Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang palabas na "Maging akin Muli" ay isang napakagandang palabas dahil marami tayong

matututunan kapag pinanood natin ito kaya mairerekomenda ko ito sa lahat. Ang bawat eksena ay

sumasalamin sa mga maliliit na isyu ng lipunan, Ugnayan ng pamilya, Ugnayan ng Simbahan sa lipunan,

Ugnayan ng kapwa, At ang pagtugon sa bokasyon ng bawat isa. Ang palabas na ito ay tungkol sa isang lalaki

na nag-aaral maging isang pari, siya ay nasa baitang pa lang ng pagiging deacon niya. Sa proseso niya ng

pagiging pari ay hindi ito naging madali dahil sa ibat-ibang mga problemang dumating sa buhay niya ngunit

dahil sa tulong at lakas na binibigay ng Panginoon ay nagawa niya itong malagpasan. Maraming problema na

darating para subukin ang koneksyon na taglay natin sa Panginoon. Nagbibigay aral ito satin na kung may

gusto tayong marating sa buhay ay dapat handa tayo sa mga pagsubok na dadating. Pinapakita rin ditto na

hindi natin kailangan mag madali sa mga bagay na gusto natin. Kailangan ay paghirapan natin ito ng buong

puso. Kailangan ay sigurado tayo sa mga bagay na gusto natin makuha o marating. Dapat ay kilala natin

mismo ang sarili natin kung gusto ng aba natin o hindi ang isang bagay. Dapat may kasiguraduhan tayo lalo na

kung Panginoon ang usapan. Hindi biro ang pagseserbisyo sa Panginoon dahil ito ay pang habang buhay at

dapat ay totoo at puno ng pagmamahal. Sa panonood ng palabas ang mga bagay na paulit ulit kong nakita ay

ang simbahan kung saan sila nananalangin, ang dami ng pari na ginagamit niya para gawin ang tungkulin niya,

ang mga disenyo at instrumentl sa simbahan na nagbibigay sigla at kulay dito, ang pamaypay ni father na

ginagamit niya sa pang araw araw niya. Sa panonood ng palabas napansin ko rin na ang ginamit nilang

lenguwahe ay puro pilipino, ang damit at kulay ng mga karakter ay hindi masakit sa mata, ito ay makaluma.

Ang isa sa mga sumisimbolo sa Palabas ay ang rosaryo na nangangahulugang pag-asa o hope. Na pinaparating

saatin na dapat ay lagi tayong may pag-asa sa mga bagay bagay. Ang pag-asa ang tutulong saatin kung

nahihirapan tayong gawin ang isang bagay na maraming humahadlang. Wag tayong susuko agad sa isang

bagay dahil hindi naman tayo papabayaan ng Panginoon kaya matutunan natin silang pahalagahan at mahalin

ng buong puso. Isama natin sila sa mga pangarap na gusto natin marating. Tandaan na wag mawalan ng pag-

asa dahil ang Panginoon ay gumagabay satin araw-araw.


St. James School of Subic, Inc
Asinan Poblacion, Subic, Zambales

Pambungad sa pilosopiya ng Tao

PAGSUSURI SA PELIKULANG “MAGING


AKIN MULI”

Princess Mae Ramos


Grade 11- ABM

September 14,2023

You might also like