Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

I.

Objective:
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nabibigyang kahulugan kung ano ang Tumbang Preso o Batong Lata
b. Napahahalagahan ang kagandahan at importansya ng Traditional Games sa
pamamagitan ng Tumbang Preso
c. Naisasakatuparan ang paglalaro ng Tumbang Preso

II. Subject Matter


A. Topic: Masayang Maglaro ng mga target game
B. Materials: Lata, Tsinelas at Instructinal Materials
C. References: Masigla at Malusog na Katawan at Kaisipan
Gatchalian,et.al pp.28-33
D. Value: Matutunan ang kooperasyon

III. Methodology
Teacher’s Activity Pupil’s Activity

Magandang Umaga mga bata Magandang Umaga din po

Bago tayo magsimula maari bang tumayo (Ang mga bata ay nagsitayo at nanalangin)
ang lahat para sa ating unang panalangin
Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espirito
Santo Amen!

Mahal na Diyos, sa pagsisimula ko sa aking


paglalakbay sa edukasyon, nananalangin ako
para sa isang maliwanag at matagumpay na
kinabukasan. Nawa’y ang kaalaman at
kasanayan na aking natamo sa aking mga
klase ay humantong sa akin sa isang kasiya-
siya at may layunin na buhay. Pagpalain mo
ang aking mga hangarin at pangarap, at
gabayan mo ako tungo sa pagkamit ng mga
ito. Salamat sa iyong patuloy na presensya at
paggabay. Sa pangalan mo, ako’y may pag-
asa. Amen.
Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espirito
Santo Amen!

Bago kayo umupo maari bang pakipulot ng (Ang mga estudyante ay nagpulot at nag
mga basura na inyong nakikita at makikiayos ayos ng kanilang mga bangkuan)
ako ng inyong mga upuan

Ngayong araw meron bang liban sa klase? Wala po

Learning Tak 1 - Review

Kung ganon tayo ay magsisimula na

Bago tayo magsimula sa panibagong aralin,


Ano nga ba ang ating huling tinalakay Luksong Tinik po

Mahusay! Mayroon ba kayong katunangan Wala po


patungkol dito?

Learning Task 2 - Motivation

Bago tayo mag simula magkakaroon muna


tayo ng maiksing stretching upang bago tayo
dumako sa ating aralin ay handa na ang ating
mga katawan.

Handa na ba kayo? Opo


(Nagsimula na ang stretching)

B. Lesson Proper
Learning Task 3 - Activity

Ngayon mga bata, may inihanda akong (Ang mga estudyante ay naghanap at binuo
larawan na hiwahiwalay at dapat nyo itong ang larawan)
buoin ngunit ang mga pira piraso ng larawan
na ito ay matatagpuan ninyo sa ilalim ng
inyong mga upuan

Maari nyo ng simulan ang paghahanap

Mahusay mga bata!

Learning Task 4 - Analysis

Ngayong araw na ito ay pagaaralan natin ang


target game.

Ano sa tingin niyo ang target game? Ang target game ay uri ng laro kung saan ang
manlalaro ay sumusubok na ihagis, i-slide, o
iswing ang isang bagay upang maabot ang
isa pang bagay at madala ito sa isang
itinalagang lugar.
Ano ang mga laro na kabilang sa target Batong Bola
game? Luksong Tinik
Ubusan nang Lahi

Mahusay mga bata!

Ang isang halimbawa pa ng target game ay


ang Tumbang Preso.

Nakapaglaro na ba kayo ng tumbang preso? Opo!

Ano ang mga bagay na ating ginagagamit sa


paglalaro ng tumbang preso? Ginagamitan po ito ng lata at tsinelas.

Mahusay mga bata!

Ang Tumbang Preso ay isang halimbawa ng


target game at sa araling ito ay ating aalamin
ang tamang detalye ng laro at ating
susubukin ang inyong kaalaman at
kakayahan sa larong ito.

Ang Tumbang Preso ay nilalaro sa kalsada o


kaya naman ay sa mga lugar na patag.
Ginuguhitan ito ng isang linya, at isang bilog
na isang dangkal ang lapad nang may
walong yardang pagitan sa bawat isa.
Ang ating mga kakailanganin sa ating
paglalaro ay ang isang lata at pamato tulad
ng tsinelas. Kinakailangan na sa larong ito ay
may lima o hanggang siyam na manlalaro.

Sa larong ito kinakailangan tumayo ng taya


sa tabi ng iginuhit na bilog samantalang ang
ibang manlalaro ay nakatayo sa likuran ng
tuwid na guhit.

Kailangan mapatumba ang lata sa


pamamagitan ng paghagis ng pamato mula
sa kinatatayuang linya.

Hakbang sa Paglalaro:
Ang taya ay pinipili sa pamamagitan ng
paghahagis ng kanilang pamato mula sa loob
ng bilog papunta sa toe line. Ang
pinakamalayo ang pamato sa toe line ang
siyang magiging taya.

Babantayan ng taya ang lata na nasa loob ng


bilog upang hindi ito matumba ng mga
manlalaro na nasa toe line.

Kapag naitumba ang lata, kailangang mabawi


ng manlalarong nakatama ng lata ang
Kaniyang pamato nang hindi nahuhuli ng
taya.

Kung mahuhuli ang manlalaro, siya ang


panibagong taya. Ibabalik ng taya ang lata sa
kaniyang orihinal na posisyon at susubukang
bantayan ito laban sa ibang manlalaro.

Kapag natamaan ang lata ngunit nasa labas


ng bilog, maaaring itong itag ng taya ang
sumubok na patumbahin ito.

Maaaring tulungan ng iba ang kalaro na


mabawi ang kaniyang pamato sa
pamamagitan ng pagpapatama ng kanilang
pamato sa lata.

Kung ang lata ay mapunta sa labas ng bilog,


maaari itong sipain o itumba upang
mabawing muli ang pamato.

Naiintindihan niyo ba mga bata? Opo

Bakit nakakatulong sa atin ang larong Nakatutulong ang larong ito sa paglinang ng
Tumbang Preso? bilis, liksi, lakas ng braso at kalamnan,
kalakasan ng mga binti, at katatagan ng ating
kalamnan.

Mahusay!

Sa larong Tumbang Preso, itinuturo nito ang


pagiging patas at pagpapakita ng ating
sportmanship. Kaya kinakailangan ng
aktibong pakikiisa at pakikisama upang
maging makabuluhan at masaya ang larong
ito.

Learning Task 5- Abstraction

Ano nga uli ang Target game? Ang target game ay uri ng laro kung saan ang
manlalaro ay sumusubok na ihagis, i-slide, o
iswing ang isang bagay upang maabot
ang isa pang bagay at madala ito sa isang
itinalagang lugar.
Ano naman ang mga halimbawa ng target
game? Ilan sa mga halimbawa ng target game ay ito
ay bowling, hockey, at golf.

Mahusay, Paano naman ang mga larong


nilalaro natin sa ating bansa? Sa Pilipinas, madalas na laruin ang mga
target game na umbang Preso at Batuhang
Bola

Saan naman nilalaro ang larong Tumbang


Preso ? Ang Lugar na Paglalaruan ay sa kalsada o
kaya naman ay sa mga lugar na patag.

Tama,Ginuguhitan ito ng isang linya, at isang


bilog na isang dangkal ang lapad nang may
walong yardang pagitan sa bawat isa.

Ano nga uli ang mga Kakailanganin sa


Paglalaro ng Tumbang preso? Isang lata ng gatas na walang laman Pamato
na kalimitan ay tsinelas para sa bawat
manlalaro
Magaling at paano naman Kayo makakakuha
ng puntos sa paglalaro ng Tumbang Preso?
Kailangan Mapatumba ang lata sa
pamamagitan ng paghagis ng pamato mula
sa kinatalayuang linya

Learning Task 6 - Application

LAYUNIN
1. Maipamalas ang kakayahan sa pagtakbo,
pagtalon, at paggalaw ng mga manlalaro
habang sinusubukan ang kanilang kakayahan
sa larong Tumbang Preso.
2. Makabuo ng kasanayan sa pagtutulungan
at kooperasyon sa pagitan ng mga miyembro
ng grupo sa pamamagitan ng pagpaplano at
pagtakbo ng estratehiya sa larong ito.
3. Mapalakas ang pisikal na kondisyon at
lakas ng katawan ng mga manlalaro sa
pamamagitan ng pagganap ng mga aktibong
pisikal na gawain sa loob ng palaruan.
4. Maipamalas ang disiplina at paggalang sa
mga patakaran ng laro sa pamamagitan ng
pagtugon sa mga tagubilin ng guro at
pagsunod sa mga alituntunin ng larong
Tumbang Preso.
5. Mapalakas ang kakayahan sa pagtaya ng
mga manlalaro sa pagkilos ng kanilang mga
kalaban at pagtukoy ng mga oportunidad na
maaaring gamitin upang makamit ang
tagumpay sa laro.
6. Maipahayag ang kasiyahan at katuwaan sa
pamamagitan ng aktibong pakikilahok at
pagtanggap ng positibong karanasan sa
larong Tumbang Preso.
Aktibidad: Tumbang Preso Relay

Mga Materyales:
- Karton o papel na may larawan ng mga
preso (puwedeng gupitin mula sa mga
magazine o lumang poster)
- Ilang piraso ng papel o karton bilang mga
palara (puwedeng hugasan sa lupa o gupitin
mula sa isang malaking karton)
- Tape o mga marker para sa mga marker ng
linya
- Palaruan o silid-aralan na may sapat na
espasyo

Paano Gagawin:
1. Paghahanda ng Laruan
- Maghanda ng mga karton o papel na may
larawan ng mga preso bilang mga target.
- Itakda ang mga target sa isang linya sa
dulo ng palaruan o silid-aralan.
- Maglagay ng mga marker ng linya sa
labas ng mga target upang ipahiwatig ang
lugar kung saan dapat tumayo ang mga
manlalaro.
2. Pagsasagawa ng Laruan
- Magbuo ng mga grupo na may pare-
parehong bilang ng miyembro.
- Itakda ang bawat grupo sa isang marker
ng linya sa dulo ng palaruan.
- Sa isang utos, ang bawat grupo ay
magtatakbo patungo sa mga target na preso
upang tumbahin ito gamit ang isang palara.
- Ang bawat miyembro ng grupo ay dapat
tumira ng palara bago sila makapagpatuloy
sa susunod na miyembro.
- Ang unang grupo na matumbang ang
lahat ng mga target preso ay mananalo.
3. Pagpapalit ng Lugar
- Pagkatapos ng bawat relay, magpalit-palit
ng lugar ang mga grupo upang magkaroon
sila ng pantay-pantay na pagkakataon na
malapitan ang mga target preso.
- Maaari ring magpalit ng tagapagtanggol at
tagasagip sa bawat relay para sa pagbabago
at pagtutulungan ng mga miyembro ng grupo.
4.Pagtatapos ng Laruan
- Pagkatapos ng lahat ng relay, magkaroon
ng maikling pagpupulong para sa pagbibigay
ng papuri sa lahat ng mga miyembro ng
grupo.
- Ipahayag ang mga tagumpay at magbigay
ng positibong feedback sa kanilang mga
pagganap sa laruan.

Sa pamamagitan ng palarong Tumbang


Preso Relay, mapapalakas mo ang
kakayahan sa pagsasagawa ng
pampalakasang pisikal at pagsasama-sama
ng iyong mga mag-aaral. Bukod pa rito,
nagbibigay ito ng magandang oportunidad
para sa pag-unlad ng kanilang kakayahan sa
pagtakbo, pagkontrol ng galaw, at
pagpapakita ng pagtutulungan at katuwaan
sa loob ng palaruan.

You might also like