Q2 - Filipino 7 TQ and As

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region
Division of Surigao del Sur
District of Lanuza
AGSAM INTEGRATED SCHOOL

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7

Pangalan: ___________________________________________________________ Iskor: ____________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

1. Humagulgol ang ama dahil sa pag-alis ng kanyang anak.


a. umiyak nang tahimik c. umiyak nang malakas
b. tumawa nang malakas d. umawit nang malakas
2. Siya ay nanlulumo nang makita niya ang nagkalat na bahagi ng bangkang sinakyan ng kanyang mga anak.
a. nagsasaya b. nanghihina c. nagtataka d. nagagalit
3. Sa kanyang pag-uwi ay isang napakatahimik at napakalungkot na tahanan ang kanyang dinatnan.
a. nakita b. natuklasan c. naabutan d. natanaw
4 .Labis ang kalungkutan na nadarama sa paglisan ng kaniyang mga anak.
a. pagdating b. paglipat c. pag-alis d. pagpunta
5. Nagmamadali siyang pumalaot dahil nagbabakasakali siyang mahabol pa niya ang mga anak.
a. umalis papunta sa bayan c. umalis papunta sa ibang bansa
b. tumakbo papunta sa bahay d. namangka papunta sa gitna ng dagat
6. Kapirasong tela ang ibinigkis paikot sa tiyan ng sanggol.
a. itinali b. inihampas c. ipinunas d. inilagay
7. Hindi nagbabayad ng matrikula ang mga magulang ni Margene dahil siya ay iskolar.
a. matalinong bata b. mahirap na bata c. mapagbigay na bata d. mayaman na bata
8. Masalimuot ang mga pangyayari sa pagkamatay ni Marlon.
a. makulay b. mapayapa c. magulo d. masaya
9. Si Dan ay palaging nagbibilang ng poste.
a. mahusay magtrabaho b. walang trabaho c. naghahanap ng trabaho d. ayaw magtrabaho
10. Si Ariel ay ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig.
a. mahirap b. mabait c. mapanukso d. mayaman
11. Maging noong unang panahon ang ating mga ninuno ay nagkaroon na ng mga karunungang- bayan na kinabibilangan ng
alamat. Mula sa pahayag masasabi na ang mga ninuno ay__________.
a. Marurunong b. mahilig sa panitikan c. maalamat d. manunulat
12. Sa panahong ito, higit na umunlad ang wika at paraan ng pagsulat. Marami sa mga alamat ang naisulat at naipalaganap.
Mula sa pahayag masasabi na na ang alamat ay bahagi na ng _________ ng mga Pilipino.
a. buhay b. kuwento c. pamumuhay d. kasarinlan
13. Inaanyayahan ng mga binata ang mga dalaga, bagaman pumayag agad ang mga ito ngunit nagpaalam pa rin sila sa kanilang
ama. Masasabi mula sa pahayag na ang pagpaalam sa mga magulang ay bahagi na ng ating____________________________.
a. kultura b. alamat c. aral d. paniniwala
14. Maagang pumalaot ang nag-aalalang ama upang muling sundan at hanapin ang kanyang mga anak. Ngunit laking panlulumo
niya nang matanaw niya ang pitong maliliit na islang tila isinabog sa gitna ng laot sa pagitan ng kanilang isla ng Dumangas at isla
ng Guimaras. Mahihinuha mula sa pahayag na ang mga islang nakikita ay ang mga________________.
a. pitong isla b. pitong pulo c. pitong suwail na anak d. pitong bayan
15. Ang pitong mumunting isla sa Kabisayaan na pinangalanang Isla de los Siete Picados ay pinaniniwalaang paalaala sa
pagsuway at kasalanang nagawa ng pitong suwail na dalaga sa kanilang mapagmahal na ama.
Mahihinuha mula sa pahayag na ang mga suwail na anak ay________________.
a. napahamak b. naging isla c. napabuti d. namatay
16. Mga salitang karaniwang ginagamit sa pakikipag-usap sa mga kakilala o kaibigan.
a.Pormal b. Balbal c. Kolokyal d. Di-pormal
17. Salitang istandard dahil ang mga ito ay ginagamit ng karamihan sa mga nakapag-aral ng wika.
A. Balbal B. Pormal C. Kolokyal D. Di-pormal
18. Ang mga salitang ito ay may kakaibang tono o bigkas na maaaring magbigay pa ng ibang kahulugan nito.
a. Kolokyal b. Balbal c. Lalawiganin d. Pormal
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
Division of Surigao del Sur
District of Lanuza
AGSAM INTEGRATED SCHOOL

19. Ang salitang “Kano” ay halimbawa ng_______.


a. Lalawiganin b. Balbal c. Pormal d. Kolokyal
20. Ipinagbabawal sa mga kabataan ang nakalalasing na inumin at yosi. Ang salitang “yosi” ay halimbawa ng______.
a. Kolokyal b. Pormal c. Balbal d. lalawiganin
21. Ang dami ng masasarap na pagkain, mapaparami na naman ang kain ko nito, sira na naman my diet here. Ang salitang
initiman ay halimbawa ng______.
a. Pormal b. Kolokyal c. Lalawiganin d. Balbal
22. Sa bawat araw na pumapasok sa paaralan, ang palaging bilin at sinasabi sa amin ni nanay “pag-amping.” Ang pag-amping ay
_____
a. Kolokyal b. Balbal c. Pormal d. Lalawiganin
23. Pupunta ka ba bukas sa eskwelahan? Ang salitang eskwelahan at halimbawa ng ____.
a. Balbal b. Kolokyal c. Lalawiganin d. Pormal
24. Sabik na sabik na akong makita ang aking mga kapatid at ina. Kelan kaya ako makadadalaw sa kanila? Ang salitang kelan ay
halimbawa ng____.
a. Balbal b. Pormal c. Kolokyal d. Lalawiganin
25. Ang astig ng kapatid mong galing Amerika, parang ang idolo kong si Robin Padilla.Ang salitang itiniman ay halimbawa
ng____.
a. Pormal b. Kolokyal c. Balbal d. Lalawiganin
26. Ang chaka naman ng panaginip ko. Ang chaka ay salitang balbal na ang ibig sabihin ay_____
A. pangit b. kaakit-akit c. maganda d. kahali-halina
28. Ang kakosa ko ay hindi nagkait ng tulong sa panahon ng aking kagipitan. Ang kakosa ay salitang balbal na ang ibig sabihin
ay____.
a. kapatid b. kaibigan c. kaaway d. kalaro
28. Masarap kainin ang inapoy kapag mainit pa.Ang inapoy ay salitang Ilokano na ang ibig ipakahulugan ay_____.
a. kanin b. lugaw c. tinapay d. pansit
29. Madalas ang paggoli ngayong tag-init. Ang paggoli ay salitang balbal na ang ibig sabihin ay_____.
a. paglalaba b. pagligo c. pagsasampay d. pagkukula
30. Sa panahon ng pandemya, maraming tao ang nakaranas ng tomguts. Ang ibig ipakahulugan ng tomguts ay_____.
a. gutom b. busog c. sagana d.marami
31. Ito ay mga paniniwala o opinyon na naisalin mula sa mga magulang papunta sa mga anak nila.
a.tradisyon b, araw ng manggagawa c. araw ng patay d. kasal
32. Isang paniniwala o kasanayan na kadalasang na hindi batay sa dahi-lan at walang pang-agham o siyentipikong katotohanan.
a. tardisyon b. pamahiin c.paniniwala d. kasalan
33. Ang katotohanang pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng mga katwiran o rason.
a. pagmamatuwid b. pagpapasalaysay c. Pagpapaliwanag d. paglalahad
34. Ito ay isang pagkakaroon ng kumpiyansa o pananalig sa isang bagay na walang matibay na patunay sa katotohanan nitó.
a. tardisyon b. pamahiin c.paniniwala d. kasalan
35. Ito ay isang pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay.
a. pagmamatuwid b. pagpapasalaysay c. Pagpapaliwanag d. paglalahad
36. Kapag nakabili ng biik, iligid mo ito sa poste ng inyong bahay ng pi-tong beses upang hindi ito maglayas. Ito ang isang
halimbawang…
a. tardisyon b. pamahiin c. pamahiin d.kultura
37. Bawal magwalis kapag may patay. Ito ay isang halimbawang…
a. pamahiin b. paniniwala c. kultura d. tradisyon
38. Ang makasalo ng bulaklak na inihagis ng babaing ikinasal ay susunod na mag-aasawa. Ito ay isang halimbawang…
a. pamahiin b. paniniwala c.kultura d. tradisyon
39. Ang dalaga naman ay bigla pang umayaw
Sasabihin pa kay Inang ng malaman
Ano kaugalian o katangian ang nangingibabaw sa taludtod?
a.magalang b. matapat c. mayabang d. matakot
40. Binata’y naawa lumuhod kaagad
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
Division of Surigao del Sur
District of Lanuza
AGSAM INTEGRATED SCHOOL

Nagmakaamo at humingi ng patawad


Ang binata ay nagpapakita na siya ay?
a. mapagmataas b. mapagmayabang c. magalitin d. mapagkumbaba
41. Kailan sinasabi ang bulong na ganito: “Tabi, tabi po apo, baka po kayo mabunggo.”
a. kapag ikaw ay nasa gubat habang naglalakad
b. kapag ikaw ay nasa loob ng bahay habang naglalakad
c. kapag ikaw ay nasa kalye habang naglalakad
d. kapag ikaw ay nasa loob ng mall habang naglalakad
42. Ano bulong ang bibigkasin kung nangangahoy sa gubat upang hindi mamatanda bilang paghingi ng paumanhin?
a. Tabi,tabi po, nuno sa punso.”
b. “Tabi, tabi po apo, baka po kayo mabunggo.”
c. “Aming pinutol lamang, ang sa aming napag-utusan.”
d. “Dagang malaki, dagang maliit, heto na ang ngipin kong sira at pangit. Bigyan mo ng bagong kapalit.
43. “Pinagbili, pinagbili sa isang munting palengke
ang kanyang pinagbilhan, ang kanyang pinagbilhan, pinambili ng tuba” ano ang isinasaad sa linya ng awitin:
a. Ang persona ay nagtitinda ng tuba dahil mahilig siya uminom ng tuba
b. Ang persona ay namimili ng tuba dahil ito ang kanyang hanapbuhay
c. Ang persona ay mahilig uminom ng tuba dahil ipinambili nito ang pinagbilhan ng huli
d. Ang persona ay isang negosyante sa palengke dahil doon niya pinagbili ang huli nito
44. Ano ang kaisipang ipinahihiwatig sa ilang linya ng awiting-bayan na ito?

“Si Pilemon, si Pilemon, nangisda sa karagatan


Nakahuli, nakahuli ng isdang tambasakan”

a. Dahil Malawak ang karagatan sa Kabisayaan


b. Dahil maraming isdang tambasakan sa kabisayaan
c. Dahil pangingisda ang libangan ng mga Taga-Bisaya
d. Dahil pangingisda ang pangunahing hanapbuhay ng mga Taga-Bisaya
45. Ang mga sumusunod ay mahahalagang detalye mula sa awiting-bayan na “Si Pilemon” Maliban sa isa.
a. Si Pilemon ay mangindisda
b. Ang kangyang kinita ay pinambili niya ng tuba
c. Si Pilemon ay nagnenegosyo ng tuba sa palengke
d. Sa isang munting palengke niya ipinagbili ang kanyang huli

(Bilang 46-50: Mga tanong mula sa “Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan”)

46. Ano ang nagpabantog sa pitong dalaga?


a. Kabaitan kaya dinadagsa ito ng mga tao
b. Kagandahan kaya dinarayo ang kanilang tahanan
c. Kakinisan kaya maraming dalaga ana humuhingi ng payo
d. Katalinuhan kaya maramin kabataan ang nagpapaturo
47. Ano ang ikinatatakot ng ama para sa kanyang pitong dalaga?
a. magutom ito sa katatampisaw sa dalampasigan
b. makapag-asawa ang sinuman sa kanyang mga dalaga ng mga lalaking maaaring maglayo sa kanya.
c. matangay ito ng mga binatang may masamang balak sa kanila
d. kaiinggitan ito ng mga dalaga sa kanilang bayan
48. Bakit buong lakas na sumagwan ang ama ng pitong dalaga sa karagatan?
a. Para makahuli ng maraming isda
b. Para maihabol ang mga damit ng anak na naiwan
c. Para mahabol ang kanyang pinakamamahal na anak
d. Para magpasalamat sa mga binate na nagbigay ng mamahaling regalo
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
Division of Surigao del Sur
District of Lanuza
AGSAM INTEGRATED SCHOOL

49. Ano ang hinahangad ng mga binatang dumarayo sa tahanan ng pitong dalaga?
a. malaman ang kanilang pinag-aabalahan para mas makilala
b. makuha ang kanilang hiyas para magamit sa kanilang negosyo
c. makuha ang kamay ng isa sa mga dalagang napupusuan
d. masuri ang kanilang kalagayan para matulungan
50. Ano ang kaisipang nangingibabaw sa binasang akda?
a. Walang magulang ang naghahangad ng masama sa kanilang anak
b. Kagandahan ay alagaan para buhay ay umanggat
c. Pagmamahal ng magulang ay makasarili
d. Mga anak na suwail ay nagtatagumpay

Prepared by:

OFELIA E. GUINITARAN
Teacher

Checked and Reviewed by:

MARY GRACE JERNA N. CUADRA


QA Team Member

Approved by:

BEATRIZ A. TORIO
School Principal
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
Division of Surigao del Sur
District of Lanuza
AGSAM INTEGRATED SCHOOL

Answers Key 45. C


46. B
1. C 47. B
2. B 48. C
3. C 49. C
4. C 50. A
5. D
6. A
7. A
8. C
9. B
10. D
11. A
12. A
13. A
14. B
15. A
16. D
17. B
18. C
19. B
20. C
21. B
22. D
23. B
24. C
25. C
26. C
27. B
28. A
29. B
30. A
31. A
32. C
33. A
34. C
35. A
36. B
37. B
38. A
39. B
40. D
41. A
42. C
43. C
44. D

You might also like