Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

SEMI-DETAILED LESSON PLAN

School: Luakan National High School- Grade Level: 9


Main

Teacher: Mico C. Sison Learning Area: Araling Panlipunan


Teaching
Dates and January 04, 2024/ 12:00 PM- Quarter: 2nd quarter
Time: 12:45 PM
Objectives must be met over the week and connect to the curriculum standards. To meet the objectives,
necessary procedures must be followed and if needed, additional lessons, exercises and remedial activities
I. Objectives may be done for developing content knowledge and competencies. These are using Formative Assessment
strategies. Valuing objectives support the learning of content and competencies and enable children to find
significance and joy in learning the lessons. Weekly objectives shall be derived from the curriculum guides.

Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman sa ugnayan ng


Content Standard pwersa ng demand at suplay, at sa sistema ng pamilihan bilang batayan ng matalinong
pagdedesisyon ng sambahayan at bahay-kalakal tungo sa pambangsang kaunlaran.

Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga pangunahing kaalaman sa ugnayan


Performance Standard ng pwersa ng demand at suplay, at sistema ng pamilihan bilang batayan ng matalinong
pagdedesisyon ng sambahayan at bahay-kalakal tungo sa pambansang kaunlaran.

Sa katapusan ng aralin, 100% ng mga mag-aaral ay inaasahang makatatamo ng kasanayan


sa:
Learning 1. Nasusuri ang kahulugan at iba’t-ibang istruktura ng pamilihan. (AP9MYK-IIh-11)
Competencies/Objectives: 2. Naisalalarawan ang mga konsepto at mga estruktura na nakikita sa pamilihan.
(Write the LC Code for each.)
Content is what the lesson is all about. It pertains to the subject matter that the teacher aims to teach.
In the CG, the content can be tackled in a week or two.

II. Content
Aralin 5: Ang Pamilihan: Konsepto at mga Estruktura nito

It is the list of materials that you need to teach the lesson and measure student outcomes. This section
prepares you to deliver your lessons every day.

III. Learning
Resources

A. References AP K-12 MELCS


1. Teacher’s Guide pages
2. Learner’s Materials pages
3. Textbook pages Ekonomiks: Araling Panlipunan_Modul para sa Mag-aaral (page 197-218)
4. Additional materials from
Learning Resource (LR)
Portal
5. Other Learning Resources Power Point Presentation, Pictures, Videos, and Charts.

It is an in-depth explanation of how the lesson will progress in the classroom. The lesson procedure is
essentially step-by-step instructions that walk you through everything from the time students enter the
IV. PROCEDURES classroom until the bell rings at the end of period.

A. Reviewing previous lesson Okay class, bago tayo tumungo sa panibagong aralin ay magbalik-aral muna tayo sa aralin
or presenting the new na tinalakay natin noong mga nakaraang linggo. Kaya class, kung makikita ninyo ay
lesson. mayroong mystery box na naglalaman ng isang bagay na may kinalaman sa ating
panibagong aralin ngayong araw. Ngunit bago mabuksan ito, ay mayroong mga susi na
tinatawag na “key notes”, na kung saan sa mga key notes na iyan ay diyan niyo isusulat ang
mga natandaan ninyong mga salita, terminolohiya o simbolismo na may kaugnayan sa
nakaraang aralin. Kapag ang mystery box ay nabuksan na ang mystery box ay tatawag ako
ng isang mag-aaral sa klase na ito upang ipaliwanag kung ano ang mensahe ng bagay na
nasa loob.

Bilang ng mga mag-aaral na tatawagin ng guro para sa pang-ganyak na gawain na ito:


 10 mag-aaral na mag-susulat ng kanilang natutunan sa key notes na ibibigay ng
guro; at
 1 mag-aaral na magpapaliwanang ng laman ng mystery box.

Mga posibleng sagot na isusulat ng mga mag-aaral sa key notes


- Demand - Suplay/supply
- Demand Curve - Supply Curve
- Demand Schedule - Supply Schedule
- Demand
Function
- Supply
Function
- P Qd
-P Qs

Okay class, base sa larawan na nakikita niyo.


Ano ang tawag sa lugar na ito kung saan dito
ay maaaring magbenta o bumili ng mga
produkto o serbisyo? Palengke/Pamilihan
B. Establishing a purpose for Mahusay klas, ito ay ang pamilihan at ngayon ito ay ang paksang tatalakayin natin sa araw
the lesson. na ito. Layunin natin na suriin ang mga pangkaraniwang nangyayari o nakikita sa pamilihan
gaya ng konsepto na ito at atin din tutukuyin ang mga iba’t-ibang estruktura na makikita sa
pamilihan, handa na ba klas?
C. Presenting Ngayon klas, ay mayroon akong ipapakitang maikling bidyo na kung saan ay ipapakita dito
examples/intances of the ang mga nangyayari at kung anong mayroon sa isang pamilihan, handa na ba makinig
new lesson. class?

Link:https://www.youtube.com/
w atch?v=tAi4B9LQmlU

Mga gabay na katanungan:


1. Base sa maikling bidyo na ipinakita, anu-ano kaya ang mga pangkaraniwang
makikita sa pamilihan?
Mga posibleng kasagutan ng mag-aaral:
-Iba’t-ibang produkto at serbisyo; at
-Iba’t-ibang presyo ng produkto at serbisyo

2. Sinu-sinong mga tao ang karaniwang nasa pamilihan?


-Mga nagbebenta ng produkto (prodyuser).
-Mga bumibili ng produkto (konsyumer).

Mahusay, at ang inyong mga nabangit na kasagutan ay may kinalaman sa tatalakayin


nating aralin tungkol sa konsepto at estruktura ng pamilihan.
D. Discussing new concepts Talakayin muna natin ang konsepto ng pamilihan, ano muna ang pamilihan at ano nga ba
and practicing new skills ang kinalaman nito sa ugnayan ng prodyuser at konsyumer, klas?
#1.
 Ang pamilihan ay mahalagang bahagi ng buhay ng prodyuser at konsyumer.
 Ayon sa 6th Principle of Economics ni Gregory Mankiw, “Markets are usually a good
way to organize economic activity.” Ito ay ipinaliwanag ni Adam Smith sa kaniyang
aklat na An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations (1776) na
ang ugnayan ng konsyumer at prodyuser ay naisasaayos ng pamilihan. Mayroong
tinatawag na “invisible hand” si Adam Smith na siyang gumagabay sa ugnayan ng
dalawang aktor ng pamilihan.
 Ang pamilihan ay maaaring:
 Lokal na Pamilihan- gaya ng sari-sari store na matatagpuan saanmang
dako ng ating bansa.
 Pamilihang Panrehiyon- gaya ng abaka ng Bicol, dried fish ng Cebu, Durian
ng Davao, at iba pang natatanging produkto ng mga lalawigan ay bahagi ng
pamilihang panrehiyon.
 Pambansa at Pandaigdigang pamilihan- gaya ng mga prutas, bigas, at
petrolyo/langis.

E. Discussing new concepts Ngayon naman ay ating talakayin ang mga estruktura ng pamilihan.
and practicing new skills
#2. Ang estruktura ng pamilihan ay tumutukoy sa balangkas na umiiral sa sistema ng merkado
kung saan ipinapakita ang ugnayan ng konsyumer at prodyuser. Ito ay nahahati sa
dalawang pangunahing balangkas at ito ay ang :

 Pamilihang May Ganap na Kompetisyon (Perfectly Competitive Market (PCM)


Ito ang estruktura ng pamilihan na kinikilala bilang modelo o ideal. Sa ilalim ng
ganitong sistema, walang sinoman sa prodyuser at konsyumer ang maaring
makakontrol sa takbo ng pamilihan partikular sa presyo.

Sa panig ng prodyuser:
(Magpapakita ng larawan ng mga nagtitinda ng magkaparehas na
produkto.)

Sa panig ng konsyumer:
(Magpapakita ng larawan ng mga mamimili na bumibili ng produkto sa
itinakdang presyo.)

Ang sitwasyong ito ay ipinaliliwanag ng konsepto ng price taker na kung saan ang
prodyuser at konsyumer ay umaayon lamang sa kung ano ang takbo ng presyo sa
pamilihan at walang kapasidad na magtakda ng sarili nilang presyo.

Ayon kay Paul Krugman at Robin Wells sa kanilang aklat na Economics 2 nd Edition (2009),
ang pamilihang may ganap na kompetisyon ay may sumusunod na katangian:
 Maraming maliliit na konsyumer at prodyuser- Dahil sa marami at maliit ang
konsyumer at prodyuser, walang kakayahan na maimpluwensiyahan ang presyo na
papabor sa interes ng sinoman sa pamilihan.
 Magkakatulad ang produkto (Homogenous)- Ito ay nangangahulugang maraming
produkto na magkakatulad kung kaya’t ang konsyumer ay maraming pagpipilian.
 Malayang paggalaw ng sangkap ng produksiyon- Dahil walang direktang may
kontrol sa mga salik ng produksiyon, maraming mapagkukunan ng mga sangkap
para makabuo ng mga produkto. Buhat nito, maraming produkto ang nagkakatulad
na maaaring ipagbili sa pamilihan.
 Malayang pagpasok at paglabas sa industriya- ang pamilihan partikular na ang
sistema ng pagnenegosyo ay bukas sa lahat ng may kapasidad na maibahagi.
Walang kakayahan ang mga dating prodyuser na sila ay hadlangan o pagbawalan
sa pagpasok sa pamilihan. Ito ay nakakatulong upang paigtingin ang kompetisyon
sa pamilihan na nagdudulot para siguraduhin ng mga prodyuser na ang kanilang
produkto ay may mataas na kalidad at tamang presyo upang tangkilikin ng mga
konsyumer.
 Malaya ang Impormasiyon ukol sa pamilihan- dahil ang sistema ay malaya, ang
pagdaloy ng impormasyon lalo na sa pagtatakda ng presyo at dami ay bukas para
sa kaalaman ng lahat. Malayang makagagawa at makapagbebenta ang isang
prodyuser sa pamilihan. Gayundin, ang mga konsyumer ay malaya kung bibili o
hindi bibili ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan.

 Pamilihang May Hindi Ganap na Kompetisyon (Imperfectly Competitive Market


(ICM).
Tinatawag na pamilihang may hindi ganap na kompetisyon ang estruktura kung
wala ang anumang kondisyon o katangian na matatagpuan sa pamilihang may
ganap na kompetisyon. Sa pangkalahatang paglalarawan, ang lahat ng prodyuser
na bumubuo sa ganitong estruktura ay may kapangyarihang maimpluwensiyahan
ang pagtatakda ng presyo sa pamilihan.

Ang sumusunod na anyo ang bumubuo sa pamilihang may hindi-ganap na kompetisyon.


 Monopolyo- Ito ay ang uri ng pamilihan na iisa lamang ang prodyuser na
gumagawa ng produkto o nagbibigay serbisyo kung kaya’t walang pamalit
o kahalili.

Ang mga konsyumer ay napipilitan na lang tanggapin ang pagiging


makapangyarihan ng mga monopolista . Ang mga halimbawa ay ang mga
kompanya ng koryente sa aspekto ng transmission, tubig, at tren.

Ang mga pangunahing katangian ng monopolyo ay ang sumusunod:


 Iisa ang nagtitinda
 Produkto na walang kapalit;
 Kakayahang hadlangan ang kalaban

 Monopsonyo- sa ganitong uri ng pamilihan, mayroon lamang iisang


mamimili ngunit maraming prodyuser ng produkto at serbisyo. Sa ganitong
kalagayan, may kapangyarihan ang konsyumer na maimpluwensiyahan ang
presyo sa pamilihan.

Halimbawa: Ang gobyerno ang nag-iisang kumukuha ng iba’t-ibang


serbisyo at siya din ang may kapangyarihan kung magkano ang halagang
itinakda para dito.

 Oligopolyo- Ito ay isang uri ng estruktura ng pamilihan na may maliit na


bilang o iilan lamang na prodyuser ang nagbebenta ng magkakatulad o
magkakaugnay na produkto o serbisyo. Sa ganitong uri ng pamilihan, may
kakayahan ang prodyuser na maimpluwensiyahan o madiktahan ang
presyo na umiiral sa pamilihan.

Halimbawa: semento, bakal, ginto, at petrolyo.


Mga sistemang nagaganap sa Oligopolyo”
1. Hoarding- ang pagtatago ng produkto upang magkulang ang supply sa
pamilihan na magdudulot ng pagtaas ng pangkalahatang presyo.
2. Collusion- pagkakaroon ng sabwatan sa mga negosyante na nagtitinda
ng magkaparehas na produkto o serbisyo. Ito ay nagaganap sa ilalim
ng kartel o samahan ng mga oligopolista.
3. Kartel- isang konsepto ng pagkakaroon ng alliances of enterprises.

 Monopolistic Competition- sa ilalim ng ganitong uri ng estruktura ng


pamilihan, maraming kalahok na prodyuser ang nagbebenta ng mga
produkto sa pamilihan subalit marami rin ang mga konsyumer.
Gayunpaman, may kapangyarihan pa rin sa pamilihan ang mga prodyuser
na magtakda ng presyo ng kanilang mga produkto. Mayroong tinatawag na
product differentiation na kung saan ang mga proyuser ay nagbebenta ng
magkakaparehas na produkto ngunit magkaka-iba sa presyo at hawig ng
mga produkto (gaya ng packeging, labeling, presentasyon, at maging sa
lasa o flavor.)

F. Developing mastery Okay class, ano nga daw ulit ang 2 uri ng balangkas ng pamilihan?
(Leads to Formative
Assessment #3) Mga sagot:
 Pamilihang May Ganap na Kompetisyon; at
 Pamilihang May Hindi Ganap na Kompetisyon

Ibigay ang mga sumusunod na katangian sa pamililihang may ganap na kompetisyon?


1. Maraming maliliit na prodyuser at konsyumer.
2. Magkakatulad ng produkto.
3. Malayang paggalaw ng sangkap ng produksiyon.
4. Malaya ang impormasiyon ukoll sa pamilihan; at
5. Malayang pagpasok sa loob at labas ng industriya.

Ibigay ang mga anyo na bumubuo sa pamilihang may hindi ganap na kompetisyon?
1. Monopsonyo
2. Oligopolyo
3. Monopolyo; at
4. Monopolistic Competition
G. Finding practical Pamilihan Jingle Song!!!
applications of concepts
and skills In daily living?

Panuto: Ang bawat grupo ay gagawa ng isang maikling jingle song na nagpapakita at
naglalarawan kung anu-ano ang mga konsepto o estruktura ang pang-karaniwang nakikita
sa pamilihan. Gawing batayan ang rubriks sa pagbuo ng jingle song.

Mga halimbawa ng jingle songs:


https://www.youtube.com/watch?v=eUX-ylRaKiM
https://www.youtube.com/watch?v=PpdhLUr6a04

Tandaan:
-Ang mabubuong jingle songs ay dapat sa tatlumpu’t segundo (30 seconds).
-Maaring lapatan ng mga dance steps ang mabubuong jingle songs.
-Magkaroon ng sigla at saya sa pagkanta ng magiging jingle songs.

RUBRICS:

H. Making generalizations SA PAGKAKA-ALAM KO?


and abstractions about
the lesson. Okay class, para makita kung gaano kayo natuto sa aralin natin ngayon tungkol sa konsepto
at estruktura ng pamilihan. Mayroon akong isang katanungan na ibibigay sa inyo. Bago
kayo sumagot ay kailangan niyo muna ang katagang “Sa pagkaka-alam ko” at doon ay
idudugtong ninyo ang inyong magiging sagot.

Halimbawa: Sa pagkaka-alam ko, na ang pamilihan ay mahalagang bahagi ng buhay ng


prodyuser at konsyumer.

I. Evaluating Learning Pabili o Patawad

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag at tukuyin kung tama ang
mensahe ayon sa mga salitang nakasalungguhit. Lagyan ng salitang PABILI kung tama ang
mensahe at PATAWAD kung ito ay mali.

1. Ang pamilihan ay ang mekanismo na kung saan nagtatagpo ang konsyumer at


prodyuser.
2. Mayroong tatlong pangunahing aktor sa pamilihan ang konsyumer, prodyuser, at
ang produkto.
3. Nagaganap ang sistema ng pamilihan dahil lahat tayo ay may kakayahan na mag-
supply.
4. Sa pamamagitan ng pamilihan, nalalaman ang sistema ng ekonomiya.
5. Ang prodyuser ay may kakayahang kontrolin ang presyo sa pamilihang may ganap
na kompetisyon.
6. Ang supply ang nagsisilbing hudyat o senyales sa prodyuser kung ano ang
gagawing produkto.
7. Kapag mataas ang presyo, ang mga prodyuser ay nahihikayat na magbawas ng
supply lalo na sa mga pangunahing uri ng produkto.
8. Ang presyo ang pangunahing salik sa pagbabago ng demand at supply sa
pamilihan.
9. Kapag mababa ang presyo sa pamilihan ang konsyumer ay nagtataas ng kabuuang
dami ng binibiling produkto.
10. Ang kartel ay nangangahulugang alliances at consumers.
J. Additional activities for Takdang-Aralin:
application or
remediation. Panuto: Hanapin ang mga kahulugan ng mga sumusunod na salita:
 Assignment/Agreement 1. Pamahalaan
(____ minutes). Fill-in 2. Price Ceiling
below any of the four 3. Price Floor; at
purposes. 4. Price Freeze
 Reinforcing/
Strengthening
The day’s lesson.
 Enriching/inspiring the
day’s lesson.
 Enhancing/improving the
day’s lesson
 Preparing for the new
lesson.
V. REMARKS Indicate special cases including but not limited to continuation of lesson plan to the
following day in case of reteaching or lack of time, transfer of lesson to the following day,
in cases of class suspension, etc.
VI. REFLECTION Reflect on your teaching and assess yourself as a teacher. Think about your student’s
progress. What works? What else needs to be done to help the students learn? Identify
what help your instructional supervisors can provide for you so when you meet them, you
can ask them relevant questions. Indicate below whichever is/are appropriate.
A. No.of learners who
earned 80% on the
formative assessment.
B. No. of learners who
require additional
activities for remediation.
C. Did the remedial lesson
work? No. of learners
who have caught with the
lesson.
D. No. of learners who
continue to require
remediation.
E. Which of my teaching
strategies worked well?
Why did these work?
F. What difficulties did I
encounter which my
principal or supervisor
can help me solve?
G. What innovation or
localized materials did I
use/discover which I wish
to share with other
teachers?

You might also like