Ina Na Ikaw ay makita sa bayan kong sinisinta Sa iyong kadakilaang pinagpupurit kinikilala Ng aming nayon para sayo'y nagkaisa
Ikaw,aming Ina pinaglihing walang sala
Tinubos mo ang bayan sa pagkakasala Ikay nagpakaloob ng pag-asat awa Sa mga taong lubos sayo'y umaasa
Dito sa aming bayan,natatangi iyong ngalan
Takbuhan ng mga pusong 'di alam ang kasagutan Sa bawat sulirani't pag subok na dinaraanan Ika'y naging lakas nami't tunay na sandigan
Inang mapitagan at kadaki-dakila
Ngalan mo'y sinasambit sa kabanalang nagawa Bayan naming sinisinta,sa iyo ina'y sumasamba Sa kabutiha't kapangyarihang , oh inang mapagpala Ang dulot mo sa aking buhay ay panibagong pag-asa Sa aki'y tangi itong sandali na ika'y aking Makita At aking makasama sa pag harap sa problema Sa nayong naging ugat ng pagtalimot pagsinta
Masdan mo't aking taglay ang ganap na
kagalakan Sampu nang aming pamilyang sabik na Ikaw ay masilayan upang bigyang katuparan ang isang kabanalan Na ika'y papuriha't tuwiran ay mapasalamatan
Kaalinsabay na papuri ay ang aking
kahilingan Para sa aking kapatid na may karamdaman Kagalingan nawa'y inyo pong ipagkaloob ng lubusan Ang makapiling namin siya ay ligaya naming tunay Ang aking hinaing,dinggin mo aking Ina Katatagan ng loob,makamit ng bawat isa Inang maawain ibigay iyong awa Sa aking, pamilya lubos sayo'y ang pag samba
oh Birhen ng Caysasay,kaligtasa'y , Ilan
Sa aking ama lubusan ang kasipagan Lahat ay gagawin para sa aming pangangailangan Makamit lang namin buhay na inaasam
Hinihiling ko rin po ako'y inyong tulungan
Sa aking pag-aaral walang maging sagabal Ninanais ko pong ako'y maging matagumpay Na makatulog sa pamilya,nag-aruga ng tunay
Nawa'y aking makamtan patnubay mo't
gabay Kabilang na ang aming bayan sayo'y magbigay-pugay oh inang mapagpala dinggin mo aming alay na papuri't pasasalamat , oh Birhen ng Caysasay PAGLUHOD
Sa aking pag-luhod bilang pag galang
sinasambit ko mapitagang mong pangalan inang maawain dinggin mo kahilingan na maging maayos, kaligtasa'y makamtan
Ang aming pamilya sayo'y nananalangin
na kami'y diringin sa mga hinaing bigyang katuparan aming mga dalangin na aming malagpasang problemang tatahakin
sa tulong ng iyong banal na kapangyarihan
aming makakamit ligaya at kapayapaan bawat tao'y mag kakaisa para sa kinabukasan kasama ka sa pagtupad ng maunlad na bayan
Kaya inang Birhen, may budhing malinis
kami'y iligtas mo,sa dusa at hinagpis ilayo mo po kami,sa mga panganib at sa lahat ng tuksong laging lumalapit