Gabay Sa 3rd Eye Meditation v2.3

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

Gabay sa Third Eye Meditation

Sa guide na ito:

Ano ang 3rd Eye?


2
Bakit Importante ang 3rd Eye?
2
Masama ba ang 3rd Eye?
3
Mayroon ba Akong 3rd Eye?
3
Paano ko malaman kung bukas na 3rd eye ko?
3
Ano ang 3rd Eye Meditation?
4
Safe ba ang 3rd Eye Meditation?
5
Paano ko malamang totoo ang makita ko?
5
Para saan ang Perlas ng Kapangyarihan?
7
Ano ang Gamit ng Bukas na 3rd Eye?
8
Ano ang benepisyo ng 3rd Eye Meditation?
8
Paano Gawin ang 3rd Eye Meditation?
9
Paano ako magpalabas ng perlas ng kapangyarihan?
9
Pwede ba gawin ng hindi sumabay sa 3rd eye meditation na live o
replay?
11

Page 1 of 17 ericroxas.com
Paano Maghanda sa 3rd Eye Meditation?
11
Ano ang dapat isipin sa 3rd Eye Meditation?
13
Ano ang maaaring makita sa 3rd Eye Meditation?
14
Gaano katagal bago gumaling ako sa 3rd eye meditation?
15
Ano pa magagawa ko para gumaling sa 3rd eye?
15
Huling salita sa meditation
17

———

Ano ang 3rd Eye?


Ang 3rd Eye ay ang tinatawag na ikatlong mata na bahagi ng ating katawan
na kung saan gumana ang ating spiritual na pananaw. Ito ang natural at
binigay ng Diyos na pamamaraan para makakita tayo sa spiritual na
katotohanan.

Bakit Importante ang 3rd Eye?


Ang 3rd Eye ay napakaimportante dahil Ito ay ang koneksyon natin sa
katotohanang spiritual. Hindi tayo makakaalam sa spiritwal na realidad kung
wala tayong 3rd Eye. Mas importante na makaranas tayo ng direkta sa
spiritual na katotohanan kesa magbasa lang tayo sa mga libro.

Ang mga taong nagbabasa ng Bible at ibang spiritual na libro at hindi


nagmemeditate ay nagtingin lang sa karanasan ng iba pero wala silang
sariling karanasan. Kumbaga, parang nagbasa sila ng mga libro ng taong
nagbabahagi ng karanasan nila sa paglasa ng cake pero hindi pa sila mismo
nakalasa ng cake.

Ang pagbukas ng sarili nating spiritual pananaw o 3rd eye ay ang paraan
para tayo mismo ang makalasa at makaranas ng direkta sa katotohanang
spiritual. Hindi na tayo aasa lang sa ano ang sinasabi ng ibang tao tungkol sa
karanasan nila.

Page 2 of 17 ericroxas.com
Masama ba ang 3rd Eye?
Hindi. Ang 3rd eye ay ang natural na binigay sa atin ng Panginoon bilang
pamamaraan para makakonekta tayo sa direktang spiritual na
katotohanan.

May mga nagsasabing ang 3rd eye ay galing sa demonyo, nagpapapasok


tayo ng masasamang spirito, si Satanas ang may pakana ng pagbukas ng
3rd eye para masapian ang mga tao at kung anupamang kwento.

Hindi lang alam ng mga tao ang sinasabi nila. Maraming maling akala ang tao
sa 3rd eye kasi hindi naman napag-usapan ng maayos ang paksang ito.
Karamihan naman sa mga relihiyon ay hindi nagturo ng malinaw tungkol sa
ano ba ang pamamaraan ng pagbukas ng spiritual na pananaw.

Kung tutuusin, ang lahat ng mga kinikilala na taong propeta ay nakaranas sa


kanilang nakakabighani at kababalaghang karanasan dahil nga ay bukas ang
kanilang mga 3rd eye. Mabuti nga ang mabuksan ang 3rd eye kasi direktang
makakaranas na ng spiritual na katotohanan ang tao at hindi na lang sila aasa
sa karanasan ng iba. Sila na mismo ang makakaranas sa katotohanan at
hindi na maloloko ng taong nagsasabing sila lang ang nakakaalam sa
katotohanan.

Mayroon pa akong kakaibang tinuturo sa FREE 3rd Eye Meditation ko na


pamamaraan para siguraduhing totoo ang nakikita natin sa meditation.
Mababasa mo ito mamaya.

Mayroon ba Akong 3rd Eye?


Oo. Lahat ng tao ay may 3rd Eye. Hindi totoo ang sinasabi ng mga tao na
wala silang 3rd Eye. Ibig sabihin lang na hindi pa masyado bukas ang 3rd Eye
nila o kulang sila sa enerhiya kaya hindi nila matandaan ang mga karanasan
nila kaugnay sa 3rd eye. Kung wala talagang 3rd eye ang tao, magiging bobo
sila kasi ang memory natin ay nakaugnay sa 3rd eye. Tapos hindi lang 3rd eye
ang pandama. Lahat ng pandamang materyal natin ay may kaugnay na
pandamang spiritual. Ibig sabihin nito ay makaranas tayo ng mga spiritual na
bagay na lampas sa ordinaryong materyal na karanasan.

Paano ko malaman kung bukas na 3rd eye ko?


May iba ibang sign na makikita natin sa buhay natin na prowebang bukas ang
3rd eye natin:

• Natatandaan natin ang mga panaginip

Page 3 of 17 ericroxas.com
• Mayroon tayong mga lucid dream o sobrang linaw na panaginip
• Makakita tayo sa 3rd eye meditation
• Makakita tayo ng mga pangitain
• Makasalita tayo ng mga wikang hindi natin maunawaan
• Malaman natin ang inisip ng tao tungkol sa atin
• Malaman ang hinaharap bago mangyari
• Makakita tayo sa mga kaluluwa, engkanto at iba pang di nakikita sa
ordinaryo
• Makakita tayo ng mga aura ng tao
• Maramdaman natin ang maramdaman ng iba
• Makarinig tayo ng mga boses na wala namang tao
• Makaamoy tayo sa mga di materyal na amoy
• Makalasa tayo sa bagay na wala naman talaga sa doon

Ano ang 3rd Eye Meditation?


Ang third eye meditation ay ang proseso para bumukas at gumana ang
spiritual na pananaw natin.

May mga tao na nag-iisip na ang 3rd eye ay dali-daling pwedeng buksan na
parang switch sa ilaw o takip na kailangan lang tanggalin. Hindi ito totoo.
Kung biglaan ang pagbukas ng 3rd eye, maaari itong makadulot ng sakit na
malubha, pagkasira ng ulo o kamatayan.

Gamit ang 3rd Eye Meditation na turo ko, dahan-dahang nabubuksan ang
kakayahan ng taong nagmemeditate para makakita na siya ng malinaw sa
3rd eye niya. Sa totoo lang, ang tinuturo ko ay hindi lang para sa 3rd eye na
meditation kundi para na rin mabuksan ang iba ibang pandamang spiritual ng
magmeditate.

Tinawag ko lang na 3rd eye ang meditation na turo ko kasi yan ang
madalas alam ng mga tao tungkol sa spiritual.

Pero kasama na rin dito ang paghasa sa lahat ng mga pandamang spiritual:
• pandinig
• pandama
• pang-amoy
• panglasa
• paningin
• kutob

Sa 3rd eye meditation na turo ko, kaya mong matuklasan ang lahat ng
spiritual na katotohanan ng direkta. Ito ay lalo na kung magsikap ka pa sa
Misyon na tinuturo ko sa mga tao: www.ericroxas.com/misyon

Page 4 of 17 ericroxas.com
Safe ba ang 3rd Eye Meditation?
Oo, basta marunong ang taong naggabay.

Ang mga tao na hindi naman marunong talaga magbukas ng 3rd eye at
nagsubok lang basta-basta ay maaaring madisgrasya at makadisgrasya.
Hindi ibig sabihin na kung nakakuha ng orasyon para sa 3rd eye tapos
magsubok sa meditation ay ok na. Ang ilang tao na nagmamadali magbukas
ng kanilang mga 3rd eye ay maaaring magkasakit, masiraan ng ulo o
mamatay.

Sa totoo lang, marami akong panganib na nadaanan sa pagbukas ng 3rd eye


ko ng kusa noong bata pa ako na walang naggabay sa akin. 16 years akong
naghanap sa katotohanan para lang magabayan ng sakto sa ano talaga ang
maayos na pamamaraan sa paggamit ng 3rd eye. Halos nabaliw na ako sa
paghanap ko. Sa awa ng Diyos, nahanap ko ang pamamaraan - ito ang
binabahagi ko sa mga tao ngayon sa FREE 3rd Eye Meditation.

Kaya nga po ako narito para maggabay - para safety ang tao.

Dahan-dahan nating gagawin ang pagbukas sa 3rd Eye sa ligtas na proseso


na binigay ng Panginoon sa akin para ibahagi sa lahat ng tao.

Para makaabot ako sa ganitong klaseng estado, dumaan ako sa maraming


pagsubok. Nagsikap ako at nagtagumpay sa pagmisyon papunta sa
Panginoon at naabot ko ang kapangyarihang magbukas ng mga 3rd Eye sa
ligtas na paraan gamit ang meditation na tinuturo ko ngayon at paano
magpalabas ng perlas ng kapangyarihan mula sa kabilang mundo.

Paano ko malamang totoo ang makita ko?


May iba’t ibang mga guro sa spiritual na nagtuturo din ng pagbukas ng 3rd
eye.

Ang tanong ay:

Paano natin malalaman na hindi lang kathang-isip o imagination natin


ang mga nakikita sa isipan natin?

Magandang tanong.

Kung magsaliksik ka ng mabuti sa iba’t ibang spiritual na karanasan ng mga


tao, pwede kang maguluhan kasi iba iba ang mga sinasabi ng bawat isa na
pwedeng taliwas at magsalungat sa sinasabi ng iba.

Page 5 of 17 ericroxas.com
Kung meditation lang talaga basehan natin, wala tayong proweba na
totoo talaga ang mga makita natin o hindi.

Ang ibig ko sabihin sa totoo ay may basehan sa realidad na common sa ating


lahat. Kung imahinasyon ang nasa isipan natin, walang basehan sa realidad
na common sa ating lahat. Kunsagayon, ano nga ba ang proweba na
matatanggap bilang patunay sa katotohanan ng mga nakikita natin sa
meditation?

Baka gusto nating sabihin na may mga kapangyarihan tayo manggamot ng


tao bilang albularyo. Pero hindi pa rin yun proweba na totoo ang mga nakikita
natin sa 3rd eye meditation kasi may mga manggagamot na bulag at may
mga manggagamot na iba iba ang sinasabi nilang nakikita nila kesa sa ibang
manggagamot.

Mapupunta na lang tayo sa paniniwala kunsagayon. Parang mamimili na lang


tayo sa kung sino ang paniniwalaan natin. Pero wala tayong basehan na
mapanghahawakan kung ganoon.

So ano na ang gagawin natin? Wala ba talaga tayong mapanghahawakan na


solid na katotohanan?

Dito na papasok ang kaibahan ng meditation ko.

Ang kakaiba sa 3rd Eye Meditation na tinuturo ko ay maaari kang


magpalabas ng Perlas ng Kapangyarihan mula sa kabilang mundo kung
sinsero ka sa pagsikap mo sa meditation.

Sa madaling salita, ang mga makita mo sa 3rd Eye Meditation mo ay


maaaring ipalabas mo sa totoong buhay dito sa pisikal na mundo.

Ang Perlas ng Kapangyarihan ang patunay natin na galing nga talaga


tayo sa kabilang mundo at nakabalik dito dahil mayroon tayong gamit na
mula doon sa kabilang mundo.

Katulad ng kung pumunta tayo sa isang lugar dito sa mundo ay maaari


tayong kumuha ng bato o souvenir mula sa lugar na yun para maging
proweba na galing talaga tayo doon sa lugar na yun. Pero ang kakaiba sa
Perlas ng Kapangyarihan ay lalabas ang perlas na parang magic dahil sa
FREE 3rd eye meditation na turo ko.

Oo, parang magic kasi pwedeng lilitaw na lang basta sa paligid mo na mula
sa liwanag na nabuo sa hangin.

Page 6 of 17 ericroxas.com
Ito ang mayroon ako sa 3rd Eye Meditation na turo ko na wala ang ibang
mga guro.

Ito ang binigay sa akin ng Panginoon na kakaibang kapangyarihan para


patunayan na totoo ang mga makikita sa tinuturo kong FREE 3rd Eye
Meditation.

Naituturo ko ang pagpalabas ng perlas ng kapangyarihan sa mga taong


nagtiwala at nagsunod sa akin para ito ang maging patunay na totoo ang
nakikita nila sa meditation.

Patunay ito para sa sarili nila una sa lahat at sa mga tao sa paligid nila -
na hindi sila nasa ilusyon o pantasya kundi totoo talaga ang nararanasan
nila sa FREE 3rd Eye Meditation na turo ko.

Marami na sa mga sakop ko ang nakapagpalabas ng Perlas ng


Kapangyarihan:

Para saan ang Perlas ng Kapangyarihan?


Bukod pa sa patunay na totoo ang mga nakikita mo sa FREE 3rd Eye
Meditation, maraming gamit ang perlas ng kapangyarihan depende sa
makuha mo:

Panggamot
Pampaswerte
Pagmamahal
Pampagwapo
Pampaganda
Blessing
Pangdepensa sa spiritual at pisikal
Pampatalino

Page 7 of 17 ericroxas.com
Pampaamo
Pampabuntis
At iba pa

Ang Perlas ng Kapangyarihan ay isang klase ng mahiwagang gamit. Pwede


niyo basahin ang Gabay sa Mahiwagang Gamit.

www.ericroxas.com/gabaygamit

Ano ang Gamit ng Bukas na 3rd Eye?

Kung makaabot ka na sa malakas na pag-activate sa 3rd Eye mo, maraming


benepisyo itong mahahatid sa buhay mo:

• Pwede ka makalakbay kahit saang mundo


• Makakita sa kaharian na pinanggalingan mo
• Malaman ang kinabukasan mo at ng ibang tao
• Matuklasan mo saan ka pupunta pagkatapos mamatay
• Makipag-usap ng direkta sa mga engkanto, anghel, Diyos at iba pa
• Matingnan ng direkta ang mga spiritual na katotohanan
• Makagawa ng remote viewing o pagtingin sa malayong lugar
• Magdiskubre sa sari-saring klaseng nilalang
• Maayos ang mga problemang dulot ng di pagkakaintindihan sa mga hindi
makita
• Malaman ang spiritual na ugat ng mga sakit
• Malaman ang mga sakit ng tao sa pagtingin pa lang sa kanila
• Makausap ang mga namatay niyong minamahal sa buhay
• Malaman ang katotohanan sa spiritual
• Maintindihan niyo ang mga kababalaghan sa buhay niyo
• Mawala na ang takot sa mga di niyo alam

Ano ang benepisyo ng 3rd Eye Meditation?


Marami nang tao na nakasubok sa 3rd Eye Meditation ko na nagbabalita ng
mga mabubuting epekto sa kanilang buhay dahil sa patuloy nilang paggawa
ng 3rd Eye Meditation at ang iba ko pang payo para sa banal na buhay:

• Bumabata at gumaganda ang hitsura


• Gumagaling ang mga sakit sa katawan
• Gumiginhawa ang tulog
• Mas nagiging mabuting tao
• Lumalakas ang kalooban
• Nawawala ang stress
• Nagiging mas kalmado sa buhay

Page 8 of 17 ericroxas.com
• Gumaganda ang pakiramdam
• Lumilinaw isipan
• Nakakaisip ng mas mabuti
• Nagagabayan sa buhay
• Nakakagawa ng mas mabuting desisyon

Paano Gawin ang 3rd Eye Meditation?


Ang mismong 3rd Eye Meditation ay simple lang. Nakaupo ka lang at
nakapikit ng 15 minutes para tumingin sa mga makita mo sa kabilang mundo.
Mag-follow ka sa public Facebook page ko para doon makita ang LIVE kada
Sabado ng 10 am, Philippine Time (GMT+8). Kung hindi mo maabutan ang
LIVE, sabayan mo lang ang replay sa sarili mong oras.

www.facebook.com/ericroxas.lcs

Pwede ka rin sumabay sa replay na nasa Youtube ko:

www.youtube.com/c/EricRoxas

Paano ako magpalabas ng perlas ng


kapangyarihan?
Gaya ng sabi ko sa inyo, pwedeng magpalabas ng perlas ng kapangyarihan
sa FREE 3rd eye meditation ko. Ganito yan.

• Pagkatapos ng mismong meditation, sabihin ko na hanapin mo ang perlas


ng kapangyarihan sa loob ng 30 minutes kasi matutunaw yan.

• Posible ding lumabas ang perlas ng kapangyarihan sa paligid kahit na


lampas na sa 30 minutes sa sunod na 3 araw pagkatapos ng meditation.
Magsubaybay ka lang sa paligid mo palagi at magpatuloy sa
pagmemeditate.

• Maaaring lumabas ito sa loob ng bahay o sa labas ng bahay.

• Kutuban mo kung nasaan lumabas.

• Pwede ring nakita mo sa meditation ang lugar saan lalabas ang mga perlas
ng kapangyarihan. Puntahan niyo ang lugar na yun at tingnan.

• Kadalasan, may lumalabas na mga perlas sa malalaking puno na malapit sa


inyo - lalo na ang mga balete tree - kasi mga lagusan ang mga yan.
Halukayin niyo ang mga dahon o lupa.

Page 9 of 17 ericroxas.com
• Minsan nasa ugat din ng mga halaman sa paligid o loob ng bahay.

• Minsan lumalabas ito sa aquarium.

• Minsan ay pwedeng lumabas lang sa harap mo o di kaya sa bulsa mo.

• May mga sign din katulad ng paghuni ng ibon, pagtunog ng trumpeta o


pagbagsak ng bomba kung saan banda nabuo ang perlas.

• Pwede ring dumapo ang mga alibangbang sa kung saan nabuo ang perlas.

• Sa una, pwedeng matamaan lang ng liwanag ang ordinaryong gamit sa


paligid mo. Mukhang bato lang sila pero magkakaroon ng liwanag dahil sa
meditation.

• Sa katagalan, pwedeng makabuo ka na talaga ng mahiwagang perlas na


wala naman talaga doon bago ka nagmeditate. Biglang lilitaw yan dahil
nabuo ang liwanag mula sa ibang mundo sa pamamagitan ng meditation.

• Sa unang beses na makapagpalabas ka ng perlas, maaaring hindi pa ito


kamukha sa makita mong perlas sa meditation.

• Sa katagalan, magiging kamukha na ng mga makita mo sa meditation kung


malakas ka na. Paganda na ng paganda ang mga makuha mong perlas.

Ito na ang perlas ng kapangyarihan na magiging patunay sa yo na totoo


talaga ang mga makita mo sa meditation dahil may proweba kang
maipapakita sa mundong ito.

Para siguraduhing may halaga ang makuha mo, pwede mo ito ipa-aura sa
akin sa FREE Basic Aura sa Gamit. Dito mo malalaman kung may halaga ang
perlas at kung anong halaga ito pwede ibenta.

www.ericroxas.com/basicgamit

Tapos kung gusto mo ng detalyadong pagbabasa sa gamit mo para malaman


ano ang perlas, saan ito galing, ang mga kapangyarihan nito, paano ito
alagaan (at may libreng orasyon para palakasin ang kapangyarihan nito),
pwede ka magbayad para mag-avail sa Premium Aura sa Gamit.

www.ericroxas.com/premiumgamit

Page 10 of 17 ericroxas.com
Pwede ba gawin ng hindi sumabay sa 3rd eye
meditation na live o replay?
Wag ka muna magmeditate na hindi sumasabay sa LIVE or REPLAY ko kung
wala ka pang Perlas ng Kapangyarihan kasi delikado kung subukan mo
pasukin ang matataas na lagusang binubuksan ko sa 3rd Eye Meditation.
Pwede ka magkasakit, masiraan ng ulo o mamatay. Sana sundin niyo ang
gabay ko.

Paano Maghanda sa 3rd Eye Meditation?


Droga / Alak:

• Iwasan ang lahat ng alkohol at drogang makapag-iba ng kalagayan ng


isipan (psychedelics lalo na) 3 araw o mahigit bago ang araw ng meditation.
Kung Linggo ang meditation, wag ka maggamit simula sa Huwebes.

Yosi:

• Kung nagsisigarilyo ka, maghilamos at magsipilyo bago ang meditation.

Pagkain:

• Siguraduhin niyong kumain nang mabuti bago magmeditate. Kailangan ng


pagkain sa tiyan kasi gagamitin yan bilang enerhiya sa paglakbay ng spirito.
Hindi ito katulad ng ibang meditation na kailangan magfasting.

Gamit:

• Tanggalin ang lahat ng alahas, pera, metal, cristal, sumpa at anting-anting


mula sa katawan.

• Ang itira mo lang sa katawan mo ay ang Perlas ng Kapangyarihan o mga


gamit na mula sa amin na makakatulong katulad ng 3rd Eye Bracelet,
Dreamcatcher Portal o Magic Meditation Mat.

• Tanggalin ang mga belt na may bakal.

• Mas maganda sana na walang nakabaon na mga gamit o bato sa balat.


Makakabigat ito sa inyo na maaaring makadulot ng kahirapan sa pagpasok
sa meditation.

Kasuotan:

Page 11 of 17 ericroxas.com
• Magsuot ng puting t-shirt at komportableng kasuotan para hindi kayo
madistract sa meditation.

• Mas maganda makasuot ka ng sutana kung mayroon ka - lalo na ang mula


sa amin na may blessing.

Ilaw:

• Nasa yo kung gusto mong nakabukas o nakapatay ang ilaw.

• Kung gusto mo madilim, pwede ka sa lugar na madilim.

• Wag ka magpiring / blindfold kasi mawawala spirito mo.

Tunog:

• Mas maganda ay katahimikan para makarinig ka sa mga tunog sa ibang


mundo.

• Kung maingay sa lugar mo, pwede ka pa rin makameditate kung magpokus


ka pero mas maganda ay tahimik.

Hangin:

• Mas maganda ay nasa lugar ka na may hangin. Mas maganda ay may


bukas na bintana kung nasa loob ka ng kwarto o bahay.

Pwesto:

• Upo ka sa solid na upuan sa komportableng paraan.

• Pwedeng may sandalan ang upuan.

• Pwede mo ilatag ang meditation mat na manipis para upuan (lalo na ang
magic meditation mat na benta namin na may power)

• Pwede rin magduyan kung gusto mo.

• Huwag sa malambot na cuchon kasi makakalimutan mo ang lakbay.

• Huwag humiga kapag magmeditate kasi pwede ka rin bangungutin.

Dasal:

• Magdasal ka sa Diyos na gabayan ka sa tamang daan at matandaan at


maintindihan mo ang mga karanasan mo.

Page 12 of 17 ericroxas.com
• Mas maganda ay nagdarasal ka na araw-gabi sa tinuro kong Gabay sa
Pagdasal. www.ericroxas.com/gabaydasal

Computer o Cellphone:

• Patayin mo ang computer screen o itago ang screen ng cellphone pero


lakasan mo ang sound para marinig mo ako na ginigising ka.

• Ang meditation ay tumatagal ng 15 minuto. Maghanda ka ng timer ng 15


minuto sakali mawala internet.

• Siguraduhin na i-silent ang ibang noti cations at tawag para hindi ka


maistorbo sa pagmeditate.

Paraan:

• Pumikit ka kapag sinabi ko na at pasukin ang kahit anong color ng lagusan,


huwag lang ang itim.

• Ang itim na lagusan ay ok naman pasukin pero medyo nakakatakot ang


mga makita doon. Safety pa rin pero baka matakot ka at di ka na umulit.

• Unahin mo ang mas magandang lugar sa ibang kulay - wag lang itim.

Pagkatapos ng meditation:

Magbahagi tayo sa mga karanasan natin sa isa't isa sa pagkwentuhan sa


comments ng REPLAY na nasa Facebook or Youtube. Pwede rin sa group
chat.

Ano ang dapat isipin sa 3rd Eye Meditation?


Pwede mong isipin ang intensyon na gusto mong makita. Sa pagdasal ko
bago magsimula ang 3rd eye meditation, nag-anyaya ako sa inyo na
magdasal ng kung anong gusto niyong intensyon para sa meditation.
Pwedeng yun ang pagpokusan mo.

Halimbawa, pinagdasal mo na gusto mong makausap ang namatay mong


minamahal sa buhay. Pokus ka sa pag-iisip na gusto mong makausap ang
namatay mong minamahal sa buhay. Kung ano ang intensyon mo na nais
magawa sa 3rd eye meditation, pag-isipan mo lang yun.

Page 13 of 17 ericroxas.com
fi
Isa pang pwede mong gawin ay ang pag-isip sa binigay kong mga
impormasyon sa Aura para sa Kabilang Mundo. Kung nakapagpa-aura ka na
sa Aura para sa Kabilang Mundo, alam mo na ang iyong:

• Pangalan
• Kaharian
• Grupo ng Hari o Reyna
• Ranggo sa Grupo
• Kulay bilang Engkanto

Pwede mong pag-isipan ang mga detalyeng ito para mapalalim mo ang
kaalaman mo sa mga binigay kong detalyeng ito. Pwedeng gawin mong susi
ang mga detalyeng ito para makapasok ka sa kabilang mundo at matuklasan
ang katotohanan sa sino ka.

Kung hindi ka pa nakapagpabasa ng FREE Aura para sa Kabilang Mundo,


click ka rito para sa detalye:

www.ericroxas.com/aurakabila

Ano ang maaaring makita sa 3rd Eye Meditation?


Kalimitan, ang unang makikita ng tao sa pagsubok sa FREE 3rd Eye
Meditation na turo ko ay ang maraming iba’t ibang kulay. Ang iba’t ibang
kulay na ito ay mga lagusan. Ang lagusan ay mga pinto, portal o gateway
para makapasok ang taong nagmeditate sa ibang mundo.

Lahat ng kulay ng lagusan ay mayroon. Ang babala ko lang sa mga tao lalo
na sa unang pagpasok nila sa 3rd eye meditation na turo ko ay wag muna
pumasok sa itim na lagusan. Ang itim na lagusan ay papunta sa mga
nakakatakot na lugar katulad ng impyerno o di kaya lugar ng mga itim na
engkanto. Kahit makapasok ka man dito, hindi ka naman masasaktan kasi
safety ka basta sumabay ka sa LIVE o replay ko - o di kaya may Perlas ng
Kapangyarihan na mula sa amin.

Kapag patuloy kang magsikap, makakapasok ka na sa mga lagusang ito.


Para makapasok, focus ka lang sa mga lagusan at isipin mong pumapasok
ka sa mga lagusang ito. Pagkatapos na makapasok ka sa mga lagusang ito,
makakakita ka na ng ibang mundo. Sa una, maaaring malabo pa ang
pananaw mo. Baka anino o mga hulagway pa lang ng mga kaharian at tao
ang makita mo. Sa katagalan ay magiging mas malinaw ang mga makikita
mo.

Pwede ka ng maglakbay sa iba ibang mundo at makipag-usap sa iba’t ibang


klase ng buhay. Kung sinsero ang pagsikap mo, pwede ka makapagpalabas
ng perlas ng kapangyarihan sa paligid mo. Sa pagpapatuloy mo, pwede mo

Page 14 of 17 ericroxas.com
na matuklasan ang lahat ng spiritual na katotohanan - lalo na kung
magmisyon ka.

Gaano katagal bago gumaling ako sa 3rd eye


meditation?
Nakadepende ito sa maraming factor:

• Lakas ng spirito mo
• Kalinisan ng buhay
• Pagsisikap mo sa meditation
• Paggawa ng iba ko pang mabuting payo
• Mga sumpa sa yo sa nakaraan
• Ranggo mo sa kabilang mundo
• Kalusugan ng katawan
• Saktong pagtulog at exercise
• Misyon sa buhay

Ilang tao ay unang beses pa lang nila magmeditate ay makakita na sila sa


kabilang mundo. Mas swerte pa ang ilan kasi makapagpalabas na agad din
sila ng perlas ng kapangyarihan sa una nilang pagsubok.

Ang ilang tao ay inaabot ng ilang araw. Ilan ay buwan-buwan. Ilan naman
ay taun-taon.

Kailangan lang talaga ay patuloy tayo sa ating pagsisikap para lumakas ang
ating mga spiritual na kakayahan.

Palaging FREE ang 3rd Eye Meditation na turo ko para sa lahat ng mga tao
na gustong malaman ang katotohanan sa spiritual na realidad kaya kahit sino
ay makakaranas sa spiritual basta masipag at sinsero hanggang
magtagumpay.

Ano pa magagawa ko para gumaling sa 3rd eye?


Magpatuloy sa lahat ng kabanalang gawi na tinuturo ko.
Gawin ang tama. Iwasan ang mali.
Maging mabuti, mabait at matatag.
Tanggalin ang lahat ng bisyo.
Magdasal kada gabi.

Ang kalakasan ng ating spirito ay nakasalalay sa ating kabanalan.

Page 15 of 17 ericroxas.com
Lahat ng kasalanan ay nagbabawas sa lakas ng ating mga spirito. Parang
mga butas yan sa ating spirito at tatagas diyan ang ating lakas. Kung kaya’t
kailangan nating umiwas sa paggawa ng kasalanan.

Pinakaimportante ay umiwas sa mortal na kasalanan.


• Pagpatay
• Paglandi
• Pagnakaw

Hindi natin maiiwasan na makakagawa tayo ng mga immortal na kasalanan o


ang mga magagaan na kasalanan bilang tao - lalo na ang mga hindi
sinasadya. Pero sa katagalan ng panahon ng pagsisikap, halos wala na ang
magagawa nating immortal na kasalanan at maliit na lang na klase ng
kasalanan.

Kung talagang seryoso ka na sa pagiging banal na tao, pwede kang


magmisyon. Ang misyon ay ang pagsikap para mag-ipon ng puntos sa
kabilang mundo para maging maganda ang kinabukasan pagkatapos ng
kamatayan. Basahin mo ang kumpletong gabay dito:

www.ericroxas.com/misyon

Ang pag-misyon ay ang pinakamahalagang magagawa ng tao para lumakas


ang kanyang spiritual na kakayahan bukod sa paghahanda ng magandang
kinabukasan niya sa pagpanaw niya mula sa mundo ng tao.

Kung interesado kayo, pwede rin kayong bumili ng 3rd Eye Bracelet. Ang 3rd
Eye Bracelet ay personal na gamit na makatulong sa pagbukas ng third eye,
pagbukas ng lagusan, pagprotekta sa usog na evil eye at pag-iwas sa mga
masasamang spiritwal na karanasan sa panaginip, pangitain o meditation.
Magiging mas malinaw ang mga karanasan sa panaginip, panigtain at
meditation.

Pwede rin kayo bumili ng Dreamcatcher Portal. Ito ay may parehong


kapangyarihan sa 3rd Eye Bracelet pero pwedeng isabit sa bahay para
apektado ang lahat ng tao sa bahay.

Isa pang pwedeng bilhin ay ang Magic Meditation Mat namin na pwedeng
upuan sa pagmeditate para maging matatag at komportable ang
pagmeditate, mas malinaw ang ala-ala sa meditation at makabigay ng
enerhiya sa nagmeditate para maging malakas ang paglakbay - dahil isa
itong magic carpet.

Isa pang pwede niyo gawin ay magpalagay ng kapangyarihan sa gamit niyo.


May serbisyo po akong para diyan. Ang presyo ay nakadepende sa kung
gaano karaming power ang gusto niyong ilagay sa gamit. Isang

Page 16 of 17 ericroxas.com
kapangyarihang pwedeng ilagay ay ang pagpapalakas sa spiritual na
pananaw ng 3rd eye.

www.ericroxas.com/powergamit

Huling salita sa meditation


Ang FREE 3rd Eye Meditation na turo ko ay ang pangunahing pamamaraan
na direkta tayong makakaranas sa spiritual na katotohanan. Ang pagsikap sa
meditation ay magdudulot ng pag-ipon ng enerhiya para umangat ang lahat
ng klase ng spiritual na kamulatan kung isama na rin sa lahat ng payong
kabanalang binabahagi ko.

Dasal ko ay seryosohin niyo ang pagmeditate para masimot niyo ang lahat ng
benepisyo nito. Habang narito tayo sa mundo ng tao, wag nating sayangin
ang ating panahon. Magsikap tayo ng husto para matutunan natin ang
katotohanang spiritual.

Mahirap nang magsisi sa huling banda ng ating buhay na wala na tayong


panahong magsikap para sa spiritual na kaliwanagan.

Pinakaimportanteng malaman sa pamamagitan ng FREE 3rd eye


meditation na turo ko ay sino tayo, saan tayo galing at paano tayo
makakauwi sa pinanggalingan.

Ang masasabi ko ay simple at maikli:

Tayo ay mga Hari at Reyna na binagsak dito sa mundo ng tao para


magsisi at magbayad sa ating mga kasalanan para makauwi tayo sa
pinanggalingang kaharian.

Pwede kayo magpa-aura din sa akin para malaman ang detalye sa pagkahari
niyo sa kabilang mundo:

www.ericroxas.com/aurakabila

Ang turo kong meditation ay paraan para mapatunayan niyo ito sa sarili niyo at
malaman niyo ang buong katotohanan tungkol sa sarili niyo.

Kung seryoso na kayo at handa na i-alay ang buong buhay sa kabanalan


para matuklasan ang katotohanan at makauwi sa pinanggalingang kaharian
at pagkatapos nito, sa huling hantungan sa Langit - magmisyon kayo sa turo
ko.

www.ericroxas.com/misyon

Page 17 of 17 ericroxas.com

You might also like