Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KAHIRAPAN

Ang kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na walang isang


halaga ng mga pag-aaring materyal o salapi. Ang mga taong nakakaranas ng kahirapan
ay siyang mas nakakaranas ng kasakiman mula sa mga mapangmatang mga tao at
mabilis malinlang ng kung ng sino man. Ang kahirapan ay isa sa mga pinakamalaking
isyu na kinakaharap ng ating bansa na siyang hirap pa ring solusyunan. Ngunit ang
aking katanungan, ang kahirapan nga ba ay hadlang sa pagkamit ng tagumpay at
kaginhawaan?
Nais kong ipabatid ang aking pagbati sa ating respetadong guro sa asignaturang ito,
Ginang Gracelyn Altaya. Nais ko ring batiin ang aking magaganda, gwapo, at
matatalinong mga kaklase. Magandang Hapon sa inyong lahat. Nawa’y bigyan niyo
ako ng kaunting panahon at ialay ang inyo mga taynga at isipan upang mapakinggan at
maunawaan ang aking ilalahad na mga ideya tungkol sa kahirapan na tinalakay ni Luis
G. Asuncion, ang may akda sa sanaysay na pinamagatang “Iskwater”.
Nakakita na ba kayo ng mga bahay na dikit-dikit at nakatayo sa lupang pagmamay-ari
ng gobyerno? Yan ang tintatwag na squatter’s area. Ito ang naging tirahan ni Luis sa
loob ng isang dekada. Ipinapakita sa sanaysay ang buhay ng mga taong nakatira sa
squatter at kung paaon tila hindi sang-ayon sa kanila ang mundo. Ang kaibahan ng mga
maaaring gawin ng mayayaman at ng mahihirap. Isinalaysay dito kung paano natanim
ang isang kaisipan ng tao dulot ng kahirapan na pag pinanganak kang mahirap ay
mamatay kang mahirap.
Ako ay hindi sumasang-ayon sa kaisipang pag pinanganak kang mahirap ay mamatay
ka ring mahirap. Naniniwala akong ang mga taong may paninindigan, lakas ng loob,
katalinuhan, at kasipagan ay may kakayahang umangat sa buhay kahit na lumaki sa
kahirapan. Ang mga tao ay may kakayang magtagumpay at magkaroon ng
maginhawang pamumuhay kung meron tayong plano at mga bagay na gustong
makamit o marating. Marami na nag narinig at nakita kung nagpursige at lumipad
patungo sa tagumpay.
MAGPURSIGE. Maaaring narinig niyo na hindi ito sapat upang magtagumpay sa buhay
ngunit ang totoo niyan ay napakalaki ng kontribusyon ng pagpupursige sa pagkamit ng
tagumpay at matiwasay na pamumuhay. Sa lahat ng panahon na ika’y malapit ng
sumuko sa buhay, ang pupursige ang magtutulak sa iyo na magpatuloy na abutin ang
iyong mga hangarin sa buhay. Isa sa mga halimbawa ng taong nagpursige ay si Manny
Pacquiao. Si Manny ay ipinanganak na mahirap ngunit dahil sa kagustuhang
makaangat sa buhay, siya ay patuloy na magpursigeng mag-ensayo ng boxing at
manalo sa kanyang mga laban. Ngayon, isa na si Mannyu Pacquiao sa mayayamang
personalidad sa bansa.
LIBRENG EDUKASYON. Laging paalala sa atin ng ating mga magulang na ang
Edukasyon ay isang kayamanan na hindi mawawala kailanman. Noon, hindi kayang
bayaran ng mga taong nasa laylayan ang gastusin sa paaralan lalo ang tuition. Ngunit
ngayon, libre na itong maranasan ng mga nasa laylayan. Mula Elementary hanggang
College ay libre na para sa lahat ng nais mag-aral. Ang pagkakaroon ng degree ay isa
mga kailangan upang magkaroon ng trabaho at pagkakakitaan. Ang libreng
edukasyong ito ay makakatulong lalo na sa mga nakakaranas ng kahirapan. Sila’y mas
mabibigyang ng pagkakataong lumaban para sa kanilang kinabukasan.
RESPONSABLE AT MASIPAG. Sa pagpupursige, kailangan rin maging masipag at
responsable. Mula sa pag-aaral hanggang sa pagtatrabaho, matutong magsipag sa
mga paggawa ng takdang aralin o mga projects sa pinatatrabahuhan. Ang pagiging
responsible ay magbibigay ng kalinawan sa pagkamit ng inaasam na tagumpay. Dapat
may kaukulang disiplina at paghahanda, upang matupad ang bawat pangarap na
hinahangad makamtan.
Laging tandaan na ang mga salitang, “Hindi mo kasalanan kung ipinanganak kang
mahirap, ngunit kasalanan mo kung mamamatay kang mahirap.”. Ikaw ay nabigyan ng
pagkakataon na baguhin ang iyong buhay ngunit pag ikaw ay hindi nagpursige, naging
masipag, at responsible maaaring manatili ka pa rin kung anong antas mo sa buhay
noong ika’y ipinanganak. May mga programa ang gobyerno na maaring makatulong sa
sitwasyon mo at kasama ng pagpupursige, pagiging masipag, at responsable, Ikaw ay
may kakayahang makamit ang inyong nga hinahangad at magkaroon ng matiwasay na
pamumuhay.
Sa uulitin, magandang hapon sa inyong lahat at maraming salamat sa inyong pakikinig
at pag-unawa.

You might also like