Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
I. Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang ipinapahayag ng
pangungusap at MALI naman kung ang isinasaad ng pahayag ay mali.
_________1. Ang pagmamahal ng Diyos ay sentro ng pananampalataya.
_________2. Nakaplano ang lahat ng ginagawa ng Diyos, patunay ng Kanyang walang hanggang pagmamahal sa
Kanyang mga nilalang.
_________3. Nababago ng pagmamahal ng Diyos ang mga hindi kanais nais na gawain ng isang tao.
_________4. Pinadadalisay ang puso ng bawat tao upang magmahal ng tunay sa kapwa.
_________5. Ang kahalagahan ng pagmamahal ng Diyos ay ang pagbabago sa kamalayan ng tao.
_________6. Upang mapaunlad ang pagmamahal ng tao sa Diyos, kinakailangang palaging nakabukas ang
kaisipan ng tao sa pagbabago.
_________7. Ang pagsubok ay tanda ng pagmamahal ng Diyos sa tao.
_________8. Ang pagmamahal sa Diyos ay nagbibigay pag-asa para banan ang pagsubok sa buhay.
_________9. Hindi na natin kailangang humingi ng kapatawaran sa pagkakamali natin sa ibang tao sapagkat
mapagmahal ang Diyos at handang magpatawad sa ating mga kasalanan.
_________10. Ang pagmamahal ng Diyos ay walang kinikilingan, ito ay pantay-pantay
II. A. Pagbibigay
a. Ibigay ang dalawang (2) uri ng aborsiyon
1. _________________________________ 2.
_________________________________
b. Ibigay ang dalawang (2) panig ng aborsiyon
3. _________________________________ 4.
_________________________________
c. Ano ang pagkakaiba ng sagot mo sa bilang 1 – 4?
5.
___________________________________________________________________________________________
______
B. Pagtutukoy
_____________________ 6. Isang uri ng pagpatay sa sarili na isinasagawa sa iba’tibang paraa. Ito ay labag sa
ikalimang utos ng ating Panginoon.
_____________________ 7. Ang gawaing nakakasira sa ating baga na kung hindi maagapan ay magiging kanser
sa baga.
_____________________ 8. Nagdudulot ito ng negatibong epekto na maaaring kinabibilangan ng balisang
pagtulog, sobrang kalikutan, pagkaduwal, delusyon sa kapangyarihan, napatinding pagka-agresibo at pagiging
iritable.
_____________________ 9. Ang sinasadya o sapilitang pagkitil ng buhay sa sinapupunan.
_____________________ 10. Ito ay paraan ng pagpatay sa sarili sa tulong ng ibang tao, o ayon sa kagustuhan ng
isang pasyente upang wakasan ang nararamdamang sakit sa katawan, o sakit na nakakamatay o wala ng lunas.
III. Basahin ang mga pahayag. Lagyan ng * kung ito ay mga angkop na kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa
bayan at ☾ kung ito ay nagpapakita ng mga paglabag sa pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan.

______1. Pawang katotohanan lang ang aking sasabihin sa aking kapwa. Magssabi ako ng totoo sa bawat oras.
______2. Sinisikap kong maging totoo at tapat, huwag mangopya at magpakopya. Magiging tapat ako sa aking
mga aralin. Hindi ako mangongopya at magpapakopya.
______3. Magtatanim ako ng mga gulay sa mga bakanteng lote sa amig kapaligiran o sa mga resiklong paso.
Tatamnan ko ng mga gulay ang mga lata o lalagyang hindi na ginagamit pati na rin sa mga bakanteng lote.
______4. Hindi ko sasabihin sa kinauukulan na illegal logging ang ikinabubuhay nina Ondoy dahil ninong ko ang
tatay niya. Bagamat ninong ko ang tatay ni Ondoy, hindi ko sasabihin sa kinauukulan na illegal logging ang
ikinabubuhay nila.
______5. Hindi ako matatakot iwasto kapag nilabag ng aking kapwa ang batas. Halimbawa, ang hindi pagtawid
ng tama. Iwawasto ko ang akong kapwa kapag nasaksihan kong nilalabag nito ang batas tulad ng batas trapiko.
______6. Magsasagawa ako ng clean-up drive sa aking komunidad. Hihikayatin ko ang aking mga kapitbahay na
panatilihin ang kalinisan sa aming komunidad.
______7. Pipila ako ng maayos at mahinahon kong antayin ang tawag ko. Mananatili ako sa aking pila hangga’t
hindi natatawag ang aking pangalan o numero.
______8. Paninindigan ko ng buong tapang ang pagsasabi ng totoo.
______9. Ipagmamalaki ko sa aking kaibigang banyaga ang mga pagkaing lokal.
______10. Susuportahan ko ang mga produktong lokal
IV. Basahing mabuti ang pahayag. Piliin ang titik na may tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.
1.Ang _________________ ay tumutukoy sa mga ideolohiyang pagkamakabayan at damdaming bumibigkis sa
isang tao at sa iba pang may pagkakaparehong wika, kultura, at mga kaugalian o tradisyon.
a. kalayaan b. katarungan c. nasyonalismo d. patriyotismo
2.Alin ang hindi angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan?
a. Pagiging tapat sa sarili, sa kapwa, sa gawain at sa lahat ng pagkakataon.
b. Pag-awit ng Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad.
c. Paggawa ng paraan upang makatuling sa mga suliranin ng bansa.
d. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling pamilya.
3.Bakit mahalagang mahalin ng bawat Pilipino ang kanilang bayan?
a. Utang natin sa ating bayang sinilangan ang ating kalayaan at pagkakataong hubugin ang ating
pagkatao.
b. Nakilala siya ng mundo dahil sa talino at angking kagalingan na hinubog sa kaniyang bayang
sinilangan.
c. Dito tinatanggap at iniingatan ang tao ng kaniyang mga mahal sa buhay upang hubugin ang kanyang
mga kakayahan.
d. Biyaya ng Diyos ang pagkalooban ang tao ng lipunang kinabibilangan at pamayanang matitirahan.
4.Alin sa mga sumusunod ang hindi indikasyon ng pagmamahal sa bayan?
a. Laging inuuna ang pansariling kapakanan
b. Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa
c. Pagsulong sa kabutihang panlahat
d. Pagpapahalaga sa buhay
5.Ano ang kahulugan ng ‘pater’ na pinagmulan ng salitang patriyotismo?
a. pinagkopyahan at pinagbasehan b. pinagmulan o pinanggalingan
c. kabayanihan at katapangan d. katatagan at kasipagan
6. Ang mga sumusunod ay mga angkop na kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan maliban sa
a. Awitin ang pambansang awit nang may paggalang
b. Iwasan ang anumang gawain na hindi nakatutulong
c. Bumili ng mga imported na produkto at hindi pagpansin sa mga lokal na bilihin
d. Isama sa panalangin ang bansa at ang kapwa mamamayan
7. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita na ang isang mamamayan ay may pagmamahal sa bayan?
a. Tinatangkilik ang produkto ng ibang bansa
b. Naglilingkod sa bayan at sa kapwa na walang kapalit
c. Tumutulong sa kapwa kapag may nakakakita
d. Umaasa sa gagawin ng bansa para sa kanya
8. Bakit sinabing ang pagbebentan ng boto ay hindi paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa bayan?
a. Dahil ito ay para sa sarili lamang
b. Dahil ito ay ipinagbabawal ng batas
c. Dahil mali ito sa mata ng ating Diyos
d. Dahil ang layunin ay mali at ang pagboto ay dapat isagawa ng tama
Matalik na magkaibigan sina Julio at Julia. Naawa si Julia kay Julio dahil palagi siyang bumabagsak sa kanilang
pagsusulit. Isang araw, kinausap ni Julio si Julia na pakopyahin siya nito sa kanilang mga pagsusulit kapalit ay
ang pagbibigay ni Julio ng gamit na galing ibang bansa.
9. Kung ikaw si Julia, ano ang iyong gagawin?
a. Hindi ako magpapakopya ng kahit ano kay Julio dahil mali ito.
b. Pagbibigyan ko ang kahilingan ni Julio dahil kaibigan ko siya.
c. Gagawin ko ang sinabi ni Julio ngunit hindi o tatanggapin ang kapalit nito.
d. Magagalit ako kay Julio kahit gusting-gusto ko ang kapalit ng pagpapakopya.
10. Maliban sa pagpapakopya na mali sa kahilingan ni Julio, ano pa ang kilos na hindi nagpapakita ng
pagmamahal sa bayan?
a. Pagpilit kay Julia na gawin ang isang bagay.
b. Paghingi ng tulong kay Julia na may kapalit.
c. Pananamantala ng pagkakaibigan nila ni Julia.
d. Pagtangkilik ni Julia sa mgagamit galing sa ibang bansa
V. Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag na nagpapakita ng mga pangyayari sa ating paligid.
Itugma ang mga nilalarawan sa hanay A sa hanay B. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot mula sa hanay B sa
patlang.
Hanay A Hanay B
___1. Unti-unting nauubos ang mga yaman dito A. Maling pagtatapon ng basura

dahil sa hindi matigil na cyanide fishing, B. Ilegal na pagputol ng mga puno

dynamite fishing,at sistemang muro-ami na C. Polusyon sa hangin, tubig at lupa

pumipinsala hindi lamang sa mga isda kundi D.Pagkaubos ng mga natatanging species ng

maging sa kanilang natural habitat o tirahan. hayop at halaman sa kagubatan

___2. Maraming uri ng hayop at halaman ang nagiging E. Malabis at mapanirang pangingisda

threatened, endangered at ang pinakamalala sa F. Ang pag-convert ng mga lupang sakahan,

lahat ay ang kanilang extinction. ilegal na pagmimina, at quarrying

___3. Patuloy na pag-unlad ng mga bayan na G. Global Warming

maisasalarawan ng pagtatayo ng mga gusali tulad H. Komersyalismo

ng mga mall at condominium units. I. Urbanisasyon

___4. Ang kadalasang pag-ulan na nagdudulot ng mga J. Climate Change

pagbaha ay bunga ng walang tigil na pagputol ng

mga puno at hindi pagpapalit ng bagong halaman sa

mga naputol na puno.

___5. Ang malawakang pag-iiba-iba ng mga salik na

nakaaapekto sa panahon na nagdudulot nang matinding

pagbabago sa pangmatagalang sistema ng klima.

___6. Walang habas ang ginawang pagtatapon ng basura

kung saan-saang lugar na lamang


___7. Tumutukoy ito sa pag-uugali ng tao at mga kilos na

nagpapakita nang labis na pagpapahalaga na kumita ng

pera o kaya ay pagmamahal sa mga materyal na bagay sa

halip na ibang mga pagpapahalaga.

___8. Ang patuloy na pagtaas ng temperatura bunga ng pagdami

ng tinatawag na greenhouse gases lalo na ng carbon dioxide

sa ating atmospera.

___9. Karaniwang nagdudulot ng mga karamdaman tulad ng

respiratory diseases, sakit sa digestive tract, sakit sa balat,

at marami pang iba.

___10. Maling sistema na patagong ginagawa ng mga

kompanyang tulad ng pagpapasabog ng mga bundok at

paghuhukay sa mga dalampasigan upang makakuha ng

mga yamang mineral.

You might also like