Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Bawat tao may iba't ibang uri ng kinalakihang wika tulad nalang ng wikang

filipino,cebuano,ilonggo,chavacano,bisaya,cebuano at marami pang iba.Ang wika natin na ginagamit ay


tumutulad sa ating mga ninuno dahil dito madali at maayos nating nagagamit ang sarili nating wika at
kapag iba ang ating ginamit na wika mahihirapan tayo at hindi natin maiipaliwanag at maiibahagi ang
nais nating ipahatid.

Nagkaroon kami ng isang pangkatang gawain na kung saan kakapanayamin namin ang isang
propesyonal na tao na bihasang ginagamit ang kanyang sariling wika.At isang araw nakahanap kami ng
isang tao na naninirahan sa Maluanluan Pola, Oriental Mindoro at kasalukuyang pinsan ng aming kaklase
at may iba siyang wika na ginagamit na kung saan Bisaya ang kanyang wikang kinagisnan at kaya nya rin
magsalita ng ibang wika.Natuto rin siyang magsalita ng wikang pambansa. Siya ay si Jessica Acabo Cauba
siya ay 24 years old ipinanganak noong Enero 29,1995 at lumaki sa Liloy Zamboanga Del Norte ang
magulang nya ay si Ginoong Diosdado Cauba na isang security guard at Ginang Cherry Anne Cauba na
isang house keeper.Sa El Paraiso Elementary School siya nakapagtapos ng elementarya samantalang sa
Domingo Yu Chu National Hig School sya pumasok ng high school at sa Polythechnic University of the
Philippines(Bansud Campus) naman siya nag aral at nagtapos ng kolehiyo.

Napadpad siya dito sa Mindoro dahil dito nya ipinagpatuloy ang kanyang pag aaral at kasalukuyang
walong taon na syang ninirahan sa Mindoro.

Gumawa kami ng mga katanungan na kung saan nakapaloob dito ang tungkol sa kanyang
kinalakihang wika.Ang halimbawa nalang ng katanungan ay kung paano niya natutunan ang kanyang
wikang ginagamit at ayon sa kanya “natutunan ko ang ganitong wika dahil sa mga taong nasa paligid ko
at dahil ito ang kinalakihan kong wika" at usa pa dito tinanong din namin kung ano ang lamang ng wika
nya sa ibang wika at ang sabi nya ay “ang kalamangan ko sa iba ay yung may kakayahn akong makipag
usap higit sa isang wika. Sa pamamagitan din nito pwede kong malaman ang kanilang kultura" at ang
pinakahuling tinanong namin ay bakit mahalagang may wikang pambansa tayong sinusunod at ang sagot
nya ay “mahalagang may wikang pambansa tayong sinusunod upang magkaintindihan ang mga tao at
pag ugnayin ang bawat mamamayan sa isang bansa n siyang magbibigay tulay sa pag unlad nito sa ibat
ibang aspeto".

Dahil sa pagkakaroon namin ng panayam mas lalo namin naunawan kung gaano ba talaga kahalaga
ang wika at kung gaano kahirap kung ang kausap mo ay iba ang wika na ginagmit.Kaya ang wika ay dapat
ingatan,pagyabungin at higit sa lahat ipagmalaki mo kung anong meron ka.Kaya “THINK BEFORE YOU
CLICK"

-CHARLES GAMILLA

You might also like