Jessie Sanaysay

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

"Sanaysay"

Setyembre 15 2019 nakapanayam namin si Miss.Jessica Acabo Cauba na nakatira sa


Maluanluan,Pola,Oriental Mindoro isang Guro.Ipinanganak siya noong January 29 1995 at nagtapos siya
sa ng Elementarya sa El Paraiso Elementary school . At nakapagtapos siya ng high school sa Domingo Yu
chu National high school.Natupad niya ang kanyang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo sa
Polythecnic University of the Philippines(Bansud Campus).Bukod sa wikang Tagalog alam niya rin ang
mga wikang bisaya,chavacano,Ilocano,Cebuano at iba pa.Ayon sa kanyang sanaysay natutunan niya ang
mga wikang into dahil sa mga taong nasa paligid niya at dahil na rin sa kanyang kinalakihang wika.At
ayon sa kanyang palagay nakatutulong and alam niyang wika dahil naging madali para sa kanya ang
makipagusap sa mga taong magkaiba ang wikang ginagamit.Napakahirap para sa kanya ang
makisalamuha sa ibang Tao dahil sa bagong dating palang siya sa mindoro .Hindi niya alam na
pinagtatawanan na pala siya ng dahil iba ang kanyang salita lalo na sa letrang "e" na nabibigkas niya ng
matigas.Para sa kanya malaki ang kalamangan niya sa iba dahil may kakayahan siyang makipag-usap ng
higit sa isang wika.Sa pamamagitan into pwede niyang malaman ang kultura ng ibang wika.Pero naging
hadlang pa rin ito sa kanyang wikang ginagamit dahil mayroon pa rin siyang Hindi maintindihang salita o
wika na kung ito ay malalim , kahit siya at 8 taon na dito sa Mindoro.Meron din siyang Alam na na isang
awit tulad ng awit na "Balay ni Mayang".At ng aming tanungin kung bakit nagkaroon ng ibat ibang wika
ang isang bansa.Siguro dahil daw ito sa mga nanakop na mga dayuhan tulad ng Amerikano,espanyol at
hapones.Dahil sa kanilang wikang dala,ito ay ating hiniram at pawang inangkin.Ang kahalagahan ng wika
para sa kanya,ito ay sumasalamin sa kultura ng isang bansa,into saw ay ginagamit sa pakikipagtalastasan
at instrumento upang maipahayag ang damdamin ng tao .Magalaga para sa kanya ang magkaroon ng
wikang pambansa upang makaintindihan ang mga Tao at upang pagugnay ugnayin ang bawat
mamamayan sa isang bansa na siyang nagbibigay tulay sa pag unlad nito sa ibat ibang aspeto.Yan ang
among nakuhang impormasyon Kay Miss.Jessica Acabo Cuaba.

You might also like