Mama Mo Green

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Arjan Gavynn A.

Villacruz Araling Panlipunan 9


9-Lavoisier Performance Task 2

1. Paano ka nagsimula sa iyong tindahan?


"Ang tindahan ko ay nanggaling at ipinasa sa akin ng aking kapatid noong munti
pa lamang ito at kakaunti ang laman, dahil nalulugi na rin ang aking kapatid, at
nabigyan siya ng pagkakataon upang mangibang bansa kasama ang kaniyang
anak, at ipinalago ko ang tindahan na ito upang maging pangalawang
mapagkukunan ng salapi."

2. Ano-ano ang inyong isinaalang-alang bago ninyo ito pinasimulan o itinayo?


"Ang inisip ko nung ibigay sa akin ang tindahan ay kung papaano ko muling
bubuhayin at ano muna ang dapat kong ibenta na siguradong bibilhin na mga
taong nakapaligid. Inisip ko rin kung gaano karaming salapi ang kakailanganin
upang simulan ang pagbebenta ng mga produkto."

3. Mayroon ka bang karanasang hindi maganda sa iyong negosyo? Paano mo ito


nasolusyonan?
"Ang pinakamalaking problema na dinanas ng tindahan ko ay siguradong ang
pangungutang ngunit hindi pagbabayad. Kasanayan na ng mga tao rito na
mangutang sa aking tindahan nung simula pa lamang. Karaniwan ay nagbabayad
naman sila pagdating ng ilang araw, ngunit may iba na nagagawang hindi na
magbayad. Kaya naman dahil dito, hindi na maaaring mangutang sa tindahan ko
kapag malalaking halaga."

4. Sa iyong palagay, ano-ano ang katangian ng isang mabuting may-ari ng


tindahan?
"Para sa akin, ang pinakakailangan mo kapag magsisimula ng negosyo ay
talagang ang sipag at tiyaga, dahil ito ang magdadala sa'yo sa tagumpay. Ang iba
pang katangian ay ang pagiging matalino sa paggawa ng desisyon at paghandle
ng mga mamimili, at ang panghuli ay ang pagiging mabait sa lahat, ngunit
marami pang iba."

Repleksiyon:
Ang pagiging negosyante ay isang mahabang paglalakbay. Kung gusto mo na
umunlad bilang isang negosyante ay kailangan mong lumaban at magtiyaga,
dahil maraming dadaanang pagsubok bago manalo. Ang supply ay naaapektuhan
ng iba't-ibang salik, ngunit ang pangunahing saluk ba nakakaapekto dito ay ang
presyo, dahil kapag masmataas ang presyo ng bilihin, ay paniguradong
dadamihan rin ng mga tindero at tindera ang kanilang produkto na handang
ipagbili.

You might also like