Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

STA.

ANA NATIONAL HIGH SCHOOL


D. Suazo St., Davao City

Paaralan STA. ANA NATIONAL HIGH SCHOOL


Baitang/Sekyon Grade 7 -Blueberry, Everlasting, Begonia
Petsa/Oras Pebrero , 2020 / 7:15-8:15, 10:30-11:30, 11:30-12:30
A. Layunin Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral sa ikapitong baitang ay inaasahang:

1. nakapagbibigay ng mga katangiang taglay ng mga tauhan sa kuwento,


2. nakapagbabahagi ng sariling damdamin at saloobin ng tauhan sa akda at,
3. naisasadula ang isang pangyayari batay sa paksang nabunot.
B. Pamantayang Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa Ibong Adarna bilang isang obra maestra sa
Pangnilalaman Panitikang Pilipino.
C. Pamantayan sa Naisasagawa ng mag-aaral ang malikhaing pagtatanghal ng ilang saknong ng koridong
Pagganap naglalarawan ng mga pagpapahalagang Pilipino.

D. Mga Kasanayan sa F7PN-IVe-f-20


Pagkatuto Naibabahagi ang sariling damdamin at saloobin sa damdamin ng tauhan sa napakinggang bahagi
ng akda.
F7PB-IVc-d-22
Naiuugnay sa sariling karanasan ang mga karanasang nabanggit sa binasa.
I. Nilalaman
A. Paksa Panitikan -Ibong Adarna

II. Kagamitang Pangturo


A. Sanggunian Modyul, De Guzman, Maria O., Ibong Adarna, Pampaaralan, National Book Store

B. Karagdagang Modyul, larawan, lapel


Kagamitan

III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Bago simulan ang panibagong aralin at talakayan ay pangungunahan muna ito ng mga mag-aaral
ng,

 Panalangin
 Pagbati
 Pagtala sa mga lumiban
B. BALIK-ARAL Pagbabalik-aral tungkol sa Kabanata 1 hanggang Kabanata 15 na tinalakay sa nakaraang pagkikita.

1. Saan inihalintulad ng may akda ang kanyang buhay?


2. Saan nagsimula ang pakikipagsapalaran ng tatlong prinsipe?
3. Bakit mahirap huliin ang Ibong Adarna?
4. Ilarawan ang paglalakbay ni Don Pedro.
5. Ilarawan ang paglalakbay ni Don Diego.
6. Ilarawan ang paglalakabay ni Don Juan.
7. Ilarawan ang unang pagtataksil nina Don Pedro at Don Diego.
8. Bakit ayw umawit ng Ibong Adarna?

Gawain: Think-Pair-Share
C. INTRODUKSYON
(PAGGANYAK)  Papiliin ang mga mag-aaral ng kapareha at hayaan silang magbahaginan ng pagsagot sa
tanong sa ibaba.
 Anong madalas ninyong pagtalunan o pag-awayan ng iyong kapatid? Paano kayo
nagpapatawaran sa isa’t isa? Gaano kahalaga ang pagpapatawad sa isa’t isa?
D. INTERAKSYON Unang Araw
(Presentasyon ng
Bagong Aralin)  Pagtalakay sa Ibong Adarna (Kabanata 16-20) sa pamamaraang diskusyon.
Umalis si Don Juan
Sa Bundok Armenya
Misteryong Balon
Prinsesa Juana
Prinsesa Leonora

 Pagbato ng Katanungan
 Anong katangian ang ipinamalas ni Don Juan sa kabila ng pagtataksil ng kanyang mga
kapatid?
 Ano naman ang katangian na ipinamalas ni Prinsesa Juana sa tagpong ito?
 Anong katangian ang ipinamalas ni Prinsesa Leonora sa tagpong ito?
 Ano ang naramdaman ni Don Juan nang magising siya at wala na ang Adarna?
 Ano ang naging desisyon ng mga magkakapatid nang matagpuan nila si Don Juan sa
Armenya? Sang-ayon ka ba rito? Pangatuwiranan ang sagot.
 Tama ba ang naging desisyon ni Don Juan na sumama sa mga kapatid at
magtiwalang muli? Bakit?
 Naniniwala ka ba sa pag-ibig sa unang pagkikita? Masasabi bang tunay na pag-ibig
ito? Bakit?
 Pagproseso ng Kasagutan

Ikalawang Araw

 Pagbabalik-aral sa nakaraang kabanata.


 Gawain: Pass the Ball
 Ipapasa ng mga mag-aaral ang bola, kung sino man ang mahintuan nito kasabay ng
pagtapos ng awit ng leron leron sinta ang siyang magbabahagi ng kanyang kasagutan sa
tanong na ipapaskil ng guro.
 Ano ang matinding pagsubok na pinagdaanan mo sa buhay?
 Paano mo hinarap ang mga pagsubok na ito?
 Ano ang natutuhan mo sa pagharap sa mga pagsubok na ito?

 Pagtalakay sa Ibong Adarna (Kabanata 21-25) sa pamamaraang diskusyon.


Labanan ni Don Juan sa Higante at Ahas
Pagtataksil ni Don Pedro
Panaginip ng Hari ukol kay Don Juan
Kasal ni Prinsesa Juana
Ang Lobo

 Pagbato ng Katanungan
 Ilarawan ang naging pakikipaglaban ni Don Juan sa higante at serpiyente.
Makatotohanan ba ang pangyayaring ito? Pangatuwiranan ang sagot.
 Makatarungan ba ang sinapit ni Don Juan? Ano ang gagawin mo kung ikaw ang nasa
kalagayan niya? Pangatuwiranan ang sagot.

 Pagproseso ng Kasagutan

Ikatlong Araw

 Gawain: Picture Analysis


 Magpakita ng larawan ng mga bagay na nagsisimbolo ng tagumpay tulad ng tropeo, diploma,
plake, at iba pa. Magkaroon ng malayang pagbabahaginan ng sagot sa sumusunod na mga
tanong:
 Ano ang sinisimbolo ng mga bagay na ito? Kailan natatamo ang mga bagay na ito?
 Masasabi bang ganap nang tagumpay ang isang tao kapag nakamit niya ang mga
bagay na ito?

 Pagbabalik-aral sa nakaraang kabanata.


 Pagtalakay sa Ibong Adarna (Kabanata 26-29) sa pamamaraang diskusyon.
Pagkikita ni Don Juan at Ibong Adarna
Paghihinagpis ni Prinsesa Leonora
Paglalakbay ni Don Juan sa Reyno de los Cristales
Ang Himutok ni Don Pedro

 Pagbato ng Katanungan
Sino ang tumulong sa kanya upang gumaling ang kanyang mga sugat at maligtas siya
sa tiyak na kamatayan
Sino ang nakitang muli ni Don Juan habang binabagtas niya ang daan pabalik ng
Berbanya? Ano ang katotohanang isiniwalat ng Ibong Adarna at ipinayo kay Don
Juan?
Ano ang hindi nakakalimutang gawin ni Don Juan sa kanyang paglalakbay?
Ano ang nilalaman ng mga panaghoy ni Leonora? May karapatan ba siya sa pag-ibig
ni Don Juan? Kung ikaw ang nasa kanyang kalagayan, dapat pa ba niyang hintayin
ang pagbabalik nito? Bakit?

 Pagproseso ng Kasagutan

Ikaapat na Araw

 Pagbabalik-aral
Integrasyon

 Gawain: 123 Action!


 Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat.
 Bawat pangkat ay pipili ng isang representante na siyang bubunot ng paksa na kanilang
isasadula.
 Panliligaw Noon vs. Panliligaw Ngayon
 Bawat pangkat ay bibigyan ng 3 minuto upang maghanda.

Kriterya sa Pagsasadula

Pamantayan Puntos
Kaangkupan at 10
kaugnayan ng akda
sa kasalukuyan
Pagkamalikhain 8
Ekspresyon 7
Epekto sa madla 5
Kabuuan 30
IV. EBALWASYON Ibigay ang tamang sagot sa bawat tanong.

1. Saang bundok nagkatagpo ang tatlong magkakapatid?


2. Sa kanilang paninirahan doon, ano ang kanilang natagpuan?
3. Sino ang nagbabantay kay Prinsesa Juana sa balon?
4. Sino ang nagbabantay kay Prinsesa Leonora sa balon?
5. Ano ang naiwan ni Prinsesa Leonora?
6-10.Ilarawan ang pagtulong ng lobo sa sugatang katawan ni Don Juan.
V. Takdang Aralin Walang nakalaan na gawain sa araling ito.

VI. Pagpupuna Ipinasa ni: Siniyasat ni: Pinagtibay ni:

Nierez Alyssa L. Balili Ana Mary O. Banugan Adela G. Tenizo


Student Teacher Guro sa Filipino HT-IV-Filipino Dept. Head

You might also like