Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

NAILON ELEMENTARY SCHOOL

Nailon, Bogo City, Cebu


UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN V

Pangalan:_________________________Baitang/Seksyon:________Score:___

I. Panuto: Lagyan ng (✓) ang patlang kung ang pahayag ay nagpapaliwanag sa


lokasyon ng Pilipinas at paghubog ng ating kasaysayan at (x) kung hindi.

______1. Nagtayo ng mga istrukturang base militar ang mga Amerikano para
gawing sanayan ng mga sundalo at imbakan o arsenal ng mga kagamitang
pandigma nila.
______2. Ang edukasyon ang naging pinakamalaking pamana ng Espanya sa
Pilipinas.
______3. Bukod sa kultura, naging sentro din ang Pilipinas sa komunikasyon,
transportasyon, at kalakalan sa Asya.
______4. Naging kalaban ng Pilipinas ang lahat na mga karatig bansa nito dahil
sa estratehikong lokasyon nito sa Asya.
______5. Mahalagang pag-aralan ang heograpiya o lokasyon ng isang bansa
para maunawaan kung paano nahubog ang iba’t ibang aspeto ng kultura,
ekonomiya, at pamahalaan.

II.Panuto: Punan ang patlang ng mga angkop na salita para mabuo ang
kaisipan ng talata. Piliin ang sagot sa kahon.

Diyos Melu Mitolohiya Teorya Tectonic Plate


Tatlong Kuko Bagobo Badjao

Ang (6.)______________ ay isang paliwanag tungkol sa isang penomena o


pangyayari na itinuturing bilang tama o tumpak na maaaring gamitin bilang
prinsipyo ng paliwanag o prediksyon. Ayon sa teorya, ang paggalaw ng
kalupaan ng daigdig libong taon na ang nakalipas ay tinatawag na(7.)
_____________. Ang crust ay nahahati sa malalaki at makakapal na tipak ng
lupa kung tawagin ay tectonic plate.
Ang (8.)________________ ay mga sali-salimuot na kwento na ang layunin
ay maipaliwanag ang sagisag ng mahahalagang balangkas ng buhay. Ayon
sa mitolohiya, may (9.)____________ higanteng naglaban-laban gamit ang
mga bato at mga dakot ng lupa. Sa paniniwala ng
mga(10.)_______________ , nilikha daw ng kanilang diyos na si
(11.)________________ ang Pilipinas mula sa kanyang libag. Ayon naman
sa paniniwala ng mga Manobo, ang daigdig ay mula sa (12.) _____________
ng kanilang diyos.
Sa paniniwalang panrelihiyon, nilikha ng isang makapangyarihang
(13.)____ ________ ang buong sanlibutan kasama na ang bansang Pilipinas
.
III. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at ayusin ang mga
titik para makabuo ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa patlang..

14. Siya ang naglikha ng mga unang tao sa mundo ayon sa relihiyon Islam.
H A L A L_______________________
15. Ayon sa mitolohiya, nailuwal sa mundo ang tao mula sa isang uri ng
halaman.
Y A N W A K A_______________________
16. Sila ang unang babae at lalaki na nailalang ng Diyos.
N A D A A T B A E _______________________
17. Sila ang babae at lalaki na nailuwal mula sa malaking kawayan.
K A S L A M A TA G A N M A D A_______________________
18. Pangunahing dahilan ng paglaganap ng taong Austronesyano.
L A K A L A N K A_______________________
19. Siya ay isang antropologong Amerikano na nagsabing ang mga
Austronesyano ang unang tao sa Pilipinas batay sa kanyang teoryang
Nusantao.
M L E H W I L H E I M S O L I I _______________________
20. Ayon sa teoryang ito, ang mga Austronesyano ay galing naman ng
Indonesia na nagtungo sa Pilipinas hanggang makarating sa Timog-Tsina dahil
sa pakikipagkalakalan.
T A O N U S A N R Y T H E O _______________________
21. Ang salitang Austronesyano na nangangahulugang tao mula sa timog.
T A O N U S A N _______________________
22. Ang naniniwalang ang mga Austronesyano ay nagmula sa Timog-Tsina at
Taiwan?
T E R E P W D O O L E L B _______________________
23. Isang banal na aklat ng mga Kristiyano na naglalaman ng kwento sa
pinagmulan ng unang ng tao sa mundo.
Y A B I B L I_______________________
IV. Panuto: Subukan mong sagutin ang sumusunod na mga tanong. Bilugan
ang titik ng tamang sagot.

24. Umunlad ang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino nang


matuto ang mga ito sa_________.

A. pamamangka at paglalayag
B. paggamit ng magaspang na bato
C. pagpalipat-lipat ng mga tirahan
D. pagtatanim ng iba’t ibang halaman at pagpapaunlad ng pagsasaka

25. Ang pagkakaroon ng tiyak na mapagkukunan ng pagkain ng mga


sinaunang tao sa pamamagitan ng pangingisda at pagsasaka ay dahilan
ng __________.

A. pagtira nila sa mga yungib


B. pagiging pagala-pagala nila
C. pagkakaroon nila ng maraming ginto
D. pagkakaroon nila ng permanenteng tirahan

26. Ang mga sumusunod ay maaaring paraan para maging isang datu
maliban sa isa. Alin ito?

A. pumasa sa pagsusulit ng datu


B. anak o galing sa angkan ng mga datu
C. nakapangasawa ng isang anak ng datu
D. matapang, matalino, at nagmana ng mga kayamanan

27. Ang salitang barangay ay hango sa salitang balanghai o balangay


na tumutasukoy sa ______.

A. sasakyang panlupa
B. sasakyang pandagat
C. sasakyang panhimpapawid
D. wala sa nabanggit

28. Paano magpasya ang datu kung nagbibigay ng hatol sa mga


nagkakasalang kasapi ng barangay?

A. pinapatay agad
B. tumatawag sa diyos
C. kumukuha ng tagahatol
D. isinasailalim sa mga pagsubok

V. Panuto: Lagyan ng mukhang nakangiti ( ) ang patalang kung ang


ginagawa o hanapbuhay ng mga Pilipino noon at malungkot na mukha ( )
naman kung hindi.

______29. Pagpapanday
______30. Panghuhuli ng mga isda
______31. Pagtatanim o pagsasaka
______32. Paninisid ng perlas o kabibe
______33. Pangangalakal ng mga kagamitang di-kuryente

VI. Panuto: Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung wasto ang pangungusap
at MALI kung hindi.

_____ 34. Dala ng mga mangangalakal na Espanyol ang Relihiyong Islam kaya
ito nakarating sa Pilipinas.

_____ 35. Si Abu Bakr ay tinatawag ding Sharif ul-Hashim nang maging kauna-
unahang sultan sa Sulu.
_____ 36. Ang Rehiliyong Islam ay isang mahalagang impluwensiyang
umambag sa kultura ng mga Pilipino.
_____ 37. Nang dumating ang mga Espanyol, nagtungo ang mga katutubong
Muslim sa katimugang bahagi ng Pilipinas upang mapanatili ang kanilang
pagsasarili.
_____ 38. Unang lumaganap ang Relihiyong Islam sa Luzon.
_____39. Ang Relihiyong Islam ay dala ng mga mangangalakal na Arabong
Muslim.
_____40. Si Tuan Masha’ika ang itinuturing na kauna-unahang nagpakilala ng
Relihiyong Islam sa Pilipinas.

Good Luck and God Bless!!!


ANSWER KEY : VI.
I.
1 .√ 1. MALI
2 .X 2. TAMA
3. .√ 3. TAMA
4. X 4. TAMA
5. .√ 5. MALI
6. TAMA
II. 7. TAMA
1. TEORYA
2. TECTONIC PLATE
3. MITOLOHIYA
4. TATLO(NG)
5. BAGOBO
6. MELU
7. KUKO
8. DIYOS

III.
1. ALLAH
2. KAWAYAN
3. ADAN AT EBA
4. MALAKAS AT MAGANDA
5. KALAKALAN
6. WILHELM SOLHEIM II
7. NUSANTAO THEORY
8. NUSANTAO
9. PETER BELLWOOD
10.BIBLIYA

IV.
1. D
2. D
3. A
4. B
5. D
V.
1. 4.
2.
3. 5.

You might also like