Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

1

Aralin Pagtukoy sa Papel na Ginagampanan ng mga


Tauhan sa Nobelang El Filibusterismo
3
Isinulat ni Camela M. Isola
Mga Inaasahan

Sa araling ito ay magpapatuloy ka sa pag-aaral ng nobelang El Filibusterismo,


bibigyang-kahulugan ang matatalinhagang pahayag na ginamit sa binasang kabanata
ng nobela. Bukod pa rito, pag-aaralan mo rin ang paraan sa pagbubuod.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang sumusunod na


mga kasanayan:

1. Natutukoy ang papel na ginagampanan ng mga tauhan sa akda sa


pamamagitan ng pagtunton sa mga pangyayari, pagtukoy sa mga tunggaliang
naganap, pagtiyak sa tagpuan at pagtukoy sa wakas; (F10PB-IVb-c-87)
2. Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag na ginamit sa binasang
kabanata ng nobela sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa; (F10PT-IVb-
c-83)
3. Naiuugnay sa kasalukuyang mga pangyayaring napanood sa video clip ang
pangyayari sa panahon ng pagkakasulat ng akda;
(F10PD-IVb-c-82)
4. Naibabahagi ang ginawang pagsusuri sa napakinggang buod ng binasang akda
batay sa makatotohanang pangyayari, tunggalian sa bawat katangian ng mga
tauhan; (F10PS-IVb-c-86)
5. Naisusulat ang buod ng binasang mga kabanata; (F10PU-IV-b-c-86)
6. Nagagamit sa pagbubuod ang tamang mekaniks sa pagsulat (baybay, bantas, at
iba pa), gayundin ang wastong pag-uugnay ng mga pangungusap/talata.
(F10WG-IVb-c-79)
Sasagutan mo ang mga pagsasanay at gawain sa nakalaang sagutang papel.
Bago ka magpatuloy, sagutin mo muna ang unang gawain.

Paunang Pagsubok

Basahin mo ang isang kabanata ng El Filibusterismo at iyong tukuyin ang papel


na ginampanan ng tauhan sa mga mahahalagang pangyayari sa nobela.

“May kasabihang kapag may tiyaga ay may nilaga”. Isang kasabihang


katumbas ng pagsisikap ang pagpapaunlad ng buhay. Anoman ang kalagayan sa
buhay mahirap ka man o mayaman, may kapansanan o wala, basta may sipag at
tiyaga, malapit ang kapalaran. Sa mga taong nagtatagumpay, masarap pagsaluhan ng
pamilya ang biyaya ng iyong pinaghirapan. Hindi mo na ito hahayaang mawala at lalo
pang pagyayamanin. Sa mga panahong ikaw ay nasa rurok ng tagumpay, payapa ang
kalooban, sagana sa buhay, marahil, magbabalik-tanaw ka, at matutunghayan mo na
ikaw ay tumutulong sa mga masisikap at matitiyagang gumanda rin ang kanilang
buhay.
Ganyan din ang naganap sa ating pangunahing tauhan na si Basilio. Pinilit
niyang mabago ang buhay sa pamamagitan ng pagpasok bilang katulong at ang
kabayaran ay ang kaniyang pag-aaral. Hindi naging hadlang sa kaniya ang kahirapan.
Pumasok siya nang walang kayos-ayos ang sarili, pinagtatawanan at inaalipusta ng

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikatlong Linggo
2

mga kamag-aral at maging ang mga guro niya. Napakaraming unos ang nangyayari.
Ang lahat ng ito ay hamon upang makatapos sa pag-aaral. Hindi naman nasayang
ang kaniyang pagtitiyaga sapagkat nagbunga ito dala nang kahusayan sa pag-aaral.
Iyan si Basilio nagpumilit na mabago ang buhay sa pamamagitan ng sikap at tiyaga.
*kaniyang
(Mula sa OBRA MAESTRA,Batayang Akdang Pampanitikan,Ikatlong Edisyon)

1. Anong mahalagang katangian ng tauhan ang ipinahihiwatig sa kasabihang,


“kapag may tiyaga ay may nilaga”?
A. Lumaban sa mapang-api C. Sumabay sa agos ng buhay
B. Magsumikap sa buhay D. Magiging matatag sa pagsubok

2. Ang uri ng tunggalian na makikita sa binasang akda?


A. Tao laban sa tao C. Tao laban sa lipunan
B. Tao laban sa sarili D. Tao sa kalikasan
3. Ito ang naging kabayaran upang makapag-aral si Basilio?
A. maging anak C. mag-alaga kay Kapitan Tiyago
B. maging katulong D. makiisa sa akademya
4. Ano ang kahulugan ng matalinhagang pahayag na ito,” Napakaraming unos
ang nangyari”?
A. problema C. tagumpay
B. pagsubok D. suliranin

5. Ano ang nagtulak kay Basilio upang magsikap sa buhay?


A. pangarap C. kahirapan
B. paghihiganti D. diskriminasyon

Balik-tanaw
Itala ang mahahalagang konsepto ukol sa pagkakasulat ng
Nobelang “El Filibusterismo” batay sa sumusunod na padron.

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikatlong Linggo
3

Pagpapakilala ng Aralin

Sa araling ito ay maipakikilala na ang isa sa mga pangunahing tauhan mula sa


nobelang El Filibusterismo ni Rizal. Si Basilio ay matatandaan nating nakilala na sa
unang nobela niyang Noli Me Tangere. Siya ay masasalamin sa mga kabataang
nakaranas ng maraming pagsubok bago makamit ang tagumpay sa buhay.

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “The Reign of Greed” ay isa sa dalawang
magkarugtong na nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal
(buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda). Isinulat niya ang
nobelang ito upang imulat ang mga mata ng kapwa Pilipino at hahanapin nila ang
tunay na kalayaan noong panahon ng Kastila. Ang nobela ay may 39 na kabanata.
Babasahin natin ngayon ang ikaanim na kabanata.

Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang iba’t ibang uri ng tunggalian.

TUNGGALIAN- isa sa mga elemento ng nobela. Ito’y tumutukoy sa mga isyu at


problema na hinaharap ng mga pangunahing tauhan.

1. Panloob na Tunggalian – Ito’y uri ng tunggalian na nangyayari sa loob mismo


ng tauhan. Dito, ang pangunahing kalaban ay ang kaniyang sarili at ang mga
problemang internal. Ito’y kadalasan na makikita kapag ang mga tauhan ay
mayroong “internal conflict” o kaya’y nahihirapan sa mga desisyon.
2. Panlabas na Tunggalian – Dito natin makikita ang mga problema katulad ng
tao laban sa tao. Ang tunggaliang ito ay nagpapakita ng laban ng tauhan at iba
pang tauhan.
3. Tao laban sa Kalikasan – Ang pangunahing tauhan ay naaapektuhan ng mga
pwersa ng kalikasan. Isang halimbawa nito ay ang biglaang paglindol ng
malakas, o pagbagyo na naglalagay sa mga tauhan sa panganib.
4. Tao laban sa Lipunan – Dito, ang ating mga pangunahing tauhan ay
lumalaban sa lipunan. Halimbawa nito ang pagsuway sa mga alituntunin ng
lipunan o di kaya ay ang pagtakwil sa kultura ng lipunan.

Basahin at unawain ang mga pakikipagsapalaran ni Basilio sa ikaanim na


kabanata ng nobela.
Kabanata 6 El Filibusterismo – “Si Basilio”
Nang tumutunog ang mga batingaw ng noche buena si Basilio ay palihim na
nagtungo sa gubat. Paliit na ang buwan kaya’t paaninaw siyang tumungo sa libingan
ng kaniyang ina na si Sisa. Ipinagdasal niya ang kaluluwa ng kaniyang ina ng
nakaraang may labintatlong taon.
Namatay ang ina at may dumating na lalaking sugatan. Pinahakot siya ng
kahoy at ipinasusunog sa bangkay ng ina at ng sugatang lalaki. May dumating pang
isang lalaki. Tumulong ito sa pagtatalsakan ng kahoy at paglilibing sa ina. Umalis siya
sa gubat at lumuwas ng Maynila na maysakit at gulanit na damit. Nais niyang
pasagasa sa mga karuwahe dahil sa hirap at gutom. Natagpuan niya sina Kapitan
Tiyago na katatapos dalhin sa beateryo si Maria Clara. Kinuha siyang katulong o
utusan. Pinag-aral sa Letran. Unang taon: wala siyang nabibigkas kundi ang
pangalan niya at ang salitang “adsum” o “narito po”. Minaliit si Basilio dahil sa luma
at gulanit na suot ngunit lagi siyang nagsasaulo ng mga leksyon. Nang matuos niyang
sa tatlo o apat na paraan sa klase ay may 40 lamang ang nagtatanong di na sumama
ang loob niya. Nang magsulit, natugon niya ang mga tanong at ang marka niya para
sa unang taon ay aprobado. Ang siyam niyang kasamahan sa pagsusulit ay nangag-
ulit na lahat. Sa ikatlong taon niya, naisipan ng propesor na Dominiko ang pagtanong
kay Basilio na akala niya’y tanga upang magpatawa sa klase. Natugon ni Basilio ang
tanong na parang loro sa pagsagot. Noo’y di na tinanong si Basilio. “Bakit pa
tatanungin ito’y di naman nakapagpapatawa sa klase?”
Nawalan siya ng sigla sa pag-aaral ngunit isang propesor niya ang nasiyahang
tumanggap ng hamon ng mga kadete sa isang pasyalan at nagyakag ng mga

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikatlong Linggo
4

estudyante niya na inilaban niya sa mga kadete sable laban sa baston. Namayani siya
sa labanan. Nakilala ng propesor, nang matapos ay sobresaliente na siya, may mga
medalya pa. Muhi si Kapitan Tiyago sa mga prayle mula nang magmongha si Maria
Clara. Pinalipat si Basilio sa Ateneo Municipal. Malaki ang natutuhan ni Basilio at
nagsulit siya sa pagkabatsilyer. Ipinagmalaki siya ng mga propesor. Nakasulit siya at
kumuha ng medisina. Pagkatapos, naging matiyaga at masigasig sa pag-aaral si
Basilio. Kaya di pa man nakakatapos ay nakapanggagamot na siya. At huling taon na
ng pag-aaral ni Basilio. Pagkatapos niya’y pakakasal na sila ni Huli.

- Mula sa https://philnews.ph/2020/01/20/kabanata-6-el-filibusterismo-si-basilio-buod/

ANO ANG KAHULUGAN NG BUOD?


Ang buod ay impormal at bai-baitang na pagsasalaysay ng banghay ng mga
pangyayari. Hindi isinasama rito ang mga di mahahalagang detalye. Malimit itong
ginagamit sa pagsasalaysay ng mga nabasang kuwento, nobela, gayundin ang
panonood ng sine, dula at iba pa.
Ito ay maaring mabuo sa pamamagitan ng paggawa ng isa o higit pang talata
na binubuo ng mga pangungusap. Ito ay naglalayong makatulong sa mga mambabasa
o may-akda upang lubos na maunawaan ang diwa o tema ng isang seleksyon o isang
akda at maisulat ang pangunahing kaisipan ng isang akda upang higit na
maintindihan.
MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG BUOD
1. Basahin, panoorin o pakinggan muna nang pahapyaw ang teskto o akda.
2. Sa mga nakasulat o episodyo ng isang pinanood o pinakinggan, tukuyin ang
paksang pangungusap o ang pinakatema gayundin ang mga susing salita o key
words.
3. Pag-ugnay-ugnayin ang mga ideya upang mabuo ang pinakapunto o tesis.
4. Sulatin na ang buod at tiyakin ang organisasyon ng teksto.
5. Huwag maglagay ng mga detalye, halimbawa at ebidensya.
6. Makatutulong ang signal word o mga salitang nagbibigay-transisyon sa mga
ideya gaya ng gayunpaman at kung gayon bilang pangwakas.
7. Huwag magsingit ng mga opinyon.
Sa pagbubuod ng mga piksyon, tula, kanta at iba pa, maaaring gumawa muna
ng story map o graphic organizer upang malinawan ang daloy ng pangyayari.
Pagkatapos isulat ang buod sa isang talata kung saan ilalahad ang pangunahing
karakter, ang tunggalian at ang resolusyon ng tunggalian.
Sa pagkuha ng mahahalagang detalye ng isang akda sa paggawa ng buod,
mahalagang malaman ang sagot sa mga katanungan.
(https://brainly.ph/question/772716)

Mga Gawain

TALASALITAAN

Gawain 1.1 Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na matatalinhagang


pahayag na lumutang sa kabanata patungkol kay Basilio. Gamitin sa sariling
pangungusap.

1. paaninaw na tinungo
______________________________________________________________________________
2. walang-gatol sa pagbigkas
______________________________________________________________________________
3. matuos niya
______________________________________________________________________________
4. tanga upang magpatawa sa klase
______________________________________________________________________________
5. parang loro sa pagsagot

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikatlong Linggo
5

_______________________________________________________________________

Gawain 1.2

Sagutin ang mga tanong:

1. Sa iyong palagay, bakit sa hatinggabi


ang ginagawang pagdalaw ni Basilio sa 4. Ano ang pinakamasakit na
libingan ng kaniyang ina? karanasan niya noong unang pasok
niya sa paaralan?
2. Bakit napapayag ni Basilio si Kapitan
Tiyago na medisina ang kunin niyang
kurso? 5. Kung ikaw si Basilio, papasukin mo
rin ba pangangatulong upang
3. Ano ang naging bansag kay Basilio makapag-aral?
nang masagot niya ang katanungan
nang walang tigil?

Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na


puntos:
Mga katangian ng sagot:
5 – taglay ang 3 pamantayan
 Kumpleto ang ibinigay na sagot.
3- dalawang pamantayan
 Mahusay ang pagpapaliwanag
lamang
 Maayos ang pagbuo ng
pangungusap 1 – isang pamantayan lamang

Gawain 1.3 Tukuyin at ipaliwananag ang mga papel na ginagampanan ng mga


tauhan mula sa sumusunod na kabanata gamit ang talahanayang nasa ibaba.

Bilang ng Kabanata Pagtunton Pagtukoy sa mga Pagtukoy sa Wakas


sa mga Tunggaliang
Pangyayari Naganap

Kabanata 6: Si Basilio

Kabanata 7: Si Simoun

Kabanata 12: Placido Pentinte

Kabanata 16: Ang mga


Kapighatian ng Isang Intsik
Kabanata 30: Si Huli

Mahusay! Natapos mo ang mga gawaing ibinigay. Palawakin mo pa ang iyong mga
kaalaman.

Tandaan

Matapos mong mabasa at maunawaan ang nilalaman ng kabanata patungkol


kay Basilio, narito ang mga mahahalagang pangyayari ng kabanata na dapat
mong tandaan.

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikatlong Linggo
6

1. Palihim na nagpunta si Basilio sa kagubatan ng mga Ibarra na ngayon ay pag-


aari na ni Kapitan Tiyago.
2. Nagpunta siya sa Maynila at hinanap niya si Kapitan Tiyago upang
mamasukan bilang isang katulong.
3. Pinayagan siyang makapag-aral bilang kapalit ng kaniyang pamamasukan kay
Kapitan Tiyago.
4. Nagsikap siya sa pag-aaral at nang siya ay nasa ikatlong taon na ay
nagsimulang mag-ipon ng pera.
5. Sa kanilang pagtatapos, si Basilio ay nahirang na magbibigay ng talumpati.

Balikan ang nabasang kabanata sa modyul na ito at gumawa ng isang pagbubuod.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:

Mga katangian ng sagot: 5 – taglay ang 3 pamantayan

 Nasunod ang panuto 3 – dalawang pamantayan


lamang
 Malinaw na naisaad ang mga
pangyayari 1 – isang pamantayan lamang
 Maayos ang pagbuo ng
Pangungusap

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin ang buod ng kabanata ikapito patungkol kay Simoun na naging


bahagi sa buhay ni Basilio.

Si Simoun

Lahat ng mamamayan ay naghahangad ng kabutihan para sa kaniyang bayan. Una na rito


ang kalayaang minimithi ng sambayanan. Handa silang mamatay upang maipagtanggol ang
bayang minamahal. Buhay nila ay handa nilang ibuwis alang-alang sa sarliling bayan. Tunay na
napakasarap mamatay na ipinaglalaban ang bayan. Ang isang mabuting mamamayan ay
nagmamalasakit para sa kapakanan ng bayan. Hangad niyang mapaunlad, mapanuto, maging
malaya ang mga tao saan man tumungo, may katarungan at higit sa lahat may karangalan. Hindi
maaaring ang isang Pilipino ay tatahimik na lamang kahit na marami siyang nakikitang kabulukan
o kaya ay ninanakawan ng kalayaan at karangalan. Hindi niya kailanman papayagan na maging
busabos at mapasailalim sa mga dayuhang mapagsamantala at nagnanais na mapayukayok ang
kaniyang bansa.
Ganyan si Simoun. Kaya siya nagagalit kay Basilio sapagkat parang ang lahat ng
nangyayaring kaapihan sa kaniya at sa bayan ay hindi niya nakikita.” Ano nga ba ang nagagawa ng
isang mahirap na tulad niya?” ang sagot ni Basilio. “Mayroon, Basilio Mayroon. Kung ang
mamamayang tulad mo ay magkakaroon ng adhikain na maipagtanggol ang bayan at hindi
hinahayaang maangkin ng mga mapaniil, ang Pilipinas ay magiging malaya at igagalang sapagkat
ito ay may dangal na dapat ingatan.

1. Sa pagtatagpo ni Simoun at Basilio sa kagubatan, paano raw magiging malaya ang


Pilipinas ayon kay Simoun?
A. maging matapang C. maghiganti
B. ipagtanggol ang Pilipinas D. maging Malaya

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikatlong Linggo
7

2. Alin sa mga pangyayari sa kabanata ang hindi kabilang sa mga mithiin para makamit
ang kalayaan ayon kay Simoun?
A. handang magbuwis ng buhay para sa bayan
B. may malasakit sa kapwa
C. maging tahimik sa mga nangyayari sa bayan
D. hindi hahayaang maging busabos sa mga mapang-api

3. Saan naganap ang pagtatagpo ng dalawang tauhan?


A. paaralan B. kagubatan C. dalampasigan D. kabundukan

4. Ang uri ng tunggalian na makikita sa binasang akda.

A. Tao laban sa tao C. Tao laban sa lipunan


B. Tao laban sa sarili D. Tao sa kalikasan

5. Alin sa mga katangian ni Simoun ang ipinahiwatig niyang mga pahayag kay
Basilio?
A. paghihiganti C. pagmamalasakit sa kapuwa
B. pag-ibig D. paglaban sa mga karapatan

Pagninilay

Paghambingin ang edukasyon noon at ngayon. Tutulungan ka ng video na


mapanonood sa link na https://www.youtube.com/watch?v=bG8rozPs1Z8
upang maibigay mo ang mga sagot. Gamitin ang venn diagram sa
paghahambing.

Para sa mga walang internet, maaaring kapanayamin ang nakatatanda.

Mahusay at naisagawa mo ang mga pagsasanay na ibinigay. Magpatuloy ka


pa sa pagtuklas ng mga kaalaman.

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikatlong Linggo
8

FILIPINO 10
SAGUTANG PAPEL
Ikaapat na Markahan- Ikatlong Linggo

Pangalan: _________________________________Guro: ______________

Baitang at Seksyon: _______________________Iskor: _____________

Paunang Pagsubok

B alik-tanaw

TALASALITAAN

Gawain 1.1 Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na matatalinhagang pahayag


na lumutang sa kabanata patungkol kay Basilio. Gamitin sa sariling pangungusap.

1. paaninaw na tinungo
______________________________________________________________________________
2. walang-gatol sa pagbigkas
______________________________________________________________________________
3. matuos niya
______________________________________________________________________________
4. tanga upang magpatawa sa klase
______________________________________________________________________________
5. parang loro sa pagsagot
__________________________________________________________________

Gawain 1.2

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1.
2.
3.
4.
5.

Gawain 1.3 Tukuyin at ipaliwananag ang mga papel na ginagampanan ng mga


tauhan mula sa mga sumusunod na kabanata gamit ang talahanayang nasa ibaba

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikatlong Linggo
9

Bilang ng Kabanata Pagtunton Pagtukoy sa mga Pagtukoy sa Wakas


sa mga Tunggaliang
Pangyayari Naganap

Kabanata 6: Si Basilio

Kabanata 7: Si Simoun

Kabanata 12: Placido Pentinte

Kabanata 16: Ang mga


Kapighatian ng Isang Intsik
Kabanata 30: Si Huli

Pag-alam sa Natutuhan.
Balikan ang nabasang kabanata sa modyul na ito at gumawa ng isang
pagbubuod.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
Pangwakas na Pagsusulit
____________________________________________________________________
1 ____________________________________________________________________
2 ___________________________________________________
3
4
5

Pagninilay

Suriin at tukuyin ang kaugnayan ng video sa mga mahahalagang pangyayari kay


Basilio gamit ang Venn Diagram. Gamitin ang link na nasa ibaba.
https://www.youtube.com/watch?v=bG8rozPs1Z8

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikatlong Linggo

You might also like