The Greatest Story Ever Told 1 FINALE

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Ang Pinakadakilang Kuwento na Naisalaysay

(Christmas Cantata 2023)

Awit: “Come and Worship”


{Ang batang lalaki ay nakasuot ng makapal na kasuotang pan-lamig. Siya ay may dala-dalang Pamaskong
Kariton na naglalaman ng iba’t-ibang mga bagay. Naglalakad papunta sa harapan ng pintuan at ilalabas ang maliit na
papel. Ito ay kaniyang binabasa at kinakabisado. Pagkatapos, siya ay huminga ng malalim at pinindot nag door bell}
Dr. Fitz: Oo na! Papunta na! Papunta na! Hindi naman kailangan maging maingay! {Binuksan ang pinto at nagtatakang
pinagmasadan} Ano?!
Lucas: {Binibigkas ng hindi maganda ang mga kinabisadong linya} Magandang umaga o hapon sa inyo po, Sir o Madam.
Ikinagagalak ko pong makilala kayo. Ang aking pangalan ay Lucas Peter Walker. Ako po ay nagtitinda ng mga
Pamaskong Pasalubong bilang fundraising sa aming paaralan. Ang lahat ng malilikum na kita ay diretso pong mapupunta
sa aming paaralan… {Dagdag komento}
Huwag po kayong mag-alala. Hindi po ito scam ehehe. Meron po ba kayong nagugustuhan sa aking mga tindang
Pamaskong Pasalubong?
Dr.Fitz: Wala
Lucas: Baka naman po may mga gusto po kayong mga Pamaskong Pagkain! Mayroon po kaming Home-Made Ginger
Bread Houses…
Dr. Fitz: WALA!
Lucas: O di kaya’y isang napakasarap na Peanut Butter Fudge… atlis sa tingin ko iyon naman yon.
Dr. Fitz: Nakakadiri ang mga iyan, Umalis ka na nga dito.
Lucas: Sa tingin ko po, nabilad po sila ng matagal sa araw. Huwag po kayong mag-alala, bibilhin pa rin naman ito ng
aking lola. Baka naman po magustuhan ninyo itong mga napakagandang Christmas Cards na napapalamutian ng mgga
kaganapan patungkol sa Kapanganakan ng Panginoon
Dr. Fitz: Hindi, hindi, Wala! Wala akong anumang kailangan sa mga basurang dala mo!
Lucas: Hindi ko po kailanman tatawaging “Basura” ang mga De-kalidad na pandindang ito. Baka naman po interesado po
kayo sa Neck Tie na ito na may electronic na ilong ni Rudolph? Tingnan mo po ninyo, umiilaw!
Dr. Fitz: Hindi mo ba nabasa ang malaking karatulang nagsasabing “No Soliciting” sa harap ng tabing bahay?
Lucas: Oh, - opo, sir. Nakita ko po. Kaso nga lang po, wala po akong ideya ano po ang ibig sabihin non. Ngunit ako’y
magmamatyag ng lubos sa anumang kahina-hinalang mga karakter.
Dr. Fitz: Iho, ang panglilimos ay hindi magandang gawain. Kaya naman mas makabubuti kung dadalhin mo ang lahat ng
mga basurang ito palayo sa aking bahay, para hindi na ako tumawag ng pulis.
Lucas: Kung ganon po, ang simpleng “No, Thank You” ay sapat na. Paumanhin po kung nagiging makulit po ako, sir.
Sinabi po kasi sa akin ng mga teachers ko na ito po’y parehong pagmamahal at pagpupursige.
Dr. Fitz: Yeah, nakikita ko naman yon {Tumalikod at may tinawag sa bahay} Norma, kailangan ko ng gamot… Iniinis
ako ng batang ito
Lucas: Sino po si Norma?
Dr.Fitz: Siyang ang aking tagapag-alaga, as if na may pakeelam ka. Norma!
Lucas: Sorry po talaga kung naaabala ko po kayo. Heto po…kunin niyo po itong Candy Cane – para sa bahay po ninyo!
Dr.Fitz: Iho, hindi ko kailangan ng kahit na anong Pamaskong basura mula sa iyo. Hindi mo ba napapansin na ang ang
bahay ko lang ang namumukod tanging bahay na walang anumang Pamaskong dekorasyon sa buong block dito?
Lucas: Baka po siguro wala naman po kayong anuman na inilalagay…
Dr. Fitz: Hindi ako nagce-celebrate ng Christmas. Ang Pasko ay isang holiday para sa mga mapamahiin at simple-
minded na mga tao. Ang isa sa mga pinakamalala pa kaysa Pasko ay ang Easter.
Lucas: Oh, gusto ko po ang Easter!
Dr. Fitz: Ano?! Nakakagulat! Anong klaseng pagpapalaki ang ginawa sa iyo! Anong klaseng paaralan ang may mga
batang nagtitinda ng mga Pamaskong Pasalubong bilang Fundraising?
Lucas: Ang school ko po – Shady Mountain Christian School. Isang napakagandang school po.
Dr. Ditz: Ah, I see! Kaya naman pala. Na-brainwashed ka na, iho. Tsk…tsk… Nakakaawa kang bata
Norma: {Sa likod ng pinto} Dr. Fitz, kailangan niyo po ba ng gamot?
Dr. Fitz: Makinig ka sa akin, bata. Huwag mong papakinggan ang anumang sinasabi sa iyo ng paaralang iyon. Walang
itinuturo iyon sa iyo kundi kasinungalingan at kalokohan
Norma: Dr. Fitz…
Dr. Fitz: Papunta na, Norma! Tandaan mo ang mga sinabi ko. Huwang mong pakinggan ang kahit na ano mula sa
paaralang iyon. Especially anumang patungkol sa Pasko o kay Jesus.
Awit: “Go Tell It ”
{Isang Binibini ang nagmamadaling maglakad papunta sa harap ng pinto at mabilis na kumatok at huminga ng
malalim. Binuksan ni Fr. Fitz ang pinto.}
Dr. Fitz: Ano na naman iyon?
Charity: Hello po! Ako po si Charity Walker. Nakatira lamang po ako sa tabing kalye na may bilang 201
Dr. Fitz: Kilala ko kung sino ka. Ikaw yung nag-iwan ng mga cookies sa harapan ng bahay ko noong lumipat ka.
Charity: Opo- baka ako poi yon
Dr. Fitz: Diabetic ako. Kaya mas makabubuti sa akin kung di ka nag-iiwan ng mga nakakalasong mga bagay sa harap ng
pintuan ko. Ganundin sa basurang liham patungkol sa Summer Cookout at ang Fall Festival ng ibang simbahan –
nababagay ang liham na iyon sa basurahan, at hindi sa pintuan ko.
Charity: Paumanhin po hinggil sa mga cookies. Hindi ko po alam.
Dr. Fitz: Ah, hindi mo alam. Buweno, anong kailangan mo ngayon?
Charity: Ang anak ko po, si Lucas, ay nagtungo po dito ilang minuto po ang nakakalipas na nagtitinda po ng mga
Pamaskong bagay para sa …
Dr.Fitz: Oo, talagang naaalala ko. Ano naman ngayon?
Charity: Mukhang iniisip niya po kasi yung mga sinabi po ninyo na huwag makinig sa anumang sinasabi ng kaniyang
mga guro sa paaralan. Sigurado po akong nagkamali lamang siya, pero lubos po talaga siyang nagtataka.
Dr. Fitz: Talagang sinabi ko iyon sa kaniya na huwag pakinggan ang anumang pang-be-brainwash na inilalagay sa kaniya
para sa ganong katwiran na – para sa paaralan. Dapat nga mahiya ka sa sarili mo eh.
Charity: Ganoon po ba sir. Siguro dapat kong sabihin na nagulat din po ako. Ang buong akala ko po ay nagkaroon
lamang ng maling pang-unawa si Lucas patungkol sa mga sinabi po ninyo. Nauunawaan ko po na hindi kayo sang-ayon sa
aming mga paniniwala ngunit mas makabubuti po na hindi dapat ninyo sabihin sa aking batang anak na lalaki na huwag
making sa paaralan.
Dr. Fitz: Kung ganoon, mas makabubutidin kung hindi mo hahayaang magtrespassing ang anak mong lalaki at
mamalimos mula sa mga walang halagang mga basura tulad ng isang palaboy sa harapan ng aking bahay.
Lucas: Inay, sinusubukan kong sabihin sa kaniya na hindi iyon basura. Ipinakita ko nga po sa kaniya ang neck tie eh.
Dr. Fitz: {huminga ng malalim} Norma, kailangan ko ulit ng gamot. Bumalik ulit ang bata.
Charity: Tingnan po ninyo, Mr…Uhmm..Mr…
Dr. Fitz: Fitz, …sa katunayan … Dr. Fitz
Charity: Dr. Fitz, paumanhin kung kayo man ay nagagambala. Sisiguraduhin po naming na hindi na po kayo
magagambala sa susunod.
Dr. Fitz: Mabuti! Ako’y isang sakitin at matanda na hindi na magtatagal ang buhay. Ang tanging nais ko lamang ay
kapayapaan sa mga nalalabing araw ng buhay ko.
Charity: Oh, ikinalulungkot kong marinig iyan, Dr. Fitz. Ikaw ay aking ipapanalangin. Sabihin niyo lamang po sa akin
kung ano po ang maaari kong gawin upang makatulong.
Dr. Fitz: Oo, mayroon ka talagang pwedeng gawin HUWAG mo akong ipanalangin at alisin mo ang batang iyan sa baliw
na paaralan na iyon. Siya ay matalinong bata at may maraming potensiyal.
Lucas: Kita mo po, Inay. Sabi ko po sa inyo na tila nagugustuhan na niya ako. Para lang siyang masungit na matandang
lalaki sa panlabas.
Dr. Fitz: Hindi ko ginugol ang sampung taong pagtuturo ko ng Molecular Biology sa aking mga estyudante para lamang
manahimik sa mga batang tinuturuan ng pamahiin.
Charity: Kung ganon, sa tingin ko wala na akong magagawa sa mga bagay na iyan, Dr. Fitz.Ipapanalangin na lamang kita
na bigyan ka ng Diyos ng tunay na kapayapaan sa iyong kaluluwa. Kapayapaan na tanging magmumula sa Ebanghelyo.
Lucas: Ipapanalangin din kita, Mr. Dr. Fitz
Dr. Fitz: Norma, bigyan mo ko ng dalawang gamot! Norma!
Lucas: Mr. Dr. Fitz,gusto po ba ninyong pumunta sa Christmas Play ko
Charity: Hindi, Lucas. Siguradong ayaw naman niya.
Lucas: Magiging Star ako sa palabas na kung saan ako’y nasa taas ng kuwadra! At ako’y kakanta ng napakagandang
awitin para kay Jesus!
Dr. Fitz: Norma!
Norma: Papunta na ako, papunta na ako, Dr. Fitz
Dr. Fitz: Bakit ang tagal mo? Maaaring bawian ako ng buhay anumang sandali at parang wala naman ni sino ang may
pakeelam.
Norma: Paumanhin, Dr. Fitz. Kausap ko po kasi sa telepono ang aking manugang na lalaki. Ang aking anak na babae ay
manganganak na sa anumang sandali
Charity: Oh, congratulations!
Norma: Kailangan ko pong lumipad papuntang Miami ngayong gabi!
Dr. Fitz: Ano? Miami? Ano naman ang gagawin ko ngayon?
Norma: Paumanhin po talaga, Dr. Fitz. Maari kong tawagan ang agency ngayon at magpadala muna ng kapalit ko
pansamantala sa lalong madaling panahon. Kaso nga lang po, kasagsagan po ng holidays ngayon.
Dr. Fitz: Kung ganon, maganda talaga iyan. Malapit na talaga akong bawian ng buhay sa anumang sandali at wala man
lang sinuman ang naririto upang ibigay ang mga nalalabing mga gamot ko bago man lang ako mamatay.
Norma: Dr. Fitz, hindi naman sa magiging masama tulad ng ganon.
Lucas: Aha! May naisip na ako Dr.Fitz! Ang aking nakatatandang kapatid. Si Ate Sarah ay isang nurse.
Charity: Lucas, nasa kolehiyo pa lamang siya na nag-aaral para maging isang nurse.
Lucas: Pwede naman siya at ako ang pumunta para bantayan siya.
Dr. Fitz: Hindi ko kailangan ng babysitter. Ang kailangan ko ay yung pupunta dito at pagmasdan kung paano ako
mamatay.
Lucas: Kung ganon lang, pwedeng si Ate ko na lang ang pupunta.
Norma: Napakaganda ng naisip mo! Kailangan lang ni Dr. Fitz ng aantabay sa kaniya at magbibigay sa kaniya ng gamot
palagi. Sigurado akong magiging qualified ang anak mong babae. I-check ko lang muna siya sa agency.
Charity: Hindi ko alam…ang ibig kong sabihin, ayos lamang ba sa iyo Dr. Fitz?
Lucas: Please, please, please Dr. Fitz gagawa ako ng maraming cookies para sa iyo. Tutulungan din kitang magdecorate
Dr. Fitz: Wala din naman akong mapagpipilian di ba?
Norma: Wala po talaga
Dr. Fitz: Sige, sa isang kondisyon: NO CHRISTMAS! WALANG PASKO!
Awit: “God Rest Ye Merry, Gentlemen”
{Sisigawan ni Dr. Fitz ang choir. Magkakaroon ng reaksyon ang mga miyembro ng choir na tila ba nasigawan}
{Sa loob, naglalagay ng dekorasyon sina Sarah at Lucas sa Christmas Tree}
Dr. Fitz: {Sisigawan ang choir} Kayo na mga nangangaroling, umalis kayo sa pamamahay ko! Lucas, hindi ba’t sinabi ko
sa iyo na wala kang papasukin na sinuman sa aking pamamahay.
Lucas: Akala ko po kasi kailangan niyo lang po ng Christmas Spirit!
Dr. Fitz: At ano na naman iyang ginagawa mo ngayon?
Lucas: Ang sabi po kasi ni Inay na huwag magdadala ng napakaraming dekorasyon kasi sa tingin niya, hindi niyo naman
po daw iyon magugustuhan. Pero alam ko na magugustuhan niyo sila. Oh, Sarah tingnan mo, napakaganda na ng
Christmas Tree natin? Hindi po ba, Mr. Fitz?
Dr. Fitz: {Nagbuntong-hininga}
Lucas: Mayroon po ba kayong mga apo, Mr. Fitz?
Dr.Fitz: Wala.
Lucas: Sa tingin niyo po ba na pwede ko po ba kayong ampunin bilang lolo ko? Hindi ko po kasi nakilala ang mga lolo’t
lola ko at gustung-gusto ko pong magkaroon.
Dr. Fitz: {Natawa} Sa tingin ko hindi naman iyon ganun-ganon na lang {May napansin} Sandali lamang, ano iyang nasa
kamay mo, iho?
Lucas: Ah, ito po ba? Ito po ay isang Shepherd o Pastol!
Dr.Fitz: Sinabi ko na sa iyo…Pwede kang magdala ng ilang mga dekorasyon dito basta wala ni isa sa mga ito ang may
kinalaman sa relihiyon!
Lucas: Ngunit Mr. Fitz, impossible iyon! Ang kapanganakan ni Jesus ang pinakakahulugan ng Pasko! Hindi naman ito
magiging holiday kung hindi nangyari iyon!
Dr. Fitz: Ang kasunduan ay kasunduan, Lucas. Wala ni-isa sa mga non-sense na iyan ang pwede sa bahay ko.
Lucas: Hayy, Mr. Fitz, huwag ka ngang maging mahigpit; sige ka, sa isang Pamaskong Kwento, parang ikaw si Herod
Dr. Fitz: Sino?!
Lucas: Ah, wala po iyon
Sarah: Lucas, umupo ka nga muna. Parang medyo namumutla ka.
Lucas: {Kay Sarah} Ayos lamang ako, Ate Sarah {Kay Dr. Fitz} Alam ko pong ayaw mo si Jesus sa buhay mo ngayon
ngunit ako’y nakasisigurado’t umaasa na isang araw, papapasukin mo siya sa iyong puso.
Dr. Fitz: Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin non.
Lucas: Alam ko pong hindi mo alam, ngunit malalaman niyo din po.
Awit: “Let Him In”
{Nakaupong mag-isa si Dr. Fitz sa kaniyang upuan}
Dr.Fitz: {Sa kaniyang sarili} Hayy, Maggie, hindi ka makakapaniwala sa batang iyon. Siya ay tunay na makulit at sabik
na sabik tulad mo. Hayy, namimiss na kita, Maggie. Naalala kita ng sobra kapag nakakasama ko ang batang iyon dito. At
oo nga pala, palagi niyang sinasabi ang patungkol kay Jesus. Alam kong gustung-gusto mo din ang patungkol doon.
Palagi na lang akong mag-isa sa buhay, Maggie.
Lucas: Hey-ah, Mr. Fitz! Kumusta na po ang pakiramdam po ninyo ngayon? Mukhang kayo po ay maayos na!
Dr. Fitz: Good afternoon, Lucas. Masama’t miserable pa rin ang pakiramdam ko ngayon.
Lucas: Kung ganon, alam ko na kung paano magiging maayos iyan. Tada!!! Nagdala ako ng Christmas Music!
Dr. Fitz: {Sumigaw sa likod ng entablado} Sarah, kailangan mong magdala ng gamot sa akin ngayon.
Lucas: Narinig ko po kasi na nakikipag-usap po kayo kay Maggie. Pero wala naman akong nakikitang sinuman dito.
Dr.Fitz: Si Maggie ay aking asawa. Namatay siya mag-iisang taon na ang nakakalipas. Minsan, siguro hindi ko
namamalayan na kinakausap ko na pala siya.
Lucas: Ah… para po bang nananalangin iyon?
Dr. Fitz: Hindi, hindi ganon iyon
Lucas: Sana man lang nakilala ko siya, Mr. Fitz.Sigurado akong magugustuhan ko din siya.
Dr. Fitz: Satingin ko din ay magugustuhan ka rin niya, Lucas.
Sarah: {Papasok} Sinabi niyo po ba na kailangan niyo ng gamot, Dr. Fitz? Oh, Lucas kumusta na ang pakiramdam mo
ngayon?
Lucas: Maayos naman ako – wala naman na kahit na anong masakit
Dr. Fitz: Hindi pa rin maganda ang pakiramdam ko at kailangan ko ng mga gamot, Sarah.Pero sa tingin ko wala naman
talagang may pakeelam sa akin
Sarah: Kukuha na po ako agad-agad ng gamot para po sa inyo, Dr. Fitz {aalis si Sarah}
Dr. Fitz: {Hinawakan ang Shepherd} Naiwan mo ito noong nakaraang araw.
Lucas: Ah, dyan pala nagpunta ang nawawalang shepherd!
Dr. Fitz: Sinusubukan kong alalahanin, Lucas – anong ginawa ng mga shepherds sa sanggol na si Jesus? Nilagay ba nila
ang sanggol sa isang sabsaban o parang ganon?
Lucas: Hindi po, hindi, hindi po nila kinuha si baby Jesus. Natagpuan po nila Siya
Dr. Fitz: Bakit nila Siya hinahanap?
Lucas: Dahil may narinig po sila sa buong tana ng kanilang buhay na mayroon pong darating na Messiah na magpapalaya
sa mga tao! Kaya naman po isang gabi habang sila ay nakaupo sa kapatagan, isang Angel ang nagpakita sa kalangitan.
Sinabi Niya po sa mga shepherds na naipanganak na ang Messiah sa gabing iyon! Sa katunayan, natural lamang po na
matakot sila sapagkat may isang malaking anghel na nagpakita sa kalangitan; ngunit sila ay inimbitahan ng anghel na
sumama at makita si Jesus at sambahin Siya.
Dr. Fitz: Ngunit kung Siya talaga ang dakilang Messiah ng mga Hudyo, bakit sinasabi lamang iyon ng mga anghel sa
ilang mga shepherds? Bakit hindi nila sinasabi sa mga importanteng tao o bakit hindi nila sinasabi kaninuman ang
patungkol sa bagay na iyon?
Lucas: Mayroon din mga kings o hari ang pumunta upang makita si Jesus; ngunit ang mga shepherds ang unang
nakakakita sa Kaniya. Sinabi po ng teacher ko na ganon po talaga ang Diyos. Wala po Siyang pinipili ninuman, at si Jesus
ay hindi para lamang sa mga mayayaman na tao o mga relihiyosong mga tao. Nagtungo po siya dito upang mamatay sa
krus para sa lahat. At kung sino man ang mananampalatay sa Kaniya ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan
Awit: “The God of Shepherds and Kings”
Dr. Fitz: Napakaganda ng kuwento na iyon – very inspirational
Lucas: Hindi lamang kuwento lang iyon, Mr. Fitz. Nangyari po talaga iyon!
Dr. Fitz: {Natawa} Masasabi ko naman na naniniwala ako na nangyari talaga iyon. Paano kung sabihin mo na lang sa
akin yung kuwento – pero sa pagkakataong ito alisin mo yung mga parte na gawa-gawa lamang tulad ng mga miracles at
ng mga angels at lahat na ng mga bagay
Lucas: Sa tingin ko’y medyo mahaba-haba pa ang patutunguhan nito. Alam mo ba, Mr. Fitz, kahit ang mga matatandang
tao ay maaaring maging Kristiyano. Ang kailangan mo lang gawin ay magsisi sa iyong mga kasalanan at sampalatayanan
si Jesus bilang iyong personal na Tagapagligtas.
Dr. Fitz: Napakarami na ng mga matatandang tao ang Jesus mo kahit hindi mo na ako idagdag pa sa listahan.
Sarah: Paumanhin, Dr. Fitz.Hindi ko po mahanap ang mga gamot po ninyo. Natatandaan niyo po ba kung saan niyo ito
huling nilagay?
Dr. Fitz: Syempre, hindi. Matanda na ako. Makakalimutin na ako sa bawat bagay. Ikaw ang mas bata. Sigurado akong
mahahanap mo din iyon. Pero bilisan mo na – hindi na maganda ang pakiramdam ko.
Lucas: Mr. Fitz, makakapunta po ba kayo sa Christmas Play ko ngayong gabi sa school? Makakapunta po ba kayo?
Please?
Dr. Fitz: Lucas, araw-araw mo akong tinatanong patungkol dyan at alam mo naman kung ano ang palagi kong sinasagot.
Lucas: Ngunit batid kong magugustuhan ninyo ito. Ako ang magiging Star ng palabas.
Dr. Fitz: Oh, gaganap ka bang baby Jesus?
Lucas: Ay hindi po, gagamit lamang po kami ng sanggol na manika para po sa sanggol na si Jesus.
Sarah: Gagampanan po ni Lucas ang aktwal na Star. Alam niyo po ba yung Bethlehem Star o Bituin sa Bethlehem?
Lucas: Tatayo po ako sa ibabaw ng kwadra at aawit ng Star Song! {Magsisimulang umawit ng kanta}
Dr. Fitz: {Natawa}Sa tingin ko, nakakatuwa iyon. Nahanap mo na ba ng mga gamot ko, Sarah?
Sarah: Opo, sir. Narito lamang po sila {Nagbuntung-hininga} Lucas, anong nangyayari sa iyo? Napagod ka ba?
Lucas: Inaantok lang ako, yun lang.
Dr. Fitz: Bilang isang taong narito upang alagaan ako, siguraduhin mo lang na di ka magtatagal sa ginagawa mong iyan.
Sarah: Paumanhin, Dr. Fitz. Yun lamang ay…
Dr. Fitz: Paulit-ulit ko na lang hinihingi yung gamot ko sa iyo.
Sarah: Paumanhin po, Dr. Fitz. Narito na po ang gamot ninyo. Ngunit batid po ninyo na hindi lamang po kayo ang
tanging taong may mga problema.
Dr.Fitz: Hindi, ako lamang yung taong mamamatay na!
Sarah: Kung alam niyo lamang ang katotohanan, mararamdaman niyo rin na…
Lucas: Ate Sarah, tara na. Napakarami pa nating dapat gawin para sa concert. Paalam po, Mr. Fitz. Sana maging maayos
na po kayo. Ipinapanalangin po kita kada gabi.
Sarah: Paalam, Mr. Fitz. Babalik po ako ulit ditto bukas ng umaga.
Dr. Fitz: Paalam, mga bata! At goodluck sa iyo ngayong gabi, Lucas.
Lucas: Hahanapin po kita sa mga audience. Ako po yung nakasuot ng Star Costume
{Aalis sila Lucas at Sarah}
Dr. Fitz: Star Costume – ngayon ko lang narinig iyon? {Natawa sa sarili} Ano bang sinulat niya sa CD na ito?
{Babasahin ang CD} “Christmas Music – makakatulong masagot ang iyong mga katanungan”. Hmmm Bakit kaya niya
nilagay ito dito?
Awit: “Carol Medley : What Child Is This?”
{Maglalakad si Dr. Fitz papunta sa Choir Director}
Dr. Fitz: Excuse me, ito po ba yung lugar kung saan idadaos yung Christmas program ba yon?
Director: Opo, tama po kayo! Welcome po to the Shady Mountain Christian School Christmas Play!
Dr. Fitz: Bawat tao ba na naririto ay palaging masigla?
Director: Magsisimula pa lamang po kami. Kasama po ba ang inyong apo sa palabas?
Dr. Fitz: Well, hindi naman sa ganon, pero parang ganon na nga.
Director: Ganon po ba, magmadali na po kayo’t maupo na. Kami po ay magsisimula na.
Dr. Fitz: Sa totoo lang, kailangan ko ng mauupuan malapit sa exit at malayo sa anumang bagay-bagay {Sisigaw} At wala
sanang sobrang tinding mga liwanag.
{Mayroon manggagaling sa stage ang mlakas na magsasabing “Shhhhh” kay Dr. Fitz}
Awit: “O Wondrous Night”
{Pupuntahan ni Dr. Fitz ang Director}
Dr. Fitz: Excuse me, ma’am. Ma’am, excuse me.
Director: Yes, po?
Dr. Fitz: Hello po, pumunta ako dito ngayong gabi para kay Lucas Walker sa palabas na ito. Sa tingin ko siya dapat ang
magiging bituin o gaganap na Star sa ibabaw ng sabsaban. Pero di ko siya nakita sa anumang parte ng palabas?
Director: Oh, paumanhin po sa sasabihin ko na ito, ngunit nagkaroon po ng another episode si Lucas kanina hapon
lamang po. Nasa Ospital po siya ngayon.
Dr. Fitz: Ano? Anong klaseng episode? Anong mga pinagsasasabi mo? Ma’am, sa totoo lang di ako nag-aaksaya ng
panahon sa mga ganitong klaseng palabas o okasyon, mas gusto ko pang manatili sa bahay ko. Pero dahil kinukulit ako ni
Lucas na umattend sa Pamasakong palabas na ito sapagkat ang sabi niya sa akin siya ang magiging Star sa ibabaw ng
sabsaban. Pero sasabihin mo sa akin ngayon na gumawa siya ng ibang episode ng play at wala siya ngayon sa palabas na
ito?
Director: Sir, huminahon po kayo. Hindi niyo po ba alam ang patungkol kay Lucas?
Dr. Fitz: Ang patungkol saan?
Director: May malubha pong karamdaman si Lucas.
Dr. Fitz: Ano? Pakiulit?
Director: Matagal na pong may malaubhang sakit si Lucas. Madalang lamang po siya pumasok sa paaralan; at kahit
naman po na gusto naming na isama siya sa palabas, hindi po talaga niya kaya.
Dr.Fitz: Hindi…{Nanginginig ang mga kamay at tuhod sa narinig} hindi pwede…hindi tama iyon…Pwede naman kung
sino, ang bata pa niya…ba-bakit siya?
Director: Sorry po talaga, sir.
Awit: “I Wonder as I Wander” {Opsyonal}

{Kung hindi gagamitin ang opsyonal na awitin, bababa ang mga ilaw kina Fitz at sa Director at magliliwananag muli
kay Fitz na kasama si Lucas sa Ospital}
{Magpapatuloy muli ang senaryo sa ospital. Si Lucas ay nakahiga sa kama ng ospital. Kakausapin ni Dr. Fitz ang nurse
na nagbabantay. Sa likod ng stage}
Nurse: Kamag-anak po ba kayo ng pasyente? Naroon po siya
Dr. Fitz: Oo, isa ako sa mga kamag-anak ng pasyente. {Maglalakad at pagmamasdan si Lucas na nakahiga sa kama ng
ospital} Oh, Lucas {Yumuko mula sa higaan, may background music na Lord, Youre All I Need}
O Panginoon, batid kong hindi Kita masyadong kinakausap… o baka hindi Mo lang talaga ako naririnig
{buntung-hininga} siguro ang ibig kong sabihin ay – kung papakinggan Mo lang ako kahit isang beses lang… hindi ko
alam kung ano ang sasabihin ko {Huminga ng sobrang lalim} Alam ko na ginugol ko ang aking buhay na ikinakaila kita
at nakakahiya para sa akin ang lumalapit ngayon sa Inyo. Ngunit Panginoon, wala akong magawa. Itong batang lalaki na
ito ay isang nakamamanghang bata, at parang mali naman ata na maghirap siya. Pakiusap, Panginoon, dugtungan Niyo po
ang kaniyang buhay. Pakiusap, huwag Niyo po siyang kunin sa akin at sa kaniyang nanay. Kailangan namin siya.
Humihingi ako ng kapatawaran na ginugol ko ang lahat ng mga taon na lumalaban sa Inyo. Inakala ko na Kayo’y naging
malupit, mapagpabaya at masama sa akin at ginusto ko talagang paniwalain ang aking sarili na hindi Kayo totoo. Ngunit
ang batang lalaki na ito at ang kaniyang pamilya ang nagturo sa akin na ako’y mali. Alam ko na Ikaw ang Diyos ng mga
hari at ng mga pastol. Iniibig mong lubos ang lahat ng mga tao, kahit pa ang isang kahag-habag na makasalanan – kahit
ang mga taong ikinaila at kinalaban Kayo. Panginoon, ako’y sumasampalataya sa Inyo at nananampalataya na ang Inyong
Anak ay namatay para sa akin. Tinatanggap ko Siya bilang aking Tagapagligtas.Narinig ko ang kuwento ng Inyong
pagkasilang at pagkamatay at ako’y nananampalataya sa Inyo. Nakikiusap ako, Panginoon. Pakiusap
Awit: “The Greatest Story Ever Told”
Dr. Fitz: Pakiusap, Panginoon, dinggin mo ang aking panalangin. Huwag mong hayaan na mamatay ang batang lalaki na
ito.
Lucas: {Ididilat ang mga mata} Hindi naman ako mamamatay, Mr. Fitz. Natutulog lamang ako.
Dr. Fitz: O Lucas, nagising ka na!
Lucas: Ingat lamang po kayo, Dr. Fitz. Naglagay ang mga doctor ng mga wires na ito sa akin.
Dr. Fitz: Paumanhin, Lucas. Masaya lamang ako na maayos na ang iyong kalagayan.
Lucas: Nananalangin po kayo kanina, Mr. Fitz.
Dr. Fitz: Sa katunayan… Oo, Lucas ako nga. Pagkatapos ng napakahabang panahon ng pagtalikod sa Diyos, Sa tingin ko,
sa wakas Siya ay aking sinasampalatayanan na
{Papasok si Charity}
Lucas: Mr. Fitz, iyan ang pinakamagandang balita na narinig ko! Inay, narinig mo iyon? Sinampalatayanan na ni Mr. Fitz
si Cristo.
Charity: Mr. Fitz, iyan ay tunay na nakamamangha! Purihin ang Panginoon!
Dr. Fitz: Alam niyo ba, hindi ko lamang nabanggit sa inyo, ngunit ang aking pinakamamahal na asawa ay isang
mananampalataya din tulad niyo.
Charity: Talaga po?
Dr. Fitz: Oo, nagtungo siya sa isang simbahan kasama ang kaniyang mga kaibigan ilang taon na ang nakakalipas at
umuwi siya ng bahay na sinasabi na siya ay isang Kristiyano. Nagalit talaga ako noon sa kaniya. Naiirita ako noon sa
kaniya. Naiirita ako patungkol sa pananampalataya niya. Hindi ko talaga lubos na nauuunawaan noon bakit siya
nananampalataya sa Diyos na nagbigay sa kaniya ng sakit at kinuha siya sa akin.
Charity: Pareho din tayo ng iniisip, Mr. Fitz, noong mga nakaraang taon na magkasakit si Lucas. Ngunit lagi kong
tinatandaan na ang Diyos ay tunay na mabuti anuman ang ating nararamdaman at iniisip. Ang Kaniyang kaparaanan ay
lubos na pinakamainam, kahit minsan, sa aking sarili ay hindi ko madalas pinipili.
Dr.Fitz: Sana pwede kong sabihin kay Maggie ngayon na nananampalataya na ako kay Cristo bilang aking Tagapagligtas.
Lucas: Huwag po kayong mag-alala, Mr. Fitz. Alam po niya.
Dr. Fitz: Anong ibig mong sabihin?
Lucas: Ang mga anghel ay nagdiriwang sa kalangitan sa loob ng limang minuto ngayon?
Dr. Fitz: Paano mo nalaman iyon?
Lucas: Ang sabi ng Bibliya sa Luke na mayroon kasiyahan sa kalangitan sa isang makasalanan na nagsisi. Kaya naman
kung ikaw ay magsisisi at tinanggap si Jesus bilang iyong Tagapagligtas, ang mga anghel sa kalangitan ay nagdiriwang!
Ako’y nakasisigurong si Ms. Maggie ay naririnig sila na nagdiriwang sapagkat ikaw ay naligtas na – naiisip ko lamang
kung gaano kalakas ang pagdiriwang ng mga anghel! Mr. Fitz, umiiyak ka.
Dr. Fitz: Ah ako ba? Wala toh, baka sa sibuyas lang na hinawakan ko noong kumakain ako ng steak…pero masaya
lamang ako.
Lucas: Ibig bang sabihin nito, pwede ko na dalhin yung iba pang mga Christmas decorations?
Dr. Fitz: {Natawa} Oo, naman. Maaari mong dalhin ang anumang bagay na gusto mong dalhin, lalo na yung mga
shepherds
Lucas: Alam mo, Mr. Fitz, para kang isa sa mga shepherds kasi narinig moa ng patungkol kay Jesus sa panahon ng
Kapaskuhan.
Charity: At natagpuan mo Siya sa araw ng Kapaskuhan.
Dr. Fitz: At dahil isa ako sa mga hindi karapat-dapat na mga tao na makita ang Tagapagligtas, ngunit nahanap Niya pa rin
ako. Lucas, gusto kong kong ikwento mo sa akin ang kwento ng Pasko sa muling pagkakataon. At sa pagkakataon na ito,
wala kang tatanggalin na anuman. Ikwento mo ulit sa akin ang Pinakadakilang Kwento ng Pasko.

Awit: “Come and Worship”

*** Ang Wakas***

You might also like