ESPMILLET

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

PAARALAN Grace Mission BAITANG/ Baitang 7

College ANTAS

GURO: Bb. Millet M. Castillo DISIPLINA: Edukasyon sa


Pagpapakatao
PANG-ARAW-ARAW
NA BANGHAY-ARALIN ORAS/PETSA NG MARKAHAN: Ikatlo na
SA EDUKASYON SA PAGTUTURO markahan
PAGPAPAKATAO
LAYUNIN:
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kanyang mga pangarap at mithiin.
Pangnilalaman
B. Pamatayan sa Naisasagawa ng mag-aaral ang paglalapat ng mga pansariling plano sa pagtupad ng
Pagganap kaniyang mga pangarap.
C. Mga Kasanayan Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
sa Pagkatuto a) Makikilala na ang mga pangarap ang batayan ng mga pagpupunyagi tungo
sa makabuluhan at maligayang buhay; (EsP7PB-IVa-13.1)
b) Makapagtatakda ng malinaw at makatotohanang mithiin upang
magkaroon ng tamang direksyon sa buhay at matupad ang mga pangarap;
(EsP7PB-IVa-13.2)
c) Makapagsasagawa ng isang pagtatanghal tungkol sa pangarap at mithiin.
II. NILALAMAN:
a. Paksa Ang Pangarap at Mithiin

III. KAGAMITANG PANTURO

a. Sanggunian
1. Mga pahina ng
Gabay ng Guro
2. Mga pahina ng
Kagamitang
Pang-mag-aaral
3. Mga Pahina sa Pahina 39-51
Teksbuk

4. Karagdagang
Kagamitan mula
sa portal ng
Learning
Resources (LR)
b. Iba pang Kagamitang biswal, ICT Materials
Kagamitang
Panturo

IV. PAMAMARAAN:

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG- AARAL


A..Balik – aral sa A. Panimulang Gawain
nakaraang aralin o 1. Panalangin
pagsisimula ng Magsitayo ang lahat, ______ maaari
bagong aralin mo bang pangunahan ang ating
panalangin?
Ama maraming salamat po sa
panibagong araw na ipinagkaloob
mo sa amin. Dalangin ko po na
gabayan mo kami at ang aming mga
magulang sa araw na ito. Maraming
salamat po sa lahat ng mga
biyayang dumadating sa buhay
namin. Ama patawarin mo po kami
sa mga pagakakasalang nagagawa
namin hayag man po ito o patago.
Nawa po ay ang inyong presensya
ang maghari ngayong umagang ito.
Ang lahat ng dalangin kong ito ay
iniaalay ko sa matamis mong
pangalan, Hesus Amen.
2. Pagbati
Isang mapagpalayang hapon sa
inyong lahat.
Magandang hapon rin po.
Ako si Millet Castillo ang
magiging guro ninyo sa araw na
ito.

3. Pagsasaayos ng silid-aralan
Bago kayo magsiupo maaari bang
pakiayos ng linya ng inyong mga
upuan at pakipulot na rin ng kalat
sa inyong paligid?
(Aayusin ng mga mag-aaral ang
linya ng upuan at pupulutin ang
mga kalat sa kanilang paligid.)
4. Pagtatala ng Liban
Kung tapos na ay maaari na
kayong umupo. May liban ba sa
araw na ito? Binibini wala pong liban ngayong
umaga.

Mabuti naman kung ganoon.

5.Balik-aral
Bago tayo tumungo sa ating sunod
na aralin, balikan muna natin ang
huling paksang inyong tinalakay.
Tungkol saan ito?
Mga panlabas na salik na
nakaiimpluwensiya sa paghubog ng
mga pagpapahalaga

Tama. Ngayon naman ano ang mga


panlabas na salik na
nakaiimpluwensiya sa paghubog ng
mga pagpapahalaga? (1) Pamilya at paraan ng pag-
aaruga sa anak
(2) Guro at tgapagturo ng relihiyon
(3) Mga kapwa Kabataan
(4) Pamana ng kultura at
impluwensiya ng kapaligiran o
Lipunan
(5) Katayuang panlipunan
pangkabuhayan
(6) Media

B. Paghahabi sa Mahusay! Ngayon naman ay may


Layunin ng Aralin ipaparinig akong awit na
pinamagatang “Mangarap ka!” ng
After Image band. Kailangan
ninyong basahin at unawain ang
liriko ng awit. Sagutin ang mga
inihanda kong tanong pagkatapos
ng gawain.

“Mangarap Ka” ng After Image

Simulan mo sa pangarap ang iyong


minimithi
At ito'y iyong damhin
Itanim mo sa iyong puso at ito ay
lalaki
Ikaw rin ang aani

Refrain
Hayaan mong lumipad ang isip
Sa lawak ng langit
Bitui'y umaawit
At ito'y nagsasabing

Chorus
Mangarap ka
Mangarap ka
Dinggin ang tawag ng iyong loob
Umahon ka
Umahon ka
Mula sa putik ng iyong mundo

Simulan mo sa pangarap ang iyong


minimithi
At ito'y iyong dalhin

Refrain
Chorus

Bawat panaginip na taglay ng iyong


isip
Palayain mo at ilipad tungong langit
Ang iyong tinig ay aawit

Refrain
Chorus

Mga gabay na tanong:


1) Nasiyahan ka ba sa himig at
liriko ng awit? Ipaliwanag and
sagot. Opo., sapagkat ang himig at liriko
nito ay nagbibigay ng inspirasyon at
pag-asa.
2) Ayon sa awit, bakit kailangang
mangarap? Ipaliwanag.
Kailangan mong mangarap upang
maabot ang iyong mga pangarap at
layunin sa buhay.
Magaling. Ngayon naman, para sa
aking huling katanungan
3) Iugnay ang mensahe ng awit sa
tunguhin at mithiin ng isip at
damdamin. Batay dito, ano ang
konklusyong mabubuo mo
tungkol sa pangarap?
Ang pangarap ay mahalaga upang
magtagumpay at magkaroon ng
kasiyahan sa buhay.
Mahusay! Bago tayo tumungo sa
susunod nating gawain, maaari
bang magbahagi ang bawat isa ng
kani-kanilang mga pangarap?
Unahin natin kay ________. (At nagsimulang magbahagi ang
bawat isa)
Ngayon naman, bago tayo
magpatuloy sa ating talakayan sa
hapong ito ay narito ang mga
layuning dapat ninyong makamit sa
pagtatapos ng ating aralin dito sa
Klasrum Karnabal. Maaari bang
basahin ng saba-sabay.
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga
mag-aaral ay inaasahang:
a) Makikilala na ang mga
pangarap ang batayan ng mga
pagpupunyagi tungo sa
makabuluhan at maligayang buhay;
(EsP7PB-IVa-13.1)
b) Makapagtatakda ng malinaw at
makatotohanang mithiin upang
magkaroon ng tamang direksyon sa
buhay at matupad ang mga
pangarap; (EsP7PB-IVa-13.2)
c) Makapagsasagawa ng isang
pagtatanghal tungkol sa pangarap at
mithiin.

C. Pag – uugnay ng Ngayon naman ay dadako tayo sa


mga halimbawa sunod na gawain kung saan
sa aralin babasahin natin ang kwento
tungkol kay Thomas Alva Edison
at sa kanyang mga naging
imbensiyon. Bago ang lahat, kilala
niyo ba si Thomas Alva Edison?
Opo, binibini.
Kung ganoon, basahin natin ang
kaniyang kwento para mas
makilala pa natin siya. _________
maaari mo bang basahin ng
malakas ang kwento?
Umuwi si Tom sa kanyang bahay
na may dalang sulat mula sa mga
opisyal ng paaralan. Si Tom ay may
pagkabingi bunga ng isang
karamdaman. Inaakala ng mga
opisyal ng kanyang paaralan na
mahina ang ulo niya at wala siyang
kakayahang matuto. Nang mabasa
ng kanyang ina ang sulat ay
nagpasya itong siya na lamang ang
magturo sa anak. Dati itong guro at
may mahusay na silid-aklatan sa
kanilang bahay. Nang mamatay si
Tom noong 1931, ipinakita ng
Amerika ang kanilang
pagdadalamhati sa pamamagitan ng
pagpatay ng ilaw sa kanilang mga
bahay sa loob ng isang minuto. Ito
ay simbulo ng kanilang na
pagbibigay-halaga kay Thomas
Alva Edison - ang imbentor ng
bumbilya (lightbulb), motion
picture, at phonograph. Sa kanyang
buhay siya’y nakapagpa-patent ng
1,093 imbensyon sa Amerika.
Mahusay din siyang magsulat ng
mga katagang nakapagbibigay-
inspirasyon.
Maraming salamat sa pagbabasa
_______. Sa tingin ninyo, ano ang
naging papel ng nanay ni Tom sa
kaniyang naging tagumpay?
Ipaliwanag.
Para sa akin, hindi maaabot ni Tom
ang pangarap niya kung sinukuan
siya ng kaniyang ina.
Magaling. Ngayon naman ay
hahatiin ko kayo sa dalawang
grupo. Kailangan ninyong gumawa
ng tula o kanta na naglalarawan ng
inyong mga pangarap at mithiin.
Bibigyan ko kayo ng tatlong
minuto para tapusin ang gawain.
(Nagsimula ng gumawa ang mga
mag-aral matapos ipangkat)
Tapos na ang ibinigay kong oras.
Ngayon ay tunghayan natin ang
presentsyon ng bawat pangkat.
(nagsimulang ipresenta ng bawat
pangkat ang kanilang ginawa)
Maraming salamat sa parehong
pangkat. Dahil diyan ang _______
pangkat ay nakakuha ng 30 puntos
samantalang ang ________ naman
ay nakakuha ng 25 puntos.
D. Pagtalakay ng Ngayon naman, Ano ng aba ang
bagong konsepto pangarap?
at paglalahad ng Ang pangarap ay ninanais o
bagong kasanayan minimithing tagumpay o layunin na
nais makamit sa buhay.
Tama. Sabi nga ni Helen Keller,
isang bulag at bingi na
nagtagumpay sa buhay, “Mas
malala pa sa pagiging isang bulag
ang may paningin ngunit walang
tinatanaw na kinabukasan.’ Sa
pangarap nagsisimula lahat.

Sinasabing ang mga taong may


pangarap ay;
1) Handang kumilos upang
maabot ito.
2) Nadarama ang higit na
pagnanasa tungo sa pangarap
3) Nadarama ang
pangangailangan makuha ang
pangarap
4) Naniniwala na magiging totoo
ang mga pangarap at kaya
nyang gawing totoo ang mga
ito.
Sumasang-ayon ba kayo sa mga
sumusunod? Opo, binibini sapagkat kailangan
nating paghirapan upang makamit
natin ang ating pangarap.

Tama, mahalaga na may


pinapangarap ka, hindi ba? Opo, binibini.

Kung kayo ay sumasang ayon,


dumako tayo sa ating susunod na
aktibidad. “Hulaan mo?”
Ang kailangan niyo lamang gawin
ay hulaan kung alin ba ang
kahulugan ng mga sumusunod.

1. Nagbibigay ng Layunin: Binibigyan tayo ng direksyon at


focus sa ating mga gawain.

2. Nagmumula ng Inspirasyon: Nakakapagbigay inspirasyon upang


mapagtagumpayan ang mga hamon
sa buhay.

3. Nagbibigay Motibasyon: Aalamin natin ang ating mga


kakayahan at magtatrabaho ng
masigla para sa mga pangarap natin.

Nagbubuklod ito ng mga tao sa


4. Tagapagbuklod: iisang adhikain, tulad ng pamilya at
komunidad.

5. Pag-unlad: Nagtutulak ito sa atin na


magpatuloy sa pag-unlad at pag-
aangat sa sarili at sa lipunan.

6. Pakiramdam ng Tagumpay: Nagdudulot ng kasiyahan at


tagumpay kapag naabot ang mga
pangarap.

Ang pangarap ay nagbibigay ng


7. Balang Araw na Pag-asa: pangako para sa mas magandang
hinaharap.
4. Pagtalakay ng Ngayon naman ay ating talakayin
bagong konsepto ang pangarap at pagtatakda ng
paglalahad ng mithiin. Ang goal o mithiin ay
bagong tunguhin na iyong nais marating sa
kasanayan # 2 hinaharap. Ito ang nagbibigay
direksyon sa iyong buhay.

Bakit kailangan natin magkaroon ng


goal o mithiin? Nagbibigay direksyon, inspirasyon,
at layunin sa ating buhay.
Tama, kailangan natin ito upang
malaman kung may tinutungo ba
ang ating mga ginagawa o wala.

Mayroon tayong dalawang uri ng


mithiin. Ang una ay ang;
Ang pangmadaliang mithiin
(short-term goal) ay maaaring
makamit sa loob ng isang araw,
isang linggo, o ilang buwan.
Magbigay ng halimbawa ng
Pangmadaliang mithiin.
Kailangan kong tapusin ang modyul
ko ngayong linggo dahil ipapasa na
ito sa lunes.
Mahusay! At ang isa pang uri ng
mithiin ay ang Ang
pangmatagalang mithiin(long-term
goal) ay maaaring makamit sa loob
ng isang semester, isang taon,
limang taon o sampung taon.
Magbigay ng halimbawa nito.
Pagkaraan ng sampung taon, ako ay
ganap ng isang guro.
Magaling! Ating alamin ang mga
hakbang sa pagtatakda ng mithiin.
Pagsunod-sunudin ang mga
hakbang sa pagtatakda ng mithiin.

____Isulat ang takdang panahon ng


pagtupad ng iyong mithiin.
____Isulat ang mga maaaring solusyon sa
mga balakid o hadlang na natukoy.
____Isulat ang mga inaasahang kabutihang
maidudulot mula sa itinakdang mithiin at
sa paggawa ng plano para ito.
____Isulat ang iyong itinakdang mithiin.
____Tukuyin ang mga maaaring balakid o
hadlang sa pagtupad ng iyong mga mithiin.
Susi sa Pagwawasto
1. 2
2. 5
3. 3
4. 1
5. 4

Nauunawaan ba kung paano


magtakda ng mithiin?
Opo, binibini.
5. Paglinang sa
kabihasaan
(Tungo sa
Formative
Assessment)
Sa pagkakataong ito ay
magkakaroon tayo ng isang
munting palabas sa loob ng
klasrum at nais ko na kayo ang
magtanghal nito.
Bubuo kayo ng senaryo kung saan
ipapakita ninyo kung paano niyo
malalampasan ang hamon na
ibibigay ko naman sa inyo.
Paano niyo makakamit ang inyong
pangarap kung walang naniniwala
o sumusuporta sa inyo?

Napakagali Magaling( Di-gaanong


ng (10) 5) magaling
(3)
Pag-arte Talagang May isang May ilang
ng mga naibigay ng tauhan na tauhan na
tauhan husto ang hindi hindi
angkop ng gaanong gaanong
damdamin naibigay nagampana
sa mga ang tamang n ang
papel na damdamin. tamang
ginampanan pag-arte.
.
Kasuotan Angkop na May isang May ilang
angkop ang tauhan na tauhan na
mga hindi hindi
kasuotan sa angkop ang angkop ang (gagawa ang mga mag-aaral)
kanilang kasuotan sa mga
ginampanan papel na kasuotan.
. ginampana
n.
Kabuuan Talagang Maganda Hindi
ng napakagand ang gaanong (magtatanghal ang unang pangkat)
pagtatang a ng ginawang maganda
hal. ginawang pagtatangh ang
pagtatangha al. ginawang
l. pagtatangha (magtatanghal ang ikalawang
l.
Kabuuan pangkat)
g Puntos
(30)

Maaari na kayong magsimula. Mayroon


kayong 5 minuto para maghanda.

Tapos na ang oras na ibinigay ko sa


inyo ngayon ay tunghayan natin Klap.Klap.Klap.Klap
ang unang pangkat sa kanilang
presentasyon.

Salamat. Ngayon naman ay ang


ikalawang pangkat.

Ang unang pangkat ay nakakakuha


ng 20 puntos samantalang ang
ikalawang pangkat naman ay
nakakakuha ng 15 puntos.
Palakpakan ninyo ang inyong mga
sarili.
6. Paglalapat ng Bilang paglalapat ng aralin.
Aralin sa Pang- Gumuhit ng “dream ladder”. Dito
araw – araw na isusulat ang iyong mga hakbangin
buhay sa pagtupad ng iyong pangarap.
H. Paglalahat ng Bilang paglalahat. Sagutin ang
Aralin sumusunod mga tanong. Isulat sa
kuwaderno ang iyong sagot.
1. Tukuyin ang mga katangian ng
isang taong may pangarap.
Ipaliwanag.
2. Ano ang kaibahan ng pangarap
sa mithiin? Ipaliwanag.
3. Paano nakatutulong ang
pagtatakda ng mithiin sa
pagkakamit nito? Ipaliwanag.
4. Bakit mahalaga ang mga
pamantayan sa pagtatakda ng
mithiin? Ipaliwanag.
5. Bakit mahalaga ang pagtatakda
ng mga pangmadalian at
pangmatagalang mithiin?
I. Pagtataya ng aralin Ngayon ay magkakaroon kayo ng isang
maikling pagtataya.

Panuto: Pagsunod-sunurin ang


mga hakbang sa pagtatakda ng
mithiin.
____Isulat ang takdang panahon ng
pagtupad ng iyong mithiin.
____Isulat ang mga maaaring solusyon sa
mga balakid o hadlang na natukoy.
____Isulat ang mga inaasahang kabutihang
maidudulot mula sa itinakdang mithiin at
sa paggawa ng plano para ito.
____Isulat ang iyong itinakdang mithiin.
____Tukuyin ang mga maaaring balakid o
hadlang sa pagtupad ng iyong mga mithiin.
Susi sa Pagwawasto
1. 2
2. 5
3. 3
4. 1
5. 4

J. Karagdagang Takdang Aralin


Gawain at Takdang- Para sa inyong takdang aralin, Sa iyong
Aralin kwaderno, sumulat ng iyong pansariling
mithiin para sa:
1.Pamilya
2.Paaralan
3.Pakikipagkaibigan
4.Pamayanan
5.Buhay-ispiritwal

Dahil diyan handa na bang lumabas ang


lahat sa Klasrum?
Opo, binibini.
Kung ganoon, muli masaya ako dahil
nakiisa kayo sa pagbubukas ng Klasrum.
Batid kong hindi lamang kayo nasiyahan
kundi pati mayroong natutunan. Paalam sa
inyo at Maraming Salamat.
V. MUNGKAHI
VI. REPLEKSYON: Magnilay sa iyong mga istratehiyang panturo.Tayain ang paghubog ng iyong mga
mag-aaral sa bawat lingggo.Paano mo naisakatuparan .Ano pang tulong ang maaari mong gawin upang sila’y
matulunga ? Tukuyin ang maaari mong itanong/ilahad sa iyong supebisor sa anumang tulong na maaari
nilang ibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng Mag-aaral na
nakakuha ng 80% resulta ng
pagtataya
B. Bilang ng Mag-aaral na
nangangailangan ng
paggabay ng guro (bawat
pangkat)
C. Nakatutulong ba ang
remedyasyo sa pagkatuto ng
mag-aaral?
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa
remedyasyon
E. Alin sa aking mga
estratehiya ang epektibong
gamitin? Bakit nasabing ito
ay epektibo?
F. Anong mga kahinaan ang
aking naranasan?
G. Anong inobasyon o local na
kagamitan sa pagtuturo ang
iyong ginamit o tinuklas na
maaari mong ibahagi sa iba
ang guro?

Inihanda ni:

MILLET M. CASTILLO
Gurong Nagsasanay

Iniwasto ni: Mga Komento at Mungkahi

RICA MHIA GUPIT


Gurong Tagapagsanay

Sinuri ni:

MARIA ANGELICA DENIA


Academic Coordinator – Basic Education

You might also like