Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Jeric C.

Soriano

Grace P. Teredaño

PAKSA: Pagtukoy sa antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa kolehiyo ng agrikultura


sa mga rehistro ng wika sa larangan ng pagsasaka na nakasalin sa Wikang Filipino.

LAYUNIN:

1. Matukoy at masuri ang antas/lebel ng kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral


sa Kolehiyo ng Agrikultura sa mga rehistro ng wika sa kanilang larangan na
nakasalin sa Wikang Filipino upang mapalakas ang kanilang produksyon at
maging epektibo sa kanilang larangan.
2. Maibigay ang sariling interpretasyon ng mga mag-aaral sa Kolehiyo ng
Agrikultura sa mga kahulugan ng mga rehistrong salita ng pagsasaka at mabago
ang kanilang ibang pagkaunawa sa mga kahulugan nito
3. Maipamalas ang kahusayan ng mga mag-aaral sa Kolehiyo ng Agrikultura sa
pagpapalawak ng mga rehistrong salita ng mga magsasaka upang pagyabungin
ang wikang Filipino.

METODOLOHIYA:

Sa pag-aaral na ito ang mga mananaliksik ay gagamit ng Palarawang Kwalitatibong


Pananaliksik, maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng mga
mananaliksik na gamitin ang Descriptive Survey Research Design, maghahanda at
gagawa ang mga mananaliksik ng sarbey o open-ended survey questionnaires at
magsasagawa ng pakikipanayam para makalikom ng mga datos. Ang gagamitin ng mga
mananaliksik na pamamaraang pagsusuri ng datos ay sa pamamagitan ng “narrative
analysis” at “thematic analysis” upang tukuyin, suriin at bibigyang interpretasyon ang
mga datos na makakalap sa sarbey at panayam na gagawin. Sa ganitong pamamaraan
ay madedetermina ang antas o lebel ng kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral sa
mga rehistro ng wika sa pagsasaka na nakasalin sa wikang Filipino. Nakatuon lamang
ang pag-aaral na ito sa mga piling mag-aaral na kumukuha ng kursong Bachelor of
Science in Agriculture sa pamantsang Central Luzon State University at sila ang
magsisilbing respondente ng pananaliksik.

You might also like