31-35 Lines

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

31-35, 43 Lines

Tagapagsalasay: Si Don Juan ay lunung-lunot gagapang-gapang sa damo. Maga ang buong


Katawan, may piling sa mga tadyang at ang lalong dinaramdam ang gutom at kauhawan.
Pero hindi niya nakalimutan ang Birheng Mahal, lumuluhang nanamnitang tangkilikin kung
mamatay na sinabi ni Don Juan

Don Juan: O Birheng Inang marilag, tanggulan ng nasa hirap, kahabagan di man dapat ang
aliping kapuspalad. Kung wala mang kapalarang humaba pa ang yaring buhay loobin mo
Inang mahal ang ama ko ang mabuhay. Madlang hirap at parusa di ko sasapitin sana, kung
di po sa aking pitang magulang ko’y guminhawa. Ang aking kapatid kami’y iisang tao:
iwasan ang pagtatalo’t hindi gawing maginoo, sila nawa’y patawarin ng Diyos na maawain;
kung ako man ay tinaksil kamtan nila ang magaling

Tagapagsalaysay: pagkatapos niya manalangin nakakita siya ng bituin sa langit at naalala


niya ang kaniyang sinilangan, palasyong kanyang kinalakhan at ang kaniyang ina.

Don Juan: Ina’y kapag na kita ninyo ako ngayon mabilis kang madaramdam, katawan ko ay
bugbog na ang sugat ay natadtad pa maasahan ko pa bang makikita kita? Amang magiliw
sa anak sa gitna ng aking hirap ikaw rin ang nasa hagap danga’t ako ay napahamak
dalangin kong mataimtim kay Bathalang maawain, ang sakit mo ay gumaling datnan kitang
nasa aliw.

Tagapagsalaysay:Si Don Juan ay muli nanalangin sa Inang Mahal sa Birhen, luha ay agos
ang kahambing sa matang nangungulimlimTagapagsalaysay: Nakita ng isang ermitanyo si
Don Juan, saikalwang pagkakataon ay muli nitong ginamot ang sugat ng kawawang
prinsipe. Matapos gamutin sinabi ito ni Don Juan.

Don Juan: Ang aking buhay ay nakautang na sa inyo ano kaya ang marapat na ganti ng
abang palad?

Ermitanyo:Ito ay isa lamang kawanggawa huwag tayong mamantungan sa ugaling di


mainam, na kaya ka dumaramay ay nang upang madamayan. Lalong banal na tungkulin na
sa dusa ay tangkilikin: sa mundo and buhay natin ay parang nag daraang hangin! Ikaw ay
bumalik na sa iyong kaharian at tulungan ang iyong ama.
Don Juan: sige po babalik na ako sa aking kaharian

You might also like