Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

2

MOTHER TONGUE BASED-


MULTILINGUAL EDUCATION
IKATLONG MARKAHAN - MODYUL 3

IKATLONG LINGGO

SDO TAGUIG CITY AND PATEROS


1
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral
kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim
sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

2
Ano ang target ko?
Magandang araw! Kumusta ka na? Handa ka na bang simulan ang
bago mong aralin?
Pagkatapos ng araling ito inaasahan na matututuhan at maisasagawa
mo ang layuning:

⮚ Nakikilala at nagagamit nang wasto ang pandiwa/salitang kilos na nasa


aspektong pangnagdaan sa tulong ng mga salitang nagpapahiwatig
ng oras o panahon.

Aralin Pandiwa Sa Aspektong


3 Pangnagdaan

Ano ako magaling?


Handa ka na bang simulan ang bagong aralin? Huwag kang mag-alala
kung hindi mo pa ito alam, tiyak kong sa mga susunod na pagsubok ay
kayang-kaya mo na ito. Maaari mo nang simulan ang pagsagot.
Bilugan ang wastong pandiwa sa aspektong pangnagdaan.
1. A. nagliligpit B. nagligpit C. ligpit D. magliligpit
2. A. nakinig B. nakikinig C. kinig D. makinig
3. A. talon B. tumalon C. tumatalon D. tatalon
4. A. natulog B. matutulog C. tulog D. natutulog
5. A. sakay B. sumakay C. sasakay D. sumasakay

Ano ang balik-tanaw ko?

Punan ang patlang ng pangungusap gamit ang mga salita sa panaklong ng


wastong pandiwa sa aspektong pangkasalukuyan.

(lakad) 1. Sina Pia at Elma ay _______________ tuwing pumupunta sa


simbahan.
(linis) 2. Tulong-tulong ang mag-anak na _______________ ng kanilang
tahanan tuwing Sabado.

3
(luto) 3. Kami ay _______________ samantala si kuya ay abala na
nagtatanim sa hardin.
(sunod) 4. Ang mga tao sa aming komunidad ay _______________ sa
alituntunin ng tamang social distancing.
(suot) 5. Bilang proteksiyon laban sa COVID-19 ako ay ________________ ng
face mask tuwing lumalabas ng bahay.

Ano ang gagawin ko?

Ngayon ay simulan mo na ang pagtuklas sa bagong kaalaman. Inaasahan


kong ikaw ay nananabik nang muling matuto. Handa ka na ba?

Bilugan ang mga pandiwang makikita sa talalata.


Noong Huwebes na bisperas ng Pasko ay maagang namalengke
sina Mama at Papa. Nagluto si Mama ng pansit, adobo, bibingka at
marami pang iba. Dumating sina Tito at Tita. Masaya kaming nagbukas ng
aming regalo at sabay-sabay na kumain pagkatapos.
Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong:
1. Anong araw ang bisperas ng Pasko? ____________________________________
2. Ano-ano ang ginawa ng mag-asawa? __________________________________
3. Sino-sino ang dumating? ________________________________________________
4. Ano ang ginawa nila sa kanilang regalo? ________________________________
5. Ano ang ginawa nila pagkatapos magbukas ng regalo? _________________

Ano ang kahulugan?

Ano-ano ang ginamit na mga pandiwa sa talata? Anong aspekto ng


pandiwa kaya ang mga ito?

Ngayon ay iyong basahin ang mga pandiwa o salitang kilos na ginamit


sa kuwento.
namalengke dumating
nagluto kumain
nagbukas

Sa iyong pagbabasa, may napansin ka ba sa bawat pandiwa o


salitang kilos na ginamit sa kuwento? Paano natin malalaman kung
kailan ito ginagamit sa pangungusap?

 Ang mga pandiwa o salitang kilos na ginamit sa talata ay tapos


na o ginawa na. Ang mga pandiwang nabanggit ay nasa

4
Aspektong Pangnagdaan o naganap na.

Ano pa ang gagawin ko?

Upang higit pang mahasa ang iyong kakayahan sa iyong aralin, subuking
sagutan ang mga gawain. Handa ka na ba?

Gawain 1
Lagyan ng kahon sa pangungusap ang ginamit na pandiwang
pangnagdaan.
1. Noong Pasko ako ay nakatanggap ng regalo.
2. Nagluto si Mama ng bibingka at suman.
3. Sabay-sabay kaming nagbukas ng aming regalo.
4. Masaya naming ipinagdiwang ang Pasko.
5. Nagpasalamat kami sa mga biyayang aming natanggap.

Gawain 2
Sumulat ng mga pandiwa sa aspektong pangnagdaan gamit ang mga
salitang-ugat na makikita.

bili dasal ligpit takbo tawa


awit palit handa tulog sisid
laro saya simba gapang luto

1. _________________________________________________________________________
2. _________________________________________________________________________
3. _________________________________________________________________________
4. _________________________________________________________________________
5. _________________________________________________________________________

Gawain 3
Punan ang patlang gamit ang mga salita sa panaklong ng angkop na
pandiwang pangnagdaan.

1. (dasal) Kami ay _______________ pagkatapos kumain.


2. (ligo) Kahapon kami _______________ sa dagat.
3. (handa) Si Mama ay _______________ ng pagkain kahapon para sa mga
frontliners.
4. (simba) Kami ay _______________ noong araw ng Pasko kasama ang lolo
at lola.
5. (bigay) Si ate at ako ay _______________ ng regalo para kina nanay at
tatay.

5
Ano ang natamo ko?

Naunawaan mo ba ang iyong aralin ngayon?

Ano ang pandiwa? Ano ang tawag sa mga pandiwa o salitang kilos na
tapos na?
Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o
galaw sa loob ng pangungusap. Ang mga pandiwa o salitang kilos na
naganap na ay nasa aspektong pangnagdaan o ginawa na.

Ano ang kaya kong gawin?

Ngayon ay sukatin natin ang iyong natutuhan sa modyul na ito. Tiyak kong
kayang-kaya mo ito. Basahin at intindihin ang panuto.

Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Kami ay _____ noong Bagong Taon.


A. nagsisimba B. nagsimba C. magsimba D. simba
2. Noong nakaraang araw kami _____ kay lola na nasa probinsiya.
A. tumawag B. tumatawag C. tatawag D. tinawag
3. Ako _____ ng facemask sa Baclaran kahapon.
A. bibili B. bumili C. bumibili D. bibilhin
4. Si tita ay _____ ng bibingka at suman noong nakaraang Linggo.
A. nagluluto B. magluto C. nagluto D. magluluto
5. Si Papa ay _____ ng mga halaman noong wala siyang pasok sa trabaho.
A. nagtanim B. magtanim C. magtatanim D. nagtatanim

Kumusta na ang target ko?

Punan ang mga patlang ng wastong pandiwang pangnagdaan upang


mabuo ang diwa ng talata.
Noong bakasyon kami (uwi) __________ sa probinsiya. (punta)
__________ kami sa ilog kasama ang mga pinsan ko. (huli) __________ ng isda
sina papa. At pagkatapos ay masaya kaming (kain) __________ at (ligo)
__________ sa ilog.

6
REPLEKSIYON

Gumuhit ng masayang mukha o malungkot na mukha batay sa


iyong sagot sa mga tanong.

Mga Tanong: Sagot:


1. Masaya ka bang ginagawa ang aralin?
2. Nasundan mo ba ng mabuti ang mga
gawain?
3. Mahirap ba ang mga gawain?
4. May natutuhan ka ba sa aralin?
5. Nakakaaliw ba ang mga inihandang gawain?

Sanggunian
A. Aklat

Luz S. Almeda et.al (2013) Ang Bagong Batang Pinoy – Ikalawang Baitang
Filipino: Rex Book Store Inc. p. 21, 29

Grace Urbien-Salvatus et.al (2013) Mother Tongue- Based Multi-lingual


Education: Rex Book Store Inc. p. 88. 151, 152, 272, 274

7
Development Team of the Module

Writer: JEAN F. BERNAL


Editors:
Content Evaluator:
MYRZELLE YANEZA
MONALIZA D. CABALLERO
Language Evaluator:
SHEILA MARIE D. ABONIN
DONNABEL F. BALANTAC
AILEEN C. RIEGO
Reviewer: DR. JENNIFER G. RAMA EPS - FILIPINO
Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
DR. JENNIFER G. RAMA, EPS - FILIPINO

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like