaya at mayroon din namang naging pasakit ito sa
kanila. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
• May mga nalugi ang kanilang puhunan bunga ng kawalan ng mamimili dahil sa
lockdown kagaya ng mga nagtitinda ng school supplies at iba pang mga kagamitan na
hindi kinailangan sa panahon na ito.
• May mga kumita nang labis kagaya ng mga nagbebenta ng alcohol, facemask at iba pang
mga itunuturing na pangunahing kailangan sa panahong iyon.
• May mga mas lalong umunlad ang kanilang negosyo sa pamamagitan ng kanilang
paggamit sa teknolohiya at internet kagaya ng mga e-negosyo.

85
• May mga ilang naging matumal ang bentahan katulad sa mga nagtitinda sa palengke
bunga ng pagbabawal sa mga tao na lumabas liban sa mga iilang may pahintulot.
• May nangibabaw pa rin sa panahong ito na bayanihan kung saan ay may mga tinderong
sa halip na pataasin ang presyo ng bilihin ay pinababa ito.
Basahin din ang mga sumusunod na link upang mas mapalalim ang iyong karunungan.
https://pia.gov.ph/features/articles/1046453
https://www.pinoyweekly.org/2020/03/bayanihan-kontra-covid-19
https://pcoo.gov.ph/press-briefing/laging-handa-public-briefing-hosted-by-pcoo-secretary-artin-
andanar-undersecretary-rocky-ignacio-with-cabinet-secretary-karlo-alexei-nograles-department-
of-agriculture-secretary-william-dar-depa
https://palawan-news.com/talipapa-sa-lungsod-kumita-sa-pagsasara-ng-mga-palengke
Tsuper. Sila ang mga taong naghahatid sa lugar na pupuntahan ng mga pasahero,
madalas ay mga nagmamaneho ng dyip. Sa panahon ng pandemya, sila ay isa rin sa may mapait
na karanasan kagaya ng mga sumusunod:
• Nagkaroon ng tigil pasada kaya tumigil din ang kanilang hanapbuhay.
• Nagdulot ito ng kawalang-kita kaya marami sa kanila ang nagutom.
• Napilitan ang ilang mga tsuper na manlimos upang makakain.
• Marami rin sa kanila ang gumawa ng paraan upang kumita kagaya ng pagtatrabaho
bilang delivery driver.
• May mga ilang probinsiya na naglaan ng tulong pinansiyal sa mga tsuper.
• May mga ilang nagbenta na lamang ng buko para kumita.
• May mga grupong nanawagan na magkaroon ng balik-pasada sa gitna ng COVID-19.
• Nahati rin ang kanilang kinikita bunga ng paglilimita sa bilang ng pasahero.
• Sa kabila ng paghihirap ng mga driver, may mga naglaan ng libreng pasada para sa mga
frontliner.
Maaaring basahin ang mga sumsunod na link para sa karagdagang impormasyon.
https://www.pinoyweekly.org/2019/10/tigil-pasada-laban-sa-tuluyang-pagpapatigil-pasada-ng-
gobyerno-sa-mga-jeepney
https://news.abs-cbn.com/video/news/06/17/20/mga-tsuper-namamalimos-jeepney-groups-
muling-umapelang-bumalik-pasada
https://news.abs-cbn.com/news/08/05/20/ilang-tsuper-sa-maynila-nagbebenta-ng-buko-para-
mairaos-ang-tigil-pasada
https://mb.com.ph/2020/05/07/tsuperheroes-provides-free-transportation-for-covid-19-frontliners

86
SINTESIS

Sa pamamagitan ng mga paksa, naunawaan nating ang ating lipunang ginagalawan ay


pinamumugaran ng iba’t ibang mga suliranin at hamon na nakahahadlang sa bawat isa upang
lubusang matamasa ang tamis at sarap ng buhay. Ang mga problemang ito ay nag-iiba sa
antas at tindi depende sa sitwasyon, antas at estado ng pamumuhay ng tao. Para sa iba,
maaaring ito ay mababaw lamang, sa iba naman ay hindi nadaramang sila ay apektado ngunit
mababanaag ang liwanag hinggil sa ating mga katangian bilang Pilipino kagaya ng pagiging
matatag at positibo. Sa pagsilip sa ating wika at paraan ng pakikipagkomunikasyon,
mababakas ang realidad ng ating pamumuhay at lipunang ginagalawan kasama na rito ang
mga problemang pilit nating nilalampasan. Mula sa iba’t ibang danas ng mga manggagawang
Pilipino nakita natin kung paanong sinikap ng iba na manatiling mabuti, matapat, matulungin,
mapagpakumbaba, at patas—mga katangiang nararapat na ipasa at ituro sa bawat
henerasyon. Maaaring masabing masama itong uri ng lipunan kinatutunghay ngunit tandaang
hindi kailanman naging masama ang biyaya ng Diyos—ang buhay.

GAWAIN
Ngayong natapos na ang ating paksa hinggil sa mga isyung panlipunan, iyo na ang
pagkakataon upang ipakita ang mga natutuhan. Upang lubos nating mataya ang iyong nalaman
sa naging paksa, narito ang iyong mga gawain. Huminga nang malalim at gawin ang mga
sumusunod:
a. Maikling Pagsusulit
Sa pamamagitan ng gawaing ito, maipakikita ang iyong kaalaman sa mga mahahalagang
punto sa talakayan. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa paraang matalino ngunit hindi
labis na masalita. Isulat ito sa isang yellow paper at ipasa sa itinakdang araw.
1. Paano mo mabibigyang-kahulugan ang salitang isyung panlipunan?
2. Ano ang korapsiyon at paano nito naaapektuhan ang pamumuhay ng mga tao?
3. Ano ang kahirapan para sa iyo at ano sa tingin mo ang mabisang paraan upang ito ay
matuldukan? Sa iyong simpleng paraan, paano mo ito malulutas?
4. Paano mo mailalarawan ang sistemang pang-edukasyon sa kasalukuyan kung
ihahambing sa panahon ng pandemya?
5. Ano-ano ang mga naging realisasyon mo sa naging paksa?

87
b. Pagsasagawa ng presentasyon mula sa nabuong dalumat
Ang gawaing ito ay naglalayong maipamalas mo bilang mag-aaral ang kamalayang
panlipunan at malalim na pag-iisip hinggil sa pagbuo ng kahulugan ng isang salita na sasaklaw
sa panlipunang danas sa isang tiyak na panahon ng mga mamamayan. Basahin ang mga
sumusunod na alituntunin:
1. Ang gawaing ito ay gagawain nang papangkat. Ang bawat pangkat ay may limang
miyembro. Ibibigay ang pangkat sa group chat. Gagamitin ang roleta upang maging patas ang
pagpapangkat.
2. Ang bawat miyembro ay kinakailangang magkaroon ng aktibong partisipasyon upang
maging matagumpay ang gawain. Tatanggalin ang mga hindi tumutulong sa gawain.
3. Ang bawat pangkat ay magsasagawa ng pagdadalumat sa mga usaping panlipunan
kagaya ng mga salitang umusbong sa panahon ng pandemya kung saan ang salitang ito ay
naglululan ng mga karanasan ng nakararaming Pilipino at realidad sa nasabing panahon. Kasama
rito ang pagmumungkahi ng mga nararapat na solusyon na sa tingin ninyo’y nakabubuti sa
bansa.
4. Matapos makapagsagawa ng dalumat, ito ay itatanghal sa klase. Ang paraan ng
pagtatanghal ay hindi yaong mga tipikal na magsasalita lamang sa harap. Kailangang ito ay
malikhain kagaya ng pagsisimula sa presentasyon, habang nagtatanghal at pagkatapos ng
presentasyon.
5. Iikot ang pagmamarka sa nilalaman ng mismong dalumat o ang kabuluhan at lalim
nito, ang pagkamalikhain ng dalumat, ang tiwala sa sarili ng mga nagtatanghal at ang
pagkamalikhain ng mismong pagtatanghal. Isasagawa ito sa araw na itinakda.
c. Pagbuo ng replektibong sanasay
Sa pamamagitan ng gawaing ito, mailalahad ng mag-aaral ang kaniyang mga naging
realisasyon hinggil sa paksa. Lumalampas ito sa mga pagbabanggit ng mga tiyak na
impormasyong natuklasan. Kaya naman, sa gawaing ito ay mas makikita kung paano mo
naiuugnay ang iyong natutuhan. Sa madaling sabi, ang sanaysay na ito ay naglalaman ng iyong
mga naging AHA moments o mga natutuhan na hindi mo pa nalalaman noon. Narito ang mga
panuto.
Sa isang yellow paper, isulat ang iyong kasagutan para sa katanungang ibibigay ng guro.
Ipapasa ito sa itinakdang araw. Bibigyan ito ng marka batay sa nilalaman, kaayusan ng mga
ideya, gramatika at ang pagpapasa sa pinagkasunduang araw. Sa ibaba ay ang iikutang tanong ng
magiging replektibong sanaysay:
1. Anong pinakamahalagang tuklas ang iyong natamo mula sa araling ito at paano mo ito
magagamit sa pagpapabuti ng iyong sarili, ng kapuwa at buong bansa.
d. Graded recitation
Ang gawaing ito ay gagawin nang face-to-face at kung hindi man ay maaaring sa
pamamagitan ng google meet o zoom. Paraan din ang gawaing ito upang mataya ang iyong mga

88
natutuhan sa aralin. Ang mga paksang lalamanin ng tanong ay ang mga nasa ibaba. Asahang
hindi lamang payak na tanong na nagsisimula sa ano, o bakit ang ibabato. Maaari ding
magtanong na papasok ang analysis at pag-uugnay. Mamarkahan ito batay sa nilalaman at tiwala
sa sarili. Sa ibaba ay mga paksang iikutan ng mga tanong/
1. Ang Pilipinas sa panahon ng pandemya (Lockdown)
2. Konsepto ng Bayani bunsod ng kalagayan ng mga Nars, Guro, at OFW sa panahon ng
pandemya
3. Ang korapsiyon sa panahon ng pananalasa ng COVID-19
4. Mga programang nailunsad sa panahon ng pandemya
5. Kalagayan ng iba’t ibang mga manggagawa sa panahon ng pandemya
e. Pagsasangang-diwa
Ang gawaing ito ay naglalayong mataya rin ang iyong malalim na pag-unawa. Basahing
mabuti ang mga panuto sa ibaba upang maisagawa ito nang tama.
1. Ang gawaing ito ay mabubuo sa pamamagitan ng pagtutulungan ng tatlong mag-aaral.
Bawal ang kumulang o lumabis sa bilang na ito ang magsasama-sama.
2. Itatanghal ito sa araw na napagkasunduan ng mga mag-aaral at guro. Bibigyan kayo ng
dalawang linggo para makapaghanda.
3. Para sa gawain, kayong magkakapangkat ay magsasagawa ng pagsasangang-diwa o
pagbabahaginan upang makabuo ng isang matalinong ideya hinggil sa idinulot ng pandemya at
globalisasyon sa kultura, wika at kamalayan ng mga Pilipino. Maaari itong ilahad sa iba’t ibang
paraan kagaya ng pasanaysay na babasahin nang may buhay, paawit, patula, pakuwento at iba
pang pamamaraan ngunit ipakikita ito sa buong klase.
Hindi dapat lalampas sa 15 minuto ang tagal ng presentasyon. Mamarkahan ito batay sa
pagkamalikhain, nilalaman, kabuluhan, impak o kawilihan sa mga tagapakinig/manonood at
pagsunod sa oras. Ang mga ito ay masasalamin sa nabuong rubriks ng guro.

SANGGUNIAN

MGA LARAWAN O ICON

Book Symbol, Web Design, Line, Logo, Square, Diagram, Rectangle png . (n.d.). Retrieved from
Klipartz.com: https://www.klipartz.com/en/sticker-png-bwekm
Eucalp. (n.d.). Analyze Synthesis. Retrieved from thenounproject.com:
https://thenounproject.com/icon/analyze-synthesis-3159210/

89
Objective Icon. (n.d.). Retrieved from Freepik.com:
https://www.freepik.com/icon/objectives_4375256
Sobahus, S. (2020, June 19). writing symbols open book line icons and pencils. design template
vector. Retrieved from alamy.com: https://www.alamy.com/writing-symbols-open-book-
line-icons-and-pencils-design-template-vector-image363564086.html

MGA ARALIN

6,718 magsasaka, magbababoy sa Pampanga tumanggap ng ayuda. (2020, August 20).


Retrieved from Suddannews.net: https://www.sudannews.net/news/266150202/6718-
magsasaka-magbababoy-sa-pampanga-tumanggap-ng-ayuda
Abelgas, G. (2020, April 1). Digong may babala sa mga mangungupit sa cash at relief!
Retrieved from Philstar.com: https://www.philstar.com/pang-masa/punto-
mo/2020/04/01/2004711/digong-may-babala-sa-mga-mangungupit-sa-cash-relief
Aguilar, J. L. (2017). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Jenher Publishing House.
Ang Kritikal na Papel ng mga Maliliit na Magsasaka sa Pag-ampat sa Krisis sa Pagkain na
Inilantad ng COVID-19. (2020, March 26). Retrieved from Masipag.com:
https://masipag.org/2020/03/masipag-covid19-statement/
Ang Mga Katotohanan Tungkol sa COVID-19 - Coronavirus. (2020). Accesss, 1-4.
Ang Totoong Estado ng Sistemang Pangkalusugan sa Pilipinas. (2018, October). Retrieved from
Suliraningpanlupunan.blogspot: https://suliraningpangkalusugan.blogspot.com/
ANO ANG MAGAGAWA MO UPANG MAIWASAN ANG PAGKALAT NG NOVEL
CORONAVIRUS [2019-NCOV]? (n.d.). Retrieved from Department of Health:
https://doh.gov.ph/node/19132
Atienza, Monico m. at Constantino, Ernesto A. 1996. Mga Piling Diskurso ng Wika at Lipunan.
Diliman, Lungsod Quezon: University of the Philippines Press.
Bayáni. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for
Culture and the Arts.
Bayaning gutom, istranded at inabandona. (2020, May 1). Retrieved from Altermidya:
https://www.altermidya.net/bayaning-gutom-istranded-at-inabandona/
Bong Go: Help OFWs stranded in quarantine facilities in Metro Manila. (2020, May 25).
Retrieved from legacy.senate.com:
https://legacy.senate.gov.ph/press_release/2020/0525_go2.asp
Coronavirus: Bakit kailangang palayain ang mga low-risk, may sakit, elderly prisoners? (2020,
April 16). Retrieved from Rappler.com: https://www.rappler.com/newsbreak/podcasts-
videos/258130-beyond-stories-prisoners-release-coronavirus-outbreak/

90
Coronavirus: Epektibo ba ang crisis messaging ni Pangulong Duterte? (2020, May 1). Retrieved
from Rappler.com: https://www.rappler.com/newsbreak/podcasts-videos/259456-beyond-
stories-duterte-coronavirus-crisis-messaging/
Covid-19 around the World – Farmer Views. (2020, March 24). Retrieved from Global Farmer
Network: https://globalfarmernetwork.org/covid-19-around-the-world-farmer-views/
Dacuma, M. G. (n.d.). Paliwanag Kung Paano Nagaganap ang Isang Epidemya at Ano ang Ibig
Sabihin ng Epidemic Wave. Retrieved from Microsoft word: https://up.edu.ph/wp-
content/uploads/2020/05/Briefer_Epidemic_Wave-Final-Filipino2-1.pdf
DepEd urged to consider policy inputs from teachers. (2019, December 11). Retrieved from
Manila Bulletin: https://mb.com.ph/2019/12/11/deped-urged-to-consider-policy-inputs-
from-teachers
Gonzales, L. R. (2020, July 06). Talipapa sa lungsod, kumita sa pagsasara ng mga palengke.
Retrieved from Palawan News.com: https://palawan-news.com/talipapa-sa-lungsod-
kumita-sa-pagsasara-ng-mga-palengke/
Huwag Kawawain ang Nurses. (2020, July 20). Retrieved from Philstar.com:
https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2020/07/20/2029292/editoryal-huwag-
kawawain-ang-nurses
Ilang tsuper sa Maynila nagbebenta ng buko para mairaos ang tigil-pasada. (2020, August 05).
Retrieved from ABS-CBN News: https://news.abs-cbn.com/news/08/05/20/ilang-tsuper-
sa-maynila-nagbebenta-ng-buko-para-mairaos-ang-tigil-pasada
Kalagayan ng OFW Caregiver Ngayong May COVID - 19. (2020, March 27). Retrieved from
Facebook.com: https://web.facebook.com/watch/?v=2565677510373844
Kelley, D. (2020, May 28). Adaptive Agriculture During a Global Pandemic. Retrieved from
Global Farmer Network: https://globalfarmernetwork.org/adaptive-agriculture-during-a-
global-pandemic/
Maling paggamit ng SAP cash aid may katapat na parusa: DSWD. (2020, May 15). Retrieved
from ABS-CBN News: https://news.abs-cbn.com/video/news/05/15/20/maling-paggamit-
ng-sap-cash-aid-may-katapat-na-parusa-dswd
Mga problemang pasan ng mga estudyante sa panahon ng pandemya. (May, 14 20). Retrieved
from Rappler.com: https://www.rappler.com/newsbreak/podcasts-videos/260843-beyond-
stories-problems-burden-students-coronavirus-pandemic-philippines/
Mamangun, J. M. (2020, March 14). Kung pinaghahandaan ng ilang guro ang pasukan sa
panahon ng pandemya. Retrieved from Kadao.org: https://kodao.org/kung-paano-
pinaghahandaan-ng-ilang-guro-ang-pasukan-sa-panahon-ng-pandemya/
May sapat na pera ba ang Duterte gov’t para sa coronavirus response? (2020, April 9).
Retrieved from Rappler.com: https://www.rappler.com/newsbreak/podcasts-
videos/257167-beyond-stories-enough-cash-duterte-government-fund-coronavirus-
response/

91
Manila, R. (2020, August 20). Kalagayan ng mga medical workers, hindi nagbago sa kabila ng
dalawang linggong MECQ. Retrieved from Radyoman Manila: https://rmn.ph/kalagayan-
ng-mga-medical-workers-hindi-nagbago-sa-kabila-ng-dalawang-linggong-mecq/
Maraming Nurse sa Bansa Nagtatrabaho Ng 12-hr Shift vs. COVID-19 —FNU. (2020, July 20).
Retrieved from DWIZ 882: https://www.dwiz882am.com/index.php/maraming-nurse-sa-
bansa-nagta-trabaho-ng-12-hr-shift-vs-covid-19-fnu/
Masikip na pasilidad, paniningil idinaing ng OFWs na naka-quarantine sa barko. (2020, April
20). Retrieved from ABS-CBN: https://news.abs-cbn.com/news/04/20/20/masikip-na-
pasilidad-paniningil-idinaing-ng-ofws-na-naka-quarantine-sa-barko
Mga residente, ilang oras na pumila para makakuha ng SAP. (2020, May 07). Retrieved from
GMANetwork.com: https://www.gmanetwork.com/news/video/unangbalita/532278/mga-
residente-ilang-oras-na-pumila-para-makakuha-ng-sap/video/
Mga tsuper 'namamalimos': Jeepney groups muling umapelang bumalik-pasada. (2020, June
17). Retrieved from ABS-CBN News: https://news.abs-
cbn.com/video/news/06/17/20/mga-tsuper-namamalimos-jeepney-groups-muling-
umapelang-bumalik-pasada
Napakong pangakong wakasan ang endo. (2020, February 15). Retrieved from Manila Today:
https://manilatoday.net/napakong-pangakong-wakasan-ang-endo/
Network-Philippines, U. f. (2020, April 8). WALO SA PRIBADO: Ayuda para sa mga Guro at
Kawani sa Pribadong Paaralan, Ibigay! Retrieved from change.org:
https://www.change.org/p/commission-on-higher-education-walo-sa-pribado-ayuda-para-
sa-mga-guro-at-kawani-sa-pribadong-paaralan-ibigay
Organization, W. H. (2020, March 20). Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang
sarili at ang iba laban sa COVID-19. Retrieved from who.int:
https://www.who.int/philippines/news/feature-stories/detail/pitong-simpleng-hakbang-
upang-maprotektahan-ang-sarili-at-ang-iba-laban-sa-covid-19
Pagpapauwi sa mga probinsiya sa stranded OFWs, hinahanapan pa ng paraan ng OWWA.
(2020, April 22). Retrieved from ABS-CBN News: https://news.abs-
cbn.com/news/04/22/20/pagpapauwi-sa-mga-probinsiya-sa-stranded-ofws-hinahanapan-
pa-ng-paraan-ng-owwa
Pamimigay ng SAP cash aid sa ilang probinsiya inireklamo. (2020, May 04). Retrieved from
ABS-CBN News: https://news.abs-cbn.com/video/news/05/04/20/pamimigay-ng-sap-
cash-aid-sa-ilang-probinsiya-inireklamo
Panukala ni Revilla na mapagaan ang kalagayan ng mga OFW na apektado ng covid-19
Pandemic, Suportado ng DOLE. (n.d.). Retrieved from bongrevillajr.ph/:
https://www.bongrevillajr.ph/post-press-releases/2020/6/24/dole-supports-sen-revillas-s-
no-801-to-ease-plight-of-ofws-affected-by-covid-19-pandemic

92
Pinay Nurse na tinamaan ng COVID-19, Nagbahagi na kanyang Aktwal na Kalagayan. (n.d.).
Retrieved from Tamabatan ko to: https://www.tambayankoto.club/2020/03/Pinay-Nurse-
na-tinamaan-ng-COVID-19-Nagbahagi-na-kanyang-Aktwal-na-Kalagayan.html
Relativo, J. (2020, May 21). Hangga't walang bakuna sa COVID-19, klase 'wag buksan —
mambabatas. Retrieved from Philstar.com: https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/bansa/2020/05/21/2015536/hanggat-walang-bakuna-sa-covid-19-klase-wag-
buksan-mambabatas
Sanchez, K. (2019, May 7). Mga isyu sa pambansang kalusugan. Retrieved from Philstar
Ngayon.com: https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/opinyon/2019/05/07/1915733/mga-isyu-sa-pambansang-kalusugan
Senior Citizens, PWDs Huwag nang Papilahin Para Sa SAP. (2020, May 04). Retrieved from
Pilipino Mirror: https://pilipinomirror.com/senior-citizens-pwds-huwag-nang-papilahin-
para-sa-sap/
TsuperHeroes provides free transportation for COVID-19 frontliners. (2020, May 27). Retrieved
from Manila Bulletin: https://mb.com.ph/2020/05/07/tsuperheroes-provides-free-
transportation-for-covid-19-frontliners
Tulong-pinansyal hatid ng Pasig para sa mga tsuper. (2020, March 27). Retrieved from Big
News Network.com: https://www.bignewsnetwork.com/news/264441716/tulong-
pinansyal-hatid-ng-pasig-para-sa-mga-tsuper
Vigan, B. R. (March, 17 2020). Pinoy sa Saudi Arabia, nagpositibo sa COVID-19. Retrieved
from Bomboradyo.com: https://bomboradyo.com/pinoy-sa-saudi-arabia-nagpositibo-sa-
covid-19
Villar, M. (2017, Feb 8). Ang Isyu sa Kalusugan. Retrieved from pressreader.com:
https://www.pressreader.com/philippines/balita/20170208/281711204389072

93
LAYUNIN
Matapos ang masinsinang talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang taglay ang mga
sumusunod:
a. Natutukoy ang mga hakbang at pamamaraan sa pagsasagawa ng mga tiyak na sitwasyong
pangkomunikasyon.
b. Natatalakay ang mga tagubilin para sa matagumpay na sitwasyong pangkomunikasyon.
c. Nagagamit ang iba’t ibang sitwasyong pangkomunikasyon sa matalinong pagtalakay ng
mga mahahalagang paksa.
d. Nakagagawa ng isang organisadong sitwasyong pangkomunikasyon.

MGA PAKSA
5. Mga Tiyak na Sitwasyong Pangkomunikasyon
a. Lektyur, Seminar at Worksyap; b. Forum, Simposyum, Kumperensya at Kongreso; c.
Roundtable at Small Group Discussion; d. Pulong/Miting at Asembliya; e. Programa sa Radyo
at Telebisyon; f. Video Conferencing; g. Komunikasyon sa social media

PANIMULA
Kasabay na lumalakad na mundo ang progresibong pagbabago. Ang pagbabagong ito ay
nanghihimasok sa bawat hibla ng mga sistema kagaya na lamang sa usapin ng wika. Kung
babalikan ang mga walang kamatayang teorya, sinasabing ang wika ay hindi pa gaanong matatag
kung ihahambing sa kasalukuyan.
Ngunit sa pagtagal ay nagawa itong paunlarin ng tao gamit ang kaniyang talino upang
kasangkapanin sa iba’t ibang gawaing kaniyang kasama sa buhay—mga gawaing sa katagalan ay
unti-unti ring tumaas ang antas na lumikha ng maraming karunungan. Isang patunay ang
pagsilang ng iba’t ibang mga sitwasyong pangkomunikasyon na nagsasaad ng mga mataas na uri
ng pakikipag-ugnayan kung saan ay pangunahing sangkap ang mga kasanayang komunikatibo at
intelektuwal upang ito ay maisagawa.
Kaya naman sa bahaging ito ay tutuklasin ang iba pang gamit ng wikang Filipino
kaugnay ng mataas na antas ng komunikasyon gamit ang mga tuklas at produkto ng karunungan
ng tao—ang teknolohiya.
Kaya naman, sa talakayang ito, siguraduhing walang lalaktawang mga impormasyon
dahil nakatitiyak akong ito ay lubos na makatutulong sa iyo. Nawa’y matuto ka nang lubos sa
paksang ito. Simulan na ang pagtalakay!

94
NILALAMAN
MGA TIYAK NA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng wika upang magkaunawaan ang isang pangkat
ng tao. Nakatutulong nang malaki ang wikang ito sa mga sitwasyong pangkomunilasuon ng mga
tao. Ayon kay Dale (1969) ang komunikasyon ay may malaking gampanin sa lipunan sa
pamamagitan ng pagbabahagi ng ideya at damdamin sa estado ng pagkakaunawaan ng lipunan.
Ang paghahatid at pagbabahagi ng impormasyon, saloobin, ideya at karanasan sa ibang tao ay
maituturing na komunikasyon. Sa ibaba ay mga tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon.
LEKTYUR AT SEMINAR
Ayon kina Raja at Rao, ito ay mga uri ng estratehiya ng pagtuturo para sa mas mataas na
pagkatuto. Tinatalakay at inaanalisa ang isang tiyak na paksa sa pamamagitan ng pangkatang
pagtalakay upang makabuo ng isang desisyon o konsepto.
URI NG SEMINAR
1. Mini-Seminar. Kadalasang kakaunti lamang ang mga dumadalo at simple ang
konseptong tatalakayin. Maaaring naituro na o ituturo pa lamang. Madalas na ginagawa ito sa
silid-aralan na nakatutulong upang mahubog sa mga mag-aaral ang kakayahang maunawaan ang
mga kailangan sa pagsasagawa ng malalaki pang uri ng seminar. Sa pamamagitan nito ay
mararanasan ng mga mag-aaral ang paggawa ng aktuwal at malalaking seminar.
2. Medyor Seminar. Ginagawa ito ng isang institusyon o kagawaran para sa isang tiyak na
paksa. Karaniwan itong dinadaluhan ng mga mag-aaral at guro. Nagaganap ito nang isang beses
sa isang buwan. Kailangang pumili ng paksang akma sa seminar.
3. National Seminar. Inoorganisa ito ng mga asosasyon na may kaugnayan sa akademya o
mga samahan na isinasagawa sa antas pambansa. Madalas na iniimbitahan ang isang dalubhasa
na magtalakay sa isang paksa.
4. Internasyonal na Seminar. Isinasagawa ito ng mga internasyonal na ahensiya o
organisasyon. Kadalasang mas malawak ang tema ng pagtatalakay kagaya sa mga may
kinalaman sa globalisasyon, inobasyon, at pagpapatupad ng iba’t ibang polisiya.
WORKSHOP
Isa ito sa pinakamabisang paraan ng pagbabahagi ng kaalaman at kasanayan sa ibang tao.
Nabibigyan ng pagkakataon ang isang tao na isagawa ang mga nais niyang matutuhan ngunit
kinakailangan dito ang maayos na pagpaplano at pagtanggap ng mga responsibilidad upang
maisakatuparan.
1. Pagpili. Ito ang unang hakbang na dapat isagawa sa pagbuo ng workshop. Kailangang
maging malinaw ang layuning nais matamo. Kinakailangan ding maisaalang-alang ang mga nais
maibigay o maipaunawa sa mga taong dadalo.

95
2. Pagpaplano. Sa gawaing ito, maaari nang buoin ang talaan ng mga gagawin kagaya na
lamang ng:
• Petsa, oras at haba ng gagawing workshop.
• Lugar kung saan isasagawa.
• Mga kinakailangang kagamitan.
• Inaasahang bilang ng mga dadalo.
• Paglalatag ng kakailanganing badyet.
• Transportasyon.
Maaari namang makipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya o organisasyon na maaring
makatutulong sa gawaing ito. Ipaalam kaagad sa kanila at mas mainam kung may kalakip na
liham ang mga napagkasunduan.
3. Pagpapatupad. Sa bahaging ito ay magkakaroon na ng pagsasagawa ng mga
nakaplanong gawain para sa binubuong workshop. Makabubuti kung maghahanda ng tseklist
upang maging organisado at walang makalimutang gawain sa oras na magsimula ito. Muling
balikan ang mga nabuong plano kasama na ang mga taong mangunguna sa pangangasiwa. Isipin
din ang mga maaaring dumating na problema at ang mga kaakibat na solusyon.
4. Set up. Ito ay ang mga maaaring kailanganin bago dumating ang mga dadalo.
Halimbawa:
• Inspeksiyunin ang mga audio-visual na kagamitan.
• Isaayos ang mga inihandang pagkain.
• Ihanay ang mga lamesa at upuan.
• Maghanda ng talaan ng mga dadalo.
• Siguraduhing ang lahat ng kailangang materyales ay nakahanda na.
5. Daloy ng programa. Nakalahad dito ang magiging takbo ng kabuoang programa kasama
ang mga iskrip ng mga isinagawang aktibidad. Ilahad nang sistematiko ang bawat gawain, oras
na gugugulin, mangunguna sa itinakdang gawain, at mga kagamitang kinakailangan. Matapos
maisagawa ang workshop, isulat ang mga kailangang gawin sa oras na umalis ang mga dumalo.
Halimbawa:
• Ibalik ang mga kagamitang ginamit.
• Linisin ang lamesa at buong lugar na pinagdausan ng workshop.
• Tipunin ang mga inihandang materyales na hindi nagamit.
• Isara ang silid na pinagganapan ng workshop.
• Maghatid ng pasasalamat sa mga taong naging katuwang sa pagsasagawa ng programa.
6. Pagtataya. Mainam na balikan ang naging pagkukulang ng ginawang workshop upang
malaman ang mga naging problema at upang maiwasan sa susunod na gawain. Bigyang-pansin
din ang naging kalakasan.
Sa mga dumalo, kailangang maging obhektibo sa pagbibigay ng mga puna. Ginagawa ang
pagtataya upang malaman kung ano ang natutuhan ng bawat isa.

96
FORUM
Sa pagsasagawa ng forum, ayon kay Whitley (2002), kinakailangang tandaan at isaalang-alang
ang mga sumusunod na gabay:
• Talakayin nang malinaw ang layunin sa pagsasagawa ng forum.
• Isaad ang mga layuning nais makamit sa pagsasagawa nito.
• Ilahad ang mga mahalagang mensahe at makatotohanang datos na nais ipaunawa sa mga
tagapakinig.
• Maging maingat sa pagtatakda ng oras para sa pagpapalano. Tiyaking nasusunod ang
gawain sa itinakdang oras.
• Pag-isipang mabuti ang magiging daloy ng forum at isulat sa itinakdang panahon.
• Maghanap ng maaaring maging sponsor sa forum. Makipagtulungan din sa ibang
organisasyon na may kinalaman sa isasagawang gawain.
• Magtalaga ng mga taong mangangasiwa at mangunguna sa pagsasagawa ng forum.
• Itala ang lahat ng mga kinakailangang budget.
• Bumuo ng daloy ng programa.
• Kailangang matiyak na ang lahat ay tumutulong at sumusuporta sa takdang gawain.
• Magsagawa ng pulong matapos ang kumperensya at likumin ang kanilang mga komento.
• Magpasalamat sa lahat ng mga tumulong sa forum.
SYMPOSIYUM O KOMPERENSIYA
Ayon kay Dr. Cathy Key sa kaniyang The Keynote Guide to Planning a Successful
Conference, dapat isaalang-alang ang mga sumusunod upang maging matagumpay ang gagawing
simposiyum o komperensiya:
1. Bumuo ng naaabot na layunin sa gagawing komperensiya. Upang mabuo ito,
maaring magsagawa ng sarbey sa pangkat ng mga inaasahang dadalo sa gagawing komperensiya
para malaman ang kanilang inaasahan sa gawain. Upang mapadali at mapabilis ang pangangalap
ng mga datos ay maaring gumawa ang organisasyon ng opisyal na website.
2. Magtalaga ng mga taong mangunguna at lumikha ng komite para sa mga gawain.
Ang lahat ng kabilang sa organisasyon ay makibahagi sa ikatatagumpay ng gawain. Mas
magiging madali ang gawain kung naibabahagi ito sa lahat nang maayos at upang magkaroon ng
pananagutan ang bawat isa. Makabubuti na gumawa ng talaan na naglalaman ng numero ng
telepono, email, at mga miyembro ng pangkat upang mas madali ang komunikasyon sa bawat
isa. Mas mainam na lahat ng miyembro ay may kopya ng talaan upang maging mabilis ang
ugnayan.
3. Paglalatag ng kinakailangang badyet. Upang makatipid sa gugugulin, kailangang
pag-aralan itong mabuti. Kung sakaling hindi kayanin ang nakalaang badyet, dapat na maghanap
ng alternatibo. Siguraduhing wasto ang kompyutasyon ng mga gastusin.
4. Gumawa ng plano ng mga dapat gawin na nakasaad kung sino at kailan dapat
tapusin. Makatutulong ang paggawa ng sistemakong plano ng mga dapat gawin upang hindi

97
malihis sa mga inaasahang makamit. Kailangang nakasulat din ang mahahalagang petsa kung
kailan dapat maisakatuparan ang bawat gawain. Dapat din na mahigpit itong sinusunod nang
maisawasan ang pagkabinbin ng mga gawain. Ito ay makatutulong upang mabigyan ng ideya ang
bawat isa kung ano ang tatakbuhin ng isasagawang programa.
5. Bumuo ng daloy ng programa. Kailangang maayos ang pagkakasunud-sunod ng
bawat gawain sa pagbuo ng daloy ng programa.
6. Siguraduhing ang lahat ay tumutulong at sumusuporta sa takdang gawain.
Magkaroon ng bukas at malayang komunikasyon sa bawat miyembro upang masiguro na ang
lahat ay kumikilos at gumagawa batay sa mga iniaatang na gawain sa kanila. Kung sakaling
hindi kayanin ng isa ang iniatang sa kaniya ay maaring magtakda ng taong papalit o tutulong sa
gawain upang hindi maapektuhan ang oras ng paghahanda.
7. Mag-organisa ng pulong matapos ang komperensiya at likumin ang kanilang mga
komento. Makatutulong ito upang makita ang mga naging kalakasan at kahinaan ng idinaos na
komperensya. Makakatulong ang mga komentong malilikom at ang mga bagay na natutuhan
para sa mga gawain sa hinaharap.
8. Magpasalamat sa lahat ng mga naging bahagi ng isinagawang gawain. Ipahayag
ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng komperensiya. Bigyan ng pagkilala
ang mga taong nag-ambag sa ikatatagumpay ng gawain.
Roundtable at Small Group Discussion
Mainam na balangkas ang roundtable at small group discussion na kadalasang
kinasasangkutan ng tatlo hanggang 12 kalahok upang makapagbahagi ng kaalaman tungo sa
paglutas ng isang isyu o suliranin. Mainam din itong venue upang makapagmungkahi ng
solusyon para mapabuti ang pagsasagawa ng isang bagay (disenyo, proyekto, at iba pa). Upang
maging maayos ang pangangasiwa ng nasabing gawain, iminumungkahi ang sumusunod na mga
padron:
• paglalahad ng layunin ng talakayan.
• pagpapakilala ng mga kalahok (pangalan at organisayson).
• pagtalakay sa paksa.
• pagbibigay ng opinyon, puna at mungkahi ng mga kalahok.
• paglalagom ng mga napag-usapan at napagkasunduan.
• pagtukoy ng susunod na mga hakbang.
Pulong/Miting
Mahalaga sa kahit anong organisasyon o samahan ang pagsasagawa ng pulong upang
talakayin ang mahahalagang agenda nito. Isinasagawa ang pulong para sa lubos na ikauunlad ng
alinmang samahan. Ayon sa University of California San Diego Sixth College, may dalawang
uri ng pulong: Una, ang Executive or Committee meeting kung saan ang mga kalahok ay ang
mga namumuno at namamahala. Ang ikalawang uri naman ay ang General body meeting na
ang lahat ng miyembro ng samahan ay kasama sa pulong.

98
Mga Elementong dapat isaalang-alang sa paghahanda ng pulong:
1. Agenda. Ito ang nagsisilbing gabay at balangkas ng pulong. Upang maging maayos
ang daloy ng talakayan ay mainam na may ideya ang bawat kalahok tungkol sa agenda o mga
pag-uusapan sa pulong.
2. Oras at lugar. Dapat isaalang-alang ang oras ng mga kalahok sa pagtatakda ng oras
ng pulong. Mahalaga ito upang matiyak na makadadalo sa oras na itinalaga at sa lugar na
pagdarausan ng pulong ang lahat ng kalahok. Dapat ding simulan at tapusin ang pulong sa oras
na itinakda.
3. Kalihim. Katuwang siya ng tagapangulo sa paghahanda ng agenda at sa pamamahagi
ng mga liham-imbitasyon sa mga kalahok at tagapag-ulat. Sisiguraduhin niya na ang planong
oras sa bawat paksa ay masusunod. Siya ang naghahanda ng katitikan ng naunang pulong at
gagawa ng katitikan para sa isasagawang pulong.
4. Tagapag-ulat. Maghahatid siya ng mga kinakailangang datos na tatalakayin sa pulong.
5. Tagapangulo. Kailangan ang nagpaplano ng pulong at paghahanda ng agenda. Siya
ang nagsisilbing tagapamagitan at tagapagtaguyod ng ideya.
6. Kalahok. Mahalaga ang pakikibahagi ng bawat kalahok sa pulong na isasagawa. Ang
kanilang mga ideya at opinyon ay maaaring makatulong kaya tiyaking ang lahat ng kalahok ay
may kaugnayan sa inaasahang layunin at paksang tatalakayin.
7. Kagamitan. Mahalagang nakahanda ang lahat ng gagamitin sa pulong katulad ng
visual aids, projector, laptop at iba pa, sapagkat ang kakulangan sa paghahanda ng mga
kagamitan any maaaring magdulot ng pagkaantala.
Programa sa Radyo at Telebisyon
Sa kasalukuyan, nananatili ang telebisyon bilang itinuturing na pinakamakapangyarihang
midya dahil na rin sa dami ng taong naaabot nito. Nabuo rin ang paglawak ng lipunan at
industriya dahil sa mabilis na pagbabagong dulot ng telebisyon sa komunikasyon. Ayon kay
Saussure (1910), “language never exists apart from the social fact, for it’s a semiological
phenomenon.” Ibig sabihin, kabuhol ng mga salitang naisisilang ang mga nagaganap sa lipunan.
Halimbawa na lamang sa bawat patalastas at artista sa telebisyon ay may sari-sariling wikang
ipinahihiwatig kaya naman alam kaagad ng manonood ang produkto kapag nakita nila ang
artista.
Pangunahing wikang ginagamit sa telebisyon ay Filipino. Ginagamit ito ng mga lokal na
channel sa Pilipinas kagaya ng GMA, ABS-CBN, at TV5 para sa kanilang mga teleserye, balita
at mga pantanghaling palabas. Dahil sa pagdami ng mga programa sa telebisyon na tinututukan
ng mga mga manonood, lahat ng mga mamamayan ay nakauunawa at nakapagsasalita na ng
wikang Filipino.
Mga Uri ng Palabas o Programa sa Telebisyon
1. Balita. Tumutukoy sa mga pangyayari sa mga nakalipas na oras o araw sa loob at
labas ng bansa. May mga kasalukuyang pangyayari din.

99
Mga Paalala sa Pagsulat/Paggawa ng Balita
a. Pagkakuha ng mga tala ay isulat agad ang balita.
b. Bigyang-halaga ang mahahalagang punto.
c. Maging tiyak sa mga panglan, petsa, lugar at mga pangyayari.
d. Iwasan ang pagbibigay ng kuru-kuro.
e. Banggitin ang awtoridad o kinauukulang pinagkunan ng impormasyon tungkol sa balita.
f. Ilahad nang pantay at patas ang mga panyayari.
g. Isulat ang mga pangyayari ayon sa tamang pagkakasunud-sunod.
2. Dokumentaryo. Mga programang naghahatid ng mga sibikong gawain na
sumasalamin sa realidad ng buhay at tumatalakay sa kultura ng isang lipunan.
3. Drama at Komedya. Mga palabas na nagpapakita ng matinding damdamin o
magaang pangyayari na nagbibigay-aral sa mga manonood. Maaari itong makapagpatawa,
makapagpaluha, lungkot, saya at iba pang damdamin sa mga manonood.
4. Variety Show. Programang binubuo ng iba’t ibang pagtatanghal na may musika,
komedya, palitang-kuro at iba pa na pinangungunahan ng host. Sa Pilipinas, kadalasan ay
ipinalalabas ang mga ito ng Linggo.
Noong taong 1894 ay nangibabaw ang pangalan ng radyo sa kasaysayan nang mabuo
ang unang wirelss na telegrap ng isang Italyanong imbentor na si Guglielmo Marconi. Ipinakilala
ang KDKA noong 1920 na unang lisensyadong estasyon sa Pennsylvania. Noong 1924 naman ay
nagsimula ang programang panradyo sa Pilipinas nang itatag ang estasyon ng AM na KZKZ ni
Henry Herman Sr. sa Maynila. Ang radyo ay ginamit na tagapaghatid ng balita at libangan ng
mga tao. Sa paglipas ng panahon ay itinuring na pinakadinamikong daluyan ng impormasyon at
midyum ng komunikasyon ang radyo sa bansa.
Mga Uri ng Programa sa Radyo
1. AM (amplitude modulation). Mga programa na naghahatid ng balita at tumatalakay
sa mga seryosong paksa sa lipunan.
2. FM (frequency modulation). Mga programang kinaaliwan ng mga tagapakinig dahil
sa mga musikang pinatutugtog at mga programang nakaaantig ng damdamin. Mayroon ding mga
balita ang mga ito ngunit hindi doon nakasentro.
Video Conferencing
Bilang epekto ng globalisasyon, naging mas progresibo ang teknolohiya na nagbunga ng
iba’t ibang paraan upang makipag-ugnayan. Isa na rito ang video conferencing o ang interaksyon
sa pagitang ng dalawa o higit pang tao na nasa magkaibang lokasyon ngunit may kakayahang
makita ang isa’t isa nang birtuwal o sa bidyo. Nangangailangan ito ng internet connection at
kompyuter o ‘di kaya’y tablet o smartphone. Epektibong midyum ito lalo na para sa mga
kompanyang may mga satellite sa ibang bansa o rehiyon. Malaki ang papel na ginampanan nito

100
noong panahon ng pandemya dahil nagsilbi itong lunsaran ng pagkatuto sa kabila ng maselang
lagay ng panahon.
Ginagamit ito ng mga kompanya o maging ng mga kinatawan ng mga bansa upang
magdaos ng mga pagpupulong para makatipid sa pamasahe, oras at iba pang pinagkukunan.
Naging daluyan din ng mga pagsasanay ang modang ito ng komunikasyon, partikular sa mga
open universities. Pinadadali rin nito ang dating mas mahirap na proseso ng pagkamit ng digri o
sertipiko sa mga programa. Malimit din itong ginagamit ng mga pamilyang may kamag-anak sa
ibang bansa, lalo na ng mga pamilyang OFW na tinatayang 23 milyon na noong 2017 (Philippine
Statistics Authority).
Komunikasyon sa Social media
Kasabay ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya ay ang parami nang paraming
naiimbentong plataporma upang makipag-ugnayan sa madla. Ilan sa mga ito ay Facebook, X (na
dati ay Twitter), Instagram, YouTube, at iba pa na ginagamit ng mga tao upang makapagdala ng
mensahe sa isa’t isa, magpaskil ng mga larawan, magpahayag ng mga larawan, mga
sentimiyento, opinion o kuro, magbenta o bumili ng mga produkto at iba pa.
Sa paglipas ng panahon ay masasabing patuloy pa ring pinalalawig ng management ng
mga nasabing online platforms ang usability ng kanilang mga application. Nagagamit na rin ang
mga ito upang tukuyin ang lokasyon ng mga kainan at tindahan.
Parami na rin nang parami ang mga taong gumagamit ng mga nasabing social media
sites ayon sa A profile of Internet users in the Philippines. Sa katunayan ayon sa Rappler, sa
taong 2015, tinatayang 47 milyong Pilipino ang aktibo sa Facebook. Ayon sa parehong ulat,
itinuturing na pundamental na pangangailangan ng mga Pilipino ang pago-online.
Ilan sa mga kapansin-pansing pamamaraan ng paggamit sa Facebook ay propaganda o
pagpapalaganap ng kaisipan tungkol sa isang paksa gaya ng pagpapabango sa pangalan ng isang
kandidato, pagsusulong ng interes ng nakararami sa pamamagitan ng adbokasiya,
pakikipagkaibigan, pagbuo ng mga grupo upang mas mapabilis ang palitan ng impormasyon,
panliligaw, pagbebenta ng produkto, at iba pa.
SOCIAL MEDIA PLATFORMS
Social Networking
Ito ay ginagamit ng mga websites para magkaroon ng impormal na komunikasyon ang
mga tao na may parehong interes sa loob ng isang grupo o network.
Facebook. Noong 2004 ay inilunsad ito ng grupo ni Mark Zuckerberg bilang isang
eksklusibong site para sa mga mag-aaral sa Harvard.
Ito ang itinuring na pinakasikat at pinakaginagamit sa lahat ng social media sites dahil sa
simpleng pamamaraan ay nahahanap at nakakausap ang mga taong nasa ibang lugar sa
pamamagitan lamang ng pag-add sa kanilang account. Hanggang sa kasalukuyan ay namamayani
itong kasangkapan sa pakikipag-ugnayan at kalakalan.

101
Google+. Noong 1996 ay itinatag ito nina Larry Page at Sergey Brin bilang hanguan ng
pangkalahatang kaalaman. Sa pamamagitan ng search engine ng Google ay ginagamit ito para
humanap ng mga impormasyon at datos. Ginagamit ito sa paghahanap ng aklat, balita, larawan,
mapa at iba pa.
LinkedIn. Inilunsad ito ni Jeff Weiner noong 2009 upang magamit ng mga tao sa
paghahanap ng impormasyon sa isang kompanyang nais pasukan upang makahanap ng trabaho.
Microblogging. Ang mga maiikling impormasyon at bagong datos sa isang social media
site ay inilalagay rito. Ang mga gumagamit ay maaring mag-subscibe at magbigay ng pribado at
pampublikong mensahe. Nauso rin dito ang paggamit ng mga hashtags na naglalaman ng iba-
ibang paksa.
X (Twitter). Ito ay itinatag noon nina Jack Dorsey, Noah Glass, Biz Stone at Evan
Williams bilang isang instrumento ng komunikasyon sa mga tao sa pamamagitan ng pag-follow
sa kanilang account at paggamit ng hashtags na may kasamang opinyon o kuru-kuro na makikita
ng ibang tao kapag hinanap nila ito sa search engine ng naturang social media site. Sa kasaluyan
ay X na ang pangalan nito bunga ng pagbabago ng pamunuan.
Tumblr. Ginagamit ito upang maglagay ng mga larawan, mensahe, bidyo, mga sipi sa
libro at audio na inilalagay sa kanilang blog na tumatalakay ng paksang nais nila. Ito ay itinatag
ni David Karp noong 2007 na nagmamay-ari ng Oath Inc.
Blogging (Paggamit ng mga Websites)
Ang mga sariling opinyon, artikulo at kuwento tungkol sa nais na paksa ng mga
manunulat sa internet o blogger ay inilalagay rito.
Wordpress. Ang WordPress Foundation ay binuo noong 2013. Ginagamit ito ngayon
upang lumikha ng bagong blog, website o aplikasyon na magagamit sa pagsulat ng sariling
paksa.
Blogger. Ang taong lumilikha ng mga website at blog na katulad ng wordpress kung
saan ay malayang nagagamit ng sinoman dahil hindi kailangan ng anomang code sa pag-install.
Ito ay sinimulang buoin ng Pyra Labs at pagmamay-ari ng Google noong 1999.
Pagbabahagi ng Larawan
Instagram. Ito ay binuo nina Kevin Systrom, Mike Krieger at ng Facebook na ginagamit
ngayon sa pagbabahagi ng mga larawan at bidyo na makikita ng sinoman kung nakapubliko ang
account. Sa pamamagitan ng direktang mensahe ay maaari na ring makipag-usap sa ibang tao.
Flicker. Maaari ding magbahagi ng mga larawan at bidyo tulad ng Instagram. Ito ay
binuo nina Stewart Butterfield at Caterina Fake noong 2004.
Snapchat. Ito ay ginagamit sa pagbabahagi ng larawan ng tao na nilalagyan ng filter
upang mabago ang panlabas na itsura ng tao. Ito ay binuo nina Evan Spiegel, Bobby Murphy at
Reggie Brown noong 2011.

102
Pinterest. Ginagamit ito upang magbahagi ng mga larawang may paksa upang tumulong
sa mga taong magbabasa nito. Halimbawa ng mga nilalaman nito ay ang mga tips sa buhay,
resipi, inspirasyon ng tao at iba pang ideya.
Pagbabahagi ng Bidyo
Youtube. May account man o wala ay maaring manood ng mga bidyo at ibahagi ang
link nito sa publiko. Noon, kadalasang mga trailer ng mga ipapalabas na pelikula at kanta ang
mapapanood dito. Itinatag ito nina Jawed Karin, Chad Hurley at Steve Chen noong 2005 ngunit
ngayon ay mas pinalawak na ang nilalaman nito kagaya ng mga vlog o video blog.
Vimeo. Ginagamit ang application na ito upang magbahagi ng bidyo partikular na ng
mga maikling pelikulang ipinagbibili ng Vimeo at itinatag nina Jake Lodwick at Zach Klein
noong 2004.
Pasalitang Pag-uulat sa Maliit at Malaking Pangkat
Ano man sa mga nabanggit na sitwasyong pangkomunikasyon ang iyong ginagamit ay
maituturing pa ring kabilang ang mga ito sa dalawang kategorya: maliit at malaking pangkat.
Upang matiyak ang wasto at ligtas na pakikipag-ugnayan sa kapuwa, mainam na magnilay sa
mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang layunin ng komunikasyon?
Nagiging malayunin ang pakikipag-ugnayan kung natitiyak sa simula pa lamang ang
inaasahang resulta o outcome. Sa kaso ng mga worksyap at mga pagpupulong, mahalagang
malinaw ang tunguhin upang maging handa ang mga kalahok at upang maging mahusay ang
paggamit sa oras, kagamitan at iba pang resources.
2. Paano ang daloy ng impormasyon?
Makabubuting ikonsidera ang galaw ng komunikasyon. May mga sensitibong mensahe
na nagtatakda ng personal na interaksiyon. Nagiging mas mabilis at matipid naman ang
pagpapalaganap ng mga hindi gaanong sensitibong mensahe kung ang gagamiting daluyan ay
gaya ng social media o malakihang kongreso o kompetensiya.
Kaugnay rin nito, mahalagang tukuyin kung sa paanong paraan ihahayag ang
impormasyon sa kausap—galit, pasigaw, malumanay, mabilis, pasulat, pasalita, at iba pa.
3. Sino at ilan ang mga kalahok?
Sa pagsasagawa ng mga komperensiya, maging video conference o malakihan, laging
tukuyin ang kahandaan at antas ng kaalaman ng mga kalahok upang matiyak na ang mensaheng
ipararating ay malinaw na matatanggap. Gayondin, ang kaso sa pakikipag-usap sa mga kaibigan
o kakilala, halimbawa na lamang ay kung kasalukuyang may dinaramdam o pinagdaraanan ang
kausap, maiging mas maging maingat sa mga salitang gagamitin.
4. Gaano katagal ang dapat ilaang oras sa pakikipag-usap?
Mainam na tukuyin kung gaano kahaba o kaikli ang oras na ilalaan sa isang tiyak na
sitwasyong pangkomunikasyon, lalo na kung pormal ang ugnayan. Isang halimbawa nito ay ang

103
mga lektura, lalo na kung ang mga kalahok ay mga teenager na pawang may mas maikling
attention span.
5. Nangangailangan ba ng materyales o kagamitan upang matiyak ang epektibong
komunikasyon?
Sa maraming pagkakataon gaya sa mga worksyap at seminar, gumagamit ang mga
tagapagsalita ng mga handouts upang lalong mapagtibay ang pag-unawa sa tinatalakay na paksa.
Maigi ring itanong kung kailangan ba ng karagdagang kagamitan o materyales gaya ng
projector, vide, flipchart, at iba pa upang lalong tumimo ang diwa ng paksang tinatalakay.

SINTESIS

Sa naging talakayan, napatunayang muli kung gaano kahalaga ang pagtataglay ng


kasanayan sa pakikipagkomunikasyon sapagkat ito ay hindi lamang magagamit upang
makapagtamo ng magandang pakikipagkaibigan sa kapuwa kundi mas lalo nitong iniluluklok
ang tao sa tugatog ng tagumpay at katanyagan. Kung ang isang tao ay may kakayahang
magamit ang isang wika sa pagdukal ng karunungan at may mabisang paraan ng
pagpapalaganap ng mga ito, tiyak na isa siya sa mga magkakaroon ng malaking ambag sa
lipunang kaniyang ginagalawan, na hahantong sa pagkilala sa kaniyang kakayahan.
Hindi na lingid sa ating kaalaman na maraming mga tao ang naaabot ang rurok ng
katanyagan at buong tiwala ng mga tao dahil sa husay sa pakikipagkomunikasyon. Isang
mabuting salamin at sinag na panggising ang paksa upang mabatid ng bawat mag-aaral na
ang wikang Filipino ay hindi lamang wika ng komunikasyon kundi wika ito ng mataas na
karunungan, isang wikang pleksibo na may kakayahang iakma ang sarili.
Sa tulong din ng paksang ito ay magiging malinaw na sa mga sitwasyong
pangkomunikasyon, nagagamit at mabisang gamitin ang Filipino, taliwas sa nakasanayang
ginagawa na Ingles ang wika sa mga malakihang pulong. Kailangang maunawaan ng lahat na
ang kahusayan sa paggamit ng wika ay kaakibat din ng kahusayan sa pagpapaunawa ng mga
kaalamang may kakayahang bumago sa takbo ng tao na siyang nagmamaniobra ng mundo.

GAWAIN
Dahil natapos na natin ang huling paksa, isang mainit na pagbati. Ngunit upang tuluyang
masukat ang iyong kaalaman, muli kang magkakaroon ng gawaing hahamon sa iyong natutuhan.
Gawin ito nang may pagsusumikap at pagmamahal at huwag isipin na ito ay pasakit, sa halip,
isang mabuting hakbang sa iyong pagtatagumpay. Kung handa ka na, narito ang panuto:

104
a. Pagbuo ng Iskrip
Ang gawaing ito ay isang paraan upang mailapat ang iyong mga natutuhan hinggil sa
mga gabay sa pagbuo o pag-organisa ng mga tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon. Ito ay
pangkatang gawain na nangangailangan ng matibay na pakikipagtulungan upang mahusay na
maisagawa. Basahin ang panuto sa ibaba:
1. Hahatiin ang klase sa anim na pangkat. Gagamit ang guro ng roleta upang maging
patas ang pagpili sa mga magiging magkamiyembro. Ibibigay sa group chat ang nabuong
pangkat.
2. Ang bawat pangkat ay bubuo ng isang iskrip o daloy ng magiging sitwasyong
pangkomunikasyon nila. Sa nasabing iskrip ay kinakailangang malinaw na makikita ang
programa, ang sasabihin ng mga tagapagdaloy, ang paglalarawan sa kunwaring reaksiyon ng
mga tagapakinig, ang inaasahang tanong-sagot na magaganap. Sa madaling sabi, ang iskrip na
gagawin ay waring iskrip sa mga dula, ang pagkakaiba lamang, ang iskrip na bubuoin ng mga
mag-aaral ay mga tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon. Sa pammagitan ng gawaing ito ay
naipararanas sa mga mag-aaral ang pag-organisa ng mga forum, seminar at iba pa na maaari
nilang magamit kapag aktuwal na silang gagawa. Sa bawat pangkat narito ang mga nakatalaga:
Unang pangkat. Lektyur, Seminar o Worksyap
Ikalawang pangkat. Forum, Simposyum, Kumperensiya at Kongreso
Ikatlong pangkat. Roundtable o Group Discussion
Ikalimang pangkat. Pulong/Miting o Asembliya
Ikaanim na pangkat. Programa sa Radyo o Telebisyon
3. Ipapasa ang gawain sa panahong itinakda ng guro. Ipapasa ito nang nakaimprenta.
Times New Roman 12, 1.5 spacing, 1.0 ang lahat ng palugit, at nasa long bond paper.
Mamarkahan ito batay sa nilalaman ng mismong iskrip kasama na ang mga kaalaman o
impormasyong nakapaloob. Mababasa nang detalyado ang mga panuntunan at mga lapiang
pamantayan sa pagmamarka sa rubrics na ibibigay ng guro.
b. Replektibong Sanaysay
Ang gawaing ito ay ibinigay upang mas mailahad mo ang iyong kaalaman na hindi
lamang nakatuon sa pagre-recall o pag-iisa-isa ng mga natutuhan. Ito ay makatutulong upang
maunawaan kung gaano kalalim ang naging epekto ng iyong natuklasang kaalaman. Maaari mo
itong simulan sa iba’t ibang paraan ngunit kailangang nag-iiwan ng makabuluhang kakintalan
ang sulating isusumite.
1. Ang sanaysay na ito ay isusulat sa isang yellow paper at ipapasa sa binanggit na araw
ng guro. Iikot ang iyong replektibong sanaysay sa gabay na tanong na:
Ano ang iyong makabuluhang tuklas hinggil sa pag-aaral ng mga tiyak na sitwasyong
pangkomunikasyon na masasalamin ang kabuluhan ng wikang Filipino?

105
2. Kinakailangang ang sanaysay na gagawin ay nagtataglay ng panimula, katawan at
wakas. Mamarkahan din ito batay sa nilalaman, kaayusan, estruktura, at kakintalang taglay.
Mababasa ang detalyadong lapiang pamantayan sa pagmamarka sa rubrics na ibibigay ng guro.

SANGGUNIAN

MGA LARAWAN O ICON

Book Symbol, Web Design, Line, Logo, Square, Diagram, Rectangle png . (n.d.). Retrieved from
Klipartz.com: https://www.klipartz.com/en/sticker-png-bwekm
Eucalp. (n.d.). Analyze Synthesis. Retrieved from thenounproject.com:
https://thenounproject.com/icon/analyze-synthesis-3159210/
Objective Icon. (n.d.). Retrieved from Freepik.com:
https://www.freepik.com/icon/objectives_4375256
Sobahus, S. (2020, June 19). writing symbols open book line icons and pencils. design template
vector. Retrieved from alamy.com: https://www.alamy.com/writing-symbols-open-book-
line-icons-and-pencils-design-template-vector-image363564086.html

MGA ARALIN
Aguilar, J. L., et al. (2017). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Jenher Publishing
House.
Cruz, W.C, et al. (2020). Lektyur sa Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Don
Honorio Ventura State University.

106
PANGKALAHATANG SANGGUNIAN

6,718 magsasaka, magbababoy sa Pampanga tumanggap ng ayuda. (2020, August 20).


Retrieved from Suddannews.net: https://www.sudannews.net/news/266150202/6718-
magsasaka-magbababoy-sa-pampanga-tumanggap-ng-ayuda
Abelgas, G. (2020, April 1). Digong may babala sa mga mangungupit sa cash at relief!
Retrieved from Philstar.com: https://www.philstar.com/pang-masa/punto-
mo/2020/04/01/2004711/digong-may-babala-sa-mga-mangungupit-sa-cash-relief
Aguilar, J. L. (2017). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Jenher Publishing House.
Aguilar, J.L., et. al (2017). Kontekstwalisadong komunikasyon sa Filipino.Quezon City:Rex
Bookstore.
Ang Kritikal na Papel ng mga Maliliit na Magsasaka sa Pag-ampat sa Krisis sa Pagkain na
Inilantad ng COVID-19. (2020, March 26). Retrieved from Masipag.com:
https://masipag.org/2020/03/masipag-covid19-statement/
Almario, V. (n.d.). Ang Madalas Itanong sa Pambansang Wika. Retrieved from Komisyon sa
Wikang Filipino: https://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/2015/12/FAQ_2.4.15-1.pdf
Ang Mga Katotohanan Tungkol sa COVID-19 - Coronavirus. (2020). Accesss, 1-4.
Ang Totoong Estado ng Sistemang Pangkalusugan sa Pilipinas. (2018, October). Retrieved from
Suliraningpanlupunan.blogspot: https://suliraningpangkalusugan.blogspot.com/
Angeles, Feliciana A., Pablo, Milagros C., at Maranan, Marilou M. (2005). Sining ng
Pakikipagtalastasan:Pantersyarya. Manila: booklore Publishing Corp.
ANO ANG MAGAGAWA MO UPANG MAIWASAN ANG PAGKALAT NG NOVEL
CORONAVIRUS [2019-NCOV]? (n.d.). Retrieved from Department of Health:
https://doh.gov.ph/node/19132
Austero, Cecilia S. et al. (2007). Komunikasyon sa akademikong Filipino. Pasig City.UNLAD
Publishing House.
Atienza, Monico m. at Constantino, Ernesto A. 1996. Mga Piling Diskurso ng Wika at Lipunan.
Diliman, Lungsod Quezon: University of the Philippines Press.

Bayáni. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for
Culture and the Arts.
Bayaning gutom, istranded at inabandona. (2020, May 1). Retrieved from Altermidya:
https://www.altermidya.net/bayaning-gutom-istranded-at-inabandona/
Bernales, R. A. Pascual, M.E.A, & Ravina, E.A. (2016). Komunikasyon sa makabagong
panahon: Filipino alinsunod sa K-12 kurikulum ng batayang edukasyon. Malabon: Muya
Publishing House, Inc.
Book Symbol, Web Design, Line, Logo, Square, Diagram, Rectangle png . (n.d.). Retrieved from
Klipartz.com: https://www.klipartz.com/en/sticker-png-bwekm

107
Bong Go: Help OFWs stranded in quarantine facilities in Metro Manila. (2020, May 25).
Retrieved from legacy.senate.com:
https://legacy.senate.gov.ph/press_release/2020/0525_go2.asp
Cemena, Joseph E. 2019. Mga Gawing Komunikasyon ng mga Pilipino Lecture Series.
Constantino, Pamela C., ed (2005). Filipino at pagpaplanong pangwika: Ikalawang Sourcebook
ng SANGFIL. Sanggunian sa Filipino, UP Sentro ng Wikang Filipino, at National
Commission for Culture and the Arts.
Contreras, A. P. (2014, August 26). Filipino, ang pambansang wikang dapat pang ipaglaban.
Retrieved from GMA News Online:
https://www.gmanetwork.com/news/opinion/content/376423/filipino-ang-pambansang-
wikang-dapat-pang-ipaglaban/story/
Coronavirus: Bakit kailangang palayain ang mga low-risk, may sakit, elderly prisoners? (2020,
April 16). Retrieved from Rappler.com: https://www.rappler.com/newsbreak/podcasts-
videos/258130-beyond-stories-prisoners-release-coronavirus-outbreak/
Coronavirus: Epektibo ba ang crisis messaging ni Pangulong Duterte? (2020, May 1). Retrieved
from Rappler.com: https://www.rappler.com/newsbreak/podcasts-videos/259456-beyond-
stories-duterte-coronavirus-crisis-messaging/
Covid-19 around the World – Farmer Views. (2020, March 24). Retrieved from Global Farmer
Network: https://globalfarmernetwork.org/covid-19-around-the-world-farmer-views/
Cruz, W.C, et al. (2020). Lektyur sa Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Don
Honorio Ventura State University
Dacuma, M. G. (n.d.). Paliwanag Kung Paano Nagaganap ang Isang Epidemya at Ano ang Ibig
Sabihin ng Epidemic Wave. Retrieved from Microsoft word: https://up.edu.ph/wp-
content/uploads/2020/05/Briefer_Epidemic_Wave-Final-Filipino2-1.pdf
De Castro, I.& Taruc, Z. R (2010). Kritikal na pagbasa at akademikong pagsulat tungo
sa pananaliksik. Manila: UST Publishing House.
De Guzman, Jayson P. 2011. Salamyaan Lecture Series. Departamento ng Filipino at Panitikan
ng Pilipinas, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.
Dela Cruz, Rodolfo S. 2020. Taga Marikina ka. River City Gazette, Vol. 11, No.1, Marikina
City.
DepEd urged to consider policy inputs from teachers. (2019, December 11). Retrieved from
Manila Bulletin: https://mb.com.ph/2019/12/11/deped-urged-to-consider-policy-inputs-
from-teachers
Eucalp. (n.d.). Analyze Synthesis. Retrieved from thenounproject.com:
https://thenounproject.com/icon/analyze-synthesis-3159210/
Florendo, Imao C. 2002. Salamyaan sa Ilog. Walang Tagapaglathala. Marikina City.

108
Gauuan, R. C. et al. (2021). Introduksiyon sa Pag-aaral ng Wika (Pandalubhasaan).
Mindshapers CO., Inc.
Gonzales, L. R. (2020, July 06). Talipapa sa lungsod, kumita sa pagsasara ng mga palengke.
Retrieved from Palawan News.com: https://palawan-news.com/talipapa-sa-lungsod-
kumita-sa-pagsasara-ng-mga-palengke/
https://web.facebook.com/TANGGOLWIKA/posts/posisyong-papel-ng-departamento-ng-
filipino-ng-de-la-salle-university-manila-tan/2197404793880743/?_rdc=1&_rdr
Huwag Kawawain ang Nurses. (2020, July 20). Retrieved from Philstar.com:
https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2020/07/20/2029292/editoryal-huwag-
kawawain-ang-nurses
Ilang tsuper sa Maynila nagbebenta ng buko para mairaos ang tigil-pasada. (2020, August 05).
Retrieved from ABS-CBN News: https://news.abs-cbn.com/news/08/05/20/ilang-tsuper-
sa-maynila-nagbebenta-ng-buko-para-mairaos-ang-tigil-pasada
Isang Sariling Wikang Pambansa. (n.d.). Retrieved from Komisyon sa Wikang Filipino:
https://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/2016/11/Isang-Sariling-Wikang-Pambansa.pdf
Kalagayan ng OFW Caregiver Ngayong May COVID - 19. (2020, March 27). Retrieved from
Facebook.com: https://web.facebook.com/watch/?v=2565677510373844
Kelley, D. (2020, May 28). Adaptive Agriculture During a Global Pandemic. Retrieved from
Global Farmer Network: https://globalfarmernetwork.org/adaptive-agriculture-during-a-
global-pandemic/
Lumbera, B. (2014, July 19). Sulong Wikang Filipino! Retrieved from YouTube.com:
https://www.youtube.com/watch?v=sLJsYViUzGQ
Lumbera, V., & al, e. (2007). Mula Tore Hanggang Palengke: Neoliberal Education In the
Philippines. IBON Philippines .
Maggay, M. B. (2002). Pahiwatig: Kagawiang pangkomunikasyon ng Filipino. Lungsod ng
Quezon:Ateneo De Manila University Press.
Malabanan, J. (2010, October 13). Speak in English Zone . Retrieved from Soundcloud.com:
https://soundcloud.com/musikangrabay/speak-in-english-zone-musika
Maling paggamit ng SAP cash aid may katapat na parusa: DSWD. (2020, May 15). Retrieved
from ABS-CBN News: https://news.abs-cbn.com/video/news/05/15/20/maling-paggamit-
ng-sap-cash-aid-may-katapat-na-parusa-dswd
Mga problemang pasan ng mga estudyante sa panahon ng pandemya. (May, 14 20). Retrieved
from Rappler.com: https://www.rappler.com/newsbreak/podcasts-videos/260843-beyond-
stories-problems-burden-students-coronavirus-pandemic-philippines/
Mamangun, J. M. (2020, March 14). Kung pinaghahandaan ng ilang guro ang pasukan sa
panahon ng pandemya. Retrieved from Kadao.org: https://kodao.org/kung-paano-
pinaghahandaan-ng-ilang-guro-ang-pasukan-sa-panahon-ng-pandemya/

109
May sapat na pera ba ang Duterte gov’t para sa coronavirus response? (2020, April 9).
Retrieved from Rappler.com: https://www.rappler.com/newsbreak/podcasts-
videos/257167-beyond-stories-enough-cash-duterte-government-fund-coronavirus-
response/
Manila, R. (2020, August 20). Kalagayan ng mga medical workers, hindi nagbago sa kabila ng
dalawang linggong MECQ. Retrieved from Radyoman Manila: https://rmn.ph/kalagayan-
ng-mga-medical-workers-hindi-nagbago-sa-kabila-ng-dalawang-linggong-mecq/
Maraming Nurse sa Bansa Nagtatrabaho Ng 12-hr Shift vs. COVID-19 —FNU. (2020, July 20).
Retrieved from DWIZ 882: https://www.dwiz882am.com/index.php/maraming-nurse-sa-
bansa-nagta-trabaho-ng-12-hr-shift-vs-covid-19-fnu/
Masikip na pasilidad, paniningil idinaing ng OFWs na naka-quarantine sa barko. (2020, April
20). Retrieved from ABS-CBN: https://news.abs-cbn.com/news/04/20/20/masikip-na-
pasilidad-paniningil-idinaing-ng-ofws-na-naka-quarantine-sa-barko
Mendoza et al. (2012). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Waterhouse Publishing Inc.

Mga residente, ilang oras na pumila para makakuha ng SAP. (2020, May 07). Retrieved from
GMANetwork.com: https://www.gmanetwork.com/news/video/unangbalita/532278/mga-
residente-ilang-oras-na-pumila-para-makakuha-ng-sap/video/
Mga tsuper 'namamalimos': Jeepney groups muling umapelang bumalik-pasada. (2020, June
17). Retrieved from ABS-CBN News: https://news.abs-
cbn.com/video/news/06/17/20/mga-tsuper-namamalimos-jeepney-groups-muling-
umapelang-bumalik-pasada
Napakong pangakong wakasan ang endo. (2020, February 15). Retrieved from Manila Today:
https://manilatoday.net/napakong-pangakong-wakasan-ang-endo/
Network-Philippines, U. f. (2020, April 8). WALO SA PRIBADO: Ayuda para sa mga Guro at
Kawani sa Pribadong Paaralan, Ibigay! Retrieved from change.org:
https://www.change.org/p/commission-on-higher-education-walo-sa-pribado-ayuda-para-
sa-mga-guro-at-kawani-sa-pribadong-paaralan-ibigay
News, G. I. (2014, August 22). SONA: 9 na units ng Filipino sa kolehiyo maaring mawala dahil
sa memorandum order #20 ng CHED. Retrieved from YouTube.com:
https://www.youtube.com/watch?v=SM7Objit4B0
Objective Icon. (n.d.). Retrieved from Freepik.com:
https://www.freepik.com/icon/objectives_4375256
Organization, W. H. (2020, March 20). Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang
sarili at ang iba laban sa COVID-19. Retrieved from who.int:
https://www.who.int/philippines/news/feature-stories/detail/pitong-simpleng-hakbang-
upang-maprotektahan-ang-sarili-at-ang-iba-laban-sa-covid-19

110
Pagpapauwi sa mga probinsiya sa stranded OFWs, hinahanapan pa ng paraan ng OWWA.
(2020, April 22). Retrieved from ABS-CBN News: https://news.abs-
cbn.com/news/04/22/20/pagpapauwi-sa-mga-probinsiya-sa-stranded-ofws-hinahanapan-
pa-ng-paraan-ng-owwa
Pamimigay ng SAP cash aid sa ilang probinsiya inireklamo. (2020, May 04). Retrieved from
ABS-CBN News: https://news.abs-cbn.com/video/news/05/04/20/pamimigay-ng-sap-
cash-aid-sa-ilang-probinsiya-inireklamo
Panukala ni Revilla na mapagaan ang kalagayan ng mga OFW na apektado ng covid-19
Pandemic, Suportado ng DOLE. (n.d.). Retrieved from bongrevillajr.ph/:
https://www.bongrevillajr.ph/post-press-releases/2020/6/24/dole-supports-sen-revillas-s-
no-801-to-ease-plight-of-ofws-affected-by-covid-19-pandemic
Pertierra, Raul. 2010. The New Media, Society and Politics in the Philippines. Fres Media Asia:
Berlin Press, Germany.
Petisyon ng Tanggol WIka Laban sa CMO 20. (n.d.). Retrieved from ACT Teachers':
http://www.act-teachers.com/wp-content/uploads/2015/05/Petisyon-ng-Tanggol-Wika-
laban-sa-CMO-20.pdf
Pinay Nurse na tinamaan ng COVID-19, Nagbahagi na kanyang Aktwal na Kalagayan. (n.d.).
Retrieved from Tamabatan ko to: https://www.tambayankoto.club/2020/03/Pinay-Nurse-
na-tinamaan-ng-COVID-19-Nagbahagi-na-kanyang-Aktwal-na-Kalagayan.html
Posisyong Papel ng Departamento ng Filipino ng De La Salle University, Manila-Tanggol Wika
. (2018, November 17). Retrieved from Facebook.com:
Relativo, J. (2020, May 21). Hangga't walang bakuna sa COVID-19, klase 'wag buksan —
mambabatas. Retrieved from Philstar.com: https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/bansa/2020/05/21/2015536/hanggat-walang-bakuna-sa-covid-19-klase-wag-
buksan-mambabatas
Resolusyon upang ituro sa Filipino ang tatlong asignaturang pangkolehiyo sa level ng
edukasyong heneral. (2014, July 9). Retrieved from National Commission for Culture
and the Arts : https://ncca.gov.ph/wp-content/uploads/2015/09/2014-420-Ituro-ang-
Filipino-sa-Edukasyong-Heneral_opt.pdf
Rodriguez, R. (2016, September 13). Sa Madaling Salita Kasaysayan. Retrieved from
YouTube.com: https://www.youtube.com/watch?v=KH-UFAt--To
Salazar, Zeus A. 1996. Pantayong Pananaw sa Wika at Kulturang Pilipino Lecture Series.
San Juan, M. D. (2014, May 4). AGARANG MAGSAGAWA NG MGA HAKBANG UPANG
ISAMA SA BAGONG GENERAL EDUCATION CURRICULUM (GEC) SA ANTAS
TERSIYARYA ANG MANDATORY NA 9 YUNIT NG ASIGNATURANG FILIPINO.
Retrieved from Change.org: https://www.change.org/p/commission-on-higher-education-
congress-and-senate-agarang-magsagawa-ng-mga-hakbang-upang-isama-sa-bagong-

111
general-education-curriculum-gec-sa-antas-tersiyarya-ang-mandatory-na-9-yunit-ng-
asignaturang-filipino
San Juan, M. D. (2014, August 17). Debunking PH language myths. Retrieved from Inquirer.net:
https://opinion.inquirer.net/77526/debunking-ph-language-myths
San Juan, D. M. (2014). Posisyong Papel ng PSLLF-Filipino sa Kolehiyo. Academia.Edu, 1-8.
San Juan, M. D. (2014, August 10). 12 reasons to save the national language. Retrieved from
Rappler.com: https://www.rappler.com/voices/ispeak/65545-san-juan-save-national-
language/
San Juan, D. M.,et al. (2019). Sangandaan: Filipino sa iba’t ibang disiplina. Malabon: Mutya
Publishing House Inc.
San Juan, D. M. et al. (2018).TALASTASAN. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino.
Valenzuela City:Mutya Publishing House, Inc.
Sanchez, K. (2019, May 7). Mga isyu sa pambansang kalusugan. Retrieved from Philstar
Ngayon.com: https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/opinyon/2019/05/07/1915733/mga-isyu-sa-pambansang-kalusugan
Senior Citizens, PWDs Huwag nang Papilahin Para Sa SAP. (2020, May 04). Retrieved from
Pilipino Mirror: https://pilipinomirror.com/senior-citizens-pwds-huwag-nang-papilahin-
para-sa-sap/
Sobahus, S. (2020, June 19). writing symbols open book line icons and pencils. design template
vector. Retrieved from alamy.com: https://www.alamy.com/writing-symbols-open-book-
line-icons-and-pencils-design-template-vector-image363564086.html
Sulong Wikang Filipino:Edukasyong Pilipino, Para Kanino . (2014, August 25). Retrieved from
YouTube.com: https://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/2016/11/Isang-Sariling-Wikang-
Pambansa.pdf
Tauro, Janet C. Ipinagbubuntis ng wika ng telebisyon ang wikang Filipino.(Malay XVI) (2).
Marso 2002
TsuperHeroes provides free transportation for COVID-19 frontliners. (2020, May 27). Retrieved
from Manila Bulletin: https://mb.com.ph/2020/05/07/tsuperheroes-provides-free-
transportation-for-covid-19-frontliners
Tulong-pinansyal hatid ng Pasig para sa mga tsuper. (2020, March 27). Retrieved from Big
News Network.com: https://www.bignewsnetwork.com/news/264441716/tulong-
pinansyal-hatid-ng-pasig-para-sa-mga-tsuper
Vigan, B. R. (March, 17 2020). Pinoy sa Saudi Arabia, nagpositibo sa COVID-19. Retrieved
from Bomboradyo.com: https://bomboradyo.com/pinoy-sa-saudi-arabia-nagpositibo-sa-
covid-19
Villar, M. (2017, Feb 8). Ang Isyu sa Kalusugan. Retrieved from pressreader.com:
https://www.pressreader.com/philippines/balita/20170208/281711204389072

112
MGA APENDIKS
A. RUBRICS PARA SA MGA PRESENTASYON

113
114
115
B. RUBRIKS PARA SA MGA PRESENTASYON

116
117
C. RUBRIKS PARA SA MGA PRESENTASYON

118
119
D. RUBRIKS PARA SA MGA PRESENTASYON

120
121
E. RUBRIKS PARA SA MGA PRESENTASYON

122
F. RUBRIKS PARA SA MGA SULATIN/PAGSUSURI

123
124

You might also like