Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1
Panahon ng Renaissance
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Module
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Panahon ng Renaissance
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Elgemary S. Abata, Jerisse J. Parajes

Editor: Filipina F. Meehlieb, Lileth F. Oliverio,

Tagasuri: Lilifreda P. Almazan, Fatima D. Notarte, Leowenmar A. Corvera,


Edwin C. Salazar, Marina B. Sanguenza, John M. Anino, Alyn M. Tolero
Honorato Mendoza, Edwin G. Capon, Joel P. Plaza, Edwin C. Salazar,
Larry G. Morandante, Marino L. Pamogas
Tagaguhit:
Tagalapat: Aldrin V. Ubas, Paul Andrew A. Tremedal

Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol, Jr., Maripaz F. Magno


Josephine Chonie M. Obseñares, Karen L. Galanida,
Florence E. Almaden, Carlo P. Tantoy, Noemi D. Lim, Laarni C. Micayas

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon ng Caraga

Office Address: Teacher Development Center


J.P. Rosales Avenue, Butuan City, Philippines 8600

Telefax: (086) 342-8207: (085) 342-5969

E-mail Address: caraga@deped.gov.ph


8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1
Panahon ng Renaissance
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa
kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng
kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng
ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto
upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa


kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan ang


mga mahahalagang pangyayari sa panahon ng Renaissance. Ang kaalaman mo sa
panahong ito ay mabisang hakbang upang iyong makilala at mapahalagahan ang mga
naging ambag nito sa larangan ng pagbabagong pulitiko, ekonomiko at sosyo- kultural.
Makikilala mo rin ang mga taong naging tanyag sa kanilang mga obra maestra sa iba’t ibang
larangan.

Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang


maging mas maganda ang daloy ng iyong pag-aaral.

May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging makabuluhan ang
iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng mga gawain sa modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot.
Ang modyul na ito ay nakapokus sa Panahon ng Renaissance na nahahati sa mga
sumusunod na paksa:

• Paksa 1- Kahulugan ng Renaissance


• Paksa 2- Ang Humanismo
• Paksa 3- Mga Ambag ng mga Humanista

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

Nasusuri ang mahahalagang pagbabagong politikal, ekonomiko at sosyo- kultural sa


panahon ng Renaissance. AP8 MELC1 Q1 WEEK1

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:

 naipaliliwanag ang mga dahilan kung bakit sa Italya nagsimula ang Renaissance;
 natatalakay ang mga mahahalagang pangyayari sa pagsibol ng Renaissance;
 naipaliliwanag ang papel na ginagampanan ng mga Humanista sa pag-usbong ng
Renaissance;
 naiisa-isa ang mga obra ng mga kilalang humanista sa iba’t ibang larangan;
 napahahalagahan ang mga kontribusyon ng Renaissance;
 nasusuri ang pulitikal, pangkabuhayan, at sosyo-kultural na kalagayan ng Europa sa
panahon ng Renaissance;
 nakapagmumungkahi ng mga paraan kung paano mapabubuti ang kalagayan ng

Subukin

bansa sa iba’t-ibang aspeto tulad pulitikal, pangkabuhayan at sosyo-kultural.

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod ang angkop na kahulugan ng Renaissance?


A. muling pagbabago C. muling pagkatuto
B. muling pagkagising D. muling pagsilang

2. Sa anong bansa umusbong ang Renaissance?


A. France C. Greece
B. Germany D. Italy

3. Sa anong larangan nakasalalay ang yaman ng mga lungsod-estado sa panahon ng


Renaissance?
A. kalakalan at industriya
B. pangingisda at pagsasaka
C. pagpapastol at pagbabarter
D. pagsasaka at pag-aalaga ng hayop

4. Anong kilusang intelektuwal ang nabuo noong panahon ng Renaissance?


A. Humanismo C. Propaganda
B. Pagbabago D. Reporma
5. Sino sa mga sumusunod ang kinikilala bilang “Prinsipe ng mga Humanista”?
A. Desiderius Erasmus C. Nicollo Machievelli
B. Giovanni Boccaccio D. William Shakespeare

6. Ang Renaissance ay nagmula sa Italya, alin sa mga sumusunod ang hindi


nagpapaliwanag kung bakit ito nagsimula sa Italya.
A. Taglay nito ang magandang lokasyon
B. Ang Italya ay kontrolado ng Papa sa Roma
C. Maraming unibersidad na pwedeng pag-aralan
D. Ang Italya ay mas malapit sa mga sinaunang Romano

7. Alin sa mga pahayag ang hindi nagsasaad ng kahalagahan ng Renaissance sa


kasalukuyang panahon?
A. nagdudulot ng pagkakalito sa paniniwala ng mga katoliko
B. karamihan sa mga bansa ay binigyang halaga ang humanismo
C. naging batayan ang sinaunang pag-aaral sa mga makabagong kaalaman
D. pinag-ibayo ang pagiging malikhain at paglikha ng mga bagong kaalaman sa
iba’t ibang larangan lalo na sa agham
8. Alin sa mga obra ni Leonardo da Vinci ang makikita si Kristo kasama ang kanyang
labindalawang disipulo?
A. Mona Lisa
B. Tribute Money
C. The Last Supper
D. Madonna and the Chilz

9. Ano ang pinakamahalagang papel na ginampanan ng mga unibersidad sa Europe sa


panahon ng Renaissance?
A. Nagpalawak ng Simbahang Katoliko sa Italya
B. Nagtaguyod ng pagbuhay muli sa kulturang klasikal
C. Bumuhay muli sa mga turo at aral ng Simbahang Katoliko
D. Nagturo ng mga tamang pagpapahalaga bilang isang mamamayan

10. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ni Sir Isaac Newton sa larangan ng agham?
A. Batas ng Universe
B. Teoryang Copernican
C. Teoryang Heliocentric
D. Batas ng Universal Gravitation

11. Sino ang tinaguriang “Makata ng mga Makata” sa panahon ng Renaissance?


A. Desiderius Erasmus C. Miguel de Cervantes
B. Francesco Petrarch D. William Shakespeare

12. Bakit tinawag na transisyonal na panahon ang Renaissance mula sa Medieval tungo sa
Modernong Panahon?
A. nagpasaya sa buhay ng mga Europeong mamamayan
B. mas pinalawig ang mga kaugalian at tradisyon sa Gitnang Panahon
C. naging panatiko ang mga Europeo sa turo at aral ng Simbahang Katoliko
D. nagdulot ng mga pagbabagong naging dahilan sa pagpapaunlad ng imbensiyon
at agham

13. Ang panahong Renaissance ay kakikitaan ng mga sumusunod na katangian


maliban sa isa:
A. Pagbibigay halaga sa tao at ikabubuti nito
B. Pagsunod sa kagustuhan ng simbahan
C. Paglikha ng iba’t- ibang anyo ng sining
D. pag-usbong mga mga humanista

14. Ano ang pinagkaka-abalahang gawain ng mga tao sa Italya bago sumibol ang
Renaissance?
A. mga gawaing pambahay
B. pagtuklas ng mga bagong lupain
C. pagpapaunlad ng kanilang agrikultura
D. mga gawain, aral at turo ng simbahan

15. Sino sa mga humanistang babae ang may akda ng Dialogue of Adam and Eve?
A. Isotta Nogarola C. Sofonisba Anguissola
B. Laura Cerata D. Veronica Franco

7
Balikan

Panuto: Marami ka nang napag-aralan tungkol sa mga kaganapan sa Europe na siyang


dahilan ng paglakas nito. Upang mataya ang dati mong kaalaman, sagutan ang gabay na
tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng Katolisismo sa mga pagbabagong


naganap sa Europe?

2. Sa kasalukuyang panahon, ano ang nagging papel na ginagampanan


ng Simabahang Katoliko sa ating lipunan?

Tuklasin

Sa kasalukuyan, isa sa pinakamayamang kontinente sa daigdig ang Europa. Taglay


nito ang mga pamana at mga bagong ideya sa iba’t ibang larangan. Ano kaya ang mga
dahilan at napanatili nito ang kanyang katatagan?

Gawain 1: Ako ay Matatag


Panuto: Isulat sa bilog ang mga salita o lupon ng mga salitang naglalarawan sa isang
metatag na bansa. Gawin ito sa sagutang papel.

Matatag na

Batay sa mga konseptong naitala sa itaas, paano mo mailarawan ang isang matatag na
bansa sa isang pangungusap? Isulat ang sagot sa sagutang papel.

8
Suriin

Ang Pag-usbong ng Renaissance

Sa pagtatapos ng Gitnang Panahon o Middle Ages, maraming namatay sa Europa


sanhi ng Black Death at mga digmaan. Dahil dito, marami sa mga mamamayan ang
nagsimulang mawalan ng tiwala sa Simbahan. Kinuwestyon din nila ang mga umiiral na
paniniwala at gawi ng lipunan. Kinalaunan, sa pangunguna ng mga edukado, isinantabi nila
ang mga halagahin at paniniwalang pinairal ng Simbahan at ibinaling nila ang kanilang
atensyon sa kadakilaan ng nagdaang sibilisasyon ng Greece at Rome. Ang panahong 1300-
1600 ay kakikitaan ng napakataas na antas ng malikhaing pag-iisip sa mga Europeano. Ito
ang tinatawag na Renaissance.

Ang salitang Renaissance ay hango sa salitang Pranses na nangangahuluga ng


“muling pagsilang” o rebirth. Layunin nito na muling ibalik ang kadakilaan ng kulturang
Greco-Romano sa pamamagitan ng pagpapanumbalik ng mga karunungang klasikal at
pagbibigay-halaga sa mga gawa at kakayahan ng tao sa aspeto ng sining, agham, literatura
at panitikan.

Ang Italya ay matatagpuan malapit sa Dagat Mediterranean. Dito karaniwang


dumadaong ang mga barkong nagdadala ng bagong produkto. Malaki ang paghanga ng
mga taga-Europa sa Italya dahil dito nagsimula ang ilang mahalagang pag-aaral at
pagtuklas kaya naging sentro ito ng pag-usbong ng Renaissance.
Sa panahong ito muling pinatili at pinanumbalik ang mga sinaunang kulturang klasikal ng
Gresya at Roma, na nakapagdulot ng sigla sa kaisipan ng Europa at nagbigay daan sa
maraming pagbabago sa larangan ng sining, arkitektura, agham at eskultura. Umunlad din
ang kanilang agrikultura bunga ng pagbabago sa kagamitan at pamamaraan sa pagtatanim.

Naging inspirasyon din ang Renaissance sa mga mangangalakal dahil naging


maunlad ang ekonomiya at sa larangan ng eksplorasyon binigyang sigla ang mga
manlalakbay na galugarin ang mundo na kung saan naitatag ang mga bagong imperyo ng
Europeong mananakop. Sa panahong ito nabuhay muli ang interes ng mga mamamayan sa
kalikasan ng tao. Naglabasan ang mga taong may taglay na kakayahan. Nabuksan ang
isipan ng mga tao na gamitin ang kanyang abilidad at talento sa pagtuklas ng mga bagay-
bagay at nagresulta ng mga ambag na napakinabangan ng lipunan.

Mga Salik sa Pagsibol ng Renaissance sa Italya

Isa sa pinakamahalagang salik ng pagsibol ng renaissance sa Italya ay ang


kinaroonan nito. Sa mapa ng daigdig, matatagpuan ang Italya sa pagitan o dakong gitna ng
Kanlurang Europa at Kanlurang Asya. Dahil sa magandang lokasyon nito, nagkaroon ng
bentahe ang mga lungsod-estado ng Italya na sa panahong iyon, ang pinakamayaman sa
Europa, na nagkaroon ng pagkakataon na makipagkalakalan sa mga bansa sa Kanlurang
Asya at Kanlurang Europa. Nakatulong din ang kinaroonang sentral ng Italya sa pagtanggap
ng iba’t- ibang kaisipan mula sa Kanluran at Silangan. Nabigyang- sigla ang kanilang
pagnanasang mapanumbalik ang tagumpay ng kabihasnang klasikal ng sinaunang Roma.
Mahalagang papel ang ginampanan ng mga unibersidad sa Italya, naitaguyod at
napanatiling buhay ang kulturang klasikal at ang mga teolohiya at pilosopiyang kaalaman ng
kabihasnang Griyego at Romano. Sa pagkakaroon ng malayang pag-aaral sa unibersidad,

9
naging praktikal ang mga tao sa kanilang pananaw sa buhay at mas naging malaya sa
paglinang ng kanyang mga kakayahan at kagustuhan. Higit na hinangad ng mga tao ang
lubos na kasiyahan sa kasalukuyang –buhay.
Ang Humanismo
Ang Humanismo ay isang kilusang intelektuwal na naniniwalang dapat pagtuunan ng
pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Gresya at Roma. Ito ay pinangunahan ng mga
Humanista. Sila ay mga iskolar na nanguna na muling maibalik ang karunungang klasikal sa
pamamagitan ng pag-aaral ng wikang Latin at Greek, Retorika, Kasaysayan, Pilosopiya,
Musika, Matematika, at Agham.
Ang kilusang ito ay hindi laban sa Kristiyanismo, manapa, ipinadadama nito na hindi
lamang ang paghahanda sa sarili sa susunod na buhay ang pangunahing tungkulin sa
mundo. Kundi, dapat din hangarin ng tao ang lubos na kasiyahang pangkasalukuyan. Sa
larangan naman ng sining at panitikan, sa halip na sumusunod sa istilo na ginagawa noong
panahong midyibal, ikinintal ang makabagong pamamaraan sa pagpinta at pagsulat,
binigyan daan ang realismo, perspektiba at kariktan sa panitikan.

Mga Ambag ng Renaissance sa Iba’t ibang Larangan

Larangan Mga Humanista Kontribusyon


Francesco Petrarch  Kilala siya kinilala bilang “Ama
ng Humanismo.”

 Sinulat niya sa Italyano ang


“Songbook” isang koleksiyon
ng mga sonata ng pag-ibig
Sining at patungkol sa kanyang
Panitikan minamahal na si Laura.

Giovanni Boccacio  Isinulat niya ang


“Decameron”, isang tanyag
na koleksiyon ng isang daang
nakakatawang salaysay.

Miguel de Cervantes  Isa siyang nobelista. Isinulat


niya ang
“Don Quixote de la Mancha.”
Ang laman ng kanyang
nobela ay katawa-tawang
kasaysayan ng mga
kabalyero.

10
Nicollo Machievelli
Sining at  Isinulat niya ang “The Prince”
Panitikan kung saan
ipinayo niya na dapat gumamit
ng katusuhan, kalupitan at
panlilinlang ang mga pinuno
para matamo ang
kapangyarihan

William Shakespeare  Kilala siya bilang “Makata ng


mga
Makata.”
 Isinulat niya ang kilalang mga
dula gaya ng “Julius Caesar,”
“Romeo and Juliet,” “Hamlet,”
“Anthony and Cleopatra,” at
“Scarlet.”

Desiderius Erasmus  Kilala siya bilang “Prinsipe ng


mga Humanista.”
 Isinulat niya ang “In Praise of
Folly” kung saan tinuligsa niya
ang hindi mabuting gawa ng
mga pari at karaniwang tao.

Michelangelo Bounarotti  Dakilang Pintor at iskultor ng


Sistine
Chapel sa Vatican.
Pinintahan niya ito ng mga
pangyayari sa Bibliya mula
sa paglikha hanggang sa
Malaking Pagbaha.
Pagpipinta

Leonardo da Vinci  Isa siyang kilalang pintor,


arkitekto, iskultor, inhinyero,
imbentor, siyentista,
musikero at pilosoper.
 Pinakatanyag niyang obra ay
ang The Last Supper o
“Huling Hapunan.”

Raphael Santi  Kilala siya sa katawagang

11
“Ganap na Pintor.”
 Ilan sa kanyang tanyag na
obra ay ang: Sistine
Madonna,Madonna and the
Child, at Alba Madonna

Nicolas Copernicus  Ipakilala niya ang isang teorya


na nagsasaad na ang araw
ang sentro ng sansinukob.
Ang mga planeta kasama ang
daigdig ay umiikot sa paligid
ng araw.

Agham

Galileo Galilei  Naimbento niya ang


teleskopyo na nakatulong
upang mapatotohanan ang
pahayag ni Copernicus.

Andreas Vesalius  Isa siyang manggagamot na


nagbago ng pag-aaral ng
biology.
 Maingat niyang pinag-aralan ang
anatomiya ng katawan ng tao.
 Siya ang nagsulat at naglarawan
ng unang komprehensibong aklat
sa anatomy.

Zacharias Janssen  Siya ang unang nakaimbento


ng compound microscope.

 Ginagamit ang ito upang


matingnan ang maliliit na mga
sample na hindi makikilala sa
mata.
Agham

William Harvey  Isa siyang manggagamot na


Ingles na unang kumilala sa
buong sirkulasyon ng dugo sa
katawan ng tao.

 Ang pinakadakilang tagumpay

12
ni Harvey ay kilalanin na ang
dugo ay mabilis na dumadaloy
sa katawan ng tao.

Anders Celcius  Si Anders Celsius, isang


propesor ng astronomiya sa
Unibersidad ng Uppsala,
Sweden, ay gumawa ng isang
sukat ng temperatura noong
1741.
 Ang kanyang orihinal na sukat
ay may 0 degree sa puntong
kumukulo ang tubig o boiling
point at 100 degree kung saan
nanigas ang tubig o freezing
point.

Daniel Gabriel Fahrenheit  Noong 1709 naimbento ni


Daniel Gabriel Fahrenheit ang
thermometer ng alkohol, at
ang thermometer ng mercury
noong 1714.
 Ipinakilala niya noong 1724
ang karaniwang sukatan ng
temperatura na nagdadala ng
kanyang pangalang-
Fahrenheit Scale- na ginamit
upang maitala ang mga
Agham pagbabago sa temperatura.

Antonie Van Leeuwenhoek  Kilala siya bilang “Father of


Microbiology”.
 Nangunguna siya sa
larangan ng microscopy.
 Una niya naobserbahan ang
bacteria sa pamamagitan
ng microscope.

13
Mga Humanistang Kababaihan sa Panahon ng Renaissance

Kakaunti lamang sa mga kababaihan ang nabigyan ng pagkakataon na makapasok


sa mga unibersidad sa Italy. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang upang sila ay makilala at
makapag-ambag sa panahon ng Renaissance.

Humanistang Babae Kontribusyon


Isotta Nogarola  Siya ang may akda ng Dialogue on Adam and Eve
at Oration on the Life of St. Jerome

Humanistang Babae Kontribusyon


Laura Cereta  Isinulong niya ang makabuluhang
pagtatanggol sa pag-aaral ng
humanistiko para sa kababaihan.

Veronica Franco at Vittoria Colonna  Kilala sila pagsusulat ng mga tula.

14
Sofonisba Anguissola at  Ipininta nila ang Judith and her Servant
Artemisia Gentileschi with the Head of Holoferness at ang Self
Portrait as the Allegory of Painting.

Ang mga humanista ay maraming kontribusyon sa Panahon ng


Renaissance dahil sa
Mga Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang Humanismo?

2. Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng Humanismo sa pagsibol ng


Renaissance sa Europa?

3. Ano ang implikasyon ng ipinakitang pagpupunyagi ng mga kababaihang humanista


sa panahon ng Renaissance?

Pagyamanin

Gawain 2: Dugtungan Mo
Panuto: Dugtungan ang mga kataga upang makabuo ng makahulugang talata.
Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

Gawain 3: Tama o Mali


Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay naglalahad ng wastong
impormasyon at MALI naman kung ito ay hindi.
Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

1. Ang kahulugan ng salitang Renaissance ay “muling pagsilang” o rebirth.


2. Ang Renaissance ay sumibol sa bansang Italya dahil sa magandang kinalalagyan sa
larangan ng kalakalan at matatag na lipunan.
3. Ang unibersidad ay lugar kung saan ginanap ang palakasan.
4. Napaunlad ng Italy ang kanilang kabuhayan dahil sa tulong ng kalakalan.
5. Tumibay ang tiwala ng mga mamamayan sa simbahang Katoliko dahil sa
Renaissance.

15
6. Ang mga Humanista ay mga iskolar na nangunguna sa pag-aaral ng karunungang
klasikal ng Greece at Rome.
7. Ang mga kalalakihan lamang ang sumikat sa Italya sa panahon ng Renaissance.
8. Marami ang naging pamana ng panahong Renaissance sa iba’t ibang larangan sa
kasalukuyan.
9. Ang Renaissance ay transisyonal na panahon ng Middle Age at Modern Age.
10. Natamo ng Renaissance ang rurok ng kaningningan sa larangan ng pagpipinta,
eskultura, sining, agham at arkitektura.

Isaisip

Gawain 4: May Halaga Ako


Panuto: Magtala ng limang kahalagahan ng panahon ng Renaissance ayon sa
talahanayan.
Gawin ito sa sagutang papel.

Agham Sining at Panitikan


1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

Isagawa

Gawain 5
Panuto: Gumawa ng isang liham-suhestiyon sa kalihim ng Department of Science
and Technology (DOST) na naglalaman ng mga paraan upang higit na
mapaunland ang Sistema ng agham at teknolohiya ng ating bansa.

Rubric sa Paggawa ng Liham

Mahusay Katamtaman Nangangailangan ng Nakuhang


Pamantayan Pagsasanay Puntos
(5) (4) (3)
Ang mensahe Di gaano Walang mesaheng
Nilalaman ay mabisang naipakita ang naipakita.
naipakita. mensahe.
Napakaganda Maganda at Di maganda at
at napakalinaw malinaw ang malabo ang
ng pagkakasulat ng pagkakasulat ng
Pagkamalikhain pagkakasulat mga salita. mga salita.
ng mga salita.

16
May malaking Di gaanong may Walang kaugnayan
kaugnayan sa kaugnayan sa sa paksa.
Kaugnayan paksa. paksa.

Malinis na Malinis ang Marumi ang


Kalinisan malinis ang pagkabuo. pagkabuo.
pagkabuo.
Kabuuang Puntos

Tayahin

Panuto: Basahin at unawain. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Sino ang tinaguriang “Makata ng mga Makata” sa panahon ng Renaissance?


A. Desiderius Erasmus C. Miguel de Cervantes
B. Francesco Petrarch D. William Shakespeare

2. Bakit tinawag na transisyonal na panahon ang Renaissance mula sa Medieval


tungo sa Modernong Panahon?
A. Nagpasaya sa buhay ng mga Europeong mamamayan.
B. Mas pinalawig ang mga kaugalian at tradisyon sa Gitnang Panahon.
C. Naging panatiko ang mga Europeo sa turo at aral ng Simbahang Katoliko
D. Nagdulot ng mga pagbabago na naging dahilan sa pagpapaunlad ng
imbensiyon at agham.

3. Alin sa mga pahayag ang hindi nagsasaad ng kahalagahan ng Renaissance sa


kasalukuyang panahon?
A. Nagdudulot ito ng pagkakalito sa paniniwala ng mga katoliko.
B. Karamihan sa mga bansa ay binigyang halaga ang humanism.
C. Naging batayan ang sinaunang pag-aaral sa mga makabagong kaalaman.
D. Pinag-ibayo ang pagiging malikhain at paglikha ng mga bagong kaalaman
sa iba’t ibang larangan lalo na sa agham.

4. Ano ang pinagkakaabalahang gawain ng mga tao sa Italy bago sumibol ang
Renaissance?
A. mga gawaing pambahay
B. pagtuklas ng mga bagong lupain
C. pagpapaunlad ng kanilang agrikultura
D. mga gawain, aral at turo ng simbahan

5. Sinong sa mga humanistang babae ang may akda ng Dialogue of Adam and Eve?
A. Isotta Nogarola C. Sofonisba Anguissola
B. Laura Cerata D. Veronica Franco

6. Alin sa sumusunod ang angkop na kahulugan ng Renaissance?


A. muling pagbabago C. muling pagkatuto
B. muling pagkagising D. muling pagsilang

7. Sa anong bansa umusbong ang Renaissance?


A. France C. Greece
B. Germany D. Italy

17
8. Sa anong larangan nakasalalay ang yaman ng mga lungsod-estado sa panahon ng
Renaissance?
A. kalakalan at industriya
B. pangingisda at pagsasaka
C. pagpapastol at pagbabarter
D. pagsasaka at pag-aalaga ng hayop

9. Anong kilusang intelektuwalang nabuo noong panahon ng Renaissance?


A. Humanismo C. Propaganda
B. Pagbabago D. Reporma

10. Sino sa mga sumusunod ang kinikilala bilang “Prinsipe ng mga Humanista?”
A. Desiderius Erasmus C. Nicollo Machievelli
B. Giovanni Boccaccio D. William Shakespeare

11. Ang panahong Renaissance ay kakikitaan ng mga sumusunod na katangian maliban


sa isa:
A. Pagbibigay halaga sa tao at ikabubuti nito.
B. Pagsunod sa kagustuhan ng simbahan.
C. Paglikha ng iba’t- ibang anyo ng sining.
D. Pag-usbong mga mga humanista.

12. Ang Renaissance ay nagmula sa Italya, alin sa mga sumusunod ang hindi
nagpapaliwanag kung bakit ito nagsimula sa Italya.
A. Taglay nito ang magandang lokasyon.
B. Ang Italya ay kontrolado ng Papa sa Roma.
C. Maraming unibersidad na pwedeng pag-aralan.
D. Ang Italya ay mas malapit sa mga sinaunang Romano.

13. Sa aling obra maestra ni Leonardo da Vinci ipinapakita ang isang mahalagang
eksena sa buhay ni Kristo kasama ang kaniyang labindalawang disipulo?
A. Mona Lisa
B. Tribute Money
C. The Last Supper
D. Madonna and the Child

14. Ano ang pinakamahalagang papel na ginampanan ng mga unibersidad sa Europa sa


panahon ng Renaissance?
A. Nagpalawak ng Simbahang Katoliko sa Italya.
B. Nagtaguyod ng pagbuhay muli sa kulturang klasikal.
C. Bumuhay muli sa mga turo at aral ng Simbahang Katoliko.
D. Nagturo ng mga tamang pagpapahalaga bilang isang mamamayan.

15. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ni Sir Isaac Newton sa larangan ng


agham?
A. Batas ng Universe
B. Teoryang Copernican
C. Teoryang Heliocentric
D. Batas ng Universal Gravitation

18
Karagdagang Gawain

Gawain 6: Tulong-tulong Tayo


Panuto: Magbigay ng suhestiyon kung papaano mapauunlad ng mga Pilipino ang
mga sumusunod na aspeto ng ating lipunan ayon sa talahanayan sa ibaba.
Gawin ang mga ito sa sagutang papel.

Larangan / Aspeto Paraan kung paano ito paunlarin

Agham

Edukasyon

Sining at Panitikan

Imbensiyon

19
Susi sa Pagwawasto

Subukin
1.D 6. B 11. D
2. D 7. A 12. D
3. A 8. C 13. B
4. A 9. B 14. D
5. A 10. D 15. A

Balikan
1. Ano ang mahalagang papel ang gingampanan ng Katolisismo sa mga pagbabagong naganap
sa Europa?
 Ang simbahan ang pinakamakapangyarihang institusyon at malawak ang lupang
pag-aari nito. Ito ang nagtakda sa Europe ng pamantayan ng pag-uugali at
moralidad. Ito rin ang namamahala sa edukasyon. Maging ang mga hari ay kaya
niyang utusan o pasunurin. Dahil sa kapangyarihan sa Simbahan mahalaga ang
papel nito nito sa paglakas ng Europe .Sa pangunguna ng Simbahan, nabuo ang
imahen ng Europe bilang isang malawak na kabuuang Kristiyano – Ang Republica
Christiana na pinamunuan ng mga hari sa patnubayng Papa.

2. Sa kasalukuyang panahon, ano ang naging papel na ginagampanan ng Simbahang


Katoliko?
 Sa kasalukuyan panahon, ang ang naging papel na ginagampanan ng Simbahang Katoliko ay
kinikilala itong isang nagsasariling institusyon na pinamunuan ng Papa at hiwalay sa estado o
pamahalaan. Mahalaga ang pael nito pagdating sa pamantayan ng pag-uugali at moralidad.

Tuklasin
Gawain 1

Suriin
Mga Pamprosesong tanong
1. Ang Humanismo ayisang kilusang intelektuwal noong Renaissance na naniniwalang dapat
pag tuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome sap ag-aaral dahil
naglalaman ito ng lahat ng aral na dapat matutuhan upang magkaroon ng isang moral at
epektibong buhay.
20
2. Sa humanismo umusbong ang mga kilalang humanista. Sila ang mga nag-aaral ang
nagpaunlad ng pilosopiya, sining, agham at iba’t ibang larangan na nagpabago sa takbo
ng kasaysayan ng Europe.
Pagyamanin
Gawain 2
Ang mga humanista aymaraming kontribusyon sa Panahon ng Renaissance dahil sa mayroon
silang unibersidad na tumulong sa kanila upang mapaunlad ang kani -kanilang mga kaalaman.

Pagyamanin Isaisip Isagawa


Gawain 3 Gawain 4 Gawain 5
1. TAMA 6. TAMA Maaring magkaiba-iba Ang pagbigay puntos sa
2. TAMA 7. MALI ang sagot ng mag-aaral. paggawa ng liham ay
3. MALI 8. TAMA naayon sa naibigay na
4. TAMA 9. TAMA rubric.
5. MALI 10. TAMA

Tayahin
1.D 6. D 11. B
2. D 7. D 12. B
3. A 8. A 13. C
4. D 9. A 14. B
5. A 10. A 15. D

Karagdagagng Gawain

Larangan / Aspeto Paraan kung paano ito paunlarin


Agham Maglaan ng malaking pondo upang makapaghikayat ng mga mananaliksik na
magtuklas ng mga bagong kaalaman.
Edukasyon Patatagin at gawing libre ang Sistema ng edukasyon.
Sining at Panitikan Magtalaga ng mga paaralan para sa mga mahilih sa sining at panitikan.
Imbensiyon Bigya ng suporta ng pamahalaan an gating mga imbentor upang hindi
mangingibang bansa.

Sanggunian

Blando, Rosemarie C., Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L.
De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo, Kalenna Lorene S. Asis.
2014. Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan 8 – Modyul ng mag- aaral. Pasig City,
Philippines: Vibal Group Inc. and Department of Education- Instructional Materials Council
Secretariat (DepEd-IMCS).
Mateo, Grace Estela C., Rosita D. Tadena, Mary Dorothy dl. Jose, Celinia E. Balonso,
Celestina P. Boncan, John N. Ponsaran and Jerome A. Ong. 2012. Kasaysayan ng Daigdig :

21
Batayang aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon. Queszon City, Philippines: Vibal
Publishing House, Inc.
Vivar, Teofista L., Nieva J. Discipulo, Priscilla H. Rille, Zenaida M. de Leon. 2000.
Kasaysayan ng Daigdig: Batayang Aklat sa Ikatlong Taon. Metro Manila, Philippines: Sd
Publications, Inc.

Project EASE ADM Module Araling Panlipunan 8 Module 11- Panahon ng Renaissance

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Andreas_Vesalius -
Pierre_Poncet.jpg
https:/commons.wikimedia.org/wiki/File:Zacharias_Janssen.jpg
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:William_Harvey.jpeg
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Anton_van_Leeuwenhoek.png
https://en.wikipedia.org/wiki/Anders Celsius#/media/File;Headshot of
Anders Celsius.jpg
http://www.malenywx.com/weatherhistory/articles/gabrielfahrenheit/

22
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like