Tagalog

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 32

3 Science

Ikatlong Markahan - Modyul 1


Force at Motion
Science – Grade 3
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1 Force at Motion
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Aracile E. Dimol Ross C. De los Santos,


Ruby Mae H. Marabulas
Naglapat sa Filipino: Mara Karla S. Macalan
Editor: Liza F. Carpina
Tagasuri: Armando S. Vinoya, Alemer O. Veloso,
Divilyn Rodriguez
Tagasuri ng Paglalapat sa Filipino: Myrna Q. Adduru, Arjay I. Balbin, Ester T. Gramaje
Tagaguhit: Ramelyn M. Vigonte
Tagapalapat: Ramelyn M. Vigonte Ross C. De los Santos
Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Eufemia T. Gamutin
Janette G. Veloso Josie T. Bolofer
Analiza C. Almazan Arlyn B. Lim
Ma. Cielo D. Estrada Secenia C. Morales
Maria Liza I. Berandoy

Inilimabag sa Pilipinas ng ________________________


Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI (Davao Region)

Office Address: F. Torres St., Davao City


Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address: region11@deped.gov.ph — lrms.regionxi@deped.gov.ph
3

Science
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Force at Motion
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at naisulat para sa iyo upang matulungan


kang ilarawan ang posisyon ng isang tao o isang bagay na may kaugnayan sa
isang reference point tulad ng upuan, pintuan, o ibang tao (S3FEIIIa-b-1).
Pinapayagan ng saklaw ng modyul na ito na magamit ito sa iba't ibang mga
sitwasyon sa pag-aaral.

Kinikilala ng wikang ginamit ang iba't ibang antas ng bokabularyo ng mga


mag-aaral. Inayos ang mga aralin upang sundin ang karaniwang pagkakasunod-
sunod ng kurso. Ngunit maaari mong basahin ang mga aralin ayon sa
pagkakasunod- sunod ng aralin sa aklat na ginagamit mo ngayon.

Ang modyul ay nahahati sa tatlong mga aralin:

• Aralin 1 – Reference Point ng Isang Bagay o Tao


• Aralin 2 – Posisyon ng isang Bagay Kaugnay sa Posisyon
ng Iba pang Bagay
• Aralin 3 – Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapagalaw ng mga
Bagay

Pagkatapos mo sa modyul na ito, inaasahang magagawa mong:


1. nailalarawan sa reference point ng isang bagay;
2. nailalarawan ang posisyon ng isang bagay kaugnay sa posisyon ng iba
pang bagay;
3. nasasabi ang kahalagahan ng reference point sa paglalarawan ng
posisyon ng isang bagay; at
4. nailalarawan ang iba’y ibang paraan ng pagpapagalaw ng mga bagay.

1
Subukin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Alin ang nagpapakita na ang bata ay nasa likod ng pintuan?

A. B. C. D.

2. Ilarawan ang posisyon ng bola.


A. Ang bola ay nasa ibabaw ng mesa.
B. Ang bola ay nasa ilalim ng mesa.
C. Ang bola ay nasa likod ng mesa.
D. Ang bola ay nasa harap ng mesa.

3. Nakatayo si Mica sa ilalim ng puno ng Talisay malapit sa waiting shed ng


paaralan. Ang posisyon ni Micah ay____________.
A. malapit sa puno ng Talisay C. taas ng waiting shed
B. ilalim ng puno ng Talisay D. ilalim ng waiting shed

4. Dalawang kuting ang naglalaro malapit sa tarangkahan ng hardin ng


paaralan. Ang reference point ay ang____________.
A. tarangkahan C. hardin
B. kuting D. paaralan

5. Paano mapapagalaw ng batang babae ang kanyang kaibigan sa duyan?


Magagawa niya ito sa pamamagitan ng____________.

A. pagsipa
B. pagtulak
C. pagtapon
D. pag-inat

Salamat sa matapat na pagsagot sa pagsubok.


Kung nakakuha ka ng 100% tamang sagot, maaari kang tumigil.
Kung nakakuha ka ng 50- 99% tamang sagot, mangyaring magpatuloy at i-
enjoy ang susunod na bahagi ng modyul na ito.

2
Aralin
Ang Reference Point ng
1 Isang Bagay o Tao
Ano ang reference point? Napakahalagang malaman ang posisyon o
paggalaw ng isang bagay o tao. Ating alamin ang mga bagay tungkol sa araling
ito.

Balikan

Nalaman natin sa mga nakaraang aralin na ang mga nabubuhay na bagay


tulad ng mga halaman at hayop ay nakikipag-ugnay sa mga hindi nabubuhay na
bagay tulad ng hangin, liwanag ng araw, at iba pang mga bagay sa kapaligiran.
Gumagalaw sila dahil sa enerhiya na nagmumula sa mga ito.

Ang enerhiya ay nauugnay sa puwersa (force). Napagagalaw ng enerhiya


ang mga bagay. Kapag gumalaw ang mga bagay, may enerhiya ito.
Ang enerhiya ay nagbibigay sa atin ng kakayahang gawin ang ating pang-
araw-araw na gawain.

Mga Tala para sa Guro


Linawin ang koneksyon ng puwersa, enerhiya, at
paggalaw upang gabayan ang mga mag-aaral sa pagkuha ng
ideya ng aralin.
Ipaliwanag kung paano ang puwersa at enerhiya sa mga
tao at hayop ay maaaring makaapekto sa mga bagay sa ilang
mga kaparaanan.

3
Tuklasin

Panuto: Pag-aralan ang mga sumusunod na larawan at sagutin ang mga


sumusunod na katanungan.

Fumiya

Sajid Yam-Yam Acel

Mimi

1. Ang batang babae sa kanang bahagi ni Yam-Yam ay si ______________.


2. Si Fumiya ay nasa taas ni _________________.
3. Si Sajid ay nasa _____________ bahagi ni Yam-Yam.
4. Si Mimi ay nakaposisyon sa ibaba ni Yam-Yam. Ang reference point niya
ay si ___________.
5. Kung sina Mimi, Sajid, Fumiya, at Acel ay ay gumalaw ng isang hakbang
ayon sa galaw ng orasan, sino ang nasa taas ni Yam-Yam?
____________.

Ang batang lalaki sa gitna ng iba pang mga bata ay si Yam-Yam. Ginamit
siya bilang reference point sapagkat ang kanyang posisyon ay ginagamit upang
ilarawan ang posisyon at paggalaw ng iba pang mga bata. Ang reference point
ay tinatawag ding reference object.
4
Suriin

Sa paglalarawan ng posisyon ng isang bagay, kailangan ang presensya ng


reference point o reference object. Kadalasan, ang reference point ay
nakapirming mga bagay tulad ng bagay tulad ng gusali, palatandaan, halaman,
o iba pang mga nakatigil na bagay.
Ang posisyon ng isang bagay ay maaaring matukoy sa pamamagitan ng
paghahanap sa posisyon nito na may kaugnayan sa isang reference point o
reference object. Mahalagang gamitin ito sa paglalarawan ng posisyon ng
ibang bagay.

Pagyamanin

Gawain 1: Nasaan Ako


Panuto: Ilarawan ang posisyon ng mga sumusunod sa pamamagitan ng pagpili
ng tamang salita sa panaklong.

1. Nakatayo ang batang babae sa


(gitna, tabi) ng bakod at ng puno.

2. Ang batang lalaki ay nasa (harap, likod)


ng sofa.

5
3. Natutulog ang pusa sa (ilalim, ibabaw) ng
lampara.

Gawain: Hanapin Ako


Panuto: Gamit ang reference point/s, ilarawan ang posisyon ng bagay sa
bawat aytem. Piliin ang iyong sagot mula sa listahan ng mga salita sa
ibaba.

ibabaw ilalim loob gitna

1. Ang pusa ay nasa__________ ng upuan


2. Ilagay ang gunting sa ________ ng kahon.
3. Ang mga libro ay nasa ________ ng mesa.
4. Kunin ang tsinelas sa __________ ng mesa.
5. Ang aso ay nasa ___________ ng mesa at upuan.

Isaisip

Panuto: Kumpletuhin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang tamang


sagot sa inyong sagutang papel.
1. Ang posisyon ng isang bagay ay maaaring matukoy sa pamamagitan ng
paghahanap ng posisyon nito na may kaugnayan sa
___________________.
6
2. Mahalagang gumamit ng isang reference object upang ilarawan ang
_______________ ng iba pang bagay. Ginagawa ito upang mapadali ang
paghahanap ng isang bagay.

Isagawa

Panuto: Ilarawan ang posisyon ng mga bagay na nasa larawan. Isulat ang
tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Natutulog ang pusa sa ___________.

2. Ang ________ kanang bahagi ng malaking kahon.

3. Ang plorera ay nasa ___________ ng kabinet ng mga libro.

4. Ang damit ay nakasabit sa harap ng __________.

5. Ang ____________ ay inilalagay sa ilalim ng lampara.

7
Tayahin

Panuto: Ikonekta ang larawan sa Hanay A sa tamang paglalarawan nito sa


Hanay B. Isulat sa iyong sagutang papel ang titik ng wastong sagot.

HanayA Hanay B

A. Nasa loob ng hawla ang


1. — —
ibon.

B. Ang bola ay nasa ilalim ng


2. — —
mesa.

C. Tumatahol ang aso sa ilalim


3. — —
ng puno.

D. Nakaparada ang kotse sa


— —
4. harap ng tindahan.

E. Ang batang lalaki ay


5. — — nakatayo sa tabi ng poste
ng koreo.

8
Karagdagang Gawain

Gawain 3: Punan Ako


Panuto: Tingnan ang ilustrasyon, kumpletuhin ang pangungusap, at isulat ang
wastong reference object.

Larawan Pangungusap Reference Object

Nakaparada ang bisikleta sa


Basurahan
_________ ng basurahan.

Ang pusa ay nakaupo sa


____‚____ ng dalawang ________ƒ__________
tuta.

Nilalagyan ni Madison ng
barya ang ___„___ ng _________ _________
alkansya.

9
Gawain 4: Hanapin Ako
Panuto: Pag-aralan ang mga sumusunod na larawan at piliin ang tamang salita
upang makumpleto ang mga pangungusap sa ibaba.

K S

1. Ang tribal office ay matatagpuan sa (hilaga, timog) ng barangay hall.


2. Sa kanlurang bahagi ng barangay hall ay ang (Tribal office, Day care
center).
3. Ang Barangay health center ay matatagpuan sa (silangan, kanluran).
4. Ang evacuation center ay matatagpuan sa (silangan, kanluran).
5. Ang iba’t ibang opisina sa barangay ay magagamit na (locator, reference
point) upang mailarawan ang posisyon ng bawat isa.

10
Aralin
Posisyon ng Bawat Bagay Kaugnay
2 ng Iba pang Bagay
Ang posisyon ng isang bagay ay maaaring matukoy sa pamamagitan ng
paghahanap ng posisyon nito na may kaugnayan sa iba pang bagay. Ang isang
bagay ay masasabing gumalaw kapag ang posisyon nito ay nagbago ayon sa
distansya at direksyon.

Balikan

Sa nakaraang aralin, natutunan natin na ang mga bagay ay gumagalaw sa


iba't ibang paraan. Gumagalaw ang bagay kapag binago ang posisyon nito na
may kaugnayan sa isang reference point o object.

Gawain 5: Balikan Natin


Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang reference object na
ginamit sa bawat bilang
1. Ang aming paaralan ay nasa likod ng mall. __________________
2. Nilagay ni Kalima ang kanyang cellphone sa loob ng kanyang bag.
_________________
3. Nakakita ako ng limampung piso malapit sa health center.
__________________
4. Nakaupo si lolo Tibong sa tabi ng drayber ng traysikel.__________________
5. Nakatayo si Henry na may dalawang metrong layo mula sa kanyang ama.
_________________

Mga Tala Para sa Guro


Linawin sa mga mag-aaral ang posisyon ng bagay na
inilalarawan sa pangungusap at ang bagay na ginamit bilang
reference point o object.

11
Tuklasin

Mayroong dalawang bagay na isinasaalang-alang sa paglalarawan ng


posisyon ng isang bagay. Una, ang distansya mula sa reference point.
Pangalawa, ang direksyon na may kaugnayan sa reference point.

Natutunan din natin ang kahalagahan ng reference point o reference


object sa pagtukoy sa posisyon ng ibang bagay.
Gawain 6: NEWS (Timog, Silangan, Hilaga, Kanluran)
Panuto: Aralin ang ilustrasyon sa sumunod na pahina, pagkatapos ay isulat ang
tamang salita upang makumpleto ang mga sumusunod na
pangungusap.

K S

1. Ang aso ay matatagpuan sa ______________.


2. Sa timog, may _____________ na natutulog sa ilalim ng mesa.
3. Ang ____________ ang pinakamalayong bagay sa silangan.
4. Ang bahay ay matatagpuan sa ___________ na bahagi.
5. Kapag gumapang ang ahas papunta sa bahay, gumalaw ito sa anong
direksyon? __________

12
Suriin

Mayroong apat na pangunahing direksyon: hilaga, timog, silangan at


kanluran. Ang compass ay isang instrumento na ginagamit upang matukoy ang
mga direksyon.

Ngunit kung walang compass na magagamit, maaari mong malaman ang


direksyon at posisyon ng iba pang mga bagay batay sa kung saan ang araw ay
sumisikat at lumulubog. Kung ikaw ay nakatayo paharap sa direksyon kung
saan sumikat ang araw, nangangahulugan ito na nakaharap ka sa silangan.
Kaya, sa iyong likuran ay ang kanluran, sa iyong kaliwa ay ang hilaga, at sa
iyong kanan ay ang timog.

Maaari mong gamitin ang kaalamang ito upang matukoy ang posisyon o
paggalaw ng mga bagay.

Ang distansya ay ginagamit din sa pagtukoy ng posisyon ng isang bagay.


Ang simpleng paraan ng paglalarawan nito ay kung gaano kalayo o kalapit ang
bagay sa reference point o reference object.

Pagyamanin

Kung titingnan mo ang kapaligiran, makakakita ka ng mga gumagalaw at


hindi gumagalaw na mga bagay. Ang mga gumagalaw na bagay ay nagbabago
nang kanilang mga posisiyon habang ang mga hindi gumagalaw na bagay ay
hindi nagbabago ng kanilang mga posisiyon. Karaniwan, ang mga hindi
gumagalaw na bagay ay ginagamit bilang reference point o reference object
upang ilarawan ang mga gumagalaw na bagay.

Upang mas maintindihan ito, magsasagawa tayo ng ilang mga gawain.


Handa ka na ba? Tara na!

13
Gawain 7: Sabihin sa Akin
Panuto: Basahin ang tula at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Sa Aking Daan
ni Ross C. De los Santos

Sina Tata at Toto ay naglalaro


Naglalakad, nagbibiruan at tumatakbo

Sa kanilang pag-uwi, ay masayang kumakanta


Nasasabik silang makita ang kanilang pamilya

Sa kanilang daan, madaming bagay ang nakikita


Ang poste ng lampara at isang puno ng mangga

Kung umakyat si Tata sa puno


Maari mo bang sabihin kung nasaan si Toto?

Mga Tanong:

1. Base sa tula, anong mga bagay ang gumagalaw?


________________________________________________________

2. Ano ang mga bagay na di gumagalaw?


________________________________________________________

3. Anong mga bagay ang pwedeng gamiting reference point nina Toto and
Tata?
________________________________________________________
14
Gawain 8: Saan Ako Hahantong
Panuto: Sa loob ng kahon, sundin ang mga hakbang sa ibaba:

1. Gumuhit ng isang bahay.


2. Sa silangan nito, gumuhit ng isang puno.
3. Sa gawing kanluran, gumuhit naman ng isang bulaklak.
4. Sa hilagang bahagi, gumuhit ng araw.
5. Gumuhit ng isang puso sa timog na bahagi.

15
Isaisip

ü Sa paglalarawan ng isang gumagalaw na bagay, hanapin ang mga


hindi gumagalaw na bagay sa paligid nito. Ang mga bagay na ito ay
nagsisilbing mga reference points o reference objects.
ü Ang motion ay pagbabago sa posisyon ng isang bagay sa paglipas ng
oras batay sa reference point o reference
ü Ang reference point ay mahalaga sa paglalarawan sa paggalaw ng
mga bagay.

Isagawa

Panuto: Tukuyin ang tatlong mga bagay sa Larawan A na nagbago ng posisyon


sa Larawan B.

Larawan A Larawan B

1. ____________________________________________________

2. ____________________________________________________

4. ____________________________________________________

16
Tayahin

Panuto: Tukuyin ang reference point sa mga sumusunod na pahayag.

1. Ang motorsiklo ay nakaparada malapit sa poste ng watawat.


______________________
2. Ang ibon ay lumilipad palayo sa hawla. ___________________.
3. Naglalaro ang mga bata sa tabi ng kantina. ___________________.
4. Ang palaka ay tumatalon mula sa isang bato patungo sa isa pa.
___________________.
5. Ang tutubi ay nasa itaas ng water lily. ___________________.

Karagdagang Gawain

Panuto: Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay wasto at Mali kung ito ay
hindi wasto.

____________ 1. Ang puno sa tabi ng kalsada ay maaring gamiting reference


point para sa mga gumagalaw na sasakyan.
____________ 2. Laging may pagbabago sa posisyon kapag ang bagay ay
gumagalaw.
____________ 3. Ang bilis ng isang bagay na gumalaw ay maaaring ilarawan na
mabilis o mabagal.
____________ 4. Ginagamit ang reference point upang matukoy ang bilis ng
isang gumagalaw na bagay.
____________ 5. Gumagalaw ang mga bagay sa iba’t ibang direksiyon at sa
magkakaibang distansya.

17
Aralin
Paraan ng Pagpapagalaw ng mga
3 Bagay

Mayroong iba't ibang mga paraan upang mapagalaw ang mga bagay. Ilan
sa mga paraang ito ay ang pagtapon, pagsipa, paghagis, pag-ihip, at pagbagsak.

Balikan

Sa nakaraang aralin, natutunan mo na ang isang reference point at


reference object ay mahalaga sa paglalarawan ng posisyon ng isang bagay.

Gawain 9: Crossword Puzzle


Panuto: Punan ang puzzle ng salitang inilalarawan sa bawat aytem.

2 1
Pahalang

Ang hindi gumagalaw na bagay


ay karaniwang ginagamit bilang
3
reference point o reference
3 ________.

pagbabago sa posisyon ng isang


5
bagay sa paglipas ng oras.
Pababa
4
Natutukoy ito sa pamamagitan
5 1
ng paggamit ng compass.

Ito ay nasa iyong kanang bahagi


2
kapag nakaharap ka sa silangan.

4 Katapat ng timog

Ang motion ay pagbabago ng posisyon ng isang bagay sa paglipas ng


oras o panahon batay sa isang reference point o reference object.

18
Kadalasan, ang bagay na di gumagalaw ay ginagamit bilang reference
point o reference object upang ilarawan ang galaw ng iba pang bagay.

Tara na’t gawin ang mga sumusunod na Gawain!

Gawain 10: Hanapin ang Naiiba


Panuto: Tukuyin ang tatlong mga bagay na nagbago ng posisyon. Isulat ang
tamang sagot sa iyong kuwaderno.

Kahon A Kahon B

Ang tatlong mga bagay na nagbago sa posisyon ay ang mga:


_____________, _____________, at_____________.

Mga Tala Para sa Guro


Maaari mong gamitin ang mga bagay sa paligid mo bilang
mga reference points upang ilarawan ang paggalaw o posisyon
ng iba pang bagay na malapit sa kanila.

19
Tuklasin

Panuto: Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod
na katanungan. Maaari kang pumili alinman sa ibinigay na
pagpipilian o magbigay ka ng iyong sariling sagot.

A B
Questions:

1. Ano ang ginagawa ng batang lalaki sa soccer ball?


A. dinidribol B. hinahagis C. pinapalo D. sinisipa

Iba pang sagot: ____________________________________

2. Paano binuksan ng batang babae ang kanyang payong?


A. paghila B. pagtulak C. pagkalog D. paghagis

Iba pang sagot: _____________________________________________

Rubric sa Pag-iskor ng Iba pang sagot


Puntos Mga Pamantayan
Posible ang ibinigay na sagot at
2
may tamang paliwanag
Posibleng ang ibinigay na sagot
1 ngunit wala o hindi tama ang
paliwanag
Ang sagot ay hindi posible o hindi
0
tama

20
Suriin

Ang puwersa o force ay nagpapagalaw ng mga bagay o nagpapabago sa


posisyon ng mga ito. May mga iba’t ibang paraan ng paggamit ng puwersa o
force sa pagpapagalaw ng mga bagay.
Ang push (tulak) ay puwersang nagpapagalaw ng bagay mula sa
reference point habang ang pull (hila) naman ay puwersang nagpapagalaw ng
isang bagay palapit sa reference point.
Ang pagtapon, pagsipa, pagbuga, paghagis, at pagdausdos ay kabilang sa
mga paraan upang mapagalaw ang isang bagay.

Pagyamanin

Maraming mga paraan kung saan ang puwersa o force ay ginagamit upang
mapagalaw ang isang bagay. Ang mga paraang ito ay may dalawang kategorya:
push and pull.

Gawain 11: Pagtutugma


Panuto: Basahin ang saknong sa ibaba.

Ano ang puwede kong gawin sa bola?


Ihagis, sipain, pagulungin at iba pa.
Tara na at laruin ang aking bola.
Sa palaruan tayo ay magsaya!

Anong mga salita ang naglalarawan sa paggalaw ng bola?

___________________________________________________

21
Gawain 12: Gumalaw-galaw
Panuto: Ilarawan kung paano gumagalaw ang mga bagay sa larawan.

1. (pag-ihip, paghulog)

2. (pagtapon, pagsipa)

3. (pagsipa, pag-ihip)

4.

(paghulog, pagpitik)

5.
(pag-itsa, pagsipa)

Isaisip

§ Ginagamit ang puwersa o force sa pagpapagalaw ng mga bagay.


§ Ang push at pull ay mga kategorya ng puwersa o force.
§ Ang paghulog o pagbagsak, pagsipa, pagpitik, pag-ihip, paghagis at pag-
itsa ay mga iba’t ibang paraan ng paggalaw ng mga bagay.
§ Napapagalaw din ng mga hayop ang mga bagay.

22
Isagawa

Panuto: Ilarawan kung paano maaaring mapagalaw ang mga sumusunod na


bagay gamit ang dalawang kategorya nang puwersa o force.

1. kariton _________________________
2. tirador _________________________
3. bisikleta _________________________
4. kartilya _________________________
5. billiard balls _________________________

Tayahin

Panuto: Ikonekta ang larawan sa tamang paraan ng pagpapagalaw nito.

1. baseball ž pagsipa

2. basketball ž pagdribol

3. volleyball ž pagpalo

4. chess pieces ž pagtulak

5. sepak takraw ball ž pag-itsa

23
Karagdagang Gawain

Gawin 13: Gumawa Pa


Panuto: Pumili ng tatlong (3) mga bagay na maaaring mapagalaw sa
pamamagitan ng pag-ihip. Isulat ang pangalan ng bagay sa sagutang
papel o kuwaderno.

1. 4.

2. 5.

3. 6.

Gawain 14: Dagdagan ang Kaalaman


Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Kailan mo masasabi na ang isang bagay ay gumalaw?


A. Kapag nadagdagan ang bigat nito.
B. Kapag nagbago ang sukat at hugis nito.
C. Kapag ito ay may malakas na magnetic force.
D. Kung nagbago ang posisyon nito kaugnay sa isang
reference point.

2. Ano ang maaring mangyayari kapag ang isang gumugulong


na holen ay tumama sa isang puno?
A. Ito ay titigil.
B. Ito ay aakyat.
C. Ito ay patuloy sa paggulong.
D. Ito ay mag-iiba ng direksiyon.

24
3. Anong uri ng puwersa ang ginagamit kapag nagtutulak ng
kariton?
A. pull C. magnetism
B. push D. gravity

4. Ang mga tuyong dahon ay nahuhulog sa lupa sapagkat


_______________ ito ng hangin.
A. hinihipan C. pinipitik
B. sinisipa D. pinapalo

5. Anong bagay ang maaring mapagalaw sa pamamagitan ng


paggulong nito?
A. bato C. gulong
B. bulaklak D. papel

25
26
What’s In Pagyamanin Tayahin
Gawain 5: Balikan Natin Gawain 7: Sabihin sa Akin 1. flag pole
1. mall 2. hawla
1. Tata and Toto
2. bag 3. kantina
2. Puno ng mangga at
3. health center 4. bato
poste ng lampara
4. drayber 5. water lily
3. Puno ng mangga at
5. ama
poste ng lampara
What’s New Additional Activities
Activity 6: NEWS Gawain 8: Saan Ako Hahantong
1. hilaga 1. Tama
Araw 2. Tama
2. pusa
3. ahas 3. Tama
Bulaklak Bahay Puno
4. kanluran 4. Mali
5. kanluran puso 5. Tama
Isagawa
1. sasakyan
2. aso
3. ibon
ARALIN 2
Gawain 2: Hanapin Ako
Subukin Tayahin
1. ibabaw
1. C 2. loob 1. D
2. A 3. ibabaw 2. B
3. B 4. ilalim 3. C
4. A 5. gitna 4. A
5. B 5. E
Karagdagang Gawain
Isaisip
Tuklasin Gawain3: Punan Ako
1. reference point/object
1. Acel 2. posisyon 1. tabi
2. Yam-Yam 2. gitna
3. kaliwa Isagawa 3. mga tuta
4. Yam-Yam 4. loob
5. Sajid 1. mesa 5. alkansya
2. bola
3. taas Activity 4: Hanapin Ako
Pagyamanin 4. pinto
5. libro 1. timog
Gawain 1: Nasaan Ako 2. day care center
3. silangan
1. gitna 4. hilaga
2. likod 5. reference point
3. ilalim
ARALIN 1
Susi sa Pagwawasto
27
Balikan Pagyamanin Tayahin
Gawain 9: Crossword Puzzle Gawain 11: Pagtutugma 1. pagpalo
1. DIREKSYON 2. pagdribol
2. TIMOG Paghagis, Pagsipa, Paggulong 3. pag-itsa
3. OBJECT 4. pagtulak
4. HILAGA Gawain 12: GUmalaw-galaw 5. pagsipa
5. MOTION 1. pag-ihip
2. pagtapon
Gawain 10: Hanapin ang Naiiba 3. kpagsipa Karagdagang Gawain
Lapis, baunan, libro 4. paghulog
5. pagsiklot Gawain 13: Gumawa Pa
Tuklasin
Isagawa Papel, dahoon, lobo
1. D; tanggapin ang
iba pang sagot 1. pushing/pagtulak Gawain 14: Dagdagan ang
2. B; tanggapin ang 2. pulling/paghila Kaalaman
iba pang sagot 3. pushing/pagtulak
4. pushing/pagtulak 1. D
2. D
5. pushing/pagtulak
3. B
4. A
5. C
ARALIN 3
Sanggunian
Balatbat, Fides P. and Rolando L. Delos Reyes. The New Science Links 4 (Revised
Edition). Sampaloc, Manila, Philippines: Rex Bookstore Inc., 2017.
Baylon, Cristina S. The Amazing World of Science 3 (1st Edition). Makati City,
Philippines: Salesiana Books by Don Bosco Press Inc., 2013.
Sacatropes, Arthur DC. Et.al, Science 3 Learner’s Material. Sampaloc, Manila,
Philippines: Rex Bookstore Inc., 2015.
Villona, Hayda M. Cyber Science. rev 3 (Revised Edition). Sampaloc, Manila,
Philippines: Rex Bookstore Inc., 2018.
Violeta, Carolina S. and Ethel Grace A. Ramos. The New Science Links 3 (Revised
Edition). Sampaloc, Manila, Philippines: Rex Bookstore Inc., 2017.
DepEd LR Portal. Media Arts. Department of Education, Accessed June 30,
2020. https://lrmds.deped.gov.ph

28
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like