Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Puerto Princesa City Division
MATEO JAGMIS MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL

Kwarter 3
ARALING PANLIPUNAN 6

Name: ____________________________________ Section: ________________ Score: _____


Assessment No.1
Written Test (30%)
MELC: Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga
Pilipino mula 1946 hanggang 1972
Panuto: Suriing mabuti at unawain ang mga tanong. Piliin at itiman ang titik ng tamang sagot
sa sagutang papel.
1. Alin sa kasunduang base-militar ang nagpahintulot na manatili sa Pilipinas ang 23 base-
militar ng Amerika sa iba’t ibang bahagi ng bansa?
A. Bell Trade Act C. Military Base Agreement
B. Military Assistance Agreement D. Parity Rights
2. Alin ang nagbigay kahulugan sa Parity Rights?
A. Pagpataw ng buwis sa mga produktong nanggaling sa Pilipinas.
B. Pagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga Pilipino mula sa mga Amerikano.
C. Pagbibigay ng pantay na karapatan sa mga Amerikano na linangin ang likas na yaman ng bansa.
D. Pagbigay ng karapatan sa mga Amerikano na mangalaga at tumulong sa Hukbong Sandatahan ng bansa.
3. Anong samahan ang nangangasiwa upang masolusyunan ang problema sa paglilipat ng mga
informal settler sa iba’t ibang pook sa labas ng Maynila at iba pang lungsod?
A. Philippine Trade Act
B. Philippine Rehabilitation Act
C. Military Assistance Agreement
D. National Resettlement and Rehabilitation Act (NARRA)
4. Alin sa sumusunod ang layunin ni Pangulong Roxas para sa malawakang pagbabagong-tatag
ng bansa?
A. Pagpapalaki ng produksiyon.
B. Muling pagbangon ng mga industriyang nasawak ng nakaraang digmaan.
C. Paghingi ng tulong sa mga Amerikano upang madaling makabangon sa pinsalang
natamo dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
D. A at B ang tamang sagot
5. Itinakda ng Bell Trade Act ang pagpapataw ng buwis sa anomang produktong nanggaling sa
Pilipinas patungong Amerika. Naging makatarungan ba sa mga Pilipino ang Bell Trade Act?
A. Oo, naging makatarungan ito. C. Hindi naging makatarungan
B. Hindi tiyak ang pangyayari D. Lahat ay tama
6. Alin sa sumusunod ang di-pantay na kasunduan sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano?
A. Bell Trade Act C. Military Base Agreement
B. Parity Rights D. Lahat ng nabanggit
7. Paano mailalarawan ang pamahalaang militar ng Amerika sa Pilipinas?
A. Makatarungan C. Marahas
B. Mapag-aruga D. Malaya

8. Nakabuti ba ang malayang pakikipagkalakalan ng mga Pilipino sa mga Amerikano?


[Type here]
Republic of the Philippines
Department of Education
Puerto Princesa City Division
MATEO JAGMIS MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL

A. Oo, dahil dumami ang mga produkto sa Pilipinas.


B. Oo, dahil mas maganda ang produkto ng Amerika.
C. Hindi, dahil kakaunti ang bumili sa produkto ng Pilipinas.
D. Hindi, dahil hindi nakapagluluwas ng maraming produkto ang Pilipinas sa Amerika
dahil sa itinakdang kota nito.
9. Bakit sinasabing may colonial mentality ang mga Pilipino?
A. Naging Katoliko ang karamihan sa mga Pilipino.
B. Nasanay ang mga sila sa paggamit ng mga kagamitan ng mga sinaunang Pilipino.
C. Sinusunod ng mga Pilipino ang mga gawain at kaugalian ng mga katutubong Pilipno.
D. Naging ugali ng mga Pilipino ang pagtangkilik sa mga produktong gawa sa Amerika
10. Bakit tinanggap ng pamahalaan bagama’t nasabing hindi makatarungan ang Parity Rights?
A. Dahil sa takot ang mga Pilipino sa mga Amerikano.
B. Dahil sa utang na loob ng mga Pilipino sa Amerikano.
C. Dahil sa tulong pinansiyal na ipinagkaloob ng Amerika sa Pilipinas.
D. Dahil walang kakayahan ang Pilipino na tumanggi sa mga Amerikano.

Prepared by: Reviewed and Checked: Noted by:

MAY FATIMA C. MINGO LORNA E. DUMLAO ANABEL R. DALUMPINES.


AP 6 Teacher Master Teacher I Principal II

Parents / Guardians’ Comments: _____________________________________ Signature: _________________


Teachers’ Comments: _________________________________________________ Signature: _______________

Kwarter 3
ARALING PANLIPUNAN 6

[Type here]
Republic of the Philippines
Department of Education
Puerto Princesa City Division
MATEO JAGMIS MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL

Name: ____________________________________ Section: ________________ Score: _____


Assessment No.2
Written Test (30%)
MELC: Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga
Pilipino mula 1946 hanggang 1972
Panuto: Suriing mabuti at unawain ang mga tanong. Piliin at itiman ang titik ng tamang sagot
sa sa sagutang papel.
1. Anong mga batas ang hinimok ni Pangulong Roxas na ginawa ng Kongreso ng Amerika upang
mamuhunan ang mga kapitalistang Amerikano sa bansa?
A. Philippine Rehabilitation Law
B. Rehabilitation Finance Corporation
C.Republic Act No. 34 o Agrarian Reform
D.Report of the Philippine-United States Agricultural Mission 1947
2. Ano ang nakasaad sa kasunduan ng Pilipinas at United States tungkol sa Base Militar
na pinirmahan noong Mayo 14, 1947?
A.Pagtatanggol sa isa’t isa ( US-RP Mutual Defense Treaty)
B. Bawat Pilipino ay bibigyang parusa kung sino ang lalabag sa batas military.
C.nakasaad na bibigyan ng tulong ang mga military ( Military Assistance Agreement)
D. Ang pagbibigay sa United States ng karapatan upahan ang mga base military sa
loob ng 99 na taon.
3. Sino ang pangulo na naghimok sa kongreso na tanggapin ang dalawang batas ng Amerika?
A. Elpidio Quirino C. Rodrigo R. Duterte
B. Manuel A. Roxas D. Emilio Aguinaldo
4. Ano ang batas na naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa mga tao ngunit may
kasamang kondisyon?
A. Bell Trade Act B. National Defense Act
C. Republic Act ng 1987 D. Philippine Rehabilitation Act of 1946
5. Ano kaya ang kahalagahan ng likas na yaman ng Pilipinas sa mga dayuhang Amerikano?
A. Mapaunlad ang mga ito.
B.Mapakinabangan ang mga likas na yaman ng bansa.
C.Ninais ng mga Amerikano na makipagkalakalan dahil dito.
D.Gusto nilang maangkin ang mga likas na yaman ng Pilipinas.
6. Nakabuti ba ang malayang pakikipagkalakalan ng mga Pilipino sa mga Amerikano?
A. Oo, dahil dumami ang mga produkto sa Pilipinas.
B. Oo, dahil mas maganda ang produkto ng Amerika.
C. Hindi, dahil kakaunti ang bumili sa produkto ng Pilipinas.
D. Hindi, dahil hindi nakapagluluwas ng maraming produkto ang Pilipinas sa Amerika
dahil sa itinakdang kota nito.
7. Anong batas/kasunduan ang nagsasaad tungkol sa pagbibigay ng karapatan sa
Amerikano at Pilipino na linangin ang likas na yaman ng bansa?
A.Batas Militar C. Base Militar
B.Parity Rights D. Philippine Rehabilitation Act

8. Anong pangyayari ang isang dahilan ng pagsandal ng bansang Pilipinas sa Amerika?


A. magkaroon ng maraming pera ang ating bansa.

[Type here]
Republic of the Philippines
Department of Education
Puerto Princesa City Division
MATEO JAGMIS MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL

B .ang mga mamamayang Pilipino ay magkaroon ng trabaho


C. kailangan ng tulong ng Pilipinas mula sa ibang bansa.
D. mabigyang lunas ang mga suliraning kinakaharap ng bansang Pilipinas dahilan ng
pagkawasak sa digmaan.
9. Paano ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang reaksyon sa kasunduang base militar ng
Pilipino at Amerikano?
A. Sila ay nagkaroon ng malaking handaan
B.Sila ay nagwelga habang nambabato sa embahada ng US.
C.Sila ay nagsayawan at nagkantahan dahil sila ay nasiyahan sa kasunduan.
D. Naghain ng mga batas ang mga mambabatas ng Pilipinas upang paalisin na ang mga
base militar sa bansa.
10. Paano nakaapekto sa ating bansa ang Philippine Rehabilitation Act sa larangan ng
imprastruktura?
A.Maraming gusali ang hindi naisaayos.
B.Nagkaroon ng trabaho ang maraming Pilipino.
C.Gumanda ang hanapbuhay ng mga mamamayan.
D.Naisaayos ang mga nasirang tulay, kalsada at gusali.

Prepared by: Reviewed and Checked: Noted by:

MAY FATIMA C. MINGO LORNA E. DUMLAO ANABEL R. DALUMPINES.


AP 6 Teacher Master Teacher I Principal II
Parents / Guardians’ Comments: ___________________________________ Signature: _________________
Teachers’ Comments: ________________________________________________ Signature: ______________

Kwarter 3
ARALING PANLIPUNAN 6
[Type here]
Republic of the Philippines
Department of Education
Puerto Princesa City Division
MATEO JAGMIS MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL

Name: ____________________________________ Section: ________________ Score: _____


Assessment No.3
Written Test (30%)
MELC: MELC: Natatalakay ang mga programang ipinatupad ng iba’t ibang administrasyon
sa pagtugon sa mga suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1946 hanggang 1972

Panuto: Suriing mabuti at unawain ang mga tanong. Piliin at itiman ang titik ng tamang sagot
sa sa sagutang papel.
_____ 1. Sino ang ikatlong pangulo ng Ikatlong Republika at tinaguriang idolo at kampeon ng masa?
A. Carlos P. Garcia C. Manuel A. Roxas
B. Elpidio E. Quirino D. Ramon F. Magsaysay

_____ 2. Ilan ang naging pangulo ng Ikatlong Republika?


A. 4 B. 5 C. 6 D. 7

_____ 3. Sinong pangulo ang nagtakda ng patakarang Parity Rights?


A. Carlos P. Garcia C. Ferdinand E. Marcos
B. Diosdado P. Macapagal D. Manuel A. Roxas

_____ 4. Alin sa sumusunod ang patakarang inilunsad ni Pangulong Carlos P. Garcia?


A. Batas Bell
B. Patakarang “Pilipino Muna”
C. Programang Green Revolution
D. National Resettlement and Rehabilitation Administration

_____ 5. Ang sumusunod ay programa ni Pangulong Quirino, MALIBAN sa isa, alin ito?
A. Pagbibigay ng amnestiya sa mga kasapi ng Huk
B. Pagpapanumbalik ng kapayapaan at kaayusan
C. Pagsasaayos ng elektripikasyon
D. Rehabilitasyong pangkabuhayan

_____ 6. Alin sa sumusunod ang patakaran o programa ni Pangulong Manuel A. Roxas?


A. Paglunsad ng Green Revolution para matugunan ang pangangailangan sa pagkain
B. Paglunsad ng programang pagtitipid o austerity
C. Pagpapaunlad ng mga baryo, pagpapagawa ng mga daan, at patubig para sa mga sakahan
D. Pagsulong ng industriya, pagpapaunlad ng pagsasaka at pangangalakal sa Pilipinas at
pagsasaayos ng elektripikasyon

_____ 7. Ano ang ginawang hakbang ni Pangulong Elpidio E. Quirino upang maibalik ang kapayapaan at
kaayusan sa bansa?
A. Binuo ang Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration
B. Itinatag ang Presidential Action Committee on Social Amelioration
C. Pagbibigay ng amnestiya sa mga kasapi ng Huk
D. Pinagtibay ang Minimum Wage Law

_____ 8. Alin sa sumusunod ang nakasaad sa Treaty of General Relations ni Pangulong Manuel A. Roxas?
A. Nagtakda ng bayad pinsala sa mga nasira noong panahon ng digmaan
B. Nagtakda sa malayang kalakalan sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas
[Type here]
Republic of the Philippines
Department of Education
Puerto Princesa City Division
MATEO JAGMIS MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL

C. Nagbigay ng pantay na karapatan sa mga Pilipino at Amerikano na malinang ang likas na


yaman ng Pilipinas
D. Pagpapahalaga sa buong Pilipinas at pag-alis ng kapangyarihan at karapatan ng pangangasiwa
rito maliban sa paggamit ng mga base military

_____ 9. Alin sa sumusunod ang naging ambag o programa ni Pangulong Diosdado P. Macapagal?
I. Paglilipat ng Araw ng Kalayaaan mula Hulyo 4 tungo sa Hunyo 12
II. Paglutas sa mga suliraning nauukol sa kawalan ng hanapbuhay at kasapatan bg pagkain
III. Pagpapaunlad ng kalagayan ng mga magsasaka at pagpapalago sa ekonomiya ng bansa
IV. Pagpapalaganap ng pambansang wika sa pamamagitan ng paggamit nito sa mga papeles,
koreo, at pasaporte
A. I at II B. II at III C. II, III, at IV D. I, II, III, at IV

_____ 10. Bakit ipinatupad ni Pangulong Carlos P. Garcia ang patakarang “Pilipino Muna”?
A. Upang maitaguyod at mapaunlad ang kabuhayang pambansa
B. Upang magkaroon ng masaya at matipid na pamumuhay ang mga Pilipino
C. Upang makabili ang mga magsasaka ng kanilang sariling kagamitan para sa pagsasaka
D. Upang bigyan ng prayoridad ang mga Pilipinong paunlarin ang yaman ng bansa at tangkilikin
ang mga bagay na yari sa Pilipinas

Prepared by: Reviewed and Checked: Noted by:

MAY FATIMA C. MINGO LORNA E. DUMLAO ANABEL R. DALUMPINES.


AP 6 Teacher Master Teacher I Principal II

Parents / Guardians’ Comments: __________________________________ Signature: _________________


Teachers’ Comments: ______________________________________________ Signature: _______________

Kwarter 3
ARALING PANLIPUNAN 6

[Type here]
Republic of the Philippines
Department of Education
Puerto Princesa City Division
MATEO JAGMIS MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL

Name: ____________________________________ Section: ________________ Score: _____


Assessment No.5
Written Test (30%)
MELC: Napahahalagahan ang pamamahala ng mga nagging pangulo ng bansa mula 1946-1972.
AP6SHK-IIIe-g5
Panuto: Suriing mabuti at unawain ang mga tanong. Piliin at itiman ang titik ng tamang sagot
sa sa sagutang papel.

1. Ang sumusunod ay mga patakaran at programa ni Marcos. Alin ang hindi kabilang.
A. Green Revolution
B. Pagsilang ng Aktbista
C.Proyektong Imprastraktura
D.Programang Reporma ng lupa.
2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na may pag-unlad sa ekonomiya sa
panahon ni Pangulong Marcos?
A. Pagbaba ng kriminalidad sa bansa
B. Pagpapatatag ng sining at kultura ng bansa
C. Paglaki ng produksyon ng bigas at mais dahil sa mga makabagong
pamamaraan ng pagsasaka
D.Pagpapaunlad ng kasanayan sa larangan ng edukasyon, militar, at kalusugan
na naging daan upang makilala ang bansa sa buong mundo.
3. Alin sa sumusunod ang itinatag ni Pangulong Marcos upang matugunan ang
kakulangan sa pagkain?
A.Green Revolution
B.Blue Revolution
C.Comprehensive Agrarian Reform Program
D. Pantawid Pamilyang Pilipino Program
4. Ang Pilipinas ay nagpapadala ng mga kinatawan sa UN at nagkakaroon ng boses sa
pagpapasya sa mahahalagang isyu na nilulutas ng samahan.
A. Karapatan sa Pantay na Pagkilala
B. Karapatang Magsarili
C. Karapatang Ipagtanggol ang Kalayaan
D. Karapatang Makipag-ugnayan

5. Nakasaad sa Saligang Batas na sa panahon na nasa panganib ang bansa ang


sinumang mamamayang Pilipino na nasa tamang edad babae man o lalaki ay
maaaring maglingkod personal, militar man o sibil.
A. Karapatang Mamahala sa Nasasakupan
B. Karapatang Ipagtanggol ang Kalayaan
C.Karapatang Mag-angkin ng Ari-arian
D.Karapatang Malipag-ugnayan

7. Ang banta ng terorismo at droga ay ilan sa mga suliraning hinaharap ng bansa.


Karapatan ng Pilipinas na gumawa at magpatupad ng mga batas upang sugpuin ang
mga ito.
[Type here]
Republic of the Philippines
Department of Education
Puerto Princesa City Division
MATEO JAGMIS MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL

A. Karapatang Mamahala sa Nasasakupan


B. Karapatang Ipagtanggol ang kalayaan
C. Karapatang Makapagsarili
D. Karapatang Makipag-ugnayan
8. Sa anong paraan napahalagahan ng Cultural Center of the Philippines sa kulturang
Pilipino?
A. Tumaas ang buwis na malilikom
B. Napagyaman ang kulturang Pilipino
C. Nakilala tayo sa larangan pampulitika
D. Natugunan ang suliraning panlipunan
9. Paano ipinalaganap ni Pangulong Diosdado Macapagal ang nasyonalismo sa bansa?
A. Pagsuot ng baro’t saya sa mahalagang okasyon
B. Pag-awit ng Lupang Hinirang nang may damdamin
C. Paggamit ng wikang Filipino sa mahahalagang dokumento at papeles
D. Pagbigay-galang sa watawat
10. Paano mo ilarawan ang administrasyon ni Pangulong Marcos?
A.Naging maayos ang pamamahala ni Pang. Marcos sa unang termino, ngunit sa
pagtatapos ng kanyang ikalawang termino, dumanas ng matinding krisis
pampulitika at pang-ekonomiya ang Pilipinas.
B.Hindi maayos ang pamamahala ni Pang. Marcos sa unang termino dahil
dumanas ng matinding krisis pampulitika.
C.Naging mapayapa ang pamahalaan sa loob ng 33 taon niyang panunungkulan.
D.Maganda ang pamumuhay ng mga Piipino.

Prepared by: Reviewed and Checked: Noted by:

MAY FATIMA C. MINGO LORNA E. DUMLAO ANABEL R. DALUMPINES.


AP 6 Teacher Master Teacher I Principal II

Parents / Guardians’ Comments: _______________________________ Signature: _________________


Teachers’ Comments: __________________________________________ Signature: _______________

Kwarter 3
ARALING PANLIPUNAN 6

[Type here]
Republic of the Philippines
Department of Education
Puerto Princesa City Division
MATEO JAGMIS MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL

Name: ____________________________________ Section: ________________ Score: _____


Assessment No.4
Written Test (30%)
MELC: Naiisa-isa ang mga kontribusyon ng bawat pangulo na nakapagdulot ng kaunlaran sa
lipunan at sa bansa.
Nasusuri ang mga patakaran at programa ng pamahalaan upang matugunan ang mga
suliranin at hamon sa kasarinlan at pagkabansa ng mga Pilipino.

Panuto: Suriing mabuti at unawain ang mga tanong. Piliin at itiman ang titik ng tamang sagot
sa sa sagutang papel.
1. Anong programa ang pinatupad na ang pangunahing layunin ay magtipid at maging matalino
sa paggasta ang pamahalaan at mga Pilipino?
A. Pilipino Muna C. Austerity Program
B. NAMARCO Act D. Filipino Retailer’s Fund Act

2. Alin sa sumusunod ang naging pahayag ni Pangulong Garcia?


A. “Ang Asya ay para sa Asyano”
B. “Ang Pilipinas ay maging dakila muli”
C. “Walang bagay na imposible kapag ginustong mangyari”
D. “Kung ano ang nakabubuti sa karaniwang tao ay nakabubuti sa bayan”.

3. Alin sa sumusunod ang layunin ng patakarang “Pilipino Muna”?


A. Pagtitipid sa paggasta
B. Pangangalaga sa likas na yaman
C. Ipagmalaki ang lahing Pilipino
D. Pagtangkilik sa sariling produkto

4. Paano naisulong ang pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa panahon ni Pangulong Garcia?


A. Pinadala ang mga batang Pilipino upang mag-aral sa ibang bansa.
B. Pinag-ibayo ni Pangulong Garcia ang pag-aangkat ng sariling produkto
C. Hinimok ang iba’t-ibang pangkulturang pangkat sa Pilipinas na magtanghal sa ibang
bansa.
D. Naging masigasig si Garcia sa kanyang mga programa at patakaran sa pagbabago sa
pamamalakad ng base-militar sa bansa.

5. Anong samahang panrehiyon ang nabuo sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong


Garcia?
A. United Nations
B. Association of Southeast Asia
C. Southeast Asia Treaty Organization
D. Association of Southeast Asian Nations

6. Ano ang ipinatupad ni Pangulong Diosdado Macapagal para sa kapakanan ng mga


magsasaka?
A. Kodigo sa Reporma sa Lupa C. Libreng Edukasyon
B. Murang Pabahay D. 4P’s

[Type here]
Republic of the Philippines
Department of Education
Puerto Princesa City Division
MATEO JAGMIS MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL

7. Paano ipinalaganap ni Pangulong Diosdado Macapagal ang nasyonalismo sa bansa?


A. Pagbigay-galang sa watawat
B. Pagsuot ng baro’t saya sa mahalagang okasyon
C. Pag-awit ng Lupang Hinirang nang may damdamin
D. Paggamit ng wikang Filipino sa mahahalagang dokumento at papeles

8 Ang Pilipinas ay nagpapadala ng mga kinatawan sa UN at nagkakaroon ng boses sa


pagpapasya sa mahahalagang isyu na nilulutas ng samahan
A. Karapatan sa Pantay na Pagkilala
B. Karapatang Magsarili
C. Karapatang Ipagtanggol ang Kalayaan
D. Karapatang Makipag-ugnayan

9. Nakasaad sa Saligang Batas na sa panahon na nasa panganib ang bansa ang sinumang
mamamayang Pilipino na nasa tamang edad babae man o lalaki ay maaaring maglingkod
personal, militar man o sibil.
A. Karapatang Mamahala sa Nasasakupan
B. Karapatang Ipagtanggol ang Kalayaan
C.Karapatang Mag-angkin ng Ari-arian
D.Karapatang Malipag-ugnayan

10. Ang banta ng terorismo at droga ay ilan sa mga suliraning hinaharap ng bansa. Karapatan
ng Pilipinas na gumawa at magpatupad ng mga batas upang sugpuin ang mga ito.
A. Karapatang Mamahala sa Nasasakupan
B. Karapatang Ipagtanggol ang kalayaan
C. Karapatang Makapagsarili
D. Karapatang Makipag-ugnayan

Prepared by: Reviewed and Checked: Noted by:

MAY FATIMA C. MINGO LORNA E. DUMLAO ANABEL R. DALUMPINES.


AP 6 Teacher Master Teacher I Principal II

Parents / Guardians’ Comments: _____________________________________ Signature: _________________


Teachers’ Comments: _________________________________________________ Signature: ____________

[Type here]

You might also like