Professional Documents
Culture Documents
31 35 Lines 1
31 35 Lines 1
Don Juan: O Birheng Inang marilag, tanggulan ng nasa hirap, kahabagan di man dapat ang
aliping kapuspalad. Kung wala mang kapalarang humaba pa ang yaring buhay loobin mo
Inang mahal ang ama ko ang mabuhay. Madlang hirap at parusa di ko sasapitin sana, kung
di po sa aking pitang magulang ko’y guminhawa. Ang aking kapatid kami’y iisang tao:
iwasan ang pagtatalo’t hindi gawing maginoo, sila nawa’y patawarin ng Diyos na maawain;
kung ako man ay tinaksil kamtan nila ang magaling
Don Juan: Ina’y kapag na kita ninyo ako ngayon mabilis kang madaramdam, katawan ko ay
bugbog na ang sugat ay natadtad pa maasahan ko pa bang makikita kita? Amang magiliw
sa anak sa gitna ng aking hirap ikaw rin ang nasa hagap danga’t ako ay napahamak
dalangin kong mataimtim kay Bathalang maawain, ang sakit mo ay gumaling datnan kitang
nasa aliw.
Tagapagsalaysay:Si Don Juan ay muli nanalangin sa Inang Mahal sa Birhen, luha ay agos
ang kahambing sa matang nangungulimlim
Tagapagsalaysay: Nakita ng isang ermitanyo si Don Juan, saikalwang pagkakataon ay muli
nitong ginamot ang sugat ng kawawang prinsipe. Matapos gamutin sinabi ito ni Don Juan.
Don Juan: Ang aking buhay ay nakautang na sa inyo ano kaya ang marapat na ganti ng
abang palad?
Tagapagsalaysay: hindi pa man nag liliwanag ay nagpasya nang lumisan ni Don Juan
sapagkat nabatid na niya ang naging pagkakamali at kailangan niyang magtago. Sa
paggising ng hari agad pumunta sa silid ng Ibong Adarna pero wala ang ibong Adarna sa
kaniyang Hawla. Agad pinatawag ng hari ang tatlong anak pero dalawa lang ang humarap
Tagapagsalaysay: Hinanap nila ang kanilang kapatid sa lahat bawat tumok ay hinanapan
pero wala pa rin
Ang magkapatid (Don Juan): Siya kaya’y napasaa’t hindi natin matagpuan?