Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

PAGSUSURI SA MGA BALYUS NA NAKAPALOOB SA LIMANG PILING MAIKLING

KWENTO NA GINAGAMIT SA IKAWALONG BAITANG NG DSMSMNHS

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Nakakapukaw ng interes ng mga mambabasa ang mga sulating pampanitikan.


Nagsasalaysay ito tungkol sa buhay, lipunan, at karanasang kaugnay ng iba’t ibang uri ng
damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, at paghihiganti. Isang mahalagang
panlunas na tumutulong sa tao upang makapagplano ng sari-sariling buhay, upang matugunan
ang kanilang mga suliranin at upang maunawaan ang diwa ng kalikasan ng pagiging makatao.
Maaaring mawala o maubos ang kayamanan ng isang tao at maging ang kanyang pagiging
makabayan, subalit hindi ang panitikan. Isang dahilan ito kung bakit pinag-aaralan ang larangan
ng literatura sa mga paaralan.

Ayon kay Riley (2016), “Ang maikling kwento ay itinuturing na masining na


pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan at ang diwa ay napapalaman sa isang buo, mahigpit at
makapangyarihang balangkas na inilalahad sa isang paraang mabilis ang galaw.”

Batay sa nabanggit na pahayag, ipinapakita na ang maikling kwento ay nagsasalaysay ng


isang pangyayari na nangingibabaw at dumadaloy sa kaganapan ng tauhan at paksa ng kwento.
Ang tinaguriang Ama ng Maikling Kwento sa Daigdig, ay si Edgar Allan Poe at nasasabi niyang
ang maikling kwento ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin, at mabisang
nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan. Tinatalakay ang natatangi at
mahahalagang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Ang maikling kwento ay may
kapayakan at kakauntian ng mga tauhan.

Ayon naman kay Vergara (2022), “nakilala si Edgar Allan Poe dahil sa pagsulat niya ng
nakagigimbal na mga maiikling kwento. Ang kauna-unahang Amerikanong manunulat na
sumubok na maghanapbuhay sa pamamagitan ng pagsulat lamang.” Makikita sa pahayag na ang
mga manunulat ang tunay na boses ng panitikan, sila ang dahilan upang mailathala ang mga
kaganapan noong unang panahon. Ang mga nasusulat sa panitikan ang siyang magsisilbing
gabay upang ang bawat mga kaganapan noon ay matuklasan ng mga kabataan ngayon at sa
susunod pang henerasyon. Ang pagbibigay ng masusing pansin sa mahahalagang aral at balyung
maikikintal mula sa mga maikling kwento, ang magiging basehan upang maiugnay sa usaping
pagpapamulat sa reyalidad na nangyayari sa pamilya, paaralan, at panlipunan. Ayon kay
Durkheim (2011), “Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga
pangyayari at gawain. Ang lipunang ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago. Binubuo ang
lipunan ng magkakaiba subalit magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang maayos na lipunan
ay makakamit kung ang bawat pangkat at institusyon ay gagampanan nang maayos ang kanilang
tungkulin”.

Mahalaga ang reyalidad at balyus sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat tao.


Maaari itong maging gabay upang makamit ng tao ang kanyang mga hangarin sa buhay. Likas na
rin sa tao ang pagsubok sa bawat laban ng buhay, ang pakikipag-ugnayan sa mga hindi kilala,
kundi pati na rin sa paaralan at lipunan ay nakasanayan rin. Ang pang-araw-araw na pamumuhay
ng bawat indibidwal, ay mahalaga at nararapat na mayroong balyus na kabutihan at nakakagawa
sa kapwa ng mga magagandang asal.

Ito ang dahilan kung bakit ang maikling kwento ay itinuturo sa mga paaralan. Makikita sa
maikling kwento ang reyalidad ng buhay at mga balyus na kailangan taglayin ng isang tao sa
pang-araw araw na pamumuhay. Ang mananaliksik ay pumili ng limang piling maikling kwento.
Ito ay ang “Saranggola, Lupang Tinubuan, Sandosenang Sapatos, Tata Selo, at Bangkang Papel.”

Ang mga limang piling maikling kwento ang isa sa naging instrumento upang hubugin
ang moralidad at matuklasan ng mambabasa ang inaasam na balyus sa kanyang henerasyon at
makita ang paraan sa paglutas ng suliranin at paghubog ng mga tauhan. Ang mga limang piling
maikling kwento ay napakalaki ng ambag sa lipunan, dito ipinapakita ang mga umiikot na
pangyayari sa kwento, kung saan matutuklasan ang mga balyus na mayroon ang isang tauhan, na
maaaring maisabuhay upang maging mabuti ang buhay ng isang indibidwal.

Ang pananaliksik na ito ay makapagbibigay lawak sa kaisipan ng bawat tao hinggil sa


kaganapan sa lipunan lalo na sa paaralan sa pamamagitan ng limang piling maikling kwento na
ginagamit sa ikawalong baitang ng DSMSMNHS na “Saranggola”, “Lupang Tinubuan”,
“Sandosenang Sapatos”; “Tata Selo”, at ang “Bangkang Papel”. Maipapakita nito ang layunin ng
may akda, kaugnayan nito sa aktwal na kaganapan ng lipunan at ang pagmulat nito sa kamalayan
at kahalagahang pantao ng bawat Pilipino

Balangkas Teyoretikal

Nagiging matagumpay ang isang pag-aaral lalo na’t may katulong na mga teorya na
siyang gagamiting gabay upang makamit ang minimithi ng mananaliksik. Isinalig ng
mananaliksik sa Teoryang Moralistiko ang kanyang pag-aaral. Ang layunin ng teoryang ito ay
ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao- ang pamantayan ng
tama at mali. Inilahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o
kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan (Castillo, 2019). Ang
moralidad ay napagkasunduan ayon na rin sa kaantasan nito. Ang balyus na pinahahalagahan sa
mga akda ay nasa larangan ng moralidad ng kilos at gawi sa pang-araw-araw na buhay ng tao
bilang isang mamamayan o kasapi ng komunidad. Ang moralistikong teorya ay nagbibigay-diin
sa mga layuning dakila at pinahahalagahan nito ang kabutihan, ang tama, at ang kagandahang
asal, tamang pakikipagkapwa, mabuting pag-uugali at wastong reaksyon ng tao sa kanyang
kapwa. Ang teoryang moralistiko ay napili sa pananaliksik dahil sumasalamin ito sa dapat na
kalagayan ng lipunan, kung saan makatutulong sa pagtibay ng pananaliksik.

Ayon kay Battad (2014), ang teorya ng realismo ay tumatalakay sa katotohanan sa


lipunan. Karaniwan nitong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kahirapan
at diskriminasyon. Madalas din itong nakapokus sa lipunan. Sumasalamin ang limang maikling
kwento na “Saranggola”, “Lupang Tinubuan”, “Sandosenang Sapatos”, “Tata Selo”, at
“Bangkang Papel,” sa teoryang Realismo dahil nagpapahayag ito ng katotohan o reyalidad ng
buhay.

Sa nabanggit na teorya ibinatay ng mananaliksik ang kanyang ginawang pagsusuri sa


limang piling maikling kwento na ginagamit sa ikawalong baitang ng DSMSMNHS. Mula sa
mga akda, nakatitiyak ang mananaliksik na makikita ang hinahanap na mga mahahalagang aral at
mga balyung maikikintal na magiging gabay tungo sa tamang landasin na aakay sa kabutihang
panlahat.
Balangkas Konseptuwal

Limang Maikling Kwento


na ginagamit sa ikawalong Pagsusuri sa Limang Maikling
baitang ng DSMSMNHS: Kwento ayon sa:
 Saranggola
 Lupang Tinubuan
 Sandosenang
Sapatos  Paksa/Tema; at
 Tata Selo  Himig
 Bangkang Papel
na susuriin batay sa:
 Tauhan
 Katutubong Kulay
 Madulang
Pangyayari

Mungkahing Karagdagang Babasahin sa Pagpapataas sa


Balyus ng mga Mag-aaral

Pigura 1

Ang pigura 1 ay ang balangkas konseptuwal hinggil sa pagsusuri sa mga balyus sa mga
piling maikling kwento na ginagamit sa ikawalong baitang ng DSMSMNHS.

Makikita sa unang kahon ay ang proseso sa pagkilala at pagpapahalaga sa limang piling


maikling kwento. Sa ikalawang kahon ang mga pagsusuri sa paksa/tema at himig ng maikling
kwento na ginagamit sa ikawalong baitang. Isang mungkahing karagdagang babasahin na
naglalaman ng mga balyus ay magiging awtput ng pag-aaral.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang alamin ang mga balyus na nakapaloob sa limang
piling maikling kwento na ginagamit sa ikawalong baitang ng DSMSMNHS.

Sisikaping sagutin sa pag-aaral na ito ang sumusunod na tiyak na katanungan:

1.Ano-anong uri ng maikling kwento ang malimit na ginagamit sa ikawalong baitang ng


DSMSMNHS batay sa:

1.1. Tauhan

1.2. Katutubong Kulay

1.3. Madulang Pangyayari

2.Ano-ano ang mga katangian ng limang piling maikling kwento na ginagamit sa ikawalong
baitang ng DSMSMNHS ayon sa:

2.1. Paksa/Tema: at;

2.2. Himig

3.Ano-ano ang mga balyus na nilalaman ng mga maikling kwento ayon sa mga sumusunod na
sentro:

3.1. Katotohanan

3.2. Pagmamahal (Moral)

3.3. Panlipunang Pananagutan

4.Anong mga karagdagang babasahin ang maaaring mabuo sa pagpapataas ng balyus ng mga
mag-aaral ng ikawalong baitang ng DSMSMNHS?
Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Makabuluhan ang mga akdang pampanitikang nakapagpapayaman sa isip, humuhubog sa


isang indibidwal at nakapagbibigay ng inspirasyon upang gumawa ng kabutihan.

Sinasaklaw ng pag-aaral na ito ang pag-alam at pagsusuri sa piling maikling kwento na


ginagamit sa ikawalong baitang ng Doroteo S. Mendoza Sr. Memorial National High School.
Ang piling maikling kwento ay ang Saranggola, Lupang Tinubuan, Sandosenang Sapatos, Tata
Selo, at Bangkang Papel. Saklaw pa rin ng pag-aaral ang pag-alam sa uri ng maikling kwento,
paksa, at himig. Nakapokus sa pag-alam sa mga balyus hinggil sa katotohanan, pagmamahal
(moral), at panlipunang pananagutan ang pag-aaral na ito.

Isasagawa ang pananaliksik ngayong taong 2023 sa paaralan ng Doroteo S. Mendoza Sr.
Memorial National High School.
Kahalagahan ng Pag-aaral

Sinasabing ang panitikan ay salamin ng buhay. Maaaring makatulong ito upang lalong
mapabuti ang pag-uugali ng isang tao lalong-lalo na sa kanyang pang-araw-araw na pakikipag-
ugnayan sa kapwa.

Inaasahan ng mananaliksik na magkaroon ng malaking ambag ang pag-aaral na ito sa


mga sumusunod:

Mag-aaral. Mapapalawak ang kaalaman ng mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng balyus.


Mabibigyan ng wastong pagpapahalaga ang kabutihang-asal upang maging patnubay sa pang-
araw-araw na buhay tungo sa kaunlaran ng lipunan.

Magulang. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing paalala at magbibigay sa mga magulang ng


kaalaman hinggil sa mga balyus na dapat nating kapulutan ng mga aral.

Punung-guro. Mapapaalalahanan ang mga punong-guro na hikayatin ang mga guro na bigyan
ng pagpapahalaga ang pagtuturo sa panitikan bilang isang makabuluhang paksa.

Guro. Inaasahang makatutulong ang pag-aaral na ito lalo na sa guro ng panitikan. Mapapalago
ang kanilang kamalayan at mapapalawak ang kanilang imahinasyon tungo sa pagpapabuti ng
kanilang pagtuturo hinggil sa mga balyus na dapat matutunan ng mga mag-aaral.

Susunod na mga Mananaliksik. Makatutulong sa mga mananaliksik ang karagdagang


impormasyong makukuha sa pag-aaral na ito. Magsisilbi itong lunsaran sa pangangalap ng datos
na may kaugnayan sa kanilang gagawing pananaliksik na may kaugnayan sa pananaliksik na ito.
Katuturan ng mga Katawagang ginamit sa Pag-aaral

Upang higit na maging malinaw at mabisa ang pag-unawa sa pag-aaral na ito, binigyan
ng katuturan ang mga talakay batay sa pagkakagamit sa pag-aaral.

DSMSMNHS. Doroteo S. Mendoza Sr. Memorial National High School.

Himig. Ito ay tumutukoy sa kulay ng damdamin na mararamdaman sa Maikling Kwento at


maaaring mapanudyo, mapagtawa.

Katotohanan. May kaugnayan sa prinsipyo ng katumpakan, katunayan, katiyakan at mabuting


paniniwala.

Katutubong Kulay. Uri ng maikling kwento na naglalarawan sa isang tiyak na pook o lugar;
anyo ng kalikasan; at ang uri ng pag-uugali, paniniwala at pamumuhay ng mga taong
naninirahan sa nasabing lugar.

Madulang Pangyayari. Uri ng maikling kwento at binibigyang diin ang kapanapanabik at


mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagpapabago sa tauhan.

Moral. Ito ay tumutukoy sa mga prinsipyong dapat sundan ng isang tao o lipunan.

Paksa/Tema. Ito ang pang-isiping iniikutan ng mga pangyayari sa akda.

Pagmamahal. Ito ay kahandaang magsakripisyo para sa ikabubuti ng isang tao.

Panlipunang Pananagutan. Ito ay tumutukoy sa kinakailangang gawain ng isang tao,


institusyon o grupo.

Tauhan. Ito ang mga gumanap sa limang maikling kwento na ginagamit sa DSMSMNHS, ang
magsisilbing repleksyon ng iba’t ibang katangian na mayroon ang isang tao.
KABANATA II

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga kaugnayan ng literatura at pag-aaral na


naging basehan sa isinagawang pag-aaral.

Kaugnay na Literatura

Ang pagsisiyasat ng mga akdang maikling kwento ay gawain ng isang mag-aaral na


naghahangad na matuto mula sa mga kwentong may balyus. Ang maikling kwento ay maaaring
magmulat at ihalintulad sa tunay na buhay.

Ayon kay Escritoria (2022), Ang panitikan ay kalipunan ng mga sulatin at mga akdang
maituturing ding mga likhang sining. Ito ay nagpapahayag ng mga diwa, kaisipan, damdamin at
karanasan ng mga tao o manunulat. Ang salitang panitikan ay mula sa salitang “titik” kung saan
dinagdagan lamang ng unlaping pang- at hulaping -an na naging pangtitikan at ‘di kalaunan ay
naging panitikan. Ang kahulugan sa Ingles ay literature mula sa salitang Latin na littera na ang
ibig sabihin ay letters o letra. Ang bawat literatura o panitikan ay sumasalamin sa panahon at
kultura kung kailan ito naisulat. Nasasalaysay din dito ang lipunan, pamumuhay,
pananampalataya at maging ang mga emosyon ng mga tao tulad ng pag-ibig, kaligayahan,
kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak, pangamba at iba pa.

Ang nabanggit na pahayag, ay nagpapabatid na sa pamamagitan ng panitikan ay


naipapahayag ng mga indibidwal ang kanilang saloobin at naitatampok ang mga salitang nais
bigyang pansin. Ang mga karanasang nangyari noong sinaunang panahon ay nalalaman ng mga
kabataang mag-aaral sa paaralan sa pamamagitan ng pag-aaral ng asignaturang panitikan. Ang
panitikan ang isa sa intsrumento upang maipabatid ang mga kabuluhan, kaalaman o karagdagang
impormasyon na nais ibahagi sa iba. Ang panitikan ay maaaring isalaysay sa iba’t ibang paraan.
Maaaring ipakita ang panitikan na nasa anyong maikling kwento tungkol sa paghihiganti ng
isang tao, diskriminasyon at kalungkutan.

Batay sa pahayag ni Garzon (2019), “sa asignaturang Filipino, isa sa mga tinatalakay dito
ay ang tungkol sa panitikan. Kadalasan, ito ay tinatalakay sa sekondarya at kolehiyo sapagkat
medyo komplikado ito sa maraming sangay.” Mahihinuha sa nabanggit na pahayag na ang
panitikan ay isang komplikado at konkreto, sapagkat ang mga napapaloob dito ay hindi mo
maiintindihan kung hindi mo ito susuriin at iintindihing mabuti. Ito’y maraming sangay at may
malalalim na kahulugan at dugtong dugtong na kaalaman na siyang magtatagpi tagpi sa malikot
na isipan ng mga mag-aaral. Ang panitikan ang sasagot sa bawat katanungan na nais mabigyang
kaliwanagan na may kinalaman sa kaganapan noong mga ninuno pa lamang ang siyang
nabubuhay.

Ang pag-aaral ng panitikan ay may layuning makagising ng diwa ng mga mambabasa


batay sa kanilang paniniwala at pananaw sa buhay. Ang ACADEME University of Bohol,
Graduate School and Professional Studies Journal ay may layuning pagpapalawak ng kanilang
kaalaman tungkol sa ibang tao at upang madagdagan ang pagka-unawa at kawilihan sa pagbasa
at pagsuri ng maikling kwento. Mapasisimulan ng isang mambabasa ang pagkilala o
pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan. Mahalagang alam at ramdam natin ang ating
sariling panitikan dahil makatutulong ito nang malaki upang makilala ang mga manunulat at ang
kanilang sinusulat at mapalalim ang pagpapahalaga at pagtangkilik sa mga akda. Sinasabi na ang
tunay na panitikan ay yaong nagpapahayag ng damdamin, panaginip, at karanasan ng
sangkatauhang nasusulat sa maganda, makahulugan at masining na pahayag (Vallecera, 2019).

Ang panitikan ay nakikipagsabayan sa pag-imbulog ng kaunlaran at kasama na rito ang


pagbabago sa mga paksang-uri ng panitikang Pilipino. Ang maikling kwento ay patuloy na
namamayagpag sa kasalukuyang panahon at sa tulong ng iba’t ibang manunulat ay nanatiling
bukas sa iba’t ibang pamamaraan na nagpapayaman dito. Ang journal na ito ay may kaugnayan
sa isinagawang pag-aaral, ang mga maikling kwento na may balyus ang magmumulat at
magbibigay interes sa mga mag-aaral na maglaan ng panahon na basahin ang panitikan lalong
lalo na ang maikling kwento sa tulong at gabay ng mga magulang at guro sa paaralan.

Ang ilan sa mga kabataan lalong lalo na ang mga mag-aaral ay hindi interesado na
magbasa ng maikling kwento na nakalimbag lalo na kung ito ay mahaba. Nagbabasa ang iba sa
internet ng maikling kwento ngunit hindi lahat at kalimitan ay nasa mababang bilang lamang ng
mag-aaral at mas pinipili nila ang pagbabasa ng pocket book, panunuod sa telebisyon at kung
minsan pa ay pagbabasa sa internet ng “memes sa facebook”, at paglalaro ng online games na
walang kinalaman sa panitikan. Batay sa ginawang sarbey ni Lone (2011) na pinamagatang
““Impact of internet on reading habits of the net generation college students”, lumabas sa sarbey
na maraming mag-aaral ang walang interes at marami ang nababagot sa pagbabasa ng panitikan
lalo na kung ito’y mahaba at nakalimbag. Mayroong 70% ang lubusang sumang-ayon na unti-
unting bumaba ang bilang ng mga mag-aaral na nagbabasa ng mga limbag na sulatin dahil sa
internet at 30% naman ang hindi sang-ayon. Batay sa sarbey na ito, isang hamon sa isang guro
kung paano makukuha ang atensiyon ng kanyang mag-aaral, kung paano magagawang
interesante ang panitikan sa pagtuturo, kung paano gawing kawili-wili ang talakayan sa loob ng
klase, kung paano mailalapat sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng panitikan, at kung paano ito
maisasalin hanggang sa susunod na henerasyon. Mahalaga sa pagtuturo ng panitikan ang
pagsusuri nito upang mailahad ng isang guro ang tunay na layunin ng isang akda.

Batay sa pahayag na ito, ang pagsusuri sa mga balyus sa maikling kwento ay dapat na
bigyang pansin upang ang mga mag-aaral ay mahubog at mapalawak ang kaisipan sa paggawa
ng kabutihan. Ang guro ay dapat mag-isip ng mga estratehiyang makapupukaw ng interes ng
mag-aaral upang mapahalagahan ang kabuluhan ng maikling kwento. Ang panitikan ay nararapat
na maisama sa pagtuturo sapagkat ang dulot nitong kabutihang asal ang magkikintal sa isipan
nila, upang magkaroon ng kawilihan sa pagbabasa ng mga akdang Pilipino na nakalimbag.

Ayon muli kay Garzon (2019), “ang maikling kwento ay mayroong walong
elemento. Ang mga ito ay ang tauhan, tagpuan, banghay, kaisipan, suliranin, tunggalian, at
paksang diwa; tauhan na siyang tumutukoy sa mga panauhin sa kwento; tagpuan na kung saan
nagaganap ang kwento; banghay na tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
kwento; kaisipan na mensahe ng maikling kwento sa mambabasa; suliranin na tumutukoy sa
problemang kinakaharap ng tauhan sa kwento; tunggalian na maaaring tao laban sa tao, tao laban
sa sarili, tao laban sa lipunan, o tao laban sa kalikasan; at paksang diwa na pinaka-kaluluwa ng
kwento.”

Ang mga elemento ng maikling kwento ang nagbubuod sa pangyayaring nabuo sa isang
kwento. Ang mga tauhan na gumaganap at nagiging sentro o tagapagdaloy sa kwento, ang
tagpuan ay ang lugar na nabanggit ang banghay na tumutukoy sa maayos na malinaw na
pagkakasunod sunod ng mga pangyayari. Ang mga elemento ng maikling kwento ang
nagsisilbing basehan upang ang bawat daloy ng kwento ay maanalisa at mabigyang kalinawan at
malaman ang tunay na layunin at paksang napapaloob dito.

Ayon kay Ramel (2021), “noong panahon ng katutubo, bago pa man dumating ang mga
kastila ay nasilayan na ang maikling kwento. Ito ay kadalasan tungkol sa mga diyos-diyosan, at
kalikasan, tinatawag itong kwentong bitbit, dito nag-ugat ang maikling salaysay na tungkol sa
mga bagay na hindi kapani paniwala, tulad ng mga laman-lupa. Ang kanilang pamamaraan sa
pagsasalaysay ng maikling kwento ay pasalita. Noong unang panahon ay itinuturing ito na
gintong panahon ng maikling kwento at ng dulang tagalog sapagkat ipinagbawal ng mga hapones
ang gumamit ng wikang Ingles sa paglikha ng katha.” Malinaw na ang maikling kwento ay
nagsimula sa panahon ng ating mga ninuno.

Ang maikling kwento ay nagmumula sa ating mga ninuno at kadalasan ang mga
kwentong ito ay nagpapasalin salin. Ikinukwento ng mga ninuno sa kanilang anak at ibinabahagi
sa susunod pang henerasyon kung kaya’t ang maikling salaysay ay mas napapalawak at
nabibigyang kahalagahan. Ang mga kwentong ito na may balyus ang siyang nagtuturo sa bawat
tao na maisabuhay at pahalagahan ang mga bagay na nagmula pa noong unang panahon.
Makatutulong ito sa ikawalong baitang ng DSMSMNHS upang maging bukas at magkaroon ng
pagkakataon na ituwid ang kamalian at ibandera ang pagiging isang mag-aaral na may mabuting
balyus.

Inihayag naman ni Lark (2022), “Ang mga kwento ay parte na ng ating kultura.
Makakakuha tayo ng bagong kaalaman tungkol sa ating tradisyon at kaugalian hindi lamang sa
atin kundi pati na rin sa iba’t ibang bansa.” May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga
maikling kwento sapagkat nagbibigay ng mga balyus na aral para sa mga batang mambabasa at
nalalaman ang kultura at tradisyon pati na rin ng ibang bansa, at nagiging daan ito upang
mapanatiling buhay ang mga kwento.
Kaugnay na Pag-aaral

Limitado pa ang mga kaugnay na pag-aaral na nakapaloob sa pananaliksik na ito sa


dahilang iilan pa lamang ang gumawa ng ganitong uri ng pag-aaral, kung mayroon man ay wala
sa genreng maikling kwento ng panitikan.

May kaugnayan ang pag-aaral ni Rubio (2010), na pinamagatang “Isang Dekonstrukyong


Pagsusuri sa mga Piling Maikling Kwento ni Pedro S. Dandan.” Natuklasan niya na ang mga
kwento ni Pedro S. Dandan ay mayroong pagkasikolohikal, sumasalamin sa katotohanang
naganap sa panahon ng digmaan o kapayapaan, tumutukoy sa kalikasan, tunggalian ng tradisyon
at pagbabago, at paghahangad ng taong maabot ang mataas na uring espiritwalidad. Ipinapakita
na akmang akma ang mga maikling kwento ni Dandan sa pagtuturo ng kahalagahan sa
elementerya, highskul at maging sa unibersidad.

Ang pag-aaral ni Rubio, ay may kaugnayan sa isinagawang pananaliksik sapagkat ang


limang piling maikling kwento na ginagamit sa ikawalong baitang ng DSMSMNHS ay
sumasalamin din sa katotohanang naganap. Ang Sandosenang Sapatos na sumasalamin
reyalidad, ang pagkakaroon ng kapansanan ay hindi hadlang upang magkaroon ng isang normal
at matagumpay na buhay. Ang Lupang Tinubuan, na siyang naglalarawan gayundin sa
pamumuhay ngayon na ang bawat tao ay nagbabalik tanaw sa pinanggalingan matapos lumisan
ng ilang taon. Ang Saranggola, na nagpapabatid na ang lahat ng bagay na hindi nakuha ay
mayroong mga rason. Ang pagtatanim at paghihiganti sa kapwa lalong lalo na sa kasapi ng
pamilya ay hindi nakabubuti. Tata Selo, na nakaranas ng hindi magandang pamumuhay dahil sa
isang maling desisyon na hindi napagisipan at ang Bangkang Papel na tumatalakay sa
pagkawasak ng pamilya dahil sa isang gyera. Ang mga maiikling kwento na ito, ay akmang
akmang mapag-aralan upang makakuha ng mga balyus na magtuturo para sa mabuti at upang
maisabuhay ito sa pang-araw-araw.

Isinulat ni Vallecera (2019), sa kanyang pananaliksik na pinamagatang “Pagsusuri sa mga


Piling Maikling Kwento ni Liwayway Arceo: Mungkahing Gabay ng Pagtuturo,” ang natuklasan
sa pag-aaral na ito ay nangingibabaw ang mga elementong pampanitikan sa piling maikling
kwento. Pumapaksa sa iba’t ibang sitwasyon at reyalidad na nagaganap sa buhay.
Ang isa sa paraan pa ng pagpapayabong ng panitikan ay ang patuloy na pag-aaral sa mga
uri nito gaya ng literaturang mga kwento. Kitang-kita na ito ay may malaking kapakanibangan sa
pagpukaw ng interes ng mga bata na maging gabay sa kanilang araw araw na pamumuhay. Ang
mga maikling kwento, ay dapat na masuri at mas pagtuunan ng pansin, dahil ito ay maaaring
makadagdag sa kagamitang pampagtuturo na gamit sa edukasyon.

Ayon kay Will (2020), “ipinapaliwanag ang katangian ng mga maikling kwentong
tagalog bilang anyong pampanitikan at matatagpuan na mga pananaw o persepyon ng mga tao sa
iba’t-ibang reyalidad”. Batay sa nabanggit na pahayag, ang bawat tao ay may kanya-kanyang
ginagampanan sa lipunang ginagalawan. Nalilikha ang iba’t ibang maikling kwento dahil sa iba’t
ibang karanasan ng tao sa buhay. Ang karanasang ito ang nagbibigay resulta upang mas maging
matibay at makabuluhan ang mga paniniwala ng tao sa reyalidad.

Ang pag-aaral ni Loloy (2017), “ay nakasaad sa aral ng maikling kwentong saranggola na
dapat ay palaging makinig sa magulang at sundin ang kanilang payo dahil ang hangad lamang
nila ay ang ikabubuti ng mga anak.” Ang mga magulang ang pangunahing tao na nagmamahal sa
isang anak. Ang mga ginagawa nila na sa tingin ay kahigpitan at katipidan ay para lamang sa
ikabubuti ng anak, upang matuto habang bata pa lamang. Ang maikling kwento ang siyang
gagabay sa bawat kabataan lalo na sa ikawalong baitang na mamulat sa kaganapan sa lipunan at
gumawa ng kabutihan at kagandahang asal.

Ayon kay Baoc (2022), sa pag-aaral na pinamagatang “Mahalagang Ugaling Pilipino na


Matatagpuan sa Maikling Kwento sa Huling Taon 2000” ay kanyang natuklasan na bawat
kwentong sinuri ay naglalaman ng mahahalagang ugali na dapat taglayin ng sinuman. Bagaman,
ang mga kwento ay isang kathang-isip lamang, ito naman ay naglalarawan ng tunay na buhay,
pamumuhay, ugali, pamamahala, at uko sa lipunan.

Ang mga mahahalagang pag-uugali gaya ng pagpapahalaga sa sarili, pakikisama o


pakikipagkapwa, pagkamakabayan at pagkamaka-Diyos ay mga katangi-tanging ugali na dapat
taglayin upang makapamuhay nang matiwasay at maunlad. Ang kagandahang-asal o ugali ng
isang tao ay maipagkakapuri, hindi lamang sa kanyang sarili, bagkus sa buong bansa na rin.
Pinag-aaralan ang pagsusuri sa mga balyus sa maikling kwento upang mga mag-aaral lalo na sa
ikawalong baitang ay mahubog din at taglayin ang balyus na mayroon ang isang Pilipino.
Ang pag-aaral ni Chae (2020), ay pimagatang “Epektibong Pamamaraan na Ginagamit ng
mga Guro ng Naic Coastal National Highschool sa Pagtuturo ng Maikling Kwento ayon sa mga
Piling mag-aaral ng Grade 9 sa panunurang 2019-2020: tungo sa kahandaan” ay layunin nito na
masuri ang suliranin, metodolohiya, paglalahad at interpretasyon ng mga datos at masuri o
malitis ang proseso ng paghihimay ng isang masalimuot na paksa o substansiya upang maging
mas maliit na mga bahagi.

Iniugnay ng mananaliksik sa kanyang pag-aaral ang mga nabanggit na literatura at pag-


aaral sapagkat naniniwala siyang makatutulong nang malaki ang mga impormasyong nakapaloob
sa ginawang pananaliksik upang mapagtibay ang kahinaan nito.
KABANATA III

DISENYO, INSTRUMENTO AT PAMAMARAANG GINAMIT SA PANANALIKSIK

Inilalahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral at paglalarawan


sa mga hakbang na isasakatuparan sa pagsusuri at pagpapakahulugan ng mga limang piling
maikling kwento.

Disenyo ng Pananaliksik
Ang pananaliksik na ito ay isang deskriptibong pag-aaral na naglalayong masuri ang
limang piling maikling kwento na ginagamit sa ikawalong baitang ng Doroteo S. Mendoza Sr.
Memorial National High School.
Ang pamaraang ito’y ginamit upang maipakita ang katotohanan ng pakahulugan sa mga
datos na nakalap. Ayon kay Casimiro (2023), “Ang deskriptibong pananaliksik ay imbestigasyon
na naglalarawan at nagbibigay kahulugan sa isang bagay o paksa. Ito ay isang uri ng
pagsasaliksik na ginagamitan ng kwalitatibong pamamaraan. Kadalasan itong naglalayon na
makahingi ng opinyon o mga bagay na relatibo o nagpapabago bago sa iba’t ibang tao, sa iba’t
ibang pagkakataon, lugar o panahon. Tumutugon sa tanong na sino, ano, paano, at kailan na may
kinalaman sa paksa ng pag-aaral”.
Ang disenyong paglalarawan o deskriptibo ay ang nakita ng mananaliksik na magiging
mabisa sa pag-aaral na ito upang mas makakalap ng impormasyon na magiging epektibo sa
pananaliksik.

Instrumentong Gagamitin
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagkuha ng mga datos na nakalap
sa paaralan ng Doroteo S. Mendoza Sr. Memorial National High School. Nakatulong din sa
mananaliksik ang mga impormasyon na nakalap mula sa mga artikulo at internet upang
makalikom ng mga datos na makakatulong upang mabigyang katuparan ang mithiin ng pag-
aaral.

Pamamaraan
Isasagawa ng mananaliksik ang mga sumusunod na hakbang sa pagkuha ng datos:

Pagpili ng mga Maikling Kwento na Susuriin:

Ang mananaliksik ay gumamit ng internet at nakipag-usap sa guro ng ikawalong baitang


at humanap ng mga maikling kwento na ginagamit sa kanilang paaralan. Bilang bahagi ng
saklaw at delimitasyon ng pag-aaral, pinili lamang ng mananaliksik ang limang maikling kwento
bilang mga akdang susuriin.

Pagbabasa ng mga Maikling Kwento:

Binabasa ng mananaliksik ang limang piling maikling kwento na ginagamit sa ikawalong


baitang ng DSMSMNHS upang higit na mas maintindihan ang mensahe na nais ipabatid nito sa
mga mambabasa. Sinuri at inunawa ng mananaliksik ang limang akda para sa ginagawang pag-
aaral.

Ang mga datos na nakalap ng mga mananaliksik mula sa libro, internet at artikulo ay
pinagsama-sama upang makuha ang angkop na datos na magsisilbing kasagutan sa mga
katanungang inilahad ng pag-aaral.

Huling hakbang na isinagawa ng mananaliksik ang pagbuo ng pamantayan na magiging


awtput o ambag ng isinagawang pag-aaral at maaaring magamit bilang gabay na kagamitan ng
mga mag-aaral.

You might also like