Professional Documents
Culture Documents
DLP MAPEH1 MARCH 11 14 2024 3rd Q Week 6
DLP MAPEH1 MARCH 11 14 2024 3rd Q Week 6
I.Layunin:
Pangkalahatang layunin:
Applies the concept of dynamic levels to enhance poetry, chants, songs, drama or
musical stories. ( MU1DY-IIIg-h-5)
Tiyak na layunin:
Nagagamit ang paglakas , paghina ng tinig at iba pang tunog upang mapahusay
ang isang tula, dula, awit, o kuwentong musikal.
II.Paksang -aralin
A . Paksa: Paglakas at Paghina ng Tinig
Integrasyon: P.E , MTB at ESP
Pagpapahalaga: Pagbibigay halaga isang tula, dula, awit, o kuwentong musikal.
B. Sanggunian : Music MELC based pahina 2 week 9 (3rd Qtr)
C. Mga Kagamitan: Powerpoint Presentation , audio, tsart
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral: Sabihin kung ang nasa larawan ay nagbibigay ng malakas o mahinang tunog.
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak : Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Alin rito ang nagpapakita ng isang taong tumutula o
gumaganap sa isang dula? Alin naman ang nagpapakita ng taong umaawit sa isang kuwentong musikal?
2. Paglalahad :
Ang isang robot ay walang pandama, kaya naman kadalasan ay may iisang lakas at tono lamang ang tinig
nito. Samantala, ang tao ay may puso at pakiramdam. Kaya, likas na lumalabas ang pagbabago ng tunog sa ating mga
tinig, sa pagsalita man o pag-awit.
4. Paglalahat:
Bakit mahalaga ang paglakas at paghina ng tinig?
IV. Takdang-aralin:
I tula ang “ Batang Munti” na may tamang lakas at hina ng tinig sa bahay.
ASIGNATURA:MAPEH (ARTS I)
PETSA: March 12, 2024 Martes
ORAS:
I.Layunin:
Pangkalahatang layunin:
Participates in school/district exhibit and culminating activity in celebration of the National
Arts Month (February). (A1PR-IIIh)
Tiyak na layunin:
Nakikilahok ka sa palatuntunan, programa, o gawaing pampaaralan o pandistrito ukol sa
Pambansang Buwan ng Sining.
A . Paksa: Ang Buwan ng Sining
Integrasyon: Filipino , MTB at ESP
Pagpapahalaga: Pagbibigay halaga sa pambansang buwan ng sining.
B. Sanggunian : Arts MELC based pahina 2 week 9(3rd Qtr)
C. Mga Kagamitan: Powerpoint Presentation , mga larawan
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral: Ano ang istensil?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak : Nakaranas ka na bang magdiwang ng Buwan ng Sining? Bakit ito idinaraos? Ano-ano ang mga
programa o gawaing isinasagawa tuwing buwan ng sining?
Tingnan ang mga larawan sa ibaba.
4. Paglalahat:
Bakit mahalaga ang pagdiriwang ng pambansang buwan ng sining?
IV. Takdang-aralin:
Gumuhit/ Gumupit ng mga larawan ng mga kilala ang mga produktong ito (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, o
Quezon). Gawin ito sa MAPEH notebook.
Asignatura: Mapeh ( P. E. I)
PETSA: March 13, 2024 Miyerkules
ORAS:
I.Layunin:
Pangkalahatang layunin:
Demonstrates the characteristics of sharing and cooperating in physical activities. (PE1PF-IIIa-h-9)
Tiyak na layunin:
Natututuhan natin ang kooperasyon at pakikihalubilo sa ibang mga tao
II.Paksang -aralin
A . Paksa: Payak o Simpleng Ehersisyo
Integrasyon: Music, Health, Math at ESP
Pagpapahalaga: Pagbibigay halaga ang iba’t ibang larong pinoy.
B. Sanggunian : P.E. MELC based pahina 2 week 9 (3rd Qtr)
C. Mga Kagamitan: Powerpoint Presentation , tsart
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral: Ano-ano ang mga larong pinoy?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak : Tingnan ang mga larawan. Nilaro mo ba ito?
2. Paglalahad :
May mga pisikal na gawain o mga larong maaaring gawin mo o laruin nang mag-isa. Dito ay napapa unlad
natin ang sarili nating mga talento at kahusayan sa sarili natin. Sa mga ganitong laro ay wala tayong ibang aasahan kundi
ang sarili natin. Maraming laro na ganito ang paraan nang pagsasagawa. Nakikipaglaban tayo sa ibang tao nang mag-isa o
bilang isang indibidwal.
May mga aktibidad o laro na may kapareha upang manalo o maisagawa ang layunin ng gawain. Kinakailangan na
magkasundo at magkaisa ang inyong mga kilos upang manalo. Halimbawa sa mga ganitong aktibidad ay ang mga larong
may kapareha. Ito ay ilang gawain, aktibidad, o laro na mayroon kang kapareha upang maisagawa ang layunin. Katulad
ng Patintero na kung saan ay mayroon kang mga kasama, hindi lang kapareha upang maisagawa ang mga layunin ng laro.
Kung hindi magtutulungan ang mga kalahok sa larong ito ay hindi maisasagawa nang tama na maharangan at mataya ang
kabilang kupunan. Bago mo alamin ang iba’t ibang gawain o larong magkapareha ay dapat gawin muna natin ang mga
warm-up na ehersisyo.
Narito ang iba’t ibang Gawain o larong magkapareha.
1. Kailangan gumamit dito ng bola, o kung wala ay maaaring gumamit ng ibang bagay na kaya mong
ibato at sapuhin tulad ng unan, binilog na mga papel at iba pa. Ang gagawin lamang ay ipasa sa iyong kapareha ang
bola o kung anumang gamit ang gagamitin para sa gawain. Sasaluhin ito ng iyong kapareha at ipapasa niya din ito
pabalik sa iyo. Gawin ito ng paulit-ulit. Bilangin kung ilan ang magagawa ninyo sa loob ng isang minuto.
2.
Ito ay maaaring gawin nang kasama para sa mas maayos na balanse. Ilagay ang
kanang kamay sa balikat ng kapareha. Pagkatapos ay hawakan ang iyong kaliwang paa at itupi ang iyong kaliwang paa
patalikod papunta sa iyong likod. Mas malapit sa may likod ay mas
maganda at mas maayos. Gawin ito sa loob ng walong (8) segundo. Matapos itong gawin sa kaliwang paa ay gawin
naman ito sa kabila. Gawin ang parehong gawain sa kanang paa habang ang kaliwang kamay naman ang nakalagay sa
balikat ng iyong kapareha.
3. Sa pagkakataong ito ay kinakailangan niyong gumamit ng maliit na bola, kung wala ay maaaring
gumamit ng ibang bagay tulad ng binilog na mga papel o mga damit na maaaring kumatawan bilang bola. Tumayo sa tabi
ng iyong kapareha. Iabot ang bola sa iyong kapareha pagkatapos ay iikot niya ang bola sa likod patungo sa harap ng
kanyang katawan. Matapos ito ay iaabot niya sa ‘yo ang bola at ikaw naman ang gagawa ng naturang kilos. Gawin muna
ito nang mabagal sa loob ng isang minuto. Matapos nito ay gawin na nang mas mabilis sa naunang ginawa sa loob din ng
isa pang minuto. Ito ay isinasagawa na animoy gumagawa
kayong dalawa ng bilang walo (8) gamit ang bola at ang inyong katawan.
4. Paglalahat:
Ano-ano ang mga payak o simpleng ehersisyo?
________1. Sa paglalaro ng larong pinoy mapauunlad at mapabubuti ang iyong pakikisama at pakikipagkapwa-tao.
________2. Sa paglalaro o pagsasagawa natin ng pisikal na gawain nang mag -isa ay maaaring mapaunlad natin ang ating
talent o kakayahan.
________3. Sa pamamagitan ng pakikipaglaro ay matutunan natin ang pakikipag-away sa kapwa.
_________4. May mga aktibidad o laro na may kaperaha upang manalo o maisagawa ang layunin ng gawain.
_________5. Kailangan muna ang warm up na ehersisyo bago simulan ang gawain o larong magkapareha.
IV. Takdang-aralin:
Iguhit ang iyong paboritong larong magkapareha na iyong natutunan sa aralin. Gumawa ng maikling paglalarawan ng
larong ito at kung paano ito isinasagawa. Gawin ito sa iyong MAPEH notebook.
I. Layunin:
Pangkalahatang layunin:
Demonstrates how to keep the home environment healthful. (H1FH-IIIj-10)
Tiyak na layunin:
Naipapakita ang paraan sa pagpapanatiling malinis at malusog ang tahanan.
II. Paksang -aralin
A . Paksa: Malinis na Bahay, Malusog na Tahanan
Integrasyon: MTB at ESP
Pagpapahalaga: Pagbibigay halaga sa malinis at malusog ang tahanan.
B. Sanggunian : Health MELC based pahina 2 week 9 (3rd Qtr)
C. Mga Kagamitan: Powerpoint Presentation, mga larawan
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral: Ano-ano ang epekto ng malinis na kapaligirang pantahanan?
B.Panlinang na Gawain
1. Pagganyak : Pagmasdan ang larawan.
2. Paglalahad :
Ang malinis na bahay ay isang ligtas at malusog na tahanan. Upang mapanatiling malusog at ligtas ang
tahanan, kailangan magsama-sama ang pamilya sa paglilinis at pagpapanatiling maayos at ligtas ang tahanan. Bilang mga
bata na nasa unang baitang, maaari ka ring tumulong sa paglilinis at pag-aayos ng tahanan.
3. Pagmomodelo ( Gawin Ko)
Ang batang matulungin ay batang mabuti. Paano ka makatutulong sa iyong mga magulang upang maging malinis at
maayos ang inyong tahanan?
Bilang bata, kaya mong gawin ang sumusunod:
4. Paglalahat:
Bakit mahalaga ang pagiging matulungin sa tahanan?