Script

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Title: Paghahanap ng Nakaraan

Format: Dramang Panradyo

Director/Writer: Mhiel Lorraine P. Calinga

Technical: Rose Ann Armonio, Jillian G. Virtudazo, Donia Kim L. Degamo

Cast: Lynde - Narrator/Host

Irish - Avianna- 21

Jake - Kib-21

Dindo - Pedro-40

Joshua - Carlos- 70

SCRIPT:

1 NARRATOR: Sa tuktok ng isang bundok sa probinsya, may isang lumang bahay na misteryoso.
2 Sabi-sabi ng mga tao, may nakaraan itong puno ng kababalaghan. Ngayong gabi, tayo ay
3 makikinig sa paghahanap ng katotohanan sa dramang panradyo, “Paghanap ng Nakaraan”

4 MSC: MARAHANG MUSIKA

5 HOST: Magandang gabi, mga kaibigan! Ako ang inyong lingkod na magtatakip sa kasaysayan ng
6 nakaraan. Kasama natin ang ating mananalaysay, sina Avianna at Kib.

7 AVIANNA: (NAGPAKUMBABA) Maraming Salamat sa pagtanggap sa akin, Lynde.

8 KIB: (KUMPIYANSA) Handa na tayong buksan ang nakaraan, Avianna.

9 HOST: Ngunit bago tayo magpatuloy, narito ang paalala sa ating mga tagapakinig: magsara ng bintana
10 at pinto, baka biglang may pumasok na di inaasahang bisita.

11 MSC: MAAKSYONG MUSIKA


1 AVIANNA: Ang bahay na ito ay dating tirahan ng isang makapangyarihang pamilya. Ngunit may
2 misteryo sa likod ng bawat pader nito.

3 KIB: Sinasabing may isang dilag na nagngangalang Maria ang Nawala sa bahay na ito, nang anumang
4 walang bakas.

5 AVIANNA: Subalit sa kabila ng pag-aalinlangan, may isa tayong pagpapatunay.

6 KIB: Oo, at narito ang pribadong tagakumpirma ng mga pangyayari sa loob ng bahay na ito, si Manong 7
7 Pedro.

8 MSC: Suspenyosong Musika

9 PEDRO: (MAPANURI) Oo, tunay nga ang mga kwento. Narito ako noong nawala si Maria. Hindi ko
10 malilimutan ang mga sandaling iyon.

11 AVIANNA: (NABIGLA) Anong nangyari noong gabing iyon, Manong Pedro?

12 PEDRO: (NAGTAGUMPAY) Ang mga pader ay parang may mga tainga. Nakakaramdam ako ng kakaibang 3
13 presensya ngunit walang tao sa paligid.

14 SFX: KA GIMBAL-GIMBAL NA TUNOG

15 KIB: Ano ‘yon?

16 PEDRO: Hindi ko alam…baka si Maria ang nagsasalita sa atin mula sa kabila ng kabilang mundo.

17 HOST: Hindi maipaliwanag ang mga pangyayari sa loob ng bahay na ito. Ngunit sa gabing ito, may

18 Pagnanais tayong alamin ang katotohanan.

19 MSC: SUSPENSYOSONG MUSIKA


1 AVIANNA: At narito na ang sagot sa lahat ng ating mga tanong. Kasama natin ang panganay na anak ng
2 pamilya na dating nakatira sa bahay na ito, si Lolo Carlos.

3 KIB: Ano ang iyong nalalaman tungkol sa pagkawala ni Maria, Lolo Carlos?

4 CARLOS: (MALUNGKOT) Hindi ko malilimutan ang araw na iyon. Inihatid ko si Maria sa bahay matapos ang
5 isang kasal. Ngunit pagdating namin sa bahay, biglang nawala siya.

6 AVIANNA: (NAG-AALALA) Anong kahihinatnan ni Maria, Lolo Carlos?

7 CARLOS: (NAIIYAK) Hindi ko alam. Baka hinila siya ng nakaraan na hindi na natin makakamit.

8 HOST: At doon natapos ang ating paghahalungkat sa nakaraan. Hanggang sa sususnod na dramang
9 panradyo, tandaan sa bawat pader, may kuwento na naghihintay.

10 MSC: MAAKTONG MUSIKA

11 HOST: Ito ang inyong lingkod, Irish na nagsasabing mag-ingat sa paghahalukat sa nakaraan. Hanggang sa
12 muli!

13 MSC: OUTRO MUSIC

14 MSC AT SFX: SALITAN NG MSC AT SFX

You might also like