Filipino 10 Q3 Week 4

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

1

Aralin
Pagsusuri sa Kasiningan at Bisa ng Tula
4
Mga Inaasahan
Sa araling ito, babasahin mo ang isang tula mula sa Uganda. Susuriin mo
ang kasiningan at bisa ng tula. Aalamin mo rin ang kahulugan ng iba’t ibang
simbolismo at matatalinghagang pahayag sa tula.

Matapos ang araling ito, inaasahang matatamo mo ang sumusunod na


mga kasanayan:

1. Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa napakinggan


(F10PN-IIIc-78)
2. Nabibigyang-kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at matatalinghagang
pahayag sa tula (F10PB-IIIc-82)
3. Naiaantas ang mga salita ayon sa damdaming ipinahahayag ng bawat isa
(F10PT-IIIc-78)
Ngayong batid mo na ang tatahakin sa gagawing pagtalakay, maaari mo
ng sagutan ang paunang pagsubok. Sasagutan mo ang mga pagsasanay at
Gawain sa nakaalang sagutang papel.

Paunang Pagsubok

Basahin ang nilalaman ng tula at sagutin ang mga tanong. Piliin ang letra ng
tamang sagot.

Ang Pamana

(Tula)
ni Jose Corazon de Jesus

Isang araw, nakita kong ang ina ko’y namamanglaw


Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan;
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan
Nakita ko ang maraming taon niyang kahirapan…
Sa guhit ng kaniyang pisnging lumalalim araw-araw
Nakita kong ang ina ko’y tila mandin namamanglaw,
At ang sabi: “Itong piyano’y sa iyo ko ibibigay,
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silya’t aparador sa kay Tikong ibibigay,
Sa ganyan ko hinahati itong aking munting yaman.
Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha
Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,
Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikaapat na Linggo
2

Na hindi ko mapigilan at hindi ko masansala;


Naisip ko ang ina ko, ang ina kong kaawa-awa.
Tila kami’y iiwan na’t may yari nang huling nasa.
At sa halip na magalak sa pamanang mapapala,
Sa puso ko’y dumalaw ang malungkot na gunita,
Napaiyak akong parang isang kaawa-awang bata’t
Niyakap ko ang ina ko, at sa kanya’y winika.

“Ang ibig ko sana, Nanay, ikaw’y aking pasayahin


At huwag ko nang makita pang ikaw’y nalulungkot mandin.
O ina ko! Ano ba ang naisipa’t iyong paghahati-hatiin
Itong munting kayamanang maiiwan mo sa amin?”

“Wala naman,” yaong sagot. “Baka ako ay tawagin


Ni Bathala, ang mabuti’y malaman mo ang habilin:
Itong piyano, yaon sana ay alamin.
Pamana ko na sa inyo, mga bunsong ginigiliw!”

“Nguni’t inang,” ang sagot ko, “Ang lahat ng kasangkapan,


Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan;
Ang ibig ko’y ikaw, Inang. At mabuhay ka lamang,
Hihilingin ko sa Diyos na ang pamana ko ay ikaw;
Aanhin ko ang piyano kapag ikaw ay namatay,
Ni hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay;
Ang nais ko’y ikaw, Inang, at mabuhay ka na lamang
Ililimos ko na sa iba ang lahat ng ating yaman;
Ni hindi ka maaaring pantayan ng daigdigan,
Ng lahat ng ginto rito pagkat ikaw
O, ina ko, ikaw wala pang kapantay…

(Mula sa Ang Bagong Filipino III (BEC))


1. Ano ang kahulugan ng salitang namamanglaw na ginamit sa tula?
A. natatakot B. nalulumbay C. nag-aalala D. nanlulumo
2. Anong kaugaliang Pilipino ang ipinakikita sa tula?
A. pagmamahal ng anak sa kanyang ina C. pagmamalasakit sa iba
B. pagpapahalaga sa pamilya D. pagpapakita ng kabutihan
3. Batay sa pahayag na ito, “Itong piyano’y sa iyo ko ibibigay, ang kubyertos
nating pilak ay kay Itang maiiwan, mga silya’t aparador sa kay Tikong ibibigay,
sa ganyan ko hinahati itong aking munting yaman.” Ano ang iyong
mahihinuha?
A. pagbabahagi ng biyaya C. paghabilin ng mahalagang bagay
B. pagtanaw ng utang na loob D. pagmamalasakit sa mahal sa buhay
4. Ano ang kahulugan ng bahaging ito ng tula na may salungguhit?
Subali’t sa aking mata’y may namuong mga luha
Na hindi ko mapigilan at hindi ko masansala
A. nalulumbay B. namimighati C. nagdadalamhati D. naiiyak
“Ililimos ko na sa iba ang lahat ng ating yaman;
Ni hindi ka maaaring pantayan ng daigdigan,
Ng lahat ng ginto rito pagkat ikaw
O, ina ko, ikaw wala pang kapantay…
5. Kaugnay ng bahaging ito ng tula, ano ang ipinamalas ng anak sa kanyang ina?

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikaapat na Linggo
3

A. Walang hihigit pa sa kayamanan sa mundo


B. Walang hihigit pa sa mapagmahal na anak
C. Walang hihigit pa sa inang mapag-impok
D. Walang hihigit pa sa pagmamahal ng isang ina

Bago mo tuluyang sagutan ang iba pang mga gawain, tayo muna ay magbalik-
tanaw sa nakaraang aralin.

Balik-tanaw

Pagtapat-tapatin. Piliin ang letra ng tamang sagot sa Hanay B sa katanungan sa


Hanay A.
Hanay A Hanay B
_______ 1. Pinakamahusay sa larangan ng A. Iran
pagkukuwento ng katatawanan B. Mullah Nassreddin
_______ 2. Uri ng panitikan na binibigkas sa C. talumpati
harap ng maraming tao D. Sufism
_______ 3. Paniniwalang ang pagpapatawa E. Persia
ay nagdudulot ng kasiyahan F. anekdota
_______ 4. Kuwento ng isang kawili-wili G. Sufis
at nakatutuwang pangyayari
_______ 5. Bansang pinagmulan ng mga
Kuwento ni Mullah

Pagpapakilala ng Aralin

Sa bahaging ito, ipababatid ko sa iyo ang tungkol sa tula bilang isang sinaunang
anyo ng panitikan.

A. TULA

Ang tula’y isang pagbabagong-hugis ng buhay, isang paglalarawan na likha ng


guniguni’t ipinararating sa damdamin ng mambabasa o nakikinig sa mga salitang
nag-aangkin ng wastong aliw-iw, at higit na mainam kung may sukat at tugma sa
taludturan.

Ang paksa ng tula’y hinahango sa kalikasan, sa buhay ng tao, sa bagay na


nakikita o sa balanang naiibigan o ginagawa ng tao. Ang tradisyonal na katangian ng
tula’y apat: tugma, sukat, talinghaga at kariktan. Ang makabagong tula’y may
malayang taludturang hindi nabibilanggo sa sukat at tugma.

(Mula sa Panitikan sa Pilipinas)

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikaapat na Linggo
4

B. ELEMENTO NG TULA

1. Tugma- ang pare-pareho o halos magkakasintunog na dulumpantig ng bawat


taludtod ng tula. Ang mga dulumpantig na ito ay maaaring nagtatapos sa
patinig o katinig. Ang tugma ay may dalawang uri:
Tugmang Patinig –mga salitang nagtatapos sa iisang patinig na may pare-
pareho ring bigkas na maaaring mabilis o malumay (walang impit) at malumi o
maragsa (may impit). Ang mga patinig na puwedeng magkakatugma ay
mahahati sa tatlong lipon: a, e-i, at o-u.
Tugmang Katinig – mga salitang nagtatapos sa mga katinig.
2. Sukat – Ito ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng saknong. Ang
karaniwang sukat na gamitin ay ang labindalawa, labing-anim, at labingwalong
pantig.
3. Saknong – Ang pagpapangkat ng mga taludtod o linya ng tula.
Nakapagdaragdag ito sa ganda at balanse ng tula bukod pa sa nakapagbibigay
rin ng pagkakataon para sa makata na magbago ng tono o paksa sa kanilang
tula.
4. Larawang-Diwa (Imagery) – Ito ay mga salitang binabanggit sa tulang nag-iiwan
ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.
5. Simbolismo – (Symbolism) –Ito ang mga simbolo o mga bagay na ginamit sa
tulang may kinakatawang mensahe o kahulugan at nagpapalalim sa diwa o
esensyang taglay ng tula.
6. Kariktan – ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula at ang
kabuuan nito.

(Mula sa Pinagyamang Pluma 10)

Ngayong batid mo na ang kahulugan at elemento ng tula, basahin mo ang isang


halimbawang tula mula sa Uganda.

Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay


A Song of a Mother to Her Firstborn salin sa Ingles ni Jack H. Driberg
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora
Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta
Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata,
Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo.

Mangusap ka, aking musmos na supling.


Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin.
Na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y munsik.
Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak,
Kamay na magpapasaya sa iyong ama
Tingnan mo’t nananabik na ako’y sapulin:
Nagbabalak nang humawak ng panulag na matalim.
Aking giliw, ngalan ng mandirigma sayo’y ilalaan,
At mamumuno sa kalalakihan.
At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan
Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan
Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa akin,
Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib,
At ang pagsulyap-sulyap sa akin.
Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal,
Ako’y malulunod sa luha ng paggunita

Munting mandirigma, paano ka naming pangangalanan?

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikaapat na Linggo
5

Masdan ang pagbubuskala sa pagkakakilanlan.


Hindi hamak na ngalan sa iyo’y ibibigay,
Hindi ka rin ipapangalanan sa iyong amang si Nawal sapagkat ika’y panganay.
Higit kang pagpapalain ng poon at ang iyong kawan.
Ikaw ba’y tatawaging “Hibang” o “Kapusugan?”
Ikaw ba’y tatawaging waring dumi ng baka na “anak ng kamalasan?”
Ang poo’y di marapat na pagnakawan,
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan.

Ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab.


At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay
Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday?
Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang inalay.
At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata,
Maging sa iyong halakhak
Paano ka pangangalanan, aking inakay?
Ikaw ba’y lahi na iyong lahi o naiibang nilalang?

Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y nananahan?


Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumadantay?
Sinong yumuyungyong sa iyo’t nagpapasigla ng buhay?
Ikaw ba’y kanlong ng kapayapaan?
Ngunit ika’y tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw
Hayaan, sa araw na yao’y iyong ibubuyangyang.
Aking supling, ngayon ako’y nasa kaluwalhatian.
Ngayon, ako’y ganap na asawa
Hindi na isang nobya, kundi isang ina.
Maging maringal, aking supling na ninanasa.
Maging mapagmalaki kaparis ng aking pagmamalaki
Ika’y magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi
Ika’y irugin kaparis ng pagliyag na aking nadarama
Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak.
Sa wakas, ako’y kahati ng kanyang puso, ina ng kanyang unang anak
Ang kanyang kaluluwa’y ligtas sa iyong pag-iingat,
Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyo’y humulma.

Samakatuwid, ako’y minahal.


Samakatuwid, ako’y lumigaya.
Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay.
Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal.

Iingatan mo ang kanyang libingan kung siya’y nahimlay.


Tuwinang gugunitain yaring kanyang palayaw.
Aking supling, mananatili siya sa iyong panambitan,
Walang wakas, sa kaniya’y daratal mula sa pagsibol ng ‘yong kabataan.
Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat, pag-asa’t kaligtasan sa hukay.
Sa iyo, siya’y muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan.
At ako ang ina ng kanyang panganay.
Ika’y mahimbing, supling ng leon, nyongeza’t nyumba.
Ika’y mahimbing,
Ako’y wala nang mahihiling.
(Mula sa Filipino Modyul para sa Mag-aaral 10)

Natutuwa ako na nababatid mo na ngayon kung ano ang ating mga tinalakay.
Mayroon ka bang mga katanungan? Maaari kang sumangguni sa iyong guro na laging
nakahandang gumabay sa iyo. Ngayon ay maaari mo nang sagutan ang mga
sumusunod na gawain.

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikaapat na Linggo
6

Mga Gawain

Gawain 1.1 Pagpapalawak ng Talasalitaan

Isaayos ang sumusunod na mga salita ayon sa tindi ng damdaming isinasaad


nito. Unahin ang mga salitang mula sa pinakapayak na kahulugan hanggang sa
pinakamatinding kahulugan nito. Isulat ang pagkakasunod-sunod batay sa letra
nito.

1. A. sinisinta B. iniirog C. minamahal D. iniibig


2. A. ligaya B. galak C. tuwa D. saya
3. A. lumbay B. dalamhati C. pagdurusa D. pighati
4. A. takot B. sindak C. pangamba D. alinlangan
5. A. daing B. panambitan C. panawagan D. luhog

Gawain 1.2 Pagbibigay-Kahulugan

Bigyang-kahulugan ang mga sumusunod na matatalinghagang pananalita na


nakapaloob sa binasang tula. Bubuoin ang paliwanag ng mga dalawa hanggang
tatlong pangungusap. Isulat sa hiwalay na papel ang sagot.

1. Mangusap ka, aking musmos na supling.


Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin.
Na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y munsik
2. Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak,
Kamay na magpapasaya sa iyong ama
Tingnan mo’t nananabik na ako’y sapulin:
Nagbabalak nang humawak ng panulag na matalim.
3. Munting mandirigma, paano ka naming pangangalanan?
Masdan ang pagbubuskala sa pagkakakilanlan.
Hindi hamak na ngalan sa iyo’y ibibigay,
Hindi ka rin ipapangalanan sa iyong amang si Nawal sapagkat ika’y panganay.
4. Ngayon, ako’y ganap na asawa
Hindi na isang nobya, kundi isang ina.
Maging maringal, aking supling na ninanasa.
5. Samakatuwid, ako’y minahal.
Samakatuwid, ako’y lumigaya.
Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay.
Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal.

Rubrik sa Pagwawasto

Marka Pamantayan
5 Nailahad nang napakalinaw at napakaayos ang malapit na
pagpapakahulugan sa tula
4 Nailahad nang malinaw at maayos ang malapit na
pagpapakahulugan sa tula
3 Hindi gaanong nailahad nang malinaw at maayos ang
pagpapakahulugan sa tula
2 Hindi nailahad nang malinaw at maayos ang pagpapakahulugan sa
tula

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikaapat na Linggo
7

Gawain 1.3 Pagsagot sa mga Tanong : Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Sino ang persona sa tula?


A. Ina B. Anak C. Ama D. Kapatid
2. Paano ipinakita ang kasiningan ng tula? Ano ang mapapansin sa mga salitang
ginamit sa tula?
A. Ang tula ay mayroong sukat at tugma
B. Ang tula ay may indayog at tono
C. Ang tula ay kinapapalooban ng matatalinghagang pananalita
D. Ang tula ay binubuo ng mga persona na nagtataglay ng kabayanihan
3. Sa huling saknong una at pangalawang taludtod, “Iingatan mo ang kanyang
libingan kung siya’y nahimlay. Tuwinang gugunitain yaring kaniyang palayaw.”
Ano ang iyong mahihinuha batay sa isinasaad na bahaging ito ng tula?
A. Pagtanaw ng utang na loob sa taong namayapa na
B. Pagbibigay halaga sa pangalang ibinigay sa kaniya
C. Pag-alala sa taong nagbigay buhay sa kaniya
D. Pagpapahalaga sa yumaong kamag-anak
4. Anong anyo ng tula ang binasa?
A. Tradisyonal C. blanking berso
B. Malayang Taludturan D. may sukat walang tugma
5. Anong simbolo ang ipinakikita sa salitang mandirigma?
A. katapangan C. kakisigan
B. kabayanihan D. katalinuhan
Magaling! Nagawa mo nang mahusay ang mga gawaing ibinigay.
Patuloy mo pang palawakin ang iyong kaalaman.

Tandaan

Matapos mong pag-aralan ang tula at pagbibigay kahulugan sa matatalinghagang


pananalita na ginamit sa akda, narito ang mga dapat mong tandaan.

1. Ang tula’y isang pagbabagong-hugis ng buhay, isang paglalarawan na likha ng


guniguni’t ipinararating sa damdamin ng mambabasa o nakikinig sa mga
salitang nag-aangkin ng wastong aliw-iw, at higit na mainam kung may sukat
at tugma sa taludturan.
2. Ito ay binubuo ng mga sumusunod na elemento: sukat, tugma, saknong,
larawang-diwa, simbolismo at kariktan.

Mayroon pang isang gawain ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang
iyong mga natutuhan.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Basahin ang nilalaman ng tula at suriin ayon sa elementong nakapaloob dito.

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikaapat na Linggo
8

Kalayaaan
ni Pat Villafuerte

sa Balintawak ang gumising ay isang sigaw sa ituktok ng bundok hanggang sa


bumalik ang sagot na tila alingawngaw kapatagan
KALAYAAN palakas ng palakas palakas ng palakas ang
at sa bawat lugar ay mauulinig mapapakinggan
ang dala ng hanging may saliw na awit KALAYAAN
KALAYAAN Narinig namin sa magwawalis na dukha
narinig namin doon sa taniman Narinig namin sa maghahabing maralita
narinig namin sa mangangalakal Narinig namin sa panday na sa yaman ay
narinig namin hanggang doon sa karagatan wala
KALAYAAN KALAYAAN
bawat makata awit ang nalilikha Mula sa Templo, Mula sa Pook dalanginan
at ang mga titik apoy ang ibinabadya Ang Kris at Gulok nagtagis parang kidlat
KALAYAAN Kasabay ang sigaw na ang Hudyat
narinig namin sa manggagawa ng niyugan KALAYAAN
narinig namin sa mangingisda ng Narinig namin sa mga hikbi, hinagpis at
karagatan panaghoy
naring namin sa manininda ng pondohan Narinig namin sa Pulong di matalunton
KALAYAAN Narinig namin hanggang sa Dakong
Paroroon
lahat ng Tao iisa ang sigaw
KALAYAAN
kahit ang kapalit ay kanilang buhay
KALAYAAN
https://kalipunanngmgaakdangpilipino.wee
sa puntod ng alipin at punong mga angkan
bly.com/
iisa rin ang tinig na itinitighaw

ELEMENTO NG TULA PAGSUSURI


A. Tugma
B. Simbolo
C. Larawang-diwa
D. Talinghaga
KALAYAAN

Rubrik sa Pagwawasto

4 Tiyak at hindi naging paligoy-ligoy ang kasagutan


3 Medyo paligoy-ligoy at hindi tiyak ang kasagutan
2 Paligoy- ligoy at walang katiyakan ang kasagutan
1 Walang katiyakan ang kasagutan

Upang lalo mo pang mapalawig ang iyong kaalaman sa pag -aanalisa ng tula,
iminumungkahi ko na iyong panoorin sa you tube ang tula mula sa ating bansa na
pinamagatang “Isang Punungkahoy”. Buksan lamang ang link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=PwvMq9dv4aM . Alamin ang elementong
nakapaloob sa tula.

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikaapat na Linggo
9

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin ang bahagi ng tula at sagutin ang kasunod na mga


tanong.

Ang Aking Aba at Hamak na Tahanan


ni Nathaniel Hawthorne

Iniwan ko’ng aba’t na tahanan


Malayo sa bukid ni Ama’t naglakbay. Sa mithii’y kita’ng malayong bituin
Payapa kong katre’y wala nang halina, Dulot na liwanag di-maabot mandin;
Hudyat ng digmaan ang aking ligaya. At turo ang landas tungo sa buntunan
Ng naghihingalo’t ng mga namatay.
Tungo sa larangan ako’y nagsumagsag
Ang natatanaw ko’y imortal na sinag. Nagpilit din ako’t paa’y nananabik,
Puntod ng bayani na masisikatan, Lagim na dagundong ng Dugo’y sumaltik
Bunying alaala ng mga pumanaw. Sa gasong tenga ko. Pagyapak saanman,
Kita ko ang berde, luntiang damuhan.

Piliin sa kahon ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita batay sa tulang


binasa.

1. Payapa kong katre’y wala nang halina


2. Iniwan ko’ng aba’t na tahanan
3. Tungo sa larangan ako’y nasumagsag
4. Sa mithii’y kita’ng malayong bituin
5. Lagim na dagundong ng dugo’y sumaltik

payapang bayan malakas na pagsabog


sumobra ang galit payapang buhay
kaawa-awang nilisan isang kayamanan
sundalong nakikipaglaban isang matayog na pangarap
isang tala sa kalawakan kaligayahang dulot ng kapangyarihan

Pagninilay

Subukan mong bumuo ng isang tula kaugnay ng sariling pangarap na nais


makamit pagkatapos ng iyong pag-aaral. Ito ay maaaring may sukat at tugma,
bubuoin ng apat na saknong at gagamitan ng matatalinghagang pananalita.

Binabati kita sa ipinakita mong pagtitiyaga at kahusayan. Kung


mayroong bahagi sa modyul na ito na hindi mo naunawaan mangyaring
makipag-ugnayan ka sa iyong guro.

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikaapat na Linggo
10

FILIPINO 10
SAGUTANG PAPEL
Quarter 3- Week 4

Pangalan: _______________________________________ Guro: __________________________


Baitang at Seksyon: ____________________________ Petsa: __________________________

Paunang Pagsubok: Balik-tanaw


1 1
2 2
3 3
4 4
5 5

Mga Gawain

Gawain 1.1 Pagpapalawak ng Talasalitaan


1
2
3
4
5

Gawain 1.2 Pagbibigay-Kahulugan


1
2
3
4
5

Gawain 1.3 Pagsagot sa mga Tanong


1
2
3
4
5

Pag-alam sa mga Natutuhan


ELEMENTO NG TULA PAGSUSURI
A. Tugma
B. Simbolo
C. Larawang-Diwa
D. Talinghaga

Pangwakas na Pagsusulit
1
2
3
4
5

Pagninilay (Isulat sa sagutang papel)

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikaapat na Linggo

You might also like