AP 10 WEEK 12 ARALIN 9CONTINUATION Edited

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Asignatura at Antas: ARALING PANLIPUNAN 10 Date: November 29-

December 3, 2021
Paksa: SIGALOT SA TERITORYO AT HANGGANAN (continuation of Week: 12
lesson 9)
Lesson Description:

Sa modyul na ito ay tatalakayin ang mga sigalot sa teritoryo at hangganan pati na rin ang mga
epekto ng sigalot sa teritoryo at hangganan sa lipunan, politika, kabuhayan at kapayapaan ng mga
mamamayan.

Pamantayan sa Pagkatuto:
 Mauunawaan ng mga mag-aaral ang mga sanhi at epekto ng mga isyung pampolitikal sa
pagpapanatili ng katatagan at maayos na ugnayan ng mga bansa sa daigdig.
Mga Layunin:

Mauunawaan ng mga mag-aaral ang mga;

 Dahilan ng mga sigalot sa teritoryo at hangganan (AP10LPP-llB-3)


 Mga epekto ng mga sigalot sa teritoryo at hangganan sa lipunan, politika, ekonomiya, at
kapayapaan ng mga mamamayan (AP10lPP-llb-4)

Sanggunian:
 MGA KONTEMPORANEONG ISYU (Ikalawang Edisyon): Pahina 131-134
 https://www.youtube.com/watch?v=_BV0MU4GYGY
 http://www.un.org/depts/los/convention_agreements/texts/unclos/unclos_e.pdf

Mga Kagamitan: Laptop, larawan


Lesson Proper
DAY1
“ANG AGAWAN SA NORTH BORNEO AT SABAH”
Engage/Explore Explain/Elaborate OUTPUT #1:

1. Panalangin “Watching a Video” Malikhaing Pagsulat:


2. Pagbati
SABAH, Sino ang totoong nagma-may Magsulat ng maikling
3. Pagtsek sa mga lumiban ari? PILIPINAS BA O MALAYSIA? salawikain na magbubuod sa
kahalagahan ng patuloy
sa klase
LINK: napaglaban para sa Sabah.
https://www.youtube.com/watch?
v=_BV0MU4GYGY
Ilagay ang inyong gawa sa
malinis na bond paper atI-
Pagganyak: upload ito sa ating Google
Classroom.

“Pagbasa ng Mapa”

Panuto: Ipakita ang bahagi


ng mapa ng Timog- ANG AGAWAN SA NORTH
Silangang Asya BORNEO O SABAH

LINK:http:// Ang koneksiyon ng Sabah sa


www.economist.com/ Pilipinas batay sa kasaysayan ay
node/21572251/comments
nagsimula nang humingi ng tulong
ang sultan ng Brunei sa sultan ng
Sulu upang pigilan ang rebelyong
nangyayari sa kanyang nasasakupan.
Tinatayang 600 mandirigmang
Pilipino sa pamumuno ni Nakudas
Sangkalang at Angging mula sa
Sultanato ng Sulu ang tumulong sa
pagpigil ng rebelyon. Bilang
GABAY NA TANONG:
pasasalamat, ibinigay ni Sultan
Muaddin ng Brunei ang isang bahagi
1. Anu-anong mga
ng Sabah sa sultan ng Sulu.
bansa ang makikita
sa mapa?
2. Ano ang masasabi Nang lumaon, ang British East
ninyo sa mapa ng India Company na naging British
North Borneo at North Borneo Company sa
Brunei? pamumuno nina Gustavus Baron de
3. Ano ang kaugnayan Overbeck at Alfred Dent ay lumapit
ng mapa ng Sabah sa Sultan ng Sulu upang sabihing
sa kasong maritima nais nilang upahan ang nasabing
ng Pilipinas at China? bahagi ng Sabah.

Pumayag ang sultan at ang upa


ay nakatulong sa kanilang paglaban
sa mga sumakop na Espanyol noong
panahong iyon. Nang maging
agresibo ang pamahalaan ng Great
Britain sa pagsakop sa Pederasyon ng
Malaysia, nagdesisyon ang
kompanyang humiwalay na sa
pamahalaang Ingles.

Ang ginawang ito ang nagpagulo


sa kasunduan ng kompanya at ng
Sultan ng Sulu dahil nang ibigay ng
mga Ingles ang kalayaan ng Malaysia
noong 1957, isinama ang Sabah sa
mga teritoryong isinauli ng mga ito.
Ang Sabah ay napasailalim sa
soberaniya ng pamahalaan ng
Malaysia. komplikasyon ang problema
sa kung sino ang may-ari ng Sabah.
Dahil ibinigay itong regalo sa sultan
ng Sulu, nangangahulugan itong may
karapatan ang Sultanato ng Sulu na
angkinin ito. Ito ang dahilan kung
bakit patuloy na tumatanggap ang
Sultanato ng Sulu ng 5,500 ringgit
(pera ng Malaysia) mula sa mga
umupa na ngayon ay ang
pamahalaan na ng Malaysia.

ANG LABAN NG PILIPINAS PARA


SA SOBERANIYA SA SABAH

Abril 24, 1962-


Inilipat ng mga tagapagmana ng
Sulu ang soberaniya ng Sabah sa
Republika ng Pilipinas sa ilalim ng
Recognition and Authority in Favour
of the Republic of the Philippines.
Dahil sa deklarasyon, tungkulin ng
Pilipinas na protektahan ang Sabah.

Ipinasa ng Kongreso ang Republic


Act No. 5446 na nagpabago sa
Baseline Law RA 3046 ng bansa at
naglagay sa Sabah bilang bahagi ng
soberaniya ng Pilipinas. Pormal na
hinabol ng pamahalaang Diosdado
Macapagal at ni Sultan Esmail Kiram I
ng Sulu ang pag-angkin sa Sabah.
Nakipag-usap din sila sa pamahalaan
ng Malaysia. Nagpatuloy ang
paghabol noong panahon ni
Pangulong Ferdinand Marcos. Naging
agresibo ang plano sa pagsakop sa
Sabah at pagkumbinsi sa mga
Pilipinong nakatira sa Sabah na
humiwalay sa Malaysia sa
pamamagitan ng planong Operation
Merdeka (Operation Freedom). Sa
operasyon, sinanay ang mga sundalo
sa pakikipaglaban. Karamihan sa
kanila ay mga Tausug at Sama na
nagmula sa Sulu at Tawi-Tawi.

Subalit hindi nagtagumpay ang


planong operasyon dahil sa
pagtanggi ng mga sundalong sinanay
nang malaman nilang ang mga
lalabanan ay kaparehong mga Muslim
na nasa Sabah. Maliban dito, sila ay
hindi nabayaran ng ipinangakong
suweldo. Nagtapos ito sa tinawag na
Jabidah Massacre (Jabidah ang
ipinangalan sa commando unit ng
mga sinanay na sundalo).
Pinaniwalaang ang mga sundalong
sinanay ay pinatay mismo sa lugar ng
pagsasanay sa Corregidor. Ang
Jabidah Massacre ang sanhi ng galit
ng mga Muslim sa Mindanao at
nagbunga ng paglaban ng mga
Muslim sa pamahalaan.

Nakasaad sa Mindanao Peace


Garden na inilagay ng National
Historical Commission sa
Corregidor ang sumusunod:

This site served as a camp for


the training of Moro youth by staff
of the Armed Forces of the
Philippines. This started in Simunul,
Trzen-Tazzi 17 December 1967, and
transferred to Corregidor, 3 January
1968. The reports of killing of
several members on 18 March 1968
served as a fuse for the dispute in
Mindanao that led to the national
crisis in the decade of the 70s. The
Mindanao Garden of Peace
symbolizes goodwill among Filipinas
to attain peace and progress in our
country: (translation by Rigoberio
Tiglao)

Pagkatapos ng administrasyong
Marcos, natigil ang sultanato at
pamilya ng mga Kiram sa paghabol
sa Sabah. Walang ibinunga ang mga
diplomatikong pakikipag-usap sa
panahon ni Pangulong Diosdado
Macapagal at naging dahilan pa ng
pagsakop ng 200 tagasunod ni Sultan
Jamalul Kiram III sa Lahud Datu sa
distrito ng Felda Sahabat, Sabah
noong Pebrero 11, 2015.
Pinamunuan ito ni Raja Muda
Agbimuddin Kiram, ang anak ni
Jamalul Kiram III. Ang pagsalakay sa
Lahud Datu ay nagbunga ng
kamatayan ng 60 katao kabilang ang
mga tropa ng Malaysia. Nabigo ang
mga nagtangkang sumakop sa
Sabah. Ngunit naniniwala si Prinsesa
Jacel Kiram-Hasan, ang anak ni
Jamalul Kiram III, na maituturing din
itong tagumpay dahil maraming
Pilipino ang hindi nakaaalam sa
Sabah at ang karapatan ng Sultanato
ng Sulu at ng pamahalaan ng
Pilipinas sa Sabah sa pamamagitan
ng mapayapang paraan batay sa
kasaysayan at karapatan sa pag-aari
nito. Ang pag-angkin sa Sabah na
isang teritoryong mayaman sa mga
kagubatan at langis at nagbibigay ng
73 bilyong dolyar sa ekonomiya ng
Malaysia ay hindi simpleng kaso ng
soberaniya.

Pagsalakay ng mga
Tausug(Pebrero 2013)-

-ay ginawa upang ipakitang may


mga Pilipinong umaangkin at may
karapatan itong ipaglaban. Ito ay
ipinaupa lamang sa mga British at sa
pamahalaan ng Malaysia sa halagang
5,300 ringgit o PHP 75,140 taon-
taon, ang upa na hindi nagbago sa
mahigit na isang daang taon. Ayaw
nang ipagpatuloy ng mga Kiram ang
kontrata upang maangkin na ang
teritoryo at makinabang sa mga likas
na yaman nito.

Mayo 2016-

Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo


Duterte sa isang panayam na
ipagpapatuloy ng pamahalaan ang
paghabol sa Sabah dahil ito ay nasa
loob ng 200 nautical mile exclusive
economic zone ng bansa.

DAY 2
“Ang UNCLOS: Implikasyon sa Pilipinas”
Engage/Explore Explain/Elaborate Output #2:
(Ang output #1 ang
1. Panalangin Ang UNCLOS: Implikasyon sa magsisilbing output sa
Pilipinas buong linggo)
2. Pagbati
3. Pagtsek sa mga lumiban
Ang United Nations Convention on
sa klase.
the Law of the Sea (UNCLOS) ang
sandata ng Pilipinas sa mga kaso
laban sa ibang bansa tungkol sa mga
Pagganyak
kasong maritime at hurisdiksiyon.
Maaari itong maging epektibong
“PICTURE ANALYSIS”
instrumentong magagamit ng bansa
kapag may sigalot sa pagitan ng
Panuto: Suriin ang larawan
Pilipinas at ng ibang bansa at estado.
sa ibaba. Ipahayag sa klase
Ngunit, kung ang mga probisyon ng
ang iyong saloobin ukol
UNCLOS ay susuriin sa pamamagitan
ditto.
ng paghahambing ng epekto ng mga
probisyon at ng ibang pandaigdigang
kasunduang pinasukan ng Pilipinas,
masasabing talo ang bansa.

PAGTAKDA SA MGA HANGGAHAN

Ang UNCLOS ay isang


pandaigdigang kasunduang
nagtatakda ng hanggahan sa mga
dagat na teritoryo ng mga bansa.
Nasa loob ng mga hanggahang ito
ang mga likas-yaman ng dagat na
maaaring galugarin at gamitin. Ang
Pilipinas na isa sa mga lumagda sa
UNCLOS ay kailangang sumunod sa
mga probisyon at tumalima sa mga
batas. Sa pamamagitan nito
naipagtatanggol ang soberaniya
batay sa kasunduan ng UNCLOS at
Pilipinas ukol sa hanggahan.
Ngunit mayroon ding isang
pandaigdigang kasunduang nilagdaan
ng bansa bago pa ang UNCLOS na
maaaring hindi na sundin at ito ang
Treaty of Paris. Totoo ito kapag may
mga kaso ang magkakatabing bansa
kung saan kailangang sumunod sa
mga hanggahan sa ilalim ng
Convention. At para sa isang bansa,
nagiging dahilan ng komplikasyon sa
mga pandaigdigang kasunduan ukol
sa mga hanggahan dahil hindi nito
magamit ang legal na trabaho sa
pagtakda ng mga hanggahan ng mga
bansang nilagdaan ng Pilipinas.

SOBERANIYA SA MGA
KATUBIGANG TERITORYO

Nasa Saligang Batas ng Pilipinas


ng 1987 ang kahulugan ng mga
katubigang teritoryo at mga
katubigang panloob ng Pilipinas
bilang ang mga katubigan sa paligid,
pagitan, at nag-uugnay sa mga pulo
ng kapuluan anuman ang lawak at
laki nito. Ang klasipikasyong ito ay
batay sa mga pandaigdigang batas
bilang bahagi ng lupain at ng
soberaniya ng Pilipinas.

Sa sakop nitong teritoryo, lubos na


pinairal ng Pilipinas ang soberaniya at
naipagbabawal ang karapatan ng
mga barko ng isang bansa na
dumaan maglayag sa soberanong
teritoryo ng Pilipinas.

Ang karapatang dumaan (right of


passage) ay may legal na kahulugan
bilang karapatang maaaring ibigay sa
isang dayuhang barkong dumaan sa
katubigang teritoryo ng isang bansa.

Ang binagong Republic Act No.


3046 ang nagtakda ng hanggahan ng
Pilipinas bilang lahat ng mga
katubigan sa paligid, pagitan, at mga
nag-uugnay sa mga pulo ng
kapuluang Pilipinas. Sa itinakda,
makikita na ang lahat ng katubigan
sa loob ng hanggahan ay mga
katubigang panloob ng bansa. Ang
hanggahan ay tumutukoy sa mga
katubigan sa pagitan ng mga
katubigang panloob at soberanong
teritoryo.
Batay sa UNCLOS, lumiit ang mga
katubigang panloob ng Pilipinas; ang
mga katubigang nag-uugnay sa mga
pulo ay ginawang katubigan ng
kapuluan at nagbigay ng karapatan
para sa inosenteng pagdaan. Sa
ilalim ng mga patakaran at
regulasyon, maaaring pumasok sa
bansa ang mga dayuhang barko.

You might also like