Filipino 10 Q3 Week 2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

1

Aralin Pangangatwiran sa isang Debate o Pagtatalo


Pamantayan sa Pagsasaling Wika
2

Mga Inaasahan

Magandang araw mga mag-aaral. Nalakbay mo ang mundo ng mitolohiya at


nabighani ka sa ganda ng panitikang ito. Sa araling ito naman matututuhan mong
makapagbigay ng sarili mong katuwiran hinggil sa isang akda at magagawa mo rin
ang makapagsalin ng mga salita ayon sa paggamit ng angkop na mga pamantayan sa
pagsasaling-wika.
Sa daloy ng aralin, inaasahang magagawa mo nang may pang-unawa ang mga
sumusunod na kasanayan.

1.Nabibigyang-puna ang napanood na video clip (F10PD-IIIa-74)


2.Napangangatwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa sa
pamamagitan ng debate/pagtatalo (F10PS-IIIa-78)
3. Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika
(F10WG-IIIa-71)

Handa ka na ba? Tara! Alam kong nasasabik ka na magbasa pero sagutin mo


muna ang unang gawain.

Paunang Pagsubok
Basahin ang mga halimbawang salin sa ibaba at lagyan ng tsek (/) ang bilog
na katapat ng pahayag na sa palagay mo’y mahusay ang pagkakasalin at ng ekis
(x) sa hindi.
“Our environment, the world in which we live and work, is a mirror of
A.Orihinal our attitudes and expectations.”
-Earl Nightinggale

“Ang aming kapaligiran, ang mundo kung saan tayo nakatira at


trabaho, ay isang salamin ng aming mga saloobin at mga inaasahan.”
-Salin mula sa http://imtranslator.net/

“Ang ating kapaligiran, ang mundo kung saan tayo namumuhay at


naghahanapbuhay , ay sumasalamin sa ating mga saloobin at
inaasahan.”
-Isang malayang pagsasalin

_____________________________________________________________________________________

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikalawang Linggo
2

B.Orihinal “Earth provides enough to satisfy every man’s needs, but not every
man’s greed.”
-Mahatma Gandhi

“Earth ay nagbibigay ng sapat na upang masiyahan ang mga


pangangailangan ng bawat tao, ngunit kasakiman hindi lahat ng
tao.”
-Salin mula sa https://translate.google .com.ph/
-Mahatma Gandhi
“Ang mundo ay nakapagbibigay nang sapat upang matugunan ang
pangangailangan ng bawat tao, subalit hindi ang kasakiman ng tao.”
-Isang malayang pagsasalin

Bago tayo magpatuloy, sagutan mo muna ang pagsasanay bilang balik-aral


sa nakaraang aralin.

Balik-tanaw

Mula sa mitolohiyang iyong nabasa sa unang aralin ay sagutin kung tama o mali
ang mga pahayag.
________ 1. Ang mitolohoya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga
tradisyunal na kuwento, mito, mga kuwento na binubuo ng isang partikular na
relihiyon o paniniwala.
_________2. Si Osiris ay isang Ehipsiyong diyos na kinilala bilang ang diyos ng buhay
na buhay, ang underworld at muling pagsilang.
_________3. Si Masha ay diyos ng liwanag at karunungan.

________ 4. Unang ginawa ni Ahura Mazda ang kalupaan na walang mga burol at
bundok.
________ 5. Ang salitang Khenti- Amantiu ay nangangahulugang “Pinakamamamayan
ng mga Kanluran”

Pagpapakilala ng Aralin

Ngayon ay matututuhan natin ang mga dapat tandaan sa isang debate o


pagtatalo at ang pamantayan sa pagsasaling-wika.

A. Ang debate o pakikipagtalo


Ang debate ay isang pakikipagtalong may estruktura. Isinasagawa ito ng
dalawang grupo o pangkat na may magkasalungat na panig tungkol sa isang
napapanahong paksa: ang dalawang panig ay ang proposisyon o (sumasang-ayon) at
ang oposisyon (sumasalungat). May isang moderator na magiging tagapamagitan

_____________________________________________________________________________________

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikalawang Linggo
3

upang matiyak na magiging maayos ang daloy ng debate at igagalang ng bawat


kalahok ang mga tuntunin ng debate. Sa pagtatapos ng debate ay may mga huradong
magpapasiya kung kaninong panig ang higit na nakapanghikayat. Ang mga hurado ay
dapat walang kinikilingan sa dalawang panig ng mga nagdedebate at kailangang
nakaupo nang magkakalayo sa isa’t isa at hindi mag-usap-usap bago magbigay ng
kani-kanilang hatol upang maiwasang maimpluwensiyahan ang hatol ng isa’t isa.
Di tulad ng mga karaniwang argumento sa pagitan mo at ng iyong pamilya o
mga kaibigan, ang bawat kalahok sa isang pormal na debate ay binibigyan ng pantay
na oras o pagkakataon upang makapaglahad ng kani-kanilang mga patotoo gayundin
ng pagpapabulaan o rebuttal. May nakatalaga ding time keeper sa isang debate upang
matiyak na susundin ng bawat tagapagsalita ang oras o laan para sa kanila.

Mga katangiang dapat taglayin ng isang mahusay na Debater

1. Nilalaman –Napakahalagang may malawak na kaalaman ang isang debater


patungkol sa panig na kaniyang ipagtatanggol at maging sa pangkalahatang paksa ng
debate.

2. Estilo- Dito makikita ang husay ng debater sa pagsasalita, sa pagpili ng tamang


salitang gagamitin, at sa kaangkupan ng pagbuo niya ng mga pangungusap na
kaniyang babanggitin sa debate.

3. Estratehiya- Dito makikita ang husay ng debater sa pagsalo o pagsagot sa mga


argumento, at kung paano niya maitatawag ng pansin ang kaniyang proposisyon. Dito
rin makikita kung gaano kahusay ang pagkakahabi ng mga argumento ng
magkakapangkat.

Ngayon ay nalaman mo na ang mahahalagang impormasyon tungkol sa debate


o pagtatalo. Ngayon ay alamin natin ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika.

B.Mga Pamantayan sa Pagsasaling-wika

Ang pagsasaling-wika ay ang pagsasalin o paglilipat sa pinakamalapit na


katumbas na mensahe ng tekstong isinasalin sa wika o diyalektong pinagsasalinan.
Sa pagsasaling-wika, kailangang maipabatid nang tama ang mensahe ng isinasalin
kaya naman mahalagang isaisip ng isang tagapagsalin ang sumusunod na paalala o
pamantayan sa pagsasaling-wika:

1. Alamin ang paksa na isasalin. Magbasa o magsaliksik upang mapag-aralan


ito at magkaroon ng mas malawak na kaalaman sa paksa ng tekstong isasalin.

2. Basahin ng ilang beses ang tekstong isasalin. Tiyaking nauunawaan mo ang


nilalaman ng teksto sa lebel na halos kakayanin mo nang ipaliwanag o muling
isalaysay kahit pa wala ang orihinal sa iyong harapan. Gayunpama’y tandaang hindi
ka basta magpa-paraphrase kundi magsasalin kaya hindi mo dapat baguhin, palitan,
o bawasan ang ideya o mensahe ng iyong isasalin.

3.Tandaang ang isinasalin ay ang kahulugan o mensahe at hindi lang mga


salita. Makatutulong ang malawak na kaalaman ng isang tagapagsalin sa wikang
isasalin at sa wikang pagsasalinan. Hindi kasi sapat na basta tumbasan lamang ng
salita mula sa pinagmulang teksto ng isa ring salita sa pagsasalinang wika dahil
literal lang ang kalalabasan ng pagsasalin at maaring hindi mapalabas ang tunay na
diwa ng isinasalin.
_____________________________________________________________________________________

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikalawang Linggo
4

4. Piliin ang mga salita at pariralang madaling maunawaan ng mambabasa.


Mainam kung ang mga salitang gagamitin ay lubos mong mauunawaan ang
kahulugan at tiyak na mauunawaan din ng mga mambabasa upang higit na maging
natural o malapit ang orihinal sa salin.

5. Ipabasa sa isang eksperto sa wikang pinagsalinan o sa isang katutubong


nagsasalita ng wika ang iyong isinalin. Makatutulong ng malaki ang pagpapabasa
ng isinalin sa isang taong eksperto o katutubong nagsasalita ng wikang ito upang
mabigyang-puna niya ang paraan ng pagkakasalin at masabi kung ito ba’y naangkop
na sa konteksto ng isang taong likas na gumagamit ng wika.

6. Isaalang-alang ang iyong kaalaman sa genre ng akdang isasalin.


Makatutulong sa epektibong pagsasalin ang kaalaman ng tagapagsalin sa genre na
kinabibilangan ng isasalin. Halimbawa, hindi basta makapagsasalin ng isang tula ang
isang taong walang gaanong alam sa matatalinghagang salita at mga tayutay na
karaniwang ginagamit sa isang tula. Idagdag pa rito ang kaalaman ukol sa
magkakatugmang salita lalo na kung may sukat at tugma, kailangang pagsikapan ng
tagapagsaling mapanatili rin ito.

7. Isaalang-alang ang kultura at konteksto ng wikang isasalin at ng


pagsasalinan. May mga pagkakataon kasing ang paraan ng pagsasaayos ng
dokumento sa isang wika depende sa kanilang nakasanayan ay naiiba sa wikang
pagsasalinan kaya’t dapat din itong bigyang-pansin ng magsasalin.

8. Ang pagiging mahusay ng tagapagsalin ay nalilinang sa pagdaan ng


panahon at napagbubuti ng karanasan. Kung sakaling sa unang pagtatangka mo ay
hindi mo agad magawang makapagsalin nang halos kahimig ng orihinal ay huwag
mag-alala dahil habang tumatagal ka sa gawaing ito nagkakaroon ng mas malawak na
karanasan ay lalo kang gagaling at magkakaroon ng kahusayan sa gawaing ito.

(Mula sa Pinagyamang Pluma 10 Modyul para sa Mag-aaral)

Inaasahan ko na naunawaan mo ang ating mga tinalakay. Kung may bahaging


hindi mo lubos na nauunawaan ay huwag kang mag-atubiling magtanong sa iyong
guro. Ngayon ay sagutin mo na ang mga gawain sa kasunod na bahagi.

Mga Gawain

Gawain 1.1 Palawakin natin


Panoorin ang debateng inorganisa ng Philippine Collegiate Peace Debate (PCPD)
noong Setyembre 12-14, 2013 upang marinig ang tinig ng kabataan kaugnay ng
kapayapaan. Mapapanood sa video ang dalawang nangunang pangkat na
magtatagisan ng talino at katuwiran mula sa dalawampung malalaking unibersidad
mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Mapapanood ang debate sa link na ito: 1st
Philippine Collegiate Peace debates https://www.youtube.com/watch?v=oo3Fa4L75Rc
( Ang aktwal na debate ay nasa 16.30 hanggang 33.23 ng video.)

Bigyang- puna ang napanood na debate gamit ang pagtataya na makikita sa ibaba.

_____________________________________________________________________________________

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikalawang Linggo
5

Lubos na Sumasang-ayon Hindi sang-ayon


sumasang-ayon
(5) (4) (2)
Puna sa mga
kalahok sa debate
Kalmado at may
maayos na postura
Malinaw ang
pagsasalita
May sapat na
kaalaman sa paksa
Mayroong maayos na
daloy ang palitan ng
argumento
Karagdagang puna:

Paksa:

Ang paksa ng debate


ay napapanahon
May implikasyong
panlipunan ang
paksang
pinagdedebatihan
Wasto ang paksa sa
kakayahan, edad o
baitang ng mga
nagdedebate
Ang paksa ay
nagbibigay ng
pagkakataon na
mapalalim pa ang
pag-iisip ng mga
nagdedebate
Karagdagang –puna:

Mga punto at
argumento:
Napakapagbibigay ng
mga argumento na
may kaugnayan sa
paksa
Nakapagbabato ng
argumento laban sa
argumento ng nasa
kabilang panig
Ang mga argumento
ay obhetibo o walang
personal na pagpanig

Ang mga
argumentong
ibinabato ay
nagpapatibay sa
kani-kanilang piniling
panig.
Karagdagang puna :

_____________________________________________________________________________________

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikalawang Linggo
6

Gawain 1.2 Isalin mo

Gamitin ang mga natutuhang mga pamantayan sa pagsasaling-wika upang


mapabuti ang sumusunod na pagsasalin.

1. bring home the bacon

2. pain is gain

3. dress to kill

4. do not judge the book by its cover

5. break a leg

Gawain 1.3 Subukin pa natin


A. Ngayon naman ay gamitin ang mga natutuhan mong pamantayan sa
pagsasalin ng sumusunod na mga karaniwang pagbati mula wikang Ingles patungong
wikang Filipino.

1. How are you? _____________________________________


2. What can I do for you? _____________________________________
3. I’m pleased to meet you. _____________________________________
4. Can you please show me the way? _____________________________________
5. Where did you come from? _____________________________________

B. May mga katawagang Ingles na hindi dapat isalin nang literal sa Filipino
dahil magkakaroon ito ng ibang kahulugan. Unawain ang ibig sabihin ng sumusunod
at saka isalin nang tama sa Filipino.

1. sleep tight ____________________________________


2. sing softly ____________________________________
3. study hard ____________________________________
4. take a bath ____________________________________
5. fall in line ____________________________________

Matapos mong pag-aralan ang debate at ang mga pamantayan sa


pagsasaling-wika narito ang dapat mong tandaan.

Tandaan
Sa pagsasaling-wika kailangan ng sapat na kaalaman sa dalawang
wikang kasangkot.

Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa


pagsasalin.
_____________________________________________________________________________________

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikalawang Linggo
7

Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa


pagsasalin.

Sa pagdedebate nararapat lamang na ikaw ay may sapat na


kaalaman patungkol sa paksang tinatalakay upang maibigay ang
iyong sapat na pangangatwiran.

Binabati kita! Isang gawain pa ang inilaan ko para sa iyo upang subukan ang iyong
kaalaman at natutunan.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Maliban sa paghahandang ginawa mo sa paunang gawain para sa pagdedebate,


nakatulong din sa iyo ang panonood at pagbibigay-puna at reaksiyon sa napanood na
halimbawa ng mahusay na debate.

Sumulat ng isang pangangatwiran sa sariling reaksiyon hinggil sa paksang nasa


ibaba. Sundin ang pamantayang ibinigay. Ilagay ang sagot sa hiwalay na papel.

“Dapat ba o hindi dapat galawin o sirain ang kalikasan upang magbigay


daan sa pag-unlad at sa mga proyektong makabubuti sa buhay ng mga
mamamayan?”

Ang bawat pamantayan ay may kalakip na puntos batay sa sumusunod.

Pamantayan:
1. May lawak at diin ang pagbibigay reaksiyon.
2. Malinaw ang pagpapahayag ng opinyon.
3. Wastong pagsulat ng talata gamit ang tamang bantas, malaking titik at maliit na
titik.
4. Magkakaugnay ang talakay sa paksa.
5. Sumunod sa tiyak na panutong ibinigay ng guro kaugnay ng gawain.

4 – Napakahusay 2 – Katamtaman
3 – Mahusay 1 – Dapat paunlarin

Pangwakas na Pagsusulit

Pagtapat-tapatin ang wikang Ingles sa salin nito sa Filipino. Titik lamang ng


pinakawastong sagot ang isulat.

1. You are beautiful. A. Hanggang sa muling pagkikita.


2. I’ll be going now. B. Maganda ka.
3. I hope you remember me. C. Ikaw ang aking paborito.
4. Till we meet again. D. Sana ay maalala mo ako.
_____________________________________________________________________________________

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikalawang Linggo
8

5. I want to know E. Paalam, mahal ko


6. You are the apple of my eyes. F. Aalis na ako.
7. Good luck! G. Patawarin mo ako
8. Fight! H. Nais kong malaman
9. Forgive me I. Swertehin ka sana!
10. Goodbye my love J. Makibaka!

Pagninilay

Mahusay at marami ka ng natutunan. Upang ipakita ang mas malawak mo pang


kaalaman sa pagsasaling wika, narito ang ilang mga BABALA na makikita mo sa iyong
pang –araw araw na pamumuhay. Kailangan mong isalin ang mga ito sa wikang
Filipino upang higit nating maunawaan.

1. Flammable liquids _______________________________________________________________

2. Slippery when wet _______________________________________________________________

3. No smoking _______________________________________________________________

Rubrics sa Pagwawasto Bibigyan ka ng sumusunod na puntos


1. Mahusay ang pagkakabuo ng 5- taglay ang tatlong pamantayan
pagkakasalin.
2. Direkta ang punto ng pagkakasalin. 3 – taglay ang dalawang pamantayan
3. Malinaw ang mensahe sa mambabasa
ng isinalin. 1 – isang pamantayan lamang

Binabati kita sa ipinakita mong pagtitiyaga at kahusayan. Kung mayroon pang


hindi naunawaan sa modyul na ito, maaaring makipag-ugnayan ka sa iyong guro.

_____________________________________________________________________________________

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikalawang Linggo
9

SAGUTANG PAPEL
FILIPINO 10
IKATLONG MARKAHAN- IKALAWANG LINGGO

Pangalan: _________________________________Guro: ______________


Baitang at Seksyon: _______________________Iskor: _____________

Paunang Pagsubok Balik-tanaw


A. B. 1. 4.
2. 5.
3.
Gawain 1.1

Gawain 1. 2
1. __________________________________________
2.___________________________________________
3. __________________________________________
4. __________________________________________
5. __________________________________________
Gawain 1.3
A. 1. ___________________________________
2. ___________________________________
3. ___________________________________
4. ___________________________________
5. ___________________________________

_____________________________________________________________________________________

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikalawang Linggo
10

B. 1. ___________________________________
2. ___________________________________
3. ___________________________________
4. ___________________________________
5. ___________________________________
Pag-alam sa natutuhan

Pangwakas na Pagsusulit
1. ___ 6. ___
2. ___ 7. ___
3. ___ 8. ___
4. ___ 9. ___
5. ___ 10. ___

Pagninilay
1. _______________________________________________________________________________

2. _______________________________________________________________________________

3. _______________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikalawang Linggo

You might also like