Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Filipino V

Unang Markahan

Ikalimang Linggo Araw 5

I. Layunin
Nagagamit ng wasto ang mga pangngalan at panghalip sa pagtalakay
tungkol sa sarili, sa mga tao, hayop, lugar, bagay at pangyayari sa paligid.

II. A. Paksang Aralain:


Pagagamit ng Nasto sa mga Pangngalan at Panghalip sa Pagtalakay
Tungkol sa Sarili, sa mga Tao, Hayop, Lugar, Bagay at Pangyayari sa Paligid.

B. Sanggunian: K to 12 Gabay Kurikulum

C. Kagamitan: larawan, strips, kwento, tunay na bagay

D. Pagpapahalaga: Pagiging pursigido sa iyong pangarap/Huwag


mawalan ng pag-asa.

III. A. Panimulang Gawain


1. Pagbabaybay
2. Balik-aral
Ano ang balangkas? Ang balangkas ay binubuo ng mga pangunahing diwa
ng talata, kwento o anumang seleksiyong binasa at ang mahahalagang
detalyeng sumusuporta o lumilinang dito.
3. Pangganyak
Laro: strips ng cartolina na may pangngalang at panghalip. Unahang
makatapos sa loob ng isang minuto sa pagtatambal ng pangkat sa
mga pangngalan at panghalip

B. Panlinang na Gawain
1. Pangganyak na Tanong
Mayroon ba kayong pangarap?Ano inyong pangarap o gusto ninyo
paglaki? Gusto mo bang matupad ang pangarap mo?

2. Gawain
Kwento:
Ang Pilipinong Imbentor
Noong si Pangulong Manuel Luis Quezon pa ang pangulo ng
Pilipinas, may lumapit na lalaki sa kaniya sa kaniyang opisina. “Ako po
si Agapito Flores. May naimbento po akong ilaw na de-kuryente na
hindi katulad ng karaniwang bombilya. Nagbibigay po ito ng
magandang liwanag,” ang paliwanag ni Agapito.
“Mainam nga sana ang ang bombilyang iyan, ngunit nag-aalala
ako na baka walang magkagusto riyan,” ang sagot ni pangulong
Quezon.
“Ganito po ang paggamit nito,” ang paliwanag ni Agapito. At
ipinakita ni Agapito ang paraan ng paggamit ng bombilya.
“Hindi ko malaman ang gagawin sa imbensyon mo. Kailangan
pang doon sa amerika manggaling ang pahintulot ng mga Amerikano
para magamit iyan,” ang paliwanag ni pangulong Quezon.
Hindi nawalan ng pag-asa si Agapito. Nagpatuloy pa rin siya sa
pagpapaliwanag. Isang panauhin sa Malacañang ang nakarinig sa
paliwanag ni Agapito tungkol sa kaniyang imbesyong bombilya. Isa
pala itong tauhan ng pamahalang Pranses.
“Ipadadala kita sa Paris, upang bigyan ng patent ang inembento
mong bombilyang tubo,” ang sabi ng Pranses.
Makikita ang kasiyahan sa mukha ni Agapito. “Ano po ba ang
patent?” ang tanong niya sa Pranses.
“Katibayan ito ng pagmamay-ari ng pagkakatuklas ng isang
bagay. Kailangan ito upang walang makagaya ng ginawa ng imbentor,”
ang patuloy na paliwanag ng Panses.
Tuwang-tuwang nagpasalamat si Agapitos a sinabi ng Pranses.
Hindi nagtagal, binili ng General Electronic Company ng Amerika ang
patent ng naimbentong bombilya ni Agapito Flores.
1. Anong katangian mayroon si Agapito Flores?
2. Bakit hindi agad nakapagpasya si Pangulong Quezon sa
paggamit ng imbensyon ni Agapito Flores?
3. Mahalaga ba ang nagging payo ng Pranses kay Agapito?
Bakit?
4. Bakit mahalaga ang inimbento ni Agapito Flores?
5. Sa palagay nyo, kung hindi naging pursigido si Agapito
Flores sa kanyang imbensyon magiging scientist pa kaya
siya?
6. Ano kaya ang mayroon tayo ngayon gamit na ilaw,kung
nawalan siya agad ng pag-asa na mailunsad ito o makilala
ito?

3. Pagtatalakayan
A. Pagsagot sa Pagngganyak na tanong
B. Pagsusuri
1. Anong paksa ng inyong napakinggang kwento?

Panuto: Salungguhitan ang mga pangngalan at panghalip mula


sa kwentong napakinggan
1. “Mainam nga sana ang ang bombilyang iyan, ngunit nag-
aalala ako na baka walang magkagusto riyan,”
2. Si Pangulong Manuel Luis Quezon pa ang pangulo ng
Pilipinas.
3. “Ganito po ang paggamit nito,” ang paliwanag ni Agapito.
4. Hindi nawalan ng pag-asa si Agapito.
5. Hindi nagtagal, binili ng General Electronic Company ng
Amerika ang patent ng naimbentong bombilya ni Agapito
Flores.
C. Pagsasanay (Pangkatang Gawain)
Pangkat I Gumawa ng tula gamit ang pangngalan at panghalip
tungkol sa iyong sarili

Pangkat II Mag”rap” gamit ang pangngalan at panghalip tungkol


sa bagay at pangyayari sa paligid
Pangkat III Gumawa ng awit gamit ang pangngalan at panghalip
tungkol sa hayop at lugar. Awitin ito sa klase

Pangkat IV Gumawa ng maikling dula-dulaan gamit ang


pangngalan at panghalip. Ipakita ito sa klase

4. Paglalahat
Ano ang pangngalan? Ang pangngalan ang pangalan ng tao, bagay,
hayop, pook at pangyayari.
Ano naman ang panghalip? Ang kami, kayo, sila, tayo, ito, iyan ay mga
panghalip na ginagamit pamalit sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook
at pangyayari.
5. Karagdagang Gawain
Panuto: Isulat sa patlang ang tamang panghalip ayon sa gamit nito.
1. Magsikap _____, kung nais ninyong umasenso.
2. Nangako ______ daraan muna dito bago umuwi.
3. _______ na muna ang tumulong sa kaniya.
4. Mapapagalitan _______ ni Inay dahil nabasag ang paso.
5. _______ ang bansang ito kaya dapat nating mahalin.

IV. Pagtataya
Panuto: Sumulat ng 5 pangungusap gamit ang pangngalan at panghalip.

V. Gawaing Pantahanan
Pumili ng 5 panghalip at sumulat ng pangungusap tungkol sa iyong
karanasan.

Prepared by:
YOLIN V. CERDA
Bayugo Elem. School Teacher
Jalajala, District

You might also like