Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Aking sinta, ano ba'ng mayro'n sa iyo?

'Pag nakikita ka na, bumabagal ang mundo

'Pag ngumingiti ka, para bang may iba

'Pag tumitingin sa 'kin, mapupungay mong mga mata

Wala akong takas sa nakakalunod mong ganda, ha

Halika nga (ha, ha, ha)

Tingnan mo lang ang aking mga mata

'Wag kang titingin na sa iba

Akin ka na, wala nang iba (ha, ha, ha)

Andito 'ko hanggang sa 'ting pagtanda

Mamahalin kita basta't 'pag nahulog

Nakahawak ako, 'wag ka lang bibitaw

Habang-buhay na ako'y iyo

Wala nang iba ang nakagawa sa 'kin nang ganito

Kundi Di ikaw, nag-iisang diyosa ng buhay ko

Wag ka nang matakot, 'wag kang mangamba

Andito ako 'pag ika'y mag-isa

Wala akong takas sa nakakalunod mong ganda, ha

Halika nga (ha, ha, ha)

Tingnan mo lang ang aking mga mata

'Wag kang titingin na sa iba

Akin ka na, wala nang iba (ha, ha, ha)

Andito 'ko hanggang sa 'ting pagtanda

Mamahalin kita basta't 'pag nahulog

Nakahawak ako, 'wag ka lang bibitaw


Habang-buhay na ako'y iyo

Kahit ang likod mo'y kubang-kuba na

Kahit ang ulo mo'y puro uban na

Isasayaw ka hanggang sa pikit ng ating mga mata (ha, ha, ha)

Wala naman na 'kong hiling pa

Basta't kasama ka, habang-buhay na

You might also like