Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

I. A. Pamagat ng Katha: SANDOSENANG SAPATOS ni LUIS P.

GATMAITAN
B. Sanggunian o Aklat na Pinagkunan: PHILNEWS.PH
https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://philnews.ph/
2022/02/02/sandosenang-sapatos-ni-luis-p-gatmaitan-buong-
kwento/&ved=2ahUKEwi74fi-
scj7AhWEslYBHbkUCrYQFnoECBEQAQ&usg=AOvVaw0aOVrBJkIHOrQ83roI1JQg
II. Buod
Ang ama ni Karina ay isang mahusay na magsa-sapatos at tuwing may
okasyon, ang kanyang ama ay hindi pumapalya na gawan siya ng bagong pares.
Ang kanyang mga magulang ay matagal nang nagdarasal na mabiyayaan sila ng
isa pang anak at nangyari nga ito. Masaya sila dahil isa na namang babae ang
kanilang magiging anak at sa sobrang tuwa, ang kanyang ama ay nais itong
maging balerina. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, dahil sa isang sakit, ang
kanilang bunso na si Susie ay naipanganak ng walang dalawang paa. Sa tuwing
igagawa si Karina ng sapatos ng kanyang ama, malungkot na lang itong
napapatingin sa bunsong anak at napapabuntong-hininga. Isang araw, ang
bunsong kapatid na malapit sa kanyang Ate Karina ay may kwento na ibinahagi.
Ang kanyang kwento ay tungkol sa kanyang panaginip kung saan siya ay may
paa at nakakasuot ng sapatos. Malinaw na isinalarawan ni Susie kay Karina ang
bawat sapatos na kanyang napapanaginipan tuwing sasapit ang kanyang
kaarawan. Subalit, nang tumuntong ng edad 12 si Susie, namatay ang kanilang
ama. At isang araw, habang nasa bodega si Karina at naghahanap ng mga
sapatos na maari nilang maipamigay, may nakita siyang mga kahon ng sapatos
na maingat na nakasalansan at doon niya nadiskubre ang isang dosenang pares
ng sapatos na may iba’t ibang laki at para sa iba’t ibang okasyon. Bawat pares
ay may sulat mula sa kanyang ama para sa kanilang bunso. At nang makita ni
Susie ang mga sapatos na para sa kanya, nagulat siya dahil ang mga ito ay
katulad na katulad sa mga sapatos na nasa panaginip niya.
III. Pagsusuri
A. Uring Pampanitikan
Ang akdang binasa ay maituturing na isang maikling kwento. Ito ay isang uri
ng masining na panitikan na tinatayang hindi lalagpas sa pitong libo at limang
daang salita. Ito ay may banghay, tauhan, tagpuan, paksa at aral. Ang akdang
Sandosenang Sapatos ay isang maikling kwento na nabibilang sa uri ng kwento
ng katutubong kulay, dahil binibigyang diin dito ang kapaligiran at uri ng
pamumuhay at hanapbuhay ng mga tauhan sa nasabing lugar.

B. Estilo ng Paglalahad
Ang kwento ay nasa kronolohikal o sunod-sunod na paglalahad ng
pangyayari. Ngunit may ilang pagkakataon na nagkaroon ng patumbalik-isip, ito
ay noong naalala ni Karina ang isang pangyayari kung saan pinagsalitaan nga
isang mama ang kaniyang bunsong kapatid ng masama o di kaaya-ayang mga
salita. Isa pang pangyayari ay noong binalikan ni Karina at ni Susie ang mga
sapatos na napanaginipan ni Susie noon.

C. Mga Tayutay

• Parang may madyik ang kaniyang kamay - Pagtutulad (simile)

• Tinawid kaya ng pag-ibig ni tatay ang panaginio ni Susie


- Pagbibigay-katauhan (personification)

D. Sariling Reaksyon

1. Mga pansin at puna sa:

a. Mga Tauhan

• Ang amang sapatero – isang mabuting asawa, isang mapagmahal na


ama, at siya ay isang mahusay na sapatero. (sumisimbolo ang ama
bilang matibay na haligi ng tahanan)

• Karina – mapagmahal na kapatid at magaling sa pagpinta

• Nanay – mabuting asawa at isang maarugang ina

• Susie – ipinanganak nang walang paa at mahusay magsulat

b. Tagpuan

• Ang kweto ay umiikot sa bahay nila Karina.

c. Estilo ng Awtor

• Ang istilo ng pagkakasulat ng kwentong Sandosenang Sapatos ay


Malikhain sapagkat gumamit ang may akda nito ng imahinasyon
upang lumikha ng karakter, senaryo o pangyayari upang makabuo ng
mga pangyayari sa isang paksa. At ang Layunin ng may akda ay
paganahin ang imahinasyon at pukawin ang damdamin ng kanyang
mambabasa.

d. Galaw ng Pangyayari

• Ang galaw ng pangyayari ay nasa tradisyunal na anyo sapagkat ito ay


naglahad ng sunod-sunod na pangyayari o nasa kronolohikal na ayos na
kung saan ito ay may panimula nagtungo sa kapana-panabik na
pangyayari at nagtapos sa wakas na may aral na makukuha at
matututunan.

e. Pananalig Pampanitikan/Teorya

• Binase ni Luis P. Gatmaitan ang kaniyang akda na Sandosenang


Sapatos (maikling kwento) sa Teoryang Romantisismo. Ang teorya na ito
ay pagpapakita ng mga paraan ng isang tao na ipakita ang kaniyang
pagmamahal. Sa akdang Sandosenang Sapatos, ang kwento ay kaibig-
ibig sapagkat ito'y naglalaman ng isang pagmamahalang walang pinipili.
Sa kabila ng kapansanang tinaraglay ni Susie ay labis parin ang
pagmamahal at pag-aaruga nila rito. Imbis na talikuran ng pamilya lubos
nila itong tinanggap ng buong puso. Handa nilang ipaglaban ito sa mga
kutya at puna ng ibang tao.
Only two pages were converted.
Please Sign Up to convert the full document.

www.freepdfconvert.com/membership

You might also like